“Remedy? Or a rebound?!" Parang malakas na sampal na tumama sa mukha ko ang mga salitang ‘yon na nagpaparalisa sa buo kong katawan. Pati ang paghinga ko ay napigil ko. I couldn’t move, but humigpit naman ang pagkakahawak sa bote ng red wine na dala ko. “Now, you can't say anything, because deep down, you know it's true. Naging panakip butas mo ang Daisy na ‘yon!" Sa isang iglap, parang nawalan ng lakas ang kamay ko, at kusang dumulas ang bote na kanina ay mahigpit ang pagkakahawak ko. Huli na ng mahimasmasan ako, tuluyan nang bumagsak ang bote sa sahig at naglikha ng malakas na ingay. “Daisy!” Onse exclaimed, rushing toward me. He looked startled, almost guilty. Katulad ko, alam kong hindi niya inaasahan na mangyayari ang eksenang ‘to; hindi niya inaasahan na darating agad ako, at marinig ang pagtatalo nila na ako ang dahilan. Hindi ko na magawang salubungin ang mga mata niya—ang mga mata nila. Kaagad akong umiwas, yumukod, to pick up the broken pieces of the bottle that now lit
“Daisy.” I can’t help but smile, nang marinig ang boses ni Sir Onse, but instead of turning around to meet his gaze, I looked down at his hand resting on my arm. His touch was gentle, but my heart raced at the contact. Slowly, I pulled my arm away, as if the warmth between our skins was too much to bear. Saka ako naglakas loob na salubungin ang titig niya.Muli siyang humakbang palapit sa akin at inabot ang payong. "Why did you follow me, sir?" I asked softly, keeping my voice calm despite the chaotic beat of my heart. His brown eyes stared back at me, filled with questions, but I couldn't afford to let myself drown in them. Katulad ko, paminsan-minsan niya rin na tinitingnan si Vincent sa loob ng kotse. With a light push, I nudged him backward, creating space between us. A space that felt wider than the years of waiting for him to like me. I glanced toward the entrance of the building, hoping he'd understand where he needed to be."Go back to your condo," I said, wearing a fake sm
Wala na si Sir Onse sa harap ko, pero ang sakit dito sa puso ko, hindi pa rin nawawala. Ang bigat-bigat pa rin ng nararamdaman ko. Habang umaandar ang kotse ni Vincent, hindi ko mapigilang lingunin ulit si Sir Onse sa huling pagkakataon. Mula sa malabong salamin ng kotse, nakita ko ang paglapit sa kanya ni Althea na agad yumakap sa baywang niya. ‘Yong yakap na parang takot siyang mawala ulit ito. At si Sir Onse… he didn’t push her away. Hindi ko man nakikita ang expression ng mukha nila, pero sapat na ang nakikita ko, para isiksik ko sa utak ko na mahal na mahal nila ang isa’t-isa.Ramdam ko na naman ang mga luhang gustong pumatak, pero pinipigilan ko. Not now. Hindi habang katabi ko si Vincent na kahit hindi nagsasalita, alam kong ramdam niya na nasasaktan ako ngayon. Matalinong tao si Vincent, at sigurado akong hindi rin siya manhid para hindi mararamdaman ang paghihirap ng kalooban ko. Sikreto akong bumuntong-hininga. “Hindi ka dapat nasasaktan ng ganito, Daisy,” paulit-ulit kon
ONSEWalang pagsidlan ang saya na nararamdaman ko. Althea was finally back. Lahat ng sama ng loob, galit, agad nawala nang magkita kami. The relief of knowing she had chosen me after all the heartbreak was overwhelming. Kung ano man ang nabasag sa loob ko noon, agad-agad nabuo dahil sa pagbabalik niya. Sure, she had made a mistake—falling for another guy’s sweet words—but I convinced myself that it was just a slip moment of weakness. After all, Althea is younger than me, and that gap always made me a little insecure. I worried that one day she might get bored of me or fall for someone her age. Nangyari nga ‘yon. But now, none of that matters. She was back, and that’s all I needed. Sisiguraduhin ko na hindi na ulit siya hahanap ng iba.Katatapos nga lang namin mag-usap. At sabi niya darating siya. Gusto niya raw bumawi sa mga kasalanan na nagawa niya. Sa sobrang tuwa ko, nag-send ako ng message kay Daisy na pumunta rito sa condo ngayon at may mahalagang nangyari na kailangan naming e
DAISY Hinatid ako ni Vincent sa bahay, at dahil ang lakas pa rin ng ulan, I invited him inside na hindi ko sana ginawa dahil mag-isa lang ako sa bahay. Nasa Canada na rin kasi si Mama kasama si Reynan at pamilya nito. Dapat sana ay kasama ko sila ngayon, umuwi lang kasi ako para um-attend sa kasal ni Charmaine. I am planning to stay only for a short vacation. Then, everything with Sir Onse happened—our friendship, our late-night talks, the way he leaned on me when things fell apart with Althea. It made me stay longer than I had planned. But then Althea came back. Ngayon, hindi ko na alam kung mananatili pa ba ako o aalis na lang. “Vincent magkape ka muna.” Tumango-tango lang si Vincent at ngumiti. I excused myself to freshen up, leaving him in the living room, where the comforting smell of coffee filled the space. As I showered, the cold water ran over me, mirroring the numbness I felt inside. I wished I could stay in the bathroom forever, letting the cold wash over me until m
DAISY Matapos ang ilang linggong walang tulog at puro iyak, sa wakas, nabuksan na rin ang isip ko. Natauhan na ako. It was time to stop waiting for someone who would never love me. Time to stop living in the shadows of a love that was never mine to begin with. Masaya na siya kasama ang mahal niya, kaya ako, bukas na bukas na rin ang puso para sa iba at maging masaya kagaya niya. For the first time, I agreed to go on a date with Vincent. It was a small step, para sa tuluyang pagbubukas ng puso ko. Ngayon nga ay nakatayo ako sa harap ng salamin, getting ready for our first official date, and I couldn’t help but feel a mix of emotions. There was excitement, takot, at may pangamba. Oo, handa na nga akong buksan ang puso ko para kay Vincent, but no matter how hard I tried to push Sir Onse out of my mind, he remained there—like an uninvited guest who refused to leave. I sighed, shaking my head at my reflection. Tinapik-tapik ko ang noo ko para tuluyang mawala sa utak ko si Sir Ons
Wala na akong nagawa kung hindi panoorin na lang si Daisy kasama si Vincent na parang sinasamantala ang pagkakataon na mahawakan na naman siya. Ewan ko ba, may pakiramdam ako na sinasadya ni Vencent na hawakan ng gano’n si Daisy para galitin ako. At nagawa nga niya. Sinisindihan niya ang galit ko. Gusto ko na nga silang habulin. Gusto kong agawin si Daisy mula sa kanya, at gusto kong sapakin siya at pagsabihan na layuan si Daisy. Pero ano ba ang karapatan ko para gawin ang bagay na ‘yon? Anong karapatan ko na manghimasok sa mga affairs ni Daisy? Gaya nga ng tanong niya kanina, anong pakialam ko? Kahit nagngitngit ang kalooban ko, I returned to the table na parang walang nangyari, but my thoughts were spinning. Si Daisy pa rin ang laman ng utak ko. I tried to push it out of my head at mag-focus na lang kay Althea, but it felt impossible. “Babe, are you okay?" tanong nito, at banayad na hinawakan ang kamay ko. Paulit-ulit akong tumatango at ngumiti. “Yes, I’m fine. Masaya ako na ka
My heart stopped, and my mind raced, realizing na mali ang nasabi ko. Bulong lang ‘yon, pero alam kong narinig ni Althea. Gaya ko, hindi na rin siya gumagalaw; hindi nakakapagsalita, at nanatili lang sa kandungan ko. Then she pushed me away. Hinagilap ang mga saplot niya at tahimik iyong sinuot, at pagkatapos ay hinarap ako.Kung kanina ay gulat ang nakikita ko sa mga mata niya, ngayon ay galit na. Galit na hindi ko alam kung paano pawiin, kung paano mawala.“What did you just say?” Nanginginig ang boses niya na sumabay sa marahas niyang paghinga dahil sa pinipigil na emosyon. Katulad niya, hindi ko na rin halos mahabol ang marahas kong paghinga. Panic rising in my throat. I couldn’t move, couldn’t speak. Gusto kong mag-sorry; gustong magpaliwanag, kaya lang paano? Bilang lalaki, alam kong walang excuse ang ginawa ko—ang sinabi ko. Alam kong nasaktan ko ng sobra si Althea sa puntong ‘to.“I…” Hindi ko magawang ituloy ang sasabihin ko, pero nilapat ko naman ang palad ko sa pisngi na
Nanginig ang labi ni Althea. Habol na rin nito ang hininga. For a moment, I thought she was on the verge of tears. But no—hindi sakit ang nakikita ko sa mga mata niya; hindi rin lungkot. It was rage. The kind of rage that carried unspoken threats. Umangat naman ang sulok ng labi ko. Kahit lumuwa pa ang mga eyeballs niya, hindi ako natatakot. Hindi nga ako nasindak sa plano niya na pamamahiya sa akin, lalo na sa nagbabanta niyang tingin na ngayon ay sinalubong ko ng mas matalim na tingin. Naputol lang ang titigan naming dalawa at napalingon sa kinaroroonan ni Vincent nang marinig ko ang boses nito. Pasok na raw sila, sabi niya sa asawa. Sandali ko namang napigil ang hininga ko. Ang lungkot-lungkot kasi ni Vincent. Ang in-expect kong maging reaction ni Althea, ay sa kanya ko nakita. Namumula at maluha-luha ang mga mata, halatang pinipigil nito na pumatak ang luha. Hindi nga rin niya maalis ang tingin sa akin. His face was etched with pain and sorrow. His wife, who had been clingin
Winaksi ko ang kamay ni Althea. Talagang sinusubok nito ang pasensya ko. “Umalis ka sa harap ko.” Sinusubukan ko pa rin na maging kalmado. Pero imbes na umalis si Althea, nginitian ako ng kakaiba. Ngiting naghahamon.“Paano kung ayoko?” sagot naman nito. Sinadyang lakasan ang boses niya. Kumukuha na naman ng atensyon. “Bakit kasi nagmamadali kang umalis? Don’t you want to spend some quality time with your ex and his wife?”Boses niya, halatang pin-provoke ako. Pero hindi ko hinayaan na makain ako ng inis ko. Imbes na sugurin ko siya, sigawan, at patulan ang kabaliwan niya, I gave her a tight smile that hid the simmering irritation building in my chest. Hindi naman kasi sana siya kasali sa awkward encounter naming tatlo ni Vincent at asawa nito, pero pilit siyang sumasali. Lahat nasa kanya na talaga. Attention seeker na, joiner pa. “Saan ka ba nag-aral?” Ang random ‘nong tanong ko, pero may nakatagong anghang. “What?” maang nitong sagot. Nabobo bigla. Simpleng tanong, hindi masagot
Determinado akong ipagluto si Onse, not knowing na disaster pala ang kalalabasan. Hanggang yakap sa sandok na lang ang nagawa ko, habang tinatanaw ang ginisang karne ng baka na ngayon ay natusta na, hindi ko alam kung paano mapatay ang apoy na tumutupok sa niluto ko.Ang saya-saya ko pa naman kanina habang hinahanda ang mga rekado sa lulutuin ko sanang beef broccoli. “Paano na ‘to?" natataranta kong tanong sa sandok na hawak ko. Hindi ako magaling magluto. Ang kaya ko lang lutuin ay mga basic lang. Frying eggs, heating canned goods, or boiling instant noodles—doon lang ako sanay. Sumubok nga lang ako ngayon. Sinunod ang suggestion ng kapatid ko. At saka, gusto ko rin sanang ma-impress si Onse. “Daisy!” Nilayo ako ni kuya sa umaapoy na kawali, at tinakpan niya ito ng takip ng kaldero. Ayon at nawala na ang apoy. Usok na lang ang natira na nagpaubo sa aming dalawa. “Ang sabi ko, magluto ka, hindi sunugin ang bahay!” Kinukumpas-kumpas na nito ang mga kamay, pinapalabas ang usok.Nak
DAISYNaiwan akong nanggagalaiti sa loob ng kwarto. Nakakainis si Onse. I grabbed the pillow, doon ko binuntong ang inis ko. Pinagsusuntok na parang mukha ni Onse ang sinasapak ko. Nang mapagod ay binaon ko naman ang mukha ko at pigil na sumigaw.Bwisit na ‘yon! Magnanakaw ng halik. Nag-init tuloy ang mukha ko nang maalala kung paano naglapat ang labi namin. Animal talaga ang Onse na ‘yon. Nakakahiya! Kagigising ko nga lang, ang gulo-gulo ng buhok ko at malamang may muta pa ang mga mata ko. At saka, ang hininga ko, malamang ay hindi maganda ang amoy. Wala man lang siyang kakimi-kiming hinalikan ako. I groaned, burying my face deeper into the pillow as if I could hide from my own embarrassment. Napapatili rin ako dahil sa prostration. “What’s going on? Napa’no ka?” tarantang tanong ni Kuya Reynan kasabay ang pagbukas ng pinto. Napalakas kasi ang tili ko, kaya napasugod ang kapatid ko. His eyes scanned the room, na parang naghahanap ng masamang tao. Pero maya maya ay napatitig naman
Dahan-dahan kong inilayo ang labi ko sa kanya. Kahit nahihiya dahil nahuli nga ako na ninakawan siya ng halik, ngiti ko naman ay hindi mawala-wala. Hindi pa rin kasi siya gumagalaw. Nanlaki lang ang mga mata at paulit-ulit na napalunok.“Good morning, asawa ko. I love you,” sabi ko sa pinalambing na boses.Agad na rin akong umatras, alam ko kasi na malapit na siyang maka-recover sa pagkagulat. At alam ko na ang magiging kasunod ng gulat, sasabog siya sa galit at siguradong tatamaan ako. Kainis naman kasi. Ilang beses ko na ‘to ginawa, ilang beses ko na siyang ninakawan ng halik, hindi naman siya nagigising; hindi ako nahuhuli.“Bastos ka!” Ayon na nga at nahimasmasan na. Pinagduduro na ako, may kasabay pang mura. Nginitian ko lang siya, sabay ang dahan-dahan na pag-atras. “See you later, my wife,” sabi ko pa, then finally slipping out of the room. Busangot namang mukha ni Reynan ang sumalubong sa akin paglabas ko ng kwarto ni Daisy. Awtomatikong nawala tuloy ang ngiti ko, at saka
Ginising ako ng sikat ng araw na sumisilaw sa mga mata ko. Ang ganda ng gising ko. Ang gaan ng pakiramdam ko. Heto at hindi ko naman mapigil ang mapangiti. Naalala na naman kasi ganap kagabi. Siguro mas masaya ako kung nakapag-goodnight kiss ako kay Daisy. Papasok na kasi sana ako sa kwarto ni Daisy, pero naabutan naman ako ni Reynan. Galit agad. Hinatak ba naman ako papunta sa kwarto ko at pinagbantaan. ‘Wag ko raw gapangin at pilitin ang kapatid niya, baka hindi raw siya makapagpigil at mapipilipit niya ang leeg ko. Hindi ko naman talaga pipilitin ang asawa ko. Ang sabi ko nga, handa akong maghintay hangga’t kusa siyang bumigay. Sa kabila ng banta ni Reynan, masaya pa rin ako. Natulog ng masaya at gumising ng masaya. ‘Yong sinabi niya kagabi, ipinagkibit-balikat ko lang ‘yon. Wala naman akong balak na masama kay Daisy. Mag-good night kiss nga lang sana ako. Masyado lang strict ang brother-in-law ko na hindi ko alam kung saan gumala at ginabi ng uwi. Matapos maligo at magbihis, l
Kaagad lumabas ng kotse si Daisy matapos kong ma-park ang kotse. Agad ko namang sinara ang gate, at sinundan siya. Baka kasi, agad na siyang pumasok sa kwarto.Mabuti na lang at naabutan ko pa siya na nilalagay ang sapatos sa shoe rock, at saka hinarap ako. “Tulog na ako,” she said. Bakas ang pagod at pananamlay sa boses niya.Humaba ang nguso ko, sabay sabi, “mamaya na.” Hinawakan ko rin ang kamay niya at hinila papunta sa balcony.“Onse, bakit na naman ba? Antok na nga ako." Nagreklamo nga siya, pero nagpaubaya naman na hilahin ko. “I have something to show you,” sabi ko naman nang nasa balcony na kami, kaharap ang medyo madilim na kalsada.Kumunot naman ang noo niya na bahagya kong ikinangiti. “Ano ba kasi ang gusto mong ipakita? ‘Yang sirang poste ba?” medyo inis nitong tanong sabay ang paghihikab.Sa sirang poste nga kasi ako napatitig habang nag-iisip kung paano ko ibibigay sa kanya ang singsing.“Wait, ka muna. Humuhugot pa nga ng lakas ng loob.” Hinila ko siya ng kaunti palap
ONSE“‘E ‘di galingan mo ang performance.”Tumalbog ang puso ko sa sinabi niyang ‘yon. Nag-uumapaw ang saya ko. Daisy was letting me in—binuksan na nito ang puso niya para sa akin, kaya um-action na ako.I understood what she meant by performance, but na isip ko, gusto niya ng magaling na performance , so ‘yong pangkalahatang performance na ang ipapatikim sa kanya. I’d make sure, hindi lang puso niya ang mapapasakin, kundi ang siya rin, buong-buo. Bago pa man niya ako maitulak, I closed the gap between us, inangkin ko na ang labi niya. Nilasap na parang candy na matagal ko nang gustong tikman. Alam kung nagulat siya. Nanigas nga ang katawan. Hindi na nga tumugon sa halik ko, nanlaki pa ang mga mata. Naalala ko tuloy ang sinabi niya kanina, nagulat daw siya sa ginawa ni Vincent kaya hinayaan niya lang ito na hawakan siya at patitig pa sa mga mata nito. Iyon na iyon din kasi ang nangyari ngayon, patunay na nagsasabi nga siya ng totoo. “How’s my performance?” tanong ko, hindi ko na ma
Hinablot nga niya ang kanyang kamay, habang ang mga mata ay nakapako sa likuran ko. Alam kong si Vincent ang tinatanaw niya na sigurado ako na nasa amin din ang tingin. “Onse, ba’t ba ang arte? Galit ka ba?" tampo-tampuhan kong sabi. Kahit ba alam ko naman kung bakit siya nagkakaganito, nagmaang-maangan pa rin ako. Gusto ko kasing makita kung paano nga ba siya magselos. Kahit naman kasi hindi siya nagsasalita, it’s written all over his face. At gusto kong ilabas niya ang nasa loob niya. “No. Let’s go home,” sagot nito, sabay suksok ng mga kamay sa pants. Ayaw niya na talaga pahawak. Nag-inarte ang matanda. Akala yata ay pinagseselos ko si Vincent kaya naging clingy ako bigla. Akala naman niya ay hahayaan ko siyang mag-inarte. Hindi oi. Bahala kung ano ang isipin niya. I wrapped my hands around his arm, na ikinagulat na naman niya. His eyes darted between my face and my hand, na sinadya kong yakapin ng sobrang higpit.Pinanliitan ko naman siya ng mga mata nang sa wakas ay sinalub