CHAPTER 13HINDI MAN LANG nagulat ang magaling kong boss sa sinabi ko. Bagkus ay mapang-asar na ngumisi pa ito sa akin na tila ba natutuwa pa."Why Ms. Montecarlos, naaakit ka ba?"Agad akong tumanggi. "H-Hoy, Mr. Travis Cordova hindi ako naaakit sa'yo 'no?! Huh! Bakit? Ikaw ba si Lee Jong Suk o si Song Joong Ki? Si Lee Minho ka ba para maakit ako hah? Wala ka nga yatang abs kahit dalawa eh," singhal ko pa. Tinatago ang pagka-apekto ko sa kanya. As if naman aaminin ko 'no, baka mas lalo lamang s'yang mang-asar. Saka may naakit na bang umamin na naaakit s'ya sa umaakit sa kanya? 'No daw?Pero teka nga! "So, inaakit mo nga ako Sir Boss? Naku, naku hah! Hindi mo ako madadala sa mga paganyan-ganyan mo.""Really? Are you sure?""A-Ano?""Na wala akong abs?"Dinuro-duro ko s'ya. Pero nanginig ang aking braso kaya hinawakan ko iyon gamit ang kabila akong kamay habang tinuturo ko pa rin s'ya."A-Ang yabang mo ah."Mas nagulat pa ako nang tumayo ito at hinawakan ng dalawang kamay ang laylay
CHAPTER 14"GOOD MORNING, MA'AM AND SIR! WELCOME IN...""CORDOVA'S CLOTHING COMPANY!"Tatlong saleslady ang sumalubong sa amin pagpasok namin sa loob ng parang isang Mall."WOW! DAEBAK!" Manghal usal ko nang makita ang loob ng building.Walang sementong humaharang sa giitna pataas, tanging mahabang escalator ang sasakyan mo paakyat para makarating ka sa bawat floor.Sobrang ganda ng loob. Napakaraming panindang damit, dress at kung anu-ano pa, na mukhang mamahalin dahil sa ganda ng style ng mga ito. Mapa-pambabae man o panlalaking damit ay nakakasilaw ang karangyaan...kahit nga ang price ay parang ginto.Kung wala ako ngayon sa trabaho kong ito, hindi ko maafford kahit isa sa mga damit na tinda rito.At iyong mga damit sa walk-in-closet sa mansion, galing ang mga 'yon dito. Iyong mga usual na damit sa bahay ay hindi nagmumukhang pambahay. Kaya kapag suot ko para lang akong rarampa sa runway.Ang sososyal at ganda naman kasi talaga ng mga damit."Mr. Hanz kayo po pala. Anak n'yo po o
CHAPTER 15NANONOOD ako ng My Roommate is a Gumiho sa aking bagong biling laptop, nang makita kong pababa ng hagdan si Sir Boss. Bihis na bihis ito at parang may pupuntahan.With his half-tucked retro striped shirt, black jeans paired with white shoes, it makes Sir Boss simple but elegant. He also looks like an Russian model who's walking in a runway with dominant and badboy aura.Ang gwapo ng datingan. Ilang taon na nga ulit ang boss ko? 25? 28? 30? Mukhang wala pa itong 40 plus eh. Siguro nasa mid 20s or 30s gano'n. Nakalimutan ko ngang itanong."Sir Boss may lakad ka?"Tumayo ako at lumapit pagkababa n'ya."May kailangan lang akong gawin." Iwas ang tinging sagot n'ya."Magtatagal ka po ba sa pupunatahan mo? Mga ilang araw?""Why you're asking Arissa?"Kasi mamimiss kita. Charot!"Eh kasi Sir Boss... mag-isa lang ako sa malaking mansion na ito. Hindi ba nakakatakot iyon? Saka babae pa ako. Paano na lang kung may mangyaring masama sa'kin mamayang gabi, edi walang tutulong sa akin.
CHAPTER 16I DON'T think this will be a good idea. Me? With this two? I don't think it'll be great.I don't know, I just felt it. Or is it just me?Though I don't know what's bothering me, really. Minsan ko lang kasi sila nakasama at napakaikling oras pa iyon. Maiilang pa ako syempre.Pero siguro katulad sa isa nilang pinsan, kailangan ko na lang din mag-adjust. Ngayong gabi lang naman at bukas. Sa Sunday ay darating na rin naman si Sir Boss.At isa pa, dito sila nakatira sa mansion kaya kailangan ko talagang makitungo ng maayos sa dalawa. Sasanayin ko na lang ang sarili ko na makakasama ko ang tatlong Cordova dito sa mansion."Kanina pa kayo?" I asked them."Ah, not really?" Patanong na sagot ni Tyron. Napaismid ako.Anong oras na ba?Nilingon ko ang wall clock na nasa living room. 1:30 am na pala?"Kumain na ba kayo? Baka kasi nagugutom kayo, ipagluluto ko kayo ng pagkain. Steak lang din ba ang kinakain n'yo? Eh red juice?" Sunod-sunod kong tanong.Umiling iling si Tyron sabay upo
CHAPTER 17MALIWANAG na nang magising ako kinaumagahan. Hindi ko nga alam kung natulog ba talaga ako o buong madaling araw akong gising.Hindi kasi mawala sa isip ko iyong ginawa ni Tyron.Nawala lang naman s'ya sa harapan ko.Nang bigla-bigla. Ni walang pasabing biglang mawawala.For petes' sake! Kumurap lang ako saglit, nawala na sa harapan ko.Sinong hindi mabibigla roon? Di ba?How can he even do that?Kahit ang ordinaryong tao hindi kayang gawin iyong ginawa n'ya.Naghahallucinate na naman ba ako kagabi? Namalik-mata? O baka naman tulog pa ang diwa ko that time kaya wala pa sa tamang huwisyo?Pero damn it!Gising na gising ako ng mga oras na iyon kasi nga hindi ako tulog.Malamang! Kaya nga gising, kasi hindi tulog. Lutang ka pa self? Gising na, hoy!So iyon nga. Gising ako kasi hindi ako tulog. Kaya naman nakita ko talaga na bigla na lang s'yang nawala sa harap ko. Naiwan nga akong mag-isa sa ibaba dahil iniwan nila ako doon.Bumangon ako ng kama at nagtungo agad sa banyo para
CHAPTER 18LUMINGON ako sa aking likuran kung saan nanggaling ang boses. At natagpuan kong nakasandal sa railing ng hagdan si Tyron."T-Tyron. K-Kanina ka pa ba d'yan?"Naglakad ako palapit sa kanya."Si Sage?"Tumingin s'ya sa ibaba kaya sumunod din ako. Nakita kong naka-upo si Sage sa couch na nasa living room habang may hawak na libro."P-Pasensya na. Akala ko kasi tulog pa kayo, kaya gigisingin ko sana kayo para mag-almusal.""It's okay, Dollface. But next time, h'wag kang magpapahuli kay Travis na umaakyat ka rito sa itaas." Then Tyron flashed his friendly smile.Tumango naman ako."Let's go down stairs."Nauna nang bumaba si Tyron at sumunod naman ako."Nagugutom na ako. Pagpasok pa lang namin naamoy ko na agad 'yong niluto mo. Ano ba iyon?""Ah, nagluto ako ng sopas. Kumakain ba kayo no'n?"He chuckled. "Si Travis lang naman ang hindi nagsasawa sa steak. Sa pamamalagi ko sa Hacienda, napag-aralan ko nang kainin ang pagkain ng mga tao. Kaya anything na walang bawang, okay sa ak
CHAPTER 19IT'S BEEN what? Two days? Yeah, it's been two days since that unexpected accident happened.At two days na rin akong pinag-iisip nang pangyayaring iyon.Nang tanungin ko si Sage kung paano s'ya nakapunta sa ibaba ng ganoon kabilis at kung anong nilalang ba ito. Tinawanan lang ako ng siraulo.Sa tuwing napapatingin ako sa kanya, tatanungin ko s'ya tungkol sa nangyari. Pero isa lang ang isasagot n'ya sa akin."I run as fast as I could so I can saved you, stupid witch. Sino ba kasing stupido ang aakyat sa hagdan para lang ayusin ang kurtina ng mag-isa? Nagpapakamatay ka ba?"Iyan ang palagi n'yang isasagot sa akin kapag nagtatanong ako. Napapaismid na nga lang din ako dahil dati crazy witch lang ang tawag nito sa akin, pero ngayon stupid witch na rin.Pero sa huli nagpasalamat pa rin ako dahil kung hindi sa kanya, siguro bumagsak na ako at nabalian ng buto. Kahit na may panglalait pang kasama kapag nagsasalita s'ya.Okay na rin. At least ngayon alam kong hindi masamang tao si
CHAPTER 20HINDI AGAD ako nakasagot. Hindi ko naman kasi alam kung anong isasagot ko. Saka...Bakit naman naisip ni Sage na galit ako sa kanya? Baka naman nakokonsensya dahil palaging ako ang napag-iinitan ng ulo."I'm asking you, Paige. Galit ka ba?""Hah? Ah, hindi. Hindi ako galit. Bakit naman ako magagalit? Baka nga pag ako ang nagalit, mapaalis pa ako sa trabaho ko eh.""But you're so quite the whole ride. Nagsalita ka lang noong nasa Village na tayo."Eh? Why naman so affected ang lalaking ito sa pananahimik ko? "Hindi ako galit. Actually, natatahimik talaga ako kapag pinagmamasdan ko ang paligid.""Hhmmm..."Hindi na ulit kami nag-usap. Sa labas lang ako nakatingin habang busy sa pamamaneho si Sage.Pumasok kami sa isang tunnel. Sobrang dilim, walang ilaw manlang sa paligid. "Sage..." "Hhmm? Takot ka ba sa dilim?""Ah, hindi naman. Nagtataka lang ako... Paano kayo nakakapagdrive ng maayos dito kung wala kayong makita? Paano kung may bigla na lang dumaan at mabungguan?"Sa
EPILOGUETRAVIS' P.O.VVAMPIRES?Vampires are the most dangerous and heartless creatures that fictional books and movies had. Para sa mga tao, vampires didn't exist in this world. Dahil sa mga kwento at palabas lang nabubuhay ang mga ito.Pero ang totoo, matagal na panahon nang may nabubuhay na bampira sa mundong kanilang ginagalawan. Nakakubli sa mata ng mga tao, nagbabalat-kayo.At isa ang pamilya namin sa mga bampirang nakikisalamuha sa mga tao.Our great great great grandfather teach us to live in this world like a real human. Natuto kaming hindi pumatay ng mga inosenteng tao upang punan ang aming uhaw sa dugo. Mula sa mga ligaw na hayop sa gubat ang dugo at karneng aming iniinom at kinakain. Ang alam ng maraming tao ay walang puso ang mga katulad namin, ngunit nagkakamali sila. Patay man kami kung titingnan, ngunit tumitibok pa rin ang puso namin. We're still know how to care about other people. We also use to save people who needed our help when it comes to danger.Sinanay kam
CHAPTER 60"MOMMY, where are we going po? Bakit po may mga dala tayong maleta? Aalis po ba tayo? Kasama po ba natin sina Tita at Tito?"Bakas ang pagtataka sa mga mata ni Zion habang paulit-ulit na tinatanong iyon sa akin."Baby dadaan muna tayo sa doktor ni Mommy dahil may iko-consult lang po ako. Then after that pupunta tayo sa restaurant para magpaalam saglit kina Tita at Tito mo, okay po ba?"Kahit naguguluhan sa biglaan naming pag-alis ay tumango pa rin si Zion.Ilang saglit na lang ay malalaman mo na rin, baby."Saan po tayo pupunta, Mommy?""Sa lugar kung saan mo makikilala ang Daddy mo, baby."Ang sinabi ko'y naging dahilan upang manlaki ang mga mata ng aking anak. Bilog na bilog rin ang pagkakabuka ng bibig nito sa gulat."D-daddy po, Mommy ko? Makikilala ko na po ang Daddy ko?"Gusto kong maiyak sa mga sandaling ito.Pasensya ka na baby ah, ngayon lang naalala ni Mommy. Pero siaiguraduhin kong hindi na tayo malalayo pa sa Daddy mo, baby ko.Wala akong pake kung ipagtabuyan p
CHAPTER 59NAGISING si Arissa sa isang hindi pamilyar na lugar. Wala s'ya sa kwarto o sa kama, kundi nakahiga s'ya sa gitna ng isang malawak na damuhan. Dahan-dahang bumangon si Arissa at saka inilibot ang paningin sa paligid.Marami s'yang nakikitang malalaking punong kahoy sa paligid. Sana isang gubat s'ya kung ganoon. Ngunit anong ginagawa n'ya sa lugar na iyon? At papaano s'ya napunta sa gubat?Maraming gubat sa San Roque. Pero iisang gubat lang ang alam n'yang may ganito kalaking espasyo. At iyon ay ang gubat sa kabilang bayan, ang San Isidro. Ilang beses na rin kasing nabalita sa radyo at television ang tungkol sa gubat. Maraming nagsasabi na kakaiba raw ang gubat na iyon kaysa sa mga normal na gubat sa San Roque. Ayon kasi sa ilang kabataan na nagtangkang pumasok sa gubat, tila nababalot daw ng kakaibang enerhiya ang lugar. Maraming nagtataasang puno sa paligid at malalagong damo. Ang mga baging na nakakabit sa bawat sanga ng mga punong kahoy ay nagbibigay ng mabigat na vibes
CHAPTER 58MAY PALUNDAG-LUNDAG pang nalalaman si baby Zion nang hawakan nito ang kamay ng ina, pagkababa nila ng sasakyan. "Mommy where we'll go first?""Saan ba gusto ng baby ko? Gusto mo bang kumain muna? Then after nating kumain mag-grocery na tayo?""Mommy gusto ko ng chicken po. Iyong may malaking bubuyog."Arissa laugh at what her son said.Napakainosente nito. Pero pagdating sa mga seryosong bagay ay aakalain mong mas matanda ito sa iyon."Ah, gusto mo ng chicken sa Jollibee?""Yes po, Mommy!""Okay! We will eat in Jollibee.""Yehey!"Tuwang tuwa si Zion. Ito pa nga ang naunang maglakad kaysa sa ina, na akala mo'y alam kung saan ba pupunta. Hila-hila ng tuwang tuwang bata ang kamay ng ina papunta sa fastfood chain na nais nitong kainan.May ilang naglalakad sa loob ng mall na napapatingin sa dalawa, especially kay Zion. Cute na cute kasi ito sa suot na long sleeve blue polo at black jeans, na pinaresan din ng itin na sneakers. Parang binatang binata na talaga ito kung pumustur
CHAPTER 57NAKATITIG lamang ako sa anak ko at hindi alam kung ano ba ang dapat na isagot sa tanong nito. At nang matauhan ay doon lang ako nakapag-isip ng sasabihin."Alam mo baby, pareho kayong pogi kaya napaghahalataang magkamukha kayo," nag-aalangang sagot ko."Ganoon po ba 'yon, Mommy?""Oo po baby. Tingnan mo kayo ng Tito Ranz mo, pareho kayong pogi kaya magkamukha kayo.""Hindi po ba dahil sa magkadugo kami ni Tito Ranz kaya kami magkamukha?"Natameme ako sa sinabi ng aking anak."Ah, ano kasi baby, syempre isa rin iyon sa rason. Pero hindi naman natin kilala 'yang nasa picture kaya bakit natin s'ya magiging kadugo 'di ba? Pareho lang talaga kayong pogi kaya nagkakahawig kayo.""So, pogi po si Mr. Cordova para sa'yo, Mommy?"Napakunot ang noo ko."Mr. Cordova?""Sikat po s'ya Mommy. Kilala po ang family nila dito sa atin. Hindi mo po alam?"Naningkit ang aking mga mata bago dahan-dahang umiling.Sobra ba akong busy sa work at wala akong kaalam-alam sa mga nangyayari dito sa baya
CHAPTER 56MAKARAAN ANG TATLONG TAON...Sa tatlong taong lumipas, napakarami nang nagbago. Sa buhay naming magkakapatid hanggang sa sarili ko. Nakapagpatayo na kami ng maayos at malaking bahay, buo at tumatakbo na rin ng maayos ang negosyo ko na restaurant. Nakapagtapos na rin ako ng kolehiyo at ngayon naman ay ang dalawa ko namang kapatid ng ga-graduate ng college.Ngunit kahit na maganda na ang pamumuhay namin kaysa noon, pakiramdam ko'y may malaking kulang pa rin sa buhay ko. Sobrang daming tanong na hindi ko alam kung paano ko hahanapan ng kasagutan. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Sobrang dami kong tanong dahil wala akong matandaan sa mga nakalipas na taon. Basta ang natatandaan ko na lang ay umalis ako sa trabaho ko sa probinsya. Hindi ko alam kung bakit ko iyon ginawa. Alam ko na maayos at maganda ang trabaho ko, dahil kung hindi, wala sana kaming malaking bahay at sariling negosyo ngayon. Nagising na lang ako na nakabalik na ako dito sa bahay nang walang kahit anong
CHAPTER 55DAHAN-DAHANG nagmulat ng mga mata si Arissa. Puting kwarto. Puti ang kwarto na s'yang bumungad sa kanyang mga mata. "Nasaan ako?" Pinilit n'yang bumangon ngunit muli pa rin s'yang napahiga dahil hindi pa kaya ng kanyang katawan. Nakaramdam din s'ya ng matinding hapdi sa iba't ibang parte ng kanyang katawan.Napatingin si Arissa nang bumukas ang pintuan ng kwarto at pumasok ang isang lalaking nakasuot ng pang-doctor na coat. Kasunod nito sina Tyron at Sage. Tila may malalim at seryosong pinag-uusapan ang mga ito ngunit ng mapatingin sa kanya ay para bang isang taon din silang hindi nagkita-kita."Ty? Sage? Nasaan ako? Anong nangyari?"Nagkatinginan ang dalawa. Nang hindi makasagot ang mga ito, ang doctor na ang nagsalita."Mabuti naman at nagising ka na iha. I'm Doc. Ken and I'm your personal doctor. Ako ang inatasan ng Young Master na tumingin sa kalagayan mo. Wala ka bang nararamdaman? Masakit pa ba ang mga sugat mo sa katawan?""Ahmm... medyo mahapdi lang po ang mga sug
CHAPTER 54THIRD PERSON'S P.O.VNAPAPIKIT si Arissa nang makaranig ng malakas na ingay mula sa loob ng kwarto. Tila nagwawala ang taong nasa loob niyon at nagpupumilit na makawala sa kadenang nakagapos dito.Inabot din ng ilang minuto ang tinagal ng malakas at marahas na kaguluhan sa loob ng kwarto, bago ito nawala na parang hanging dumaan lang.Dahan-dahang naglakad si Arissa palapit pa sa pintuan."T-travis?"Walang ingay na maririnig maliban sa mga yabag ng paghakbang n'ya papalapit. Nakapagtataka.Sobrang nakakabinging katahimikan ang bumabalot sa ika'tlong palapag ng mansion. Sa sobrang tahimik ay tila nakakabahala at nakakatakot. Katahimikan na para bang nagsasabing pagkalipas nitong isang hindi pangkaraniwang ingay na naman ang magaganap.Natatakot man si Arissa, tinatagan n'ya ang loob para sa dalawang taong pinakamamahal n'ya. Ang lalaking nahihirapan ang sitwasyon na nasa loob ng kwarto, maging ang munting anghel na nasa loob ng kanyang sinapupunan na walang kamuwang-muwang
CHAPTER 53NAAALALA ko pa kung bakit ako napunta sa lugar na ito, kung bakit kahit hindi ko pa lubos na kilala ang mga Cordova na pagtatrabahuhan ko, nagbakasakali pa rin ako na baka matanggap ako. At natanggap nga ako sa trabahong ito. Pumasok ako sa kontratang ito, para sa mga kapatid ko, at para sa kinabukasan naming tatalo.Hindi ko aakalain na sa loob ng ilang taong pagtatrabaho bilang sekretarya ng Young Master, mapapalapit ang loob ko sa kanila—mas lalo na sa kanya. Hindi ko rin napaghandaan ang pagkahulog ko sa masungit na lalaking 'yo. Kaya nga kahit ang utos n'ya na ipinagbabawal, ay nasuway ko dahil makulit nga ang puso ko, 'di ba?Sa sobrang kulit, hindi ko rin napaghandaan na mangyayari ang bagay na'to.Paulit-ulit na nagpi-play sa utak ko ang mga impormasyong sinabi sa akin ni Tyron. Kaya pala. Kaya pala sa ilang araw na nagdaan, mag weird na pagbabago sa kilos, pananalita, pag-uugali at mga usual na ginagawa ko. Iyong mga weird na cravings at pagduduwal sa umaga. Ang pa