Share

Chapter 2

Author: Silverdust
last update Last Updated: 2023-02-10 15:46:58

“May pupuntahan ka pa ba after class?” ani Celeste habang inaayos and gamit niya. Lunch namin ngayon at nandito kami sa canteen para kunin ang in-order namin kaninang umaga. Hassle pa kasi kung makikipila ka pa.

“Bibili pa ako ng illustration board para sa project namin bukas.” sabi ko habang hinihintay maiabot ng tindera yung pagkain ni Celes.

Nang makuha ito ay tumungo na kami sa gymnasium ng school. Doon lagi ang tambayan namin mapa-lunch man ‘yan o break time. Masyadong matao at maingay kasi sa canteen.

Habang naglalakad kami ay nakakita kami ng magarang sasakyan malapit sa opisina ng aming Dean. Marami ding estudyanteng nakapaligid at sumisipat ng tingin sa loob ng opisina. Karamihan nang mga ito ay babae.

“Ano nanaman kayang meron d’yan at nagkukumahog nanaman ang mga ugok na ito?” ani Celes.

Isinawalang bahala ko nalang ang sinabi niya at dumiretso na ng lakad papuntang gymnasium.

“Baklitang ‘to ‘di nanaman umiimik. Basta basta nalang akong iiwan doon.”

“Gutom na ako eh, saka hayaan mo nalang sila.” ani ko saka nagpatuloy na sa paglalakad.

Nang makarating kami sa gymnasium ay sakto namang palabas na ang mga nag-eensayo para sa volleyball. Malapit na din kasi ang Intramurals kaya todo ensayo na ang mga ito.

Ibababa ko palang ang mga gamit ko nang bigla akong siniko ni Celes. “Kayo, kailan ba ang final practice niyo sa track and field?”

“Buti at pinaalala mo. Fitting ng uniform sa amin mamaya. Kung mauuna kang lalabas ay hintayin mo nalang ako sa P.E room.” sabi ko habang inihahanda ko yung lunch ko.

Maraming kinuwento si Celes sa akin tungkol sa kanilang departamento, at hindi na mawawala ang walang-sawang pagkwento niya sa kaniyang crush na nasa engineering department. magkatapat lang kasi sila ng building kaya lagi niya itong nakikita.

Nasa kalagitnaan ng pagkain namin ay biglang may pumasok sa gymnasium. Hindi na namin iyon pinansin at baka mga atleta din na mag-eensayo.

“At saka eto pa—” wala pa sa gitna ng pangugusap ni Celes ay biglang may nagsalita sa aming likuran.

“Bakit dito kayo kumakain sa gymnasium at hindi sa canteen, girls?”

Nilingon namin iyon at laking gulat nalang namin nang makita naming ang Dean pala iyon kasama ang kaniyang Secretary at isang lalaking nakatlikod at may kausap sa telepono.

“D-Dean, good afternoon po! Lunch po tayo!” nagulat ako sa inasta nitong katabi ako at bigla nalang sumigla ng pagkatodo-todo. Tinawanan lang siya ng aming Dean.

Agad naman na din akong tumayo at bumati. “Good afternoon po, Dean, Ma’am.” nginitian ko pa sila dahil parang feel ko ay nagsusungit nanaman ang mukha ko.

Nang matapos ang konting chikahan kasama ng Dean at ng kaniyang Secretary ay hinayaan na kaming ipagpatuloy ang aming pagkain.

Mula sa gilid ay kita kong natapos na ang pakikipag-usap ng bisita ng aming Dean sa telepono.

“Thank you for inviting me to be a guest on your intramurals, Dean. I’ll gladly come.”

Itinaas ko ang tingin sa tatlong nag-uusap dahil sa aking kyuryosidad.

Familiar…

Ilang saglit ko pang inisip dahil parang pamilyar ang itsura niya.

Tama!

“Siya nga yung kasama nung babaeng sumigaw kay Louie kagabi!”

Nagulat nalang ako nung lumingon ang tatlo mula sa kanilang kinakatayuan na para pang narinig nila yung sinabi ko.

“Hoy!” nagulat ako nang hampasin ako ng kasama ko. “Anong siya?! Ang lakas ng sigaw mo nakakahiya.” saka siya tumingin sa tatlo. “Pasensya na po kayo. Hindi po kasi maiiwasan minsan ‘tong mga ganitong pangyayari sa kaibigan ko. Imbis na sarilinin nalang ay bigla-bigla niyang masasabi.”

Nakakahiya!

Agad akong humingi ng tawad sa aming Dean. “Pasensya na po kayo. Nagulat lang po ako. Nakita ko po kasi siya sa restaurant na pinagtatrabahuan ko kagabi.” Saka ako lumingon sa lalaki. “Sorry po, Sir. Dala lang po ng gulat ko dahil hindi ko po inaasahang makikita ko po kayo ulit.”

Hindi ito nakapagsalita at tiim lang itong nakatitig sa akin.

Sandali pang nakatitig ito sa akin nang biglang tumikhim ang aming Dean.

“Girls, this is Mr. Hades Daniel Cuervo. One of our major stockholder here in our University.” Ani ng Dean sa amin.

Kitang kita ko ang panlalaki ng mata ng katabi ko. Dali-dali kaming huminging sabay ng paumanhin ulit dito at baka mapaalis kami ng wala sa oras dito sa school.

“It’s fine.” Walang ganang sabi nito saka muling bumaling sa aming Dean. “I should go, Dean. I have a scheduled meeting at 1pm.”

Nagkukumahog namang sinamahan ng Dean at kaniyang Secretary palabas ng gymnasium si Mr. Cuervo.

“Grabe bhe, ang gwapo!” Animo’y kinikilig na ani Celeste.

Ako naman ay bumalik na sa pagkain dahil malapit na ding matapos ang lunch break.

“See you later!” Ani Celes nang mag-umpisa na siyang maglakad papunta sa kanilang building. Nang masiguro kong nakapasok na siya ay agad naman akong nagtungo sa aming departamento dahil ilang minuto nalang ay magsisimula nanaman ang aming klase.

Hindi pa nakakalayo ay natanaw ko nanaman ang magarang sasakyan sa harap ng office ng aming Dean. “Akala ko ba ay umalis na siya?” Ani ko sa aking sarili. Isinawalang bahala ko nalang saka muling naglakad papunta sa aming classroom.

“Malakas din ang loob namin Lizzy makukuha mo siya. Sa ganda at sexy mo ba namang iyan ay tatanggi pa ba siya sa’yo?”

“Ako pa ba? Kaunting lapit pa sa kaniya ay bibigay na iyan sa akin. Ako yata ang pinakamaganda at pinakapopular na babae dito sa ating unibersidad.”

Pagpasok ko pa lang ay naririnig ko na ang tsismisan ng dalawang magkaibigang si Martha at Prescilla.

Isinawalang bahala ko nalang iyon saka umupo nalang sa aking upuan.

Wala pang sampung minuto ay dumating na ang aming Prof para sa aming afternoon session.

Sa buong kalahating oras na nagsasalita ang aming Professor ay wala man lang akong maintindihan. Hindi namang siguro ito dahil sa lalaking iyon diba?

Nagpatuloy nalang ako ng pagkopya sa nakaflash sa aming TV na powerpoint ng aming prof para kung sakali ay makakapag-aral pa rin ako ng lecture mamaya sa bahay.

Hapon na nang matapos ang aming huling klase. Naglalakad ako papuntang P.E room dahil magsusukat pa ako ng uniporme para sa nalalapit na intramurals.

“Oh Coach! nandito na pala si Lia eh.” ani Johnson nang makita akong papasok.

Si Johnson ang kasama ko para sa track and field. Kumbaga ako sa babae at siya naman sa lalaki.

“Kailan ang practice natin, Coach?” tanong ko sa aming coach habang hinahanap ko sa mga nakagilid na uniforms. “Sa makalawa ay ang inyong huling ensayo kaya ihanda handa niyo ang kondisyon ng katawan ninyo.” sagot nito.

Tumango nalang ako saka dumiretso sa fitting room upang sukatin ang uniporme ko.

“See you sa makalawa, Lia! Pahinga ka din!” ani Johnson habang tumatakbo palayo. Katatapos lang ng aming meeting kaya agad na kaming lumabas dahil mayroon din kaming mga kani-kaniyang lakad.

“Celes!” tawag ko sa kaibigan kong nanyayamot na sa gilid kakahintay siguro sa akin. Agad naman itong tumayo saka kumaripas ng takbo sa akin. “Bakit?” tanong ko dito.

“Yung crush ko huhu.” anito. Naiiyak na. “Noong dismissal kasi ay nakita namin ng mga ka-blockmates ko na umamin sa kaklase niya.” dagdag pa nito.

Wala akong masabi dahil wala pa anmana kong karanasan tungkol sa mga ganitong bagay kaya niyakap ko nalang siya.

Hinatid ko siya sa kanila bago ako tumungo pauwi sa amin at ginawa na ang mga gawain ko sa bahay bago tumungo sa trabaho.

Related chapters

  • Cuervo Series #1 || Taming the Ruthless Hades Cuervo   Chapter 3

    Biyernes ngayon at walang pasok. Hindi ko alam kung bakit ako nayayamot na lumabas ngayong nagyaya nanaman si Louie at Celes na mamasyal. Naging magkaibigan na din ang dalawa dahil sa akin at dahil lagi silang nagkakasundo.[Louie: Ano? Tara na.. maraming panood ngayon sa plaza.][Celeste: Kaya nga @Lia, para naman makalimutan mo muna kahit papaano yang mga pinsan at tiyahin mong kung makaasta kala mo mga miyembro ng royal family.]Natawa nalang ako sa sinabi niya. Alam din ng mga ito ang kalagayan ko dito sa pamamahay ng tiyahin ko. Minsan ngang nag-init ang ulo ng tiyahin ko ay hindi sila nagdalawang-isip na itakas ako dito kahit dis-oras na ng gabi.[Lia: Saan ba kasi tayo lalabas? Nanyayamot ako…][Celes: Eto naman, ngayon na nga lang ulit kami magyayaya dahil busy sa pag-aaral, ngayon ka pa manyayamot?][Lia: Saan nga?][Louie: Sa may plaza nga madam. Nakakalimutan mo yatang may baile sa bayan ngayon?][Celes: Tama! Maraming pogi din doon mare.][Louie: Oo bhe, nang matauhan kang

    Last Updated : 2023-02-10
  • Cuervo Series #1 || Taming the Ruthless Hades Cuervo   Chapter 4

    Nagising na lamang ako sa amoy ng mga kemikal na tila ay nasa ospital ako. Agad na bumungad sa akin ang puting pader na nagkukumpirmang nasa ospital na nga ako. Iginala ko ang aking paningin at sa isang sulok ay nakita ko si Louie at si Celeste na nagbubulungan.“A-anong nangyari?” bigkas ko na siyang agad silang napalingon. Sinubukan kong bumangon mula sa pagkakahiga ngunit pinigilan ako ng dalawa.“Humiga ka nga muna at magpahinga. Masyado mong pinapagod ang katawan mo kaya ka nagkakasakit eh.” Ani Louie habang inaayos ang aking higaan. “Oo nga” segunda naman ni Celeste. Nag-alala kami sa’yo.”Ikinuwento nila ang nangyari at ang mga sinabi ng Doktor tungkol sa aking kalagayan. “Kaya makinig ka muna sa amin at baka sa susunod ay matuluyan ka na.” Pahirong ani Louie. Naririrnig ko din ang tawa ni Celeste sa kaniyang likod.Halos hindi ako nakagalaw sa kwarto dahil sa pagiging ‘maalaga’ noong dalawa dahil kahit manlang sa pag-ihi ko ay nakaalalay pa rin sila. Gusto pa nga nila akong

    Last Updated : 2023-04-30
  • Cuervo Series #1 || Taming the Ruthless Hades Cuervo   Chapter 5

    “Akala ko ba ay hindi ka pupunta? Ano at nandito ka ngayon?” Pang-aasar sa akin ni Louie nang makita niya akong pumasok sa job fair na ikinuwento niya sa akin noong isang araw. Ang sabi ko kasi ay hindi ako interesado dahil marami na akong ginagawa bilang estudyante at waitress, pati na rin pala ang pagiging katulong ko sa bahay ng Tiyahin ko.Gustuhin ko mang umayaw pero naalala kong kailangan ko ng extra income para naman may maitabi akong pera para sa sarili ko at hindi nalang puro sa Tiyahin ko. Nagbabayad kasi ako sa kanila ng buwanang pagtira ko, maging ang tubig, kuryente, at groceries ay nagbabayad din ako.“Naalala ko kailangan ko din.” Simpleng sagot ko sa aking kaibigan habang hawak hawak ang resume ko.Maraming mga offer ang kumpanyang ito na posisyon ngayon dahil bagong branch nila ito kumbaga. Hindi ko masyado alam ang background ng kumpanyang ito dahil hindi naman kasi ako interesado noong una.“Next!”Biglang tumayo si Louie at nagpaalam sa akin. Siya na kasi ang susun

    Last Updated : 2023-05-01
  • Cuervo Series #1 || Taming the Ruthless Hades Cuervo   Chapter 6

    Paalis na ako ngayon papunta sa kumpanyang in-applyan ko kahapon dahil ngayon angsimula ng trabaho ko. Dala ko din sa aking tote bag ang aking uniporme at mga sulatan, sakaling payagan ako ng Boss ko na kug maaari ay pwedeng ipagpaliban ko muna ang ibang trabaho para ngayong araw. Kinakabahan pa rin ako kahit na alam kong tanggap na ako. Suot ko ay isang itim na slack at sweetheart top na puti, saka ko pinatungan ng itim na blazer. Binili sa akin ito ni Celeste kahapon nang maikuwento ko sa kaniya ang nangyari sa in-applyan namin ni Louie. Kung makasigaw sa telepono ay parang siya pa itong nakakuha ng trabaho. Binilhan niya ako ng ilang pares ng damit para daw masuot ko. Grabe ang pagtanggi ko pero wala na akong nagawa nang siya na mismo ang naghatid dito sa bahay.Papaalis na sana ako nang makita ko si Louie at Celes sa may labasan sa amin, may dala-dalang paperbag at mukhang ako talaga ang hinihintay dahil pagkakita na pagkakita nila sa akin ay agad silang tumayo sa may upuan ng w

    Last Updated : 2023-05-02
  • Cuervo Series #1 || Taming the Ruthless Hades Cuervo   Prologue

    “You dare to hurt my Queen?!” galit na ani Hades sa lalaking kaharap niya ngayon habang ako ay nakatago sa kaniyang likuran, takot na takot sa kaganapan. Yakap-yakap ko ang aking sarili, natatakot na baka mahablot nanaman ako at mapagsamantalahan.Kaninang habang naglalakad ako pauwi galing sa aking tinatrabahuan. Dumaan ako sa may tindahan saka bumili ng de-lata na uulamin ko. Lagi kasing kada-uwi ko ay wala nang natitirang ulam sa akin kaya ganito ang ganap ko kada gabi pagkatapos ng shift ko.Habang bumibili ay may tumabi saking lasing na lalaki na bumili ng alak. Naramdaman ko ang kaniyang malagkit na titig sa akin. Hinihiling ko sa aking isip na bilisan nalang na iabot ng tindera ang aking sukli para makaalis na ako.Nang makuha ang aking sukli ay dali-dali na akong umalis at dumiretso na ng lakad. Nilalakad ko nalang kasi dahil wala nang masasakyan ngayong oras na ito kaya wala na akong choice kundi ang maglakad.Naramdaman kong may sumusunod sa akin. Nang lingunin ko ng bahagya

    Last Updated : 2023-01-23
  • Cuervo Series #1 || Taming the Ruthless Hades Cuervo   Chapter 1

    So, kita nalang tayo mamaya sa unit mo?” sabi ko sa kaibigan kong sinundo ko pa sa kanilang building. Sa education department ako habang siya naman ay sa accounting department. Kada biyernes hanggang linggo kasi ay nasa unit ako ng kaibigan kong si Celeste para samahan siya dahil wala ang kaniyang pinsan kada biyernes hanggang linggo dahil umuuwi sila sa kanilang kaniyang bahay. Nakikitira lang naman kasi ang mga iyon kay Celeste dahil mas malapit ang eskwelahan nila dito.“Sige, dadaan pa kasi ako sa flower shop para kamustahin ang benta.” sagot sa akin ni Celeste. May flower shop kasi siya. Doon din niya kasi kinukuha ang kaniyang allowance at pambayad ng tuition niya dahil ang katulad ko, sarili na lamang namin ang inaasahan.Nagkapaalaman na kami. Agad naman na akong pumunta ng sakayan ng jeep para mas madali akong makauwi. Kailangan ko pa kasing magluto ng hapunan para sa tiyahin at mga pinsan ko. May trabaho din kasi ako sa isang restaurant mula alas sais hanggang alas diyes ng

    Last Updated : 2023-01-23

Latest chapter

  • Cuervo Series #1 || Taming the Ruthless Hades Cuervo   Chapter 2

    “May pupuntahan ka pa ba after class?” ani Celeste habang inaayos and gamit niya. Lunch namin ngayon at nandito kami sa canteen para kunin ang in-order namin kaninang umaga. Hassle pa kasi kung makikipila ka pa.“Bibili pa ako ng illustration board para sa project namin bukas.” sabi ko habang hinihintay maiabot ng tindera yung pagkain ni Celes. Nang makuha ito ay tumungo na kami sa gymnasium ng school. Doon lagi ang tambayan namin mapa-lunch man ‘yan o break time. Masyadong matao at maingay kasi sa canteen.Habang naglalakad kami ay nakakita kami ng magarang sasakyan malapit sa opisina ng aming Dean. Marami ding estudyanteng nakapaligid at sumisipat ng tingin sa loob ng opisina. Karamihan nang mga ito ay babae.“Ano nanaman kayang meron d’yan at nagkukumahog nanaman ang mga ugok na ito?” ani Celes. Isinawalang bahala ko nalang ang sinabi niya at dumiretso na ng lakad papuntang gymnasium.“Baklitang ‘to ‘di nanaman umiimik. Basta basta nalang akong iiwan doon.” “Gutom na ako eh, sak

  • Cuervo Series #1 || Taming the Ruthless Hades Cuervo   Chapter 1

    So, kita nalang tayo mamaya sa unit mo?” sabi ko sa kaibigan kong sinundo ko pa sa kanilang building. Sa education department ako habang siya naman ay sa accounting department. Kada biyernes hanggang linggo kasi ay nasa unit ako ng kaibigan kong si Celeste para samahan siya dahil wala ang kaniyang pinsan kada biyernes hanggang linggo dahil umuuwi sila sa kanilang kaniyang bahay. Nakikitira lang naman kasi ang mga iyon kay Celeste dahil mas malapit ang eskwelahan nila dito.“Sige, dadaan pa kasi ako sa flower shop para kamustahin ang benta.” sagot sa akin ni Celeste. May flower shop kasi siya. Doon din niya kasi kinukuha ang kaniyang allowance at pambayad ng tuition niya dahil ang katulad ko, sarili na lamang namin ang inaasahan.Nagkapaalaman na kami. Agad naman na akong pumunta ng sakayan ng jeep para mas madali akong makauwi. Kailangan ko pa kasing magluto ng hapunan para sa tiyahin at mga pinsan ko. May trabaho din kasi ako sa isang restaurant mula alas sais hanggang alas diyes ng

  • Cuervo Series #1 || Taming the Ruthless Hades Cuervo   Prologue

    “You dare to hurt my Queen?!” galit na ani Hades sa lalaking kaharap niya ngayon habang ako ay nakatago sa kaniyang likuran, takot na takot sa kaganapan. Yakap-yakap ko ang aking sarili, natatakot na baka mahablot nanaman ako at mapagsamantalahan.Kaninang habang naglalakad ako pauwi galing sa aking tinatrabahuan. Dumaan ako sa may tindahan saka bumili ng de-lata na uulamin ko. Lagi kasing kada-uwi ko ay wala nang natitirang ulam sa akin kaya ganito ang ganap ko kada gabi pagkatapos ng shift ko.Habang bumibili ay may tumabi saking lasing na lalaki na bumili ng alak. Naramdaman ko ang kaniyang malagkit na titig sa akin. Hinihiling ko sa aking isip na bilisan nalang na iabot ng tindera ang aking sukli para makaalis na ako.Nang makuha ang aking sukli ay dali-dali na akong umalis at dumiretso na ng lakad. Nilalakad ko nalang kasi dahil wala nang masasakyan ngayong oras na ito kaya wala na akong choice kundi ang maglakad.Naramdaman kong may sumusunod sa akin. Nang lingunin ko ng bahagya

DMCA.com Protection Status