Maraming salamat po sa inyong lahat. Hihi. Natuwa ako sa mga nag-comment kahapon. Mabuti na lang talaga na-control ko ang kamay ko sa pagta-type dahil kung hindi, disaster talaga ang chapter kahapon. Hahaha.
Emerald's POV Alas onse na natapos ang wedding reception at halos lahat ng bisita ay nakaalis na. Ang nandito na lang ay ang pamilya ni Trevor at sina Papa. Kasalukuyang nag-uusap ang mga pamilya namin ngunit mahahalata na si Papa lamang ang nakikipag-usap. Napansin ko rin na hindi masyadong nagsasalita ang stepmother ni Trevor. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit iba ang pakiramdam ko sa kaniya. Marahil ay dahil hindi ko pa nararamdaman na tanggap niya ako bilang asawa ni Trevor. "Anong oras kaya sila matatapos sa pag-uusap? Gusto na kitang masolo," bulong sa akin ni Trevor na halos nakapagpatindig sa mga balahibo ko. "Tumigil ka nga, nakarami ka na kagabi," mahinang sabi ko naman sa kaniya. "Hindi pa kita asawa kagabi kaya hindi counted 'yon," nakangusong sabi naman niya. Bahagya naman akong napatawa at napailing na lamang. Ang totoo ay kinakabahan ako na matapos ang selebrasyon ng kasal namin. Hindi ko alam kung paano gagampanan ng buo ang pagiging asawa ko kay Trevor. Ibin
Emerald's POV Ala una na ng madaling na kami nakaakyat sa isang kwarto dito sa event's place nina Trevor. Napailing na lamang ako dahil maski dito sa mga kwarto ay sunod pa rin sa theme nila na pang-princess o royal. Kaya hindi na talaga nakakapagtaka na isa ang White Castle sa mga pinakasikat na event places sa buong bansa. "You're tired, Baby. Maligo ka na muna? May mga damit dyan sa cabinet," seryosong sabi sa akin ni Trevor habang may tinitingnan siya sa cellphone niya. Napatingin naman ako sa paperbag na hawak ko. Bigay ito sa akin ni Audrey at kabilin-bilinan niya na ito raw ang isuot ko ngayong gabi. Hindi ko pa ito natitingnan ngunit malakas ang kutob kong nighties ito dahil sinabi pa niya sa akin na excited na siya na magkaroon ng pamangkin. Kapag naaalala ko iyon ay pakiramdam ko'y namumula ang buong mukha ko. Sinabi pa niya na kasama niya si Lola Mirasol sa pagbili nito. Pumasok na lamang ako sa CR para maligo dahil nalalagkitan na ako sa katawan ko. Napangiti naman ako
"I love you, Emerald."Natameme ako sa sinabing iyon ni Trevor. Hindi ko maintindihan ang sarili ko dahil taliwas ang reaksyon ng katawan ko sa isinisigaw ng isipan ko. Gustong gustong sagutin ng utak ko ang sinabi niya ngunit hindi ko man lang magawang ibuka ang bibig ko. Kaya sa halip na magsalita ay hinalikan ko na lamang siya.It should be just a quick kiss. Ngunit nang hawakan niya ang batok ko ay mas lumalim pa ang halikan namin. Ang kaliwang kamay niya ay naging malikot na rin na humahaplos sa buong katawan ko. Habang hinahalikan niya ako ay dahan-dahan niya akong itinutulak pasandal sa bathtub.Isang mumunting ungol ang kumawala sa bibig ko nang dumikit na ang batok ko sa malamig na gilid ng bathtub."You're so sexy when moaning, Baby," namamaos niyang sabi sa akin. Hinapit ko ang batok niya upang halikan ulit siya. Naging malikot na rin ang kamay ko na kung saan saan na rin napupunta. At nang akmang hahawakan ko ang kahabaan niya ay agad niyang pinigilan ang kamay ko."No, Ba
Nagmulat ako ng mga mata ko dahil naramdaman ko ang pqgbangon ni Trevor. Nagderetso siya agad sa CR habang ako naman ay dahan dahang bumangon. Napangiwi pa ako nang maramdaman ang bigat ng katawan ko. Humiga muna ulit ako dahil hindi maganda ang pakiramdam ko. Hanggang sa isang araw pa naman ang leave ko dahil nga sa ikinasal ako. Si Trevor naman ay hindi ko alam kung may lakad ba siya. Para kasi siyang nagmamadali.Paglabas niya sa CR ay nagkasalubong ang tingin namin."Gising ka na pala," tila nagulat na sambit pa niya.Napatingin naman ako sa suot niya. "Paalis ka?" hindi ko napigilang itanong.Tipid naman siyang ngumiti at marahang tumango. "Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin sa 'yo pero makikipagkita ako kay Marco," deretso niyang sagot sa akin."Marco? Bakit? Sasama ako."Mabilis akong bumangon. Nang akmang papasok na ako sa CR ay hinawakan ni Trevor ang braso ko."Handa ka na bang makinig sa sasabihin niya?" seryoso niyang tanong."Handa man o hindi, kailangan kong gawin,
Pagkatapos naming makausap ang investigator ay hindi na nagsalita pa si Trevor. Tahimik lang siyang nagmamaneho papunta sa hindi ko alam. Ramdam ko ang pagkalito at pagkagalit niya kaya mas pinili kong tumahimik din muna pansamantala. Maski ako ay naguguluhan sa mga nangyayari. Hindi ko alam kung ano bang dapat kong isipin sa mga nalaman ko. Sadya ba talagang napakaliit ng mundo para sa amin ni Trevor?Makalipas ang halos isang oras ay tumigil sa pagmamaneho si Trevor. Tumingin ako sa labas ng sasakyan at nasa may tabing dagat na pala kami. Sa lalim ng pag-iisip ko ay hindi ko na namalayan na nakalayo na kami.Walang imik na bumaba si Trevor kaya sinundan ko siya. Naghubad pa siya ng sapatos at saka inilubog ang paa sa tubig alat. Doon ay malakas siyang sumigaw."Trevor."Dahang dahang napaluhod si Trevor kaya mabilis akong lumapit sa kaniya."Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa oras na makumpirma kong si Papa ang nasa likod ng lahat," umiiyak na sabi niya.Marahan akong umilin
Emerald's POV"Tatawagan ko si Lola Mirasol para ipaalam sa kaniya ito," nakangiting sabi ni Trevor nang makasakay na ulit kami ng kotse niya."Trev, pwede bang huwag muna?" alanganing tanong ko naman.Biglang nawala ang ngiti ni Trevor. "Bakit?"Inilagay ko ang kamay ko sa tiyan ko at saka nagpakawala ng malalim na buntong hininga. "Ayokong ipaalam muna sa kahit na sino. Natatakot akong baka ang anak natin ang pagbalingan nina Brenna. Ayokong mapahamak siya," naiiyak kong sabi.Lumapit sa akin si Trevor at masuyong hinalikan ako sa noo ko. "Naiintindihan ko, Emerald. Alam kong selfish ang naiisip ko pero what if lumayo ka muna? Sumama ka muna kay Lola papunta sa ibang bansa. Ako na muna ang bahala dito."Mabilis akong umiling. "Hindi kita iiwan, Trevor. Ayoko."Tumitig siya sa akin at ilang saglit pa ay bumuntong hininga siya. "Okay sige. Pero mas mabuti siguro kung umalis ka na sa trabaho mo. Hindi kita mababantayan lagi, Emerald. Mas makakabuti rin kung sa mansion na tayo tumira. At
THIRD POV Nang dumating si Chloe sa ospital ay nagpaalam muna si Trevor kay Emerald. Kailangan na niyang makausap ang kaniyang ama dahil sa mga nangyayari. Kailangan niyang makumpirma kung tama nga ba ang hinala niya na may relasyon ang ama niya at ang stepmother ni Emerald. Ngunit bago pa man siya makarating sa opisina ng kaniyang ama ay nakatanggap siya ng tawag mula sa investigator. âMr. Carter, nahanap ko na po ang driver ng truck nanakabangga sa taxi noon.â Kaya imbes na puntahan ang ama ay mas inuna ni Trevor na puntahan ang driver na nakabangga sa sinasakyan ng ina ni Emerald. Nasa kalapit na probinsya lamang ito kaya wala pang isang oras ay nakarating siya sa isang barong-barong na bahay. Isang lalaki na may katandaan na ang nakita niyang nagwawalis sa harap ng bahay. Tiningnan niya ang litratong hawak niya at doon niya nakumpirma na ito na ang taong hinahanap niya na siyang makakasagot sa mga tanong niya. âMr. Dela Cruz.â Nang makita siya ng lalaki ay akmang tatakbo ito
THIRD POV Dahil sa sobrang pagkagulat sa kaniyang nalaman ay hindi na alam ni Trevor kung paano siya nakarating sa harap ng building ng TAC Group of Companies. Nakatayo lamang siya sa entrance habang nakatitig sa kawalan. âGood morning po, Sir Trevor.â Ang bati ng mga empleyado ang nakapagpagising sa kaniya. Ngumiti siya sa mga ito at saka lakas loob na naglakad papasok. Sigurado siyang nasa opisina nito ang kaniyang ama. Hindi siya sigurado sa gagawin niya ngunit hindi niya kayang itago lang sa ama ang mga nalaman niya. âPapa, busy ka po ba?â âNope. Actually, papunta na ako sa ospital dahil nabalitaan ko ang nangyari kay Ricky. Teka, bakit nandito ka? Hindi mo sinamahan si Emerald?â nagtatakang tanong naman sa kaniya ng ama. âPapa, kailangan po nating mag-usap,â seryosong sabi pa niya. âImportante ba âyan, Hijo? Alam mo bang kinansela ng papa mo ang mga appointment niya ngayon dahil sa nangyari kay Ricky,â singit sa kanila ni Anna na kapapasok lang din ng opisina. Hindi luming