Before I could react, he closed the distance between us and wrapped me in a tight embrace, then he said, “surprise.” His voice was laced with excitement and tenderness. Muli na namang nanigas ang katawan ko. Lahat na klase ng emotion ay ramdam ko. Akala ko naubos na ang luha ko kanina, hindi pa pala. Bumabaha na naman ang mga luha na kahit anong pigil ko, pumapatak pa rin. Sumabay din ang pagyugyug ng balikat na para bang lumilindol. Hinahanap ko sa loob-loob ang saya dahil yakap na niya ako; nandito na siya kasama ko, pero wala akong maramdaman na saya—pain and something na hindi ko ma-explain ang bumabalot sa puso ko ngayon. “Surprise…” I tried to steady my voice, but it cracked. I was indeed surprised. Kanina pa lang sa restaurant, na surpresa na ako, at ngayon naman...hindi ko kasi in-expect na darating siya.“Daisy, I missed you.” His arms tightened around me as though he were trying to shield me from everything that had hurt me. And for a fleeting moment, hinayaan kong manati
Kahit itinaboy ko na si Vincent, hindi pa rin siya umalis. Paulit-ulit nitong kinatok ang pinto ng kwarto ko. Each one louder and desperate. Sumabay din ang pagtawag niya sa pangalan ko, pleading to open the door. “Daisy, please... let me in. Hindi ako aalis. Kausapin mo ako.” I pressed my hands tighter over my ears. Ayaw ko nang marinig ang pagmamakaawa niya. Ayaw ko nang marinig paliwanag niya. Wala na naman kasi iyong magagawa; kasal na siya sa iba. Patuloy ang pag-agos ng mga luha ko na bumabasa sa unan na yakap ko. It felt like my heart had been shattered into a thousand pieces. Mapakla akong tumawa. Naalala ko rin kasi kung paano na wasak ang puso ko noong bumalik si Althea sa buhay ni Onse. At ngayon naman, muling nawasak ang puso ko dahil kay Vincent. Ang malas ko. Lahat ng lalaking gusto ko, mahal ko, nawawala sa akin. “Daisy, buksan mo. ‘Wag mong gawin ‘to, please…” Every word he said only deepened the ache. Nagmistulang patalim na humihiwa sa puso ko. Kinagat ko ang n
Kanina pa ako nakatayo sa tapat ng hospital lobby, nag-aalangan kasi akong pumasok. Natatakot sa kung ano ang makikita o maririnig ko sa loob. This morning, I called my supervisor to inform her of my resignation. Heto na nga at hawak ko na ang resignation letter ko, ready to be submitted. A part of me wanted to disappear quietly, to leave without facing anyone, but that wasn’t who I was. I wanted to leave this hospital with everything settled—no loose ends, no questions left unanswered. Paulit-ulit muna akong bumuga ng hangin. My trembling hands clenched as I willed myself to move forward. Bukod sa ramdam ko ang bigat ng mga paa ko, ramdam ko rin ang init ng tingin sa akin ng mga katrabaho ko. Imbes nga na bumilis ang paghakbang ko papunta sa office ng supervisor, mas bumagal pa. The moment I stepped inside the office, sumalubong naman sa akin ang tipid na ngiti ng supervisor ko, at mga mata nito ay puno rin ng simpatya. Without a word, she gestured for me the chair across her d
ONSE POVNandito ako sa hospital ngayon for my follow-up checkup. Mula nang ma-ospital ako, naging conscious na ako sa kalusugan ko. Kailangan healthy and fit ako, hindi pwedeng magpabaya dahil hinihintay ko pa si Daisy. Alam kong hindi tama ang maghangad ng masama sa iba, pero umaasa ako—darating ang araw, maghihiwalay din sila.While waiting, I kept myself occupied. Ni-review ko ang mga details ngkaso na hawak ko ngayon. Sa sobrang immerse ko sa ginagawa ko, halos hindi ko na naririnig ang bulungan at tawanan ng mga tao na nandito rin sa waiting area.Then I overheard something that made my heart stop. Napa-angat bigla ang ulo ko, napatingin sa dalawang nurse na dumadaan sa harap ko, mabagal na naglalakad habang nag-uusap tungkol kay Vincent na akala daw nila mabait, pero katulad din pala ng ibang lalaki. “Hindi nga ako makapaniwala. Nagawa niya na magpakasal sa iba. Hindi man lang na konsensya,” one of the nurses whispered.For a moment, naisip kong baka ibang Vincent ang pinag-u
Walang salita na binuhat ko si Daisy. Nagprotesta siya, nagpumiglas, kasabay ang pakiusap na ibaba siya, but I ignored her. Patuloy ako sa paglalakad, hindi pinapansin ang pakiusap niya na sumabay sa mahinang suntok sa dibdib ko. Nang tumagal ay idiniin naman nito ang kamay niya sa dibdib ko kasabay pa rin ang mahinang paghikbi. Sandali akong napatitig sa kanya. Gusto ko na siyang ibaba at yakapin ng mahigpit, pero ayaw ko namang isipin niya na sinamantala ko ang sitwasyon niya. Maya maya ay ibinaon nito ang mukha sa dibdib ko habang kinukuyumos ang polo ko. Doon niya bunuhos ang galit niya. Ang sama ng loob na dulot ng tarantadong si Vincent. My heart shattered with every sob. Parang tinatadtad ang puso ko sa sakit. Kinakain rin ako ng konsensya ko; hindi sana siya dumanas ng ganito, if I had cherished her feelings from the start. Hindi sana siya nagmahal ng iba at masaktan ng sobra. Nang marating namin ang kotse, agad kong binuksan ang pinto, and gently set her down in the passe
Hindi sumagot si Daisy. At kung kanina ay malungkot na tingin ang nakikita ko sa mga mata niya, ngayon ay malamig na tingin na. “You should leave. I need to rest. I want to be alone.” Hindi lang pala tingin ang malamig sa kanya, pati boses niya ay malamig din. Medyo pumiyok din ang boses niya matapos sabihin ang huling salita. . Patunay na kahit anong tapang o tatag ang pinapakita niya sa akin ngayon, lumalabas pa rin ang kahinaan niya. “Daisy…” "Umalis ka na nga sabi!” sikmat niya, as she placed her hands on my chest and began pushing me toward the door. Nagmatigas ako. I planted my feet on the floor. Kahit anong tulak niya, hindi ako gumalaw; hindi rin ako nagsasalita, but I made sure na maintindihan niya ang ekspresyon ko. Ayaw kong umalis. Gusto kong makita’t maramdaman niya na concern ako sa kanya, at gusto ko siyang alagaan—gustong damayan. Pero wala ‘e. Kahit pa sobrang pagmamakaawa na ang tingin ko sa kanya, tinutulak pa rin niya ako na para bang nawalan na siya
Paulit-ulit kong nakusot ang mga mata ko; nakaramdam pa ako ng takot. Madilim ba naman kasi ang bumungad sa akin pagmulat ko. Kung hindi ko pa nga nakita ang liwanag sa labas, iisipin kong nabulag na ako. Wala kasing kailaw-ilaw dito sa loob.“Daisy," Bigla akong napaupo nang maalala na nandito ako sa bahay ni Daisy, binabantayan siya, pero nakatulog pala ako sa pag-iisip kung ano ang dapat gawin, to stop her from leaving. “Leaving…” Naibulalas ko, at biglang napatayo. Kung kanina ay takot ang naramdaman ko, ngayon ay kaba na. Kinakabahan ako na baka umalis na siya at iniwan ako na walang paalam.Hinagilap ko ang switch ng ilaw na alam kong nasa gilid lang naman ng main door. Nang lumiwanag na ay agad naman akong nagtungo sa kwarto ni Daisy at mahinahong kumatok, kasabay ang pagtawag sa pangalan niya. Kaya lang ilang beses na akong kumatok, hindi pa rin siya sumagot. Iba na agad ang naisip ko. Mas lumakas pa ang kabog ng dibdib ko. Nagtatalo na rin ang isip ko, umalis na ba siya o
Hinaplos-haplos ko ang buhok ni Daisy na sumabay naman sa pagsasalita niya. She spoke about the future, kasama si Vincent—their plans to get married, to build a family, na hindi raw naranasan ni Vincent. Lahat ng sinabi niya parang pana na tumama sa puso ko. She truly loved him. There was no denying it. In such a short time, they had already spoken of marriage and of life together. Limang taon, ako lang ang gusto niya. Akala ko nga, hindi ako mabubura sa puso niya. Pero wala ‘e. Ako din ang dahilan kung bakit iba na ang mahal niya. Siguro, ‘yong feeling niya for me, sobrang babaw lang, compared sa feelings niya kay Vincent. Panandalian lang ang mayro’n sila, pero ang lalim ng pagmamahal nila. I smiled bitterly as Daisy’s sobs began to subside. The heartbreaking words turned into quiet sniffles. She was exhausted—emotionally, and physically. I gently wiped the tears from her face, careful not to disturb her. Then I stood. Nagtungo ako sa kusina, naglagay ng maligamgam na tubig s
Ang sunod kong naramdaman ay yakap na ako ni Onse. Hinaplos-haplos na nito ang likod ko."Don't let her leave," utos nito sa mga guard na agad namang sumunod at hinarang si Althea. Ayaw nito pahawak, pinagtatampal ang kung sinong hahawak sa kanya na sinabayan pa ng malulutong na mura. Bukod sa mga guard, may ibang mga tao rin na humarang sa kanya. Ang iba ay minura rin siya at pinagduduro. Nakasakit nga raw, siya pa ang matapang.Hindi sa lahat ng panahon ay papabor sa kanya ang sitwasyon.Hindi lahat, mabubulag sa panlabas niyang ganda. Ngayon ay wala siyang lusot. Maraming nakakita sa kabaliwang ginawa niya. Dahil sa selos na wala sa lugar, maraming nadamay at nasaktan. Hindi man malubha ang mga sugat na natamo, pero malaking perwisyo naman ang dulot sa kanila.“Call the police now," utos ni Onse with authority. His eyes fixed firmly on Althea, na ngayon ay itinakip na ang bag mukha. May kumukuha na rin kasi ng mga larawan at video. Mapapailing ka na lang talaga sa bulok na ugali
Matapos ang tension na naganap sa courtroom at banta ni governor kahapon na nagpakaba sa akin ng husto, nag-decide si Onse na ‘wag munang pumasok. Sasamahan niya raw ako, babantayan, hanggang mawala ang takot ko, pero focused niya, sa phone pa rin.Tahimik ko lang siyang pinagmamasdan, nagbabasa nga ako ng nobela, pero mata ko naman nakapako sa kanya. Ang gwapo ‘e. He was so effortlessly captivating, even when he wasn’t trying. Kaya lang, kainis na hah. Kanina pa ako rito sa harap niya, at malamig na nga ang kape na tinimpla ko para sa kanya, pero hindi niya pa rin ako tinapunan ng tingin. I cleared my throat, hoping to catch his attention. Pero wala talaga. Napasimangot tuloy ako, at pabagsak na sumandal sa armrest. “Onse…” tawag ko sa kanya. He looked up, his expression instantly softening into a smile that made my heart skip. Ito ako, tatampo-tampo pero agad namang dumadagundong ang puso, simpleng ngiti niya lang. “Hmm?” ‘Yon lang ang sagot niya, pero ang lambing na. Tumayo rin
Onse was finally discharged from the hospital. Hindi pa rin siya magaling, medyo kinakapos pa rin siya sa hininga, pero nagpupumilit siya na lumabas na para sa kaso na dahilan kung bakit siya napahamak. “Onse, matulog ka na.” Katabi ko na siya sa kama, kaya lang tutok pa rin siya sa laptop. Heto nga at panay na ang papansin ko, tigilan niya lang ang ginawa. “Maya maya matutulog na ako," sagot niya. Sindali niya lang akong nilingon tapos balik na naman ang mukha niya sa laptop. Kahapon pa siya nakalabas ng hospital, pero puro trabaho na ang inaatupag niya. Madalas niya ring kausap si Danreve. Medyo asar na nga ako. Pati kasi ang landiin ako, hindi na niya nagawa. Nakahain na ako sa harapan niya, pero sa trabaho naman ang focus niya—sa upcoming court hearing, at gaya ng narinig ko kanina sa kausap niya sa phone, walang makapagpigil sa kanya na pagbayarin ang may sala. “Onse, bukas na ang court hearing, dapat ay magpahinga ka ng maaga. Matulog ka na. Paano kung lalala ang sakit mo…"
Matapos sabihin ni Vincent ang hindi kaaya-ayang salita at mag-iwan ng matalim na tingin, agad na siyang lumabas. Hindi na nga ako nakapagsalita, napatulala na lang ako habang nakatingin sa saradong pinto. I couldn’t understand what had just happened. Ano ‘yon? Bakit niya ‘yon sinabi? Anong ibig niyang sabihin? At saka, anong karapatan niya na umakto ng gano’n? Sira-ulo ba siya? He was the one who had chosen to marry someone else, tapos siya pa ang galit? Naging loyal ako sa kanya. Kahit pa sabihing rebound ko lang, minahal ko pa rin siya. Nagiging totoo ako. Pigil akong bumuga ng hangin. Pinapakalma ang puso ko. Inis na inis ako sa kanya. Ayaw ko sanang magkaroon kami ng samaan ng loob, kaya lang mukhang malabo na ‘yon. Ilang ulit pa akong bumuga ng hangin. I tried to shake off the unsettling feeling na iniwan ni Vincent. Napalingon lang ako nang gumalaw si Onse. His hand brushed against mine. Ngumiti ako. Pinilit ko na ‘wag bumakas sa mukha ang inis ko. “Asawa ko…” sabi
Thank you so much to everyone for taking the time to read this story. Your support means the world to me. I’d love to hear your thoughts, so please don’t hesitate to leave a comment and share your feedback. Your opinions and suggestions will help me grow and improve as a writer!
Napakurap-kurap ako matapos sabihin ang salitang hindi ko pwedeng bawiin.Si Onse naman ay walang kurap na tumitig sa akin. Pinipilit niya ako na aminin, pero magugult din pala. Maya maya ay ngumiti naman siya. Matamis na matamis at saka nilapat nito ang isang kamay sa pisngi ko. Pinahid ang mga luha ko. “Daisy…” he whispered, his voice muffled by the oxygen mask still resting loosely over his mouth. Nangingislap na rin ang mga mata niya, kahit kinakapos pa rin sa hininga. Ako naman, pangalan ko pa lang ang sinambit niya, pero puso ko, nagwawala na. Tumatalbog-talbog sa loob ng dibdib ko. And before I could say anything else, he lifted the mask, letting it dangle around his neck and leaned forward. Before I knew it, his lips were on mine—gentle and unhurried, as if savoring every second.This time, I didn’t pull away. Napangiti pa ako habang tinutugon ang halik niya. But then I felt it—his breathing faltering. Kaagad kong hinawakan ang pisngi niya para awatin siya. “Onse, tama na…
Parang may bumara sa lalamunan ko na hindi matanggal-tanggal kahit paulit-ulit na akong lumunok. Si Onse kasi na ayaw akong lubayan ng tingin. Mga mata niya na kahit inaantok at halatang may dinaramdam ay parang nanunukso pa rin, parang inaakit ako. Muli akong tumikhim, at saka inabot ang oxygen mask niya, adjusting it properly over his face. "You need this. ‘Wag mong alisin, para hindi ka mahirapan huminga," sabi ko, pinipilit na ‘wag mahalata sa boses ko na apektado ako sa mga titig niya. Kaya lang nang bitiwan ko ang mask, inalis naman niya ulit. A small, stubborn smile tugging at the corners of his lips. “Daisy…” malumanay nitong sabi. Hindi ako sumagot. Timitig lang sa mga matang parang pinapaamin ako. “I’m waiting, asawa ko." Ang lambing ng boses niya na para bang hinahaplos itong puso kong nag-aalangan pa rin na aminin ang nararamdaman ko. “Daisy, aminin mo na…" Ayon na naman ang boses nitong nanonoot hanggang puso ko. Magsasalita na sana ako, pero na agaw naman ang
Onse remained unconscious when they moved him to the regular room.Nanatili ako sa tabi niya. Kaming tatlo ni Charmaine at Danreve. Sabay naming pinagmamasdan ang maputla nitong mukha na nagpapasikip sa dibdib ko. Gusto ko siyang gisingin, gusto kong makita ang ngiti niya, ang mga matang parang laging inaakit ako. Pero sa ngayon, gusto ko munang alamin ang dahilan ng aksidente, at kung bakit pinigilan ni Danreve na magsalita ang doktor kanina. Nagpaalam ako kay Charmaine na lalabas muna sandali, at pasimpleng sumenyas kay Danreve na sumunod sa akin. Kanina ko pa kasi siya gustong makausap, pero dahil kay Charmaine, hindi ko nagawa. Alam ko naman kasi kung bakit ayaw magsalita ni Danreve sa harap ni Charmaine, dahil sa nangyari sa pamilya nila noon. Kaagad ngang sumunod si Danreve. Now, in the quiet hallway, hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa. Agad na akong nagtanong. “What really happened to Onse?”Danreve hesitated for a moment. Bumuga pa ng hangin at malungkot na tumitig sa mga mata
DAISY Kung kanina habang bumabyahe kami papunta sa firm ay panay pa rin ang lambing ni Onse, pumaparaan pa nga na humawak sa hita ko, ngayon ay nagtataka naman ako sa kilos niya na biglang nagbago. Biglang naging seryoso. Alam kong may mali. Hindi pwedeng bigla na lang siyang magbago ng walang dahilan. Pagbaba niya ng sasakyan ay biglang nag-iba na agad ang timpla niya. ‘Yong mga titig niya na parang inaakit ako, napalitan ng tinging nababalisa. Parang may kinatatakutan. Nalilito ako. Nagtataka. Pinipilit-pilit pa nga niya akong mag-stay, pero nang lalabas na sana ako, pinapaalis naman niya; hindi lang simpleng pinapaalis, tinataboy niya ako. Gusto ko pa sanang magtanong, pero sa nakikita ko sa mga mata niya, determinado talaga siya na paalisin ako. Kaya lang, pansin ko naman ang panay na paglingin niya. I followed his gaze, at kitang-kita ko ang anino ng taong nakakubli roon. Hindi ko alam, pero nang makita ang anino ng kung sinong lalaki, nakaramdam ako ng kaba. Utak ko