Pagkatapos ay nagtungo ako sa may pintuan kung saan ko nabitawan kanina ang paperbag na hawak. Napansin kong sinundan niya ako. Pinulot ko ang nabitawang paperbag kanina bago ako bumaling sa kaniya. Ngumiti ako.
“Happy Birthday, Leon.” Matamis kong sinabi bago inilahad sa kaniyang harapan ang hawak na paperbag.
Tinignan niya ito at umiling. “You don’t have to do this, I’m very satisfied that you came into my birthday today, and the fact that I celebrate my first birthday with the love of my life.” he said na nakapagpa iling sa akin habang nanatili ang ngiti sa akin.
Gosh. He is so sweet. Sa mga nagdaang buwan ay hindi pa rin ako nasasanay sa mga ganiyan niyang salita at panigurado hinding hindi ako masasanay dito.
“No, you deserve a gift, Leon. Don’t say that!” parangal ko at ‘tsaka mas lalo pang nilahad ang aking regalo sa kaniya.
Tinitigan na niya muna ako ng maiigi a
Tumaas ang gilid ng kaniyang labi bago bumagsak ang kaniyang mata sa aking bibig. Napalunok ako. Is this it? Should I reveal it now? Marami na panigurado ang nakatingin sa amin lalo pa at ang kasama ko ngayon ang may birthday and also, he is damn Leon! Iyon ang nasa aking utak habang kasayaw siya. Maalumanay lamang ang aming mga sayaw dahil sa musikang tumutugtog ngayon. Ang mga ibang taong nagsasayaw din ay malayo sa amin. Nanatili ang tingin ko sa kaniya kaya nagulat ako noong bigla siyang lumapit sa akin. Akala ko ay hahalikan niya ako at hindi agad ako nakaiwas sa kaniyang ginawa. Naestatwa ako sa aking kinatatayuan. “I want to kiss you…” bulong niya sa gilid ng aking tenga. Halos makiliti ako roon sa naramdamang mainit na hininga niya. Halos matawa ako roon pero pinigilan ko ang aking sarili. Hindi ako nagsalita at nanatili pa rin siya sa gilid ng aking tenga. “I want to lean on your nec
Humagulgol ako ng sobra kahit pa may mga nanonood na mga kaklase namin. Nagmahal lang naman ako? Dapat talaga pinairal ko na lamang ang aking utak tignan mo ang nangyari ngayon? I feel like I lose myself. Tinulak ko si Leon upang makalayo at hinanap si Lhara kahit nanlalabo na ang aking mga mata. Isa lang ang gusto kong gawin ngayon, ang umalis sa lugar na ito. “L-Lhara,” sabi ko at napahikbi. “Marianna let’s talk please baby…” pagmamakaawa sa akin ni Leon na agad nakabawi at hinarangan agad ako at hinawakan ang aking mga siko. “Let go of your hands out of him, you idiot!” narinig kong galit na sinabi sa kaniya ni Lhara at hinawi ang kamay ni Leon sa akin. Nakita kong tinulak niya ito ng malakas dahilan kung bakit siya napaatras kahit na ang aking mga mata na nanlalabo na ay nakita pa rin iyon. “Lhara please, let me talk to her…” ramdam ko ang sakit sa pagkakasabi iyon ni Leon kay Lhara pero
Nanatili ako sa aking kwarto buong araw. Kanina pa nagpa alam si Lhara sa akin upang siya na ay umalis. They didn’t question me that much about what happened and just waiting me to open up. I did a small open up with her and I think my mother already knew something and I am thankful for the both of them that didn’t bother me to speak. I am so thankful that they value my space. Hindi rin ako gaanong nakakain at nanatiling nakahiga sa aking kwarto. Sa pananatili roon maghapon ay wala akong ginawa kundi ang umiyak ng umiyak hanggang sa mapagod ako at ‘tsaka makatulog tapos magigising kapag may kumatok sa aking kwarto upang padalhan ako ng pagkain o kamustahin. For now hindi ko muna kayang magsalita. Sariwa pa sa king puso kung ano ang nangyari. Hindi ko alam kung paano ako makaka ahon. And kanina I heard an engine in front of our house at naririnig ko mula rito ang boses niya mula sa baba. Hindi ako lumingon sa bintana at mas pinili na lamang itakip ang aking una
Kinabukasan niya ay hindi pa rin ako pumasok at nanatili sa aming bahay. Wala pa akong lakas pumasok dahil alam kong nandoon sila. Bakit ako pa ang magdusa sa kanilang ginawa? Bakit hindi sila? Bakit ako ang nahihirapan ngayon? Hindi naman ako kinuwestyon ni Mama kung bakit hindi na naman ako pumasok at ‘tsaka pumunta kanina rito si Lhara bago siya pumuntang school upang kunin ang sinagutan ko kagabi na assignment namin ngayon. I also said to her that I will not going to school. Hindi ko alam kung kailan ako magiging ready. Hinding hindi ako magiging ready. I wish hindi na lamang sila roon nag aaral. I hate them all. Nantili ako sa aming bahay at nagmukmok na naman sa aking kwarto. Minsan natutulala at minsan umiiyak na lamang. Nagskip din ako sa pagkain at hapon na noong nakakain ako muli. I was in my middle of my eating era when I heard my phone beside me ring. Nakita ko ang pangalan ni Mama roon kaya agad ko itong sinagot. Alas kwatro
That night run so fast. Hindi nagising si Mama at doon na kami ni Ana natulog sa hospital. Pumunta rin si Ate Avon gaya ng kaniyang sinabi sa gabing iyon noong nakauwi na si Lhara. Hindi ako nakatulog ng maayos dahil binbantayan ko si Mama. Tulala lamang ako most of the time at kinukwestiyon kung bakit nangyayari ito sa buhay ko. Hindi ko alam kung ipapaopera ko ba si Mama dahil alam kong wala kaming sapat nap era pangbayad sa mga gastusin dito sa hospital at mula ngayon na ay pinoproblema ko na ang ibabayad dito sa kwartong ito at mga nagastos kahapon. Kusang tumulo ang luha ko sa aking pisngi habang pinagmamasdan ngayon ang buwan mula sa bintana ng hospital. Si Ana ay mahimbing na ang tulog at ang alam ko ay dis oras na ng gabi. Hindi ako makatulog dahil sa mga problema. Hindi ko rin alam kung anon a ang mangyayari sa buhay namin, sa buhay ko. Napatingin ako kay Ana na natutulog ngayon sa sofa. Kailangan kong maging malakas para sa kaniya at sa Mama ko pero
That day, my mother died. Sobrang iyak ko noong nawala siya. Ang sakit iyon para sa akin. Durog na durog ang aking puso. Madami ang tumulong sa amin sa kaniyang burol at wala ako sa sarili mula noong nawala siya. Hindi ko kasi matanggap na wala na ang Mama ko at hindi ko alam kung paano na kami ngayon ni Ana. Huling araw na niya ngayon at ililibing na ang Mama. Hindi ko na pinatagal pa at nagtagal lamang ng limang araw ang burol dahil wala na kaming pera. Ginawa ko naman ang lahat upang mabigyan ang Mama ng magandang libingan at dahil na rin sa tulong ng mga kaibigan ni Mama sa trabaho at sina Lhara. Hindi ko tinanggap ang binigay ni Senyora na Mama ni Leon na tulong. Ayoko ng magkaroon ng konektiyon sa kanila dahil hindi ko rin maiwasang sisihin ang anak niya sa ginawa niya sa buhay ko. After that party I never seen that man again and I am thankful of that. Naiwan kaming dalawa ni Ana sa bagong libing pa ni Mama. Tahimik na umiiyak sa a
“Tamang tama may magandang paaralan doon akong nakita,” saad niya. Napatango ako bilang sang ayon bago napatingin kay Ana. Nakapag usap na kami ni Ana at nakapag sundo na sasama kay Tito at mananatili sa Santa Ana. Sumang ayon siya at gusto niya rin doon dahil gusto niya munang matahimik. I understand her decisions and even I want to stay there for peace. Sobrang daming nangyari sa buhay namin na gusto na lang naming maglikom ang mga ito. Napagdesisiyonan din naming dalawa na we will get back here when the time both of us are now graduated as promised to our mother. We also want to be healed dahil feel ko kapag nanatili pa ako rito ay hindi na ako makakaahon pa dahil hindi ko matanggap na wala na ang Mama. “Doon na lamang kami Tito…” sabi ko. Tumango tango siya, “Walang problema, lagi naman ako roon at nakikita ko namang mas mabuti nga na manatili na muna kayo roon at mag aral ng high school niyo dahil maingay at m
Lumingon siya sa akin saglit ngunit natuon muli ang kaniyang tingin sa harapan. He then smiled afterwards. “Hindi lamang sa kaniyang mukha niya ikaw ay nagmana pati na rin sa ugali ng Mama mo, Marianna. Pati rin ikaw Louisianna, I envy your mother because she raised you two well,” mangha niyang sinabi sa amin. Napangiti ako dahil sa kaniyang sinabi bago lumingon kay Ana na nasa backseat. Binigyan niya ako ng ngiti na akin din namang sinuklian. Mahaba haba ang byahe patungong Maynila. Doon kami patungo ngayon bago kami lilipad patungong Santa Ana. Iiwan daw kasi ni Tito itong sasakyan na ito sa bahay niya sa Maynila at kapag nakarating na kami roon bukas ay doon muna kami ng isang araw siguro upang mamahinga at ipakita na rin sa amin ang kaniyang kompanya. Mamayang madaling araw pa lamang kami makakarating doon. Sanay naman na daw siyang magbyahe ng matagal dahil ginagawa niya raw ito tuwing pumupunta siya sa bahay niya sa Santa Ana dahil nga mag isa lang naman