Nagising na lamang ako sa amoy ng mga kemikal na tila ay nasa ospital ako. Agad na bumungad sa akin ang puting pader na nagkukumpirmang nasa ospital na nga ako. Iginala ko ang aking paningin at sa isang sulok ay nakita ko si Louie at si Celeste na nagbubulungan.
“A-anong nangyari?” bigkas ko na siyang agad silang napalingon. Sinubukan kong bumangon mula sa pagkakahiga ngunit pinigilan ako ng dalawa.“Humiga ka nga muna at magpahinga. Masyado mong pinapagod ang katawan mo kaya ka nagkakasakit eh.” Ani Louie habang inaayos ang aking higaan. “Oo nga” segunda naman ni Celeste. Nag-alala kami sa’yo.”Ikinuwento nila ang nangyari at ang mga sinabi ng Doktor tungkol sa aking kalagayan.“Kaya makinig ka muna sa amin at baka sa susunod ay matuluyan ka na.” Pahirong ani Louie. Naririrnig ko din ang tawa ni Celeste sa kaniyang likod.Halos hindi ako nakagalaw sa kwarto dahil sa pagiging ‘maalaga’ noong dalawa dahil kahit manlang sa pag-ihi ko ay nakaalalay pa rin sila. Gusto pa nga nila akong i-wheelchair.Nanatili pa ako sa ospital ng mga ilang oras bago ako pinayagang makalabas ng Doktor. Ihinatid naman ako ng mga kaibigan ko sa bahay at doon ko nga nadatnan ang aking Tiyahin na naghihintay sa labas, galit. Kasama ng nakangising si Noella at ang nag-aalalang si Nory.“At anong oras na at ngayon ka lang nakauwi? Aba e umaga na?! Buti at alam mo pang may bahay ka pang uuwian?!” ani ng aking Tiyahin. “Siguro ay naglakwatsa ka ano?!” dagdag pa nito.“Hindi naman siguro, Nay. Baka may dahilan si Ate kung bakit hindi siya nakauwi kagabi.” Pagtatanggol sa akin ni Nory. “Naku, at talagang pagtatakpan mo pa ‘yan, Nory?” singit naman ng kaniyang nakakatandang kapatid.Nakita niya sa kaniyang gilid na aamba sanang magsalita si Louie ngunit hinawakan niya ito saka umiling upang pigilan.“Pasensya na po kayo, Auntie. Nag-overtime po kkasi ako sa trabaho kaya nakitulog nalang po ako sa mga kaibigan ko.” Pagpapaliwanag ko nalang sa kanila.Hindi umimik si Tiya at inikot nalang ang kaniyang mga mata. Ako naman ay pumunta nalang papalapit sa kanila at nagmano sa Tiyahin ko at nagpaalam na sa aking mga kaibigan bago pumasok sa bahay saka nagtuloy-tuloy na hanggang sa aking kwarto.Nang makapasok ay agad akong tumungo sa aking kama at nahiga. Narinig ko ang pagtunog ng aking cellphone ngunit hinayaan ko nalang ito dahil wala ako sa hulog upang tignan ito.Kalaunan ay may narinig akong kumatok sa aking pintuan. Tatanungin ko sana kung sino iyon nang narinig ko na ang boses ni Nory. Sinabihan ko nalang ito na pumasok dahil hindi naman naka-lock ang pinto.Dahan-dahan itong pumasok at agad itong naupo sa aking kama. “Pasensya ka na sa inasal ni Nanay kanina, Ate.Alam mo na, wala kasi siyang mautusan kanina at pareho din kaming wala ni Ate Noella kanina.” Pagpapaliwanag nito. Umiling nalang ako dito saka nginitian. “Ano ka ba, wala iyon. Saka tama nga lang naman kasi si isa ako sa mga inaasahan dito sa bahay para tumulong.” balik ko naman sa kaniya. Ayaw ko kasi ng kinakaawaan ako dito sa amin lalo na at alam ko naman ang totoong estado ko dito sa bahay na ito.Nagkwentuhan pa kami ni Nory, ikinuwento ko din sa kaniya ang nangyari. Agad naman itong nag-alala kaya siniguro ko nalang na maayos naman na ako.“Lia, aba! Tanghali na! Hindi ka prinsesa dito sa pamamahay ko. Baka nakakalimutan mong may mga tao ka ding kasama dito.” rinig naming dalawa ni Nory ang sigaw ng Nanay niya. Bumaling ako kay Nory ngunit ayan nanaman ang kaniyang mga matang akala mo ay siya ang nasigawan. Umiling nalang ako saka niyaya ko nalang siyang lumabas.Nakita ako si Tiya sa hamba ng pintuan sa may kusina.Tila hinihintay na talaga ako para lutuan sila ng tanghalian. Wala naman akong ganang kumain kaya nagluto nalang ako ng sakto lamang para sa kanila. May mga nakaimbak naman na pagkain sa kwarto ko kaya ayos lang dahil sanay na din naman akong maubusan ng pagkain sa kanila.Akmang tutulong na sana si Nory sa akin sa pagluluto ngunit agad ko syang pinigilan dahil yari kaming pareho sa kaniyang ina kapag nakita kami.Ramdam ko pa rin ang mabigat na katawan ngunit hindi ko na ito ininda dahil baka talakan nanaman ako ng Tiyahin ko at ng mga kaibigan ko kung nakataon.Nang matapos ako sa pagluluto ay agad naman nang tumungo sa kusina ang mag-iina. Inayos ko muna ang mga kalat sa kusina bago nagpaalam sa kanila na mamaya na ako kakain at may gagawin pa ako, kahit ang totoo ay wala naman. Wala akong narinig na sagot mula sa aking Tiyahin kaya dumiretso na ako sa aking kwarto.Agad akong humiga ulit sa aking kama saka matagal na tumitig sa kisame. Napabuntong hininga na lamang ako nang maisip ko kung kailan pa ba ako makakalaya sa ganitong sitwasyon ng buhay ko. Ni parang hindi na ito umuusad dahil sa paulit ulit na lamang na ganito ang nangyayari sa akin sa pang-araw-araw.Marami pa akong napagtanto-tanto sa aking isipan ngunit isinawalang bahala ko nalang ang mga ito at unti unti nang nakatulog.NAGISING na lamang ako sa tawag mula sa aking cellphone. Tinignan ko ito at nakitang si Nory. Nagtaka naman ako dahil pwede naman siyang pumasok dito sa aking kwarto pero bakit pa siya tumatawag?Sinagot ko na lamang ito at baka may importante din aiyang sasabihin.“Nory, bakit?”[“Ate, sabihan lang kita. Baka kasi magluto ka. Pinapasabi ni Nanay na huwag na daw at kakain nalang kami dito sa labas. Nanalo kasi ang Inay kanina sa laro.”]Napabuntong hininga nalang ako. Ganito ang laging kalakaran dito sa bahay. Lagi silang mamamalengke at kakain sa labas kapag nananalo ang Tiya sa sugal. Lagi silang lalabas o kaya naman ay bibili ng mga damit o kaya kagamitan.Hindi din nila ako isinasama sa kung saan ang kanilang pupuntahan o babakasyunan kapag nagkataon. Laging ipinapaalala ng Tiya ang lugar ko sa pamilya at dapat pa nga raw daw akong magpasalamat dahil kinupkop pa daw niya ako.[“Pasensya ka na, Ate. Huwag kang mag-alala. Bibilhan kita ng pagkain at pasalubong mo bago kami umuwi. Sinabi ko kay Inay kanina kung pwede kang sumama pero hindi niya gusto.”] dagdag pa nito.“Ano ka ba, ayos lang. Saka may pagkain naman ako dito. kaya ayos lang.” ani ko.Humingi pa siya ng paumanhin bago niya patayin ang tawag dahil tinatawag na daw siya ng kaniyang Inay. Nang mamatay ang tawag ay agad akong bumalik sa aking pagtulog.“Akala ko ba ay hindi ka pupunta? Ano at nandito ka ngayon?” Pang-aasar sa akin ni Louie nang makita niya akong pumasok sa job fair na ikinuwento niya sa akin noong isang araw. Ang sabi ko kasi ay hindi ako interesado dahil marami na akong ginagawa bilang estudyante at waitress, pati na rin pala ang pagiging katulong ko sa bahay ng Tiyahin ko.Gustuhin ko mang umayaw pero naalala kong kailangan ko ng extra income para naman may maitabi akong pera para sa sarili ko at hindi nalang puro sa Tiyahin ko. Nagbabayad kasi ako sa kanila ng buwanang pagtira ko, maging ang tubig, kuryente, at groceries ay nagbabayad din ako.“Naalala ko kailangan ko din.” Simpleng sagot ko sa aking kaibigan habang hawak hawak ang resume ko.Maraming mga offer ang kumpanyang ito na posisyon ngayon dahil bagong branch nila ito kumbaga. Hindi ko masyado alam ang background ng kumpanyang ito dahil hindi naman kasi ako interesado noong una.“Next!”Biglang tumayo si Louie at nagpaalam sa akin. Siya na kasi ang susun
Paalis na ako ngayon papunta sa kumpanyang in-applyan ko kahapon dahil ngayon angsimula ng trabaho ko. Dala ko din sa aking tote bag ang aking uniporme at mga sulatan, sakaling payagan ako ng Boss ko na kug maaari ay pwedeng ipagpaliban ko muna ang ibang trabaho para ngayong araw. Kinakabahan pa rin ako kahit na alam kong tanggap na ako. Suot ko ay isang itim na slack at sweetheart top na puti, saka ko pinatungan ng itim na blazer. Binili sa akin ito ni Celeste kahapon nang maikuwento ko sa kaniya ang nangyari sa in-applyan namin ni Louie. Kung makasigaw sa telepono ay parang siya pa itong nakakuha ng trabaho. Binilhan niya ako ng ilang pares ng damit para daw masuot ko. Grabe ang pagtanggi ko pero wala na akong nagawa nang siya na mismo ang naghatid dito sa bahay.Papaalis na sana ako nang makita ko si Louie at Celes sa may labasan sa amin, may dala-dalang paperbag at mukhang ako talaga ang hinihintay dahil pagkakita na pagkakita nila sa akin ay agad silang tumayo sa may upuan ng w
“You dare to hurt my Queen?!” galit na ani Hades sa lalaking kaharap niya ngayon habang ako ay nakatago sa kaniyang likuran, takot na takot sa kaganapan. Yakap-yakap ko ang aking sarili, natatakot na baka mahablot nanaman ako at mapagsamantalahan.Kaninang habang naglalakad ako pauwi galing sa aking tinatrabahuan. Dumaan ako sa may tindahan saka bumili ng de-lata na uulamin ko. Lagi kasing kada-uwi ko ay wala nang natitirang ulam sa akin kaya ganito ang ganap ko kada gabi pagkatapos ng shift ko.Habang bumibili ay may tumabi saking lasing na lalaki na bumili ng alak. Naramdaman ko ang kaniyang malagkit na titig sa akin. Hinihiling ko sa aking isip na bilisan nalang na iabot ng tindera ang aking sukli para makaalis na ako.Nang makuha ang aking sukli ay dali-dali na akong umalis at dumiretso na ng lakad. Nilalakad ko nalang kasi dahil wala nang masasakyan ngayong oras na ito kaya wala na akong choice kundi ang maglakad.Naramdaman kong may sumusunod sa akin. Nang lingunin ko ng bahagya
So, kita nalang tayo mamaya sa unit mo?” sabi ko sa kaibigan kong sinundo ko pa sa kanilang building. Sa education department ako habang siya naman ay sa accounting department. Kada biyernes hanggang linggo kasi ay nasa unit ako ng kaibigan kong si Celeste para samahan siya dahil wala ang kaniyang pinsan kada biyernes hanggang linggo dahil umuuwi sila sa kanilang kaniyang bahay. Nakikitira lang naman kasi ang mga iyon kay Celeste dahil mas malapit ang eskwelahan nila dito.“Sige, dadaan pa kasi ako sa flower shop para kamustahin ang benta.” sagot sa akin ni Celeste. May flower shop kasi siya. Doon din niya kasi kinukuha ang kaniyang allowance at pambayad ng tuition niya dahil ang katulad ko, sarili na lamang namin ang inaasahan.Nagkapaalaman na kami. Agad naman na akong pumunta ng sakayan ng jeep para mas madali akong makauwi. Kailangan ko pa kasing magluto ng hapunan para sa tiyahin at mga pinsan ko. May trabaho din kasi ako sa isang restaurant mula alas sais hanggang alas diyes ng
“May pupuntahan ka pa ba after class?” ani Celeste habang inaayos and gamit niya. Lunch namin ngayon at nandito kami sa canteen para kunin ang in-order namin kaninang umaga. Hassle pa kasi kung makikipila ka pa.“Bibili pa ako ng illustration board para sa project namin bukas.” sabi ko habang hinihintay maiabot ng tindera yung pagkain ni Celes. Nang makuha ito ay tumungo na kami sa gymnasium ng school. Doon lagi ang tambayan namin mapa-lunch man ‘yan o break time. Masyadong matao at maingay kasi sa canteen.Habang naglalakad kami ay nakakita kami ng magarang sasakyan malapit sa opisina ng aming Dean. Marami ding estudyanteng nakapaligid at sumisipat ng tingin sa loob ng opisina. Karamihan nang mga ito ay babae.“Ano nanaman kayang meron d’yan at nagkukumahog nanaman ang mga ugok na ito?” ani Celes. Isinawalang bahala ko nalang ang sinabi niya at dumiretso na ng lakad papuntang gymnasium.“Baklitang ‘to ‘di nanaman umiimik. Basta basta nalang akong iiwan doon.” “Gutom na ako eh, sak
Biyernes ngayon at walang pasok. Hindi ko alam kung bakit ako nayayamot na lumabas ngayong nagyaya nanaman si Louie at Celes na mamasyal. Naging magkaibigan na din ang dalawa dahil sa akin at dahil lagi silang nagkakasundo.[Louie: Ano? Tara na.. maraming panood ngayon sa plaza.][Celeste: Kaya nga @Lia, para naman makalimutan mo muna kahit papaano yang mga pinsan at tiyahin mong kung makaasta kala mo mga miyembro ng royal family.]Natawa nalang ako sa sinabi niya. Alam din ng mga ito ang kalagayan ko dito sa pamamahay ng tiyahin ko. Minsan ngang nag-init ang ulo ng tiyahin ko ay hindi sila nagdalawang-isip na itakas ako dito kahit dis-oras na ng gabi.[Lia: Saan ba kasi tayo lalabas? Nanyayamot ako…][Celes: Eto naman, ngayon na nga lang ulit kami magyayaya dahil busy sa pag-aaral, ngayon ka pa manyayamot?][Lia: Saan nga?][Louie: Sa may plaza nga madam. Nakakalimutan mo yatang may baile sa bayan ngayon?][Celes: Tama! Maraming pogi din doon mare.][Louie: Oo bhe, nang matauhan kang

“Akala ko ba ay hindi ka pupunta? Ano at nandito ka ngayon?” Pang-aasar sa akin ni Louie nang makita niya akong pumasok sa job fair na ikinuwento niya sa akin noong isang araw. Ang sabi ko kasi ay hindi ako interesado dahil marami na akong ginagawa bilang estudyante at waitress, pati na rin pala ang pagiging katulong ko sa bahay ng Tiyahin ko.Gustuhin ko mang umayaw pero naalala kong kailangan ko ng extra income para naman may maitabi akong pera para sa sarili ko at hindi nalang puro sa Tiyahin ko. Nagbabayad kasi ako sa kanila ng buwanang pagtira ko, maging ang tubig, kuryente, at groceries ay nagbabayad din ako.“Naalala ko kailangan ko din.” Simpleng sagot ko sa aking kaibigan habang hawak hawak ang resume ko.Maraming mga offer ang kumpanyang ito na posisyon ngayon dahil bagong branch nila ito kumbaga. Hindi ko masyado alam ang background ng kumpanyang ito dahil hindi naman kasi ako interesado noong una.“Next!”Biglang tumayo si Louie at nagpaalam sa akin. Siya na kasi ang susun
Nagising na lamang ako sa amoy ng mga kemikal na tila ay nasa ospital ako. Agad na bumungad sa akin ang puting pader na nagkukumpirmang nasa ospital na nga ako. Iginala ko ang aking paningin at sa isang sulok ay nakita ko si Louie at si Celeste na nagbubulungan.“A-anong nangyari?” bigkas ko na siyang agad silang napalingon. Sinubukan kong bumangon mula sa pagkakahiga ngunit pinigilan ako ng dalawa.“Humiga ka nga muna at magpahinga. Masyado mong pinapagod ang katawan mo kaya ka nagkakasakit eh.” Ani Louie habang inaayos ang aking higaan. “Oo nga” segunda naman ni Celeste. Nag-alala kami sa’yo.”Ikinuwento nila ang nangyari at ang mga sinabi ng Doktor tungkol sa aking kalagayan. “Kaya makinig ka muna sa amin at baka sa susunod ay matuluyan ka na.” Pahirong ani Louie. Naririrnig ko din ang tawa ni Celeste sa kaniyang likod.Halos hindi ako nakagalaw sa kwarto dahil sa pagiging ‘maalaga’ noong dalawa dahil kahit manlang sa pag-ihi ko ay nakaalalay pa rin sila. Gusto pa nga nila akong