VIOLET'S POV
"Eric!!.." mahina ngunit mariing tawag ko sa pangalan ng lalaking una kong minahal. Gusto kong pigilan ang mga luha ko pero kusa iyong kumawala sa aking mga mata. Labis ang hinagpis at sakit na nararamdaman ko habang tinitingnan ang mga kasama kong wala nang buhay, lalo na ni Eric.Kasabay ng aming pagtatapos ay nagtapos rin ang buhay ng anim sa mga kasama namin kabilang si Eric. Ang dapat na simula ng mga pangarap namin ni Eric ay naging katapusan pala. Galit ako! Sa sarili ko at sa mga taong pumatay kay Eric. Hindi na pinalabas ng ALPHA ang nangyari sa publiko dahil makakasagabal lamang sa paghahanap ng katarungan sa mga namatay naming kasamahan. Tatlong security, isa sa aming commander at anim sa aming mga graduates ang nawalan ng buhay sa insedenteng iyon kaya naman hindi kami papayag na mabale wala lang ang kanilang pagkamatay. Pagkatapos ihatid sa huling hantungan ang aming mga kasamahan ay binigyan kami ng isang buwang bakasyon para makasama ang mga pamilya namin bago sumabak sa ibibigay na misyon sa amin ng ALPHA.Umuwi naman ako ng San Juaquin para makita sina Sister sa bahay ampunan. Lalong lalo na si Sister Julie. Si Sister Julie nagturo sa akin ng mga kagandahang asal na hanggang ngayon ay dala ko pa rin naman kahit na puno ng galit ang puso ko. Pero ngayon ay para akong nagiging ibang tao kapag naaalala ko ang mga nangyari sa Isla."Vera! kumusta ang bakasyon mo?" sabi ko nang tawagan ko si Vera. Mahigit isang linggo na rin mula nang maghiwa hiwalay kami, umuwi rin siya sa kaniyang pamilya."Heto, nag-eenjoy. Alam mo ba? Anlaki na ng ipinagbago dito sa bahay mas lumaki na at hindi na hirap sina nanay at tatay sa kabuhayan namin," masayang balita niya sa akin. Napaka hirap talaga ng buhay ng pamilya ni Vera kaya ito ang nagtulak sa kaniya para sumali sa ALPHA."Wow! Mabuti at may nakikita ka nang bunga ng mga pinag hirapan mo, mas lalong gaganahan ka na niyang magtrabaho," biro ko."Oo nga eh, sana mapagtapos ko muna ang mga kapatid ko bago ko mahanap si Mr.right!" Tila nangangarap pang tugon niya. Pangarap kasi ni Vera ang magkaroon ng boyfriend na kasing guwapo raw ni John Loyd Cruz. Hindi na ako magtataka kungmagkatotoo nga, ang beauty kasi niya ay may pagka- Bea Alonzo naman, simple pero ma-appeal. Ilan nga ring kasamahan namin sa Isla ang nagpakita ng pagkaka gusto sa kaniya pero sadyang bawal nga lang. Hindi katulad kong nilabag ang bawal para kay Eric."Oo na po miss Bea! Hanap-buhay muna bago boyfriend! Sabi ko nang biglang manginig ang cellphone ko."Vera, sige na may tumatawag yata. Tawag ka lang kapag wala kang ginagawa," iyon lang at pinindot ko na ang end call button.Titingnan ko na sana ang tumatawag pero napaka laking 'report asap -ALPHA' ang tumambad sa screen ng cellphone ko. Pinindot ko ang message pero nawala na ito. Wala ring naka-register na sender. Maging sa inbox ko ay hindi ko na rin mahanap ang message.Nagtataka naman ako, malinaw na isang buwan ang ibinigay na bakasyon sa amin at halos wala pang dalawang linggo ang lumipas.Ganoon pa man naghanda ako para lumuwas at magreport sa headquarters ng ALPHA.Dumaan muna ako kay Sister Julie para magpaalam."Hindi ba't isang buwan ang bakasyon mo?" Takang tanong ni Sister Julie."May emergency ho ata," sabi ko na lang."Mag-iingat ka iha. Tumawag ka lang kung kailangan mo ng makaka-usap," sabi ni Sister habang niyayakap ako."Opo," sagot kong niyakap rin siya."Iiwan ko ho pala itong susi ng apartment ko, baka ho kailangan n'yo ng lugar para sa mga bisita," sabi ko at inabot ang susi sa kaniya."Naku! Hanggang ngayon naaalala mo pa rin ang kakulangan natin sa mga silid tuwing may bisita," natatawang sabi niya."Sige ho, una na po ako," sabi kong kumaway pa habang bitbit ang maliit na traveling bag."Mag-iingat ka," sabi naman nila. Maging ang mga bata ay kumaway rin sa akin.Sumakay ako ng tricycle na maghahatid sa akin sa istasyon ng bus patungong Maynila.Kanina pa ako nakatingin sa matayog na gusaling nasa aking harapan. Ngayon lamang ako makakapasok sa gusaling iyon.'ALPHA INTERNATIONAL SECURITY SERVICES' ang pilak na mga letra na naka dikit sa harap ng gusali.Kanina pa rin ako tinitingnan ng dalawang security na nakatalaga sa entrance ng building.Mamaya pa ay pumasok na ako at magalang naman ang dalawanng guwardya na bumati sa akin ng 'good evening ma'am'. Tamango lamang ako bilang tugon. Nang maka pasok na ay iginala ko ang aking paningin, marami pa ring naglalabas masok na mga tao. Nakita ko ang tumpok ng kalalakihang naka suit ng kulay itim, animo mga men in black. Nagbubulungan sila at paminsan minsang tumitingin sa akin. Lumapit ako sa elevator at akmang pipindutin ang button nang harangin ako ng dalawa sa mga lalaki kanina. Iginiya nila ako sa isang medyo tagong sulok at kinuwestyon."Ano'ng floor ka pupunta? Sino ang sadya mo? Ilang taon ka na?" Magkakasunod na tanong nila sa akin. Kinalkal kasi nila ang bag ko at nakita ang kalibre kuwarenta'y singko na lagi kong dala saan man ako mag-punta. Mahirap na rin kasi ang bumabyahe ngayon nang wala man lang k*****a. Wala iyong lisensya sa akin kaya talagang kuwestyonable. Pero issue iyon ng ALPHA.Naka taas ang kamay ko dahil kinapkapan rin nila ako at nakuha rin nila ang rambo knife na nakasukbit sa mga binti ko at natatakpan ng mahaba kong medyas. Mukha kasi akong teen-ager na tambay sa suot kong may punit na pantalon at may kalumaan nang t-shirt. Medyo marumi pa ang suot kong sapatos kaya siguro napagkamalan akong outsider."I'm here for Alpha," maya maya ay sagot ko sa kanila. Nagkatinginan sila. Inilahad ng isa ang palad sa akin n tila ba may hinihingi. Naalala ko ang badge na ipinagkaloob sa amin sa araw ng aming pagtatapos. Dinukot ko ito mula sa bulsa ng suot kong jeans at inilagay sa palad niya.Isang silver badge iyon at may naka hulma na mukha ng isang wolf at naka ukit ang pangalang ALPHA at ang code ko bilang private agent o army nila.Nagkatinginan sila at ibinalik ang mga gamit ko sa bag."Pasensya na po ma'am for security lang po ang checking," hinging paumanhin ng isa. Pagkatapos ay sinamahan ako sa elevator at pinindot ang 38 button sa elevator. Pagdating namin doon ay itinuro sa akin ang isang malaking pintuan. Sa bandang gilid ay mayroong tila isang maliit sa screen na naka dikit sa dingding, inilapat ko ang aking hintuturo at nakita kong naging green ang ilaw niyon hudyat na gumana ito at narinig kong umingit ang pinto, na-unlock na iyon. Hintuturo ang ginagamit ko sa lahat security code sa Isla. Kinuha ko ang maliit na traveling bag na dala ko kanina at pumasok sa malaking pinto. Tumambad sa akin ang malawak na pasilyo at isa pang pinto sa dulo niyon. Kumatok ako at hinintay ay tutugon mula sa loob."Come in!" maya maya ay boses mula sa loob.Binuksan ko ang pinto at pumasok sa napakalaking tanggapan, isang lalaki ang naka upo sa swivel chair sa likod ng mahogany table sa gitna ng opisina."Ikinagagalak kong makilala ka ng personal Violet," tumayo ang naka ngiting lalaki, tantya ko ay nasa late fourties na ito."Ako si Mr. Valle, ako ang humahawak at pumipili ng agent para sa kliyente ng ALPHA," sabi niya. Tumango lamang ako, sa tono niya ay hindi ko ns kailangang ipakilala ang sarili ko."At ikaw ang napili ko para sa mahalagang kasong ito," patuloy niya habang kinukuha ang isang folder mula sa isang vault sa kaniyang likuran."Umupo ka," aniya nang mapansing hindi pa rin ako tumitinag sa kinatatayuan ko. Umupo naman ako sa upuan sa harap ng mesa niya. Ibinigay niya sa akin ang hawak niyang folder.Naroon ang pangalan ng isang Congressman at mga kaso nito. Naroon din ang mga litrato niya habang ginagawa ang mga krimen niya. Pumatay siya ng napakaraming magsasaka na ayaw i-give up ang kanilang mga lupain na pilit binibili ng kumpanya nito. Pero ang ikina-init ng ulo ko ay ang gahasain niya ang isang dalagita at naka ngisi na akala mo demonyo sa litrato habang hawak sa buhok ang kawawang bata. Kahit pa hindi pa sinasabi sa akin ang gagawin ko sa taong ito ay gusto ko na siyang patayin! Napaka hayop niya!Halata ang gigil ko nang bumaling ako kay Mr. Valle. Inabot niya sa akin ang isang malaking envelope."Narito ang mga kakailanganin mo sa misyon," aniya."Heto naman ang magiging sasakyan mo at ang matutuluyan mo," aniya at inabot sa akin ang susi ng isang kawasaki ninja h2 bike at key card sa isang condo."Wow, seryoso ba kayo Mr.Valle?" sabi kong hindi maka paniwala. Pangarap ko ang model ng bike na ito at ngayon ay mahahawakan ko na, hindi! Magagamit ko pa!"Oo naman, basta't malinis ang trabaho ay marami kang matatanggap na mga incentives bukod sa suweldo mo sa iyong assignment," aniya."Nariyan na rin sa sobre ang kopya ng kontrata," pagbibigay-alam niya."Alpha Condominium, floor 19. Naroon na ang mga gamit mo," aniya."Mayroon kang isang buwan para tapusin ang isang assignment, magsabi ka lang kung mayroon ka pang kailangan. Goodluck!" sabi niyang tumayo na."Nasa basement 1 ang sasakyan mo," sabi niya bago tuluyang tumalikod.Wala na akong ibang nasabi. Inilagay ko ang folder at sobre sa bag ko saka lumabas ng kaniyang opisina at tinungo ang elevator. Pinindot ko ang B1 tulad ng sinabi niya kung nasaan ang bike. Una pa man ay hinala ko nang magsisilbi kaming assasin ng ALPHA, sino ba naman ang mangangailangan ng private army sa panahon ngayon? Depende na lang kung nagbabalak kang magrebelde sa pamahalaan. Nasa huling taon na kami ng training nang aksidenteng mapasok ko ang protected site ng ALPHA. Dahil nga tinuruan din kami kung paano mag-hack ng mga device at computer system ng mga kumpanya. Naiwan noong mahina ang security ng site kaya napasok at nabasa ko ang mga aktibidades ng grupo. Pero dahil natakot akong malaman nila ang ginawa ko ay agad kong isinara ang site. Hindi na ako nagtaka sa nakita ko at naka handa na rin naman ako kung sakaling bigyan ako ng misyon. Pero mas lalong ninais kong maging ganap na assasin ng grupo nang mapatay ang mga kasama namin sa Isla kasama si Eric. Gusto kong tumapos ng mga kahayupan at kademonyohan ng mga kriminal na iyon.Medyo nagulat ako at bumalik sa kasalukuyan ang kanina pa ay lumilipad na isip ko nang bumukas ang elevator, nasa basement 1 na ako.Hinanap ko ang bike at mabilis ko itong nakita dahil na sa bandang likuran lamang ito ng elevator exit.Pinaandar ko iyon at parang isang dream come true ang magmaneho ng pangarap kong sasakyan. Mabilis akong nakarating sa condominium na sinasabi ni Mr,Valle. Dumiretso ako sa sinabi niyang floor. Tatlong unit ang naroon. Tiningnan ko ang ibinigay niyang key card. 'A' ang naroon kaya sinubok ko iyon unit A. Gumana naman kaya pumasok na ako at sinigurong naka lock ang pinto. Katamtaman lang ang laki ng unit, may maliit na sala at kusina. Isang bedroom. Mukhang magiging kumportable naman ako sa pagtira rito. Binuksan ko ang closet, namilog ang mga mata ko sa nakita kong mga kasuotan. Sa bandang kanan ay naka hanger ang mga nagseseksihang dress at naka tupi naman ang mga sexy shorts, nasa drawer ang mga sexy bikini at lengerie. Napa-iling na lamang ako habang isinasara iyon. Sa kaliwang bahagi naman ay mga casual clothes at ilang leather jacket at pants, nasa ibaba rin ang ilang boots at sapatos. Mayroon ding heels para sa mga dress.Kumuha lang ako ng pares ng pajama at saka tinungo ang banyo. Mabilis akong naligo at tinungo ang kusina. May laman naman ang ref kaya nagluto na lang ako. Tinatamad na rin kasi akong lumabas para kumain.Kinabukasan ay maaga akong nagising, nagdesisyon akong tapusin agad ang assignment ko kaya una kong pinuntahan ang lugar na naka sulat sa files niya. Hindi nga ako nagkamali, naroon siya. Sa tatlong araw kong pagmamatyag ay may plano agad na nabuo sa isip ko.At dahil nga mahilig siya sa babae ay napilitan akong magbihis babae talaga, I mean babae naman ako pero medyo astigin kasi ang pormahan ko. Minsan nga ay para rin akong yagit dahil mas pinipili kong isuot ang mga damit kung saan ako kumportable.Isang napaka iksing dress ang napili kong isuot para sa big night ni Congressman Oranio!VIOLET Ten million pesos! Nalula ako sa laki ng halaga na naka sulat sa kontrata. Sampung milyon para sa buhay ng demonyong Congressman. Kahit pa siguro libre ay papatayin ko ang hayup na taong iyon! "Lucy De Guzman," napangiti ako habang binabasa ang bago kong pangalan. Kumpleto ang lahat ng kailangan ko tulad ng sinabi ni Mr.Valle. Maging ang bago kong identity ay animo plantsado rin ang pagkaka plano. Executive secretary ng isang pribadong kumpanya si Lucy, ang bago kong katauhan.Isang imbitasyon din ang naka lakip sa sobre na ibinigay ni Mr.Valle. Party kung saan ko 'makikilala' si Congressman Oranio.Sinipat ko ang sarili ko sa salamin saka ngumiti, alam kong sa inosente kong mukha ay bibigay agad ang demonyong congressman. Mga bata at inosente ang kahinaan ng congressman kahit pa kakakasal lang nito sa napaka batang asawa ay alam kong hindi siya makakatanggi sa akin kapag nagkita kami. "Good evening ma'am!" bati sa akin ng ilang staff ng hotel nang dumating ako sa venue ng ga
ALEX POV"Kuya! Are you sure you want to stay here?" Tanong sa akin ni Mia."Yeah, oo naman," sabi ko habang pinapanood siyang tiklupin ang mga damit niya at isilid sa maleta."Hahanapin mo pa rin ba uli s'ya?" Muli niyang usisa at pinukol ako ng makhulugang tingin."Hmmm, yeah? Alam mo namang hindi ako sumisira sa pangako," sabi ko. Alam kong hindi na naman ako titigilan ng kapatid ko sa pagtatanong."Okay, this time hindi na kita edi-discourage," aniyang itinaas ang dalawang kamay tanda ng pagsuko. Lagi kasi niyang kinokontra ang ginagawa ko.Ihahatid ko na siya sa airport maya maya lamang. Babalik na siya sa Italy kung saan naka base ang adoptive parents namin. Nagpasya naman akong manatili na lang muna rito sa Pilipinas para pamahalaan ang negosyo namin dito.Pagka-hatid ko kay Mia ay dumiretso na rin akong umuwi, pagod din kasi ako sa pagsunod sa mga hiling niya ngayong bakasyon. Ginawa niya akong driver bodyguard! Napabuntong hininga ako nang ibagsak ko ang sarili ko sa malambot
"Lucy," ulit niya."Nice name," muling sambit niya habang abala ang mga kamay sa paghaplos sa maseselang bahagi ng katawan ko. 'Manyak talaga ang hay*p!' Isinandal niya ako sa hood ng kotse niya at mabilis hinablot ang suot kong sando. Dahil manipis ang tela nito ay madali lamang itong napunit."Wow! Nice one baby," aniyang tila hayok sa laman habang isinubsob ang mukha sa dibdib ko. Habang patuloy sa sa pagmasahe at tila batang pagsipsip niya sa mga n*pples ko ay ibinaba ko ang garter ng kaniyang jogging pants at hinawakan ang kaniyang nagyayabang na pagkalalaki. Malaki iyon dahil matangkad siya. Hinaplos ko ng pababa at pataas na lalong nagpa-init sa kaniya. Ramdam ko ang dila niyang naglalakbay sa leeg ko. Ang mahigpit na hawak niya sa beywang ko ay tila nagtutulak sa akin na mahulog sa sarili kong patibong. Hindi ako maka galaw kaya malaya niyang sinibasibng halik ang mga labi ko. Hindi pala madaling goyohin ang lalaking ito. Gumanti rin ako mapupusok na halik, lumambitin ako sa
'CHAVEZ GROUP' ang mga letrang naka lagay sa harap ng malaking building na ito dito sa Makati. Ang sabi ni Mr. Valle ay hanapin ko raw dito si Arthur Chavez, inaasahan na raw niya akong darating kaya nagmadali akong pumasok sa gusali. Hinatid ako ng isang empleyado sa isang napaka laking opisina. Halatang mamahalin ang lahat ng gamit sa loob, mas maganda pa kaysa sa opisina ni Mr. Valle. 'Ano kaya ang katayuan ni Mr. Chavez sa ALPHA?' Sa loob loob ko. Malalaman ko lang siguro kapag nakaharap ko na siya. "Please have a sit," sabi ng babaeng sumalubong sa akin. Sekretarya siguro niya."Ma'am paki hintay na lang si Sir, matatapos na rin po ang meeting n'ya," sabi niya at inilapag ang isang tasa ng kape sa lamesa."It's okay, maghihintay ako," tugon ko naman at nginitian s'ya.Isang simpleng bestida ang suot ko, sabi kasi ni Mr. Valle ay medyo pormal daw si Mr. Chavez kaya pumili ako ng medyo mas maayos na damit kaysa sa nakasanayan kong suotin.Mamaya pa ay bumungad sa pinto ang matangka
VIOLET'S POV Hindi ako makapaniwala sa ginawa ko! Oo, balak kong akitin ang Alexander na 'yun pero hindi ganito kabilis. Hindi ko napigilan ang sarili kong tugunin ang mga halik niya. Parang wala ako sa katinuan kanina, nagpaubaya ako sa lalaking hindi man lang alam ang pangalan ko. Alam kong sinamantala ko ang pagkakataon na makalapit ng mabilis sa kaniya pero wala sa isip kong ipaubaya ang katawan ko sa unang pagkikita namin. Pero nangyari na at wala na akong magagawa doon. Mabuti na rin 'yun para hindi na matagalan ang assignment ko. Mas mabilis akong mag-imbestiga kapag mas malapit kami. Baka kasi maghinala na ang ALPHA sa mga ginagawa ko."I will not hesitate to do this again kapag sinabi mo ulit iyon," sabi pa niya kanina nang halos sabay kaming makarating sa sukdulan. I never felt satisfied before na katulad ng naramdaman ko kay Alex kanina. Partida, sa lamesa pa lang iyon. Paano pa kaya kapag sa kama na?"Pero okay lang dahil gustong gusto kong maulit ito kahit pa araw arawin
ALEX'S POVHindi ko inaasahang ganito kabilis ang mga pangyayari. From a stranger na sumugod sa opisina ko, ngayon ay girlfriend ko na si Lucy. There is something about her na nagtutulak para gustuhin ko s'ya. Mula sa unang araw ng pagkikita namin ay wala na akong ibang inisip kung hindi siya. At mula nang muli ko s'yang makita ay pinangarap ko na ang sana ay makasama siya sa araw-araw. "Baby ready ka na?" tanong ko nang sagutin niya ang telepono. Susunduin ko siya ngayon dahil napagkasunduan naming sa bahay siya matutulog ngayong gabi. "Oo," maikling tugon niya."Great! I'm on my way," sabi ko bago ibaba ang telepono. Pinag day off ko muna ang dalawang katulong sa bahay para hindi mailang si Lucy. Minsan kasi ay nahahalata kong medyo ilag siya sa mga tao, kung maaari ay ayaw niya ng mga bagong kakilala.Naghihintay na siya sa lobby ng building nila nang dumating ako. Agad naman siyang tumayo nang makita ako."Hi!" bati niya sa akin at sinalubong ako ng halik sa pisngi."Let's go?" t
THIRD PERSON'S POV"Welcome home honey!" Salubong ni Don Arthur sa asawang si Donya Eloisa."It's good to be back honey, there is no other place like home," aniyang iginala ang paningin sa kabuuan ng mansion. Wala pa rin iyong ipinagbago. "Magpahinga ka na muna. See you later honey, may importante akong meeting today," paalam niya sa asawa."Don't worry I'll be fine," tugon naman ng donya.Ang totoo n'yan umuwi lang talaga ang donya dahil sa report ng private investigator niya na may lead na siya sa napakatagal nang paghahanap sa kaniyang panganay na anak. Hindi alam ng Don ang ginagawa naiyang patuloy na pagpapahanap sa anak dahil pagbabawalan lamang siya nito. Naapektuhan kasi ang kaniyang kalusugan nang walang tigil siyang naghahanap noong bago pa lamang na nawala ang bata. Hindi na raw kakayanin ng Don kung pati siya ay mawala pa kaya ipinadala sila nito sa Amerika para maiwas sa stress. Ayon pa sa Don ay siya na raw ang bahalang maghahanap sa nawawalang anak. Ngunit lingid sa kaa
VIOLET POVDalawang araw na mula nang ikulong ako rito, hindi ko malaman kung ano talaga ang binabalak ng Alpha sa akin. Laging may kausap sa cellphone ang mga lalaking nagbabantay sa akin. Naulinigan kong parating na ang isa sa mga founder ng grupo kaya kinakabahan ako, paano kung pati si Alex ay pinatay na rin nila? Siguradong hinahanap rin siya ng mga ito.Hindi ako nagkamali, mamaya pa ay narinig ko ang mga ugong ng sasakyang palapit.Bahagya akong sumiksik sa gilid. Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay tinakasan na yata ako ng tapang, o sadyang wala lang akong lakas dahil halos dalawang beses pa lamang akong kumakain mula nang dalhin ako sa lugar na ito. "Lucy!" malakas na bulyaw ng isa sa mga nagbabantay sa amin saka lumapit at pahablot akong itinayo. Wala akong nagawa kung hindi ang sumunod lang sa agos. Nanghihina ako at masakit na rin ang katawan ko dahil sa pagkakatali ng mga kamay at paa ko."Kakausapin ka ni boss!" aniyang kinaladkad ako palabas ng bodega. Nasilaw ako sa li
"You may now kiss the bride," deklara ng pari hudyat na tapos na ang seremonyas ng kasal.Hinawi ni Alex ang belong tumatakip sa mukha ng nobya saka marahang hinalikan sa labi. Sigawan at palakpakan ang tanging maririnig sa paligid."I love you," masuyong bulong ni Alex sa nakangiting nobya na ngayon ay asawa na."I love you too," tugon ni Ariah habang nakatitig sa asawa. Muli siya nitong h******n kaya muling nagpalakpakan ang mga taong dumalo sa kanilang kasal. Naroon si Mia na masayang masaya para sa kaniyang kuya at Liah na proud naman sa kaniyang Ate.Sa lahat ng pinagdaanan at nalagpasan ni Ariah ay daig pa nito ang nagkaroon ng pangalawang buhay. Tila nagising siya nang araw na iyon sa isang bangungot. Sa mahabang pagkakakulong niya sa ICU ay pawang masasamang ala-ala ang dumalaw sa kaniya. Naririnig niya ang paligid at mga taong naroon para sa kaniya ngunit hindi siya makagalaw kaya tanging luha ang sagot niya sa mga pakiusap ng mga ito. At ang araw na maigalaw niya ang kaniyang
Kanina pa paikot-ikot doon ang mga tauhan ni Don Arthur. Hindi sila makapasok sa subdivision kung nasaan si Violet. Nangako pa naman sila sa amo na hindi pababayaan ang anak nito. Nagkasya na lamang silang bantayan ang gate ng subdibisyon kung saan naroon ang bahay ni Alex habang naroon si Violet. Siniguro nilang hindi makakapasok ang grupo ng kalaban sa loob. Mahigpit ang seguridad dito kaya kampante silang naghintay na lamang sa labas."Violet!" si Alex nang bigla siyang yakapin ng nobya. Hawak kasi niya sa magkabilang kamay ang bote ng inumin. Beer pa nga iyon dahil iyon na lamang ang natira sa ref."Hmm.. Do you think we should try to make here?" tila nang-aakit na tugon ng dalaga."Seriously?" hindi makapaniwalang tugon ni Alex sa nobya. Parang kakaiba kasi ito ngayon, masyadong hot."Yes, why not?" muli nitong inilapat ang hubad na katawan sa katawan ng nobyo. Bahagya naman siyang itinulak ni Alex sa isang sulok ng counter saka inilapag ang hawak na inumin doon. Niyakap siya nit
Kinausap ni Violet ang ama nang masigurong nakapasok na ang ina sa silid."What's wrong?" simula niya. Alam niyang malaking problema ang bumabagabag dito."I want you to stay away from this, pero sasabihin ko pa rin sa'yo dahil alam kong hindi ka titigil hangga't hindi mo nalalaman ang totoo," tugon nito."Anak, magkakaroon na ng katarungan ang pagkaka-kidnap mo noon," kuwento nito."Pero hindi ganoon kasimple, alam mong napakadelikado ng Alpha. Hindi ko kontrolado ang lahat dito," aniya."Ano naman ang kinalaman ng Alpha sa mga dumukot sa akin?" kuwari ay tanong ng dalaga pero nakukuha na niya ang punto ng ama."My partners, sila ang pinuno ng sindikatong kumikidnap ng mga bata noong panahong mawala ka, hinihintay ko lang ang confirmation from my source para masigurong may kinalaman nga sila sa nangyari sa'yo noon," paliwanag nito."Hindi ako magdadalawang-isip na buwagin ang Alpha para sa kanila," banta ng kaniyang ama. Maraming koneksyon sa gobyerno ang ama kaya balewala lang sa kan
Nang tuluyang gumaling at umuwi na sa kanilang mansion si Alex ay umuwi na rin sa mansion ng mga Chavez si Violet. Hindi pumayag si Donya Eloisa na hindi siya nito ma-uwi sa kanilang tahanan. Sabik na sabik ang Donya na makasama ang kaniyang anak na nawalay ng napakatagal."Mama ang itawag mo sa akin," nakangiting wika ni Eloisa sa anak nang mapansing asiwa pa rin ito at minsan ay tinatawag pa siyang 'maam'. "Masanay ka na iha," anito at saka hinaplos ang kaniyang mahabang buhok. Kasalukuyan itong nasa silid niya. Naka-upo siya sa harap ng salamin habang dahan dahang sinusuklay ng kaniyang ina ang kaniyang buhok."Oho, M-mama," tugon ng dalaga kahit naninibago pa. Napakasarap pala ng pakiramdam nang mayroon kang matatawag na Mama, sa loob-loob ng dalaga."Darating sa susunod na linggo ang kapatid mo, excited na siyang makita ka anak," balita ng butihing ginang sa dalaga.Kahit paano ay natutuwa siya, hindi lang pala magulang ang mayroon siya. May kapatid din siya. Tila unti-unting lu
THIRD PERSON POV "Are you sure about this?" hindi pa rin makapaniwala ang Don sa ibinalita ng asawa. "Yes, of course! My private detective finally found our daughter!" bakas sa tinig ng Donya ang tuwa at excitement. "I know you have not given up sa anak natin, ako man ay umaasa pa rin na mahanap s'ya," tugon naman ng Don sa asawa. Hindi nga ba't itinayo pa niya ang Alpha para pagbayarin ang mga kumidnap sa anak nila?Nang mahuli ang mga kidnapers ay ibang mga bata ang hawak ng mga ito. Hindi rin nila sigurado kung isa nga si Ariah sa mga batang kinuha nila. Hanggang sa unti-unting naglalaho ang mga nahuhuling miyembro ng sindikatong iyon, para bang mayroon talagang humahadlang para mahuli ang pinuno nito. Wala ring nagawa ang mga awtoridad nang mga panahong iyon kaya siya na mismo ang gumawa ng paraan para magbayad ang mga taong iyon.Maagang dumating and mag-asawang Arthur at Eloisa Chavez sa bahay ampunan ng San Juaquin. Kapwa sabik mayakap ang matagal na nawalay na anak.Dala ang
VIOLET POVDalawang araw na mula nang ikulong ako rito, hindi ko malaman kung ano talaga ang binabalak ng Alpha sa akin. Laging may kausap sa cellphone ang mga lalaking nagbabantay sa akin. Naulinigan kong parating na ang isa sa mga founder ng grupo kaya kinakabahan ako, paano kung pati si Alex ay pinatay na rin nila? Siguradong hinahanap rin siya ng mga ito.Hindi ako nagkamali, mamaya pa ay narinig ko ang mga ugong ng sasakyang palapit.Bahagya akong sumiksik sa gilid. Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay tinakasan na yata ako ng tapang, o sadyang wala lang akong lakas dahil halos dalawang beses pa lamang akong kumakain mula nang dalhin ako sa lugar na ito. "Lucy!" malakas na bulyaw ng isa sa mga nagbabantay sa amin saka lumapit at pahablot akong itinayo. Wala akong nagawa kung hindi ang sumunod lang sa agos. Nanghihina ako at masakit na rin ang katawan ko dahil sa pagkakatali ng mga kamay at paa ko."Kakausapin ka ni boss!" aniyang kinaladkad ako palabas ng bodega. Nasilaw ako sa li
THIRD PERSON'S POV"Welcome home honey!" Salubong ni Don Arthur sa asawang si Donya Eloisa."It's good to be back honey, there is no other place like home," aniyang iginala ang paningin sa kabuuan ng mansion. Wala pa rin iyong ipinagbago. "Magpahinga ka na muna. See you later honey, may importante akong meeting today," paalam niya sa asawa."Don't worry I'll be fine," tugon naman ng donya.Ang totoo n'yan umuwi lang talaga ang donya dahil sa report ng private investigator niya na may lead na siya sa napakatagal nang paghahanap sa kaniyang panganay na anak. Hindi alam ng Don ang ginagawa naiyang patuloy na pagpapahanap sa anak dahil pagbabawalan lamang siya nito. Naapektuhan kasi ang kaniyang kalusugan nang walang tigil siyang naghahanap noong bago pa lamang na nawala ang bata. Hindi na raw kakayanin ng Don kung pati siya ay mawala pa kaya ipinadala sila nito sa Amerika para maiwas sa stress. Ayon pa sa Don ay siya na raw ang bahalang maghahanap sa nawawalang anak. Ngunit lingid sa kaa
ALEX'S POVHindi ko inaasahang ganito kabilis ang mga pangyayari. From a stranger na sumugod sa opisina ko, ngayon ay girlfriend ko na si Lucy. There is something about her na nagtutulak para gustuhin ko s'ya. Mula sa unang araw ng pagkikita namin ay wala na akong ibang inisip kung hindi siya. At mula nang muli ko s'yang makita ay pinangarap ko na ang sana ay makasama siya sa araw-araw. "Baby ready ka na?" tanong ko nang sagutin niya ang telepono. Susunduin ko siya ngayon dahil napagkasunduan naming sa bahay siya matutulog ngayong gabi. "Oo," maikling tugon niya."Great! I'm on my way," sabi ko bago ibaba ang telepono. Pinag day off ko muna ang dalawang katulong sa bahay para hindi mailang si Lucy. Minsan kasi ay nahahalata kong medyo ilag siya sa mga tao, kung maaari ay ayaw niya ng mga bagong kakilala.Naghihintay na siya sa lobby ng building nila nang dumating ako. Agad naman siyang tumayo nang makita ako."Hi!" bati niya sa akin at sinalubong ako ng halik sa pisngi."Let's go?" t
VIOLET'S POV Hindi ako makapaniwala sa ginawa ko! Oo, balak kong akitin ang Alexander na 'yun pero hindi ganito kabilis. Hindi ko napigilan ang sarili kong tugunin ang mga halik niya. Parang wala ako sa katinuan kanina, nagpaubaya ako sa lalaking hindi man lang alam ang pangalan ko. Alam kong sinamantala ko ang pagkakataon na makalapit ng mabilis sa kaniya pero wala sa isip kong ipaubaya ang katawan ko sa unang pagkikita namin. Pero nangyari na at wala na akong magagawa doon. Mabuti na rin 'yun para hindi na matagalan ang assignment ko. Mas mabilis akong mag-imbestiga kapag mas malapit kami. Baka kasi maghinala na ang ALPHA sa mga ginagawa ko."I will not hesitate to do this again kapag sinabi mo ulit iyon," sabi pa niya kanina nang halos sabay kaming makarating sa sukdulan. I never felt satisfied before na katulad ng naramdaman ko kay Alex kanina. Partida, sa lamesa pa lang iyon. Paano pa kaya kapag sa kama na?"Pero okay lang dahil gustong gusto kong maulit ito kahit pa araw arawin