She leaned more to me and whispered in a hard tone.
“What happened? Did he ask you out?” mariin niyang bulong sa akin. Dahan dahan naman akong tumango at napakagat ng labi.
“What the hell…” bulong ngunit may diin sa bawat salita niyang sinabi.
“Saan kayo kumain?” sunod niyang sinabi sa akin.
“Sa canteen,” maikli kong sagot.
Pabulong kaming naguusap dahil nasa may gilid ko lamang si Leon at baka marinig niya pa e alam mo na. mas maganda nang maging safe baka sabihing pinag uusapan pa namin siya ng kung ano ano ‘di ba. Nakita kong nalaglaga ang panga niya.
“What the fuck, sa canteen?! Ano ba talaga ang gusto niyang mangyari?!” hindi makapaniwala niyang bulong sa akin.
Napailing iling ako. Hindi ko rin alam. Gusto kong sabihin sa kanya ang buong nangyari ngunit parang umuurong ang sarili ko. May part sa akin na ayaw itong sabih
At kung maaari ay ngayong hindi ko pa ito nakukuha ay dapat akong mag ingat dahil may iba na akong nararamdaman. Sa ilang mga araw na nagdaan ay napansin ko ito at sa tuwing kami ay magkasama ko ito nakikita. Iba na at hindi maaari iyon. Natatakot ako para sa aking sarili dahil hindi dapat ako mahulog… Pero tuwing nandiyaan siya ay nagtataksil ang sarili kong puso sa akin. Mahirap talagang kontrolon ang ating mga puso dahil kahit na hindi pwede ang sabihin mo rito ay kahit na ganoon ay wala ka pa ring magagawa kung iyon talaga ang gusto. Pagkatapos na rin namin doon ay umalis na kami para magtungo sa gym. Magprapractice kami ngayon the usual para sa aming PE. Hindi ko alam kung bakit medyo nakakaramdam ako ng kaba. Simula kanina sa lunch ay iyon na ang hulinaming usap. Mukhang may kasalanan ata ako sa kanya. Dahil bai yon sap ag iwan ko sa kanya kanina? Pero ano naman hindi ba? Pagdating sa gym ay namataan ko agad
Nang ma confirm iyon ay hindi na ako mapakali sa aking kinatatayuan. Ang kaninang init na nararamdaman ko ay nagbunyagi na naman sa akin. Mas mainit ngayon. Ako lang ata ang naiinitan ngayon! Ramdam ko na agad ang butil ng pawis sa likod ko at sa gilid ng aking leeg. I feel intense, okay? Dahil nararamdaman at nakikita ko pa rin sa aking peripheral view ang kanyang mga titig. Pilit akong nagseryoso at pilit ko ring iyong winala sa aking isipan dahil hindi ako nakakasabay sa practice at baka mapa galitan pa ako nito kaya ang ginawa ko ay hindi na ako tumingin sa banda niya at nagseryoso na lamang na nakikinig sa mga turo ni Jasmine sa harapan. Kalaunan din ay pinagbreak na kami dahil alas tres na rin. Tuwang tuwa roon si Lhara dahil kakain na. Excited kasi siya sa binili niyang pagkain noong lunch at mabuti daw at dala niya kaya nagtungo na kami sa bench sa gym kung saan niya iyon iniwan. Napalingon ako sa kung nasa
Nagtama agad ng mga mata naming. Siya na nakatayo at kami naman ay naka upo. Napansin kong may hawak siyang dalawang bote ng juice drinks sa kaliwa niyang kamay habang sa isa naman ay isang energize drink. “Here,” maikli niyang sabi ‘tsaka niya nilapag ang hawak na dalawang bote ng juice sa aming lamesa. Napatingin ako roon at napatunganga na lamang gusto kong magsalita ngunit walang lumalabas sa aking bibig. Naramdaman ko pang siniko ako ni Lhara ngunit nanatili akong naka ganoon. Hindi ko alam kung bakit bigla akong nawala sa aking sarili. “Naku, utang ba iyan?” pabirong sabi ni Lhara at humalakhak ng bahagya ‘tsaka naramdaman muli ang palihim niyang pagsiko. Dahil doon ay bumaling ako muli kay Leon at ang una kong napansin ay nakatitig siya agad sa akin. Na para bang kanina pa hinhintay ang tingin kong tumingin sa kanya. Umiwas muna siya ng tingin para ata sagutin ang sinabi ni Lhara.
Pagdating sa labas ng gate ay pansin na pansin ngayon ang sasakyan ni Leon. Nakaparada sa may gilid ng gate na parang may hinihintay at siya na nakahilig sa hamba ng pintuan ng kaniyang sasakyan habang nakakross ang mga braso sa dibdib. Agad niya kaming namataan at medyo nataranta ako ng aamba na sana siyang maglakad patungo sa kung nasaan iyon ngunit natigil lamang dahil nakita kung sino ang kasama ko. Umiwas ako ng tingin at agad na iginaya si Ana sa sakayan ng tricycle. Hindi ko alam kung nakita iyon ni Ana pero wala naman siyang sinabi na kahit ano. Pumasok na kami sa loob ng tricycle na ngayon ay nakapila at pagkatapos sabihin kung saan kami magtutungo ay agad na rin naman kaming gumayak. Hindi na ako tumingin muli sa kung nasaan si Leon at mas piniling sa iba na lamang ituon ang aking atensiyon ngunit habang nagbyabyahe ay wala akong ginawa kundi ang isipin ang nangyari kanina. Ano iyon? He will offer me some ride to his car. Ano b
“I know you are not like them, Lhara. You are smart, special ang expensive with a pure heart bestfriend.” Napangiti siya sa narinig sa akin. “At dahil diyan ililibre kita! Minsan mo lang ako puriin ha!” natatawang sabi niya at napatawa na rin ako dahil sa narinig. I smiled while remembering those beautiful memories. Nakahiga na ako sa aking higaan at handa ng matulog ngunit napagpasyahan ko munang magbasa ng libro bago tuluyang matulog. At hindi ko namalayan na nakatulugan ko na pala iyon. nagising na lamang ako sa aking alarm at nakita ang librong binabasa sa aking gilid. Napahikab ako at napabangon na. Inagahan ko ang paggising ngayon dahil bibitakin ko iyong alkansiya ko para kumuha ng pera pambayad sa ginastos ni Leon kahapon at para na rin sa paglulunch namin ni Rigo mamaya. Ako ang nag aya hindi ba? Kaya ako ang gagastos. Binilang ko lahat ng nasa alkansiya ko. Iyon ang mga naipon ko noong mga nakaraang buwan
Gumayak na ako patungo sa classroom naming habang naglalakad ako sa hall way ay tinignan ko ang oras sa aking relo. I saw that its already past seven thirty. Siguradong madami na ang naroon sa loob ng klase. Habang nasa hallway ay madaming mga estudyante ang nasa labas dahil hindi pa naman start ang klase. Ang iba ay nagtatambay lang sa mga bleachers sa labas ng hallway habang ang iba naman ay naglilinis. Pinagmamasdan ko lang sila habang naglalakad hanggang sa makatungtong na ako sa hagdanan papunta sa itaas. I climb the stairs at marami akong nakasalubong na mga pamilyar na mga mukha na lagi kong nakikita sa floor na ito. Ang iba sa kanila ay bumabati sa akin at tinatanguan ko lang sila dahil halos lahat ng bumati ay mga lalaki. Mapagbiro pa naman. Ayoko naman manging rude baka sabihing nagfefeeling na naman ako. Tahimik akong naglakad hanggang sa makatungton sa tamang palapag at noong pagliko ko ay nakita ko kaagad si Leon na nasa lab
Naalala ko muli kung paano ko iyon ibibigay. Sa paanong paraan? May hiyang namumuo sa aking sistema habang naiisip iyon. Hindi ko alam kung paano ibibigay! Iyon ang laman ng isip ko sa buong klase. Nakatitig ako sa aming guro sa harapan ngunit ang isipan ko ay lumilipad na sa ibang bagay. Sa kalagitnaan ng klase ay wala sa sarili akong napalingon sa aking kaliwa kung nasaan si Leon. At first, I saw that his attention was in our teacher but when he notices that I am staring he glance in my way. Alam kong gwapo siya. Hindi man maamo ang kanyang awra, pero gwapo siya sa madilim na awra. Tama ang laki ng katawan, medyo humubog na nga ang kanyang katawan ngayon. Mabango. Malinis at matangkad. Amoy espesyal. Kaya nakakapagtaka na bakit ako? Anong nakain nito? Gusto ba talaga ako nito o pinagloloko lang ako nito? Iyan ang mga tanong sa isip ko habang katitigan siya at hindi ko iyon namalayan. Nakatitig din siya sa akin. Maririin at parang binab
He stared at me in a while, and I stared at his eyes too. Pilit na hinahanap ang tinatago niyang emosyon. Pero ni isa wala akong nakita. I feel like he is reading me or thinking about something that I don’t even have any idea about it. I waited until he sighed. Nakita kong umigting muli ang kanyang umigting ulit ang kanyang panga at umiwas muna ng tingin saglit pero bumalik din naman agad ito sa akin. “I won’t accept it.” Pagmamatigas niya pa ring sabi at dahil doon ay namuo na ang aking inis sa akin. “Bakit? Nahihiya ka bang tumanggap ng pera kasi mayaman ka? Magpasalamat ka na lang at binabayaran pa kita.” Sabi ko sa inis. Mahirap bang tanggapin iyon? Ang pride niya ba ang nagpapatigil sa kanya para tanggapin ang pera sa isang tulad ko? Kasi mahirap ako? Lalo akong naiinis dahil sa mga naiisip. Nakita ko namang napahinga siya ng malalim na parang hirap na hirap siya.