Muntik na akong mapamura nang paglabas ko ay napagtanto kong wala nga pala akong sasakyang dala.
Umuwi rin naman ang driver na naghatid sa amin dito kanina at tatawagan lang siya ni dad kapag magpapasundo na kami.
Napalingon ako sa mansion, it would be embarrassing to go back in now that I have walked out, kaya naman ininda ko na lamang ang pananakit ng paa ko dahil sa heels na suot ko at naglakad papunta sa labasan ng subdivision kung nasaan ang mansion ng mga Valencia.
Dahil nga gabi na ay wala na ring nagbi-biyaheng taxi. I had no choice so I chose to call Zach, alam ko kasi na wala na siyang trabaho during this time dahil Sunday naman, at hindi rin siya maagang natutulog dahil naglalaro pa siya ng kung anong online game.
[Yow, wassup master?] pambungad niya sa akin.
"Zach," pagtawag ko sa pangalan niya.
[O, ano?] nag-aalalang tanong niya. [Are you crying? May kailangan bang upakan?]
"Unless you have the guts to punch my parents then no," sagot ko.
[Gagsi, ako na lang papatay sa sarili ko,] natatawang aniya. [Pero seriously dude, nasa'n ka? Why'd you call me?]
I told him the address of the place and asked him if he could come and fetch me, he said yes and that he'll be here in a few.
Nakaramdam ako ng panlalamig nang umihip ang malamig na hangin kaya naman napayakap ako sa sarili ko. Gusto ko na lang talagang mapaiyak.
Hindi naman ako naghintay ng masyadong matagal dahil maya maya ay pumarada na sa harap ko ang kotse ni Zach. I was sitting at the sidewalk, wala na eh, nananakit na talaga ang paa ko, hindi ko pa kasi size 'yong binili ni mom.
"Hala, anyare sa'yo?" nag-aalalang tanong ni Zach at inalalayan akong tumayo. Hindi na muna ako sumagot kaya naman binuksan niya na lang ang pintuan sa front seat at pinasakay ako roon.
"My parents want me to marry someone," I finally told him the problem after he got in the car.
"Eh 'di ba ayaw mong mag-asawa?"
"Oo, kaya nga-," I groaned, unable to finish my sentence. I don't even know what I'm feeling, naiinis ako na nanlulumo, at naaawa kay Neo at sa sarili ko. We're just like pawns of our parents' game. "I've never felt so angry at them," nanggigigil na wika ko.
"You have the right to be angry naman, master, by the way, sa condo mo ba kita ihahatid?"
"No, sa mansion na."
"Ha?" tila gulat na gulat na tanong niya.
"I want to confront them, baka naman may doubts pa sila, o kaya inaalala pa nilang may karapatan din akong magdesisyon para sa sarili ko," I answered.
"Do you want me to be there?" sinserong tanong niya.
"Huwag na," I chuckled. "May trabaho ka pa bukas, you need your rest. Besides, problema ko naman 'to."
"Gago, tropa tayo, problema mo, problema rin namin," mahina niya akong tinulak. "By the way, sino ba 'yong gusto nilang ipakasal sa'yo?"
"May kilala ka bang Valencia?" tanong ko sa kaniya.
"Valencia Construction? 'Yong sikat na construction firm lang ang naiisip ko, 'di ba they recently partnered with your company?"
"That company's heir, he's the one that they want me to marry," malungkot na saad ko at hinimas ang mga braso ko, malakas kasi ang aircon sa loob ng sasakyan niya. Mukhang napansin niya naman kaya hininaan niya ang aircon at may inabot na jacket na galing sa backseat.
"Lagi ka bang nagdadala ng jacket?" tanong ko habang isinusuot iyon, amoy presko naman at tila hindi pa nagagamit.
"You'll never know when you'll need one," he shrugged. "So... nagkita na kayo ng mapapangasawa mo?"
"Damn, it sounds so weird of you put it like that," I mentally cringed at the term. "But yeah, we met, we were actually... friends. I guess our parents mistook that friendship for something else."
"Friends kayo? Ba't parang 'di ko alam 'yan?"
"Pa'no mo malalaman eh tulog ka no'n? Sila 'yong kasama ko no'ng nawala ako habang nagba-bar hopping tayo," I told him. "Siya lang naman ang kilala ko roon sa party ng parents niya so I hung out with him, kung alam ko lang na papipirmahin nila ako ng marriage contract dahil do'n e 'di sana dumikit na lang ako nang dumikit kay na dad."
"Million dollar question though," napatingin ako sa kaniya. "Sino mas pogi sa'min?" mahina ko siyang sinapak sa braso.
"I've never thought about it, hmm," wika ko at pinagmasdan ang mukha niya at pilit na ikinumpara iyon sa mukha ni Neon.
"Gago nag-isip pa nga, dapat sagot mo ako! Magkaibigan tayo at ako sumundo sa'yo kaya dapat mas pogi ako," nag-pogi sign pa siya sa akin saka malakas na tumawa.
"Parang tanga," inirapan ko siya at tumingin sa harap. "Pero totoo, siguro lamang lang siya ng dalawang paligo," pahabol ko.
"O sige, pag-uwi ko mamaya maliligo ako nang dalawang beses, tapos sabihin mo sa parents mo na sa'kin ka na lang pakasal," tumawa ulit siya. Seriously, nakakatawa ba talaga 'yong sinabi niya? Psychiatrist ba talaga siya o pasyente?
"Kahit tumanda na 'kong dalaga, Zachary," pang-aasar ko rin.
"Luh, hoy parang ikaw pa 'yong lugi ah? May muscles at abs ako, pogi pa, and I can provide for myself," he wriggled his eyebrows at me.
"Umamin ka na lang kung crush mo 'ko, 'di 'yong pa-ganiyan ganiyan ka pa," I kept on teasing him.
"Daan tayong simbahan gusto mo? Mukhang kailangan mong magmumog ng holy water."
Napatawa ako nang malakas sa naging ganti niya. He just smiled at me, and I knew that it was his goal all along, to at least make me laugh. Ganiyan naman sila eh, they could make any dark moment feel lighter with just their presence.
I might not be the best person, but thank God for giving me such wonderful friends.
Ilang minuto pa ay nakarating na kami sa harapan ng mansion, dagli akong nagpasalamat sa kaniya bago pumasok. Tinanong pa nga niya ako ulit kung sure na ba ako na hindi ko kailangan ang tulong niya, pero dahil problema ko naman talaga 'to, I just told him to stay out of it. Manghihingi ako ng tulong kapag 'di ko na talaga kaya.
Ganiyan naman palagi.
Diretsa na akong pumasok upang hintayin sina mom sa loob, I have to talk them out of this, I don't fancy myself being someone who destroys other people's relationships. At isa pa, ayaw kong makulong sa isang kasal na kinontrata lamang, I don't want to end up like my parents.
"Ma.am, nandito na po kayo?" gulat na bungad sa akin ng driver na naghatid sa amin kanina nang makita niya akong pumasok sa gate. "Hindi pa naman po tumatawag sa'kin si sir ah?" dagdag pa niya pagkatapos tumingin sa cellphone niya.
"Nauna na ho ako, medyo masama ho ang pakiramdam ko eh," pagpapalusot ko.
"Sana tinawagan niyo ho ko para nasundo ko kayo, delikado pa namang magbiyahe nang mga ganitong oras," wika pa ng driver.
"Okay naman na ho ako, sige ho, mauuna na ako sa loob," hindi ko na hinintay ang sagot niya at pumasok na sa loob ng bahay.
Bukod sa katulong na sumalubong sa akin upang batiin at tulungan ako ay wala na akong iba pang nakikitang tao sa mansion. Karamihan siguro ay natutulog na, kunsabagay, alas diyes na rin naman kasi ng gabi.
Umakyat ako sa dating kwarto ko at nagpalit ng isang pares ng pajamas pagkatapos kong makapag-half bath at matanggal 'yong make up sa mukha ko.
Pagkatapos ay bumaba ako papunta sa mini bar at kumuha ng isang bote ng wine at isang wineglass. Pumwesto ako sa living room, para kitang kita ko kapag pumasok na sila, at para kitang kita rin nila ako.
I want to piss them off so bad, maramdaman man lang nila ang inis at galit na nararamdaman ko ngayon.
Kakaalis lang ni kuyang driver dahil kakatawag lang din naman ni dad, so probably, hindi magtatagal ay narito na ang parents ko. Kailangan kong bilisan ang pag-inom para kahit papaano ay matamaan ako, para na rin mabawasan ang nerbiyos ko at mawala na ng tuluyan ang katiting na respeto kong natitira para sa kanila.
I was almost done with my wine when I heard them return. Hinanda ko na ang sarili ko, ayaw ko rin namang magpatalo, not with this matter at hand.
Napunta lamang ang paningin ko sa pinto nang bumukas na iyon. I smiled sheepishly at how my mom basically glared at me the moment she saw me.
"How dare you walk out from there, Sienna Angelique?! Nakakahiya ka!"
Malalaki at mabibilis na mga hakbang ang ginagawa niya upang agad na makalapit sa akin.
"Kahit sino ay hindi sisikmuraing makasama pa kayo sa iisang lugar pagkatapos ng kahibangan na sinabi niyo, mom," kalmadong sagot ko sa kaniya.
Lalong dumilim ang mukha niya habang nakatitig sa akin, nakatayo lang siya sa harap ko at magkakrus ang mga braso.
"Kahibangan? Is that what you really think this is? I thought you're smart, because you should know already what this is for!" sigaw ni mom.
"Think, mom, please, do you even love me? Heck, do you even see me as your daughter at least?" nagngingitngit na tanong ko.
"Believe it or not Sienna, we do," my dad was the one to reply. Mabilis akong tumayo upang umiwas nang akmang hahablutin niya ako, maagap din akong dumistansiya mula sa kanila. "That's why we're doing this, para rin sa'yo 'to," he added.
"Baka para sa inyo?" I scoffed. "No wait, for the betterment of the company right? And for that dumb partnership?"
"How dare you speak to your father that way?!" hindi ko namalayan ang mabilis na paglapit ni mommy, naramdaman ko na lamang ang malakas niyang pagsampal sa'kin.
"Sarah," narinig ko ang boses ni dad habang pilit na pinapakalma si mom.
Ako naman ay hindi na napigilan ang paghikbi, all my life, ngayon lang ako napagbuhatan ng kamay ni mom, and the physical and emotional pain it brought was so much worse than all the emotional pain her words caused.
"I don't know what I'm going to do with you! Sa'yo maiiwan lahat ng ari-arian natin and yet hindi mo pinapahalagan ang mga sinasabi namin sa'yo!" mom exclaimed angrily.
"I'm trying to! Kahit hindi ko na kaya 'yong ibang pinagagawa niyo sa'kin tinitiis ko kasi iniisip ko na para naman sa'tin 'to, pero iba na 'to mom," mabilis kong pinahid ang luha na nahulog na mula sa kaliwang mata ko. My heart felt like it was being twisted, hindi na rin ako makahinga ng maayos. Nananakit din ang lalamunan ko dahil sa pilit na pagpipigil sa malakas na pag-iyak. "Mom, may girlfriend 'yong tao, ayokong manakit sa ganoong paraan. Dad, isipin niyo naman, hindi lang buhay ko ang sisirain niyo this time."
"Mr. and Mrs. Valencia don't like that girl for Neo, but they like you," dad said. "And for goodness' sake Sienna, you're almost 30, it's time to settle down and start your own family!"
"I have told you sooo many times, I have no interest regarding that matter, I'm happy as I am. I've been trying to understand you for so long pero ako... kahit ba minsan inintindi niyo man lang ako? You're so unfair."
"Unfair?" tila hindi makapaniwalang tanong ni mom. "Kami pa ngayon ang unfair? I gave birth to you, we raised you, clothed you, and sent you to school, dapat lang na sundin mo lahat ng sinasabi namin," she added.
"Hindi ko hiniling na buhayin niyo pa ako, kami, ni Sierra, you did it because you were supposed to, you're our parents!" patuloy na pag-iyak ko. "Mom, dad, please, I don't want to do this, anything but this," pagmamakaawa ko na, kung gusto nilang lumuhod pa ako ay gagawin ko.
"You have no choice Sienna," my mom said coldly. Dark, icy, eyes staring down at me with no trace of mercy or love. "If you don't do this, we will cut Sierra's life support and disown you, you still won't be able to pay for it on your own because you won't have money," she elaborated.
"Mom," hindi makapaniwalang saad ko. "Are you serious? Mom, anak mo si Sierra, anak mo kami, what makes you say all these things so easily?! Tao ka ba?!"
Umalingawngaw na naman sa buong mansion ang lakas ng pagkakasampal niya sa akin. Napaluhod na lamang ako habang patuloy pa rin sa pag-iyak.
"Go get some rest, tomorrow, we'll meet the Valencias to talk about the engagement," sabi niya at nilagpasan ako at dire-diretsong umakyat sa hagdan.
"Magpahinga ka na, Sienna," my dad said and walked past me too and followed my mom upstairs.
Napatitig na lamang ako sa sahig, hindi pa rin ako makapaniwala, mga magulang ko ba talaga sila?
Bakit gano'n?
Bakit kailangang gamitin si Sierra gamit sa'kin? How can they be so heartless?
Pakiramdam ko ay sasabog ako, pakiramdam ko anumang oras ay mawawala nang tuluyan sa'kin ang kapatid ko.
Parang gusto ko na lamang na maglaho, at mawalan na lamang ng pakialam sa mga bagay bagay sa mundo.
But I can't have all I want, kahit kalayaan ko ay sila pa rin ang may hawak.
Fuck.
**
Buong gabi at umaga akong nagmukmok sa kwarto. I didn't go out for breakfast so pinahatiran nila ako ng pagkain pero dahil wala naman talaga akong ganang kumain ay nasa ibabaw pa rin ng lamesita ang tray.
"Pasok!" wika ko nang marinig ang mga pagkatok sa pinto. May pumasok namang katulong na may dala pang paper bag na may tatak ng isang international brand.
"Ma.am, pinapasabi mo ng mom niyo na mag-ayos na raw po kayo kasi magla-lunch daw kayo sa labas," pagbibigay-alam nito sa'kin at inilagay ang paper bag sa hulihan ng kama ko. "Ito raw po ang isusuot niyo, 11:30 raw po ang alis ninyo," tinanguan ko na lamang siya at lumabas naman siya ng kwarto.
Tumingin ako sa wall clock at nakitang saktong alas onse na pala. Napabuntong-hininga na lamang ako at pumunta na sa banyo upang maligo.
Pagkatapos ay nagsuot muna ako ng roba at tiningnan ang damit na binigay ni mom, knowing her, tiyak na napa-dry clean na ito.
It was a beige bodycon dress that ends just above my knees, may kasama rin itong belt. Nang matingnan ko ang damit ay saka ako nag-apply ng make-up na babagay roon, and I tied my hair into a low ponytail, leaving a few locks of hair in front.
May ilang heels pa naman akong natitira sa mansion, mostly ay mga bigay nina mom, I chose the black one and grabbed a black purse and put my essentials in it.
"It's 11:40," pagpuna ni mom sa pagka-late ko.
"I know," mahinang saad ko na lamang at nilagpasan sila at lumabas na papunta sa kotse. Pinagbuksan naman ako ng driver. Maya maya ay pumasok na si mom at umupo sa tabi ko, si dad ay nasa harap ulit katabi ng driver.
"Be at your best behavior later, Sienna," my mom told me.
Hindi na ako umimik, I just stared out of the window, at the buildings outside that just becomes a blur in my sight as the car passed them.
I heaved a deep sigh when the car stopped in front of a famous restaurant. Kaunti lang ang mga tao roon nang makapasok kami, and my parents obviously already made a reservation.
Umakyat kami papunta sa second floor, at agad ko namang namataan sina Neo at ang mga magulang niya. At kung nakamamatay lang ang tingin ay malamang kanina pa kami bumulagta.
Iba ang awrang bumabalot ngayon kay Neo, it seemed dark. Nakakatakot.
Pero bakit kung makatingin siya ay parang kasalanan ko pa? Pareho lang naman kaming biktima rito.
"Hey, sorry we're late, the traffic was unbelievable," my mom immediately said as we came close to them.
"Good afternoon," kiming bati ko, lagpas alas dose na rin naman kasi.
"Good afternoon hija," nakangiting wika ni Mrs. Valencia na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung ano ang pangalan. "And don't worry about it kumare, it's totally fine, have a seat," she gestured at the three vacant seats at the table.
Nasa magkabilaang kabisera si dad at si Mr. Valencia, nasa right side naman sina mom, and obviously, magkatabi kami ni Neo sa kabila.
Nagtaas si Mr. Valencia ng kamay at agad namang lumapit ang isang waiter sa amin at nagbigay ng mga menu. I really didn't have any appetite so I just ordered a small serving of pasta.
"What if we talk about the matter at hand while waiting for our food?" suhestiyon ni dad. Mabuti na rin iyon, baka masuka lang ako mamaya kapag pinag-usapan iyon habang kumakain.
"Great idea, kumpare," pagsang-ayon naman ni Mr. Valencia. "My wife and I decided that they should be engaged as soon as possible, and the wedding be held as soon as possible too."
"I agree," my mom said. "How about, tomorrow night?"
"Wait."
"Mom."
Nagkatinginan pa kami ni Neo nang magkasabay kami sa pagsalita. He clenched his jaw and looked away immediately.
"Aren't we being a little too fast?" tanong ko sa kanila.
"I think it's fine, after all, what's there to wait?" nakangiti pang tanong ni Mrs. Valencia. What's there to wait? Your son is clearly in love with someone else, wala kayong pinagkaiba ng nanay ko. "Besides, your mom told me that you really like Neo, at mas gusto kita para sa kaniya." Neo scoffed beside me.
Gulat naman akong napatingin kay mom, I never 'really liked' Neo! At kahit pa ganoon nga ang kaso, alam ko kung kailan kailangang dumistansiya. I would never hurt people for my own sake.
"I think it's set then," pumalakpak pa si Mr. Valencia. "Tomorrow night, uh, where? Our place or yours?"
"Ours," pagtango ni dad.
"Alright, tomorrow, 8:00 pm, your place," pagkaklaro ni Mr. Valencia. "Who should we invite?"
"Family and friends, you can invite whoever you want as well," sagot ni mom.
Sumang-ayon na lamang ang lahat, kami ni Neo ay wala pa ring imik. Gusting gusto nila ang engagement na 'to bakit hindi silang apat ang magpakasal?
Silence enveloped the table when our food arrived and we began to eat, ang tanging maririnig lang ay ang pagkalansing ng mga kubyertos sa porselanang mga plato.
"Can we talk? Privately?" mahina ngunit mariing tanong ni Neo pagkatapos naming kumain. I just nodded and we excused ourselves, malalawak namang mga ngiti ang isinukli ng mga magulang namin bago kami pinahintulutan.
Lumabas kami papuntang balcony ng restaurant, kung saan hindi kami makikita sa table namin.
"I should've known huh?" pagbasag niya sa katahimikang bumalot sa amin.
"What?"
"You know damn well what I mean, I should've known that you're just like your family, willing to hurt people just to get what they want," he said.
"How dare you?" naniningkit ang mga matang tanong ko sa kaniya. "What makes you think that? Dahil sinabi ni mom na gustong gusto kita? Naniwala ka naman? Pareho lang tayong agrabyado rito, huwag mong ibunton sa akin lahat ng sisi," I rolled my eyes at him and looked at the view in front of me. Mga building lang naman.
"So why did you agree?"
"Why did YOU agree?" pagbabalik ko ng tanong.
"I can never say no to those monsters," he said through gritted teeth.
Nanahimik kami pagkatapos no'n, it's a wonder that we think the same of our parents, pero wala na ang dating pagkakaibigan sa pagitan namin. It felt like there's a wall between us now.
A thick and strong wall of hatred and indifference, and we both don't have any interest in breaking that wall.
We're fine right where we are, separated by that firm wall, left alone to ourselves.
***
♕︎
"You look good," matamis ang ngiting nakapaskil sa mga labi ni Neo nang sabihin niya iyon. I fought the urge to roll my eyes at how fake he was, and instead, just returned his fake smile to further amuse our parents. "I know," I said and looked at him from head to toe, "you look good too, by the way." Inilahad niya ang kamay niya sa akin, tumaas ang kilay ko roon ngunit tinanggap ko rin naman, pagkatapos no'n ay nagpaalam ito sa mga magulang namin at iginiya ako papalayo sa table na iyon. "So, where's the sudden kindness coming from?" sarkastikong tanong ko habang naglalakad kami palabas. "They changed their mind," sagot niya. "Ha?" tanong ko ulit. What did he mean? Hindi na ba kami ikakasal? Eh para saan 'tong party? "They changed their minds, there's no engagement tonight, just the announcement I guess," he shrugged. Nakahinga ako nang maluwag, I didn't even notice that I had been holding my breath since the party started. Delaying t
Marriage is sacred, making a vow in front of God, in front of law, and in front of people, a vow that should be upheld and must be kept sanctified. As a child, Sienna Melendez had always dreamed of a perfect wedding for herself, being one of the most sought-after flower girls for her parents' friends' and relatives' weddings. She had seen so many people say their vows to each other, and her young mind thought it was so magical, something off of a fantasy film even. But as she grew up, she had seen those couples break up, she had seen how the vows that they had made in front of God were broken, she saw how the sanctity of their marriages were broken beyond repair, and she can only think that maybe...love isn't real after all. Or maybe, promises are really only meant to be broken. And
"Sienna Melendez, where the hell are you? It's almost nine," napapikit ako nang mariin nang marinig ang kalmado ngunit mahihimigan ang pagkagalit na tinig ng aking ina."I'm sorry mom, there was an accident near my condo so they had to close a part of the road, and I'm caught in traffic," agad na pagrarason ko, even though I know na wala rin namang magagawa iyon dahil panigurado ay galit na sila. "Don't worry, I'll try my best to be there on time," dagdag ko na lamang at paulit-ulit na bumusina, pretending that it would make the traffic move forward faster."That's why I kept on telling you to just live at the mansion, malapit sa kompanya, you don't even have to drive!" mababakas ang inis sa boses niya."And I told you mom, I just want to be independent," sagot ko, iyon naman ang lagi kong sagot sa kaniya. As if I would go back to that house, nakaalis na nga ako eh, babalik pa ba ako sa kulungang iyon?&
Inilapag ni Sage ang bote ng vodka sa mesa, pang pregame lang naman iyon habang nag-aayos kami, we're going bar-hopping tonight. Something like a tradition that we developed after we graduated from college, once a week, it could be friday nights or saturday nights, we get wasted. Iyon lang naman kasi ang mga araw na makakatakas kami mula sa respinsibilidad na dala ng pagiging adult.Goodness, I freaking hate adulting."O ba't isa lang 'yan?" napatingin kaming dalawa kay Zach na kakarating lamang, kasunod nitong pumasok si Hya na agad tumakbo papunta sa amin ni Sage at yumakap."Ah damn it, I had such a long week," she groaned amd laid down on the couch, getting her head comfortable on Sage's lap. Nakaupo si Sage sa isang gilid ng couch, nakaupo naman ako sa harap niya dahil nagpapatali ako ng buhok."Pregame lang 'yan tangek," wika ni Sage at tinaniman ng halik ang noo ni Hya, ngumiti naman ito sa gi
My head hurts.That's the first thought that went in my head the moment I felt my consciousness coming back.It felt like it was being hacked open with a mallet, subukan ko mang diinan ang pagkakahiga ko sa unan na nasa ilalim ng ulo ko ay hindi man lang nito nababawasan ang sakit. These are the moments that just makes me say that I won't ever drink again.When I woke up the day after and my head just hurts so much, when my face is still caked with make up from the night before, and when I can't endure staying in bed longer in hopes of soothing the pain I feel kasi may balak akong patayin ng sarili kong hininga.Pero kapag may nag-aya na ay hindi rin naman makatanggi.&