Share

Chapter 01

"Sienna Melendez, where the hell are you? It's almost nine," napapikit ako nang mariin nang marinig ang kalmado ngunit mahihimigan ang pagkagalit na tinig ng aking ina.

"I'm sorry mom, there was an accident near my condo so they had to close a part of the road, and I'm caught in traffic," agad na pagrarason ko, even though I know na wala rin namang magagawa iyon dahil panigurado ay galit na sila. "Don't worry, I'll try my best to be there on time," dagdag ko na lamang at paulit-ulit na bumusina, pretending that it would make the traffic move forward faster.

"That's why I kept on telling you to just live at the mansion, malapit sa kompanya, you don't even have to drive!" mababakas ang inis sa boses niya.

"And I told you mom, I just want to be independent," sagot ko, iyon naman ang lagi kong sagot sa kaniya. As if I would go back to that house, nakaalis na nga ako eh, babalik pa ba ako sa kulungang iyon? 

It was a house, but it was never a home for me.

"Whatever," my mom said dismissively. "And Sienna?"

"Yeah?" maagap na pagsagot ko.

"Don't just try your best," she said, imitating my tone. "Be here on time," pagkatapos sabihin iyon ay pinutol na niya ang tawag.

Humugot ako ng malalim na hininga, hindi ko naman ginusto na magkaaksidente roon kanina habang papunta na ako sa kompanya para sa meeting, hindi rin ako ang nag-utos na i-barricade ang daan doon. Kung pagalitan ako ay para bang ako ang nag-utos sa motorcycle rider na iyon na magdrive kahit wala pang tulog pauwi mula sa trabaho.

Hindi naman ako nakichismis kanina kaya mas na-late ako ngayon, narinig ko lang.

Nang umusad na ang trapiko ay pilit kong binilisan ang pagpapatakbo, nag-oovertake whenever I can, I don't normally do this, kasi delikado, at isa pa, naiinis ako kapag may nag-oovertake sa akin kaya panigurado ay halos ihawin ako ngayon ng mga driver na kinukuhanan ko ng pwesto. Ngayon lang 'to, promise.

Nakaliko na ako sa intersection na papunta sa company building nang naging pula ang ilaw. I slowed down, ready to stop, nang biglang nag-ring ang phone ko. I glanced at it, to look at the caller id, kaya naman hindi ko napansin na tumigil na pala ang kotse sa harapan ko, dahilan para mabundol ko nang mahina ang likuran ng sasakyan niya.

"Oh my!" tumingin ako sa likod bago maagap na inatras ng kaunti ang kotse ko. Pagkatapos ay agad akong bumaba upang tingnan kung may damage ba sa side ko, I was relieved when I saw that there was nothing, pero nanlumo ako nang nakitang nagkaroon ng maliit na dent sa side ng isa pang kotse. An Audi, to mind you.

Napaatras ako nang tumatakbong lumapit ang driver ng kotse, napamura rin siya nang makita ang maliit na dent na iyon. I was about to prepare for a negotiation nang mapatingin ako sa loob ng kotse ko, on my phone, tumatawag na naman si mommy, I only have three minutes before I am officially late.

"I am so sorry," agad na wika ko sa lalaki. Binuksan ko ang kotse at kinuha ang calling card mula sa purse ko at mabilis na ibinigay iyon sa kaniya. "You can contact me through this, I'll pay for everything, nagmamadali lang talaga ako right now, I am so sorry!"

Nagmadali na akong pumunta sa driver's seat nang makita kong naging dilaw na ang ilaw.

"Hey, miss! Wait!" pahabol na sigaw ng driver ng Audi. 

"Hindi kita tinatakbuhan, promise! May meeting lang talaga akong kailangang puntahan, late na rin kasi ako, just call me later okay? Nariyan na ang contact details ko," hindi ko na siya tiningnan pang muli at sumakay na sa kotse ko. Nilagpasan ko ang kotse niya at dumiretso sa parking lot ng kompanya.

Nang makapag-park ay dumiretso ako sa private elevator na pamilya lang namin ang gumagamit, I don't usually use this because I don't really like imposing superiority that way, and I love how the employees greet and interact with me as I pass them, ngayon lang 'to.

"Good morning, Ms. Melendez," nakangiting bati sa akin ng secretary ni mom na si Laila nang makita akong papalapit sa conference room na nasa top floor ng building.

"Hi, did the potential clients arrive yet?" nagmamadaling tanong ko.

"Wala pa po, parents mo pa lang po at ang ibang directors ang nasa loob," sagot ni Laila at binuksan ang pinto para sa akin. I thanked her and went in. Naputol ang tahimik na usapan ng mga magulang ko at ng ilang directors nang makapasok ako, mom stood up to greet me with a sweet smile, that if it was my first time meeting her, I'd believe it was genuine.

"Sienna! We were wondering where you were," she said and kissed my cheek and proceeded to placing a firm grip on my arm and guided me to the seat beside her.

"I'm sorry everyone, the traffic was a nightmare," paumanhin ko.

"It's alright Sienna," nakangiting wika ni Mr. Tan. "You were just on time."

"Thank you, Mr. Tan," nakangiti ring sukli ko sa kaniya bago lumapit sa tatay ko at bumati rito bago h*****k sa pisngi niya. Pagkatapos no'n ay umupo na ako sa tabi ni mom.

"Sienna, I told you so many times, you can just call me Raphael," wika ni Mr. Tan. His eyes staring at my face before darting down. Pasimple kong tinakpan ang dibdib ko which was slightly exposed because of my low-cut blouse inside my blazer by opening the folder in front of me.

Gusto kong mandiri, it's damn obvious that he's trying to get to me, hindi niya ba nakikita ang sarili niya? He must be forty or so years older than me! Hindi pa naikakasal ang mga magulang ko ay nagpapatakbo na siya ng mga negosyo. He's even older than both of my parents.

"I don't think that's appropriate, sir," I smiled dismissively and turned to look at my father who was watching the exchange with a null expression on his face. "Did the client contact you about the meeting dad?" tanong ko.

"Yes, minutes before you showed up, actually. They said they're almost here," he replied and snapped his fingers. Agad na lumapit sa kaniya ang secretary niya na nakatayo sa sulok ng conference room, si Karen. Narinig ko pa ang paghingi niya ng kape rito bago maglakad palabas ang sekretarya. 

"Mr. Melendez, narito na po ang mga potential clients," pagbibigay alam ni Laila matapos ang ilan pang minuto ng paghihintay. 

"Let them in, Lai," nakangiting wika rito ni mom, tinapik niya rin ang balikat ko, a signal that I should get ready na rin. Nakatalikod kami sa pinto kaya naman hindi ko agad nakita ang mga kliyente pagkapasok na pagkapasok ng mga ito. Hinintay ko pa ang pagtayo ni dad mula sa kabisera ng long table, bago tuluyang lumingon at ngumiti.

"Good morning kumpadre, nahuli yata kayo?" tanong ni dad, tumawa naman ang kliyente na kung titingnan ay kasing-edad niya lamang. Kumpadre? Close ba sila? I never saw the man during my entire life.

"Pardon us kumpadre, the traffic was terrible, and someone bumped onto my son's car, we had to listen to his rants before he drove us here," natatawang sagot ng lalaki.

"So sorry to hear that, Mr. Valencia, we hope you're alright, did you catch the driver who bumped into him?" nag-aalalang tanong ni mom.

"Oh, we're completely fine, it wasn't a hard collision, the driver ran though, but she left a calling card, saying she was in a hurry," sagot ni Mr. Valencia. Wait, bakit parang ang familiar ng driver na tinutukoy niya? Teka, ako ba 'yon? Tough luck I have if that's the case then, damn it.

"Oh it was a she? Goodness," natatawang wika ni Mr. Tan, nakitawa na rin ang mga stockholders na malapit sa kaniya. Normally makikitawa ako, para kunwari supportive, pero ngayong parang ako yata ang tinutukoy nila at pinagtatawanan ay parang gusto kong sabunutan ang bigote niya.

I don't see the driver of the Audi earlier though, kaya baka naman hindi nga ako. Pero sabi ni Mr. Valencia ay anak niya ang may-ari ng sasakyan, sana lang ay inihatid lang sila ng kasama niya rito, I don't really fancy a confrontation.

"Anyway," napatingin ang lahat kay dad nang pumalakpak siya ng dalawang beses. "Should we start the meeting? We're late enough as it is," he said.

The people inside the conference room each made small noises of agreement and went to their respective seats. Umupo si Mr. Valencia sa upuan na directly opposite nang kinauupuan ni daddy, ang kasama niya namang babae na siguro ay asawa niya dahil sa eleganteng paraan nito sa pananamit ay naupo sa tabi niya. May isa pang bakanteng upuan sa kabilang side ni Mr. Valencia. Kinabahan ako bigla.

Nang makasettle na ang lahat ay tumayo na ako para magsimulang magpresent, I did this so many times na hindi ko na kailangan pa ng kodigo para magpresent.

"As you can see, our sales and data are both going high, which means that our company and our brand are among the most trusted in this field. That trust isn't ill-placed either - "

"Hey, I'm sorry, I'm late."

My presentation was interrupted when someone suddenly opened the door and went in, apologizing for he was late. Muntik na akong mapamura nang makilala ko siya, he was the driver of the Audi, freaking damn it. Grabe naman yata ang kamalasan ko ngayong araw na 'to.

Umiwas ako ng tingin habang binabati siya nina mom at pinagpatuloy na lamang ang pagpe-present nang makaupo na siya sa bakanteng upuan na nasa tabi ng tatay niya.

Gusto ko sanang huwag na lamang siyang tingnan hanggang sa matapos ako pero dahil katabi niya si Mr. Valencia at siya ang target listener ko ay napapatingin ako sa direksiyon niya.

He was quite a looker after all, para siyang glitter na nags-standout sa buhangin, si Mr. Tan ang buhangin. 

It doesn't help that he's staring at me too, probably enjoying how I was dodging his stares, bahala siya, mamaya ko na muna siya poproblemahin.

"Any questions before Mr. Mendelez takes over?" tanong ko. I bit the insides of my cheek when the guy raised his hand. Siya lang mag-isa ang nagtaas ng kamay kaya hindi ko magagawang hindi siya pansinin.

"Yes, sir?" tanong ko.

"So, generally, why should we consider your company out of all the companies in this field?" tumaas ang isang kilay ko sa tanong niya na iyon. Pinagti-tripan niya ba ako?

"I just did an entire presentation regarding that matter," wika ko at itinuro ang remote control sa malaking computer na nasa likuran ko.

"I arrived late," pagdadahilan niya. I fought the urge to roll my eyes at him.

"But still, the time that you've been here is enough for you to understand my point," pinagkrus ko ang mga braso.

"Alright," he smiled amusedly at me. "I have another question," he added.

"Sure," ngumiti ako sa kaniya.

"Theoretically, someone bumped your car leaving a dent on it, but the driver of the car which bumped yours ran away, theoretically, how would you react?" tanong niya. Naningkit ang mga mata ko sa kaniya, bago ko inilibot ang paningin para tingnan ang iba pang mga tao sa kwarto, hindi naman siguro nila nahahalata na ako ang pinapatamaan ng lalaking 'to.

"Well, theoretically, if they only ran away, I'd be mad and probably chase after them, but if, theoretically, they left a calling card to be contacted through that, then I would contact them through that calling card after I found out how much I have to pay for the repairs," wika ko, looking directly into his eyes. "I don't know how this is relevant to our topic but," I shrugged.

"How did you know that the one who bumped my car left a calling card?" tanong niya. "Theoretically," ngumisi pa siya matapos ihabol iyon.

"Your father told us about it," I said boringly at him. Agad naman siyang napatingin sa tatay niya. Habang distracted pa siya ay ginamit ko ang pagkakataong iyon upang ibigay kay dad ang spotlight. Tumayo naman ito and did his thing, wala na akong pakialam doon, nagawa ko na ang trabaho ko, mukha namang nagustuhan ng mag-asawang Valencia ang presentation ko. I have a feeling na makukuha namin ang partnership na ito, kung hindi lang hahadlang ang lalaking 'yon.

May balak pa yata itong i-buking ako sa mga magulang ko, wala na nga akong balak sabihin eh. Babayaran ko naman talaga siya, mas malaki lang naman sa dimple 'yong yupi sa kotse niya. It's hardly noticeable.

Pero Audi ang sasakyan niya, latest model pa, may karapatan din naman siyang mag-wild. 

I know I'll go wild if any of my babies get's even a scratch. More than clothes or makeup, I have an obsession with cars, kaya nga ako nagtatrabaho talagang mabuti, ang mahal naman kasi ng luho ko.

Kinuha ko ang cellphone ko nang mag-vibrate ito, alerting me of a text message that just arrived. Unknown number din ang sender, sino na naman kaya 'to? Baka nagpalit na naman ng number si Sage, mahilig magpalit 'yon ng number eh, lalo na kapag may bagong nagho-ghost.

from: unknown

100,000

What the? 100,000? What is this person even talking about? Is someone trying to scam me? Paano niya naman nakuha ang number ko?

to: unknown

scam somebody else weirdo, wala akong trabaho

Pagkatapos ma-send iyon ay pinatay ko ang cellphone ko, narinig ko rin ang amused na pagtawa mula sa direksiyon nina Mr. Valencia, hindi ko pinansin, mas busy ako kakatitig sa mukha ni dad kahit na hindi ko naiintindihan ang mga sinasabi niya.

Kinuha ko rin naman ulit ang cellphone ko nang mag-vibrate ulit ito. Napakakulit! I'll just block the number para manahimik na.

from: unknown

Kotse ko na nga ang nabangga ako pa ang scammer? 100,000 for the repair, Ms. Melendez

Automatic na nanlaki ang mga mata ko at napatingin sa anak ni Mr. Valencia, he was already looking at me, nang makita niya akong nakatingin ay yumuko siya sa cellphone niya ay nagtitipa roon. 

from: unknown

Pay up or else

Mabilis din akong tumipa sa keyboard ng cellphone, aba ako pa ang peperahan niya, pagbuhulin ko sila ni Mr. Tan eh.

to: unknown

or else what?

to: unknown

don't get me wrong, I can pay the 100,000 but that's too much for a dent that small, Mr. Valencia, overpricing is still scamming

"Who are you texting?" maagap kong tinago ang cellphone nang ibulong iyon sa akin ni mom.

"Just some scammer na ako ang napiling pagtripan," agad na pagdadahilan ko.

"Why are you still talking to that person? Block them, and pay attention to your dad," utos nito. Tumango namam ako sa kaniya para hindi na humaba pa ang usapan at tumingin ulit may dad, patapos na rin naman siya.

from: unknown

You and your dad do talk a lot

Tumaas ang kilay ko nang nabasa ko ang text niya, ba't naman nito biglang iniba ang topic? Napatingin ako kay dad bago magreply.

to: unknown

I've heard that speech so many times, patapos na siya. Anyway, I have a friend na may repair shop, let's bring your car there, makaka-discount din tayo, and he's superb in fixing cars.

from: unknown

Ok

I thought that was the end of our conversation. Natapos na din kasi ang speech ni dad at nakikipagkamay na sila sa pamilya Valencia, the deal was sealed, ayos na rin ang partnership. They were now scheduling the contract signing, isasabay na raw ito sa wedding anniversary celebration ng mag-asawang Valencia sa makalawa, para na rin daw siguradong makakapunta kami sa party na iyon.

Matapos ang lahat ay nagsilabasan kami mula sa conference room, wala pa naman akong urgent na gagawin sa office kaya napagpasiyahan kong pumunta muna sa mall na malapit lang sa kompanya, doon na rin sana ako magla-lunch. Nagulat na lamang ako nang sumabay sa akin ang anak ni Mr. Valencia sa elevator.

I did not use the private one, iyon kasi ang ginamit nina mom at ng mag-asawang Valencia, akala ko nga ay kasama rin nila ang lalaking 'to, bakit nandito siya?

"You didn't go with your parents?" tanong ko nang sumara ang elevator. 

"Do I look like I went with them?" I scowled at him, simpleng oo lang naman ang sagot sa tanong ko na iyon, required ba na dapat pabalang ang sagot niya?

"About your car, when are you free? So I could check with my schedule, para makapag-set tayo ng appointment sa repair shop ng kaibigan ko," sabi ko at inilabas ang phone ko. Pinangalanan ko ang contact number niya. Driver ng Audi.

"I'm free during weekends," he shrugged. Agad kong tiningnan ang schedule ko for that week, damn it, I was supposed to have a spa day on Saturday, so I guess I could compromise that.

"Sige, we'll take your car on Saturday," sabi ko. "Judging from the amount of damage, hindi naman matatagalan, we'll have plenty of time before your parents' party, sa Sabado 'yon right?"

Tumango lamang ito bilang sagot nang mag-ring ang phone niya, mukha mang text lang iyon, napalabi pa ito bago nagtype ng reply.

"I really am sorry by the way," pagsasalita ko ulit. Awkward silence is my biggest enemy, I hate it. "I love cars, and yours was beautiful."

"Of course you love cars," he muttered.

"What?"

"Nothing, do you really not remember me?" 

"No," pagtanggi ko. "Why? Have we met?"

Hindi na siya sumagot dahil bumukas na ang elevator, agad naman din kasi itong naglakad palabas.

"Hey! Have we met?" Malakas na tanong ko. 

"I don't know, have we?" nakangising tanong niya pabalik bago tuluyang lumapit sa sasakyan niya at buksan ang pinto niyon. "See you on Saturday, Duchess," he saluted at me before getting in, probably to wait for his parents there.

But wait, how in the world did he know that name?

***

♕︎

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status