"Ariah, sundan mo si yaya papunta na siya sa kotse," si Mrs. Chavez habang inaayos ang nakababatang kapatid ni Ariah sa kaniyang baby basket. Kasalukuyan silang nasa Park at naghahanda na para umuwi. Isang yaya lamang ang kasama nila dahil linggo noon at naka-day off ang isa.
Mabilis namang tinulungan ng driver ang yaya nang makita itong maraming bitbit.Nakipag-play date kasi sila kasama ang ilang kalaro ni Ariah at mga magulang ng mga ito. Nauna nang nagsipag-uwian ang mga ito kaya sila na lamang ang naiwan.Tanaw lamang ni Mrs.Chavez ang kotse kaya kampante siyang utusan ang anak na sumunod na roon.Habang naglalakad si Ariah ay isang babae ang lumapit dito, walang ano-ano ay binuhat nito ang bata saka tinakpan ang bibig nito ng panyo na mayroong pampatulog at mabilis na inilayo patago sa pagitan ng makakapal na halaman, hindi na naka galaw ang bata dahil malaki at malakas ang babae. Wala rin kahit anong bakas na naiwan at tila nawala na lamang na parang bula ang bata.Dinala si Ariah sa isang kotse habang unti-unting nawalan ito ng malay.Nagulat si Mrs.Chavez nang tanungin siya ni yaya Medy kung nasaan si Ariah."Pinasunod ko sa'yo dahil mukhang uulan na," nag-aalala nitong tugon na luminga linga sa paligid ngunit hindi nakita ang bata."Ariah!" tawag nito na halos maiiyak na.Wala naman nang ibang tao maliban sa pailan-ilang nagdaraan at ilang sandali lamang ang lumipas mula nang utusan niyang pumunta na sa kotse. Napakalapit din lang ng kinaroroonanng kotse.Nagsimula silang maghanap at magtanong. Maging mga guwardya na nakatalaga sa parke ay inalerto na rin nila."H-honey, si Ariah nawawala!" ani Mrs. Eloisa Chavez sa asawa nang tawagan ito. Kasalukuyang nasa police station noon na katabi lamang ng parke."What!? Where are you?" nag-aalalang sagot nito."Police station near the park, pina-uwi ko na si Liah kay Medy," aniyang tinutukoy ang bunsong anak habang nagsisimula nang humikbi."Magpapadala ako ng tauhan diyan, don't worry, mahahanap natin si Ariah," pang-aalo nito sa asawa na palakas na ng palakas ang hikbi."Hanapin mo ang anak natin!" aniyang tuluyan nang napabuladas ng iyak."I'll be there, don't worry. Tatapusin ko lang ang meeting ko. Honey don't worry," anito saka tuluyang ibinaba ang telepono. Hindi pa rin mapakali si Eloisa kahit pa tumulong na ang mga tauhan ng asawa sa paghahanap kay Ariah. Maya't maya ang paroo't parito niya sa loob ng maliit na police station."Misis, may natanggap kaming impormasyon mula sa kabilang istasyon tungkol sa nawawala ring magkapatid, baka may kinalaman ito sa pagka-wala ng inyong anak," mahabang paliwanag ng isang pulis sa kaniya na kanina pa naka bantay sa kaniya."Officer, gawin nyo ang lahat mahanap lang ang anak ko!" aniyang hindi pa rin mapigilan ang umiyak."Magbibigay kami ng kahit magkano mahanap lamang si Ariah," dagdag pa niya.Nagpatuloy ang paghahanap kay Ariah at ilan pang batang nawawala pero tila pagong ang usad ng mga imbestigasyon tungkol sa mga ito. Katwiran ng mga nasa posisyon ay hindi lamang iisa ang kaso ng mga batang nawawala, talamak din ang nakawan at patayan kaya't hindi lamang iyon ang kanilang inaasikaso.Gumawa ng sariling paghahanap at pag e-imbestiga ang grupo ni Arthur Chavez ngunit tila naglalahong parang bula ang sino mang mauugnay sa kaso.Isang mayaman at makapangyarihang pamilya ngunit kahit anong gawin ay hindi mahanap ang nawawalang anak.3 MONTHS LATERTila wala sa sariling magkakapit kamay ang tatlong paslit. Dalawang babaeng nasa anim na taong gulang at lalalaki na nasa siyam na taong gulang. Palipat lipat sa mga lansangan na naka lahad ang mga palad upang mamalimos para may ipanglaman sa kumakalam na sikmura.Bihira ang palaboy sa malayong bayan ng San Juaquin kaya naman agaw atensyon ang mga ito. Maraming nagtatanong kung sino ang kanilang mga magulang at saan sila nanggaling. Dahil sa dungis ng suot at dumi ng kanilang katawan ay wala na sigurong makaka kilala sa kanila. Walang umiimik at tila takot na takot ang tatlo sa mga taong kumakausap sa kanila.Kung saan-saan din sila nagpapalipas ng gabi.Minsang napadpad sa simbahan ay tumawag ng pansin sa isang katiwala roon. Nilapitan at kinausap sila nito ngunit tulad ng dati ay mabilis silang lumalayo sa tuwing kakausapin sila. Pero dahil gutom na gutom na ay mabilis silang napahinudhod nito nang alukin sila ng pagkain. Dinala sila sa likod na bahagi ng simbahan, mayroong isang tila maliit na iskwelahan doon pero kaunti lamang ang mga bata. Isa iyong maliit na ampunan na pinopondohan ng simbahan para sa mga batang wala nang magulang at walang matirhan tulad nila.Kahit paano ay nabawasan ang kanilang takot nang makita ang mga batang masayang naglalaro.Nanatili sila sa lugar na iyon, binigyan din sila ng bagong pangalan dahil sa hindi malamang dahilan ay kapuwa balangko ang kanilang mga memorya nang tanungin ang tungkol dito.Greene ang ibinigay na pangalan sa batang lalaki, Red at Violet naman sa dalawang babae.Ilang buwan lamang ay tila walang nangyari sa tatlo, bumalik sa pagiging masigla at sutil na mga bata. Kahit na naroon ang mga pilat na mula sa kung anong mapait na karanasan.Mabubuting tao ang kanilang nakakasama sa araw-araw kaya naman lumaking mabuti rin ang tatlo."Greene!" tawag ni Violet sa kanina pa hinahabol na kaibigan. Nagkunwari siyang natisod at nadapa sa damuhan."Violet! Nasaktan ka ba?" anitong tumigil sa pagtakbo at lumapit sa kaniya. Ngunit bigla niya itong hinawakan nang makalapit ito."Boo! taya!" malakas niyang halakhak saka mabilis na tumayo at nagpatuloy sa pagtakbo."Eeeh, madaya ka Violet," sigaw naman nito habang humahabol sa kaniya."Tama na muna ang laro, oras na para sa chores," paalala ni Sister Julie sa kanila. Isa ito sa nangangasiwa sa ampunan."Opo," halos sabay nilang tugon at mabilis na tumalima.Isang taon na sila noon sa ampunang iyon, walang naghanap at umangking kamag-anak sa kanila. Dalawang mag-asawang Italyano ang lumapit sa ampunan at gustong umampon ng dalawang bata. Napili nila si Greene at Red. Tumagal din ng isang taon ang proseso para tuluyang makuha ang dalawang bata.Labis na ikinalungkot ni Violet ang pag-alis ng dalawang kaibigan lalo na nang mabalitaang dinala na ang dalawa sa bansang Italya.Naging tahimik at malayo ang loob ni Violet sa karamihan.Nahilig siya sa sports lalo na nang magsimulang mag-aral. Nasa ikatlong baitang siya nang mag-champion sa isang Taekwondo competition sa eskwelahan. Ipinagpatuloy niya ang kaniyang hilig sa sports habang nag-aaral, suportado naman siya ng mga Madre sa ampunan lalo na ni Sister Julie dahil sa sports ay nagsimula siyang makisalamuha sa ibang tao at nagkaroon ng interest sa ibang bata.Sa murang edad ay pinasok naman ni Violet ang Kickboxing nang siya ay nasa ikatlong taon sa sekondarya. Dito ay medyo pinagsabihan na siya ni Sister Julie kahit na nalilibre ang kaniyang tuition sa paaralan. Makakatanggap kasi ng scholarship ang sino mang kasali sa ano mang sports team sa iskuwelahan."Violet, hindi ba't panlalaki ang sports na 'yan?" minsan ay paalala nito sa kaniya."Kaya ko naman po Sister at saka mayroon naman pong pambababae at marami rin po akong kasamang babae sa team," magalang naman niyang tugon. Ito talaga ang hilig niya at isa pa, wala naman siyang ibang pagtutuunan ng oras kung hindi ito.Minsan pa nga ay naiisip niyang tumakas na lamang at gumawa ng sariling buhay sa labas ng ampunan pero masyadong mabait ang mga ito para gawin niya iyon. Lalo na si Sister Julie na halos para na niyang ina.Ito ang karamay niya sa mga gabing nagbabalik ang kaniyang bangungot. Naging sandalan din niya ito nang umalis ang kaniyang mga kaibigan."Huwag po kayong mag-alala dahil mag-iingat po ako lagi," sabi na lamang niya. Hinalikan niya ito sa pisngi bago tuluyang pumasok sa eskwelahan. Graduating na siya sa high school at parang bata pa rin siya kung alagaan nito."One, Two! One Two!" malakas na bilang ng coach ni Violet habang binabantayan siya nito sa kaniyang routine nang araw na iyon.Malapit na ang kaniyang laban at kailangan niya ng puspusang ensayo kahit pa kumpiyansa ang coach niya na kaya niyang manalo."Good job!" maya maya ay inabutan siya nito ng towel para sa kaniyang pawis.16 lamang siya ngunit bakas ang matitigas at maumbok niyang muscles sa katawan, maalaga siya kalusugan dahil ito iminulat sa kaniya ng mga Sisters sa ampunan."Violet, huwag mong piliting lumaban kung hindi mo kaya, be safe," pakiusap na bilin ni Sister Julie sa kaniya nang umagang iyon. Ito kasi ang araw ng kaniyang laban."Opo," sabi na lamang niya. Alam niyang nag-aalala ito para sa kaniya."Dios ko, baka anong mangyari say'ong bata ka mag-iingat ka," pahabol pa nito.Ginanap ang kompetisyon sa kabilang bayan, nakuha ni Violet ang gold medal sa ilang division ng Kickboxing at naka sungkit ng isang panalo sa Taekwondo. Panalo siya ngunit umuwi siyang maraming pasa at may bitak sa sulok ng kaniyang labi. Alalang-alala si Sister Julie habang ginagamot ang kaniyang mga pasa at sugat."Naku bata ka, dapat pala hindi ka na lamang pinayagan noong unang mahilig ka sa ganiyang sports," sabi nito bakas ang labis na pag-aalala sa tinig."Dapat gumaling ka agad, baka naman sabihin ng mga sponsor nitong ampunan eh pinapabayaan namin kayong makipag bugbugan," dagdag pa nito. Bibisita kasi ang isang matagal nang sponsor ng ampunan, naka-ugalian na ng mga Madre at bata rito na maghanda ng maikising programa bilang pasasalamat sa mga ito.Nang sumunod na Linggo ay dumating si Mr. Max, ang baklang negosyante na sponsor ng ampunan. Marami na itong natulungang mga bata sa ampunan, marami siyang napagtapos na at kasalukuyang pinag-aaral na mga bata mula sa iba't ibang ampunan sa bansa. Kilala ito sa kaniyang mga charity works. May-ari ito ng isang sikat na clothing line sa bansa.Nagulat si Violet nang may biglang magsalita sa kaniyang likuran. Naghahanda siya noon para sa kaniyang ipapakitang gilas sa harap ng mga bisita. Kasisimula pa lamang ng programa at kinakantahan ng mga bata ang ilang sponsor ng ampunan na dumating din nang araw na iyon. Tuwang tuwa ang mga ito, maging ang mga Madreng nangangalaga sa mga bata ay aliw na aliw. Mula nang dumating siya sa ampunan ay maraming bata na ang dumagdag. Kaya kinailangan na ng ampunan ng mga sponsor at charity na susuporta dito."Violet," tawag ni Mr. Max sa kaniya. Nagulat man ay mabilis na kinalma ang sarili."Mr. Max," aniyang ngumiti habang abala sa pagsusuot ng kaniyang Dobok o damit para sa Taekwondo players."M-may kailangan ho ba kayo?" tanong niya rito."Violet, saan ka mag-aaral pagkatapos mo ng high school?"diretsang tanong nito sa kaniya."Naku, eh wala pa ho. Baka magtatrabaho na lang po muna ako at mag-iipon," nahihiya niyang sagot. Ang totoo ay wala pa talagang buong plano para sa kaniyang kolehiyo.Ayaw naman niyang i-asa pa sa ampunan. Balak niyang magtrabaho muna."Gusto mo bang maging sundalo? Naghahanap kasi ang kaibigan ko ng ipapasok niya para mag-training sa pagiging sundalo, nakita kong may potensyal ka," mahabang tinuran nito."Huwag kang mag-alala, habang nasa training kayo ay mayroon ka nang suweldo, hindi ka nag-iisa marami kayo," sabi pa nito nang makitang napa-isip siya sa unang sinabi nito.Pangarap talaga niya ang maka-alis ng ampunan at magkaroon din ng sariling buhay sa labas tulad ng mga nakikita niya."Singkuwenta mil kada buwan ang magiging suweldo ninyo, hindi pa kasali riyan ang allowance n'yo habang nasa training," muli ay pangungumbinsi nito sa kaniya.Hindi na siya nag-isip pa. Mabilis siyang pumayag sa alok nito.Pagkatapos ng kaniyang graduation sa high school ay nagpaalam siya sa pamunuan ng ampunan. Pinayagan naman siya ng mga ito dahil naroon din si Mr. Max na nagkunwaring siya ang mag-papaaral dito kapalit ng pagtatrabaho ni Violet sa kumpanya.Makalipas lamang ng isang Linggo ay sinundo ni Mr. Max si Violet at dinala sa Maynila. Doon niya nakilala ang kaniyang mga makakasama sa training. Labing dalawa sila, anim na lalaki at anim na babae.Sakay ng pribadong eroplano na may pangalang ALPHA ay bumyahe sila ng halos isang oras at lumapag sa isang pribadong Isla sa pinaka dulong bahagi ng Pilipinas, sa Mindanao.Pagdating doon ay saka pa lamang sila na-briefing tungkol sa kanilang training at ang magiging papel nila bilang private army ng ALPHA.VOILET'S POV"VIOLET will lead the second team!" malakas na pahayag ng isa sa magiging trainor namin na magsisilbi ring mentor namin sa susunod na mga taon. "First and second year ay focus sa pag-build ng inyong physical abilities!" Muli niyang pahayag. Mataman lamang kaming nakikinig sa anumang sasabihin niya. Kasama ang iba pa naming magiging guro ay ipinaliwanag nila ang magiging set-up ng aming training. Tatagal raw ng apat na taon, pero madaragdagan pa depende sa bilis naming matuto. Hindi ko pa rin maitindihan kung anong klaseng army ba kami. Nang sa wakas ay binigyan kami ng pagkakataong magtanong. Halatang istrikto ang mga guro ka naman nag-aalangan akong isatining ang katanungang kanina ko pa gustong itanong. "Yes Violet?" nahalata yata ang pagdadalawang-isip ko."Sir, anong pangkat ng army po ang sasalihan namin kapag gumraduate na kami?" nag-aalalangan ngunit diretso ko namang naitanong."Well, depende sa inyo sa matututunan n'yo rito at sa abilidad n'yo," makahulugan niy
THIRD PERSON POVTinulungan ni Mr.Max si Eric sa pagpapagamot ni Erica sa hospital.Nakita niya ang potensyal ni Eric para mapabilang sa binubuong private army ng ALPHA kaya naman hindi na siya nagdalawang isip na alukin si Eric. "Eric, kung hindi mo mamasamain at sana hindi mo isiping sinasamantala ko ang kalagayan n'yo ng kapatid mo," simula niya habang nasa lobby sila ng hospital, kasalukuyang hinihintay ang resulta ng treatment kay Erica. "Malaki ho ang utang na loob ko sa inyo, kaya siguro kahit na anong pabor ang hingin ninyo ngayon ay gagawin ko," mapagpakumbabang tugon naman ni Eric."Hindi ganoon ang ibig kong sabihin," maarteng wika ni Mr.Max "Ito ay kung gusto mo lang naman na maging miyembro ng army ng isang private organization, may training kayo na para ring nag-aaral ng militar pero ang kaibahan lang may suweldo na kayo sa training pa lang," matiyagang paliwanag niya sa mataman pa ring nakikinig na si Eric."Sa palagay ko ay magiging sapat ang suweldo mo para sa gamut
VIOLET'S POV"Eric!!.." mahina ngunit mariing tawag ko sa pangalan ng lalaking una kong minahal. Gusto kong pigilan ang mga luha ko pero kusa iyong kumawala sa aking mga mata. Labis ang hinagpis at sakit na nararamdaman ko habang tinitingnan ang mga kasama kong wala nang buhay, lalo na ni Eric. Kasabay ng aming pagtatapos ay nagtapos rin ang buhay ng anim sa mga kasama namin kabilang si Eric. Ang dapat na simula ng mga pangarap namin ni Eric ay naging katapusan pala. Galit ako! Sa sarili ko at sa mga taong pumatay kay Eric. Hindi na pinalabas ng ALPHA ang nangyari sa publiko dahil makakasagabal lamang sa paghahanap ng katarungan sa mga namatay naming kasamahan. Tatlong security, isa sa aming commander at anim sa aming mga graduates ang nawalan ng buhay sa insedenteng iyon kaya naman hindi kami papayag na mabale wala lang ang kanilang pagkamatay. Pagkatapos ihatid sa huling hantungan ang aming mga kasamahan ay binigyan kami ng isang buwang bakasyon para makasama ang mga pamilya namin b
VIOLET Ten million pesos! Nalula ako sa laki ng halaga na naka sulat sa kontrata. Sampung milyon para sa buhay ng demonyong Congressman. Kahit pa siguro libre ay papatayin ko ang hayup na taong iyon! "Lucy De Guzman," napangiti ako habang binabasa ang bago kong pangalan. Kumpleto ang lahat ng kailangan ko tulad ng sinabi ni Mr.Valle. Maging ang bago kong identity ay animo plantsado rin ang pagkaka plano. Executive secretary ng isang pribadong kumpanya si Lucy, ang bago kong katauhan.Isang imbitasyon din ang naka lakip sa sobre na ibinigay ni Mr.Valle. Party kung saan ko 'makikilala' si Congressman Oranio.Sinipat ko ang sarili ko sa salamin saka ngumiti, alam kong sa inosente kong mukha ay bibigay agad ang demonyong congressman. Mga bata at inosente ang kahinaan ng congressman kahit pa kakakasal lang nito sa napaka batang asawa ay alam kong hindi siya makakatanggi sa akin kapag nagkita kami. "Good evening ma'am!" bati sa akin ng ilang staff ng hotel nang dumating ako sa venue ng ga
ALEX POV"Kuya! Are you sure you want to stay here?" Tanong sa akin ni Mia."Yeah, oo naman," sabi ko habang pinapanood siyang tiklupin ang mga damit niya at isilid sa maleta."Hahanapin mo pa rin ba uli s'ya?" Muli niyang usisa at pinukol ako ng makhulugang tingin."Hmmm, yeah? Alam mo namang hindi ako sumisira sa pangako," sabi ko. Alam kong hindi na naman ako titigilan ng kapatid ko sa pagtatanong."Okay, this time hindi na kita edi-discourage," aniyang itinaas ang dalawang kamay tanda ng pagsuko. Lagi kasi niyang kinokontra ang ginagawa ko.Ihahatid ko na siya sa airport maya maya lamang. Babalik na siya sa Italy kung saan naka base ang adoptive parents namin. Nagpasya naman akong manatili na lang muna rito sa Pilipinas para pamahalaan ang negosyo namin dito.Pagka-hatid ko kay Mia ay dumiretso na rin akong umuwi, pagod din kasi ako sa pagsunod sa mga hiling niya ngayong bakasyon. Ginawa niya akong driver bodyguard! Napabuntong hininga ako nang ibagsak ko ang sarili ko sa malambot
"Lucy," ulit niya."Nice name," muling sambit niya habang abala ang mga kamay sa paghaplos sa maseselang bahagi ng katawan ko. 'Manyak talaga ang hay*p!' Isinandal niya ako sa hood ng kotse niya at mabilis hinablot ang suot kong sando. Dahil manipis ang tela nito ay madali lamang itong napunit."Wow! Nice one baby," aniyang tila hayok sa laman habang isinubsob ang mukha sa dibdib ko. Habang patuloy sa sa pagmasahe at tila batang pagsipsip niya sa mga n*pples ko ay ibinaba ko ang garter ng kaniyang jogging pants at hinawakan ang kaniyang nagyayabang na pagkalalaki. Malaki iyon dahil matangkad siya. Hinaplos ko ng pababa at pataas na lalong nagpa-init sa kaniya. Ramdam ko ang dila niyang naglalakbay sa leeg ko. Ang mahigpit na hawak niya sa beywang ko ay tila nagtutulak sa akin na mahulog sa sarili kong patibong. Hindi ako maka galaw kaya malaya niyang sinibasibng halik ang mga labi ko. Hindi pala madaling goyohin ang lalaking ito. Gumanti rin ako mapupusok na halik, lumambitin ako sa
'CHAVEZ GROUP' ang mga letrang naka lagay sa harap ng malaking building na ito dito sa Makati. Ang sabi ni Mr. Valle ay hanapin ko raw dito si Arthur Chavez, inaasahan na raw niya akong darating kaya nagmadali akong pumasok sa gusali. Hinatid ako ng isang empleyado sa isang napaka laking opisina. Halatang mamahalin ang lahat ng gamit sa loob, mas maganda pa kaysa sa opisina ni Mr. Valle. 'Ano kaya ang katayuan ni Mr. Chavez sa ALPHA?' Sa loob loob ko. Malalaman ko lang siguro kapag nakaharap ko na siya. "Please have a sit," sabi ng babaeng sumalubong sa akin. Sekretarya siguro niya."Ma'am paki hintay na lang si Sir, matatapos na rin po ang meeting n'ya," sabi niya at inilapag ang isang tasa ng kape sa lamesa."It's okay, maghihintay ako," tugon ko naman at nginitian s'ya.Isang simpleng bestida ang suot ko, sabi kasi ni Mr. Valle ay medyo pormal daw si Mr. Chavez kaya pumili ako ng medyo mas maayos na damit kaysa sa nakasanayan kong suotin.Mamaya pa ay bumungad sa pinto ang matangka
VIOLET'S POV Hindi ako makapaniwala sa ginawa ko! Oo, balak kong akitin ang Alexander na 'yun pero hindi ganito kabilis. Hindi ko napigilan ang sarili kong tugunin ang mga halik niya. Parang wala ako sa katinuan kanina, nagpaubaya ako sa lalaking hindi man lang alam ang pangalan ko. Alam kong sinamantala ko ang pagkakataon na makalapit ng mabilis sa kaniya pero wala sa isip kong ipaubaya ang katawan ko sa unang pagkikita namin. Pero nangyari na at wala na akong magagawa doon. Mabuti na rin 'yun para hindi na matagalan ang assignment ko. Mas mabilis akong mag-imbestiga kapag mas malapit kami. Baka kasi maghinala na ang ALPHA sa mga ginagawa ko."I will not hesitate to do this again kapag sinabi mo ulit iyon," sabi pa niya kanina nang halos sabay kaming makarating sa sukdulan. I never felt satisfied before na katulad ng naramdaman ko kay Alex kanina. Partida, sa lamesa pa lang iyon. Paano pa kaya kapag sa kama na?"Pero okay lang dahil gustong gusto kong maulit ito kahit pa araw arawin
"You may now kiss the bride," deklara ng pari hudyat na tapos na ang seremonyas ng kasal.Hinawi ni Alex ang belong tumatakip sa mukha ng nobya saka marahang hinalikan sa labi. Sigawan at palakpakan ang tanging maririnig sa paligid."I love you," masuyong bulong ni Alex sa nakangiting nobya na ngayon ay asawa na."I love you too," tugon ni Ariah habang nakatitig sa asawa. Muli siya nitong h******n kaya muling nagpalakpakan ang mga taong dumalo sa kanilang kasal. Naroon si Mia na masayang masaya para sa kaniyang kuya at Liah na proud naman sa kaniyang Ate.Sa lahat ng pinagdaanan at nalagpasan ni Ariah ay daig pa nito ang nagkaroon ng pangalawang buhay. Tila nagising siya nang araw na iyon sa isang bangungot. Sa mahabang pagkakakulong niya sa ICU ay pawang masasamang ala-ala ang dumalaw sa kaniya. Naririnig niya ang paligid at mga taong naroon para sa kaniya ngunit hindi siya makagalaw kaya tanging luha ang sagot niya sa mga pakiusap ng mga ito. At ang araw na maigalaw niya ang kaniyang
Kanina pa paikot-ikot doon ang mga tauhan ni Don Arthur. Hindi sila makapasok sa subdivision kung nasaan si Violet. Nangako pa naman sila sa amo na hindi pababayaan ang anak nito. Nagkasya na lamang silang bantayan ang gate ng subdibisyon kung saan naroon ang bahay ni Alex habang naroon si Violet. Siniguro nilang hindi makakapasok ang grupo ng kalaban sa loob. Mahigpit ang seguridad dito kaya kampante silang naghintay na lamang sa labas."Violet!" si Alex nang bigla siyang yakapin ng nobya. Hawak kasi niya sa magkabilang kamay ang bote ng inumin. Beer pa nga iyon dahil iyon na lamang ang natira sa ref."Hmm.. Do you think we should try to make here?" tila nang-aakit na tugon ng dalaga."Seriously?" hindi makapaniwalang tugon ni Alex sa nobya. Parang kakaiba kasi ito ngayon, masyadong hot."Yes, why not?" muli nitong inilapat ang hubad na katawan sa katawan ng nobyo. Bahagya naman siyang itinulak ni Alex sa isang sulok ng counter saka inilapag ang hawak na inumin doon. Niyakap siya nit
Kinausap ni Violet ang ama nang masigurong nakapasok na ang ina sa silid."What's wrong?" simula niya. Alam niyang malaking problema ang bumabagabag dito."I want you to stay away from this, pero sasabihin ko pa rin sa'yo dahil alam kong hindi ka titigil hangga't hindi mo nalalaman ang totoo," tugon nito."Anak, magkakaroon na ng katarungan ang pagkaka-kidnap mo noon," kuwento nito."Pero hindi ganoon kasimple, alam mong napakadelikado ng Alpha. Hindi ko kontrolado ang lahat dito," aniya."Ano naman ang kinalaman ng Alpha sa mga dumukot sa akin?" kuwari ay tanong ng dalaga pero nakukuha na niya ang punto ng ama."My partners, sila ang pinuno ng sindikatong kumikidnap ng mga bata noong panahong mawala ka, hinihintay ko lang ang confirmation from my source para masigurong may kinalaman nga sila sa nangyari sa'yo noon," paliwanag nito."Hindi ako magdadalawang-isip na buwagin ang Alpha para sa kanila," banta ng kaniyang ama. Maraming koneksyon sa gobyerno ang ama kaya balewala lang sa kan
Nang tuluyang gumaling at umuwi na sa kanilang mansion si Alex ay umuwi na rin sa mansion ng mga Chavez si Violet. Hindi pumayag si Donya Eloisa na hindi siya nito ma-uwi sa kanilang tahanan. Sabik na sabik ang Donya na makasama ang kaniyang anak na nawalay ng napakatagal."Mama ang itawag mo sa akin," nakangiting wika ni Eloisa sa anak nang mapansing asiwa pa rin ito at minsan ay tinatawag pa siyang 'maam'. "Masanay ka na iha," anito at saka hinaplos ang kaniyang mahabang buhok. Kasalukuyan itong nasa silid niya. Naka-upo siya sa harap ng salamin habang dahan dahang sinusuklay ng kaniyang ina ang kaniyang buhok."Oho, M-mama," tugon ng dalaga kahit naninibago pa. Napakasarap pala ng pakiramdam nang mayroon kang matatawag na Mama, sa loob-loob ng dalaga."Darating sa susunod na linggo ang kapatid mo, excited na siyang makita ka anak," balita ng butihing ginang sa dalaga.Kahit paano ay natutuwa siya, hindi lang pala magulang ang mayroon siya. May kapatid din siya. Tila unti-unting lu
THIRD PERSON POV "Are you sure about this?" hindi pa rin makapaniwala ang Don sa ibinalita ng asawa. "Yes, of course! My private detective finally found our daughter!" bakas sa tinig ng Donya ang tuwa at excitement. "I know you have not given up sa anak natin, ako man ay umaasa pa rin na mahanap s'ya," tugon naman ng Don sa asawa. Hindi nga ba't itinayo pa niya ang Alpha para pagbayarin ang mga kumidnap sa anak nila?Nang mahuli ang mga kidnapers ay ibang mga bata ang hawak ng mga ito. Hindi rin nila sigurado kung isa nga si Ariah sa mga batang kinuha nila. Hanggang sa unti-unting naglalaho ang mga nahuhuling miyembro ng sindikatong iyon, para bang mayroon talagang humahadlang para mahuli ang pinuno nito. Wala ring nagawa ang mga awtoridad nang mga panahong iyon kaya siya na mismo ang gumawa ng paraan para magbayad ang mga taong iyon.Maagang dumating and mag-asawang Arthur at Eloisa Chavez sa bahay ampunan ng San Juaquin. Kapwa sabik mayakap ang matagal na nawalay na anak.Dala ang
VIOLET POVDalawang araw na mula nang ikulong ako rito, hindi ko malaman kung ano talaga ang binabalak ng Alpha sa akin. Laging may kausap sa cellphone ang mga lalaking nagbabantay sa akin. Naulinigan kong parating na ang isa sa mga founder ng grupo kaya kinakabahan ako, paano kung pati si Alex ay pinatay na rin nila? Siguradong hinahanap rin siya ng mga ito.Hindi ako nagkamali, mamaya pa ay narinig ko ang mga ugong ng sasakyang palapit.Bahagya akong sumiksik sa gilid. Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay tinakasan na yata ako ng tapang, o sadyang wala lang akong lakas dahil halos dalawang beses pa lamang akong kumakain mula nang dalhin ako sa lugar na ito. "Lucy!" malakas na bulyaw ng isa sa mga nagbabantay sa amin saka lumapit at pahablot akong itinayo. Wala akong nagawa kung hindi ang sumunod lang sa agos. Nanghihina ako at masakit na rin ang katawan ko dahil sa pagkakatali ng mga kamay at paa ko."Kakausapin ka ni boss!" aniyang kinaladkad ako palabas ng bodega. Nasilaw ako sa li
THIRD PERSON'S POV"Welcome home honey!" Salubong ni Don Arthur sa asawang si Donya Eloisa."It's good to be back honey, there is no other place like home," aniyang iginala ang paningin sa kabuuan ng mansion. Wala pa rin iyong ipinagbago. "Magpahinga ka na muna. See you later honey, may importante akong meeting today," paalam niya sa asawa."Don't worry I'll be fine," tugon naman ng donya.Ang totoo n'yan umuwi lang talaga ang donya dahil sa report ng private investigator niya na may lead na siya sa napakatagal nang paghahanap sa kaniyang panganay na anak. Hindi alam ng Don ang ginagawa naiyang patuloy na pagpapahanap sa anak dahil pagbabawalan lamang siya nito. Naapektuhan kasi ang kaniyang kalusugan nang walang tigil siyang naghahanap noong bago pa lamang na nawala ang bata. Hindi na raw kakayanin ng Don kung pati siya ay mawala pa kaya ipinadala sila nito sa Amerika para maiwas sa stress. Ayon pa sa Don ay siya na raw ang bahalang maghahanap sa nawawalang anak. Ngunit lingid sa kaa
ALEX'S POVHindi ko inaasahang ganito kabilis ang mga pangyayari. From a stranger na sumugod sa opisina ko, ngayon ay girlfriend ko na si Lucy. There is something about her na nagtutulak para gustuhin ko s'ya. Mula sa unang araw ng pagkikita namin ay wala na akong ibang inisip kung hindi siya. At mula nang muli ko s'yang makita ay pinangarap ko na ang sana ay makasama siya sa araw-araw. "Baby ready ka na?" tanong ko nang sagutin niya ang telepono. Susunduin ko siya ngayon dahil napagkasunduan naming sa bahay siya matutulog ngayong gabi. "Oo," maikling tugon niya."Great! I'm on my way," sabi ko bago ibaba ang telepono. Pinag day off ko muna ang dalawang katulong sa bahay para hindi mailang si Lucy. Minsan kasi ay nahahalata kong medyo ilag siya sa mga tao, kung maaari ay ayaw niya ng mga bagong kakilala.Naghihintay na siya sa lobby ng building nila nang dumating ako. Agad naman siyang tumayo nang makita ako."Hi!" bati niya sa akin at sinalubong ako ng halik sa pisngi."Let's go?" t
VIOLET'S POV Hindi ako makapaniwala sa ginawa ko! Oo, balak kong akitin ang Alexander na 'yun pero hindi ganito kabilis. Hindi ko napigilan ang sarili kong tugunin ang mga halik niya. Parang wala ako sa katinuan kanina, nagpaubaya ako sa lalaking hindi man lang alam ang pangalan ko. Alam kong sinamantala ko ang pagkakataon na makalapit ng mabilis sa kaniya pero wala sa isip kong ipaubaya ang katawan ko sa unang pagkikita namin. Pero nangyari na at wala na akong magagawa doon. Mabuti na rin 'yun para hindi na matagalan ang assignment ko. Mas mabilis akong mag-imbestiga kapag mas malapit kami. Baka kasi maghinala na ang ALPHA sa mga ginagawa ko."I will not hesitate to do this again kapag sinabi mo ulit iyon," sabi pa niya kanina nang halos sabay kaming makarating sa sukdulan. I never felt satisfied before na katulad ng naramdaman ko kay Alex kanina. Partida, sa lamesa pa lang iyon. Paano pa kaya kapag sa kama na?"Pero okay lang dahil gustong gusto kong maulit ito kahit pa araw arawin