Determinado akong ipagluto si Onse, not knowing na disaster pala ang kalalabasan. Hanggang yakap sa sandok na lang ang nagawa ko, habang tinatanaw ang ginisang karne ng baka na ngayon ay natusta na, hindi ko alam kung paano mapatay ang apoy na tumutupok sa niluto ko.Ang saya-saya ko pa naman kanina habang hinahanda ang mga rekado sa lulutuin ko sanang beef broccoli. “Paano na ‘to?" natataranta kong tanong sa sandok na hawak ko. Hindi ako magaling magluto. Ang kaya ko lang lutuin ay mga basic lang. Frying eggs, heating canned goods, or boiling instant noodles—doon lang ako sanay. Sumubok nga lang ako ngayon. Sinunod ang suggestion ng kapatid ko. At saka, gusto ko rin sanang ma-impress si Onse. “Daisy!” Nilayo ako ni kuya sa umaapoy na kawali, at tinakpan niya ito ng takip ng kaldero. Ayon at nawala na ang apoy. Usok na lang ang natira na nagpaubo sa aming dalawa. “Ang sabi ko, magluto ka, hindi sunugin ang bahay!” Kinukumpas-kumpas na nito ang mga kamay, pinapalabas ang usok.Nak
Winaksi ko ang kamay ni Althea. Talagang sinusubok nito ang pasensya ko. “Umalis ka sa harap ko.” Sinusubukan ko pa rin na maging kalmado. Pero imbes na umalis si Althea, nginitian ako ng kakaiba. Ngiting naghahamon.“Paano kung ayoko?” sagot naman nito. Sinadyang lakasan ang boses niya. Kumukuha na naman ng atensyon. “Bakit kasi nagmamadali kang umalis? Don’t you want to spend some quality time with your ex and his wife?”Boses niya, halatang pin-provoke ako. Pero hindi ko hinayaan na makain ako ng inis ko. Imbes na sugurin ko siya, sigawan, at patulan ang kabaliwan niya, I gave her a tight smile that hid the simmering irritation building in my chest. Hindi naman kasi sana siya kasali sa awkward encounter naming tatlo ni Vincent at asawa nito, pero pilit siyang sumasali. Lahat nasa kanya na talaga. Attention seeker na, joiner pa. “Saan ka ba nag-aral?” Ang random ‘nong tanong ko, pero may nakatagong anghang. “What?” maang nitong sagot. Nabobo bigla. Simpleng tanong, hindi masagot
Nanginig ang labi ni Althea. Habol na rin nito ang hininga. For a moment, I thought she was on the verge of tears. But no—hindi sakit ang nakikita ko sa mga mata niya; hindi rin lungkot. It was rage. The kind of rage that carried unspoken threats. Umangat naman ang sulok ng labi ko. Kahit lumuwa pa ang mga eyeballs niya, hindi ako natatakot. Hindi nga ako nasindak sa plano niya na pamamahiya sa akin, lalo na sa nagbabanta niyang tingin na ngayon ay sinalubong ko ng mas matalim na tingin. Naputol lang ang titigan naming dalawa at napalingon sa kinaroroonan ni Vincent nang marinig ko ang boses nito. Pasok na raw sila, sabi niya sa asawa. Sandali ko namang napigil ang hininga ko. Ang lungkot-lungkot kasi ni Vincent. Ang in-expect kong maging reaction ni Althea, ay sa kanya ko nakita. Namumula at maluha-luha ang mga mata, halatang pinipigil nito na pumatak ang luha. Hindi nga rin niya maalis ang tingin sa akin. His face was etched with pain and sorrow. His wife, who had been clingin
ONSENagtagis ang bagang ko, at susugod na sana para ipagtanggol si Daisy na inaaway na naman ni Althea, but I froze when she lifted her hand, at pinakita nito ang singsing sa daliri niya.Para akong tangang napangiti. Puso ko, kumakabog-kabog. Ang saya-saya ko na makitang pinagyayabang nito ang suot na singsing."If I’m just a rebound, then why did he marry me?"Ang saya ko na kanina na makitang hindi siya nag-dalawang isip na itaas ang kamay niya, ngayon ay mas sumaya pa dahil sa sinabi niya. Gusto ko na nga siyang lapitan at yakapin ng mahigpit. Kahit kasi kaharap si Vincent, hindi siya nagdalawang-isip na sabihin ‘yon.I glanced at Vincent and saw the pain etched on his face. Sandali akong nakaramdam ng awa. But tapos na nga sila, at siya ang naunang bumitiw sa relasyon nila. Kung nasasaktan man siya ngayon, kasalanan niya.Dahan-dahan akong humakbang palapit kay Daisy na walang kaalam-alam na nasa malapit niya lang ako. Maging si Althea ay hindi ako napansin, focus siya sa nararam
Tuluyan na akong nilamon ng init ng katawan. Mas naging mapusok pa ang halik ko. At kung kanina at nanigas ang buong katawan ni Daisy, ngayon ay nakalapat na sa dibdib ko ang palad nito, sinubukan na awatin ako. Tinulak niya ako, but hindi ko hinayaan na makawala ang labi niya sa labi ko. Hawak ko na ang kanyang batok, my grip gentle yet firm. "Onse," she managed to whisper. Ang kamay niya na kanina ay nagsilbing harang sa pagitan naming dalawa, ngayon ay nakalapat na sa pisngi ko. I couldn’t help but smile as I noticed her lips twitch. Hindi niya kasi tinugon ang halik ko. Siguro nagulat sa ginawa ko. Naging mapusok kasi ako. Hindi simpleng halik ang ginawa ko. Pero ang paggalaw ng labi niya na akala ko ay sign na tutugon na siya sa halik ko, hindi nangyari. Tinulak niya ang mukha ko, hindi ko na naawat. “I can’t breathe,” she complained, glaring at me while trying to catch her breath. Hindi ko naman napigil ang tawa. “Hindi ka nakahinga kasi, hindi ka tumugon,” I s
Nang matapos ako sa ginagawa, napatayo rin ako sandali malapit sa couch. Check ko lang, baka may nakita siya na hindi niya gusto at itatapon ko. Pero wala namang bagay sa couch. “What are you doing out here?” I asked, wrapping my arms around her from behind. Paigtad siyang napalingon sa akin, at syempre sinalubong ko naman ng mabilis na halik ang labi niya. “Onse, nakakarami ka na, hah,” sabi niya, at gustong kalasin ang kamay ko na yakap-yakap ang tiyan niya. “Namimihasa ka na talaga," dagdag na pa nito. “Kulang pa nga ‘yon,” I said, my voice laced with affection. “Mahal kita, asawa ko, kaya sisiguraduhin ko na lagi kang busog sa pagmamahal at halik ko.” “Ang sabihin mo, gusto mo lang makaisa!" “Hindi ‘no," agad ko namang sagot at pinihit siya paharap. “Gusto kong makarami," ngisi kong sabi, sabay naman ang mabilis na halik sa kaniya na ikinatirik na lang ng mga mata niya. After a while, I suggested we sit in the living room to relax, but she shook her head. “No,” she
Kahit nakalayo na ang sasakyan ni Daisy. ‘Yong kaba ko, hindi pa rin nawawala. My heart pounded against my ribs. Kaya ganito na lang ang nararamdaman ko, kasi bumalik sa alaala ko ang masamang nangyari noon sa pamilya ko. Ang pangyayaring dahilan kung bakit nawalay sa amin ang kapatid ko sa amin ng matagal na panahon. Ang tagal na ‘yon nangyari. Ilang taon na, but parang bumalik na naman ang trauma—ang takot ko. Ang pangyayari ding ‘yon ang dahilan kung bakit tinalikuran ng mga magulang ko ang pagiging lawyer. At ako, kung hindi naman natagpuan ai Charmaine, siguro ay hanggang ngayon, hanggang title lang ang pagiging lawyer ko. Heto na naman ako sa sitwasyong ‘to. Nakatagpo na naman ako ng hayop na kalaban. Pero hindi dapat ako magpadala sa takot. Hindi na ako bata, kaya ko nang ipagtanggol ang sarili ko, at ang mga mahal ko sa buhay. May kakayahan na akong lumaban. Hindi na ulit mangyayari ang trahedyang naranasan ng pamilya ko noon. Kinalma ko ang sarili, at saka mabagal na nag
DAISY Kung kanina habang bumabyahe kami papunta sa firm ay panay pa rin ang lambing ni Onse, pumaparaan pa nga na humawak sa hita ko, ngayon ay nagtataka naman ako sa kilos niya na biglang nagbago. Biglang naging seryoso. Alam kong may mali. Hindi pwedeng bigla na lang siyang magbago ng walang dahilan. Pagbaba niya ng sasakyan ay biglang nag-iba na agad ang timpla niya. ‘Yong mga titig niya na parang inaakit ako, napalitan ng tinging nababalisa. Parang may kinatatakutan. Nalilito ako. Nagtataka. Pinipilit-pilit pa nga niya akong mag-stay, pero nang lalabas na sana ako, pinapaalis naman niya; hindi lang simpleng pinapaalis, tinataboy niya ako. Gusto ko pa sanang magtanong, pero sa nakikita ko sa mga mata niya, determinado talaga siya na paalisin ako. Kaya lang, pansin ko naman ang panay na paglingin niya. I followed his gaze, at kitang-kita ko ang anino ng taong nakakubli roon. Hindi ko alam, pero nang makita ang anino ng kung sinong lalaki, nakaramdam ako ng kaba. Utak ko
Onse Isang buwan na ang lumipas matapos ang bangungot na nagdulot sa amin ng takot—takot na si Althea ang dahilan. Ngayon ay unti-unti nang bumalik sa dati ang lahat. Wala nang banta at panganib na nag-aabang sa amin. Nakulong na si Althea, habang buhay niyang pagbabayaran ang mga kasalanang nagawa, at ang mas satisfying, hindi lang parusa ng tao ang natanggap niya, pati parusa ng diyos. Dahil babae nga siyang hindi mapakali at iba’t-ibang lalaki ang sinamahan, nagkasakit siya—cervical cancer at nasa huling yugto na. Si Vincent naman ay namuhay na ng payapa kasama ang asawa sa ibang bansa. Sa wakas ay tanggap na niya na tapos na sila ni Daisy at may kanya-kanya na silang mga buhay. Ako naman, nangakong bubuharahin ang lahat ng mga bahid ng takot na paminsan-minsan pa ring gumigising sa amin sa kalagitnaan ng pagtulog. Sa tulong ni Charmaine at Danreve, at ng aming mga pamilya, tuluyan nang bumalik ang sigla ni Daisy. Hindi na rin sumumpong ang memory lapses niya na ipinagpa
Onse Habang pauwi, panay pa rin ang sulyap ni Danreve sa akin sa rear view mirror. Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya, o kung ano gusto niyang sabihin. Paminsan-minsan rin niyang tinatapunan ng tingin si Daisy. Gustong-gusto ko nang magtanong kung ano ang iniisip niya, pero kinakabahan naman ako sa kung ano ang kanyang sasabihin. Baka kasi magdulot na naman ng kaba sa asawa ko. Ilang sandali pa ay rinig na namin ang mahinang hilik ni Daisy na nagpangiti naman sa akin. Kahit paano ay nakaramdam ako ng ginhawa. Sa kabila ng mga nangyari, hindi siya bumigay. Naging matatag siya kahit nalagay na sa panganib ang buhay. Sana lang, hindi na bumalik ang memory lapses niya. “Ano ba, bro? Kanina ka pa!" Hindi na ako nakatiis at sinita ko na nga kaibigan kong ayaw pa rin akong tantanan ng tingin. “Sabihin mo na ang laman ng utak mo, nakakatakot na ang klase ng tingin mo," dagdag ko na tipid na ngiti naman ang sagot niya. “Nakakatakot agad? Masaya lang ako, kasi walang masama
Pikit mata kong niyakap si Daisy, habang pigil ang hininga, pero agad ko ring naidilat ang mga mata nang makaramdam ng tapik sa balikat. Kumawala ang hiningang kanina ay napigil ko. Napako ang tingin sa kaibigan kong bakas ang pag-alala sa mukha. Ang putok ng baril kanina ay hindi galing sa baril ni Althea, kundi galing sa baril bodyguard ni Danreve na hanggang ngayon ay nakatutok pa rin sa maliit na bintana. "Are you two okay?" tanong ni Danreve, habang gumagala ang mga mata sa amin ni Daisy, naghahanap ng pinsala o tama sa aming katawan. Umiling-iling ako. Gusto kong sumagot na hindi ako okay. Halos mapugto ang hininga ko nang makita si Daisy na nakalambitin sa bintana. Hanggang ngayon nga ay kinakapos pa rin ako sa hininga. Hindi ko pa magawang luwagan ang pagyakap kay Daisy na parang batang kumapit sa batok ko at binaon ang mukha sa dibdib ko. “Asawa ko,” pabulong kong sabi. Gaya ko, nanginginig din ang buong katawan niya at kinakapos sa hininga. “It’s over. You’re safe
“Kuya, magpahinga ka naman muna,” mahinahong sabi ni Charmaine.Kanina pa nila ako sinisitang mag-asawa. Gusto nilang magpahinga ako. Pero paano ako makapaghinga? Hindi ko pa alam kung nasaan si Daisy. Wala pa ring balita sa kanya. Para sa akin ang magpahinga ay pagsasayang ng oras. Nandito nga ako ngayon sa hospital kasama sila, pero maya’t maya naman ay may kausap ako sa cellphone. Nagtatanong kung may balita na ba, kung may lead na kung sino ang dumukot kay Daisy. Kahit ilang segundo ay hindi ako tumigil na gumawa ng paraan para matunton si Daisy. “Hangga’t hindi pa nahahanap si Daisy, hindi ako magpapahinga,” sagot ko sa kapatid kong napabuntong-hininga na lang habang inalo-alo naman ni Danreve. “Alis na muna ako." Lalabas na sana ako, pero nahinto nang mag-ring ang cellphone ko na agad kong sinagot. Tawag mula sa police station ang natanggap ko na sandaling nagpatulala sa akin. Dinukot raw si Vincent ng mga armadong lalaki, at kasalukuyang sinusundan ng mga pulis.Hindi tung
Rinig na rinig ko pa rin ang malakas na kalabog sa labas ng kwarto. Sigurado ako, nakaramdam si Althea na walang nangyayari sa amin ni Vincent sa loob, kaya gumawa na sila ng paraan na mabuksan ang pinto. Ilang beses ko pang narinig ang kalampag at ang huli ay malakas na kalabog. Tanda na nabuksan at napasok na nila ang kwarto. At ngayon nga ay naririnig ko na ang nangyayaring commotion. “Nasaan si Daisy?" nanggagalaiting sigaw ni Althea na sumabay sa pamimilipit ni Vincent. Sunod-sunod na pumatak ang mga luha ko. Iniharang ang naninigas kong katawan sa pinto. Kada sigaw, utos ni Althea, at daing ni Vincent ay tumatagos dito sa loob ng banyo na nagpapapikit sa mga mata ko. Hindi ko alam kung alin ang tatakpan ko, tainga ko ba para hindi marinig paghihirap ni Vincent o bibig. Sa huli ay bibig ko ang tinakpan ko sa nanginginig kong mga kamay. Muntik na kasing kumawala ang paghikbi ko, kaya sinusubukan pigilin. Kada sigaw at daing ni Vincent ay nag-so-sorry ako. Wala n
Vincent’s jaw clenched as his eyes flicked to me, then to Althea. Tumawa naman ng malakas si Athea. “Oh, Vincent, bakit ganyan ang hitsura mo? Bakit parang nagulat ka? Bakit parang hindi ka masaya? Hindi ba’t ito naman ang gusto mo? To be with Daisy, ang pinakamamahal mo!” Nakagat ko ang labi ko. Sunod-sunod na namang pumatak ang mga luha ko. “This isn’t what I wanted, Althea. Pakawalan mo siya!” singhal niya. Akmang lalapit sa akin, pero agad siyang hinawakan ng mga tauhan ni Althea. “You’re insane.”“Am I?” Tumaas ang isang kilay ni Athea, sumilay na naman ang kakaibang ngiti sa labi niya. “Mga tao nga naman, sila pa ‘yong tinulungan, sila pa ang galit. Napaka-ungrateful.” “Tigilan mo na ‘to, Althea. Pakawalan mo na si Daisy!” “Anong titigilan? Hindi pa nga tayo nagsisimula, tapos tigil na?” nakakaloko na naman siyang tumawa. ‘Yong tawa na parang biro lang sa kanya ang mga nangyayari ngayon. Parang pinaglalaruan niya kami. “Akin na…” sabi ni Althea sa tauhan niya na alerto nama
“Yes, It’s me, your biggest nightmare!" Sunod-sunod na pumatak ang mga luha ko. Hindi ako makapaniwala na hahantong ang selos ni Althea sa ganito. “Althea, bakit mo ba ‘to ginagawa? Pakawalan mo ako!" “Shut up!” singhal niya. Ang tinis ng boses niya, ang sakit sa tainga. Hindi pa siya kontento na singhalan ako, dinuro-duro niya pa ako sa puntong halos itusok na niya ang daliri sa mga mata ko. Sandaling tumigil ang paghinga ko habang nakatingin sa nanlilisik nitong mga mata. Kung dati ay puno ng kaartehan ang kada salita niya at kada galaw, ngayon ay nawala ‘yon lahat. Galit at pagkamuhi ang nakikita ko sa mga mata niya. Galit na sa tingin ko ay handang pumatay.“ ‘Yan nga, tumahimik ka! Hindi uubra ang pagtapang-tapangan mo ngayon!” Malakas na tawa ang tumapos sa salita niyang ‘yon.Punong-puno ng takot ang dibdib ko. Pero hindi pwede na lagi na lang akong magpapadala sa takot. “Althea, tigilan mo na ‘to, please. Pakawalan mo na ako.” Pakiusap ko, sa kabila ng nakakatakot na hitsur
I woke up in an unfamiliar bed, feeling like I was trapped in a nightmare. Hindi ako makagalaw. Nakatali ang mga kamay at paa ko. Ang dilim pa nitong kwarto na kinaroroonan ko. Napahikbi ako na sumabay sa malakas na kabog ng puso ko. Sinubukan kong alisin ang tali sa kamay ko. Hinila-hila ang mga paa ko at hinablot ng paulit-ulit mga kamay, hindi alintana ang sakit na nararamdaman ko. Desperado akong makawala—desperadong magising sa masamang bangungot na parang pumapatay sa akin ngayon.“Ayoko rito!" Pakawalan n’yo ako!” Nanghihina kong sigaw, pero hindi pa rin tumigil sa paghablot sa kamay ko. Kada hablot, kada ikot sa mga kamay ko, kada tadyak ng may kasamang determinasyon na makakatakas ako. Pero walang silbi ang ginagawa ko. Kahit binuhos ko na ang buong lakas ko, ayaw pa rin maputol ng tali, ayaw matanggal. Ang hapdi na ng pulsuhan ko, ang sakit-sakit ng mga paa ko. Tumingala ako, pilit inaainag ang tali sa kamay ko. Lalo lang akong nanlumo nang makitang makapal na lubid ang m
OnseNandito na ako sa courtroom, pero kahit anong gawin ko, hindi ako makapag-focus. Nahahati ang utak ko—kay Daisy sa mga tanong na binato sa kliyente ko sa ginawang cross-examination. Nagagawa ko pa namang sitahin ang mga misleading na tanong, pero halatang humihina ang depensa ko.Hindi ko magawang iwaglit sa isipan ko ang pag-aalala. Siguro, ganito ang nararamdaman ni Daisy sa tuwing hindi niya ako kasama, kinakain ang buong sistema niya ng takot. Kasama nga niya si Charmaine at Danreve, pero nag-aalala pa rin ako. Nang matapos ang court hearing, agad-agad akong umalis, ni ang kausapin ang kliyente ko ay hindi ko na ginawa. Nangako ako kay Daisy na susunod ako.Ang bilis ng mga hakbang ko papunta sa parking area, at dire-diretsong nag-drive papunta sa hospital. Ilang minuto lang nakarating na ako. Dali-dali naman akong nagpunta sa clinic. Mga hakbang ko ang bilis at ang laki. Gusto ko kasi na marinig mula sa doctor ni Daisy na nasa maayos ba na lagay ang baby namin.Heto na