Share

Chapter 61

Author: Lirp49
last update Last Updated: 2024-11-19 23:58:35

NALUKOT ang mukha ni Katherine sa pagpipigil ng emosyon. Hindi niya gustong umiyak at marinig pa ni Cain mula sa kabilang linya.

Kaya mariin na lamang niyang kinagat ang ibabang labi. Mas gugustuhin niya pang masugatan, magdugo ang bibig kaysa malaman nito ang totoo.

"K-Kung gano'n ay magpakasaya kayo riyan, alagaan mo siya habang buhay, 'wag ka nang bumalik at maghiwalay na tayo!" aniyang ang boses ay nanginginig dahil sa sobrang galit.

"Katherine!" hiyaw pang muli ni Cain. "Ano pa bang hindi mo maintindihan sa sinabi ko?"

"E, ako ba, inintindi mo? Ako ang asawa mo pero ni minsan ay hindi mo man lang ako napagbigyan sa kahilingan ko. Pero isang salita lang ni Margaret ay nagkukumahog ka na!"

"Wala nang sense 'yang sinasabi mo!"

Sa inis at sama ng loob ni Katherine ay pinatayan niya ito ng tawag.

Magsasalita pa naman sana si Cain pero 'beep' na lamang ang maririnig mula sa kabilang linya. Sa sobrang inis ay hindi niya napigilan ang sarili at binato ang cellphone na tumama sa pader.

S
Locked Chapter
Continue Reading on GoodNovel
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Julia Paca
anu ba yan dami naman problema sa bida
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 62

    PANDIDIRI ang makikita sa mukha ng mga babaeng naroon nang tingnan ang mga nagkalat na litrato."Huy, babae! Kung inaakala mong madadaan mo kami sa paiyak-iyak mo. Ba't hindi mo kaya muna tingnan ang itsura mo rito sa litrato?""Ano ba 'yan, nakakadiri!" komento ng isa."Jusko! Mahabaging langit.""Ang baboy naman nito!"Hanggang sa hindi na matigil ang mga ito sa pagkomento. Pagsasabi ng kung ano-anong masasamang salita habang si Katherine ay iiling-iling lang.Alam niya sa sariling gawa-gawa lang ang litrato, edited at imposibleng siya iyon dahil hindi niya magagawang maghubad sa harap ng camera. Mahiga sa kama kasama ang ibang lalakeng na ni sa panaginip ay hindi niya pa nakita."Totoo ba 'to, apo?"Umiling-iling si Katherine. "Hindi, 'La. Kahit na kailan ay hindi ko magagawa ang mga bagay na 'yan.""Sinungaling!" saad ng mga babae sa grupo saka muling pinagtulungan si Katherine.Hinawakan sa magkabilang braso upang hindi makapalag."Ano ba, bitawan niyo 'ko!" sigaw ni Katherine.H

    Last Updated : 2024-11-20
  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 63

    MAGKASABAY na nagtungo sa emergency room sina Katherine at Yohan.Nang maiwan si Jean ay dali-dali naman itong naglakad palayo habang kagat-kagat ang sariling kuko. Kabado sa maaaring mangyari sa matanda."Bu*eset, ang simple-simple lang ng utos ko'y 'di pa nila magawa nang maayos. Ano nang gagawin ko?" Nababahala siyang baka mamatay ang Abuela ni Katherine.Hindi siya pwedeng malagay ulit sa alanganin at baka sa susunod ay hindi na siya tulungan ng sariling pamilya.Samantalang si Katherine at Yohan naman ay narating na ang emergency room ngunit sinalubong ng Nurse upang pigilan. "Pasensya na, Ma'am pero hindi kayo pwedeng lumapit.""P-Pero kailangan kong makita si Lola!" pakiusap ni Katherine."Hindi niyo po talaga pwedeng makita ang pasiyente, kritikal po ang kondisyon niya at pilit na nire-revive ng Doctor."Si Yohan naman na nakaalalay ay kinukumbinsi na itong huminahon, "'Wag mo na lang pilitin. Hayaan natin sila. Ang mas mabuti pa ay maghintay na lamang tayo rito."Sa huli ay h

    Last Updated : 2024-11-20
  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 64

    TATLONG ARAW ng napapansin ni Belinda na madalas ang pagkukulong sa kwarto ng anak na si Jean.Labis na siyang nababahala kaya sinadya niya ito. "Anak, pwede ba 'kong pumasok?" aniyang kinakatok ang pinto.Nang walang sumagot mula sa loob ay pinihit niya ang doorknob pero naka-lock naman. "Kung hindi mo 'to bubuksan ay mapipilitan akong pasukin ka sa loob," babala niya pa."'Wag!" hiyaw ni Jean mula sa kabilang dako ng pinto.Ilang sandali pa ay binuksan nito ang pinto saka tiningnan ang Ina na naluluha."Anong nangyayari, ba't ka umiiyak?" kinakabahang tanong ni Belinda. "Magsabi ka para alam ko ang gagawin."Sinabi naman ni Jean ang nangyari tatlong araw na ang nakakalipas."A-Ano?! Bakit mo naman 'yun ginawa?" react ni Belinda sa inamin ng anak."Gusto ko lang naman--" Saka kinagat ang ibabang labi. Hindi niya pwedeng sabihin na ginawa niya ang bagay na iyon ay upang malagl*g ang batang dinadala ni Katherine. Mas lalo siyang mapapahamak kapag nagkataon. "G-Gusto ko lang naman makag

    Last Updated : 2024-11-20
  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 65

    TILA pinipiga ang puso ni Cain sa inaakto ng asawa. Ni minsan ay hindi niya nakitang magalit ng ganito si Katherine."Tama na, 'wag mong gawin 'to," bulong niya pa habang mahigpit itong yakap mula sa likod.Lumuwag ang pagkakahawak ni Katherine sa leeg ni Jean kaya ito umubo-ubo. Kumilos naman agad ang mga tauhan na inilayo ang dalaga upang hindi na muling manganib ang buhay.Agad naman tinakbo ni Belinda ang anak saka ito niyakap. Matapos ay tiningnan nang masama si Katherine. "Walang hiya ka, pagbabayaran mong ginawa mo sa anak ko!""Bagay lang sa kanya 'yun. Kulang pa nga kung tutuusin."Sa sinabi ni Katherine ay napasinghap si Belinda. Pero nang humagulgol ang anak ay ito na ang binigyan niya ng pansin."Mommy! Akala ko mamamat*y na 'ko," iyak ni Jean.Nagngitngit ang bagang ni Belinda saka nanlilisik ang mga matang tiningnan si Katherine. "Humanda ka, hindi ko palalampasin ang ginawa mong 'to!""Subukan niyo lang at ako ang makakaharap niyo," anas ni Cain saka ito tiningnan. "Sa

    Last Updated : 2024-11-21
  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 66

    SA SINABING iyon ng asawa ay naglahong bigla ang ngiti sa labi ni Cain.Pinakatitigan niya nang mabuti ang mukha ni Katherine. Hindi ito nabigla sa ibinalita niya at base na rin sa reaksyon ay walang dudang alam nito."Hindi ka nagulat? Matagal mo na bang alam na nagdadalang-tao ka?""Malamang, katawan ko 'to kaya alam ko kung anong nangyayari," sarkasmong tugon ni Katherine."At hindi mo man lang sinabi sa'kin sa dami ng mga nangyari? Ba't mo nagawang ilihim?!" Saka huminga nang malalim. "'Yung nangyaring masama sa'yo no'ng minsan mong tinulungan si Mommy mula ro'n sa nag-snatch ng bag niya. Do'n sa birthday celebration ni Lolo Max na hanggang ngayon ay may bakas pa rin ng sugat mo sa likod. Iyong nahimatay ka sa ospital nang magtalo tayo at dinala ka ni Luke sa kung sa'ng lugar at ngayon, 'tong araw na ito ay dahil buntis ka?! Hindi mo ba naisip ang anak natin sa ginagawa mo?" mahaba niyang litanya."Kaya kong sarili ko, Cain.""Talaga? Kung kaya mo naman pala ang sarili mo, ba't na

    Last Updated : 2024-11-21
  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 67

    NAPATIIM-BAGANG si Cain, naglabasan ang mga ugat niya sa sintido at kamay dahil sa banta ni Katherine."Nasisiraan ka na ba ng bait?! Magagawa mong ipa-ab*rt ang anak natin maghiwalay lang tayo?!"Siyempre, walang katotohanan ang bantang iyon ni Katherine pero kung kinakailangan na gamitin ang anak para makuha ang gusto ay gagawin niya."Matino pa ang isip ko, Cain. Kaya kung ayaw mong tuluyan akong masiraan ng bait ay gawin mong gusto ko, maghiwalay na tayo."Namumula ang mga mata ni Cain ng mga sandaling iyon. Nanginginig siya sa galit at nangangambang baka makalimutang asawa niya ang kaharap at masaktan ito. "Subukan mo lang talagang ipalagl*g ang bata ay tinitiyak ko sa'yong--""Puro ka na lang banta, ba't 'di mo gawin para may rason na tayong maghiwalay. Alam mo, Cain, pagod na pagod na 'kong lagi mong kinukontrol, tinatakot."Sa isang iglap ay bigla itong hinawakan ni Cain nang mahigpit sa kamay. "Isang beses ko lang 'tong uulitin pero hinding-hindi tayo maghihiwalay. Tandaan mo

    Last Updated : 2024-11-22
  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 68

    NABIGLA si Helen sa paraan ng pagbukas ng anak sa pinto. "Anong nangyayari sa'yo? Kulang na lang sirain mo ang pinto."Hindi naman nagkomento si Cain at naupo lang sa isang tabi habang hawak ang sonogram at medical record ni Katherine."Akin na, gusto kong makita si baby," ani Helen.Kaya muling tumayo si Cain para ibigay sa Ina ang hawak habang matalim ang tingin sa asawa.Napansin naman iyon ni Katherine pero binalewala lang dahil ganoon naman ito kanina pag-alis, iritado."Ang ganda niya tingnan," komento ni Helen habang pinagmamasdan ang sonogram. "Hindi na 'ko makapaghintay na makita ang bata," bakas pa ang excitement sa boses.Napaismid si Cain pero si Katherine lang ang nakapansin. Gusto niyang magtanong pero nagpigil siya dahil nakakahiya sa biyenan kung magtatalo sila sa harap nito.Bumalik si Cain sa kinauupuan at nanatili roon nang tahimik. Lumipas ang ilang oras nang tuluyang mapag-isa ang dalawa sa kwarto.Dito na tuluyang hindi nakontrol ni Cain ang sarili. Kinuha niya a

    Last Updated : 2024-11-23
  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 69

    ISANG matalim na tingin lang ang itinugon ni Cain sa tanong ng asawa. Kahit nagpupumiglas na si Katherine ay hindi niya ito binibitawan hanggang sa marating ang master's bedroom.Matapos mailapag sa kama ay nagtangka si Katherine na umalis pero mabilis nang humarang si Cain sa pinto. "Narinig mo 'yung sinabi ko? Hindi ka pwedeng umalis dito hangga't walang permission ko.""Hindi mo pwedeng gawin sa'kin 'to!" ani Katherine saka ito pinaghahahampas sa may dibdib. "Ano ba, Cain, hindi mo 'ko pwedeng ikulong dito!" Sa inis ay hindi na nga siya tuluyang nakapagpigil at sinampal ito sa pisngi.Natigilan at napaling pa nga sa ibang direksyon ang mukha ni Cain. Sa isang iglap, sa kabila ng inis ay maingat niya itong binuhat na parang sako saka nilapag sa kama.Kumaibabaw siya saka tinaas ang binti nito. Sa ginawa ay kitang-kita niya ang gulat at kaba sa mukha ni Katherine."Ba't ka natatakot? 'Di ba't sanay ka naman sa ganito? Nagpat*ra ka nga sa iba, kaya balewala lang sa'yo kung babab*yin k

    Last Updated : 2024-11-24

Latest chapter

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 162

    SA LAKAS ng sampal ay pumutok ang labi ni Gab. Muntik rin siyang matumba dahil sa impact kung hindi lang agad nakabawi. Mahilo-hilo pa siya sa nangyari pero mabilis siyang tumayo ng tuwid sa harap ng Ama habang nakatungo. Hindi niya gugustuhing magtagpo ang tingin nila dahil nakakatakot talaga ito kung magalit."Mukhang masiyado ata kitang hinayaan sa mga kalokohan mo pero sumusobra ka na sa pagkakataong 'to! Hindi lang si Cain ang napahamak ngayon, maging si Katherine at ang anak ni Mr. Bernardo, si Ashley!"Nanatiling nakatungo si Gab habang hawak ang pisnging nasampal ng Ama. "S-Sorry--""Hindi ko kailangan ng sorry mo dahil hindi ako ang nakaratay ngayon, si Cain! Hindi ako ang muntik ng mapahamak sa kamay ng ibang tao kundi si Katherine!"Naglakas-loob si Gab na tingnan ang Ama ngunit agad rin siyang nagsisi ng makita kung gaano ito kagalit. Namumula at nanlilisik ang mga mata na ngayon lang niya nakita sa tanang-buhay.Sa madaling salita ay sukdulan ang nararamdaman nitong galit

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 161

    TILA bumagal ang oras ng mga sandaling iyon para kay Katherine nang mawalan ito ng malay. "C-Cain! Gumising ka!" Tinapik-tapik niya ang pisngi nito ngunit ayaw talagang magmulat ng mata.Nanginig siya sa takot, sandaling natulala at nablangko ang isip. "I-Imulat mo naman ang mga mata mo, please. 'Wag 'yung ganito... tinatakot mo naman ako, e!" Namuo na naman ang luha sa mga mata. Takot na takot siya sa maaaring mangyari. "Cain, sige na, please gumising ka na!" Kulang na lamang ay yugyugin niya ang balikat nito.Mayamaya pa kumunot-noo si Cain habang nakapikit pa rin. "... Katherine... Okay lang ako, nawalan lang ako ng malay, but I'm fine," aniya saka umayos ng pagkakasandal sa passenger seat. "Magmaneho ka na't baka magising pa ang dumukot sa'yo, maabutan tayo rito. Hindi ko alam kung makakaya ko pa silang harapin."Suminghot si Katherine, pinunasan ang pisngi saka muling binuhay ang makina ng sasakyan at nagmaneho paalis sa lugar. Mahigpit ang hawak niya sa manibela dahil hindi niya

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 160

    LUMIPAS ang ilang minuto pero hindi pa rin humihinto ang kotse. Hindi na malaman ni Katherine ang gagawin sa bawat pagdaan ng oras."Matagal pa ba tayong maghihintay? Ba't hindi na lang natin 'to galawin sa tabi? Itago ang kotse para walang makakita," suhestiyon ng lalake.Tumapik-tapik naman sa manibela ang naka-asul. "Mas mainam pa nga't malayo pa 'yung alam kong lugar rito. Tumingin-tingin ka nga sa paligid baka may pwede tayong pagtaguan nitong sasakyan."Sa narinig ay mas naging alerto si Katherine. Nang mapansin niya na unti-unting bumabagal ang takbo ng kotse ay hinanda niya ang sarili sa pagtakas.Hanggang sa dahan-dahang lumiko ang takbo ng sasakyan. Pumasok sila sa masukal na parte, may mga puno at mataas ang talahib."Dito na lang," saad ng lalakeng naka-asul. Saka pinarada ang kotse sa likod ng malaking puno.Pagkalabas na pagkalabas ng driver upang lumipat sa backseat ay bigla na lang binuksan ni Katherine ang pinto sa tabi. Walang lingon na kumaripas ng takbo."Hoy!" hiy

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 159

    KULANG na lamang ay lumuwa ang mga mata ni Gab sa sobrang gulat. Ilang sandali pa ay dumating si Ashley na hinihingal at narinig ang sinabi ni Cain. Tiningnan niya ng matalim si Gab saka nilagpasan sabay sabing, "Ngayon mo lang nalaman? Gosh, what a naive.""Alam mo rin?!" kausap pa ni Gab.Umirap si Ashley sabay lingon. "At first, no. Pero alam ko na ngayon." Saka tiningnan ang dalawang lalake. "Ang mas mabuti pa'y umalis na kayo--" Sabay turo kay Cain. "He's a professional boxer."Nang marinig iyon ng dalawa ay dali-daling umalis ang mga ito, lakad-takbo pa nga ang ginawa.Nang tuluyang makalayo ang mga ito ay saka lang nakahinga nang maluwag si Katherine sabay tingin sa dating asawa. "Salamat.""Siguradong ayos ka lang, wala silang ginawa sa'yong masama?" bakas ang pag-aalala sa boses ni Cain.Tumango si Katherine saka bumalik sa van. Nang mga sandaling iyon din ay bumalik ang driver na nagtataka kung bakit naroon na ang tatlo. "M-May nangyari ba?" takang tanong nito habang kakamot

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 158

    NABIGLA si Gab sa pagtaas ng boses ng pinsan. Hindi niya maintindihan kung bakit ito nagagalit. "A-Anong problema?"Sa halip na sumagot ay naglakad palayo si Cain upang sundan ang dating asawa. "Sandali lang, Katherine!" aniya saka ito mabilis na hinarangan.Isang matalim na tingin ang pinukol ni Katherine. "Tabi at aalis na 'ko sa lugar na 'to."Marahan naman hinawakan ni Cain ang braso nito. "Pero wala kang masasakyan dito, kung meron man kailangan mong maghintay ng ilang minuto or worst, ilang oras pa.""Bakit niyo ba kasi ako sinama rito?!"Napabuntong-hininga si Cain saka namewang. "Hindi ko naman alam na hindi pala sinabi sa'yo ni Gab. Iyang pinsan kong 'yan ay pasaway talaga. Malamang sinadya niya 'to kasi siguradong hindi ka papayag lalo na ang school. Pero sinama ka pa rin niya in-case na malaman ni Yohan at ng school ay ikaw ang gagamitin niyang panangga.""Kainis, kaya pala biglang bumait. Iyon pala may ibang binabalak ang pasaway na batang 'yan," ani Katherine."So, pa'no.

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 157

    HABANG nakahiga si Lian sa ospital bed ay bigla na lamang humawi ang divider curtain at sumulpot si Jared. "Akala ko'y umalis ka na," aniya. "Kasasabi ko lang na magpupunta ako sa restroom, 'di ba?" "Pero ang sabi ng Nurse ay sa kabilang direksyon ang restroom hindi sa pinuntahan mo," ani Lian. Napakunot-noo si Jared. "Ba't ang dami mong tanong? Malay ko, naligaw nga ako kakahanap, e," pagsisinungaling niya pa. Matapos ay nagsukatan ng tingin ang dalawa pero siya ang unang nag-iwas. "Anong oras na ba? Baka pwede ka ng payagan na umalis?" Nagbaba ng tingin si Lian. "Hindi ko alam, ba't hindi mo tanungin do'n sa counter?" Napabuga ng hangin si Jared saka muling umalis. "Sandali lang, babalik--" Nagambala siya ng pagtunog ng phone. Nang tingnan kung sino ang caller ay bigla siyang napatingin kay Lian sabay sagot sa tawag, "Hello, Sheena?" Nakagat ni Lian ang ibabang labi sabay iwas tingin. Dumating na sa eksena ang tunay na nobya kaya walang duda na... "Sige, papunta na 'k

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 156

    NAKAKALADLAD na ni Jared ang dating nobya dahil sa galit na nararamdaman. Si Lian naman ay pilit na binabawi ang kamay na mahigpit nitong hawak."S-Sa'n mo ba ako dadalhin?!"Pero hindi sumagot si Jared na tuloy-tuloy lang pababa ng hagdan. Tumigil lang siya nang nasa tapat na ng kotse. "Sakay." Saka pabalya itong binitawan.Hinawakan naman ni Lian ang kamay na namumula saka ito tiningnan nang matalim. "Ano bang problema mo? Tingnan mong ginawa mo, naiwan ko sa loob ang isang pares ng sapatos ko!"Nagbaba ng tingin si Jared at napagtantong nakayapak na nga lang ang kanan nitong paa.Naglakad si Lian pabalik upang kunin ang naiwan na sapatos nang harangan ni Jared."Babalik ka ro'n?!""Malamang, naiwan ko 'yung sapatos ko" pamimilosopo niya pa."Sapatos mo lang ba talaga ang gusto mong balikan o may iba pa?" makahulugang tanong ni Jared.Napanganga si Lian. "Seriously?! Nasasabi mo pa talaga 'yan sa'kin, e, ikaw naman 'tong ginagawa akong pokp*k! O, ngayong ginagawa ko'y nagagalit ka!"

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 155

    NASASAKTAN na si Lian sa ginagawa nito kaya nagpumiglas siya. Ngunit kahit anong gawin ay hindi niya kayang tapatan ang lakas ni Jared.“T-Tama na, please. Masakita na,” pakiusap pa niya pero tila ito bingi.“Tingin mo ba talaga ay kaya mo ‘kong bilugin? Paglaruan?” magaspang at nanggagalaiting saad ni Jared.Nahihirapan ng huminga si Lian ng mga sandaling iyon nang sa wakas ay pinakawalan nito. Halos mapaupo siya sa sahig nang marahas na hilahin ni Jared ang kanyang braso sabay tulak paupo sa mahabang sofa.Nang iangat ang tingin ay napapikit siya nang mag-akalang susuntukin nito pero ang sumunod na pangyayari ang nagpakaba sa kanya. Narinig niya ang boses ni Katherine kaya nagmulat siya ng mata, sa harap niya ang cellphone nitong nagpi-play ang isang video clip kung saan ay makikita silang dalawa ng kaibigan na nag-uusap.“S-Si-Sinong kumuha niyan?!” Akmang aagawin niya ang phone nang ilayo nito.Umismid si Jared ng makita ang takot sa mukha nito. Kung bukas lang marahil ang ilaw ay

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 154

    PABAGSAK na sinara ni Jared ang pinto ng sasakyan. Malamig ang simoy ng hangin ng mga sandaling iyon pero dahil sa nakainom na ay tila balewala na lamang sa kanya. Matapos ay tiningala ang gusali sa harap, nasa 10th floor ang kanyang condo at naghihintay na roon si Lian.Bago naglakad papasok ay tsinek niya muna ang phone, may message sa kanya si Lian pero hindi na muna niya binasa.“Magandang gabi, Sir,” saad pa ng Guard na tinanguan ni Jared.Sumakay siya sa elevator na may kakaibang excitement na hindi niya maipaliwanag. Paglabas ay naglakad siya sa unit at bubuksan na dapat ang pinto ng tumunog ang phone. May dalawang video siyang natanggap na ipinagtaka niya.Ang unang video clip ay hindi niya masiyadong maintindihan dahil pawang nakatalikod na dalawang babae lang naman ang makikita hanggang sa nagsalita ang isa, "Mahal mo pa ba si Jared?"Nanlaki ang mata niya dahil boses iyon ni Katherine."Hindi pa ‘ko nasisiraan ng bait. Pinakikisamahan ko lang siya dahil iyon lang ang kaya k

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status