Maraming salamat po sa inyong lahat!
"I love you, Emerald."Natameme ako sa sinabing iyon ni Trevor. Hindi ko maintindihan ang sarili ko dahil taliwas ang reaksyon ng katawan ko sa isinisigaw ng isipan ko. Gustong gustong sagutin ng utak ko ang sinabi niya ngunit hindi ko man lang magawang ibuka ang bibig ko. Kaya sa halip na magsalita ay hinalikan ko na lamang siya.It should be just a quick kiss. Ngunit nang hawakan niya ang batok ko ay mas lumalim pa ang halikan namin. Ang kaliwang kamay niya ay naging malikot na rin na humahaplos sa buong katawan ko. Habang hinahalikan niya ako ay dahan-dahan niya akong itinutulak pasandal sa bathtub.Isang mumunting ungol ang kumawala sa bibig ko nang dumikit na ang batok ko sa malamig na gilid ng bathtub."You're so sexy when moaning, Baby," namamaos niyang sabi sa akin. Hinapit ko ang batok niya upang halikan ulit siya. Naging malikot na rin ang kamay ko na kung saan saan na rin napupunta. At nang akmang hahawakan ko ang kahabaan niya ay agad niyang pinigilan ang kamay ko."No, Ba
Nagmulat ako ng mga mata ko dahil naramdaman ko ang pqgbangon ni Trevor. Nagderetso siya agad sa CR habang ako naman ay dahan dahang bumangon. Napangiwi pa ako nang maramdaman ang bigat ng katawan ko. Humiga muna ulit ako dahil hindi maganda ang pakiramdam ko. Hanggang sa isang araw pa naman ang leave ko dahil nga sa ikinasal ako. Si Trevor naman ay hindi ko alam kung may lakad ba siya. Para kasi siyang nagmamadali.Paglabas niya sa CR ay nagkasalubong ang tingin namin."Gising ka na pala," tila nagulat na sambit pa niya.Napatingin naman ako sa suot niya. "Paalis ka?" hindi ko napigilang itanong.Tipid naman siyang ngumiti at marahang tumango. "Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin sa 'yo pero makikipagkita ako kay Marco," deretso niyang sagot sa akin."Marco? Bakit? Sasama ako."Mabilis akong bumangon. Nang akmang papasok na ako sa CR ay hinawakan ni Trevor ang braso ko."Handa ka na bang makinig sa sasabihin niya?" seryoso niyang tanong."Handa man o hindi, kailangan kong gawin,
Pagkatapos naming makausap ang investigator ay hindi na nagsalita pa si Trevor. Tahimik lang siyang nagmamaneho papunta sa hindi ko alam. Ramdam ko ang pagkalito at pagkagalit niya kaya mas pinili kong tumahimik din muna pansamantala. Maski ako ay naguguluhan sa mga nangyayari. Hindi ko alam kung ano bang dapat kong isipin sa mga nalaman ko. Sadya ba talagang napakaliit ng mundo para sa amin ni Trevor?Makalipas ang halos isang oras ay tumigil sa pagmamaneho si Trevor. Tumingin ako sa labas ng sasakyan at nasa may tabing dagat na pala kami. Sa lalim ng pag-iisip ko ay hindi ko na namalayan na nakalayo na kami.Walang imik na bumaba si Trevor kaya sinundan ko siya. Naghubad pa siya ng sapatos at saka inilubog ang paa sa tubig alat. Doon ay malakas siyang sumigaw."Trevor."Dahang dahang napaluhod si Trevor kaya mabilis akong lumapit sa kaniya."Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa oras na makumpirma kong si Papa ang nasa likod ng lahat," umiiyak na sabi niya.Marahan akong umilin
Emerald's POV"Tatawagan ko si Lola Mirasol para ipaalam sa kaniya ito," nakangiting sabi ni Trevor nang makasakay na ulit kami ng kotse niya."Trev, pwede bang huwag muna?" alanganing tanong ko naman.Biglang nawala ang ngiti ni Trevor. "Bakit?"Inilagay ko ang kamay ko sa tiyan ko at saka nagpakawala ng malalim na buntong hininga. "Ayokong ipaalam muna sa kahit na sino. Natatakot akong baka ang anak natin ang pagbalingan nina Brenna. Ayokong mapahamak siya," naiiyak kong sabi.Lumapit sa akin si Trevor at masuyong hinalikan ako sa noo ko. "Naiintindihan ko, Emerald. Alam kong selfish ang naiisip ko pero what if lumayo ka muna? Sumama ka muna kay Lola papunta sa ibang bansa. Ako na muna ang bahala dito."Mabilis akong umiling. "Hindi kita iiwan, Trevor. Ayoko."Tumitig siya sa akin at ilang saglit pa ay bumuntong hininga siya. "Okay sige. Pero mas mabuti siguro kung umalis ka na sa trabaho mo. Hindi kita mababantayan lagi, Emerald. Mas makakabuti rin kung sa mansion na tayo tumira. At
THIRD POV Nang dumating si Chloe sa ospital ay nagpaalam muna si Trevor kay Emerald. Kailangan na niyang makausap ang kaniyang ama dahil sa mga nangyayari. Kailangan niyang makumpirma kung tama nga ba ang hinala niya na may relasyon ang ama niya at ang stepmother ni Emerald. Ngunit bago pa man siya makarating sa opisina ng kaniyang ama ay nakatanggap siya ng tawag mula sa investigator. “Mr. Carter, nahanap ko na po ang driver ng truck nanakabangga sa taxi noon.” Kaya imbes na puntahan ang ama ay mas inuna ni Trevor na puntahan ang driver na nakabangga sa sinasakyan ng ina ni Emerald. Nasa kalapit na probinsya lamang ito kaya wala pang isang oras ay nakarating siya sa isang barong-barong na bahay. Isang lalaki na may katandaan na ang nakita niyang nagwawalis sa harap ng bahay. Tiningnan niya ang litratong hawak niya at doon niya nakumpirma na ito na ang taong hinahanap niya na siyang makakasagot sa mga tanong niya. “Mr. Dela Cruz.” Nang makita siya ng lalaki ay akmang tatakbo ito
THIRD POV Dahil sa sobrang pagkagulat sa kaniyang nalaman ay hindi na alam ni Trevor kung paano siya nakarating sa harap ng building ng TAC Group of Companies. Nakatayo lamang siya sa entrance habang nakatitig sa kawalan. “Good morning po, Sir Trevor.” Ang bati ng mga empleyado ang nakapagpagising sa kaniya. Ngumiti siya sa mga ito at saka lakas loob na naglakad papasok. Sigurado siyang nasa opisina nito ang kaniyang ama. Hindi siya sigurado sa gagawin niya ngunit hindi niya kayang itago lang sa ama ang mga nalaman niya. “Papa, busy ka po ba?” “Nope. Actually, papunta na ako sa ospital dahil nabalitaan ko ang nangyari kay Ricky. Teka, bakit nandito ka? Hindi mo sinamahan si Emerald?” nagtatakang tanong naman sa kaniya ng ama. “Papa, kailangan po nating mag-usap,” seryosong sabi pa niya. “Importante ba ‘yan, Hijo? Alam mo bang kinansela ng papa mo ang mga appointment niya ngayon dahil sa nangyari kay Ricky,” singit sa kanila ni Anna na kapapasok lang din ng opisina. Hindi luming
FLASHBACK “Good morning po, Sir Ricky.” Tumango lamang si Ricky nang binati siya ng taong inutusan niya upang imbestigahan ang kaniyang asawa. Halos dalawang linggo na rin itong nakasubaybay kay Haidee at ngayon lamang ito nagpakita sa kaniya upang mag-report. Hindi man gusto ni Ricky ang ipinapagawa niya ngunit ilang linggo na siyang hindi mapakali. May ilang beses kasi niyang nahuli ang asawa na tila may kausap sa cellphone. Napapadalas din ang pag-alis nito at wala siyang ideya sa pinupuntahan nito. “Any news?” walang emosyong tanong niya sa tauhan niya. “Sir Ricky, madalas pong nagpupunta ang asawa niyo sa isang eksklusibong village. Hindi ko po ito masundan hanggang sa loob dahil sa sobrang higpit ng security. Ngunit sa tuwing lumalabas na sa village niyo ang asawa niyo, may kasunod po ito laging isang sasakyan na tinted ang bintana kaya hindi ko po masiguro kung lalaki ang nagmamaneho nito. Sinubukan ko pong sundan ang sasakyan ngunit nakahalata yata ito dahil nagawa nitong i
“Hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay Papa at Audrey ang mga nalaman ko,”mahinang sabi sa akin ni Trevor matapos niyang ikwento sa akin ang mga nalaman niya. Hindi ko na napigilan pa ang mapaluha. Sobra-sobra ang mga nalaman ko ngayon at hindi ko rin alam kung anong ire-react ko. Kagigising lang ni Papa at hindi pa siya makapagsalita. Wala siyang kakayahan na sabihin sa akin kung ano ba talagang dahilan ng atake niya. Hindi ko alam kung hanggang saan ang nalaman ni Papa tungkol kay Tita Haidee. At ngayon nga ay nalaman kong ang stepmother ni Trevor ang kalaguyo at kasabwat ni Tita Haidee sa aksidenteng nangyari kay Mama. Kung tutuusin ay malaking bagay ang driver ng truck upang madiin si Tita Haidee. Ngunit kaakibat noon ay ang pagkasira rin ng pamilya ni Trevor. At hindi ko alam kung paano iyon tatanggapin ni Audrey at ni Tito Ricky. Walang problema sa akin kung masira man ang pamilya ni Papa dahil hindi deserved ni Papa ang isang katulad ni Tita Haidee. Hindi ako mangingiming