NATIGILAN si Cain matapos ma-realize kung anong meron sa araw na iyon. "Pinuntahan kita kahapon sa ospital pero ba't hindi mo sinabi?""Kasi never mo naman nakalimutan," ani Margaret.Iyon na nga ang problema dahil nawala sa isip niya ang kaarawan nito."Sorry, kung nakalimutan ko. May kinailangan lang kasi akong gawin.""Sino, si Katherine ba?" anito sabay tingin sa kotse.Napabuntong-hininga si Cain dahil hindi niya gustong pag-usapan. Hindi niya naman kailangan magpaliwanag. "Si ate Lyn? 'Wag mo sabihing mag-isa kang pumunta rito? Ang mas mabuti pa ay umuwi ka na at baka maabutan ka pa ng dilim, mukhang ma-traffic pa naman ngayong araw.""Paaalisin mo lang ako? Hindi ka makikipag-celebrate sa'kin?"Nilingon ni Cain ang sasakyan kung saan ay matiyagang naghihintay ang asawa. Saka muling binalik ang atensyon kay Margaret. "Sa susunod na lang.""Pero, Cain. Special day ko 'to, gumising pa ako nang maaga at gumawa ng cake na gustong-gusto mong kainin. Hinintay kitang dumating at ilang
MAY KABA man na nararamdaman dahil sa banta nito ay hindi pa rin nagpadaig si Margaret. Dahil alam niyang puro salita lang naman ito."Sige, gawin mo," hamon niya. "Tingnan ko lang kung may maniwala sa'yo. E, wala ka naman ebidensya. At kung meron man, ano sa tingin mo ang mangyayari kay Cain? Dudungisan mo ang pangalan niya pati ng pamilya niya?""Ba't ko naman sila idadamay, ikaw lang naman itong habol nang habol kay Cain. Ginagamit ang sakit para mapansin niya. Nakakaawa ka naman," ani Katherine. "At sa panahon ngayon, sino ba ang pinaka-naaapektuhan sa ganitong issue? Hindi ba 'yung kabet?"Kahit mamatay-matay na sa galit ay nagawa pa ring ngumiti ni Margaret. "Sige, gawin mo na ngayon din. Dahil sinisiguro ko sa'yong 'di 'to palalampasin ni Cain. Humanda ka sa galit niya," paghahamon niya pa.Tumango-tango naman si Katherine. "Talaga ba? Kaya pala halos magmakaawa ka kanina para lang makasama ang asawa ko sa birthday celebration mong nakalimutan niya.""Dahil inakit mo siya! Guma
KINUWELYUHAN ito ni Cain. "Anong sabi mo? Kasalanan mo na nga tapos isisisi mo pa sa biktima!""T-Totoo ang sinasabi ko! Kahit tingnan mo pa ang dashboard ng kotse, mabagal lang ang pagmamaneho ko nang bigla siyang--""C-Cain..." boses ni Margaret na halos hindi na marinig sa sobrang hina.Lumapit agad si Cain at lumuhod sa harap ng dalaga. "Nandito ako, Margaret. Sa'n ang masakit?""Lahat, masakit ang buo kong katawan.""Miss, hindi kita binunggo. Magsabi ka nang totoo!" saad ng driver na nais lang ipagtanggol ang sarili.Si Katherine na nasa tabi ay napatingin sa driver. Napakunot-noo siya saka tiningnan nang kakaiba si Margaret."Cain, pakinggan mo muna ang sinasabi nitong--""Mamaya na, Katherine," putol ni Cain saka tiningnan si Ben. "Nasa'n na ang ambulansya, ba't hindi pa dumarating?!" bakas sa boses ang iritasyon."Dalhin mo na ako sa ospital, please," ani Margaret.Hindi na malaman ni Cain ang gagawin. Kung susundin ba ang pakiusap nito o siya na mismo ang magdadala sa ospita
SA SINABI ni Ben ay bahagyang nag-alala si Cain ngunit... anong magagawa niya kung nag-aagaw buhay si Margaret? Hindi naman siya Doctor."Secretary Ben, ipaalam mo agad sa pamilya niya ang nangyari. Nasabi ba sa'yo ng tumawag na kung nakarating na sila sa ospital?""H-Hindi ko po natanong, Mr. President.""Kung gano'n ay alamin mo.""Hindi po ba kayo susunod sa ospital?"Hindi sumagot si Cain at bigla na lamang tinapos ang tawag."Anong sinabi ni secretary Ben?" tanong ni Katherine."Nag-aagaw buhay si Margaret.""Ano? Pa'no naman 'yun nangyari, e, wala naman siyang sugat sa katawan."Tumango si Cain dahil iyon din ang napansin niya habang nasa loob pa ng ambulansya. Pero dahil nag-aalala kay Margaret ay hindi na niya iyon pinagtuunan pa nang pansin.Pero si Katherine ay iba ang nasa isip nang mga sandaling iyon. Kung totoo nga ang hinala ay pwede naman nilang makumpirma kung nag-aagaw buhay nga ito. "Gusto mo bang pumunta sa ospital para makita siya?"Umiling si Cain. "Sinabihan ko n
NAIS man itong pakawalan ni Margaret ay hindi maaari. Habangbuhay niyang hahawakan ang tali sa leeg nito kung ayaw niyang mapahamak. Dahil sa oras na totohanin ni Ben ang banta ay paniguradong katapusan na niya. Sa angkan ng mga Vergara, ang matandang Ramon ang higit na mas makapangyarihan. Kaya wagas itong irespeto ng lahat. Kaya ang galit na nararamdaman ay biglang naglaho. Kailangan niyang magbago ng tactic upang mapasunod pa rin ito. Ang nanlilisik na mga mata ay biglang umamo. "G-Gusto ko lang naman na makita si Cain ano bang masama ro'n?" naluluha niyang saad. "Hindi mo ba magagawan ng paraan?" Nagtaas ng kilay si Ben. Naroon ang pagdududa sa biglaan nitong pag-iiba ng ugali. Kaya kahit malambing na ang pagkausap ay hindi niya pa rin magawang magtiwala. "Tinawagan ko na si President. Sinabi ko pang nag-aagaw buhay ka, anong gusto mong sunod kung sabihin na namat*y ka na?" sarkasmong saad ni Ben. Naikuyom ni Margaret ang dalawang kamay. Naiinis man ay kailangan niyang magku
NAPAKURAP si Katherine dahil hindi niya alam kung anong dapat i-react sa sinabi ng asawa. Wala naman kakaiba sa sinabi nito pero hindi niya maiwasang kiligin. "Tara, bumalik na tayo sa kwarto natin," pag-aaya pa ni Cain tinanguhan nito. Pagpasok sa loob ay nahiga agad siya sa kama. "Mag-shower ka muna bago matulog," saad ni Katherine. Kahit inaantok na ay pagod na bumangon si Cain sa kama saka nagtungo sa banyo. "Gusto mong mag-shower rin? Sabay na tayo." Nanliit ang mga mata ni Katherine sa sinabi nito. Dahil alam niyang may iba itong binabalak. "Nag-quick shower ako sa kwarto ni Mama Helen," ani Katherine. Napangisi lang si Cain saka sinara ang pinto ng banyo. Ngunit kahit nahimasmasan na sa lagaslas ng tubig ay hindi pa rin nawawala ang kakaibang pakiramdam. Kanina niya pa kasi gustong halikan, haplusin at angkinin ang asawa. Iniisip nga niyang humirit kahit isa lang. Pero paglabas ay naabutan niyang mahimbing nang natutulog ang asawa sa kama. "Katherine? Katherine, tulog ka
BUMUKAS ang pinto ng VIP room at sabay na nagkatinginan ang dalawang magkaibigan.Tipid na ngumiti si Katherine habang papalapit at ganoon din si Lian."May problema ba?" ani Katherine nang maupo sa tabi ng kaibigan. Kanina niya pa iyon gustong itanong habang kapalitan pa ito ng mensahe. Pero naisip niyang mas magandang sa personal na lamang pag-usapan.Umiling si Lian. "Gusto ko lang mag-enjoy," aniya saka ikinuwento ang improvement na nangyayari sa Ama."Mabuti naman kung gano'n, natutuwa ako para sa'yo.""E, ikaw. Kamusta ka naman nitong nakaraang araw?" pang-uusisa pa ni Lian.At dahil sila ang tipo ng kaibigan na laging sandalan ang isa't isa ay hindi na inilihim pa ni Katherine ang mga nangyari. Sinabi niya iyong kagustuhang makipaghiwalay kaya sinamantala niya ang pagkakataon na inisip ni Cain na iba ang Ama ng kanyang pinagbubuntis."Pero sa huli ay hindi ko rin napanindigan dahil nadamay na si Luke. At natatakot akong pati ikaw, kaya nagsabi na ako ng totoo.""Napakagag* tala
NAIKUYOM ni Lian ang dalawang kamay dahil sa inis. Kulang na lamang ay sugurin niya isa-isa ang mga taong naroon."Umalis na lang kayo at 'wag nang manggulo rito!" saad ng isang lalake na nagawa pang itulak si Katherine sa balikat.Si Lian naman ay agad umalalay sa kaibigan bago pa ito matumba. "Anong ginagawa mo?! Bakla ka ba't nananakit ka ng babae?!""Anong sabi mo?! Baka gusto mong pakitaan pa kita ngayon," hamon ng lalake saka tiningnan mula ulo hanggang paa si Lian. "Sa itsura mo pa lang mukhang naghahanap ka na ng customer, magkano ba?" Sabay ngisi nang nakakaloko.Inangat ni Lian ang kamay upang masampulan ito ng sampal nang magsalita si Katherine, "Tama na, umalis na lang tayo." Sabay pigil sa kamay ng kaibigan."Hindi naman pwedeng gano'n, Sissy! Dapat turuan ng leksyon ang lalakeng 'yan na walang modo't bastos!""Hoy, ang kapal naman ng mukha mo!" saad ng isang babae na lumapit kay Lian. "Kilala kita, galing ka sa pamilya Romero."Tapos ay nag-umpisa ng umingay ang lahat."
HINDI na napansin ni Lian ang oras, basta namalayan na lamang niya ang sariling nasa elevator at palabas sa hotel. Walang kabuhay-buhay siyang naglalakad sa may lobby.Para siyang zombie na naglalakad sa kalsada habang patungo sa lugar kung saan niya ipinarada ang kotse. Tuluyan lang siyang nagising nang makita na niya ang sasakyan.Matapos ay mabigat na napabuntong-hininga. "Kailan ba matatapos 'tong paghihirap ko? Ayoko na, pagod na--" Bigla siyang napalingon nang masilaw sa liwanag na nakatutok sa kanya.Nang mga sandaling iyon, sa halip na takot ang maramdaman ni Lian ay napangiti siya. "Sa wakas, dumating na ang katapusan ko," bulong niya sa hangin saka marahang pumikit, tanggap na ang kapalarang sasapitin.Sa isang iglap ay may biglang yumakap kay Lian. Nagpagulong-gulong sila hanggang sa matagpuan na lamang ng dalaga ang sarili sa bisig ni Jared. Takang-taka kung anong ginagawa nito sa lugar na iyon."J-Jared?" nauutal niyang sambit.Bakit pa siya niligtas nito?"Ahh! Jared!" s
KANINA pa wala sa mood si Sheena. Simula kasi ng tumawag si Lian ay parang nasa ibang lugar na ang atensyon ni Jared sa halip na nakatuon sa kanya at sa party. "Puntahan mo na lang kaya ang babae mo!" inis niyang saad.Saka lang napalingon si Jared at asiwang ngumiti sa fiancee. "Ano ka ba, 'wag mo na nga siyang pansinin."Pero nawalan na ng gana si Sheena at nagpasiyang umakyat muna sandali sa suite para magpalamig. Ang naiwan na si Jared ay sinamantala naman ang pagkakataon na tawagan si Lian pero hindi na ito sumasagot. Inisip na lamang niyang umalis na ito at bumiyahe na pabalik.Mayamaya pa ay may lumapit na bodyguard. "Sir, in-inform kami ng nagbabantay sa labas na may babaeng naghahanap sa inyong dalawa ni Ma'am Sheena pero umalis din po agad sila ni Sir Arjo."Napakunot-noo si Jared dahil unang pumasok sa isip niya si Lian. "Magkasama silang umalis?" tanong niya.Tumango naman ito. "Iyon po ang sabi dahil nasa taas raw po kayo ni Ma'am Sheena, 'yun ang sabi ni Sir Arjo sa baba
SANDALING katahimikan ang namayani sa linya hanggang sa muling nagsalita ang kausap ni Lian, "Sa akin lang po 'to, Ma'am pero sa tingin ko'y may sumasabutahe sa'tin. May gustong malugi tayo ng malaki.""P-Pero sino naman? Wala akong natatandaan na may nakaaway sila Daddy sa negosyo..." Saka siya natigilan ng sumagi sa isip si Jared. "Sige, salamat sa pag-inform. Ako nang bahala.""Pero pa'no po, Ma'am?""Mag-iisip ako, basta ikaw na muna ang bahala riyan habang gumagawa ako ng paraan para masolusyunan ang problema."Pagkatapos ng pag-uusap ay sunod naman na tinawagan ni Lian si Jared."Anong kailangan mo? Busy ako.""Nasa'n ka ngayon?"Matagal bago sumagot si Jared dahil maingay sa linya niya. "... Mamaya na lang," iyon lang ang sinabi niya saka binaba ang tawag."S-Sandali--Jared? Jared!" Pabagsak na binaba ni Lian ang phone saka nag-isip ng paraan upang makausap ito. Hanggang sa naisipan niyang tawagan ang assistant nito, "Hello? Mr. Ulysses kasama mo ba si Jared?""Opo, Miss Lian.
LUMIPAS ang dalawang araw at pinayagan na ng Doctor na ma-discharge si Katherine. Si Lian dapat ang susundo sa kanya pero sa hindi malaman na dahilan ay si Luke ang dumating. Ito na rin ang nagligpit ng mga gamit at naglagay ng damit sa bag. Naproseso na rin nito ang discharged papers kaya wala ng poproblemahin si Katherine."Tara na?" ani Luke sabay kuha sa bag.Tumango naman si Katherine saka sila magkasabay na naglakad palabas nang biglang bumukas ang pinto at bumungad si Cain na naka-wheelchair pa, tulak-tulak ni Joey."Sa'n ka pupunta?" tanong ni Cain sa dating asawa pero na kay Luke ang tingin."Na-discharged na 'ko, anong ginagawa niyo rito? Pinayagan ka ng lumabas?"Hindi sumagot si Cain pero umiling naman si Joey kaya napagtanto ni Katherine na tumakas ang mga ito."Bumalik na kayo bago pa kayo mapansin," aniya.Mataman naman tumingin si Cain kay Luke. "Iwan mo muna kami ni Katherine at may kailangan kaming pag-usapan.""Hindi ako aalis," matapang na sagot ni Luke."Joey, kal
ASIWA si Katherine sa kinauupuan. Naiilang siya at nag-aalala na baka mabigatan ito. Kaya kahit nakayakap ang braso ni Cain sa kanyang bewang ay tumayo pa rin siya. "Ang mas mabuti pa ay maupo na lang ako sa tabi--"Mas hinigpitan ni Cain ang pagkakayakap sa bewang nito upang hindi makalayo. "Dito ka lang.""Hindi nga pwede," ani Katherine na pilit inaalis ang braso nito. Napatingin pa siya sa pinto at nakitang nakasilip si Helen kaya mas lalo siyang nagpumilit na tumayo.Hanggang sa tuluyan na ngang nakawala dahil kahit gaano pa kalakas si Cain ay manghihina at manghihina ito kapag galing sa operasyon. Lumayo siya ng bahagya, iyong hindi nito maaabot."Ba't ka lumalayo?""Dahil pasiyente ka at hiwalay na tayo. Hindi tamang umuupo ako sa kandungan mo."Napakunot-noo si Cain, halata ang kalituhan sa mga mata. "Akala ko ba'y napatawad mo na 'ko? Sinabi mo 'yun bago ako mawalan ng malay. 'Wag mo sabihing binabawi mo na?"Si Katherine naman ngayon ang naguguluhan. "Anong sinasabi mo? Oo,
TUMAAS hanggang batok ang inis na nararamdaman ni Marcial sa anak. "Ikaw! Ikaw!" aniya habang dinuro-duro ito. "Wala kang karapatan para kuwestiyunin ang pagiging ama ko! Hindi mo ba naiintindihan na ginagawa ko ito para sa ikabubuti mo!"Siyempre, gumagawa na lamang ng dahilan si Marcial upang makuha ang gusto."Malaki na 'ko para malaman kung ano ang nakabubuti sa'kin o hindi. Kaya hindi ko siya pakakasalan," ani Cain. "Pagod pa 'ko, Dad. Gusto kong magpahinga kaya iwan mo muna ako."Namumula pa rin sa galit si Marcial pero wala rin naman siyang magagawa na dahil ayaw niyang mas lalo pang kaayawan ng anak ang gusto niyang mangyari. Hahayaan niya muna sa ngayon hanggang sa magkaroon ng pagkakataon na makumbinsi ito."Babalik ulit ako at pag-uusapan 'tong muli."Napatiim-bagang si Cain. "'Wag niyo na ipilit ang gusto niyo."Kumuyom ang kamay ni Marcial. "Sa tingin mo ba'y ikabubuti mo ang pananatiling single? Ano na lamang ang sasabihin ng mga nakakakilala sa'tin--""Hindi lahat alam
SAMANTALA, ng mga sandaling iyon ay makikitang naglalakad si Ashley kasama ng Ina sa hallway ng ospital. Nang mabalitaan ng pamilya niya ang nangyari kay Cain ay biglang gusto ng mga itong magtungo sila roon. Hindi naman siya makahindi dahil magagalit ang Ama kaya sinamahan siya ng Ina."Si Marcial ba 'yun?" ani Janette sa anak.Unang nakapansin si Ashley pero sa halip na sa ama ni Cain matuon ang tingin ay nakasunod ang mga mata niya sa papalayong si Katherine. Wala siyang nakuhang balita tungkol dito. Kahit hindi niya ito gusto ay hindi naman bato ang puso niya para hindi makaramdam ng kaunting concern."Sandali--" bago pa man siya makapagpaalam upang lapitan si Katherine ay nahila na siya ng Ina palapit kay Marcial. Kaya tanging pagtanaw na lamang ang nagawa niya.Nang mga sandali ring iyon ay nagising na si Cain. Napatitig siya ng ilang segundo sa kisame bago tuluyang rumagasa sa alaala ang nangyari sa kanilang dalawa ni Katherine. Tinawag-tawag niya ang pangalan nito at nagtangka
UPANG itago ang nararamdamang hiya ni Ashley ay tinulak niya si Gab saka nagmartsa papasok sa kotse. Ang naiwan na binatilyo ay agad naman sumunod."Hindi mo naman ako kailangang itulak, muntik na 'kong matumba kanina," nagtatampong saad ni Gab."E, pano nangyayaka--" Mabilis na kinagat ni Ashley ang ibabang labi bago pa masabi ang hindi dapat. Nakakahiya lalo pa at kasama nila ang driver. "Kuya, umalis na tayo," utos niya na lamang."Masusunod po, Ma'am," anito saka mabilis na nagmaneho paalis sa lugar.Si Gab naman ay nanlalabo na ang paningin pero maayos pa ang pag-iisip. "Ayokong umuwi, sa bar tayo, Kuya."Tumaas ang kilay ni Ashely sa inis. "Naiintindihan mo ba ang sinabi ko kanina?!""Ayoko nga, kung may iba kang alam na lugar na pwede akong mag-stay ay--""Wala, 'kay?!" singhal ni Ashley.Ngunit hindi sumuko si Gab na hinawakan ang kamay ng dalaga, naglalambing. "Sige na~"Bumilis ang kabog ng dibdib ni Ashley at sa isang iglap ay binawi ang kamay saka lumipat sa passenger seat
SA LAKAS ng sampal ay pumutok ang labi ni Gab. Muntik rin siyang matumba dahil sa impact kung hindi lang agad nakabawi. Mahilo-hilo pa siya sa nangyari pero mabilis siyang tumayo ng tuwid sa harap ng Ama habang nakatungo. Hindi niya gugustuhing magtagpo ang tingin nila dahil nakakatakot talaga ito kung magalit. "Mukhang masiyado ata kitang hinayaan sa mga kalokohan mo pero sumusobra ka na sa pagkakataong 'to! Hindi lang si Cain ang napahamak ngayon, maging si Katherine at ang anak ni Mr. Ricafuerte, si Ashley!" Nanatiling nakatungo si Gab habang hawak ang pisnging nasampal ng Ama. "S-Sorry--" "Hindi ko kailangan ng sorry mo dahil hindi ako ang nakaratay ngayon, si Cain! Hindi ako ang muntik ng mapahamak sa kamay ng ibang tao kundi si Katherine!" Naglakas-loob si Gab na tingnan ang Ama ngunit agad rin siyang nagsisi ng makita kung gaano ito kagalit. Namumula at nanlilisik ang mga mata na ngayon lang niya nakita sa tanang-buhay. Sa madaling salita ay sukdulan ang nararamdaman n