Home / Romance / Daisy His Remedy / Daisy His Remedy 35 "Flight Booked"

Share

Daisy His Remedy 35 "Flight Booked"

Author: sweetjelly
last update Last Updated: 2024-11-22 23:45:05
Bumangon ako nang makalabas si Vincent. Sinubukan ko pang tumayo. Susundan ko sana siya. Gusto kong makita siya sa huling pagkakataon. Pero kusang tumigil sa paghakbang ang mga paa ko.

Tinaboy ko na siya sa buhay ko. Desido na akong tapusin ang lahat sa amin, pero…puso at utak ko nagtatalo pa rin sa kung ano ang dapat kung gawin? Patatawarin ko ba siya? Kaya ko bang at tanggapin ang katotohanan na ginawa niya akong kabit?

Napasabunot na lang ako sa sariling buhok, pabagsak na umupo. Buwisit namang buhay ‘to. Ang malas-malas ko naman sa mga lalaking minahal ko. Hindi nga yata talaga para sa akin ang pag-ibig.

“Vincent, bakit hindi ako ang iyong pinili? Bakit hindi mo ako pinaglaban sa mga magulang mo?” Napahawak na lang ako sa dibdib kong naninikip. Galit ako, pero nangibabaw ang lungkot. Kitang-kita ko kasi sa mga mata niya, totoong nasasaktan din siya, pero hindi naman pwedeng manatili pa rin ako sa relasyon na hindi na tama, at ako ang magiging kawawa.

Dumilim na lang, hindi pa rin
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Related chapters

  • Daisy His Remedy   Daisy His Remedy 36

    Kanina pa ako nakatayo rito sa labas ng hospital lobby. Nag-aalangan akong pumasok. Natatakot ako sa kung ano ang makikita o maririnig ko sa loob. Pero kailangan kong lakasan ang loob ko. Bumuga ako ng hangin at nagsimulang humakbang. Mabagal, pero determinado naman akong pumasok.Bago ako pumunta rito, tumawag muna ako sa supervisor ko, in-inform ko siya na mag-re-resign ako. Heto na nga, hawak ko na ang resignation letter na isusumite ko.Pwede naman sanang umalis na lang ako na hindi na mag-re-resign, total hindi na naman ako babalik rito sa Pilipinas. Pero alam kasi nila na hindi ako ganitong tao. At ayaw ko na ako ang mapasama sa tingin nila. I wanted to leave this hospital with everything settled—no loose ends, no questions left unanswered.Paulit-ulit muna akong bumuga ng hangin. Nanginginig at nanlalamig ang mga kamay ko habang mabagal na naglalakad papunta sa office ng supervisor ko. Ang bigat na ng mga paa ko, hirap na akong maglakad, mas naging mabigat pa dahil sa mga titig

    Last Updated : 2024-11-22
  • Daisy His Remedy   Daisy His Remedy 37 "Intention"

    ONSE Nandito ako sa hospital ngayon, for my follow up check up. Mula nang ma-ospital ako, naging conscious na ako sa kalusugan ko. Kailangan healthy and fit ako, hindi pwedeng magpabaya dahil hinihintay ko pa si Daisy. Alam kong hindi tama na maghangad ng masama o kasiraan sa iba, pero umaasa ako—darating ang araw na maghihiwalay din sila. Habang hinihintay ang turn ko sa check up, inabala ko naman ang sarili ko sa trabaho. Ni-review ko ang mga details ng kaso na hawak ko ngayon. Sa sobrang immerse ko sa ginagawa ko, halos hindi ko na naririnig ang bulungan at tawanan ng mga tao na nandito rin sa waiting area.Kaya lang isang salita ang kumuha sa atensyon ko. Napa-angat bigla ang ulo ko, napatingin sa dalawang nurse na kadadaan lang sa harap ko, mabagal silang naglalakad habang nag-uusap tungkol kay Vincent na akala daw nila mabait, pero katulad din pala ng ibang lalaki. Manloloko at paasa.“Hindi nga ako makapaniwala. Nagawa niya na magpakasal sa iba. Hindi man lang na konsensya,”

    Last Updated : 2024-11-23
  • Daisy His Remedy   Daisy His Remedy 38 "Leaving"

    “Bitiwan mo siya!” singhal ko. Hinila ko si Daisy pabalik sa akin, pero nagmatigas si Vincent. Nanggagalaiti ang tingin nito sa akin at ayaw bitiwan ang kamay ni Daisy.“ ‘Wag kang makialam.” Dinuro niya ako, at muling hinila si Daisy.Nakagat na lang ni Daisy ang kanyang labi, at naipikit ang mga mata. Nagpaling-paling ang katawan niya dahil sa pwersang ginagawa namin ni Vincent.“Away namin ‘to ng girlfriend ko!” madiin niya pang sabi.Pahapyaw akong tumawa. At imbes na sundin ang gusto niya, buong lakas kong hinila si Daisy at hinapit ang bawyang niya. “Girlfriend mo? Ang kapal ng mukha mo!”“Sir Onse…” Awat sa akin ni Daisy. Umiling-iling siya, nakikiusap ang mga mata na ‘wag patulan si Vincent. “Iuwi mo ako, please,” pakiusap niya. Napatingin ako sandali sa kamay niya na mahigpit na humawak sa braso ko, at tinanguan siya. “Okay,” sabi ko, pero hindi naman nilulubayan ng tingin si Vincent.“Daisy, hindi ka pwedeng sumama sa kanya!” Akmang hahawakan na naman niya ang kamay ni Daisy

    Last Updated : 2024-11-23
  • Daisy His Remedy   Daisy His Remedy 39 "Concern"

    Hindi sumagot si Daisy. At kung kanina ay malungkot na tingin ang nakikita ko sa mga mata niya, ngayon ay malamig na tingin na. “You should leave,” maya maya ay sabi niya. Tinulak niya rin ako, pero hindi ako gumalaw. Hinihintay ko na tingnan niya ako. Gusto kong makita ang mga mata niya. Gusto kong makita niya na nag-aalala ako sa kanya. “Sir Onse, please…I need to rest. I want to be alone, kaya umalis ka na.” Pumiyok ang boses niya. “Daisy…” Sinilip ko ang mukha niya at pinahid ang luha, pero winaksi niya ang kamay ko, at nanggagalaiti akong hinarap."Umalis ka na nga sabi!” singhal niya kasabay ang pagtayo. Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako papunta sa pinto. Hindi ako pumayag, nagmatigas ako. Pinilit kong hindi gumalaw. Hindi na rin ako nagsasalita, pero siniguro kong malinaw niyang nakikita na nasasaktan ako para sa kanya. Nasasaktan ako dahil tinataboy niya ako. Pero magpapakamanhid ako. Titiisin ko ang masamang trato niya sa akin, payagan niya lang akong alagaan siya.

    Last Updated : 2024-11-24
  • Daisy His Remedy   Daisy His Remedy 40 "Distance"

    Paulit-ulit kong nakusot ang mga mata ko; nakaramdam pa ako ng takot. Madilim ba naman kasi ang bumungad sa akin pagmulat ko. Kung hindi ko pa nga nakita ang liwanag sa labas, iisipin kong nabulag na ako. Wala kasing kailaw-ilaw dito sa loob. “Daisy," Bigla akong napaupo nang maalala na nandito ako sa bahay ni Daisy, binabantayan siya, pero nakatulog pala ako sa pag-iisip kung ano ang dapat gawin—kung paano siya pipigilin ang kanyang pag-alis. “Alis…” Naibulalas ko at biglang napatayo. Kung kanina ay takot ang naramdaman ko, ngayon ay kaba na. Kinakabahan ako na baka umalis na siya at iniwan ako na walang paalam. Hinagilap ko ang switch ng ilaw na alam kong nasa gilid lang naman ng pinto. Nang lumiwanag ay agad naman akong nagtungo sa kwarto niya at mahinahong kumatok. Kasabay ng pagkatok ko ay mahinang pagtawag sa pangalan niya. Kaya lang, ilang beses na akong kumatok, hindi pa rin siya sumagot. Iba na agad ang naisip ko. Mas lumakas pa ang kabog ng dibdib ko. Nagtatalo na rin a

    Last Updated : 2024-11-26
  • Daisy His Remedy   Daisy His Remedy 41 "Pervert Old Man"

    “Daisy…” Hinaplos-haplos ko ang buhok niya. Habang siya, walang tigil sa pagbigkas ng pangalan ni Vincent. “Nangako siya… Magkasama kaming tatanda—habang buhay niya akong mamahalin.” Naipikit ko ang mga mata ko. Lahat ng sinabi niya parang pana na tumama sa puso ko. Ang sakit. Ramdam ng buong katawan ko.Mahal nga niya si Vincent. Hindi niya lang ito ginagamit para pagtakpan ang nararamdaman sa akin. Hindi na nga siguro niya ako gusto. Sa maikling panahon, nagawa na nilang magplano ng kasal. Mag-plano ng pamilya. Mapait akong napangiti. Pinahid ang luhang patuloy na pumapatak mula sa mga mata niya. “Daisy, hindi lang siya ang lalaki sa mundo…nandito ako. Handa nang suklian ang nararamdaman mo, pero bakit parang wala akong puwang sa puso mo?” Nilapat ko ang kamay niya sa labi. Limang taon niya akong ginusto, pero sa ilang buwan lang ay nabura agad ako sa puso niya. Kasalanan ko din naman, kaya hindi na niya ako gusto. Kung tutuusin, wala naman talaga akong laban kay Vincent. Crush

    Last Updated : 2024-11-26
  • Daisy His Remedy   Daisy His Remedy 42 "Responsibility"

    DAISY Nagising ako dahil sa matinding sakit ng ulo. Mga mata ko, hindi ko rin halos maidilat. Pisil-pisil ko na ang sintido ko, mabawasan man lang ang sakit na nararamdaman ko. Matapos ang ilang minutong paghilot sa sintido ko ay nagawa ko na ring imulat ang mga mata ko. Ang puting kisame ang unang bumungad sa akin. Kumunot naman ang noo ko. Nakamot ko pa ang aking ulo. Hindi ko matandaan kung paano ako nakauwi. Napakibit-balikat naman ako, siguradong si Charmaine ang naghatid sa akin. Napa-unat ako ng mga kamay ko kasabay ang paghihikab. Kaya lang, imbes ginhawa ang maramdaman ko sa pag-uunat, kaba ang bumalot sa akin. Pigil hininga kong inaangat ang aking kamay mula sa mabuhok, matigas, at malapad na nahawakan ko. Dahan-dahan akong gumalaw, umupo, at saka, parang robot na lumingon sa tabi ko. Parang busina ng train ang tili ko, sabay hawak sa kumot na nakatakip sa aking katawan. Taranta namang bumangon ang lalaking katabi ko. Si Sir Onse. Katulad ko ay nanlalaki rin ang

    Last Updated : 2024-11-27
  • Daisy His Remedy   Daisy His Remedy 43 "Smiled"

    “Sumunod ka sa labas!" sabi ni kuya, kay Sir Onse, at kumawala sa paghawak ni Danreve.Awtomatikong bumaling ang tingin sa akin ni Sir Onse. Tinitigan ako na parang nagmamakaawa na tulungan ko siya.Takot yatang mabugbog ulit. Sa laki ba naman kasi ng katawan ng kapatid ko, siguradong malalamog na siya. “Halika na, bro! Sira-ulo ka kasi." Tinulungan siyang tumayo ni Danreve.Napapadaing pa siya habang mahinang hinihila palabas ng kanyang kaibigan. Si Charmaine naman, sinundan lang sila ng tingin na parang walang pakialam sa kapatid niya. “Hindi mo ba sila susundan?" tanong ko, habang nahihiyang tinitigan siya, pero inismiran niya lang ako. “Hayaan mo nga siya. Deserve niyang mabugbog!" sabi niya."Hindi ka ba naaawa sa kanya. Kapatid mo ‘yon…”"Naaawa, pero…" Hinawakan niya ang kamay ko. Napalabi naman ako, nahihiya akong tumingin sa kanya. Nahihiya sa sitwasyon na kinalalagyan ko ngayon. “Magkukwento ka ba o gusto mo pang tadtarin kita ng tanong?" Walang prenong sabi nito. Tina

    Last Updated : 2024-11-28

Latest chapter

  • Daisy His Remedy   Daisy His Remedy 104 "Wakas"

    Onse Isang buwan na ang lumipas matapos ang bangungot na nagdulot sa amin ng takot—takot na si Althea ang dahilan. Ngayon ay unti-unti nang bumalik sa dati ang lahat. Wala nang banta at panganib na nag-aabang sa amin. Nakulong na si Althea, habang buhay niyang pagbabayaran ang mga kasalanang nagawa, at ang mas satisfying, hindi lang parusa ng tao ang natanggap niya, pati parusa ng diyos. Dahil babae nga siyang hindi mapakali at iba’t-ibang lalaki ang sinamahan, nagkasakit siya—cervical cancer at nasa huling yugto na. Si Vincent naman ay namuhay na ng payapa kasama ang asawa sa ibang bansa. Sa wakas ay tanggap na niya na tapos na sila ni Daisy at may kanya-kanya na silang mga buhay. Ako naman, nangakong bubuharahin ang lahat ng mga bahid ng takot na paminsan-minsan pa ring gumigising sa amin sa kalagitnaan ng pagtulog. Sa tulong ni Charmaine at Danreve, at ng aming mga pamilya, tuluyan nang bumalik ang sigla ni Daisy. Hindi na rin sumumpong ang memory lapses niya na ipinagpa

  • Daisy His Remedy   Daisy Hi Remedy 103 "Relief"

    Onse Habang pauwi, panay pa rin ang sulyap ni Danreve sa akin sa rear view mirror. Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya, o kung ano gusto niyang sabihin. Paminsan-minsan rin niyang tinatapunan ng tingin si Daisy. Gustong-gusto ko nang magtanong kung ano ang iniisip niya, pero kinakabahan naman ako sa kung ano ang kanyang sasabihin. Baka kasi magdulot na naman ng kaba sa asawa ko. Ilang sandali pa ay rinig na namin ang mahinang hilik ni Daisy na nagpangiti naman sa akin. Kahit paano ay nakaramdam ako ng ginhawa. Sa kabila ng mga nangyari, hindi siya bumigay. Naging matatag siya kahit nalagay na sa panganib ang buhay. Sana lang, hindi na bumalik ang memory lapses niya. “Ano ba, bro? Kanina ka pa!" Hindi na ako nakatiis at sinita ko na nga kaibigan kong ayaw pa rin akong tantanan ng tingin. “Sabihin mo na ang laman ng utak mo, nakakatakot na ang klase ng tingin mo," dagdag ko na tipid na ngiti naman ang sagot niya. “Nakakatakot agad? Masaya lang ako, kasi walang masama

  • Daisy His Remedy   Daisy His Remedy 102 "Safe"

    Pikit mata kong niyakap si Daisy, habang pigil ang hininga, pero agad ko ring naidilat ang mga mata nang makaramdam ng tapik sa balikat. Kumawala ang hiningang kanina ay napigil ko. Napako ang tingin sa kaibigan kong bakas ang pag-alala sa mukha. Ang putok ng baril kanina ay hindi galing sa baril ni Althea, kundi galing sa baril bodyguard ni Danreve na hanggang ngayon ay nakatutok pa rin sa maliit na bintana. "Are you two okay?" tanong ni Danreve, habang gumagala ang mga mata sa amin ni Daisy, naghahanap ng pinsala o tama sa aming katawan. Umiling-iling ako. Gusto kong sumagot na hindi ako okay. Halos mapugto ang hininga ko nang makita si Daisy na nakalambitin sa bintana. Hanggang ngayon nga ay kinakapos pa rin ako sa hininga. Hindi ko pa magawang luwagan ang pagyakap kay Daisy na parang batang kumapit sa batok ko at binaon ang mukha sa dibdib ko. “Asawa ko,” pabulong kong sabi. Gaya ko, nanginginig din ang buong katawan niya at kinakapos sa hininga. “It’s over. You’re safe

  • Daisy His Remedy   Daisy His Remedy 101 "Relief"

    “Kuya, magpahinga ka naman muna,” mahinahong sabi ni Charmaine.Kanina pa nila ako sinisitang mag-asawa. Gusto nilang magpahinga ako. Pero paano ako makapaghinga? Hindi ko pa alam kung nasaan si Daisy. Wala pa ring balita sa kanya. Para sa akin ang magpahinga ay pagsasayang ng oras. Nandito nga ako ngayon sa hospital kasama sila, pero maya’t maya naman ay may kausap ako sa cellphone. Nagtatanong kung may balita na ba, kung may lead na kung sino ang dumukot kay Daisy. Kahit ilang segundo ay hindi ako tumigil na gumawa ng paraan para matunton si Daisy. “Hangga’t hindi pa nahahanap si Daisy, hindi ako magpapahinga,” sagot ko sa kapatid kong napabuntong-hininga na lang habang inalo-alo naman ni Danreve. “Alis na muna ako." Lalabas na sana ako, pero nahinto nang mag-ring ang cellphone ko na agad kong sinagot. Tawag mula sa police station ang natanggap ko na sandaling nagpatulala sa akin. Dinukot raw si Vincent ng mga armadong lalaki, at kasalukuyang sinusundan ng mga pulis.Hindi tung

  • Daisy His Remedy   Daisy His Remedy 100 " Althea's Scheme"

    Rinig na rinig ko pa rin ang malakas na kalabog sa labas ng kwarto. Sigurado ako, nakaramdam si Althea na walang nangyayari sa amin ni Vincent sa loob, kaya gumawa na sila ng paraan na mabuksan ang pinto. Ilang beses ko pang narinig ang kalampag at ang huli ay malakas na kalabog. Tanda na nabuksan at napasok na nila ang kwarto. At ngayon nga ay naririnig ko na ang nangyayaring commotion. “Nasaan si Daisy?" nanggagalaiting sigaw ni Althea na sumabay sa pamimilipit ni Vincent. Sunod-sunod na pumatak ang mga luha ko. Iniharang ang naninigas kong katawan sa pinto. Kada sigaw, utos ni Althea, at daing ni Vincent ay tumatagos dito sa loob ng banyo na nagpapapikit sa mga mata ko. Hindi ko alam kung alin ang tatakpan ko, tainga ko ba para hindi marinig paghihirap ni Vincent o bibig. Sa huli ay bibig ko ang tinakpan ko sa nanginginig kong mga kamay. Muntik na kasing kumawala ang paghikbi ko, kaya sinusubukan pigilin. Kada sigaw at daing ni Vincent ay nag-so-sorry ako. Wala n

  • Daisy His Remedy   Daisy His Remedy 99 "Escape"

    Vincent’s jaw clenched as his eyes flicked to me, then to Althea. Tumawa naman ng malakas si Athea. “Oh, Vincent, bakit ganyan ang hitsura mo? Bakit parang nagulat ka? Bakit parang hindi ka masaya? Hindi ba’t ito naman ang gusto mo? To be with Daisy, ang pinakamamahal mo!” Nakagat ko ang labi ko. Sunod-sunod na namang pumatak ang mga luha ko. “This isn’t what I wanted, Althea. Pakawalan mo siya!” singhal niya. Akmang lalapit sa akin, pero agad siyang hinawakan ng mga tauhan ni Althea. “You’re insane.”“Am I?” Tumaas ang isang kilay ni Athea, sumilay na naman ang kakaibang ngiti sa labi niya. “Mga tao nga naman, sila pa ‘yong tinulungan, sila pa ang galit. Napaka-ungrateful.” “Tigilan mo na ‘to, Althea. Pakawalan mo na si Daisy!” “Anong titigilan? Hindi pa nga tayo nagsisimula, tapos tigil na?” nakakaloko na naman siyang tumawa. ‘Yong tawa na parang biro lang sa kanya ang mga nangyayari ngayon. Parang pinaglalaruan niya kami. “Akin na…” sabi ni Althea sa tauhan niya na alerto nama

  • Daisy His Remedy   Daisy His Remedy 98 "Make Him Suffer"

    “Yes, It’s me, your biggest nightmare!" Sunod-sunod na pumatak ang mga luha ko. Hindi ako makapaniwala na hahantong ang selos ni Althea sa ganito. “Althea, bakit mo ba ‘to ginagawa? Pakawalan mo ako!" “Shut up!” singhal niya. Ang tinis ng boses niya, ang sakit sa tainga. Hindi pa siya kontento na singhalan ako, dinuro-duro niya pa ako sa puntong halos itusok na niya ang daliri sa mga mata ko. Sandaling tumigil ang paghinga ko habang nakatingin sa nanlilisik nitong mga mata. Kung dati ay puno ng kaartehan ang kada salita niya at kada galaw, ngayon ay nawala ‘yon lahat. Galit at pagkamuhi ang nakikita ko sa mga mata niya. Galit na sa tingin ko ay handang pumatay.“ ‘Yan nga, tumahimik ka! Hindi uubra ang pagtapang-tapangan mo ngayon!” Malakas na tawa ang tumapos sa salita niyang ‘yon.Punong-puno ng takot ang dibdib ko. Pero hindi pwede na lagi na lang akong magpapadala sa takot. “Althea, tigilan mo na ‘to, please. Pakawalan mo na ako.” Pakiusap ko, sa kabila ng nakakatakot na hitsur

  • Daisy His Remedy   Daisy His Remedy 97 "Trapped In A Nightmare"

    I woke up in an unfamiliar bed, feeling like I was trapped in a nightmare. Hindi ako makagalaw. Nakatali ang mga kamay at paa ko. Ang dilim pa nitong kwarto na kinaroroonan ko. Napahikbi ako na sumabay sa malakas na kabog ng puso ko. Sinubukan kong alisin ang tali sa kamay ko. Hinila-hila ang mga paa ko at hinablot ng paulit-ulit mga kamay, hindi alintana ang sakit na nararamdaman ko. Desperado akong makawala—desperadong magising sa masamang bangungot na parang pumapatay sa akin ngayon.“Ayoko rito!" Pakawalan n’yo ako!” Nanghihina kong sigaw, pero hindi pa rin tumigil sa paghablot sa kamay ko. Kada hablot, kada ikot sa mga kamay ko, kada tadyak ng may kasamang determinasyon na makakatakas ako. Pero walang silbi ang ginagawa ko. Kahit binuhos ko na ang buong lakas ko, ayaw pa rin maputol ng tali, ayaw matanggal. Ang hapdi na ng pulsuhan ko, ang sakit-sakit ng mga paa ko. Tumingala ako, pilit inaainag ang tali sa kamay ko. Lalo lang akong nanlumo nang makitang makapal na lubid ang m

  • Daisy His Remedy   Daisy His Remedy 96 "Kidnap"

    OnseNandito na ako sa courtroom, pero kahit anong gawin ko, hindi ako makapag-focus. Nahahati ang utak ko—kay Daisy sa mga tanong na binato sa kliyente ko sa ginawang cross-examination. Nagagawa ko pa namang sitahin ang mga misleading na tanong, pero halatang humihina ang depensa ko.Hindi ko magawang iwaglit sa isipan ko ang pag-aalala. Siguro, ganito ang nararamdaman ni Daisy sa tuwing hindi niya ako kasama, kinakain ang buong sistema niya ng takot. Kasama nga niya si Charmaine at Danreve, pero nag-aalala pa rin ako. Nang matapos ang court hearing, agad-agad akong umalis, ni ang kausapin ang kliyente ko ay hindi ko na ginawa. Nangako ako kay Daisy na susunod ako.Ang bilis ng mga hakbang ko papunta sa parking area, at dire-diretsong nag-drive papunta sa hospital. Ilang minuto lang nakarating na ako. Dali-dali naman akong nagpunta sa clinic. Mga hakbang ko ang bilis at ang laki. Gusto ko kasi na marinig mula sa doctor ni Daisy na nasa maayos ba na lagay ang baby namin.Heto na

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status