PUMUWESTO si Cain sa may sink at sinusundan ng tingin ang asawa. Pumasok si Katherine sa glass shower at doon na rin naghubad.Napa-tsk si Cain dahil hindi naman nito kailangan i-activate ang shower dahil nakita na niya lahat. Memoryado na niya ang katawan ni Katherine, maging sa kasuluksulukan kaya hindi na nito kailangang ma-conscious."Natatakot ka pa rin ba? Gusto mong samahan na kita riyan sa loob?" hirit niya pa, wala lang baka makalusot."H-Hindi!" agap ni Katherine. "Diyan ka na lang." Saka binuhay ang shower habang nakatitig sa pinto. Baka lang kasi bigla itong pumasok. Mas mabuti ng handa.Binilisan lang niya ang pagligo pero nang patapos na ay saka lang naalala ang towel."Cain?""Yes?""Pwedeng pakiabot ng tuwalya?"Mula sa loob ay naaaninag ni Katherine ang paggalaw nito at ilang sandali pa ay kumakatok na sa pinto ng glass shower. Binuksan naman niya nang bahagya para kunin ang tuwalya nang bigla na lamang nitong hinila ang pinto upang lakihan ang pagkakabukas.Napasingh
BUMANGON si Katherine sa kama at pumasok sa banyo. Habang sinasabihan ang sariling hindi dapat magpaapekto sa narinig."Relax lang, Katherine. 'Wag kang maging emosyonal dahil lang sa binanggit niya ang pangalan ni Margaret. Sanay ka na kaya huminahon ka, 'wag kang magkakamaling umiyak," kausap niya pa sa sarili ngunit bigo naman. Dahil sunod-sunod ang pagpatak ng luha sa mga mata."Iyan kasi, magpakita lang ng kaunting kabutihan bibigay ka agad. Aasa ulit na parang sirang plaka. Nakakainis ka na sarap mong sabunutan," pangangaral niya pa sa sarili habang naghihilamos.Hanggang sa may kumatok sa pinto. "Katherine, sinong kausap mo riyan sa loob?" boses ni Cain mula sa kabilang dako."W-Wala, nagsasalita lang akong mag-isa," pag-amin niya saka humarap sa salamin. Kailangang masiguro na wala ng bakas ng pag-iyak bago ito harapin.Matapos ay binuksan niya ang pinto at ngumiti, pilit tinatago ang sakit na nararamdaman.Kunot-noo'ng nakatitig si Cain saka ito nilagpasan para makapag hilamo
NATIGILAN si Cain matapos ma-realize kung anong meron sa araw na iyon. "Pinuntahan kita kahapon sa ospital pero ba't hindi mo sinabi?""Kasi never mo naman nakalimutan," ani Margaret.Iyon na nga ang problema dahil nawala sa isip niya ang kaarawan nito."Sorry, kung nakalimutan ko. May kinailangan lang kasi akong gawin.""Sino, si Katherine ba?" anito sabay tingin sa kotse.Napabuntong-hininga si Cain dahil hindi niya gustong pag-usapan. Hindi niya naman kailangan magpaliwanag. "Si ate Lyn? 'Wag mo sabihing mag-isa kang pumunta rito? Ang mas mabuti pa ay umuwi ka na at baka maabutan ka pa ng dilim, mukhang ma-traffic pa naman ngayong araw.""Paaalisin mo lang ako? Hindi ka makikipag-celebrate sa'kin?"Nilingon ni Cain ang sasakyan kung saan ay matiyagang naghihintay ang asawa. Saka muling binalik ang atensyon kay Margaret. "Sa susunod na lang.""Pero, Cain. Special day ko 'to, gumising pa ako nang maaga at gumawa ng cake na gustong-gusto mong kainin. Hinintay kitang dumating at ilang
MAY KABA man na nararamdaman dahil sa banta nito ay hindi pa rin nagpadaig si Margaret. Dahil alam niyang puro salita lang naman ito."Sige, gawin mo," hamon niya. "Tingnan ko lang kung may maniwala sa'yo. E, wala ka naman ebidensya. At kung meron man, ano sa tingin mo ang mangyayari kay Cain? Dudungisan mo ang pangalan niya pati ng pamilya niya?""Ba't ko naman sila idadamay, ikaw lang naman itong habol nang habol kay Cain. Ginagamit ang sakit para mapansin niya. Nakakaawa ka naman," ani Katherine. "At sa panahon ngayon, sino ba ang pinaka-naaapektuhan sa ganitong issue? Hindi ba 'yung kabet?"Kahit mamatay-matay na sa galit ay nagawa pa ring ngumiti ni Margaret. "Sige, gawin mo na ngayon din. Dahil sinisiguro ko sa'yong 'di 'to palalampasin ni Cain. Humanda ka sa galit niya," paghahamon niya pa.Tumango-tango naman si Katherine. "Talaga ba? Kaya pala halos magmakaawa ka kanina para lang makasama ang asawa ko sa birthday celebration mong nakalimutan niya.""Dahil inakit mo siya! Guma
KINUWELYUHAN ito ni Cain. "Anong sabi mo? Kasalanan mo na nga tapos isisisi mo pa sa biktima!""T-Totoo ang sinasabi ko! Kahit tingnan mo pa ang dashboard ng kotse, mabagal lang ang pagmamaneho ko nang bigla siyang--""C-Cain..." boses ni Margaret na halos hindi na marinig sa sobrang hina.Lumapit agad si Cain at lumuhod sa harap ng dalaga. "Nandito ako, Margaret. Sa'n ang masakit?""Lahat, masakit ang buo kong katawan.""Miss, hindi kita binunggo. Magsabi ka nang totoo!" saad ng driver na nais lang ipagtanggol ang sarili.Si Katherine na nasa tabi ay napatingin sa driver. Napakunot-noo siya saka tiningnan nang kakaiba si Margaret."Cain, pakinggan mo muna ang sinasabi nitong--""Mamaya na, Katherine," putol ni Cain saka tiningnan si Ben. "Nasa'n na ang ambulansya, ba't hindi pa dumarating?!" bakas sa boses ang iritasyon."Dalhin mo na ako sa ospital, please," ani Margaret.Hindi na malaman ni Cain ang gagawin. Kung susundin ba ang pakiusap nito o siya na mismo ang magdadala sa ospita
SA SINABI ni Ben ay bahagyang nag-alala si Cain ngunit... anong magagawa niya kung nag-aagaw buhay si Margaret? Hindi naman siya Doctor."Secretary Ben, ipaalam mo agad sa pamilya niya ang nangyari. Nasabi ba sa'yo ng tumawag na kung nakarating na sila sa ospital?""H-Hindi ko po natanong, Mr. President.""Kung gano'n ay alamin mo.""Hindi po ba kayo susunod sa ospital?"Hindi sumagot si Cain at bigla na lamang tinapos ang tawag."Anong sinabi ni secretary Ben?" tanong ni Katherine."Nag-aagaw buhay si Margaret.""Ano? Pa'no naman 'yun nangyari, e, wala naman siyang sugat sa katawan."Tumango si Cain dahil iyon din ang napansin niya habang nasa loob pa ng ambulansya. Pero dahil nag-aalala kay Margaret ay hindi na niya iyon pinagtuunan pa nang pansin.Pero si Katherine ay iba ang nasa isip nang mga sandaling iyon. Kung totoo nga ang hinala ay pwede naman nilang makumpirma kung nag-aagaw buhay nga ito. "Gusto mo bang pumunta sa ospital para makita siya?"Umiling si Cain. "Sinabihan ko n
NAIS man itong pakawalan ni Margaret ay hindi maaari. Habangbuhay niyang hahawakan ang tali sa leeg nito kung ayaw niyang mapahamak. Dahil sa oras na totohanin ni Ben ang banta ay paniguradong katapusan na niya. Sa angkan ng mga Vergara, ang matandang Ramon ang higit na mas makapangyarihan. Kaya wagas itong irespeto ng lahat. Kaya ang galit na nararamdaman ay biglang naglaho. Kailangan niyang magbago ng tactic upang mapasunod pa rin ito. Ang nanlilisik na mga mata ay biglang umamo. "G-Gusto ko lang naman na makita si Cain ano bang masama ro'n?" naluluha niyang saad. "Hindi mo ba magagawan ng paraan?" Nagtaas ng kilay si Ben. Naroon ang pagdududa sa biglaan nitong pag-iiba ng ugali. Kaya kahit malambing na ang pagkausap ay hindi niya pa rin magawang magtiwala. "Tinawagan ko na si President. Sinabi ko pang nag-aagaw buhay ka, anong gusto mong sunod kung sabihin na namat*y ka na?" sarkasmong saad ni Ben. Naikuyom ni Margaret ang dalawang kamay. Naiinis man ay kailangan niyang magku
NAPAKURAP si Katherine dahil hindi niya alam kung anong dapat i-react sa sinabi ng asawa. Wala naman kakaiba sa sinabi nito pero hindi niya maiwasang kiligin. "Tara, bumalik na tayo sa kwarto natin," pag-aaya pa ni Cain tinanguhan nito. Pagpasok sa loob ay nahiga agad siya sa kama. "Mag-shower ka muna bago matulog," saad ni Katherine. Kahit inaantok na ay pagod na bumangon si Cain sa kama saka nagtungo sa banyo. "Gusto mong mag-shower rin? Sabay na tayo." Nanliit ang mga mata ni Katherine sa sinabi nito. Dahil alam niyang may iba itong binabalak. "Nag-quick shower ako sa kwarto ni Mama Helen," ani Katherine. Napangisi lang si Cain saka sinara ang pinto ng banyo. Ngunit kahit nahimasmasan na sa lagaslas ng tubig ay hindi pa rin nawawala ang kakaibang pakiramdam. Kanina niya pa kasi gustong halikan, haplusin at angkinin ang asawa. Iniisip nga niyang humirit kahit isa lang. Pero paglabas ay naabutan niyang mahimbing nang natutulog ang asawa sa kama. "Katherine? Katherine, tulog ka
HANGGANG ang nanginginig na katawan ni Cain maging ang halik ay unti-unting huminahon. Naging banayad na nagdudulot kay Katherine ng kakaibang pakiramdam.Ibang-iba sa tumatakbong ideya sa kanyang isip. Hinahalikan niya pa lang ang dating asawa ay marami na siyang gustong gawin. Gusto niya itong buhatin at ihiga sa kama. Angkinin ang labi nito at katawan.Ang dami-daming gustong gawin ni Cain na hindi niya malaman kung alin sa mga ito ang uumpisahan.Para siyang mababaliw sa pagkasabik kay Katherine ngunit hindi naman niya gustong umaktong hayok na hayok sa laman.Nilasap at kulang na lamang ay lamutakin niya ang leeg ng dating asawa. Namiss niya ang amoy nito, na kahit halata namang galing sa arawan at pinagpawisan ay mabango pa rin para sa kanya."C-Cain..." sambit ni Katherine nang umabot na sa kanyang dibdib ang halik nito. Kapag hinayaan niya itong magpatuloy ay paniguradong pagsisisihan niya ang mangyayari.Umungot si Cain, halatang nainis sa pagpupumiglas nito. "Kahit ngayon la
NGUNIT ilang sandali lang iyon dahil muling nag-ingay at kung ano-anong masasakit na salita ang sinabi ng mas matandang babae, "Hindi mo 'ko madadaan sa paiyak-iyak mo! Lumang tugtugin na 'yan! Iharap mo sa'kin ang Tiyuhin mo saka ako maniniwala!""Excuse lang po, hindi namin alam kung nasa'n si Dado," ani Tess. "Matagal na 'yung hindi bumabalik dito at nagtatago."Pero mas lalong nagalit ang matanda. "Wala akong pakialam! Buti na lang talaga at nasa ilalim na ng lupa ang Lola mo dahil kung hindi ay siya ang susugurin ko!"Nabigla si Katherine sa narinig. Hindi niya akalaing napakasama pala nito. Hanggang sa mapansin niya ang mantsa ng pintura sa damit nito.Natigilan siya at nagtaka saka may napagtanto... agad nanginig ang katawan niya sa galit at nagtanong, "Pinakialaman mo ba ang libingan ng Lola ko?!"Hindi naman mababakasan ng kahit anong pagsisisi sa mga mata ang matanda at taas noo na sinabi ang, "Ano naman ngayon? Naagrabyado ako kaya karapatan kong gumanti. Kaya kung ayaw mon
NAGSUKATAN ng tingin ang dalawa pero ni isang salita ay walang nakuhang sagot si Cain."Hindi pa ba kayo aalis? Baka mahuli kayo sa pupuntahan niyo?" ani Katherine.Napatingin naman si Joey sa amo, hinihintay ang desisyon nito. "Sir?""Tara na."Sa hudyat ni Cain ay muling nagmaneho si Joey palayo. Pagkaliko sa isang gusali ay biglag pinahinto ni Cain ang sasakyan, "Iparada mo muna sa tabi.""Bakit po, Sir?"Hindi nagsalita si Cain pero lumabas sa kotse. "Maghintay ka lang dito." Saka naglakad pabalik sa pinanggalingan. Gusto niyang makita kung sino ang tinutukoy ni Katherine na susundo rito.Ilang sandali pa ay napansin niya ang paghinto ng isang pamilyar na sasakyan sa harap ni Katherine. Napatiim-bagang si Cain matapos makita ang plaka."Kahihiwalay pa lang natin pero may kinakatagpo ka na agad?" anas niya.Mas lalo siyang nanggalaiti nang sumakay ang nakangiting si Katherine sa passenger seat.Saka siya bumalik sa kotse bago pa siya madaanan ng mga ito. Ngunit kahit nakapagtago na
SINASADYA niyang i-provoke si Jared para magalit nang husto. Mas gusto niyang kamuhian siya nito, tratuhin nang gaya lang din ng pagtrato nito sa kanya noong umuwi ito nang bansa.Hindi niya gustong bumalik ang dating Jared na minahal niya nang husto. Kapag patuloy itong magiging mabait sa kanya ay baka umasa lang siya at masaktan bandang huli."I-delete mo 'yan ngayon din.""Ayoko nga, ise-send ko 'to kay Sheena. Gusto kong makita niya kung anong ginagawa natin ngayon, makaganti man lang sa ginawa niya sa'kin."Tumayo si Jared, lumapit saka inagaw ang cellphone na akma pang itatago ni Lian pero agad na niyang nakuha. Pagkatapos ay binura niya ang picture saka ibinalik sa kamay nito ang gamit.Ngunit si Lian ng mga sandaling iyon ay tumulala na sa mukha nito. Sa hindi malamang dahilan ay naging emosyonal siya. Namimiss niya ang dating Jared, iyong lalake na nangakong mamahalin siya at hinding-hindi sasaktan."Mahal mo pa ba ako?" wala sa sariling tanong niya.Kumunot-noo si Jared. "An
NABASTOS si Lian sa sinabi at sa ginawang paghalik kaya tinulak niya ito sa may dibdib. Saka binuksan ang pinto ng kotse upang makaalis nang hilahin siya sa braso."At sa'n ka pupunta?!" saad ni Jared habang idinidiin ang katawan nito sa upuan."A-Ano ba, nasasaktan ako!" singhal ni Lian."Sagutin mo muna ang tanong ko!""Saklolo, tulungan--" hindi na natapos ni Lian ang sasabihin nang mabilis nitong tinakpan ang kanyang bibig."Subukan mong sumigaw ulit at hindi lang 'to ang aabutin mo," babala ni Jared.Kaya hindi na nagpumiglas si Lian. "B-Bitawan mo muna ako."At iyon naman ang ginawa ni Jared. Pinakawalan niya ito saka bumalik sa puwesto, sa driver seat. "Uulitin ko, sa'n ka nila hinawakan o nagpagalaw ka?""Hindi nila ako hinawakan, okay?! Lalong-lalo na 'yang ibinibintang mo. Nag-usap lang kami para kahit papaano ay magawa ko pang maayos ang kompanya ni Dadddy.""Kaya nga, para maisalba ang palugi niyong negosyo ay gabi-gabi kang nagpapagala--" Sampal sa pisngi ang nagpatigil k
TINAWAGAN ni Katherine si Joan, ang nagbigay sa kanya ng chance na makapasok sa H'Ours, ang pangarap niyang trabaho."Hello, Miss Garcia," bungad ni Joan sa kabilang linya."Hello po, Ma'am.""Nabalitaan ko nga pala na naospital ka, kumusta ka naman ngayon?""Ayos na po ako," tugon ni Katherine na nakakunot-noo, iniisip kung sino kaya ang nagsabi na naospital siya? "Tumawag nga po pala ako para humingi ng paumanhin at hindi ko nagagampanan nang maayos ang trabaho ko. Ayos lang po sa'kin kung tatanggalin niyo na 'ko.""Matanong nga kita, Katherine... binasa mo ba ang rules at contract na pinadala namin sa'yo?""Ahm... hindi pa po lahat.""Kaya naman pala. Hindi namin nire-required ang mga empleyado na pumasok araw-araw. Pwede kayong mag-work-from-home kung diyan kayo komportable basta magsasabi lang kayo. Sa case mo ay na-inform mo naman kami rito.""Iyon na nga po, Ma'am. Pero up until now ay wala pa akong nagagawang trabaho, ni nasisimulan... kaya gusto ko po sanang mag-resign," pali
ILANG SANDALI lang matapos na umalis ni Cain ay dumating si attorney Domingo."Good day, nandito ako para kay Mr. Vergara."Bakas ang pagtataka sa mukha ni Joey at napalingon pa sa daan na tinahak ng Presidente. "Kaaalis lang niya, ang sabi ay may pupuntahan siya."Tiningnan naman ni Domingo ang cellphone at wala siyang nakitang reply mula sa mensahe na pinadala. "Wala ba siyang ibang binanggit kung kailan siya babalik at may importante akong papipirmahan sa kanya."Napakunot-noo si Joey saka napagtanto kung bakit tila nagmamadaling umalis si Cain.Umiiwas ito."Sa tingin ko'y nasa parking lot pa siya ngayon, hindi pa tuluyang nakakaalis. Pwede ko naman sabihan ang driver."Sa pagtango ni Domingo ay agad na tinawagan ni Joey ang driver."Ha? Pero ang sabi ni Sir ay umalis--" saad nito sa kabilang linya na agad naputol nang agawin ni Cain."Joey, anong ginagawa mo?!" bakas ang iritasyon sa boses ni Cain."Nandito si attorney Domingo, Sir, may importanteng papipirmahan sa inyo.""Alam k
WALANG ano-ano ay mabilis na tumakbo si Cain patungo sa rooftop. Humabol naman si Joey na makailang beses tinatawag ang pangalan ng amo upang patigilin."Sir, sandali lang! Huminahon po muna kayo!" sigaw ng assistant na hindi man lang magawang makalapit kay Cain dahil sa bilis nitong tumakbo.Sa hina ng resistensya ay nalagpasan pa siya ng ilang security staff sa paghabol.Ngunit sadyang mabilis si Cain. Walang sino man ang nakapigil sa kanya hanggang sa makarating sa rooftop.Malawak ang lugar at malakas ang simoy ng hangin. Ang ihip ay halos bumibingi sa kanya. Pero tuloy lang sa paglalakad si Cain hinahanap sa paligid ang asawa.Hanggang sa likod na bahagi mula sa kaliwa ng entrance ay nakita niya itong nakatayo. Ang mahaba nitong buhok ay nililipad ng hangin. Suot ni Katherine ang asul na hospital gown na bahagya ring nililipad ng hangin.At dahil nakatalikod ito ay malayang nakalapit nang dahan-dahan si Cain. Nang ilang hakbang na lamang ang layo ay nag-ingay naman ang ilang secu
HINAWAKAN ni Cain ang kamay ng Ina na nakaturo sa pinto. "Sa tingin ko'y kayo ang dapat na lumabas." Saka ito marahang hinila."Bitawan mo 'ko! At ako pa talaga ang paaalisin mo? Bastos kang bata ka!" hiyaw ni Helen.Tila naman walang narinig si Cain at inakay na ang Ina palabas ng kwarto kung saan ay naghihintay ang dalawa nitong bodyguard. "Pakihatid na pauwi si Mommy at tapos na siyang bumisita.""Anong sinasabi mo? Kadarating ko lang!" sa pagtaas ng boses ay biglang naubo si Helen."Kita niyo na?! Baka atakihin pa kayo ng asthma rito. Kaya ang mas mabuti pa'y umuwi na kayo at magpahinga," ani Cain na nakakita ng pagkakataon upang maitaboy ang Ina."Ayos lang ako, dahil sa'yo kaya ako nasi-stress," saad naman ni Helen pero hindi na rin nagmatigas pa at nag-aalala rin na baka ma-triggered ang sakit.Beso sa pisngi ang itinugon ni Cain bilang pamamaalam. "Ingat kayo sa pag-uwi."Inis pa rin si Helen kaya hinampas niya ito sa braso. "Kung kailan ka tumanda ay saka ka naman naging pasa