NAGSISI si Lian nang ipaalam niya kay Katherine ang tungkol kay Margaret at Cain. Tuloy nawalan ito ng ganang kumain at nagpasiya na lamang na umuwi."Ihahatid na kita," alok niya bilang pampalubag loob sa nagawa."Hindi na kailangan, tapusin mo na lang ang pagkain. Ako na rin ang bahalang magbayad.""Pero sagot ko 'to." Mas lalo tuloy nakokonsensya si Lian pero hindi na ito nagpapigil pa.Sa huli ay wala na rin siyang nagawa at hinayaan si Katherine. Mag-isa niyang in-enjoy ang pagkain kahit medyo nagi-guilty.Paalis na sana si Lian nang makita si Jared na papasok sa restaurant. Bigla siyang pumihit patalikod dahil kung ang binata lang naman ay kaya niya itong harapin pero may kasama, si Sheena.Kahit nasisiguro naman niyang hindi siya nito makikilala ay hindi niya pa rin maiwasang kabahan.Nagpalinga-linga siya sa paligid, nag-iisip ng paraan kung paano lalabas. Sa huli ay napili na lamang niyang magtungo sa restroom at doon magpalipas ng ilang sandali.Naghugas siya ng kamay saka n
PAG-UWI ni Katherine sa mansion ay dire-diretso lang siya sa kwarto. Matapos ma-lock ang pinto ay saka niya tinawagan si Cain. Gusto niya itong makausap para maitanong kung bakit hindi sinabi na kasama nito si Margaret. Pero nakakailang tawag na siya ay hindi pa rin ito sumasagot. Dalawang oras lang naman ang gap sa Pilipinas at sa bansang pinuntahan ni Cain. Sa madaling salita ay hapon pa lang doon, pero bakit hindi nito sinasagot ang kanyang tawag? Samo't saring ideya tuloy ang pumapasok sa utak ni Katherine, na kahit anong pigil at saway sa sarili ay hindi niya mapigilang mag-isip ng kung ano-ano. Hanggang sa nakatulugan niya ang pag-iisip. Tuwing hapon pa naman umaatake ang antok niya. Nagising na lamang siya nang may kumatok sa pinto. Pagtingin sa bintana ay madilim na ang kalangitan. Pagod niyang binuksan ang pinto para harapin ang kasambahay na gumambala sa kanyang tulog. "Ma'am, nakahanda na po ang hapunan," anito. Tumango lang si Katherine habang kinukusot ang mata. "Si
PUMATAK ang luha ni Katherine sa medical record ng kanyang Abuela."Ang totoo ay hindi na umi-epekto ang gamot na binibigay namin sa kanya," saad pa ng Doctor. "Pini-prevent na lamang na mas lalo pang lumala ang kanyang kondisyon.""K-Kung bigyan niyo po siya ng iba pang gamot? 'Yung epektibo. Pakiusap, Dok. Gawin niyo po ang lahat para sa Lola ko. Hindi ko po siya kayang mawala," humihikbing saad ni Katherine.Mabigat na napabuntong-hininga ang Doctor. Bakas ang lungkot at pakikisimpatya para sa nag-iisang pamilya ng pasiyente pero hindi niya nais na paasahin ito."Ang gamot na binibigay namin ang pinaka-best option. Ilang buwan na kong naghahanap ng gamot na pwedeng ipalit sa binibigay namin pero--" Saka umiling. "Mahirap man para sa'king sabihin ito pero... mas mabuti siguro kung iuwi mo na siya. Sulitin ang nalalabing oras niya rito sa mundo."Ang pigil na hikbi ni Katherine ay tuluyan nang lumakas. Wala na siyang pakialam kung para na siyang batang ngumangawa. Maingay at nakakair
NALUKOT ang mukha ni Katherine sa pagpipigil ng emosyon. Hindi niya gustong umiyak at marinig pa ni Cain mula sa kabilang linya.Kaya mariin na lamang niyang kinagat ang ibabang labi. Mas gugustuhin niya pang masugatan, magdugo ang bibig kaysa malaman nito ang totoo."K-Kung gano'n ay magpakasaya kayo riyan, alagaan mo siya habang buhay, 'wag ka nang bumalik at maghiwalay na tayo!" aniyang ang boses ay nanginginig dahil sa sobrang galit. "Katherine!" hiyaw pang muli ni Cain. "Ano pa bang hindi mo maintindihan sa sinabi ko?""E, ako ba, inintindi mo? Ako ang asawa mo pero ni minsan ay hindi mo man lang ako napagbigyan sa kahilingan ko. Pero isang salita lang ni Margaret ay nagkukumahog ka na!""Wala nang sense 'yang sinasabi mo!"Sa inis at sama ng loob ni Katherine ay pinatayan niya ito ng tawag.Magsasalita pa naman sana si Cain pero 'beep' na lamang ang maririnig mula sa kabilang linya. Sa sobrang inis ay hindi niya napigilan ang sarili at binato ang cellphone na tumama sa pader.S
PANDIDIRI ang makikita sa mukha ng mga babaeng naroon nang tingnan ang mga nagkalat na litrato."Huy, babae! Kung inaakala mong madadaan mo kami sa paiyak-iyak mo. Ba't hindi mo kaya muna tingnan ang itsura mo rito sa litrato?""Ano ba 'yan, nakakadiri!" komento ng isa."Jusko! Mahabaging langit.""Ang baboy naman nito!"Hanggang sa hindi na matigil ang mga ito sa pagkomento. Pagsasabi ng kung ano-anong masasamang salita habang si Katherine ay iiling-iling lang.Alam niya sa sariling gawa-gawa lang ang litrato, edited at imposibleng siya iyon dahil hindi niya magagawang maghubad sa harap ng camera. Mahiga sa kama kasama ang ibang lalakeng na ni sa panaginip ay hindi niya pa nakita."Totoo ba 'to, apo?"Umiling-iling si Katherine. "Hindi, 'La. Kahit na kailan ay hindi ko magagawa ang mga bagay na 'yan.""Sinungaling!" saad ng mga babae sa grupo saka muling pinagtulungan si Katherine.Hinawakan sa magkabilang braso upang hindi makapalag."Ano ba, bitawan niyo 'ko!" sigaw ni Katherine.H
MAGKASABAY na nagtungo sa emergency room sina Katherine at Yohan.Nang maiwan si Jean ay dali-dali naman itong naglakad palayo habang kagat-kagat ang sariling kuko. Kabado sa maaaring mangyari sa matanda."Bu*eset, ang simple-simple lang ng utos ko'y 'di pa nila magawa nang maayos. Ano nang gagawin ko?" Nababahala siyang baka mamatay ang Abuela ni Katherine.Hindi siya pwedeng malagay ulit sa alanganin at baka sa susunod ay hindi na siya tulungan ng sariling pamilya.Samantalang si Katherine at Yohan naman ay narating na ang emergency room ngunit sinalubong ng Nurse upang pigilan. "Pasensya na, Ma'am pero hindi kayo pwedeng lumapit.""P-Pero kailangan kong makita si Lola!" pakiusap ni Katherine."Hindi niyo po talaga pwedeng makita ang pasiyente, kritikal po ang kondisyon niya at pilit na nire-revive ng Doctor."Si Yohan naman na nakaalalay ay kinukumbinsi na itong huminahon, "'Wag mo na lang pilitin. Hayaan natin sila. Ang mas mabuti pa ay maghintay na lamang tayo rito."Sa huli ay h
TATLONG ARAW ng napapansin ni Belinda na madalas ang pagkukulong sa kwarto ng anak na si Jean.Labis na siyang nababahala kaya sinadya niya ito. "Anak, pwede ba 'kong pumasok?" aniyang kinakatok ang pinto.Nang walang sumagot mula sa loob ay pinihit niya ang doorknob pero naka-lock naman. "Kung hindi mo 'to bubuksan ay mapipilitan akong pasukin ka sa loob," babala niya pa."'Wag!" hiyaw ni Jean mula sa kabilang dako ng pinto.Ilang sandali pa ay binuksan nito ang pinto saka tiningnan ang Ina na naluluha."Anong nangyayari, ba't ka umiiyak?" kinakabahang tanong ni Belinda. "Magsabi ka para alam ko ang gagawin."Sinabi naman ni Jean ang nangyari tatlong araw na ang nakakalipas."A-Ano?! Bakit mo naman 'yun ginawa?" react ni Belinda sa inamin ng anak."Gusto ko lang naman--" Saka kinagat ang ibabang labi. Hindi niya pwedeng sabihin na ginawa niya ang bagay na iyon ay upang malagl*g ang batang dinadala ni Katherine. Mas lalo siyang mapapahamak kapag nagkataon. "G-Gusto ko lang naman makag
TILA pinipiga ang puso ni Cain sa inaakto ng asawa. Ni minsan ay hindi niya nakitang magalit ng ganito si Katherine."Tama na, 'wag mong gawin 'to," bulong niya pa habang mahigpit itong yakap mula sa likod.Lumuwag ang pagkakahawak ni Katherine sa leeg ni Jean kaya ito umubo-ubo. Kumilos naman agad ang mga tauhan na inilayo ang dalaga upang hindi na muling manganib ang buhay.Agad naman tinakbo ni Belinda ang anak saka ito niyakap. Matapos ay tiningnan nang masama si Katherine. "Walang hiya ka, pagbabayaran mong ginawa mo sa anak ko!""Bagay lang sa kanya 'yun. Kulang pa nga kung tutuusin."Sa sinabi ni Katherine ay napasinghap si Belinda. Pero nang humagulgol ang anak ay ito na ang binigyan niya ng pansin."Mommy! Akala ko mamamat*y na 'ko," iyak ni Jean.Nagngitngit ang bagang ni Belinda saka nanlilisik ang mga matang tiningnan si Katherine. "Humanda ka, hindi ko palalampasin ang ginawa mong 'to!""Subukan niyo lang at ako ang makakaharap niyo," anas ni Cain saka ito tiningnan. "Sa
SUNOD-SUNOD at malalim ang ginawang paghinga ni Katherine. Salita lang ang sinabi ni Cain pero para na siyang maloloka sa kilig. Oo, inaamin na niya sa sariling lumukso ang puso niya sa sinabi nito.Sinubukan naman niyang pigilan ang emosyon pero ito na nga ata ang isa sa pinakapangit niyang katangian... ang pagiging marupok sa lalaking unang nagpatibok at nagwasak ng kanyang puso.Ramdam na niya ang pamumula ng mukha kaya pasimple siyang tumalikod, tinapik-tapik ang pisngi para magising at muntik pang mangiti.Pagkatapos ay tumikhim siya at muli itong hinarap. "Nasa'n ba mga kaibigan mo't ako ang pinupurwisyo mo?" Pagmamataray niya pa."Busy sa mga babae. Walang panahon ang dalawang 'yun na dalawin ako.""E, si Ashley o 'di kaya si Margaret? Siguradong isang tawag mo lang agad silang pupunta para samahan ka.""Ba't naman sila nasali sa usapan? Ikaw ang gusto kong makasama ngayon," ani Cain. Pagkatapos ay dahan-dahang naglakad patungo sa sofa at naupo. "Mag-stay ka muna, please?"Umiw
NANGINIG ang kamay ni Katherine sa inis. "Ang kapal naman talaga ng apog mong sabihin 'yan. Kahit kailan ay hinding-hindi kita sasagutin, manigas ka!"Humalakhak si Cain sa linya. "Kanina pa naninigas."Napasinghap si Katherine at biglang namula ang pisngi sa hiya. "Bastos!"Muling tumawa si Cain. "Anong bastos do'n? Wala naman akong sinabing nakakabastos, a? Ikaw lang 'yung nag-iisip diyan."Nanginig ang ibabang labi ni Katherine sa pagpipigil na sigawan ito sa linya. Sa huli ay pinili na lamang babaan ito ng tawag dahil mas lalo lang siyang mapo-frustrate.Pagkatapos ay tinulungan na lamang niya ang delivery man na ipasok sa apartment ang mga basket."Mukhang mahal na mahal po kayo ng sender nito, Ma'am," komento pa nito.Tipid na pagngiti ang tinugon ni Katherine dahil baka kung ano pang masabi niya at ma-offend lang ito. Ilang sandali pa ay natapos na rin ito sa paghatid ng mga bulaklak. Binigyan niya naman ng maiinom na tubig upang mapawi ang pagod at mainit pa naman sa labas, pi
HINDI na napansin ni Lian ang oras, basta namalayan na lamang niya ang sariling nasa elevator at palabas sa hotel. Walang kabuhay-buhay siyang naglalakad sa may lobby.Para siyang zombie na naglalakad sa kalsada habang patungo sa lugar kung saan niya ipinarada ang kotse. Tuluyan lang siyang nagising nang makita na niya ang sasakyan.Matapos ay mabigat na napabuntong-hininga. "Kailan ba matatapos 'tong paghihirap ko? Ayoko na, pagod na--" Bigla siyang napalingon nang masilaw sa liwanag na nakatutok sa kanya.Nang mga sandaling iyon, sa halip na takot ang maramdaman ni Lian ay napangiti siya. "Sa wakas, dumating na ang katapusan ko," bulong niya sa hangin saka marahang pumikit, tanggap na ang kapalarang sasapitin.Sa isang iglap ay may biglang yumakap kay Lian. Nagpagulong-gulong sila hanggang sa matagpuan na lamang ng dalaga ang sarili sa bisig ni Jared. Takang-taka kung anong ginagawa nito sa lugar na iyon."J-Jared?" nauutal niyang sambit.Bakit pa siya niligtas nito?"Ahh! Jared!" s
KANINA pa wala sa mood si Sheena. Simula kasi ng tumawag si Lian ay parang nasa ibang lugar na ang atensyon ni Jared sa halip na nakatuon sa kanya at sa party. "Puntahan mo na lang kaya ang babae mo!" inis niyang saad.Saka lang napalingon si Jared at asiwang ngumiti sa fiancee. "Ano ka ba, 'wag mo na nga siyang pansinin."Pero nawalan na ng gana si Sheena at nagpasiyang umakyat muna sandali sa suite para magpalamig. Ang naiwan na si Jared ay sinamantala naman ang pagkakataon na tawagan si Lian pero hindi na ito sumasagot. Inisip na lamang niyang umalis na ito at bumiyahe na pabalik.Mayamaya pa ay may lumapit na bodyguard. "Sir, in-inform kami ng nagbabantay sa labas na may babaeng naghahanap sa inyong dalawa ni Ma'am Sheena pero umalis din po agad sila ni Sir Arjo."Napakunot-noo si Jared dahil unang pumasok sa isip niya si Lian. "Magkasama silang umalis?" tanong niya.Tumango naman ito. "Iyon po ang sabi dahil nasa taas raw po kayo ni Ma'am Sheena, 'yun ang sabi ni Sir Arjo sa baba
SANDALING katahimikan ang namayani sa linya hanggang sa muling nagsalita ang kausap ni Lian, "Sa akin lang po 'to, Ma'am pero sa tingin ko'y may sumasabutahe sa'tin. May gustong malugi tayo ng malaki.""P-Pero sino naman? Wala akong natatandaan na may nakaaway sila Daddy sa negosyo..." Saka siya natigilan ng sumagi sa isip si Jared. "Sige, salamat sa pag-inform. Ako nang bahala.""Pero pa'no po, Ma'am?""Mag-iisip ako, basta ikaw na muna ang bahala riyan habang gumagawa ako ng paraan para masolusyunan ang problema."Pagkatapos ng pag-uusap ay sunod naman na tinawagan ni Lian si Jared."Anong kailangan mo? Busy ako.""Nasa'n ka ngayon?"Matagal bago sumagot si Jared dahil maingay sa linya niya. "... Mamaya na lang," iyon lang ang sinabi niya saka binaba ang tawag."S-Sandali--Jared? Jared!" Pabagsak na binaba ni Lian ang phone saka nag-isip ng paraan upang makausap ito. Hanggang sa naisipan niyang tawagan ang assistant nito, "Hello? Mr. Ulysses kasama mo ba si Jared?""Opo, Miss Lian.
LUMIPAS ang dalawang araw at pinayagan na ng Doctor na ma-discharge si Katherine. Si Lian dapat ang susundo sa kanya pero sa hindi malaman na dahilan ay si Luke ang dumating. Ito na rin ang nagligpit ng mga gamit at naglagay ng damit sa bag. Naproseso na rin nito ang discharged papers kaya wala ng poproblemahin si Katherine."Tara na?" ani Luke sabay kuha sa bag.Tumango naman si Katherine saka sila magkasabay na naglakad palabas nang biglang bumukas ang pinto at bumungad si Cain na naka-wheelchair pa, tulak-tulak ni Joey."Sa'n ka pupunta?" tanong ni Cain sa dating asawa pero na kay Luke ang tingin."Na-discharged na 'ko, anong ginagawa niyo rito? Pinayagan ka ng lumabas?"Hindi sumagot si Cain pero umiling naman si Joey kaya napagtanto ni Katherine na tumakas ang mga ito."Bumalik na kayo bago pa kayo mapansin," aniya.Mataman naman tumingin si Cain kay Luke. "Iwan mo muna kami ni Katherine at may kailangan kaming pag-usapan.""Hindi ako aalis," matapang na sagot ni Luke."Joey, kal
ASIWA si Katherine sa kinauupuan. Naiilang siya at nag-aalala na baka mabigatan ito. Kaya kahit nakayakap ang braso ni Cain sa kanyang bewang ay tumayo pa rin siya. "Ang mas mabuti pa ay maupo na lang ako sa tabi--"Mas hinigpitan ni Cain ang pagkakayakap sa bewang nito upang hindi makalayo. "Dito ka lang.""Hindi nga pwede," ani Katherine na pilit inaalis ang braso nito. Napatingin pa siya sa pinto at nakitang nakasilip si Helen kaya mas lalo siyang nagpumilit na tumayo.Hanggang sa tuluyan na ngang nakawala dahil kahit gaano pa kalakas si Cain ay manghihina at manghihina ito kapag galing sa operasyon. Lumayo siya ng bahagya, iyong hindi nito maaabot."Ba't ka lumalayo?""Dahil pasiyente ka at hiwalay na tayo. Hindi tamang umuupo ako sa kandungan mo."Napakunot-noo si Cain, halata ang kalituhan sa mga mata. "Akala ko ba'y napatawad mo na 'ko? Sinabi mo 'yun bago ako mawalan ng malay. 'Wag mo sabihing binabawi mo na?"Si Katherine naman ngayon ang naguguluhan. "Anong sinasabi mo? Oo,
TUMAAS hanggang batok ang inis na nararamdaman ni Marcial sa anak. "Ikaw! Ikaw!" aniya habang dinuro-duro ito. "Wala kang karapatan para kuwestiyunin ang pagiging ama ko! Hindi mo ba naiintindihan na ginagawa ko ito para sa ikabubuti mo!"Siyempre, gumagawa na lamang ng dahilan si Marcial upang makuha ang gusto."Malaki na 'ko para malaman kung ano ang nakabubuti sa'kin o hindi. Kaya hindi ko siya pakakasalan," ani Cain. "Pagod pa 'ko, Dad. Gusto kong magpahinga kaya iwan mo muna ako."Namumula pa rin sa galit si Marcial pero wala rin naman siyang magagawa na dahil ayaw niyang mas lalo pang kaayawan ng anak ang gusto niyang mangyari. Hahayaan niya muna sa ngayon hanggang sa magkaroon ng pagkakataon na makumbinsi ito."Babalik ulit ako at pag-uusapan 'tong muli."Napatiim-bagang si Cain. "'Wag niyo na ipilit ang gusto niyo."Kumuyom ang kamay ni Marcial. "Sa tingin mo ba'y ikabubuti mo ang pananatiling single? Ano na lamang ang sasabihin ng mga nakakakilala sa'tin--""Hindi lahat alam
SAMANTALA, ng mga sandaling iyon ay makikitang naglalakad si Ashley kasama ng Ina sa hallway ng ospital. Nang mabalitaan ng pamilya niya ang nangyari kay Cain ay biglang gusto ng mga itong magtungo sila roon. Hindi naman siya makahindi dahil magagalit ang Ama kaya sinamahan siya ng Ina."Si Marcial ba 'yun?" ani Janette sa anak.Unang nakapansin si Ashley pero sa halip na sa ama ni Cain matuon ang tingin ay nakasunod ang mga mata niya sa papalayong si Katherine. Wala siyang nakuhang balita tungkol dito. Kahit hindi niya ito gusto ay hindi naman bato ang puso niya para hindi makaramdam ng kaunting concern."Sandali--" bago pa man siya makapagpaalam upang lapitan si Katherine ay nahila na siya ng Ina palapit kay Marcial. Kaya tanging pagtanaw na lamang ang nagawa niya.Nang mga sandali ring iyon ay nagising na si Cain. Napatitig siya ng ilang segundo sa kisame bago tuluyang rumagasa sa alaala ang nangyari sa kanilang dalawa ni Katherine. Tinawag-tawag niya ang pangalan nito at nagtangka