UMATRAS si Katherine nang akmang lalapit sa kanya si Dado. Humarang naman si Yohan bago pa ito makalapit."Ano ba, 'wag kang mangialam dito! Katherine, sabihan mo nga 'tong pakialamero na 'to kung sino ako!" ani Dado.Mahigpit na hinawakan ni Katherine ang strap ng shoulder bag saka umiwas ng tingin. "H-Hindi ko siya kilala," sa halip na aminin ang totoo ay nagpanggap siyang hindi kilala ang Tiyuhin."Anong klaseng kasinungalingan ang sinasabi mo?!" hiyaw ni Dado saka tiningnan ng masama si Yohan. "Tiyuhin niya 'ko at kailangan ko ng pera. Kung ayaw mong guluhin ko ang buhay niyong mag-asawa ay ibigay mo na ang perang kinakailangan ko! Maliit na halaga lang naman, kalahating milyon."Nanlaki ang mata ni Katherine sa narinig. Bigla siyang nakaramdam ng hiya matapos humingi ng pera ang Tiyuhin sa taong hindi naman niya kilala. "Tiyo naman! Hindi ko siya kilala, 'wag niyo naman akong pahiyain dito!""Wala akong pakialam basta kailangan ko ng pera!" Saka binalingan si Yohan. "Ikaw lalake,
NAGSISI si Lian nang ipaalam niya kay Katherine ang tungkol kay Margaret at Cain. Tuloy nawalan ito ng ganang kumain at nagpasiya na lamang na umuwi."Ihahatid na kita," alok niya bilang pampalubag loob sa nagawa."Hindi na kailangan, tapusin mo na lang ang pagkain. Ako na rin ang bahalang magbayad.""Pero sagot ko 'to." Mas lalo tuloy nakokonsensya si Lian pero hindi na ito nagpapigil pa.Sa huli ay wala na rin siyang nagawa at hinayaan si Katherine. Mag-isa niyang in-enjoy ang pagkain kahit medyo nagi-guilty.Paalis na sana si Lian nang makita si Jared na papasok sa restaurant. Bigla siyang pumihit patalikod dahil kung ang binata lang naman ay kaya niya itong harapin pero may kasama, si Sheena.Kahit nasisiguro naman niyang hindi siya nito makikilala ay hindi niya pa rin maiwasang kabahan.Nagpalinga-linga siya sa paligid, nag-iisip ng paraan kung paano lalabas. Sa huli ay napili na lamang niyang magtungo sa restroom at doon magpalipas ng ilang sandali.Naghugas siya ng kamay saka n
PAG-UWI ni Katherine sa mansion ay dire-diretso lang siya sa kwarto. Matapos ma-lock ang pinto ay saka niya tinawagan si Cain. Gusto niya itong makausap para maitanong kung bakit hindi sinabi na kasama nito si Margaret. Pero nakakailang tawag na siya ay hindi pa rin ito sumasagot. Dalawang oras lang naman ang gap sa Pilipinas at sa bansang pinuntahan ni Cain. Sa madaling salita ay hapon pa lang doon, pero bakit hindi nito sinasagot ang kanyang tawag? Samo't saring ideya tuloy ang pumapasok sa utak ni Katherine, na kahit anong pigil at saway sa sarili ay hindi niya mapigilang mag-isip ng kung ano-ano. Hanggang sa nakatulugan niya ang pag-iisip. Tuwing hapon pa naman umaatake ang antok niya. Nagising na lamang siya nang may kumatok sa pinto. Pagtingin sa bintana ay madilim na ang kalangitan. Pagod niyang binuksan ang pinto para harapin ang kasambahay na gumambala sa kanyang tulog. "Ma'am, nakahanda na po ang hapunan," anito. Tumango lang si Katherine habang kinukusot ang mata. "Si
PUMATAK ang luha ni Katherine sa medical record ng kanyang Abuela."Ang totoo ay hindi na umi-epekto ang gamot na binibigay namin sa kanya," saad pa ng Doctor. "Pini-prevent na lamang na mas lalo pang lumala ang kanyang kondisyon.""K-Kung bigyan niyo po siya ng iba pang gamot? 'Yung epektibo. Pakiusap, Dok. Gawin niyo po ang lahat para sa Lola ko. Hindi ko po siya kayang mawala," humihikbing saad ni Katherine.Mabigat na napabuntong-hininga ang Doctor. Bakas ang lungkot at pakikisimpatya para sa nag-iisang pamilya ng pasiyente pero hindi niya nais na paasahin ito."Ang gamot na binibigay namin ang pinaka-best option. Ilang buwan na kong naghahanap ng gamot na pwedeng ipalit sa binibigay namin pero--" Saka umiling. "Mahirap man para sa'king sabihin ito pero... mas mabuti siguro kung iuwi mo na siya. Sulitin ang nalalabing oras niya rito sa mundo."Ang pigil na hikbi ni Katherine ay tuluyan nang lumakas. Wala na siyang pakialam kung para na siyang batang ngumangawa. Maingay at nakakair
NALUKOT ang mukha ni Katherine sa pagpipigil ng emosyon. Hindi niya gustong umiyak at marinig pa ni Cain mula sa kabilang linya.Kaya mariin na lamang niyang kinagat ang ibabang labi. Mas gugustuhin niya pang masugatan, magdugo ang bibig kaysa malaman nito ang totoo."K-Kung gano'n ay magpakasaya kayo riyan, alagaan mo siya habang buhay, 'wag ka nang bumalik at maghiwalay na tayo!" aniyang ang boses ay nanginginig dahil sa sobrang galit. "Katherine!" hiyaw pang muli ni Cain. "Ano pa bang hindi mo maintindihan sa sinabi ko?""E, ako ba, inintindi mo? Ako ang asawa mo pero ni minsan ay hindi mo man lang ako napagbigyan sa kahilingan ko. Pero isang salita lang ni Margaret ay nagkukumahog ka na!""Wala nang sense 'yang sinasabi mo!"Sa inis at sama ng loob ni Katherine ay pinatayan niya ito ng tawag.Magsasalita pa naman sana si Cain pero 'beep' na lamang ang maririnig mula sa kabilang linya. Sa sobrang inis ay hindi niya napigilan ang sarili at binato ang cellphone na tumama sa pader.S
PANDIDIRI ang makikita sa mukha ng mga babaeng naroon nang tingnan ang mga nagkalat na litrato."Huy, babae! Kung inaakala mong madadaan mo kami sa paiyak-iyak mo. Ba't hindi mo kaya muna tingnan ang itsura mo rito sa litrato?""Ano ba 'yan, nakakadiri!" komento ng isa."Jusko! Mahabaging langit.""Ang baboy naman nito!"Hanggang sa hindi na matigil ang mga ito sa pagkomento. Pagsasabi ng kung ano-anong masasamang salita habang si Katherine ay iiling-iling lang.Alam niya sa sariling gawa-gawa lang ang litrato, edited at imposibleng siya iyon dahil hindi niya magagawang maghubad sa harap ng camera. Mahiga sa kama kasama ang ibang lalakeng na ni sa panaginip ay hindi niya pa nakita."Totoo ba 'to, apo?"Umiling-iling si Katherine. "Hindi, 'La. Kahit na kailan ay hindi ko magagawa ang mga bagay na 'yan.""Sinungaling!" saad ng mga babae sa grupo saka muling pinagtulungan si Katherine.Hinawakan sa magkabilang braso upang hindi makapalag."Ano ba, bitawan niyo 'ko!" sigaw ni Katherine.H
MAGKASABAY na nagtungo sa emergency room sina Katherine at Yohan.Nang maiwan si Jean ay dali-dali naman itong naglakad palayo habang kagat-kagat ang sariling kuko. Kabado sa maaaring mangyari sa matanda."Bu*eset, ang simple-simple lang ng utos ko'y 'di pa nila magawa nang maayos. Ano nang gagawin ko?" Nababahala siyang baka mamatay ang Abuela ni Katherine.Hindi siya pwedeng malagay ulit sa alanganin at baka sa susunod ay hindi na siya tulungan ng sariling pamilya.Samantalang si Katherine at Yohan naman ay narating na ang emergency room ngunit sinalubong ng Nurse upang pigilan. "Pasensya na, Ma'am pero hindi kayo pwedeng lumapit.""P-Pero kailangan kong makita si Lola!" pakiusap ni Katherine."Hindi niyo po talaga pwedeng makita ang pasiyente, kritikal po ang kondisyon niya at pilit na nire-revive ng Doctor."Si Yohan naman na nakaalalay ay kinukumbinsi na itong huminahon, "'Wag mo na lang pilitin. Hayaan natin sila. Ang mas mabuti pa ay maghintay na lamang tayo rito."Sa huli ay h
TATLONG ARAW ng napapansin ni Belinda na madalas ang pagkukulong sa kwarto ng anak na si Jean.Labis na siyang nababahala kaya sinadya niya ito. "Anak, pwede ba 'kong pumasok?" aniyang kinakatok ang pinto.Nang walang sumagot mula sa loob ay pinihit niya ang doorknob pero naka-lock naman. "Kung hindi mo 'to bubuksan ay mapipilitan akong pasukin ka sa loob," babala niya pa."'Wag!" hiyaw ni Jean mula sa kabilang dako ng pinto.Ilang sandali pa ay binuksan nito ang pinto saka tiningnan ang Ina na naluluha."Anong nangyayari, ba't ka umiiyak?" kinakabahang tanong ni Belinda. "Magsabi ka para alam ko ang gagawin."Sinabi naman ni Jean ang nangyari tatlong araw na ang nakakalipas."A-Ano?! Bakit mo naman 'yun ginawa?" react ni Belinda sa inamin ng anak."Gusto ko lang naman--" Saka kinagat ang ibabang labi. Hindi niya pwedeng sabihin na ginawa niya ang bagay na iyon ay upang malagl*g ang batang dinadala ni Katherine. Mas lalo siyang mapapahamak kapag nagkataon. "G-Gusto ko lang naman makag
ILANG SANDALI lang matapos na umalis ni Cain ay dumating si attorney Domingo."Good day, nandito ako para kay Mr. Vergara."Bakas ang pagtataka sa mukha ni Joey at napalingon pa sa daan na tinahak ng Presidente. "Kaaalis lang niya, ang sabi ay may pupuntahan siya."Tiningnan naman ni Domingo ang cellphone at wala siyang nakitang reply mula sa mensahe na pinadala. "Wala ba siyang ibang binanggit kung kailan siya babalik at may importante akong papipirmahan sa kanya."Napakunot-noo si Joey saka napagtanto kung bakit tila nagmamadaling umalis si Cain.Umiiwas ito."Sa tingin ko'y nasa parking lot pa siya ngayon, hindi pa tuluyang nakakaalis. Pwede ko naman sabihan ang driver."Sa pagtango ni Domingo ay agad na tinawagan ni Joey ang driver."Ha? Pero ang sabi ni Sir ay umalis--" saad nito sa kabilang linya na agad naputol nang agawin ni Cain."Joey, anong ginagawa mo?!" bakas ang iritasyon sa boses ni Cain."Nandito si attorney Domingo, Sir, may importanteng papipirmahan sa inyo.""Alam k
WALANG ano-ano ay mabilis na tumakbo si Cain patungo sa rooftop. Humabol naman si Joey na makailang beses tinatawag ang pangalan ng amo upang patigilin."Sir, sandali lang! Huminahon po muna kayo!" sigaw ng assistant na hindi man lang magawang makalapit kay Cain dahil sa bilis nitong tumakbo.Sa hina ng resistensya ay nalagpasan pa siya ng ilang security staff sa paghabol.Ngunit sadyang mabilis si Cain. Walang sino man ang nakapigil sa kanya hanggang sa makarating sa rooftop.Malawak ang lugar at malakas ang simoy ng hangin. Ang ihip ay halos bumibingi sa kanya. Pero tuloy lang sa paglalakad si Cain hinahanap sa paligid ang asawa.Hanggang sa likod na bahagi mula sa kaliwa ng entrance ay nakita niya itong nakatayo. Ang mahaba nitong buhok ay nililipad ng hangin. Suot ni Katherine ang asul na hospital gown na bahagya ring nililipad ng hangin.At dahil nakatalikod ito ay malayang nakalapit nang dahan-dahan si Cain. Nang ilang hakbang na lamang ang layo ay nag-ingay naman ang ilang secu
HINAWAKAN ni Cain ang kamay ng Ina na nakaturo sa pinto. "Sa tingin ko'y kayo ang dapat na lumabas." Saka ito marahang hinila."Bitawan mo 'ko! At ako pa talaga ang paaalisin mo? Bastos kang bata ka!" hiyaw ni Helen.Tila naman walang narinig si Cain at inakay na ang Ina palabas ng kwarto kung saan ay naghihintay ang dalawa nitong bodyguard. "Pakihatid na pauwi si Mommy at tapos na siyang bumisita.""Anong sinasabi mo? Kadarating ko lang!" sa pagtaas ng boses ay biglang naubo si Helen."Kita niyo na?! Baka atakihin pa kayo ng asthma rito. Kaya ang mas mabuti pa'y umuwi na kayo at magpahinga," ani Cain na nakakita ng pagkakataon upang maitaboy ang Ina."Ayos lang ako, dahil sa'yo kaya ako nasi-stress," saad naman ni Helen pero hindi na rin nagmatigas pa at nag-aalala rin na baka ma-triggered ang sakit.Beso sa pisngi ang itinugon ni Cain bilang pamamaalam. "Ingat kayo sa pag-uwi."Inis pa rin si Helen kaya hinampas niya ito sa braso. "Kung kailan ka tumanda ay saka ka naman naging pasa
NANGINGINIG sa galit at hiya si Margaret. Hindi niya akalaing gagawin iyon ni Cain sa kanya.Para itong walang puso lalo na nang tingnan siya direkta sa mata habang papasara ang elevator.Paano pala kung may bala ang baril? Edi, bumulagta na siya sa harap ng mga taong naroon?Hiyang-hiya siya sa puntong gusto na lamang niyang magpalamon sa lupa dahil pinagmukha siyang katatawanan at tanga.Nang hawakan siya muli ng dalawang security staff ay hinablot naman niya ang kamay ni Joey. "T-Tulungan mo 'ko, please," naluluha niya pang saad.Ang isang gaya nito ay paniguradong maaawa. At alam niyang marupok ang mga lalake pagdating sa kanya tulad ng nangyari kay Ben. Hindi magtatagal ay makokontrol niya ito at mapapaikot.Ilang sandali pa ay lumapit si Joey at tinapik ang isang security staff. "Pwede na kayong bumalik sa trabaho niyo't ako nang bahala sa kanya."Hindi na rin kumontra ang mga ito at tahimik na umalis.Nang maiwan ang dalawa ay agad na sumandal si Margaret sa katawan nito. "M-Ma
MATAPOS iyong marinig ay bigla na lang kinabahan si Margaret. "P-Para kay Katherine, 'di ba? Kasi kailangan niyang magamot, tama?" aniyang naninigurado.Hindi pwedeng kaya nagpapahanap ito ng mental hospital ay para sa kanya. Hindi nito magagawa ang ganoong bagay.Isang matalim na tingin ang pinukol ni Cain. "Sa tingin ko'y ikaw ang mas higit na nangangailangan ng tulong at hindi ang asawa ko."Nahintakutan si Margaret at umiling-iling. "H-Hindi mo 'to magagawa sa'kin."In-denial ito sa nangyayari pero seryoso si Cain. Pinaghalong init dahil sa kaba at panlalamig ng katawan ang naramdaman ni Margaret ng mga sandaling iyon."Hindi ko alam kung magugustuhan ba ro'n ni Katherine kaya mas mabuting ipadala muna kita para may ideya naman siya kung anong magiging buhay ro'n," ani Cain.Tagaktak na ang pawis ni Margaret ng mga sandaling iyon. Parang gusto niyang maiyak, magmakaawa at kung ano-ano pa huwag lang nito ituloy ang binabalak. Ikababaliw niya talaga sa oras na mapunta sa ganoong kla
HABANG patungo si Lian sa kwarto ng kaibigan ay biglang humarang si Cain."Ano na naman? 'Wag mo sabihing pagsasabihan mo 'kong 'wag pagbabantaan ang babaeng 'yun?""Kung ano man ang nakita mo kanina, 'wag mo na lang sabihin kay Katherine at ayokong dagdagan ang sama ng loob niya."Nagtaas ng kilay si Lian. "Talaga? E, ba't mo ginawa? Kung ayaw mo naman palang sumama ang loob ng kaibigan ko dapat nagpaka-behave ka."Dumilim ang ekspersyon ni Cain. "Binabalaan kita, sa oras na may sabihin ka sa asawa ko'y hindi ako magdadalawang-isip na ipaalam 'to kay Jared."Si Lian naman ngayon ang hindi na maipinta ang ekspresyon. "Pinagbabantaan mo ba 'ko?""Hindi. Magiging banta lang 'yun kapag may sinabi ka.""Whatever. Magsalita man ako o hindi, wala pa ring magbabago. Paniguradong maghihiwalay kayo." Saka tuluyang umalis nang makitang papalapit si Margaret."Cain, ba't mo naman siya hinabol? Pina-delete mo ba ang record para sa'kin?" Alam niyang hindi siya pababayaan ni Cain. Kahit ano pang ka
KUMURAP si Margaret nang ilang beses bago magsalita, "Pinagbibintangan niya lang ako dahil sa pagkawala ng anak niya. Matagal na siyang may galit sa'kin kahit wala naman akong ginagawa kaya kung ano-ano na lang ang sinasabi."Naningkit ang mga mata ni Cain, nangingilatis kung nagsasabi ba talaga ito ng totoo o hindi?"Ba't ganyan ka makatingin, hindi ka naniniwala? Sa tingin mo ba ay magagawa ko 'yun sa kanya? Kilala mo 'ko, Cain, ni hindi ko nga kayang manakit ng insekto, tao pa kaya at isang batang hindi pa isinisilang sa mundo."Bumalik ang normal na ekspresyon ni Cain kaya inisip ni Margaret na naniniwala na ito sa kanya at sinamantala ang pagkakataon. "Takot na takot talaga ako kanina. Buong akala ko'y iyon na ang katapusan ko. Sa'ming dalawa, sino sa tingin mo ang higit na may kakayahang manakit?"Napabuntong-hininga na lamang si Cain. "Kung gano'n ay pasensya na. Masiyado lang akong maraming iniisip.""Ayos lang, Cain. Naiintindihan ko." Akmang lalapit siya at yayakapin ito nan
HANGGANG sa mahagip ng mata ni Katherine ang wheelchair. Kahit nanghihina ay pilit niyang inaabot at nagtagumpay naman siya sabay hila.Sumalpok sa katawan ni Margaret ang wheelchair kaya natumba ito. Nagkaroon ng pagkakataon si Katherine na gumapang palayo ngunit agad nitong hinila ang kanyang buhok."At talagang tatakas ka pa, a!"Iwinasiwas ni Katherine ang kamay na tumama sa braso ni Margaret kaya muli siyang nabitawan. Upang hindi na muling mahabol ay tinadyakan niya ito sa tiyan saka siya tumayo.Hingal na hingal siya habang nakatingin dito. Ilang sandali pa ay dumating si Cain ngunit dahil nakatalikod si Katherine sa bukas na pinto kaya hindi niya ito napansin na nasa hamba ng pintuan.Si Margaret na nasa sahig pa rin ng mga sandaling iyon ay nakaisip ng pagkakataon na pagmukhain itong masama.Awtomatiko siyang umiyak kahit wala naman luha. "Ba't mo ba 'to ginagawa? Binibisita lang naman kita dahil nag-alala ako nang mabalitaan na nakunan ka."Kumuyom ang dalawang kamay ni Kath
PALABAS na nang opisina si Joey nang tumunog ang kanyang cellphone. Tumatawag ang imbestigador na nakausap kanina."Hello, napatawag ka?""Sir, napag-alaman kong ang dumukot kay Miss Katherine ay buhay pa. Pinamukha lang nilang patay na upang hindi matunton ng mga awtoridad.""Inalam mo ba kung nasa'n na ang mga kidnaper?" Sabay lingon kay Cain."Sa ngayon ay pinaghahanap na ng mga tauhan ko. Babalitaan ko na lang kayo mamaya," anito saka binaba ang tawag.Matapos ay pinaalam naman ni Joey ang napag-usapan sa tawag.Napatiim-bagang si Cain, hindi malaman kung matutuwa ba o hindi? Dahil gusto niya talagang mawala na sa mundo ang mga taong nanakit kay Katherine.Ngunit napagtanto niya na mabuti na rin na buhay pa ang mga ito para siya na lamang ang magpaparusa, mas gusto niya ang ganoon.Makalipas ang halos apat na oras ay nakatanggap muli sila ng magandang balita na natunton na ang dumukot kay Katherine at kasalukuyang nasa kamay na ng mga tauhan ng imbestigador na h-in-ired ni Joey.H