DUMAAN ang tuwa sa mga mata ni Cain nang marinig iyon. Ngunit agad ring naglaho nang maalala ang medical record.Kaya mas lalo siyang nagngitngit sa galit. Nang mapansin iyon ni Katherine ay hindi niya maiwasang mabahala dahil paano nga naman niya patutunayan ang totoo?Magkaganoon man ay kailangan niya pa ring subukan."N-Nang sabihin mong fifteen weeks na 'ko ay hindi rin ako makapaniwala. Pero nang makita ko na galit na galit ka... naisip ko na baka iyon na ang chance ko para pumayag ka nang makipaghiwalay kaya sinabi kong hindi sa'yo ang bata.""Ano?!" Sumugod si Cain saka hinawakan ang braso nito. "Dahil lang sa gusto mong maghiwalay tayo ay gagawa ka ng kuwento?!"Kahit natatakot ay tiningnan ito ni Katherine sa mga mata. "Kung gano'n ay naniniwala ka na sa'kin? Mas paniniwalaan mo ba ako kaysa ro'n sa medical record?"Huminahon nang bahagya si Cain dahil may parte sa kanyang nagsasabing dapat niyang paniwalaan ang asawa... Kung hindi lang biglang dumating si Luke."Katherine! A
NAPAPALUNOK ng laway ang Doctor dahil kailangan na magtagumpay siya. Dahil kung hindi ay kailangan niyang managot."Magdesisyon ka na, Sir at baka maging huli na ang lahat para sa mag-ina mo," pangungumbinsi pa ng Doctor.Napapaisip naman si Cain kung ano ang kanyang dapat gawin. Gusto niyang iligtas si Katherine pero sumasagi sa isip niya ang sinabi nito.Na kanya ang bata... paano kung nagsasabi talaga ito ng totoo?Kaya nakapagdesisyon na siya. "Iligtas niyo silang pareho, Dok.""Sige, ipahahanda ko ang-- A-Ano? P-Pareho mo silang gustong iligtas?" saad ng Doctor, buong akala ay nagtagumpay na siya."Oo, gusto kong gawin niyo ang lahat, Dok para iligtas ang mag-ina ko," ani Cain kahit hindi pa naman talaga siya sigurado kung kanya o hindi ang dinadala ng asawa.Rumehistro ang kalituhan sa mukha ng Doctor. Gustuhin niya mang kumbinsihin ay baka makahalata naman ito."S-Sigurado ka ba? Buhay 'to ng--" bago pa man matapos ang sasabihin ay may dumating na Doctor para sa ibang pasiyente
LUMAPIT si Cain saka hinawakan ang ilang hibla ng buhok ni Katherine. "Gusto ko munang makasiguro na hindi talaga akin ang bata bago kita pakawalan."Napalunok ng laway si Katherine dahil alam niyang hindi na siya makakawala pa sa oras na malaman nito ang totoo."May kinausap na 'kong Doctor, 'yung mapagkakatiwalaan to run a venous blood test."Ibig sabihin ay kukunan ng dugo si Katherine upang mas malaman nang mabuti ang kondisyon. Mas matutukoy rito kung ilang buwan na talaga itong buntis."Kinakabahan ka ba?" ani Cain. "'Wag kang mag-alala. Sisiguraduhin kong walang mangyayaring masama sa bata kung hindi akin. Pero kung ako naman talaga ang ama ay hindi kita hahayaang umalis at iwan ako." Matapos ay saka binitawan ang buhok nito.Pagtalikod nito ay saka lang nagpakita ng reaksyon si Katherine. Hindi niya mapigilang hawakan ang sariling kamay dahil sa panlalamig. Kinakabahan siya dahil alam niyang sa oras na mapatunayan na si Cain ang ama ay hinding-hindi na siya nito pakakawalan.K
BINUBUSINAHAN na ng ibang sasakyan ang kotse ni Cain kaya walang ibang nagawa si Katherine kung hindi ang sumakay upang hindi na makaabala sa iba."Hindi mo ba pupuntahan si Margaret? Kailangan ka niya ngayon," aniya habang kinakabit ang seatbelt.Saglit na sulyap ang ginawa ni Cain habang nagmamaneho palayo. "Wala naman akong sinabing pupuntahan ko siya, tinanong ko lang kung sa'ng ospital. Dahil may iba akong papupuntahin. Hindi naman kailangang ako ang pumunta.""Pero ikaw ang kailangan niya," ani Katherine. "Binigyan mo na lang sana ako ng pera at ako na lang mag-isa ang pupunta sa sementeryo.""Sa tingin mo hahayaan kita? Buntis ka, baka kung ano pa ang mangyari sa'yo."Napalingon si Katherine at napakurap. Sinisigurong hindi siya nagkamali ng dinig. "Sigurado ka sa sinasabi mo? Baka ayaw mo lang talaga akong umalis nang mag-isa dahil natatakot kang takbuhan kita."Nagtaas ng kilay si Cain. "'Yan ba ang plano mo, ang takasan ako?"Ibinaling ni Katherine ang tingin sa labas ng kot
KULANG na lamang ay humalakhak si Margaret sa tuwa ngunit nagpigil siya lalo at pabalik na si Lyn."Parating na ang tulong," saad nito.Kaya muling nagkunwari si Margaret. "'Wag na lang natin siyang i-report, Ate.""At bakit naman? Pinagtangkaan ka ng lalakeng 'yan!" Sabay duro kay Ben."Please, Ate. Ayokong malaman ng iba lalo na ni Cain. Baka magbago ang tingin niya sa'kin.""At ba't naman magbabago? Ikaw ang naagrabyado rito!""Nakakahiya, okay? Ayokong mapag-usapan," pagpupumilit pa ni Margaret.Kaya nang dumating ang security staff ay gumawa na lamang ng rason si Lyn dahil iyon ang gusto ng alaga.Hindi nagtagal ay umalis din naman ang mga staff. Nang maiwan ang tatlo ay muling pinagbantaan ni Lyn ang lalake, "Hindi ko palalampasin ang ginawa mo sa alaga ko, tandaan mo 'yan!"Si Margaret na kunwaring naluluha ay nagsalita, "Paalisin mo na siya, Ate. Ayoko siyang makita, natatakot pa rin ako," pagkukunwari niya."Pero baka bigla siyang tumakas 'pag hinayaan lang natin," ani Lyn.G
HINDI na niya hinintay na may mangyari at napatakbo na pabalik sa kwarto. Sinara niya ang pinto at ni-lock, matapos ay nagtago sa gilid ng kama.Taas-baba ang dibdib ni Katherine, nanginginig na siya sa takot dahil walang dudang pinasok ang bahay. Kahit sinigurado naman niyang lock ang pinto. Ngayon ay nananalangin siyang huwag sanang makaabot sa kwarto ang kung sino man pangahas na nanloob.Hanggang sa napaigtad siya sa gulat nang marinig ang doorknob na pilit binubuksan. Nagpalinga-linga siya sa paligid, naghahanap ng maaaring pagtaguan.Ngunit wala!Kaya pilit na lamang niyang sinisiksik ang sarili sa gilid ng kama.Hanggang sa tuluyan na ngang nabuksan ang pinto. Tinakpan ni Katherine ang sariling bibig sa takot na baka maging ang kanyang paghinga.Kahit nanginginig na sa takot ay nilakasan ni Katherine ang loob at sinugod ito, pinukpok ng hawak niyang flashlight dahil iyon na lamang ang tanging magagawa niya ng mga sandaling iyon, ang lumaban.Hinampas niya ito nang hinampas hang
PUMUWESTO si Cain sa may sink at sinusundan ng tingin ang asawa. Pumasok si Katherine sa glass shower at doon na rin naghubad.Napa-tsk si Cain dahil hindi naman nito kailangan i-activate ang shower dahil nakita na niya lahat. Memoryado na niya ang katawan ni Katherine, maging sa kasuluksulukan kaya hindi na nito kailangang ma-conscious."Natatakot ka pa rin ba? Gusto mong samahan na kita riyan sa loob?" hirit niya pa, wala lang baka makalusot."H-Hindi!" agap ni Katherine. "Diyan ka na lang." Saka binuhay ang shower habang nakatitig sa pinto. Baka lang kasi bigla itong pumasok. Mas mabuti ng handa.Binilisan lang niya ang pagligo pero nang patapos na ay saka lang naalala ang towel."Cain?""Yes?""Pwedeng pakiabot ng tuwalya?"Mula sa loob ay naaaninag ni Katherine ang paggalaw nito at ilang sandali pa ay kumakatok na sa pinto ng glass shower. Binuksan naman niya nang bahagya para kunin ang tuwalya nang bigla na lamang nitong hinila ang pinto upang lakihan ang pagkakabukas.Napasingh
BUMANGON si Katherine sa kama at pumasok sa banyo. Habang sinasabihan ang sariling hindi dapat magpaapekto sa narinig."Relax lang, Katherine. 'Wag kang maging emosyonal dahil lang sa binanggit niya ang pangalan ni Margaret. Sanay ka na kaya huminahon ka, 'wag kang magkakamaling umiyak," kausap niya pa sa sarili ngunit bigo naman. Dahil sunod-sunod ang pagpatak ng luha sa mga mata."Iyan kasi, magpakita lang ng kaunting kabutihan bibigay ka agad. Aasa ulit na parang sirang plaka. Nakakainis ka na sarap mong sabunutan," pangangaral niya pa sa sarili habang naghihilamos.Hanggang sa may kumatok sa pinto. "Katherine, sinong kausap mo riyan sa loob?" boses ni Cain mula sa kabilang dako."W-Wala, nagsasalita lang akong mag-isa," pag-amin niya saka humarap sa salamin. Kailangang masiguro na wala ng bakas ng pag-iyak bago ito harapin.Matapos ay binuksan niya ang pinto at ngumiti, pilit tinatago ang sakit na nararamdaman.Kunot-noo'ng nakatitig si Cain saka ito nilagpasan para makapag hilamo
KANINA pa wala sa mood si Sheena. Simula kasi ng tumawag si Lian ay parang nasa ibang lugar na ang atensyon ni Jared sa halip na nakatuon sa kanya at sa party. "Puntahan mo na lang kaya ang babae mo!" inis niyang saad.Saka lang napalingon si Jared at asiwang ngumiti sa fiancee. "Ano ka ba, 'wag mo na nga siyang pansinin."Pero nawalan na ng gana si Sheena at nagpasiyang umakyat muna sandali sa suite para magpalamig. Ang naiwan na si Jared ay sinamantala naman ang pagkakataon na tawagan si Lian pero hindi na ito sumasagot. Inisip na lamang niyang umalis na ito at bumiyahe na pabalik.Mayamaya pa ay may lumapit na bodyguard. "Sir, in-inform kami ng nagbabantay sa labas na may babaeng naghahanap sa inyong dalawa ni Ma'am Sheena pero umalis din po agad sila ni Sir Arjo."Napakunot-noo si Jared dahil unang pumasok sa isip niya si Lian. "Magkasama silang umalis?" tanong niya.Tumango naman ito. "Iyon po ang sabi dahil nasa taas raw po kayo ni Ma'am Sheena, 'yun ang sabi ni Sir Arjo sa baba
SANDALING katahimikan ang namayani sa linya hanggang sa muling nagsalita ang kausap ni Lian, "Sa akin lang po 'to, Ma'am pero sa tingin ko'y may sumasabutahe sa'tin. May gustong malugi tayo ng malaki.""P-Pero sino naman? Wala akong natatandaan na may nakaaway sila Daddy sa negosyo..." Saka siya natigilan ng sumagi sa isip si Jared. "Sige, salamat sa pag-inform. Ako nang bahala.""Pero pa'no po, Ma'am?""Mag-iisip ako, basta ikaw na muna ang bahala riyan habang gumagawa ako ng paraan para masolusyunan ang problema."Pagkatapos ng pag-uusap ay sunod naman na tinawagan ni Lian si Jared."Anong kailangan mo? Busy ako.""Nasa'n ka ngayon?"Matagal bago sumagot si Jared dahil maingay sa linya niya. "... Mamaya na lang," iyon lang ang sinabi niya saka binaba ang tawag."S-Sandali--Jared? Jared!" Pabagsak na binaba ni Lian ang phone saka nag-isip ng paraan upang makausap ito. Hanggang sa naisipan niyang tawagan ang assistant nito, "Hello? Mr. Ulysses kasama mo ba si Jared?""Opo, Miss Lian.
LUMIPAS ang dalawang araw at pinayagan na ng Doctor na ma-discharge si Katherine. Si Lian dapat ang susundo sa kanya pero sa hindi malaman na dahilan ay si Luke ang dumating. Ito na rin ang nagligpit ng mga gamit at naglagay ng damit sa bag. Naproseso na rin nito ang discharged papers kaya wala ng poproblemahin si Katherine."Tara na?" ani Luke sabay kuha sa bag.Tumango naman si Katherine saka sila magkasabay na naglakad palabas nang biglang bumukas ang pinto at bumungad si Cain na naka-wheelchair pa, tulak-tulak ni Joey."Sa'n ka pupunta?" tanong ni Cain sa dating asawa pero na kay Luke ang tingin."Na-discharged na 'ko, anong ginagawa niyo rito? Pinayagan ka ng lumabas?"Hindi sumagot si Cain pero umiling naman si Joey kaya napagtanto ni Katherine na tumakas ang mga ito."Bumalik na kayo bago pa kayo mapansin," aniya.Mataman naman tumingin si Cain kay Luke. "Iwan mo muna kami ni Katherine at may kailangan kaming pag-usapan.""Hindi ako aalis," matapang na sagot ni Luke."Joey, kal
ASIWA si Katherine sa kinauupuan. Naiilang siya at nag-aalala na baka mabigatan ito. Kaya kahit nakayakap ang braso ni Cain sa kanyang bewang ay tumayo pa rin siya. "Ang mas mabuti pa ay maupo na lang ako sa tabi--"Mas hinigpitan ni Cain ang pagkakayakap sa bewang nito upang hindi makalayo. "Dito ka lang.""Hindi nga pwede," ani Katherine na pilit inaalis ang braso nito. Napatingin pa siya sa pinto at nakitang nakasilip si Helen kaya mas lalo siyang nagpumilit na tumayo.Hanggang sa tuluyan na ngang nakawala dahil kahit gaano pa kalakas si Cain ay manghihina at manghihina ito kapag galing sa operasyon. Lumayo siya ng bahagya, iyong hindi nito maaabot."Ba't ka lumalayo?""Dahil pasiyente ka at hiwalay na tayo. Hindi tamang umuupo ako sa kandungan mo."Napakunot-noo si Cain, halata ang kalituhan sa mga mata. "Akala ko ba'y napatawad mo na 'ko? Sinabi mo 'yun bago ako mawalan ng malay. 'Wag mo sabihing binabawi mo na?"Si Katherine naman ngayon ang naguguluhan. "Anong sinasabi mo? Oo,
TUMAAS hanggang batok ang inis na nararamdaman ni Marcial sa anak. "Ikaw! Ikaw!" aniya habang dinuro-duro ito. "Wala kang karapatan para kuwestiyunin ang pagiging ama ko! Hindi mo ba naiintindihan na ginagawa ko ito para sa ikabubuti mo!"Siyempre, gumagawa na lamang ng dahilan si Marcial upang makuha ang gusto."Malaki na 'ko para malaman kung ano ang nakabubuti sa'kin o hindi. Kaya hindi ko siya pakakasalan," ani Cain. "Pagod pa 'ko, Dad. Gusto kong magpahinga kaya iwan mo muna ako."Namumula pa rin sa galit si Marcial pero wala rin naman siyang magagawa na dahil ayaw niyang mas lalo pang kaayawan ng anak ang gusto niyang mangyari. Hahayaan niya muna sa ngayon hanggang sa magkaroon ng pagkakataon na makumbinsi ito."Babalik ulit ako at pag-uusapan 'tong muli."Napatiim-bagang si Cain. "'Wag niyo na ipilit ang gusto niyo."Kumuyom ang kamay ni Marcial. "Sa tingin mo ba'y ikabubuti mo ang pananatiling single? Ano na lamang ang sasabihin ng mga nakakakilala sa'tin--""Hindi lahat alam
SAMANTALA, ng mga sandaling iyon ay makikitang naglalakad si Ashley kasama ng Ina sa hallway ng ospital. Nang mabalitaan ng pamilya niya ang nangyari kay Cain ay biglang gusto ng mga itong magtungo sila roon. Hindi naman siya makahindi dahil magagalit ang Ama kaya sinamahan siya ng Ina."Si Marcial ba 'yun?" ani Janette sa anak.Unang nakapansin si Ashley pero sa halip na sa ama ni Cain matuon ang tingin ay nakasunod ang mga mata niya sa papalayong si Katherine. Wala siyang nakuhang balita tungkol dito. Kahit hindi niya ito gusto ay hindi naman bato ang puso niya para hindi makaramdam ng kaunting concern."Sandali--" bago pa man siya makapagpaalam upang lapitan si Katherine ay nahila na siya ng Ina palapit kay Marcial. Kaya tanging pagtanaw na lamang ang nagawa niya.Nang mga sandali ring iyon ay nagising na si Cain. Napatitig siya ng ilang segundo sa kisame bago tuluyang rumagasa sa alaala ang nangyari sa kanilang dalawa ni Katherine. Tinawag-tawag niya ang pangalan nito at nagtangka
UPANG itago ang nararamdamang hiya ni Ashley ay tinulak niya si Gab saka nagmartsa papasok sa kotse. Ang naiwan na binatilyo ay agad naman sumunod."Hindi mo naman ako kailangang itulak, muntik na 'kong matumba kanina," nagtatampong saad ni Gab."E, pano nangyayaka--" Mabilis na kinagat ni Ashley ang ibabang labi bago pa masabi ang hindi dapat. Nakakahiya lalo pa at kasama nila ang driver. "Kuya, umalis na tayo," utos niya na lamang."Masusunod po, Ma'am," anito saka mabilis na nagmaneho paalis sa lugar.Si Gab naman ay nanlalabo na ang paningin pero maayos pa ang pag-iisip. "Ayokong umuwi, sa bar tayo, Kuya."Tumaas ang kilay ni Ashely sa inis. "Naiintindihan mo ba ang sinabi ko kanina?!""Ayoko nga, kung may iba kang alam na lugar na pwede akong mag-stay ay--""Wala, 'kay?!" singhal ni Ashley.Ngunit hindi sumuko si Gab na hinawakan ang kamay ng dalaga, naglalambing. "Sige na~"Bumilis ang kabog ng dibdib ni Ashley at sa isang iglap ay binawi ang kamay saka lumipat sa passenger seat
SA LAKAS ng sampal ay pumutok ang labi ni Gab. Muntik rin siyang matumba dahil sa impact kung hindi lang agad nakabawi. Mahilo-hilo pa siya sa nangyari pero mabilis siyang tumayo ng tuwid sa harap ng Ama habang nakatungo. Hindi niya gugustuhing magtagpo ang tingin nila dahil nakakatakot talaga ito kung magalit. "Mukhang masiyado ata kitang hinayaan sa mga kalokohan mo pero sumusobra ka na sa pagkakataong 'to! Hindi lang si Cain ang napahamak ngayon, maging si Katherine at ang anak ni Mr. Ricafuerte, si Ashley!" Nanatiling nakatungo si Gab habang hawak ang pisnging nasampal ng Ama. "S-Sorry--" "Hindi ko kailangan ng sorry mo dahil hindi ako ang nakaratay ngayon, si Cain! Hindi ako ang muntik ng mapahamak sa kamay ng ibang tao kundi si Katherine!" Naglakas-loob si Gab na tingnan ang Ama ngunit agad rin siyang nagsisi ng makita kung gaano ito kagalit. Namumula at nanlilisik ang mga mata na ngayon lang niya nakita sa tanang-buhay. Sa madaling salita ay sukdulan ang nararamdaman n
TILA bumagal ang oras ng mga sandaling iyon para kay Katherine nang mawalan ito ng malay. "C-Cain! Gumising ka!" Tinapik-tapik niya ang pisngi nito ngunit ayaw talagang magmulat ng mata.Nanginig siya sa takot, sandaling natulala at nablangko ang isip. "I-Imulat mo naman ang mga mata mo, please. 'Wag 'yung ganito... tinatakot mo naman ako, e!" Namuo na naman ang luha sa mga mata. Takot na takot siya sa maaaring mangyari. "Cain, sige na, please gumising ka na!" Kulang na lamang ay yugyugin niya ang balikat nito.Mayamaya pa kumunot-noo si Cain habang nakapikit pa rin. "... Katherine... Okay lang ako, nawalan lang ako ng malay, but I'm fine," aniya saka umayos ng pagkakasandal sa passenger seat. "Magmaneho ka na't baka magising pa ang dumukot sa'yo, maabutan tayo rito. Hindi ko alam kung makakaya ko pa silang harapin."Suminghot si Katherine, pinunasan ang pisngi saka muling binuhay ang makina ng sasakyan at nagmaneho paalis sa lugar. Mahigpit ang hawak niya sa manibela dahil hindi niya