Si author ang magde-decide kung kayo ang endgame đ€đ€. Napapaisip tuloy ako đ€
Third POVHabang nasa sasakyan ay hindi mapakali si Emerald dahil sa kabang nararamdaman niya. Papunta na sila ngayon sa bahay ng kaniyang papa. Magkasama sila sa sasakyan ni Trevor habang ang magulang ni Trevor ay nasa kabilang sasakyan. Tahimik lang din si Trevor na waring kinakabahan din sa mga mangyayari.Makalipas ang isang oras ay nasa tapat na sila ng bahay. Huminga pa ng malalim si Emerald bago bumaba ng sasakyan."Are you ready?" tanong sa kaniya ni Trevor.Marahan naman siyang tumango. Malaki ang tiwala niya na totoo ang sinabi sa kaniya ng ama na suportado na nito ang kasal. Ngunit hindi pa rin niya maiwasan ang kabahan dahil baka kung anong gulo na naman ang gawin ni Brenna."Don't worry. Hindi ko hahayaan na masaktan ka nila," seryosong sabi ni Trevor na hinalikan pa siya sa noo niya.Ilang saglit pa ay bumaba na rin ng sasakyan ang buong pamilya ni Trevor. Kasama dito si Lola Mirasol dahil sisiguraduhin daw nito na magiging maayos ang usapan ng dalawang pamilya, at matutu
Emerald's POVMabilis na lumipas ang mga araw na hindi ko na namalayan. Naging abala kasi ako sa opisina dahil malapit na ang month-end. Si Trevor ay abala rin sa kumpanya nila kaya ipinaubaya na namin sa organizer ang kasal namin. Wala naman daw dapat akong isipin pa dahil ang kinuha ni Trevor ay ang pinakamagaling na event organizer sa buong bansa.Tuwang tuwa nga sa akin si Chloe dahil ako lang daw ang nakita niyang bride na hindi stress sa pag-aasikaso. Ang totoo ay wala akong ideya sa magiging itsura ng kasal namin ni Trevor. Never ko kasing na-meet ang organizer. Nahihiya naman akong magtanong kay Trevor dahil nang minsan ko siyang tinanong ay sinabi niya lang na pinaka-engrandeng kasal ang mangyayari.Naging usap-usapan din sa buong bansa ang kasal namin ni Trevor. Naging viral kasi ang video ng proposal niya sa akin kaya inaabangan na talaga ng lahat ang kasal. Dumagdag pa na ipinakilala na ng TAC Group of Companies sina Trevor at Audrey bilang mga tagapagmana ng malaking kumpa
Emerald's POVHabang nasa sasakyan kami ni Trevor ay tahimik lang ako. Nakatanaw lang ako sa labas ng sasakyan habang siya naman ay seryosong nagmamaneho lang. Naririnig ko pa ang mga buntong hininga niya at pakiramdam ko ay palingon-lingon siya sa akin. Hindi ko naman siya nililingon dahil ayoko munang makausap siya."About the pictures, sinabihan ko na ang tao ko na ipaalis sa lahat ng site 'yon," pagbasag ni Trevor sa katahimikan."Okay," maiksing sabi ko."Look, Emerald. Ang mga pictures na 'yon ay noong mga panahon na pinapunta niya ako sa bar. Kung naaalala mo, iyon din 'yong unang beses na nagpakita ka sa kaniya bilang girlfriend ko," paliwanag pa niya.Mariin kong ipinikit ang mga mata ko habang nakapaling pa rin sa may bintana ng sasakyan. "Hindi mo kailangang ipaliwanag ang lahat, Trevor. Hindi naman tayo totoong magkarelasyon."Pinilit kong huwag maging tonong bitter ang boses ko. Pinilit kong huwag maglabas ng kahit na anong emosyon dahil ayokong malito siya sa iniaakto ko.
THIRD POVNagising si Emerald dahil sa ring ng kaniyang cellphone. Pikit mata niyang kinuha ito sa may bedside table. "Chloe, ang aga mo naman," tamad niyang sagot sa tawag ng kaibigan."Maaga? Alas dose na po ng tanghali. At saka hindi ba ngayon ang araw ng kasal mo?" sagot naman sa kaniya ni Chloe.Mabilis na napabangon si Emerald. Wala na sa tabi niya si Trevor at may suot na rin siyang damit. Dahil sa mga pinaggagawa nila ni Trevor kagabi ay hindi na niya namalayan ang oras. At tinanghali pa siya ng gising."Bumangon ka na d'yan. Papunta na kami ni Audrey sa condo. See you."Ibinaba ni Chloe ang tawag kaya naman napakunot ang noo ni Emerald. Bumangon siya upang hanapin si Trevor. Ngunit tanging sulat lamang na nakadikit sa ref ang naabutan niya.Baby,I will see you in church, okay? I love you.--TrevorHindi napigilan ni Emerald ang mapangiti. Ngayong araw na ang kasal nilang dalawa. Tuluyan siyang nagtagumpay laban kay Brenna at hindi na siya makahintay na makitang nasasaktan an
Emerald's POV Panay ang buntong hininga ko habang nakasakay sa bridal car. Nasa unahan namin ang sasakyan nina Audrey at Chloe kaya medyo panatag ako. Hindi ko lang maiwasan ang kabahan dahil sa hindi ko maipaliwanag na nararamdaman. Ang phone ko pa ay na kay Chloe at hindi ko ito nakuha sa kaniya kanina. Dahil sa pagkatuwa ko sa wedding gown ko ay nawala na sa isipin kong kunin iyon kanina bago siya sumakay sa sasakyan nila ni Audrey. "Ma'am, huwag po kayong kabahan. Napakaganda niyo po," puna sa akin ng driver ko na napansin yata ang sunod-sunod kong pagbuntong hininga. Kilala ko siya dahil ilang beses na rin niyang ipinag-drive si Trevor. Family driver siya ng pamilya Carter. "Salamat po, Kuya. Matagal pa po ba tayo?" hindi ko napigilang itanong sa kaniya. Nagulat ako nang biglang lumiko si Kuya sa kanan habang ang sasakyan nina Audrey ay dere-deretso lamang. Nagtatakang tumingin ako kay Kuya kasabay ng lalong pagbilis ng tibok ng puso ko. "Naku, Ma'am Emerald. Bilin po kasi ni
Emerald's POV Pagkatapos ng wedding ceremony ay magkasama na kami sa bridal car ni Trevor. Papunta na kami ngayon sa wedding reception na wala rin akong ideya kung saan. Mahigpit ang pagkakahawak sa akin ni Trevor na parang sinasabi niyang hinding hindi na niya ako pakakawalan pa. Hindi ko naman mapigilan ang mapangiti sa isipin na iyon. Nagsimula lang naman ang lahat sa kagustuhan kong makaganti sa kapatid ko at sa kagustuhan niyang huwag maikasal kay Brenna. Ngunit ngayon ay hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Para talaga akong isang bride na masayang masaya dahil natupad ang matagal ko nang pinapangarap na kasal. Kung nandito nga lang si Mama ay mas lalong masaya sana. Habang ikinakasal ako kay Trevor ay nagawa kong isantabi ang galit na nararamdaman ko at ang kagustuhan kong makapaghiganti. Naka-focus lang ako kay Trevor katulad ng sinabi sa akin ni Audrey. Hindi iyon isang obligasyon para sa akin dahil kusa ko iyong naramdaman. Ayoko mang mag-conclude sa ngayon ngunit til
Emerald's POV Alas onse na natapos ang wedding reception at halos lahat ng bisita ay nakaalis na. Ang nandito na lang ay ang pamilya ni Trevor at sina Papa. Kasalukuyang nag-uusap ang mga pamilya namin ngunit mahahalata na si Papa lamang ang nakikipag-usap. Napansin ko rin na hindi masyadong nagsasalita ang stepmother ni Trevor. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit iba ang pakiramdam ko sa kaniya. Marahil ay dahil hindi ko pa nararamdaman na tanggap niya ako bilang asawa ni Trevor. "Anong oras kaya sila matatapos sa pag-uusap? Gusto na kitang masolo," bulong sa akin ni Trevor na halos nakapagpatindig sa mga balahibo ko. "Tumigil ka nga, nakarami ka na kagabi," mahinang sabi ko naman sa kaniya. "Hindi pa kita asawa kagabi kaya hindi counted 'yon," nakangusong sabi naman niya. Bahagya naman akong napatawa at napailing na lamang. Ang totoo ay kinakabahan ako na matapos ang selebrasyon ng kasal namin. Hindi ko alam kung paano gagampanan ng buo ang pagiging asawa ko kay Trevor. Ibin
Emerald's POV Ala una na ng madaling na kami nakaakyat sa isang kwarto dito sa event's place nina Trevor. Napailing na lamang ako dahil maski dito sa mga kwarto ay sunod pa rin sa theme nila na pang-princess o royal. Kaya hindi na talaga nakakapagtaka na isa ang White Castle sa mga pinakasikat na event places sa buong bansa. "You're tired, Baby. Maligo ka na muna? May mga damit dyan sa cabinet," seryosong sabi sa akin ni Trevor habang may tinitingnan siya sa cellphone niya. Napatingin naman ako sa paperbag na hawak ko. Bigay ito sa akin ni Audrey at kabilin-bilinan niya na ito raw ang isuot ko ngayong gabi. Hindi ko pa ito natitingnan ngunit malakas ang kutob kong nighties ito dahil sinabi pa niya sa akin na excited na siya na magkaroon ng pamangkin. Kapag naaalala ko iyon ay pakiramdam ko'y namumula ang buong mukha ko. Sinabi pa niya na kasama niya si Lola Mirasol sa pagbili nito. Pumasok na lamang ako sa CR para maligo dahil nalalagkitan na ako sa katawan ko. Napangiti naman ako
EMERALD'S POV Hindi na maalis-alis sa labi ko ang mga ngiti ko habang pinagmamasdan ang mga gamit ni Trevor dito sa kwarto kung saan siya nag-propose sa akin. Anim na buwan na ang nakakaraan simula noon kaya anim na buwan na rin ang anak namin. Paminsan minsan ay tumatakas ako para makapuslit dito at balikan ang nakaraan namin noong high school pa lamang kami. Hindi ako makapaniwala na halos lahat ng gamit ay naitago pa niya, mula sa mga sulat na ibinigay ko sa kaniya, sa mga litratong sa studio pa namin kinuha, at pati mga resibo ng 7-11 kung saan madalas kaming mag-ice cream noon. Halos hindi na nga mabasa ang nakasulat sa mga resibo dahil nabubura na ang mga naka-imprenta dito. "Nandito ka lang pala." "Ay kabayo!" Napatawa si Trevor dahil sa naging reaksyon ko nang bigla siyang magsalita. Sinamaan ko naman siya ng tingin kaya mabilis siyang lumapit at hinalikan ako sa noo. "Ang cute mo talaga kapag nagugulat, Baby," sabi pa niya. "Paano mo nalaman na nandito ako?" pag-
EMERALD'S POV FLASHBACK (9 years ago) "Hoy, Emerald, sasama ka rin sa field trip natin, hindi ba? Kasi excited na ako!" Napatingin ako kay Chloe nakaupo na sa tabi ko. Lunch break namin ngayon at nakatambay lang kami sa loob ng classroom. Kakatapos lang din kasi naming kumain at mas pinili naming hindi na lumabas. Nag-aalala kasi siya na baka makasalubong namin sa labas si Brenna at maisipan na naman ng kapatid ko na bully-hin ako. "Oo. Nagsabi na ako kay Papa. Kasama si Brenna kaya kasama rin ako," seryosong sagot ko naman. "So, kapag pala hindi sumama si Brenna, hindi ka rin sasama? Hay naku, para ka namang anino ng bruha mong kapatid," nakangusong sabi naman niya sa akin. Mahina ko siyang hinampas sa braso. "Huwag ka ngang maingay diyan. Baka may makarinig sa 'yo. Makakarating 'yan panigurado kay Brenna," sabi ko naman. Napairap naman sa akin si Chloe. "Ewan ko ba sa 'yo. Pumapayag ka na ganyanin ka ng kapatid mo. Masyado ka nang naaapi," dismayadong sabi pa sa akin ng
EMERALD'S POV Hindi ko na napigilan ang mga luha ko nang makita ko ang kabuuan ng kwarto. Punong puno ito ng mga stolen pictures ko simula noong highschool pa lamang ako hanggang sa nagtatrabaho na ako. Napakarami nito na halos mapuno na ang buong kwarto. Sa kisame naman ay may mga maliliit na ilaw na siyang nagbibigay liwanag sa buong kwarto. At sa sahig naman ay punong puno ito ng mga petals ng iba't ibang klase ng bulaklak. At nang mapunta ang tingin ko sa lalaking nakaluhod sa may gitna ng kwarto ay napatakip na lamang ako sa aking bibig. Lumuluha na rin siya habang may hawak siyang isang maliit na kulay pulang box at kapag tinatamaan ng ilaw ang laman niyon ay kumikinang ito. "Hi, Baby," nakangiting sambit niya kahit patuloy ang pagpatak ng luha niya. "Trev," ang tanging nasabi ko na lamang. "Hindi ba't sinabi ko sa 'yo na itatama ko ang lahat sa oras na maging maayos na ang mga gulo. And this is the right time to do it. Emerald, please marry me again." Sasagot na sana ako n
EMERALD'S POVMabilis na lumipas ang mga buwan. Nanalo kami sa mga kasong isinampa namin kina Tita Haidee at Tita Anna at nahatulan sila ng habambuhay na pagkakabilanggo. Si Brenna naman ay tuluyan nang nawala sa tamang pag-iisip kaya nasa isang mental institution na siya upang doon ay magpagaling. Marami na ring nagbago simula nang matapos ang mga gulo.Ako na ulit ang nagma-manage ng kumpanya ni Papa. Si Papa naman ay nagpapahinga na lamang sa bahay dahil ipinamana na niya ng tuluyan sa akin ang kumpanya. Si Audrey ay bumalik na ulit sa US kasama si Lola Mirasol upang tapusin ang pag-aaral doon. Kami naman ni Trevor ay sa mansion ng mga Carter pansamantalang tumutuloy habang pinapagawa pa namin ang bahay namin. Mas malapit kasi ang bahay nila sa mga trabaho namin kaya doon na rin kami nagpasyang pansamantalang mag-stay.Si Trevor na ang namamahala sa TAC dahil nag-retired na rin si Papa Carlo. Pabalik balik na lamang siya sa US at Pilipinas upang aliwin ang sarili. Malaki na rin an
EMERALD'S POVNapaiwas ako ng tingin nang makita si Brenna na nakatayo malapit sa amin. Nakaposas pa rin ang mga kamay niya at may dalawang pulis ang nakabantay sa kaniya. Kung hindi ako nagkakamali ay dadalhin na siya sa isang Psychiatrist upang ipa-check up."Brenna, anak," umiiyak na sambit ni Papa habang papalapit ito sa kapatid ko."Anak? Itinuturing niyo pa po ba akong anak? Ni hindi niyo sinabi sa akin na magaling na kayo. Pinaniwala niyo ako na hindi pa kayo nakaka-recover," umiiyak na sabi naman ni Brenna.Naramdaman ko ang paghawak ni Trevor sa kamay ko. Tumingin ako sa kaniya at binigyan niya ako ng isang tipid na ngiti. Alam kong pinapalakas niya lamang ang loob ko ngayon."Ginawa ko iyon para sa ikabubuti ng lahat, Brenna.""Ikabubuti ng lahat o ikabubuti ng anak niyong si Emerald? Sabagay, hindi na ako magtataka dahil siya naman ang paborito niyo.""Hindi totoo 'yan. Pareho ko kayong anak. Kung tutuusin nga ay mas binigyan kita ng pansin noon dahil ayokong maramdaman mo
EMERALD'S POV"Kuya!" Napalingon kami sa kapatid ni Gino nang dumating ito sa ospital. Siya kasi ang piniling tawagan ni Trevor upang ibalita ang mga nangyari. Ang alam din kasi ni Trevor ay nasa ibang bansa ang kanilang mga magulang."Huwag kang OA. Daplis lang 'to," pagpapakalma naman ni Gino sa kapatid."Kahit na! Sabihin mo, sino sa mga tauhan ko ang bumaril sa 'yo?" natatarantang tanong pa ni Charlene."Enough, Charlene. Hindi ako ang biktima dito. It's Emerald."Dahang dahang tumingin naman sa akin si Charlene. Hindi siya makatingin ng deretso sa akin at nilalaro laro pa niya ang mga daliri niya."Sorry. Ang sabi kasi sa akin ni Brenna ay ibibigay ka niya kay Kuya. Akala ko ay tama ang desisyon ko," mahinang sabi niya sa akin."No worries, Charlene. Alam kong si Kuya mo lang ang iniisip mo. But everything is fine now," seryosong sabi ko naman.Wala naman na kasi akong balak na idamay pa ang kapatid ni Gino. Oo't tauhan niya ang ginamit ni Brenna ngunit masyado nang magulo para
THIRD POVAabutin na sana ni Emerald ang kamay ni gino upang sumama rito ngunit kapwa sila natigilan nang biglang mag-ring ang cellphone ni Brenna. Sabay pa silang napalingon sa dalaga na kasalukuyan nang kinukuha ang cellphone sa bag nito. Biglang nakaramdam ng kaba si Emerald sa hindi niya malamang dahilan.âYes, Charlene?â bungad ni Brenna nang sagutin nito ang tawag.âGaga ka! Nasaan ka ngayon? Nakuha mo na ba si Emerald?â kinakabahang tanong naman sa kaniya ng kaibigan.âBakit? Anong problema?â naguguluhang tanong naman niya.âMy god, Brenna! Kung alam ko lang na mangyayari ito, hindi ko na sana pinahiram sa âyo ang mga tao ko. Baka madamay pa ako sa gulo ng pamilya mo,â naiinis na sagot pa sa kaniya ng dalaga.âTeka, teka, ano bang pinagsasabi mo?ââHindi mo pa ba alam? Nasa kustodiya na ng pulis ang mama mo. Murder ang kaso niya.âTila namutla si Brenna sa narinig. Bumilis ang tibok ng puso niya dahil sa takot na naramdaman. Nagsimula na ring mamawis ang kaniyang mga kamay.âS-
THIRD POVMapait na napangiti si Brenna nang marinig niya ang boses ng lalaking paulit ulit siyang sinaktan. Nawala na ang malambing na boses nito na kailan lang ay kausap niya. Tila nagpapanggap lang talaga ang binata sa harap niya upang makakuha ng impormasyon tungkol sa kaniyang ina.âRelax. Hindi mo kailangang magalit, Trevor. Ligtas sila sa ngayon,â walang emosyong sabi niya sa binata.âHuwag na huwag mo siyang sasaktan,â tarantang sabi pa nito.Muling napangiti si Brenna at saka huminga ng malalim. âAng lakas ng loob mong sabihin âyan sa akin ngayon. Niloko mo ako at pinaasa. Kung ano-ano pang kasinungalingan ang sinabi mo sa akin para ano? Para makakuha ka ng impormasyon?ââAt bakit naman ako kukuha ng impormasyon mula sa âyo? May alam ka ba sa totoong nangyari sa sunog na nangyari sa condo ko noon?â deretsong tanong ni Trevor sa kaniya.Natigilan si Brenna habang nanggagalaiti pa rin sa galit. Napahinga siya ng malalim nang makita ang binatang tinawagan niya kani-kanina lamang
THIRD POVPunong puno ng tensyon ang opisina ni Trevor sapagkat naroon ang kaniyang ama at kapatid na si Audrey. Nakalatag sa kaniyang table ang mga ebidensya na nakalap niya upang idiin sa kasong isinampa niya laban sa kaniyang stepmother at sa karelasyon nito na si Haidee. Isa isa itong tiningnan ng kaniyang ama at silang magkapatid ay naghihintay lamang sa reaksyon nito.âPapa, Iâm sorry kung sa ganitong paraan mo pa malalaman ang lahat,â pagbasag niya sa katahimikan.Lumapit sa kaniya si Audrey at mahigpit na hinawakan ang kamay niya. Malaki ang pasasalamat niya sa kaniyang kapatid dahil kahit masakit para rito ang mga nangyayari, mas pinili nitong pumanig sa tama. Ang hinihiling na lamang niya ngayon ay sanaây ganoon din ang kanilang ama.Dahan dahang ibinaba ni Carlo ang mga papel at nagpakawala ng isang buntong hininga. âHindi ko alam na aabot sa ganito ang asawa ko,â dismayadong sambit nito.Nagkatinginan ang magkapatid sapagkat kalmado ang kanilang ama. Hindi rin ito mababaka