Share

Chapter 68

Author: Lirp49
last update Last Updated: 2024-11-23 17:09:28

NABIGLA si Helen sa paraan ng pagbukas ng anak sa pinto. "Anong nangyayari sa'yo? Kulang na lang sirain mo ang pinto."

Hindi naman nagkomento si Cain at naupo lang sa isang tabi habang hawak ang sonogram at medical record ni Katherine.

"Akin na, gusto kong makita si baby," ani Helen.

Kaya muling tumayo si Cain para ibigay sa Ina ang hawak habang matalim ang tingin sa asawa.

Napansin naman iyon ni Katherine pero binalewala lang dahil ganoon naman ito kanina pag-alis, iritado.

"Ang ganda niya tingnan," komento ni Helen habang pinagmamasdan ang sonogram. "Hindi na 'ko makapaghintay na makita ang bata," bakas pa ang excitement sa boses.

Napaismid si Cain pero si Katherine lang ang nakapansin. Gusto niyang magtanong pero nagpigil siya dahil nakakahiya sa biyenan kung magtatalo sila sa harap nito.

Bumalik si Cain sa kinauupuan at nanatili roon nang tahimik. Lumipas ang ilang oras nang tuluyang mapag-isa ang dalawa sa kwarto.

Dito na tuluyang hindi nakontrol ni Cain ang sarili. Kinuha niya a
Locked Chapter
Continue Reading on GoodNovel
Scan code to download App
Comments (9)
goodnovel comment avatar
Yeng Bona
update sa 107!!! please
goodnovel comment avatar
Delialyn Dangit
update na po please.....
goodnovel comment avatar
Maria Victoria Navato
next chapter po please
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 69

    ISANG matalim na tingin lang ang itinugon ni Cain sa tanong ng asawa. Kahit nagpupumiglas na si Katherine ay hindi niya ito binibitawan hanggang sa marating ang master's bedroom.Matapos mailapag sa kama ay nagtangka si Katherine na umalis pero mabilis nang humarang si Cain sa pinto. "Narinig mo 'yung sinabi ko? Hindi ka pwedeng umalis dito hangga't walang permission ko.""Hindi mo pwedeng gawin sa'kin 'to!" ani Katherine saka ito pinaghahahampas sa may dibdib. "Ano ba, Cain, hindi mo 'ko pwedeng ikulong dito!" Sa inis ay hindi na nga siya tuluyang nakapagpigil at sinampal ito sa pisngi.Natigilan at napaling pa nga sa ibang direksyon ang mukha ni Cain. Sa isang iglap, sa kabila ng inis ay maingat niya itong binuhat na parang sako saka nilapag sa kama.Kumaibabaw siya saka tinaas ang binti nito. Sa ginawa ay kitang-kita niya ang gulat at kaba sa mukha ni Katherine."Ba't ka natatakot? 'Di ba't sanay ka naman sa ganito? Nagpat*ra ka nga sa iba, kaya balewala lang sa'yo kung babab*yin k

    Last Updated : 2024-11-24
  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 70

    NAMAYANI ang katahimikan sa dalawa. Kahit ang daming gustong sabihin ni Levi ay hindi niya pinangunahan ang kaibigan.Simula nang ikasal kay Katherine ay nakokontrol naman nito ang sarili kaya hindi na niya binibigyan ng gamot, dalawang taon na ang nakakalipas. Pero nitong nakaraang buwan at linggo ay parang bumabalik na naman ito sa dati.Ilang minuto ang lumipas at inom lang nang inom si Cain kaya nagsalita na siya, "Kung may problema, pwede mo naman sabihin sa'kin ng diretso. Kahit papaano ay ako pa rin naman ang Doctor mo."Rumehistro ang iritasyon sa mukha ni Cain saka napasuklay sa buhok gamit ang sariling kamay pero hindi naman nagsalita.Napabuntong-hininga si Levi dahil mukhang kailangan na niyang manghula kung anong pinoproblema ng kaibigan, "Tungkol na naman ba kay Katherine? Siya lang naman ang lagi mong pinoproblema, nag-away na naman kayo?"Sa totoo lang ay hindi na niya kailangan pang tanungin dahil nasisiguro naman niyang si Katherine talaga. Ni minsan ay hindi ito nam

    Last Updated : 2024-11-24
  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 71

    MAGKAGANOON man ay hindi sumama ang loob ni Jean dahil may tiwala siya sa kaibigan. Hindi ugali ni Margaret ang mang-iwan sa ere.Si Eduardo naman ay problemadong-problemado kaya nilapitan na ni Belinda upang pakalmahin. "Hon, huminahon ka at baka mapano ka pa. 'Wag kang mag-alala at ako nang bahalang dumisiplina sa anak natin," in-emphasize niya pa ang salitang 'anak'."Sa tingin mo 'yan lang ang pinoproblema ko?!" Saka nilabas sa bulsa ang cellphone. "Tingnan mo kung anong kahihiyan ang pinaggagawa ng anak mo na 'yan." Saka pinakita ang screen.Makikita sa social media ang isang blind item tungkol kay Jean na halatang-halata namang ito ang tinutukoy. Dahil hindi gaanong blurred ang naturang picture.Na itinago pa sa alyas na J.Lo.Nang makita ni Jean ang sariling mukha sa picture ay mabilis niyang hinablot ang cellphone. "S-Sinong kumuha nito?!""At talagang nagtatanong ka pa?! Nakakahiya ka!" si Eduardo.Si Belinda naman na hindi masiyadong natitigan ang picture ay inagaw na rin mu

    Last Updated : 2024-11-25
  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 72

    PANAY padyak at dabog si Jean habang nasa hotel sila ng Ina. "Hanggang kailan tayo rito, Mommy?" aniya habang kagat-kagat ang sariling kuko."Hindi ko alam, gumagawa pa 'ko ng paraan. Baka may mga amiga akong pwede tayong patuluyin," ani Belinda."'Wag ka nang umasa, 'Mmy. Hindi nga tayo tinanggap do'n sa kapatid ni Lola dahil sa utos ni Lolo. Paniguradong ganoon din ang mangyayari kahit makiusap ka pa sa mga kaibigan mo." Saka kinuha ang cellphone. "Ako ang gagawa ng paraan."Matapos ay isa-isang tinawagan ang mga kaibigan pero ni isa ay walang gustong tumulong.Sa inis ay napatili si Jean. "Hindi 'to maaari, ang kakapal ng mga mukha nila! Matapos dumikit-dikit sa'kin para makilala ang mga losers na 'yun ang gaganituhin nila ako?! Mga walang utang na loob!""Huminahon ka, baka mapaalis naman tayo rito dahil maingay ka," saway ni Belinda.Kaya kahit gusto nang magwala ay kumalma si Jean saka lumabas sa hotel room."Sa'n ka pupunta?" ani Belinda."Maghahanap ng paraan para magkapera, h

    Last Updated : 2024-11-25
  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 73

    MAS LALONG natuwa si Margaret sa sinabi nito pero hindi siya nagpahalata.Bagkos ay ipinakita niyang nababahala siya sa gagawin nito. "Jean, baka naman mapahamak ka. 'Wag mo nang i-provoke pa si Cain."Pero masiyado nang nilamon nang galit si Jean. "Wala akong pakialam, hinding-hindi ako titigil hangga't hindi nakakaganti!"Matapos ay walang sinayang na oras si Jean at nagpaalam na. Pagkalabas sa pinto ay saka lang sumilay ang ngiti sa labi ni Margaret. Hindi na siya makapaghintay sa susunod nitong gagawin.Si Lyn naman ay napatingin sa alaga. "Hindi ka ba nababahala? Baka kung anong gawin ng kaibigan mo na 'yun. Para na siyang nasisiraan ng bait, baka ano pang gawin niya at madamay ka.""Don't worry, Ate. Madali lang naman i-deny lahat kapag nagka-ipitan na. Saka, narinig mo naman ang sinabi ko kanina. Pinaalala ko sa kanyang hindi tama kung anong binabalak niya. Siya lang itong nagpupumilit na makaganti." Saka tumingin sa CCTV camera at tinuro pa. "May proweba naman tayo in-case na

    Last Updated : 2024-11-25
  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 74

    HINDI lang takot ang naramdaman ni Katherine matapos iyong sabihin ni Cain. Dahil mas tumindi ang pagkamuhi niya rito.Sa isang iglap ay naging halimaw ang tingin niya rito. Hindi siya makapaniwala na lalabas sa bibig ni Cain ang ganoon salita.Gusto nitong mawala ang sariling anak!Mabilis niyang binawi ang kamay at lumayo rito. "H-Hindi mo masasaktan ang anak ko!"Ngunit kahit anong layo at atras ni Katherine ay na-corner pa rin siya nito at binuhat para maisakay sa kotse."Ayoko, Cain! Please, 'wag mong sasaktan ang anak ko!" hiyaw niya pa.Ang mga katulong na naroon, maging si Lourdes ay napakasugod na upang alamin kung anong nangyayari kaguluhan. "A-Anong nangyayari, sa'n mo siya dadalhin, Cain?"Hindi naman ito sumagot hanggang sa makalabas ng mansion.Kahit anong pagpupumiglas pa ang gawin ni Katherine ay hindi siya makawala sa higpit ng pagkakahawak nito. Hanggang sa maisakay siya sa kotse at bago pa siya magtangkang tumakas ay pinaharurot na ni Cain paalis."M-Magdahan-dahan

    Last Updated : 2024-11-28
  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 75

    DUMAAN ang tuwa sa mga mata ni Cain nang marinig iyon. Ngunit agad ring naglaho nang maalala ang medical record.Kaya mas lalo siyang nagngitngit sa galit. Nang mapansin iyon ni Katherine ay hindi niya maiwasang mabahala dahil paano nga naman niya patutunayan ang totoo?Magkaganoon man ay kailangan niya pa ring subukan."N-Nang sabihin mong fifteen weeks na 'ko ay hindi rin ako makapaniwala. Pero nang makita ko na galit na galit ka... naisip ko na baka iyon na ang chance ko para pumayag ka nang makipaghiwalay kaya sinabi kong hindi sa'yo ang bata.""Ano?!" Sumugod si Cain saka hinawakan ang braso nito. "Dahil lang sa gusto mong maghiwalay tayo ay gagawa ka ng kuwento?!"Kahit natatakot ay tiningnan ito ni Katherine sa mga mata. "Kung gano'n ay naniniwala ka na sa'kin? Mas paniniwalaan mo ba ako kaysa ro'n sa medical record?"Huminahon nang bahagya si Cain dahil may parte sa kanyang nagsasabing dapat niyang paniwalaan ang asawa... Kung hindi lang biglang dumating si Luke."Katherine! A

    Last Updated : 2024-11-28
  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 76

    NAPAPALUNOK ng laway ang Doctor dahil kailangan na magtagumpay siya. Dahil kung hindi ay kailangan niyang managot."Magdesisyon ka na, Sir at baka maging huli na ang lahat para sa mag-ina mo," pangungumbinsi pa ng Doctor.Napapaisip naman si Cain kung ano ang kanyang dapat gawin. Gusto niyang iligtas si Katherine pero sumasagi sa isip niya ang sinabi nito.Na kanya ang bata... paano kung nagsasabi talaga ito ng totoo?Kaya nakapagdesisyon na siya. "Iligtas niyo silang pareho, Dok.""Sige, ipahahanda ko ang-- A-Ano? P-Pareho mo silang gustong iligtas?" saad ng Doctor, buong akala ay nagtagumpay na siya."Oo, gusto kong gawin niyo ang lahat, Dok para iligtas ang mag-ina ko," ani Cain kahit hindi pa naman talaga siya sigurado kung kanya o hindi ang dinadala ng asawa.Rumehistro ang kalituhan sa mukha ng Doctor. Gustuhin niya mang kumbinsihin ay baka makahalata naman ito."S-Sigurado ka ba? Buhay 'to ng--" bago pa man matapos ang sasabihin ay may dumating na Doctor para sa ibang pasiyente

    Last Updated : 2024-11-28

Latest chapter

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 167

    LUMIPAS ang dalawang araw at pinayagan na ng Doctor na ma-discharge si Katherine. Si Lian dapat ang susundo sa kanya pero sa hindi malaman na dahilan ay si Luke ang dumating. Ito na rin ang nagligpit ng mga gamit at naglagay ng damit sa bag. Naproseso na rin nito ang discharged papers kaya wala ng poproblemahin si Katherine."Tara na?" ani Luke sabay kuha sa bag.Tumango naman si Katherine saka sila magkasabay na naglakad palabas nang biglang bumukas ang pinto at bumungad si Cain na naka-wheelchair pa, tulak-tulak ni Joey."Sa'n ka pupunta?" tanong ni Cain sa dating asawa pero na kay Luke ang tingin."Na-discharged na 'ko, anong ginagawa niyo rito? Pinayagan ka ng lumabas?"Hindi sumagot si Cain pero umiling naman si Joey kaya napagtanto ni Katherine na tumakas ang mga ito."Bumalik na kayo bago pa kayo mapansin," aniya.Mataman naman tumingin si Cain kay Luke. "Iwan mo muna kami ni Katherine at may kailangan kaming pag-usapan.""Hindi ako aalis," matapang na sagot ni Luke."Joey, kal

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 166

    ASIWA si Katherine sa kinauupuan. Naiilang siya at nag-aalala na baka mabigatan ito. Kaya kahit nakayakap ang braso ni Cain sa kanyang bewang ay tumayo pa rin siya. "Ang mas mabuti pa ay maupo na lang ako sa tabi--"Mas hinigpitan ni Cain ang pagkakayakap sa bewang nito upang hindi makalayo. "Dito ka lang.""Hindi nga pwede," ani Katherine na pilit inaalis ang braso nito. Napatingin pa siya sa pinto at nakitang nakasilip si Helen kaya mas lalo siyang nagpumilit na tumayo.Hanggang sa tuluyan na ngang nakawala dahil kahit gaano pa kalakas si Cain ay manghihina at manghihina ito kapag galing sa operasyon. Lumayo siya ng bahagya, iyong hindi nito maaabot."Ba't ka lumalayo?""Dahil pasiyente ka at hiwalay na tayo. Hindi tamang umuupo ako sa kandungan mo."Napakunot-noo si Cain, halata ang kalituhan sa mga mata. "Akala ko ba'y napatawad mo na 'ko? Sinabi mo 'yun bago ako mawalan ng malay. 'Wag mo sabihing binabawi mo na?"Si Katherine naman ngayon ang naguguluhan. "Anong sinasabi mo? Oo,

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 165

    TUMAAS hanggang batok ang inis na nararamdaman ni Marcial sa anak. "Ikaw! Ikaw!" aniya habang dinuro-duro ito. "Wala kang karapatan para kuwestiyunin ang pagiging ama ko! Hindi mo ba naiintindihan na ginagawa ko ito para sa ikabubuti mo!"Siyempre, gumagawa na lamang ng dahilan si Marcial upang makuha ang gusto."Malaki na 'ko para malaman kung ano ang nakabubuti sa'kin o hindi. Kaya hindi ko siya pakakasalan," ani Cain. "Pagod pa 'ko, Dad. Gusto kong magpahinga kaya iwan mo muna ako."Namumula pa rin sa galit si Marcial pero wala rin naman siyang magagawa na dahil ayaw niyang mas lalo pang kaayawan ng anak ang gusto niyang mangyari. Hahayaan niya muna sa ngayon hanggang sa magkaroon ng pagkakataon na makumbinsi ito."Babalik ulit ako at pag-uusapan 'tong muli."Napatiim-bagang si Cain. "'Wag niyo na ipilit ang gusto niyo."Kumuyom ang kamay ni Marcial. "Sa tingin mo ba'y ikabubuti mo ang pananatiling single? Ano na lamang ang sasabihin ng mga nakakakilala sa'tin--""Hindi lahat alam

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 164

    SAMANTALA, ng mga sandaling iyon ay makikitang naglalakad si Ashley kasama ng Ina sa hallway ng ospital. Nang mabalitaan ng pamilya niya ang nangyari kay Cain ay biglang gusto ng mga itong magtungo sila roon. Hindi naman siya makahindi dahil magagalit ang Ama kaya sinamahan siya ng Ina."Si Marcial ba 'yun?" ani Janette sa anak.Unang nakapansin si Ashley pero sa halip na sa ama ni Cain matuon ang tingin ay nakasunod ang mga mata niya sa papalayong si Katherine. Wala siyang nakuhang balita tungkol dito. Kahit hindi niya ito gusto ay hindi naman bato ang puso niya para hindi makaramdam ng kaunting concern."Sandali--" bago pa man siya makapagpaalam upang lapitan si Katherine ay nahila na siya ng Ina palapit kay Marcial. Kaya tanging pagtanaw na lamang ang nagawa niya.Nang mga sandali ring iyon ay nagising na si Cain. Napatitig siya ng ilang segundo sa kisame bago tuluyang rumagasa sa alaala ang nangyari sa kanilang dalawa ni Katherine. Tinawag-tawag niya ang pangalan nito at nagtangka

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 163

    UPANG itago ang nararamdamang hiya ni Ashley ay tinulak niya si Gab saka nagmartsa papasok sa kotse. Ang naiwan na binatilyo ay agad naman sumunod."Hindi mo naman ako kailangang itulak, muntik na 'kong matumba kanina," nagtatampong saad ni Gab."E, pano nangyayaka--" Mabilis na kinagat ni Ashley ang ibabang labi bago pa masabi ang hindi dapat. Nakakahiya lalo pa at kasama nila ang driver. "Kuya, umalis na tayo," utos niya na lamang."Masusunod po, Ma'am," anito saka mabilis na nagmaneho paalis sa lugar.Si Gab naman ay nanlalabo na ang paningin pero maayos pa ang pag-iisip. "Ayokong umuwi, sa bar tayo, Kuya."Tumaas ang kilay ni Ashely sa inis. "Naiintindihan mo ba ang sinabi ko kanina?!""Ayoko nga, kung may iba kang alam na lugar na pwede akong mag-stay ay--""Wala, 'kay?!" singhal ni Ashley.Ngunit hindi sumuko si Gab na hinawakan ang kamay ng dalaga, naglalambing. "Sige na~"Bumilis ang kabog ng dibdib ni Ashley at sa isang iglap ay binawi ang kamay saka lumipat sa passenger seat

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 162

    SA LAKAS ng sampal ay pumutok ang labi ni Gab. Muntik rin siyang matumba dahil sa impact kung hindi lang agad nakabawi. Mahilo-hilo pa siya sa nangyari pero mabilis siyang tumayo ng tuwid sa harap ng Ama habang nakatungo. Hindi niya gugustuhing magtagpo ang tingin nila dahil nakakatakot talaga ito kung magalit. "Mukhang masiyado ata kitang hinayaan sa mga kalokohan mo pero sumusobra ka na sa pagkakataong 'to! Hindi lang si Cain ang napahamak ngayon, maging si Katherine at ang anak ni Mr. Ricafuerte, si Ashley!" Nanatiling nakatungo si Gab habang hawak ang pisnging nasampal ng Ama. "S-Sorry--" "Hindi ko kailangan ng sorry mo dahil hindi ako ang nakaratay ngayon, si Cain! Hindi ako ang muntik ng mapahamak sa kamay ng ibang tao kundi si Katherine!" Naglakas-loob si Gab na tingnan ang Ama ngunit agad rin siyang nagsisi ng makita kung gaano ito kagalit. Namumula at nanlilisik ang mga mata na ngayon lang niya nakita sa tanang-buhay. Sa madaling salita ay sukdulan ang nararamdaman n

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 161

    TILA bumagal ang oras ng mga sandaling iyon para kay Katherine nang mawalan ito ng malay. "C-Cain! Gumising ka!" Tinapik-tapik niya ang pisngi nito ngunit ayaw talagang magmulat ng mata.Nanginig siya sa takot, sandaling natulala at nablangko ang isip. "I-Imulat mo naman ang mga mata mo, please. 'Wag 'yung ganito... tinatakot mo naman ako, e!" Namuo na naman ang luha sa mga mata. Takot na takot siya sa maaaring mangyari. "Cain, sige na, please gumising ka na!" Kulang na lamang ay yugyugin niya ang balikat nito.Mayamaya pa kumunot-noo si Cain habang nakapikit pa rin. "... Katherine... Okay lang ako, nawalan lang ako ng malay, but I'm fine," aniya saka umayos ng pagkakasandal sa passenger seat. "Magmaneho ka na't baka magising pa ang dumukot sa'yo, maabutan tayo rito. Hindi ko alam kung makakaya ko pa silang harapin."Suminghot si Katherine, pinunasan ang pisngi saka muling binuhay ang makina ng sasakyan at nagmaneho paalis sa lugar. Mahigpit ang hawak niya sa manibela dahil hindi niya

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 160

    LUMIPAS ang ilang minuto pero hindi pa rin humihinto ang kotse. Hindi na malaman ni Katherine ang gagawin sa bawat pagdaan ng oras."Matagal pa ba tayong maghihintay? Ba't hindi na lang natin 'to galawin sa tabi? Itago ang kotse para walang makakita," suhestiyon ng lalake.Tumapik-tapik naman sa manibela ang naka-asul. "Mas mainam pa nga't malayo pa 'yung alam kong lugar rito. Tumingin-tingin ka nga sa paligid baka may pwede tayong pagtaguan nitong sasakyan."Sa narinig ay mas naging alerto si Katherine. Nang mapansin niya na unti-unting bumabagal ang takbo ng kotse ay hinanda niya ang sarili sa pagtakas.Hanggang sa dahan-dahang lumiko ang takbo ng sasakyan. Pumasok sila sa masukal na parte, may mga puno at mataas ang talahib."Dito na lang," saad ng lalakeng naka-asul. Saka pinarada ang kotse sa likod ng malaking puno.Pagkalabas na pagkalabas ng driver upang lumipat sa backseat ay bigla na lang binuksan ni Katherine ang pinto sa tabi. Walang lingon na kumaripas ng takbo."Hoy!" hiy

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 159

    KULANG na lamang ay lumuwa ang mga mata ni Gab sa sobrang gulat. Ilang sandali pa ay dumating si Ashley na hinihingal at narinig ang sinabi ni Cain. Tiningnan niya ng matalim si Gab saka nilagpasan sabay sabing, "Ngayon mo lang nalaman? Gosh, what a naive.""Alam mo rin?!" kausap pa ni Gab.Umirap si Ashley sabay lingon. "At first, no. Pero alam ko na ngayon." Saka tiningnan ang dalawang lalake. "Ang mas mabuti pa'y umalis na kayo--" Sabay turo kay Cain. "He's a professional boxer."Nang marinig iyon ng dalawa ay dali-daling umalis ang mga ito, lakad-takbo pa nga ang ginawa.Nang tuluyang makalayo ang mga ito ay saka lang nakahinga nang maluwag si Katherine sabay tingin sa dating asawa. "Salamat.""Siguradong ayos ka lang, wala silang ginawa sa'yong masama?" bakas ang pag-aalala sa boses ni Cain.Tumango si Katherine saka bumalik sa van. Nang mga sandaling iyon din ay bumalik ang driver na nagtataka kung bakit naroon na ang tatlo. "M-May nangyari ba?" takang tanong nito habang kakamot

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status