ONSE“‘E ‘di galingan mo ang performance.”Tumalbog ang puso ko sa sinabi niyang ‘yon. Nag-uumapaw ang saya ko. Ito na ba ang pinakahihintay ko? Binubuksan na niya ang puso para sa akin.Naintindihan ko naman ang sinasabi niyang performance, kaya lang kinakain ako ng kapilyuhan. Ipapatikim ko sa kanya ang magaling na performance. Bago pa man niya ako maitulak, I closed the gap between us, at inangkin ko na ang kanyang labi. Nilasap na parang candy. Nanigas siya. Hindi maipagkakaila ang pagkagulat. Hindi na nga tumugon sa halik ko, nanlaki pa ang mga mata.“How’s my performance? Magaling ba?” tanong ko matapos kong tikman ang kanyang labi.Sinamaan naman ako ng tingin at nanggigil pa. Tumiim ang kanyang panga. Tameme sa aking halik.Naalala ko tuloy ang sinabi niya kanina, nagulat daw siya sa ginawa ni Vincent kaya hinayaan niya lang ito na hawakan siya at napatitig na lang siya. Iyon na iyon din kasi ang nangyari ngayon. “I know…masarap akong humalik, kaya natameme ka.” Awtomatikon
Kaagad lumabas ng kotse si Daisy nang ma-park o ang kotse. Agad ko namang sinara ang gate, at sinundan siya. Baka kasi, agad na siyang pumasok sa kwarto. Hindi pa rin kasi niya sinasagot ang aking tanong. Mula sa boutique hanggang dito, hindi na siya nagsalita, umiiwas pang mapatingin sa akin.“Daisy…” Alanganin kong tawag. Nilagay niya ang kanyang sapatos sa shoe rock, at saka ako hinarap. “Tulog na ako…” antok niyang sabi, at iiwan na sana ako. Agad kong hinawakan ang kanyang kamay. “Mamaya na, pwede ba?” Mahina ko siyang hinila papunta sa balcony.“Onse, bakit ba? Antok na nga ako,” reklamo niya, pero nagpapahila lang naman. Nginitian ko lang siya. “I have something to show you,” sabi ko naman nang nasa balcony na kami, kaharap ang medyo madilim na kalsada.Kumunot naman ang noo niya na bahagya kong ikinangiti. “Ano ba kasi ang gusto mong ipakita? ‘Yang sirang poste ba?” medyo inis nitong tanong sabay ang paghihikab.Sa sirang poste nga naman kasi ako napatitig habang nag-iisip
Ginising ako ng sikat ng araw na sumisilaw sa aking mga mata. Ang ganda ng gising ko, at ang gaan ng pakiramdam ko. Heto at hindi ko naman mapigil ang mapangiti. Naalala ko na naman kasi ganap kagabi. Napatingin pa ako sa suot kong singsing, at napapangiti na naman. Siguro mas masaya ako pa kung nakapag-goodnight kiss ako kay Daisy. Papasok na kasi sana ako sa kwarto niya, pero naabutan naman ako ni Reynan. Galit agad ‘e. Hinatak ba naman ako papunta sa kwarto ko at pinagbantaan pa ako. “‘Wag kang magkakamaling gapangin o pilitin ang kapatid ko, baka hindi ako makapagpigil at mapipilipit ko ang leeg mo.” Nanggagalaiti niyang banta sa akin kagabi.Sira-ulo din ‘e. Akala yata, isa akong kunehong hindi makapagpigil. Hindi ko kailanman pipilitin ang aking asawa. Nangako ako sa kanya na handa akong maghintay kahit gaano katagal. Matapos maligo at magbihis, lumabas na rin ako ng kwarto, hoping na ang magandang mukha ni Daisy ang bubungad sa akin. Pero hindi, mukha ni Reynan na madalas, h
Dahan-dahan kong inilayo ang labi ko sa kanya, at nginitian siya—ngiting aso nga lang. Dahan-dahan rin akong tumayo at umatras, habang siya, hindi pa rin gumagalaw at nanlaki pa rin ang mga mata.“Good morning, asawa ko. I love you,” sabi ko sa pinalambing na boses.Ayon at nanliliit na ang mga mata. Napalunok naman ako at napakamot sa batok. “Walang hiya ka!” singhal niya na ikinapikit ng mga mata ko. Bumangon siya at dinuro ako. Dahan-dahan ako pa akong umatras papunta sa pinto. Nakakatakot! Tingin niya kasi nasa bukol ko sa baba. Balak yata niyang basagin. Tinakpan ko ito sa aking mga kamay at ngumiti na naman. “Asawa ko, ang aga-aga pa ‘e. Galit ka na…”“Sino ang hindi magagalit? Ginising ako ng kabastusan mo!” “Hindi naman ‘yon kabustusan ‘e…pagmamahal…” Nginitian ko siya, sabay bukas ng pinto. Tumayo na kasi. Baka masipa ako na nga ako ng kabayo galit. “See you later, my wife. I Love you…” sabi ko pa, at tuluyan nang lumabas ng kwarto.Napahinto naman ako sa paglalakad nang ma
DAISY“Onse!” gigil kong sambit sa pangalan niya. Sa gigil nanigas ang mga daliri ko sa kamay at paa. “Bastos kang matanda ka!” Dinampot ko ang unan at doon ko binuntong ang inis ko. Pinagsusuntok na parang mukha ni Onse ang sinasapak ko. Nang mapagod ay binaon ko naman ang aking mukha at pigil na sumigaw.Bwisit na ‘yon! Magnanakaw ng halik. Nag-init tuloy ang mukha ko nang maalala kung paano naglapat ang labi namin. “Animal ka, Onse!” Matapos kong ibaon ang aking mukha sa unan, humilata naman ako, at pinandyak-pandyak ang mga paa. “Nakakahiya! Kagigising ko nga lang, ang gulo-gulo ng buhok ko at malamang may muta pa ako.” Tinakpan ko naman ang aking mukha at inamoy ang aking hininga, at nagpagulong-gulong sa kama. “Abno ‘yon ‘e! Wala man lang siyang kakimi-kiming hinalikan ako.” Inataki ko na naman ang unan, at muling binaon ang aking mukha at tumili.“Daisy? Napa’no ka?” tarantang tanong ni Kuya Reynan kasabay ang pagbukas ng pinto. Nakagat ko naman ang aking labing at napapayaka
“Anong gagawin ko?” Hanggang yakap sa sandok na lang ang nagagawa ko, habang tinatanaw ang ginisang karne ng baka na ngayon ay natusta na, hindi ko alam kung paano pa mapatay ang apoy na tumutupok sa niluto ko.Ang saya-saya ko pa naman kanina habang hinahanda ang mga rekados sa lulutuin ko sanang beef broccoli. “Paano na ‘to?" natataranta kong tanong sa sandok na hawak ko. Hindi ako magaling magluto, hindi magaling sa kusina. Ang kaya ko lang lutuin ay mga basic lang. Prito lang o hindi kaya ang mag-boil ng itlog at noodles—doon kasi ako sanay. Ito ang unang pagkakataon na nagluto ako dahil sa suggestion ng aking kapatid. At saka, gusto ko rin sanang ma-impress si Onse. “Daisy!” Nilayo ako ni kuya sa umaapoy na kawali, at tinakpan niya ito ng takip ng kaldero. Ayon at nawala na ang apoy. Usok na lang ang natira na nagpaubo sa aming dalawa. “Ang sabi ko, magluto ka, hindi sunugin ang bahay!” Kinukumpas-kumpas na niya ang mga kamay, pinapalabas ang usok.Nakagat ko na lang ang akin
Winaksi ko ang kamay ni Althea. Talagang sinusubok niya ang aking pasensya. “Umalis ka sa harap ko, kung ayaw mong patulan kita.” Sinusubukan ko pa rin na maging kalmado. Pero imbes na umalis siya, mayabang niya akong nginitian, at tinaasan pa ako ng kilay. Talagang hinahamon niya ako.“Paano kung ayoko? Anong gagawin mo?” Natatawa niyang tanong. Sinadya niya ring lakasan ang kanyang boses. Kinukuha ang atensyon ng marami.“Bakit ka kasi nagmamadali umalis? Don’t you want to spend some quality time with your ex-boyfriens and his wife?”Lalo pang mas naging klaro sa kanyang boses ang panghahamon. Sinubukan ko pa ring magtimpi. Hindi nagkain ng inis o galit. Ayaw kong magkapisikalan na naman kami, kaya imbes na sugurin ko siya, sigawan, at patulan ang kabaliwan niya, nginitian ko siya. Ngiting walang pakialam. Ngiting lalong nagpakulo ng kanyang dugo. Nanginginig na kasi. Gigil na gigil at parang gusto na akong sabunutan. Pampam kasi siya ‘e. Hindi naman kasi sana siya kasali sa awkwar
Nanginig ang labi ni Althea. Habol na rin nito ang hininga. For a moment, I thought she was on the verge of tears. But no—hindi sakit ang nakikita ko sa mga mata niya; hindi rin lungkot. It was rage. The kind of rage that carried unspoken threats. Umangat naman ang sulok ng labi ko. Kahit lumuwa pa ang mga eyeballs niya, hindi ako natatakot. Hindi nga ako nasindak sa plano niya na pamamahiya sa akin, lalo na sa nagbabanta niyang tingin na ngayon ay sinalubong ko ng mas matalim na tingin. Naputol lang ang titigan naming dalawa at napalingon sa kinaroroonan ni Vincent nang marinig ko ang boses nito. Pasok na raw sila, sabi niya sa asawa. Sandali ko namang napigil ang hininga ko. Ang lungkot-lungkot kasi ni Vincent. Ang in-expect kong maging reaction ni Althea, ay sa kanya ko nakita. Namumula at maluha-luha ang mga mata, halatang pinipigil nito na pumatak ang luha. Hindi nga rin niya maalis ang tingin sa akin. His face was etched with pain and sorrow. His wife, who had been clingin
Onse Isang buwan na ang lumipas matapos ang bangungot na nagdulot sa amin ng takot—takot na si Althea ang dahilan. Ngayon ay unti-unti nang bumalik sa dati ang lahat. Wala nang banta at panganib na nag-aabang sa amin. Nakulong na si Althea, habang buhay niyang pagbabayaran ang mga kasalanang nagawa, at ang mas satisfying, hindi lang parusa ng tao ang natanggap niya, pati parusa ng diyos. Dahil babae nga siyang hindi mapakali at iba’t-ibang lalaki ang sinamahan, nagkasakit siya—cervical cancer at nasa huling yugto na. Si Vincent naman ay namuhay na ng payapa kasama ang asawa sa ibang bansa. Sa wakas ay tanggap na niya na tapos na sila ni Daisy at may kanya-kanya na silang mga buhay. Ako naman, nangakong bubuharahin ang lahat ng mga bahid ng takot na paminsan-minsan pa ring gumigising sa amin sa kalagitnaan ng pagtulog. Sa tulong ni Charmaine at Danreve, at ng aming mga pamilya, tuluyan nang bumalik ang sigla ni Daisy. Hindi na rin sumumpong ang memory lapses niya na ipinagpa
Onse Habang pauwi, panay pa rin ang sulyap ni Danreve sa akin sa rear view mirror. Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya, o kung ano gusto niyang sabihin. Paminsan-minsan rin niyang tinatapunan ng tingin si Daisy. Gustong-gusto ko nang magtanong kung ano ang iniisip niya, pero kinakabahan naman ako sa kung ano ang kanyang sasabihin. Baka kasi magdulot na naman ng kaba sa asawa ko. Ilang sandali pa ay rinig na namin ang mahinang hilik ni Daisy na nagpangiti naman sa akin. Kahit paano ay nakaramdam ako ng ginhawa. Sa kabila ng mga nangyari, hindi siya bumigay. Naging matatag siya kahit nalagay na sa panganib ang buhay. Sana lang, hindi na bumalik ang memory lapses niya. “Ano ba, bro? Kanina ka pa!" Hindi na ako nakatiis at sinita ko na nga kaibigan kong ayaw pa rin akong tantanan ng tingin. “Sabihin mo na ang laman ng utak mo, nakakatakot na ang klase ng tingin mo," dagdag ko na tipid na ngiti naman ang sagot niya. “Nakakatakot agad? Masaya lang ako, kasi walang masama
Pikit mata kong niyakap si Daisy, habang pigil ang hininga, pero agad ko ring naidilat ang mga mata nang makaramdam ng tapik sa balikat. Kumawala ang hiningang kanina ay napigil ko. Napako ang tingin sa kaibigan kong bakas ang pag-alala sa mukha. Ang putok ng baril kanina ay hindi galing sa baril ni Althea, kundi galing sa baril bodyguard ni Danreve na hanggang ngayon ay nakatutok pa rin sa maliit na bintana. "Are you two okay?" tanong ni Danreve, habang gumagala ang mga mata sa amin ni Daisy, naghahanap ng pinsala o tama sa aming katawan. Umiling-iling ako. Gusto kong sumagot na hindi ako okay. Halos mapugto ang hininga ko nang makita si Daisy na nakalambitin sa bintana. Hanggang ngayon nga ay kinakapos pa rin ako sa hininga. Hindi ko pa magawang luwagan ang pagyakap kay Daisy na parang batang kumapit sa batok ko at binaon ang mukha sa dibdib ko. “Asawa ko,” pabulong kong sabi. Gaya ko, nanginginig din ang buong katawan niya at kinakapos sa hininga. “It’s over. You’re safe
“Kuya, magpahinga ka naman muna,” mahinahong sabi ni Charmaine.Kanina pa nila ako sinisitang mag-asawa. Gusto nilang magpahinga ako. Pero paano ako makapaghinga? Hindi ko pa alam kung nasaan si Daisy. Wala pa ring balita sa kanya. Para sa akin ang magpahinga ay pagsasayang ng oras. Nandito nga ako ngayon sa hospital kasama sila, pero maya’t maya naman ay may kausap ako sa cellphone. Nagtatanong kung may balita na ba, kung may lead na kung sino ang dumukot kay Daisy. Kahit ilang segundo ay hindi ako tumigil na gumawa ng paraan para matunton si Daisy. “Hangga’t hindi pa nahahanap si Daisy, hindi ako magpapahinga,” sagot ko sa kapatid kong napabuntong-hininga na lang habang inalo-alo naman ni Danreve. “Alis na muna ako." Lalabas na sana ako, pero nahinto nang mag-ring ang cellphone ko na agad kong sinagot. Tawag mula sa police station ang natanggap ko na sandaling nagpatulala sa akin. Dinukot raw si Vincent ng mga armadong lalaki, at kasalukuyang sinusundan ng mga pulis.Hindi tung
Rinig na rinig ko pa rin ang malakas na kalabog sa labas ng kwarto. Sigurado ako, nakaramdam si Althea na walang nangyayari sa amin ni Vincent sa loob, kaya gumawa na sila ng paraan na mabuksan ang pinto. Ilang beses ko pang narinig ang kalampag at ang huli ay malakas na kalabog. Tanda na nabuksan at napasok na nila ang kwarto. At ngayon nga ay naririnig ko na ang nangyayaring commotion. “Nasaan si Daisy?" nanggagalaiting sigaw ni Althea na sumabay sa pamimilipit ni Vincent. Sunod-sunod na pumatak ang mga luha ko. Iniharang ang naninigas kong katawan sa pinto. Kada sigaw, utos ni Althea, at daing ni Vincent ay tumatagos dito sa loob ng banyo na nagpapapikit sa mga mata ko. Hindi ko alam kung alin ang tatakpan ko, tainga ko ba para hindi marinig paghihirap ni Vincent o bibig. Sa huli ay bibig ko ang tinakpan ko sa nanginginig kong mga kamay. Muntik na kasing kumawala ang paghikbi ko, kaya sinusubukan pigilin. Kada sigaw at daing ni Vincent ay nag-so-sorry ako. Wala n
Vincent’s jaw clenched as his eyes flicked to me, then to Althea. Tumawa naman ng malakas si Athea. “Oh, Vincent, bakit ganyan ang hitsura mo? Bakit parang nagulat ka? Bakit parang hindi ka masaya? Hindi ba’t ito naman ang gusto mo? To be with Daisy, ang pinakamamahal mo!” Nakagat ko ang labi ko. Sunod-sunod na namang pumatak ang mga luha ko. “This isn’t what I wanted, Althea. Pakawalan mo siya!” singhal niya. Akmang lalapit sa akin, pero agad siyang hinawakan ng mga tauhan ni Althea. “You’re insane.”“Am I?” Tumaas ang isang kilay ni Athea, sumilay na naman ang kakaibang ngiti sa labi niya. “Mga tao nga naman, sila pa ‘yong tinulungan, sila pa ang galit. Napaka-ungrateful.” “Tigilan mo na ‘to, Althea. Pakawalan mo na si Daisy!” “Anong titigilan? Hindi pa nga tayo nagsisimula, tapos tigil na?” nakakaloko na naman siyang tumawa. ‘Yong tawa na parang biro lang sa kanya ang mga nangyayari ngayon. Parang pinaglalaruan niya kami. “Akin na…” sabi ni Althea sa tauhan niya na alerto nama
“Yes, It’s me, your biggest nightmare!" Sunod-sunod na pumatak ang mga luha ko. Hindi ako makapaniwala na hahantong ang selos ni Althea sa ganito. “Althea, bakit mo ba ‘to ginagawa? Pakawalan mo ako!" “Shut up!” singhal niya. Ang tinis ng boses niya, ang sakit sa tainga. Hindi pa siya kontento na singhalan ako, dinuro-duro niya pa ako sa puntong halos itusok na niya ang daliri sa mga mata ko. Sandaling tumigil ang paghinga ko habang nakatingin sa nanlilisik nitong mga mata. Kung dati ay puno ng kaartehan ang kada salita niya at kada galaw, ngayon ay nawala ‘yon lahat. Galit at pagkamuhi ang nakikita ko sa mga mata niya. Galit na sa tingin ko ay handang pumatay.“ ‘Yan nga, tumahimik ka! Hindi uubra ang pagtapang-tapangan mo ngayon!” Malakas na tawa ang tumapos sa salita niyang ‘yon.Punong-puno ng takot ang dibdib ko. Pero hindi pwede na lagi na lang akong magpapadala sa takot. “Althea, tigilan mo na ‘to, please. Pakawalan mo na ako.” Pakiusap ko, sa kabila ng nakakatakot na hitsur
I woke up in an unfamiliar bed, feeling like I was trapped in a nightmare. Hindi ako makagalaw. Nakatali ang mga kamay at paa ko. Ang dilim pa nitong kwarto na kinaroroonan ko. Napahikbi ako na sumabay sa malakas na kabog ng puso ko. Sinubukan kong alisin ang tali sa kamay ko. Hinila-hila ang mga paa ko at hinablot ng paulit-ulit mga kamay, hindi alintana ang sakit na nararamdaman ko. Desperado akong makawala—desperadong magising sa masamang bangungot na parang pumapatay sa akin ngayon.“Ayoko rito!" Pakawalan n’yo ako!” Nanghihina kong sigaw, pero hindi pa rin tumigil sa paghablot sa kamay ko. Kada hablot, kada ikot sa mga kamay ko, kada tadyak ng may kasamang determinasyon na makakatakas ako. Pero walang silbi ang ginagawa ko. Kahit binuhos ko na ang buong lakas ko, ayaw pa rin maputol ng tali, ayaw matanggal. Ang hapdi na ng pulsuhan ko, ang sakit-sakit ng mga paa ko. Tumingala ako, pilit inaainag ang tali sa kamay ko. Lalo lang akong nanlumo nang makitang makapal na lubid ang m
OnseNandito na ako sa courtroom, pero kahit anong gawin ko, hindi ako makapag-focus. Nahahati ang utak ko—kay Daisy sa mga tanong na binato sa kliyente ko sa ginawang cross-examination. Nagagawa ko pa namang sitahin ang mga misleading na tanong, pero halatang humihina ang depensa ko.Hindi ko magawang iwaglit sa isipan ko ang pag-aalala. Siguro, ganito ang nararamdaman ni Daisy sa tuwing hindi niya ako kasama, kinakain ang buong sistema niya ng takot. Kasama nga niya si Charmaine at Danreve, pero nag-aalala pa rin ako. Nang matapos ang court hearing, agad-agad akong umalis, ni ang kausapin ang kliyente ko ay hindi ko na ginawa. Nangako ako kay Daisy na susunod ako.Ang bilis ng mga hakbang ko papunta sa parking area, at dire-diretsong nag-drive papunta sa hospital. Ilang minuto lang nakarating na ako. Dali-dali naman akong nagpunta sa clinic. Mga hakbang ko ang bilis at ang laki. Gusto ko kasi na marinig mula sa doctor ni Daisy na nasa maayos ba na lagay ang baby namin.Heto na