It had been two weeks since Vincent left for Australia on a business trip with his mother. Sa labing apat na araw na ‘yon ay wala akong ibang ginawa kung hindi ang maghintay, mag-worry, at mag-isip. Ganito ang nararamdaman ko dahil sa loob ng mga araw na ‘yon, he’d only called me four times. At sa apat na beses na iyon, our conversations had been brief, rushed, and ended with him falling asleep halfway through. Naiintindihan ko naman. Tinatanggap ko agad ang mga paliwanag at paghingi niya ng tawad na walang pag-alinlangan. Alam ko naman kasi na pagod siya, at he was busy. His schedule was packed with endless meetings. ‘Yon ang sabi niya, no’ng huling nag-usap kami. At saka, ‘yong time difference kasi, ang clocked out ko ay nine in the evening, past midnight na ‘yon sa Australia. Natural na makatulog talaga siya.Pero ngayon, ewan na. Hindi ko na alam kung dapat ko pa ba siyang intindihin. Dapat ko pa bang tanggapin ng walang reklamo ang mga paliwanag niya na sa tingin ko ay mga excu
Hindi ko na kayang tingnan sila. Malapit na ring pumatak ang luha ko na sinusubukan kong pigilin. Ang saya kasi ni Vincent habang kausap ang babae. Ni minsan hindi siya lumingon. Nasa babae lang ang atensyon niya. Sumikip ang dibdib ko; hindi na rin normal ang paghinga ko. Pakiramdam ko malapit na akong mawalan ng malay. Walang salita na tumalikod ako. Ang laki at bilis ng mga hakbang ko. Nabangga ko pa ang mga upuan na nadaanan ko, pero hindi ko pinansin; hindi ko ininda ang sakit. Ang gusto ko ay lumabas bago pa ako mag-collapse. “Besty?” Charmaine’s voice was laced with concern as I pushed my way out of the restaurant. Alam ko namang agad siyang sumunod. Hindi nga niya alam kung ano ang nangyayari; hindi niya alam kung ano—sino ang nakita ko sa loob ng restaurant. Hindi niya alam na nando’n si Vincent dahil nakatalikod kasi sila sa isa’t-isa ni Vincent. I didn’t stop until, makalabas ako ng restaurant. Nang makalabas ay sumuksok ako sa isang sulok malapit sa restaurant where
Before I could react, he closed the distance between us and wrapped me in a tight embrace, then he said, “surprise.” His voice was laced with excitement and tenderness. Muli na namang nanigas ang katawan ko. Lahat na klase ng emotion ay ramdam ko. Akala ko naubos na ang luha ko kanina, hindi pa pala. Bumabaha na naman ang mga luha na kahit anong pigil ko, pumapatak pa rin. Sumabay din ang pagyugyug ng balikat na para bang lumilindol. Hinahanap ko sa loob-loob ang saya dahil yakap na niya ako; nandito na siya kasama ko, pero wala akong maramdaman na saya—pain and something na hindi ko ma-explain ang bumabalot sa puso ko ngayon. “Surprise…” I tried to steady my voice, but it cracked. I was indeed surprised. Kanina pa lang sa restaurant, na surpresa na ako, at ngayon naman...hindi ko kasi in-expect na darating siya.“Daisy, I missed you.” His arms tightened around me as though he were trying to shield me from everything that had hurt me. And for a fleeting moment, hinayaan kong manati
Kahit itinaboy ko na si Vincent, hindi pa rin siya umalis. Paulit-ulit nitong kinatok ang pinto ng kwarto ko. Each one louder and desperate. Sumabay din ang pagtawag niya sa pangalan ko, pleading to open the door. “Daisy, please... let me in. Hindi ako aalis. Kausapin mo ako.” I pressed my hands tighter over my ears. Ayaw ko nang marinig ang pagmamakaawa niya. Ayaw ko nang marinig paliwanag niya. Wala na naman kasi iyong magagawa; kasal na siya sa iba. Patuloy ang pag-agos ng mga luha ko na bumabasa sa unan na yakap ko. It felt like my heart had been shattered into a thousand pieces. Mapakla akong tumawa. Naalala ko rin kasi kung paano na wasak ang puso ko noong bumalik si Althea sa buhay ni Onse. At ngayon naman, muling nawasak ang puso ko dahil kay Vincent. Ang malas ko. Lahat ng lalaking gusto ko, mahal ko, nawawala sa akin. “Daisy, buksan mo. ‘Wag mong gawin ‘to, please…” Every word he said only deepened the ache. Nagmistulang patalim na humihiwa sa puso ko. Kinagat ko ang n
Kanina pa ako nakatayo sa tapat ng hospital lobby, nag-aalangan kasi akong pumasok. Natatakot sa kung ano ang makikita o maririnig ko sa loob. This morning, I called my supervisor to inform her of my resignation. Heto na nga at hawak ko na ang resignation letter ko, ready to be submitted. A part of me wanted to disappear quietly, to leave without facing anyone, but that wasn’t who I was. I wanted to leave this hospital with everything settled—no loose ends, no questions left unanswered. Paulit-ulit muna akong bumuga ng hangin. My trembling hands clenched as I willed myself to move forward. Bukod sa ramdam ko ang bigat ng mga paa ko, ramdam ko rin ang init ng tingin sa akin ng mga katrabaho ko. Imbes nga na bumilis ang paghakbang ko papunta sa office ng supervisor, mas bumagal pa. The moment I stepped inside the office, sumalubong naman sa akin ang tipid na ngiti ng supervisor ko, at mga mata nito ay puno rin ng simpatya. Without a word, she gestured for me the chair across her d
ONSE POVNandito ako sa hospital ngayon for my follow-up checkup. Mula nang ma-ospital ako, naging conscious na ako sa kalusugan ko. Kailangan healthy and fit ako, hindi pwedeng magpabaya dahil hinihintay ko pa si Daisy. Alam kong hindi tama ang maghangad ng masama sa iba, pero umaasa ako—darating ang araw, maghihiwalay din sila.While waiting, I kept myself occupied. Ni-review ko ang mga details ngkaso na hawak ko ngayon. Sa sobrang immerse ko sa ginagawa ko, halos hindi ko na naririnig ang bulungan at tawanan ng mga tao na nandito rin sa waiting area.Then I overheard something that made my heart stop. Napa-angat bigla ang ulo ko, napatingin sa dalawang nurse na dumadaan sa harap ko, mabagal na naglalakad habang nag-uusap tungkol kay Vincent na akala daw nila mabait, pero katulad din pala ng ibang lalaki. “Hindi nga ako makapaniwala. Nagawa niya na magpakasal sa iba. Hindi man lang na konsensya,” one of the nurses whispered.For a moment, naisip kong baka ibang Vincent ang pinag-u
Walang salita na binuhat ko si Daisy. Nagprotesta siya, nagpumiglas, kasabay ang pakiusap na ibaba siya, but I ignored her. Patuloy ako sa paglalakad, hindi pinapansin ang pakiusap niya na sumabay sa mahinang suntok sa dibdib ko. Nang tumagal ay idiniin naman nito ang kamay niya sa dibdib ko kasabay pa rin ang mahinang paghikbi. Sandali akong napatitig sa kanya. Gusto ko na siyang ibaba at yakapin ng mahigpit, pero ayaw ko namang isipin niya na sinamantala ko ang sitwasyon niya. Maya maya ay ibinaon nito ang mukha sa dibdib ko habang kinukuyumos ang polo ko. Doon niya bunuhos ang galit niya. Ang sama ng loob na dulot ng tarantadong si Vincent. My heart shattered with every sob. Parang tinatadtad ang puso ko sa sakit. Kinakain rin ako ng konsensya ko; hindi sana siya dumanas ng ganito, if I had cherished her feelings from the start. Hindi sana siya nagmahal ng iba at masaktan ng sobra. Nang marating namin ang kotse, agad kong binuksan ang pinto, and gently set her down in the passe
Hindi sumagot si Daisy. At kung kanina ay malungkot na tingin ang nakikita ko sa mga mata niya, ngayon ay malamig na tingin na. “You should leave. I need to rest. I want to be alone.” Hindi lang pala tingin ang malamig sa kanya, pati boses niya ay malamig din. Medyo pumiyok din ang boses niya matapos sabihin ang huling salita. . Patunay na kahit anong tapang o tatag ang pinapakita niya sa akin ngayon, lumalabas pa rin ang kahinaan niya. “Daisy…” "Umalis ka na nga sabi!” sikmat niya, as she placed her hands on my chest and began pushing me toward the door. Nagmatigas ako. I planted my feet on the floor. Kahit anong tulak niya, hindi ako gumalaw; hindi rin ako nagsasalita, but I made sure na maintindihan niya ang ekspresyon ko. Ayaw kong umalis. Gusto kong makita’t maramdaman niya na concern ako sa kanya, at gusto ko siyang alagaan—gustong damayan. Pero wala ‘e. Kahit pa sobrang pagmamakaawa na ang tingin ko sa kanya, tinutulak pa rin niya ako na para bang nawalan na siya
Nanigas ang buong katawan ko nang niyakap ako ni Daisy. The warmth of her embrace sent shockwaves through my entire being. My heart—ang lakas ng dagundong. Parang may drumline sa loob ng dibdib ko, and I didn’t know how to make it stop.Matapos ang ilang minutong paninigas na hindi ko alam kung napansin ba ni Daisy, o narinig niya ba ang tunog ng puso ko, I lifted my gaze. Agad namang kumalma ang puso ko, at hindi pa mapigil ang mapangiti. Daisy had fallen asleep in my arms. Alam kong hindi madali ang naranasan niya ngayon. Siguro nga ay hindi siya makatulog ng maayos, at masaya ako na makita siyang payapa na natutulog sa tabi ko. Ibig sabihin lang nito ay kampante siya na katabi ako. For a moment, I just watched her. Payapa nga siyang natutulog ngayon, bakas pa rin naman ang lungkot sa mukha niya. And seeing her like this, doble ang sakit na nararamdaman ko. Masakit makita na ang babae na mahal ko ay nasasaktan dahil sa ibang lalaki. But sa kabila ng sakit, I couldn’t help but fee
Nagising ako na mag-isa lang sa kwarto. Ingay ng mga sasakyan mula sa labas ng bahay ang naririnig ko. Mapait akong napangiti. Bagong kasal nga ako, pero heto, mag-isa at iniwan pa ng asawa ko. Umalis na lang kasi basta ni Daisy kahapon. She didn’t even bother to respond to the things I told her. The pain of that silence was sharp. Mas masakit pa sa mga sugat at pasa na natamo ko. Ano pa nga ba ang magagawa ko, but endure it. I had fallen in love with a woman who loved someone else, kaya wala akong kawala sa heartache.Si Charmaine ang nag-alaga sa akin mula pa kahapon hanggang sa gumabi at nakatulog na nga ako. Kanina ay nag-aalangan pa siya na iwanan ako, wala raw kasing mag-aalaga sa akin. Si Daisy kasi, talagang walang pakialam. Ni ang silipin nga ulit ako, hindi niya ginawa. Ang tigas-tigas ng puso. Gusto na nga sana akong iuwi ng kapatid ko sa bahay nila, but I refused. Ayaw kong umalis. Gusto kong makasama si Daisy, kahit hindi man kami magkatabi sa pagtulog, as long as we
Nag-alalangan ako na humiga sa tabi ni Onse. Para kasing tanga, nakangiti at tinapik-tapik ang kama. Inuudyok ako na natibihan siya. Pinanliitan ko siya ng mga mata. Kinagat ko rin ang pang-ibabang labi dahil sa gigil. Pero talagang sira-ulo siya. Ngumisi at kumindat ba naman. Umawang tuloy ang labi ko. Kasi nga hindi naman kasi ganito ang Onse na kilala ko noon. Seryoso at minsan lang kung ngumiti. Ngayon, parang nabaliw na. “Umayos ka nga, Onse.” Doktora Cherry scolded him. “Move over, at tumalikod ka. Kita mo na ngang nahihiya si Daisy.” Sumeryoso naman ang mukha ni Onse. “Hindi ba, sabi mo kanina, wala na dapat ikahiya si Daisy sa akin? Bakit ngayon, pinalalayo mo ako at pinatatalikod pa?” Inis na namaywang naman si doktora. “Walang malay si Daisy kagabi, hindi niya alam kung ano ang nakita at nahawakan mo.” Sumulyap naman sa akin si doktora, at saka binalik ang tingin kay Onse na ngayon ay busangot na ang mukha. "Tingin mo, gugustuhin ni Daisy na panoorin mo habang gin
DAISY The room fell into an awkward silence. My cheeks burned with embarrassment. Nakuyumos ko rin ang laylayan ng damit ko. Hindi ko na alam kung ano ang sasabihin. Naghalo-halo ang laman ng utak ko, ng nararamdaman ko—anger, humiliation. Hindi ako makapaniwala na malalagay ako sa ganitong nakakahiyang sitwasyon at na-witness pa ng lahat. Si Doktora Cherry ang bumasag sa katahimikan. Tumikhim siya, at inisa-isa kaming tingnan. “Now, is everything clear?” May diin ang bawat bigkas niya sa mga salitang ‘yon. Pero ang tingin ay nakapako na kay Kuya Reynan na ngayon ay hindi na siya magawang tingnan ng diretso. “You,” turo niya ito, “matuto kang magtanong, before acting on anger. Don’t let your temper dictate your actions, and never resort to violence like that again. Paano kung napuruhan mo si Onse? Paano kung napatay mo siya?” Tuluyan nang nanigas ang kapatid ko, his lips pressing into a tight line. Ang tapang at ang sungit niya kanina, ngayon biglang kalmado na. Nasapol sa wala
“Onse… ‘wag na nga matigas ang ulo mo.” Pinilit na kalasin ni Daisy ang mga kamay ko. Eventually, I had no choice but to let go.She wasted no time. Agad siyang bumaba sa kama, and in seconds, nabuksan niya agad ang pinto ng walang kahirap-hirap.I could only watch as she hurried out of the room. Pero napapangiti naman ako. Masaya kasi ako dahil sa kabila ng mga nangyayari ngayon, sa galit niya, nag-aalala pa rin siya sa akin. Mas nagkaroon oa ako ng pag-asa na balang araw, babalik din ang feelings niya sa akin. Not long after, rinig ko na ang nagmamadaling mga yabag papunta rito sa kwarto. Agad naman akong pumikit, para maawa pa lalo si Daisy at mahalin na niya agad ako. “Kuya Onse…” malungkot na tawag ni Charmaine, kasabay ang paglapat ng palad nito sa noo ko.Dumilat ako. Medyo na dismaya nang hindi boses ni Daisy ang narinig ko, pero nang makita ko si Daisy sa tabi ni Charmaine, agad namang kumislap ang mga mata ko. “Halika, tumayo ka. Ihahatid ka namin sa hospital.” Hinawaka
Walang nakapagpigil sa ginawa ko kay Daisy. Lahat nagulat, sa puntong nagmistulang mga posteng nakatirik sa kinatatayuan nila. “Sira-ulo ka! Honeymoon, mukha mo!” Diniin ni Daisy ang palad niya sa mukha ko bilang protesta sa aking ginagawa. Pero hindi pa rin iyon nakakapigil sa akin na madala siya kwarto. Nang makapasok kami, I kicked the door shut. Natahimik siya. Naangat din niya ang mga kamay na kanina pa dumidiin sa mukha ko. Yumanig kasi ang buong bahay sa lakas ng pagsipa ko. Akala yata niya ay galit na ako. Pero hindi ko naman intensyon na gawin ‘yon. Hindi ko intensyon na takutin siya. Hindi ko lang na tansya ang pagsipa ko. “Ibaba mo ako!" Matapos ang sandaling pananahimik, nagsisimula na naman siyang magpumiglas. Hinahampas na naman ang mukha ko. Wala ‘tong awa si Daisy. Kita na nga niyang namamaga at puno ng sugat ang mukha ko, dinagdagan pa. Hindi man lang nag-atubili na pagtatampalin ang mukha ko. Without hesitation, I tossed her onto the bed. Mahinang itsa la
ONSE Hindi ko sadya ang mapangiti, pero sinadya ko namang makita ‘yon ni Daisy. Wala akong pakialam, ano man ang isipin niya. Wala nga akong pakialam kung ang tingin niya sa akin ay hayop. Ang saya-saya ko, at hindi pwedeng hindi ko ilabas ang saya na nararamdaman ko. Gusto ko na nga rin sanang yakapin at halikan si Reynan. Gusto kong magpasalamat sa kanya, kasi siya ang tumupad sa pangarap ko. ‘Yong pambubugbog niya sa akin, bawing-bawi naman ‘yon sa saya na nararamdaman ko ngayon. Ang totoo, hindi ko naman in-expect na ganito ang mangyayari. Totoong wala akong masamang intensyon. Ang gusto ko lang ay samahan at alagaan si Daisy. Nangyari ang gulo na ‘to—gulo, pero isa naman sa pinakamasayang sandali ng buhay ko. Just yesterday, I was wracking my brain trying to figure out how to stop Daisy from leaving. At ngayon, hindi ko lang napigilan na umalis, naging asawa ko pa siya. Kaya ayos lang, kahit muntik na akong madurog ni Reynan. Hindi ko na naman mapigil ang mapangiti
“Lumabas ka!" Kumawala si Kuya Reynan sa paghawak ni Danreve, at dinuro na naman si Onse na awtomatiko namang bumaling ang tingin sa akin. Para bang humihingi ng tulong. Takot yata na mabugbog ulit. Sa laki ba naman kasi ng katawan ng kapatid ko, siguradong malalamog siya. “Halika na, bro! Sira-ulo ka kasi." Sapilitan naman siyang itinayo ni Danreve. Napapadaing pa habang kinaladkad palabas ng asawa ni Charmaine na sinundan lang sila ng tingin. Parang walang pakialam sa kapatid niya. Tumitig naman ako sa kanya, hoping na maintindihan niya ang ibig kong sabihin, pero inismiran niya lang ako. “Hayaan mo siya. Deserve niyang mabugbog!" sabi niya, pero ang tingin ay nasa akin na. Tingin niya ay halatang naghihintay ng eksplinasyon.“Magkukwento ka ba o gusto mo pa na tadtarin kita ng tanong?" Walang prenong sabi nito. Tinaasan na rin ako ng kilay. Nakagat ko naman ang labi ko, pinahid ang luha sa mga mata ko. “Hindi ko nga alam kung anong sasabihin—kung ano ang nangyari,” pabulong ko
DAISYNagising ako dahil sa matinding sakit ng ulo. Mga mata ko, hindi ko rin halos maidilat. Pisil-pisil ko na ang sintido ko, mabawasan man lang ang sakit na nararamdaman ko. Matapos ang ilang minutong paghilot sa sintido ko ay nagawa ko na ring imulat ang mga mata ko. The white ceiling of my room came into view. Kumunot naman ang noo ko. Nakamot ko pa ang ulo ko. Hindi matandaan kung paano ako nakauwi. Siguro si Charmaine ang naghatid sa akin. Kasabay ang paghihikab, inunat ko naman ang mga kamay ko. Kaya lang, imbes ginhawa ang maramdaman ko sa pag-uunat, kaba ang bumalot sa akin. Pigil hininga habang inaangat ang kamay mula sa mabuhok, matigas, at malapad na nahawakan ko.Dahan-dahan akong gumalaw, umupo at saka, parang robot na lumingon sa tabi ko. Parang busina ng train ang tili ko, sabay hawak sa kumot na nakatakip sa aking katawan. Taranta namang bumangon ang lalaking katabi ko. Si Sir Onse. Katulad ko ay nanlalaki rin ang mga mata. Nagsabay pa nga ang marahas naming pag