Thank you so much to everyone for taking the time to read this story. Your support means the world to me. I’d love to hear your thoughts, so please don’t hesitate to leave a comment and share your feedback. Your opinions and suggestions will help me grow and improve as a writer!
Matapos sabihin ni Vincent ang hindi kaaya-ayang salita at mag-iwan ng matalim na tingin, agad na siyang lumabas. Hindi na nga ako nakapagsalita, napatulala na lang ako habang nakatingin sa saradong pinto. I couldn’t understand what had just happened. Ano ‘yon? Bakit niya ‘yon sinabi? Anong ibig niyang sabihin? At saka, anong karapatan niya na umakto ng gano’n? Sira-ulo ba siya? He was the one who had chosen to marry someone else, tapos siya pa ang galit? Naging loyal ako sa kanya. Kahit pa sabihing rebound ko lang, minahal ko pa rin siya. Nagiging totoo ako. Pigil akong bumuga ng hangin. Pinapakalma ang puso ko. Inis na inis ako sa kanya. Ayaw ko sanang magkaroon kami ng samaan ng loob, kaya lang mukhang malabo na ‘yon. Ilang ulit pa akong bumuga ng hangin. I tried to shake off the unsettling feeling na iniwan ni Vincent. Napalingon lang ako nang gumalaw si Onse. His hand brushed against mine. Ngumiti ako. Pinilit ko na ‘wag bumakas sa mukha ang inis ko. “Asawa ko…” sabi
Onse was finally discharged from the hospital. Hindi pa rin siya magaling, medyo kinakapos pa rin siya sa hininga, pero nagpupumilit siya na lumabas na para sa kaso na dahilan kung bakit siya napahamak. “Onse, matulog ka na.” Katabi ko na siya sa kama, kaya lang tutok pa rin siya sa laptop. Heto nga at panay na ang papansin ko, tigilan niya lang ang ginawa. “Maya maya matutulog na ako," sagot niya. Sindali niya lang akong nilingon tapos balik na naman ang mukha niya sa laptop. Kahapon pa siya nakalabas ng hospital, pero puro trabaho na ang inaatupag niya. Madalas niya ring kausap si Danreve. Medyo asar na nga ako. Pati kasi ang landiin ako, hindi na niya nagawa. Nakahain na ako sa harapan niya, pero sa trabaho naman ang focus niya—sa upcoming court hearing, at gaya ng narinig ko kanina sa kausap niya sa phone, walang makapagpigil sa kanya na pagbayarin ang may sala. “Onse, bukas na ang court hearing, dapat ay magpahinga ka ng maaga. Matulog ka na. Paano kung lalala ang sakit mo…"
Matapos ang tension na naganap sa courtroom at banta ni governor kahapon na nagpakaba sa akin ng husto, nag-decide si Onse na ‘wag munang pumasok. Sasamahan niya raw ako, babantayan, hanggang mawala ang takot ko, pero focused niya, sa phone pa rin. Tahimik ko lang siyang pinagmamasdan, nagbabasa nga ako ng nobela, pero mata ko naman nakapako sa kanya. Ang gwapo ‘e. He was so effortlessly captivating, even when he wasn’t trying. Kaya lang, kainis na hah. Kanina pa ako rito sa harap niya, at malamig na nga ang kape na tinimpla ko para sa kanya, pero hindi niya pa rin ako tinapunan ng tingin. I cleared my throat, hoping to catch his attention. Pero wala talaga. Napasimangot tuloy ako, at pabagsak na sumandal sa armrest. “Onse…” tawag ko sa kanya. He looked up, his expression instantly softening into a smile that made my heart skip. Ito ako, tatampo-tampo pero agad namang dumadagundong ang puso, simpleng ngiti niya lang. “Hmm?” ‘Yon lang ang sagot niya, pero ang lambing na. T
Ang sunod kong naramdaman ay yakap na ako ni Onse. Hinaplos-haplos na nito ang likod ko."Don't let her leave," utos nito sa mga guard na agad namang sumunod at hinarang si Althea. Ayaw nito pahawak, pinagtatampal ang kung sinong hahawak sa kanya na sinabayan pa ng malulutong na mura. Bukod sa mga guard, may ibang mga tao rin na humarang sa kanya. Ang iba ay minura rin siya at pinagduduro. Nakasakit nga raw, siya pa ang matapang.Hindi sa lahat ng panahon ay papabor sa kanya ang sitwasyon.Hindi lahat, mabubulag sa panlabas niyang ganda. Ngayon ay wala siyang lusot. Maraming nakakita sa kabaliwang ginawa niya. Dahil sa selos na wala sa lugar, maraming nadamay at nasaktan. Hindi man malubha ang mga sugat na natamo, pero malaking perwisyo naman ang dulot sa kanila.“Call the police now," utos ni Onse with authority. His eyes fixed firmly on Althea, na ngayon ay itinakip na ang bag mukha. May kumukuha na rin kasi ng mga larawan at video. Mapapailing ka na lang talaga sa bulok na ugali n
ONSEI’ve always prided myself on being a man of composure, but today my composure was slipping. Nasaktan ang asawa ko. Sinadyang saktan ni Althea. ‘Yong mga salitang binitiwan ko kanina, kulang pa ‘yon. I could be harsher. ‘Yong mapapahiya siya ng sobra sa puntong magtatago na lang siya habang buhay. Pero dahil maraming tao ang nakapaligid, maraming kumukuha ng video, pinigil ko ang sarili. Ayaw ko na ako ang mukhang masama at si Althea ang mukhang kawawa.May tamang paraan na magpagbayad siya sa pananakit sa asawa ko. Simula nang mahalin ko Daisy, she became the center of my world, and her safety my top priority. But ngayon, I had failed her.Hindi ko alam kung paano ako nakalapit kay Daisy nang bumagsak ang mga bote. Ang alam ko lang ay kailangan niya ako. Ang putla-putla niya habang nakatayo sa sentro ng mga basag na bote.I clenched my fists, the anger boiling inside me like a volcano about to erupt. Naiinis ako sa sarili ko. Lumayo lang ako ng konti sa kanya. Naging kampante a
Ngayong katabi ko na si Daisy, rinig na rinig ko ang malakas na tibók ng puso niya. Nadadarang ako sa tunog pa lang. Dumagdag pa sa init ng katawan ko ang medyo madilim na silid. Tanging ang ilaw lang kasi ng poste mula sa labas ang nagbigay liwanag sa loob. bumagay sa nararamdaman ko ngayon. Hinawi ko ang buhok na kumalat sa pisngi niya, pero mg mata ko, sa labi naman niya nakatutok. Daisy," sabi ko. Ngayon ay hinaplos-haplos ko na ang pisngi niya, tracing the smooth curve of her jawline. "Are you sure about this?" tanong ko, sabay ang banayad na paglapat ng labi ko sa kanya. Nagtanong nga ako, pero hindi ko naman hinintay ang sagot niya. Her lips parted slightly, pero hindi dahil gusto niyang sumagot, kung hindi, dahil buong puso siyang tumugon sa halik ko. Her quiet affirmation sent a wave of emotion through me—love, desire. ‘Yong pakiramdam na gusto ko siyang alagaan, mahalin, at paglingkuran. Gusto kong iparamdam sa kanya ang kaligahan na ako lang makapagbibigay. Heto
Daisy Matamis na ngiti ng gwapo kong asawa ang bumungad sa akin pagmulat ko. Patagilid siyang nakahiga at nakatukod ang siko, titig sa mukha ko. “Good morning, my beautiful wife,” sabi nito. Ang lambing ng boses niya na nagpapagalaw naman sa mga insekto ko sa tiyan. Bago pa man ako makapagsalita, he leaned down and kissed me on the lips. Nakagat ko ang labi ko. Nahiya ako. Kagigising ko pa nga lang. I tried to cover my face with my hands, but he chuckled, pulling my hands away gently. “Why are you hiding?” Kagat-kagat naman niya ang pang-ibabang labi, at ang mata ay nagpalipat-lipat sa mga mata ko at sa labi. “Don’t tell me, matapos ng nangyari sa atin kagabi, nahiya ka pa…” Muli niyang inilapit ang mukha sa akin. Hindi ko na hiyaan na lumapat na naman ng labi niya sa akin. Idiniin ko ang mukha ko sa dibdib niya. Hoping na hindi niya makita ang namumula kong mukha. Hindi nga niya nakita ang mukha ko, pero niyakap naman ako ng mahigpit, at ngayon ay hinalik-halikan na ang tukto
DaisyAng saya-saya ko nang dumating si Charmaine. Wala kasi akong kaalam-alam na darating siya, kaya na surprise ako. Pero mas na surprise ako nang ibigay niya sa akin ang regalo niya raw sa kasal—a ridiculous, daring butterfly hollow lace lingerie. Unang tingin ko sa maliit na mga tela, parang nagbaga ang mukha ko sa hiya. Hindi ko tinanggap. Ayaw kong tanggapin. Lalong wala akong balak isuot. Nakakahiya. Pero sira-ulo ang kaibigan ko, pinipilit niya pa akong isukat.Marami rin daw kasi siyang gano’n. Kapag nagtatampo raw ang asawa—kapag nagseselos sa mga pet owner na laging nagpupunta sa clinic niya, wala namang sakit ang mga alaga, nagsusuot lang daw siya ng gano’n, maglalambing at agad raw nawawala ang selos ni Danreve, at init ng katawan ang papalit. Natawa at napailing-iling na lamang ako. Hindi ko akalain na ang isang mahiyain at ang babait-bait kong kaibigan ay may kapilyahan pala. Talagang nababago ng pag-ibig ang tao. Hindi nga kasi siya ganito noon, ang simple niyang bab
Nabalot ang buong parking area ng tili, iyak, bulungan, paulit-ulit na mura, may napadasal, at may mga natulala pa dahil sa hindi inaasahang pangyayari. Akala ko, susuko ng kusa si governor. Akala ko, handa na siyang pagbayaran ang nagawang pagkakamali, pero hindi pala. Nakakagulat. Nakakagimbal. Maging ako ay natulala rin sa bilis ng pangyayari, hindi maalis ang tingin ko sa nakataob nitong katawan at naliligo sa sariling dugo. At kahit wala na itong buhay, bukas pa rin ang mga mata at nakatutok sa direksyon ko. Makapanayo balahibo ang eksena. Makapigil hininga. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makagalaw. Ramdam ko ang paghawak sa akin ng mga bodyguard, naririnig ko ang mga sinasabi nila, lumayo raw kami, pero hindi ko nga magawang iangat ang mga paa ko. His death replayed in my mind in an endless, agonizing loop—the sudden move, the sound of the gunshot, the sickening thud of his body hitting the ground. Hanggang ngayon, naiwan pa rin ang malakas na putok ng baril sa tain
Animo’y niyanig ng lindol ang dibdib ko ko habang tumititig sa baril na hawak ni governor. Nanginginig sa galit ang mga kamay niya, ngunit, nagawa pa rin nitong itutok sa ulo ko ang nguso ng baril. Bakas na bakas din sa mga mata nitong madilim ang galit at puot. Alerto at walang takot namang iniharang ng mga bodyguard ang mga sarili akin, habang ang mga baril ay nakatutok na rin sa kay governor. “Governor, put the gun down. ‘Wag mong gawin ‘to.” Pakiusap nila. Kaya lang, animo’y walang naririnig ang governor. Hindi rin siya natinag kahit may baril na ring nakatutok sa kanya. Nakikita ko sa mga mata niya, intensyon niya talagang isama ako sa impyerno. Sa kabila kasi ng pagharang ng mga bodyguard sa akin, tumatagos pa rin ang tingin nito sa akin. Kitang-kita ko rin ang mas humigpit na paghawak nito sa baril, naghahanda na kalabitin ang gatilyo. Pero bumakas naman ang takot, pag-alinlangan sa mga mata nito nang umalingawngaw ang mga sirena ng pulis na siguradong papunta na rito sa
Matapos ang tension sa pagitan namin Daisy kahapon na mabuti na lang at nagawan ko ng paraan, ngayon ay tension sa courtroom naman ang kinakaharap ko. Umuugong ang mga bulong-bulungan habang naghihintay sa desisyon ng judge. Buo ang paniniwala ko, na mabibigyan ng hustisya ang nangyari sa kliyente ko at mapaparusahan ang may sala, kaya lang hindi ko pa rin maiiwasan ang makaramdam ng kaba. Kamay ko ay pawis pero nanlalamig naman. At saka dapat ay sa judge ang focus ko, kaya lang hindi ko naman napigilang mapatingin kay governor na ang talim ng tingin sa akin. Hindi lang ‘yon, sobrang higpit din ang pagkakakuyom ng kamao nito sa puntong bumakat na ang mga ugat sa kamay niya. Maging ang ugat sa sintido niya ang bumakat din.Bakas na bakas ang galit sa madilim nitong mga mata na halatang minumura ako ng tahimik.Hindi ko naman mapigil ang pag-angat ng sulok ng labi. Hindi ko kasi maintindihan kung bakit may mga taong hindi kayang tumanggap ng pagkakamali. Kapag napuna sila, feeling n
Onse Ilang minuto na ako rito sa loob ng banyo, nakikipagtalo sa elepante na kaharap ko sa salamin. Hubarin ko ba o ibalandra sa harap ng asawa ko malaswang imahe na nakikita ko. Talagang malaswa. Ilang minuto ko ngang hindi matingnan ang sarili sa salamin. At ngayong nagawa ko na, hindi ko naman alam kung ano ang dapat na maramdaman matutuwa ba, matatawa o mahihiya sa hitsura ko. Ano na Onse, hubad o lunukin ang kahihiyan? Natanong ko na lang ang sarili. Tuloy para akong nasa korte ngayon, inilalaban ang kasong hindi ko alam kung panalo o talo. Maya maya ay natawa naman ako. Mahal ako ni Daisy, hindi ko kailangan gawin ‘to. Hindi ko kailangan dumanas ng kahihiyan. Aasa ako sariling kakayahan, hindi sa elephant brief na suot ko. Sa wakas ay nakapag-decide na nga akong huhubarin na ang suot ko, kaya lang saktong pagbukas ko ng pinto ay siya ring pagbukas ni Daisy sa pinto ng kwarto na ngayon ay nanlalaki ang mga mata, umawang ang labi at na istatwa sa kinatatayuan niya.
Onse Matapos kong ma kwento ang nangyari sa pagitan namin ni Vincent at ang tangkang pananagasa nito sa akin ay naging natahimik na si Daisy. Gusto na nga niya sanang umuwi kanina pa, pero hindi ako pumayag. I didn’t want to lose sight of her, lalo’t alam kong upset pa rin siya dahil sa paglilihim ko, at galit naman siya kay Vincent. Natatakot ako na baka maisipan niya na makipagkita sa tarantadong ‘yon at siya naman ang mapahamak. Baliw na nga ang lalaking ‘yon. Kaya pina-blotter ko ang nangyari kagabi. At sa susunod na pagtangkaan niya pa ako, hindi blotter ang gagawin ko. Sasampahan ko na siya ng kaso, bahala siya kung masira man pangalan ng hospital nila. Gumawa siya ng masama, dapat handa rin siya sa consequences ng ginawa niya. “Asawa ko, galit ka pa rin ba?" tanong ko nang palabas na kami ng firm. Hindi pa rin kasi siya nagsasalita, hanggang ngayon na pauwi na kami. Ang sikip na nga dibdib ko. Puro lang kasi malungkot na tingin ang sagot niya sa tuwing magtatanong ako
Kaagad lumapit si Onse, akmang hahawakan ako, pero umatras ako, pero mga mata ko naman ay nakatutok sa mukha nitong bakas ang guilt. “Daisy," pabulong nitong bigkas sa pangalan ko. Nahagod din nito ang buhok at saka bumuga ng hangin. “Bakit ka nagsinungaling?” tanong ko. Bakas sa boses ko ang tampo, sakit, at dismaya. Tiwalang-tiwala ako sa kanya. Kahit duda ako sa pagdating ng mga pulis kanina, isinawalang bahala ko, pinili kong maniwala sa sinabi niya. Pinanghahawakan ko ang pangako namin sa isa't-isa. “Daisy, please, let me explain—” Umiling-iling ako na sumabay na rin sa pagpatak ng luha ko na agad ko namang pinahid. “Ang sabi mo, nahulog ka…ginawa mo akong parang bata, Onse! Pinaniniwala mo ako sa gawa-gawa mong kwento.” Putol ko sa pagsasalita niya. “Ano pala ang silbi ng pangako natin sa isa’t-isa, hah? Wala lang ba ‘yon. Nangako ka lang pero wala naman palang balak tuparin. Ano, naglolokohan tayo?” "No, asawa ko…hindi gano’n. Hindi ko intensyon na maglihim." Bumagsa
DaisyNangako ako na manatili sa bahay at hintayin lang ang pag-uwi ng asawa ko. But staying in the house was beginning to drive me crazy. It felt like I was a prisoner—a criminal too afraid to step outside for fear of being caught by the police.This is so frustrating. Wala naman kaming ginagawang masama, pero kami ang nagtatago. Kaya nag-decide ako pumunta sa firm para makita at makasama ang asawa ko.Siguro naman mag-aatubili na si Vincent or Althea na lumapit o gawan ako ng masama dahil sa mga kasama kong bodyguard. Feeling ko nga dinaig ko pa si Charmaine sa pagiging senyorita, kahit saan ako magpunta, may sumusunod na bodyguard. Bago kami tumuloy sa firm, we stopped at a restaurant that served home-cooked meals. Onse and I had been eating nothing but greasy food lately, so naisip ko na kailangan naman naming kumain ng masustansya. Heto na nga at kababalik lang ng bodyguard na inutusan kong bumili ng pagkain. Tinola, pinakbet, at atsara ang pinabili ko. Habang bumabyahe, hindi
Sa kabila ng nangyaring tension kahapon, heto at tuloy pa rin kami sa pang araw-araw na gawain. Ang galit, takot, at pag-aalala, dala-dala ko pa rin, kahit nandito na ako sa trabaho. I had no choice; kailangan kong pumasok dahil sa kasong hinahawakan ko. Gusto ko na nga sanang isama na lang si Daisy, para lagi ko siyang nakikita at nababantayan. Kahit kasi nagdagdag ng bodyguard si Danreve, hindi pa rin ako mapanatag. Ngayon nga ay kaharap ko ang maraming files, pero utak ko naman si Daisy ang laman. Kinukumbense ko na lang ang sarili na walang mangyayaring masama sa asawa ko. Mababantayan siya ng mabuti ng mga bodyguard. At saka nangako nga siya na hindi na muna lalabas. Maging ang kapatid ko ay hindi ko muna pinayagan na pumunta sa bahay. Ayaw kong madamay siya sa gulo. Ang dami-dami na niyang pinagdaanan, ayaw kong dagdagan pa iyon. Hindi nga lang kasi si Althea at Vincent ang gumugulo sa amin ni Daisy. May mas demonyo pa kay sa kanila—si governor. Bukas na nga ang verdict sa ka