Ilang beses siyang napalunok at hilaw na natawa bago nag-iwas ng tingin. Hindi niya kayang salubungin ang intensidad ng titig ni Rain. Nakakatunaw. Nakakapanginig ng tuhod. Tumikhim siya bago ibinaling ang mga mata kay Aling Lena na mukhang tuwang-tuwa sa kanilang dalawa. "Aling Lena, w—wala pa po ba ang almusal namin. Nagugutom na po kasi ako," pag-iiba niya ng usapan. Parang nagising naman sa realidad ang naging reaksyon ni Aling Lena at nasapo pa nito ang sariling noo. "Naku! Ano ba naman ang tinutunganga ko rito. Gagawa pa pala ako ng almusal, " natataranta nitong sabi. Bahagya siyang napangiti. Mukhang effective nga ang kanyang ginawa. Pero mabilis ding napawi ang kanyang ngiti nang mapalingon siya kay Rain na nasa kanya parin ang atensyon. Huminga ito ng malalim bago ibinaling ang tingin kay Aling Lena. "Kami na po ang gagawa ng almusal namin Manang. Pwede niyo na po kaming iwan." Nakangiting lumingon ang ginang sa kanila. Mabilis itong nagpunas ng kamay bago naglakad palapit
Mabilis niyang itinulak si Rain at agad na tumayo mula sa kandungan nito. Mukha namang nagulat ang lalaki sa naging reaksyon niya. Napatikhim siya at inayos ang kanyang buhok. Pinukol naman siya ni Rain ng isang nagtatakang tingin. "What's happening to you?" Kunot noo nitong tanong. "Uh...Wala naman po," mahina niyang bigkas. Tumikwas ang isang kilay nito. "Nahara..." Anito na may himig na pagbabanta. "If you won't tell me what's wrong, I will pull you again and kiss you without your permission," dagdag pa nito. "Sabi po kasi ni Aling Lena hindi pwedeng maghalikan ang dalawang taong hindi magkasintahan kaya hindi mo rin ako pwedeng halikan at hawakan," nahihiya niyang sagot. Narinig niyang natawa ng mahina si Rain. "Tangína. Panira talaga yang Aling Lena na yan," nakasimangot nitong sambit. Pinaglalaruan niya ang kanyang daliri habang hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya. Nang sulyapan niya si Rain, kita niyang nakatingin ito sa malayo at bahagya pang nakanguso. Nang mapan
Dahil sa pagsisisigaw ni Isaac, nahimasmasan na rin si Storm at parang mga batang nakikitalon. He shut his eyes out of annoyance. Now he's regretting that he told them his problem. Sana nagtanong na lang siya sa iba na hindi siya lubusang kilala nang sa ganun maiwasan niya ang mga bagay na tulad nito."Tangína! Seryoso ka ba dyan Velasquez? Kilala ba namin yan?" Usisa ni Storm.Mabilis namang itong sinapok ni Isaac bago inakbayan. "Kailangan pa bang itanong yan? Of course kilala mo. May iba pa bang babaeng kasama yang kaibigan natin bukod doon sa babaeng ipinangangalandakan niya na maid niya lang?" Sarkastiko nitong tanong bago umiling. "Maid pala ha."Storm blinked a couple of times before smiling like an idiot. "Yeah right..."He heaved a deep sigh as he stood from his seat. "I gotta go. Mukhang dadagdagan niyo lang ang problema ko eh," dismayado pa niyang sabi."Nah! It's my expertise Velasquez. Kung dimo naitatanong, ako ang nagturo kay Terrence kung paano niya ligawan ang asawa n
Mabilis na tumayo mula sa kanyang kinauupuan si Nahara nang matanaw niya si Rain papasok ng bakuran. Palingon-lingon pa ito sa paligid na para bang may humahabol dito. Dahil nasa mataas na parte siya ng mansion, tanaw niya ang daan sa unahan at nakitang wala namang ibang tao doon maliban kay Rain. Hindi nagtagal, pumasok na ang lalaki sa loob ng bahay. Agad siyang bumaba ng terasa para salubungin si Rain subalit nang makita niya ito, bigla na lang siyang nakaramdam ng hiya at agad na nagtago sa likod ng dingding malapit sa pinto.Pinalipas niya ang ilang segundo bago dahan-dahang sumilip para tingnan kung naroon pa ba si Rain pero laking gulat niya nang eksaktong pagsilip niya, mukha nitong nakangisi ang bumungad sa kanya. Dahil sa labis na pagkabigla, hindi niya maiwasang mapasigaw. Narinig pa niyang tinawanan siya ng lalaki. Nang mahimasmasan siya ay tiningnan niya ito ng masama."Bakit po kayo nanggugulat?" Nakasimangot niyang tanong.Nagkibit balikat naman ito. "Kasalanan ko ba ku
Sandali siyang natahimik habang pinagmamasdan ang larawan na nasa kanyang harapan. Miranda had a daughter but why do they didn't know about it? Isa pa, kung totoo ngang may anak ito, sino naman kaya ang ama. Pero sa kabila ng nalaman niya, hindi siya nagpahalata kay Alexie na interesado siya sa impormasyong hatid nito. This cunning devil can't be trusted.Nagkapawala siya ng isang malalim na buntong hininga bago kaswal na sumanddal sa couch na kinauupuan niya. "And so what if she's Miranda's daughter? Black Rose is dead a long time ago."Alexie shrugged his shoulders and picked up the picture. "Miranda may be dead but aren't you curious about her lover?""Marcelo died together with his men at the mansion."What he said made Alexie chuckle, and it annoys him because it feels like this man knows a lot more than he should have known. "And you solely believe that?"His forehead creased. The topic is getting more interesting. "What are you talking about, Volkov?"Alexie sighed before light
"You ready?"Napalingon si Nahara kung saan nakahilig si Rain sa hamba ng pintuan. Tumango siya at umalis na mula sa pagkakaupo sa gilid ng kama. Pinasadahan siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa na kanyang ikinaasiwa."Nagsuot na po ako ng bra," nakanguso niyang ani.Sandali itong natigilan pagkuwa'y natawa at napailing pa. "Damn. You're so funny."Hindi niya napigilang mapasimangot. "Ano po bang nakakatawa?"Nagpakawala ito ng isang buntong hininga bago umiling. "Nothing. Let's go," aya nito at inakay na siya pababa ng hagdan.Nang makarating sila sa bakuran, dinala siya ni Rain sa isang magarang motorsiklo. Nilingon niya ang lalaki na abala sa pag-aayos ng helmet nito. "Diyan po tayo sasakay?""Yup. Have you ridden a motorcycle before?" Tanong nito.Marahan siyang napailing. "Hindi pa."Lumapit si Rain sa kanya at sinuutan din siya ng helmet. "Then you will experience riding a motorcycle today. Pwede mong sabihin sakin lahat ng bagay na hindi mo pa nasusubukan Nahara. I will le
Ilang beses siyang kumurap habang titig na titig sa kanya ang lalaki. Kahit anong pigil niya sa kanyang sarili, nakaramdam parin siya ng labis na tuwa nang marinig ang sinabi nito. Subalit naputol ang kanilang pagtitigan nang bigla na lang tumunog ang cellphone ni Rain. Mabilis niyang ibinaling ang kanyang mga mata sa unahan. Nakarinig naman siya ng ungol protesta mula rito bago hinugot ang cellphone nito."I told you not to call me today, didn't I?" Masungit na bungad ni Rain kay Calder sa kabilang linya.Bago siya umalis kanina, binilinan na niya ang lahat ng mga tauhan niya na huwag siyang istorbohin. Infact, he didn't bring any bodyguards with him. Nais niyang mamasyal ng normal kasama si Nahara. Minsan lang din siya kung magliwaliw for fúcksake kaya hindi niya maiwasang mayamot nang makitang tinawagan siya ni Calder."I know Sire, but I guess I need to report this news to you," may himig na pagkabalisa nitong ani.Nagpakawala siya ng isang malalim na buntong hininga. "What is it?
Kabado si Nahara habang binubuksan ang sulat na iniabot sa kanya. Wala siyang ibang maisip na magpapadala sa kanya ng sulat maliban na lang kay Fabian dahil ito lang naman ang bukod-tanging nakakaalam na may isa pang katulad niya ang nabubuhay sa mundo. Nanginginig ang kanyang mga kamay pero pilit niyang tinatapangan ang kanyang sarili. Hindi siya pwedeng magpatalo. Hindi siya magpapadaig. Nais niyang malaman kung alam na ba nito kung nasaan siya at bakit ito nagpadala ng sulat.Unti unti niyang inilabas ang laman ng envelope pero imbes na sulat ang tumambad sa kanya, mga larawan ang naroon. Mga larawang hindi niya inaasahang makita."Hindi..." Halos pabulong niyang usal.Nag-uunahan sa pagpatak ang kanyang luha. Pakiramdam niya, buong mundo ang dumagan sa kanya ng mga oras na iyon. Bakit ngayon pa? Bakit ngayon kung kailan masaya siya? Wala na ba talaga siyang karapatang sumaya?"Ayos ka lang ba, hija?"Napakurap-kurap siya at nasilayan ang nag-aalalang mukha ni Manang Petra. Ilang b
Napasinghap siya sa lugar na pinagdalhan ni Calder sa kanya. Isa iyong napakatayog at malaking building. Halos malula siya habang nagmamasid sa paligid."N—nandito ba si Rain?" Mahina niyang tanong."Yes. This Starline Galore. Ang kumpanyang pagmamay-ari ni Rain," kaswal niyong tugon.Napatango-tango siya. "Wow. Sobrang yaman pala talaga ni Sir Rain," puno ng pagkamangha niyang sambit.Bahagya namang natawa si Calder sa sinabi niya at napailing pa. "Sinabi mo pa. Let's go?"Huminga siya ng malalim bago tumango. "Sige."Nakasunod siya kay Calder. Kung malaki ang building sa labas, napakalawak naman sa loob. Marami ding mga tao sa paligid. Hindi niya tuloy maiwasang maasiwa lalo na't bihis na bihis ang mga ito samantalang napakasimple lang ng suot niya.Iginiya siya ni Calder sa isang elevator. Ngayong paakyat na sila ay unti-unti na siyang nakaramdam ng kaba. Ang tapang na pinanghahawakan niya kanina ay parang unti-unti na ring naglalaho. Gayunpaman, sinubukan niya paring kalmahin ang
Matapos siyang kausapin ni Avira ng araw na iyon ay hindi na siya nito muling kinibo pa. Ayos lang naman din sa kanya, basta ang importante ay hindi na siya nito lalaitin. Isa pa ay abala ang isipan niya sa mga bagay na nalaman niya mula kay Avira. Minsan hindi na niya maiwasang magtanong kung bakit malupit ang tadhana sa kanila? Tila ba isang kasalanan ang pagkabuhay nila kaya may kaakibat iyong parusa.Napalingon siya sa study room ni Rain habang papaakyat sana siya sa silid niya. Nahalina siyang pumasok sa naturang silid. Miss na miss na niya ang lalaki kaya naman hindi na siya nag-atubili pang pumasok. Gaya parin noong una ang pagkakaayos ng lugar.Dumako ang kanyang mga mata sa mesa nito kung saan nakataob ang isang frame. Dahan-dahan siyang naglakad palapit at marahan iyong dinampot. Ngayon ay sigurado na siyang kapatid nga ni Rain ang babae sa larawan. Bata palang ito ay sobrang ganda na. Siguro mas higit pa kung nabubuhay lang sana ito.Huminga siya ng malalim at muling pinasa
Pinanood niya si Rain habang busy ito sa cellphone nito. Hindi niya maiwasang mapatitig sa maarteng pagpilantik ng mga daliri nito. Sana ay bumalik na si Rain para makapag-usap sila ng masinsinan. Maya maya pay umupo na ang lalaki at pinagkrus ang mga binti. Pati paraan ng pag-upo nito ay babaeng-babae talaga."I called someone to fix you since you look like trash. Don't get me wrong huh, but I don't want my brother to date such a woman who doesn't have a taste and style in fashion. My brother is too handsome for you to be honest," sabi pa nito.Napayuko nalang siya at hindi na ito sinagot. Lumipas pa ang ilang minuto, pumasok na ang ilang mga panauhin sa loob ng mansion. Marami itong dalang mga paperbag at umalis din naman agad. Isang babae lang ang nagpaiwan at mukhang ito ang boss ng mga dumating."You're here," maarteng saad ni Rain.Nakangiting naglakad patungo sa gawi nila ang isang matangkad at napakagandang babae. "Hello, Avira. Long time no see," mahinhin nitong sabi.Nakita
Hapon na ng matapos sina Nahara at Manang Petra sa pagtatanim ng mga bagong bulaklak sa garden. Kahit papaano ay nalibang naman siya sa kanyang ginagawa at hindi na nga niya namalayang lumipas na pala ang ilang oras mula ng makaalis si Rain.Akmang pupunta siya sa likod bahay para maghugas ng kamay nang mamataan niya ang sasakyan ni Rain na papasok ng garahe. Bahagyang kumunot ang kanyang noo. Akala niya ay gabi pa ito uuwi subalit mukhang napaaga yata. Hindi nagtagal, natanaw na niya ang lalaki na nakalabas ng kotse kaya't kinawayan niya ito para makuha ang atensyon ng binata."Sir Rain!" Nakangiti niyang sigaw.Agad naman itong lumingon sa kanya. Hindi nagtagal ay nakarating na ito sa pwesto niya subalit agad niyang napansin ang paraan ng paglalalakad nito. Hindi niya lubusang maipaliwanag subalit para bang may mali."Sir Rain," mahina niyang anas.Mataman siya nitong tinitigan mula ulo hanggang paa at pabalik hanggang sa dumako ang mga mata nito sa mga kamay niyang puro putik. Kita
"Hmm... Ang sarap," tila batang sabi ni Rain habang kumakain sila.Napangiti siya. Parang tumataba ang puso niya sa naging komplimento nito. Nang makita nito ang naging reaksyon niya ay iniangat nito ang kutsarang may pagkain at sinubuan siya. Buong puso naman niya iyong tinanggap."I like how you constantly smile these days.""Lagi mo akong pinapangiti," walang pag-aalinlangan niyang tugon.Akmang sasagot sana ito sa sinabi niya nang tumunog ang cellphone ng lalaki. Sandali pa itong natigilan habang nakatingin sa screen."Sagutin mo na," hikayat niya dito.Nagpakawala ito ng isang buntong hininga. "Istorbong kutungero," bulong nito habang nakatitig sa cellphone. "I'll just answer this. Just continue eating, okay," masuyo nitong ani.Tumango siya. Tumayo na ang lalaki. Sinundan muna niya ito ng tingin hanggang sa mawala ito sa kusina bago siya nagpatuloy sa pagkain.Rain went to his study room to answer Isaac's call. Nayayamot talaga siya dahil napakaistorbo ng loko. Huminga siya ng m
Hindi na niya mabilang kung ilang beses siyang napalunok. Kahit na hindi siya nakatapos ng pag-aaral, alam niya ang ibig sabihin ng salitang binitawan ni Rain. Unti-unting namumuo ang mga luha sa kanyang mga mata hanggang sa sunod-sunod na ang pagpatak niyon."The hell! Why are you crying? Ayaw mo bang mahalin kita?" Kunot noo nitong tanong.Magkahalong tawa at iyak ang kanyang ginawa. "Hindi. Hindi sa ganun...""Then why are you crying then?""Masaya kasi ako. Tears of joy to," humihikbi niyang sambit.Kinabig siya nito ng yakap mas lalong nagpaiyak sa kanya. Sino bang mag-aakala na ang isang tulad niya ay mamahalin ng lalaking kagaya ni Rain. Kung tutuusin, sobrang daming babaeng pwede nitong magustuhan. Siya pa talaga. May nagmamahal pa pala sa kanya. Akala niya ay mananatili na siya sa madilim na parteng iyon ng buhay niya pero hindi. Nandyan si Rain at iniahon siya nito mula sa putik na kinasasadlakan niya."If you are happy, then you should smile, My queen..."Sandali siyang nat
Rain was driving his car back to the hospital when he received a call from Adler that Nahara escaped."Are you all that fúcking stupid?!" Singhal niya sa kabilang linya. "Nahara is just a woman who doesn't have enough strength to fight against you! Paano siya nakalabas ng silid?!" Gigil niyang asik."Sorry, Sire. Someone made a commotion in the VVIP area kaya nawala ang atensyon namin sa kanya," paliwanag nito."Damn it! Kapag may nangyaring masama sa kanya. Manangot kayo. I will fúcking kill each one of you!" Singhal niya bago pinatay ang tawag at ibinato ang kanyang cellphone sa passenger's seat.Mariin siyang napapikit bago binilisan ang kanyang pagpapatakbo. Nang makarating siya sa harap ng ospital, kita niya ang maraming taong naroon at nakatingala sa tuktok ng building.He looked up and saw a familiar person on the top of the building. It was Nahara. And she's planning to jump off."Shít!" He hissed bago patakbong nagtungo sa loob ng ospital.Agad niyang tinawagan si Adler para
Tumuloy na si Rain sa silid na kinalalagyan ni Fabian Ramirez. Ang walang hiyang step-father ni Nahara. Gaya ni Vera, nakatali din ito sa isang silya habang may busal ang bibig pero ang kaibahan lang, kalmado ito at tila ba hindi nito alintana ang impyernong kinalalagyan nito sa ngayon.Kaswal siyang naglakad palapit sa lalaki habang mataman lang itong nakamasid sa kanya. Marahas niyang tinanggal ang masking tape na nasa bibig ng lalaki bago siya kumuha ng silya at umupo sa harapan nito."Sino ka at anong kailangan mo sakin?" Malamig nitong tanong.Huminga siya ng malalim bago ito tiningnan ng mata sa mata. Maamo ang mukha ni Fabian. Hindi mo aakalaing gagawa ito ng kademonyohan. Ibang-iba kapag ngumisi na ito."Nandito ka sa puder ko kasi maniningil ako."Pagak itong natawa bago napailing. "Hindi kita kilala at sigurado akong wala akong utang sayo.""Sakin wala pero sa babaeng to meron," aniya bago ipinakita ang larawan ni Nahara sa lalaki.Mataman nitong pinagmasdan ang larawan ng b
"Adler, take in charge of Nahara security. Aalis ako," aniya sa kanyang bodyguard na kasalukuyang kasama niya sa ospital."Yeah, Sire...""Make sure nothing bad will happen to her kundi alam mo na kung ano amg mangyayari Adler," maawtoridad niyang dagdag.Muli namang tumango ang lalaki. Sinulyapan niya ng isang beses si Nahara bago niya tuluyang nilisan ang VVIP floor para puntahan ang mga taong pakay niya.Halos paliparin na niya ang kanyang sasakyan patungo sa kinalalagyan ng mga taong dahilan ng paghihirap ni Nahara. Kating-kati na siyang makaharap ang dalawa. He'll make sure to make their life a living hell once the three of them will face each other.His car parked outside his favorite warehouse. Nagkalat ang kanyang tauhan sa labas ng lugar but there also men which isn't his. Mabilis siyang pumasok sa loob kung saan naabutan niya si Calder kasama ang taong hindi niya inaasahang makita."What are you doing here, Alexie?" Kunot noo niyang tanong."Didn't I tell you I'll lend you a