NARINIG iyon nang malinaw ni Cain. Hindi ito ang unang beses na sinabi ni Katherine na gusto na nitong makipaghiwalay. Pero iba ang dating ng paghingi ng tulong nito sa kanyang Ina.Sa halip na magpatuloy palapit sa dalawa ay umatras siya at tuluyang lumayo.Nakita naman iyon ni Helen dahil nakaharap siya sa anak samantalang si Katherine ay walang kaalam-alam dahil nakatalikod ito.Gustuhin niya mang sambitin ang pangalan ng anak ay hindi na niya ginawa. Wala siyang masabi dahil maging siya ay hindi rin alam ang gagawin sa pakiusap ng manugang.Para siyang nabigo bilang isang Ina dahil mismong anak niya ang hinihindian nito. Tila, nagkamali siya ng pagpapalaki kay Cain."A-Alam kong nasasaktan ka na't nahihirapan pero pwede bang tiisin mo muna nang kaunti? Para na lamang sa kapakanan ni Papa Ramon. Pangako, kapag bumuti na ang kondisyon ng kalusugan nito ay ako pa mismo ang gagawa ng paraan para matuloy ang divorce niyo."Napatungo si Katherine saka tumango. "Naiintindihan ko po." Sak
UMATRAS si Katherine nang lumapit pa nang husto ang apat. "H-Hindi ako sasama sa inyo," aniyang kinakabahan."Sumama na lang po kayo, Ma'am."Nagpalinga-linga siya sa paligid, naghahanap ng tao na mahihingan ng tulong. Pero ni anino ay wala man lang dumadaan.Hanggang sa tuluyan na siyang hinawakan sa braso. Hindi naman siya makapalag dahil hawak niya ang strap ng damit. Hindi siya pwedeng mahubaran sa harap ng mga hindi kilalang tao.Kaya kahit anong pakiusap sa mga ito ay hindi siya pinakinggan. Tinakpan pa nga ang bibig niya upang hindi makasigaw. Mayamaya pa ay dinala siya sa isang bakanteng kwarto.At kahit papaano ay maayos naman siyang pinakawalan. Pagkatapos ay agad ring umalis ang mga ito.Hindi pa man niya nalilibot ang paningin sa lugar ay hinala na agad ang buhok niya dahilan kaya napaluhod siya."Kanina pa talaga kita gustong kalbuhin," boses ni Jean.Kung ganoon ay ito pala talaga ang nagpadukot sa kanya."Jean," boses ng isang matandang babae.Kaya nag-angat ng tingin s
BAHAGYANG nagmulat ng mata si Katherine nang mahimigan ang boses ng asawa.Kahit nanlalabo ang paningin ay naaaninag niyang kaharap si Cain at yakap-yakap siya."N-Nandito ka," anas niya saka bahagyang ngumiti.Sa wakas, dininig ng langit ang hiling niyang iligtas silang dalawa ng anak.Kahit nananakit ang likod dahil sa hampas ay gumalaw si Katherine, gusto niyang tumayo."'Wag kang gumalaw," ani Cain. "Sa'n ka pa nila sinaktan?"Mariing napapikit si Katherine. Sobrang hapdi ng likod niya, hindi siya makakilos nang maayos, kahit kaunti lang.Si Jean naman na katabi si Amalia ay naglakas-loob na magsalita bago pa maisumbong ni Katherine, "Cain, alam mo bang binasag niya ang mamahaling vase ni Lola. Saka... tingnan mo nga ang ayos ng damit niya. Paniguradong may ginawa siyang kababalaghan para masira ng ganyan ang suot niyang damit. Nakikipaglandian siguro siya sa ibang lalake."Ang malamlam at maamong ekspresyon ni Cain para sa asawa ay bigla na lang nagbago nang tingnan ang pinsan."
BINALIKAN ni Cain ang asawa saka ito pinasan sa likod. "'Wag kang mag-alala, dadalhin kita sa ospital para magamot na ang sugat mo sa likod," aniya kay Katherine.Pagkatapos ay nilingon ang Ina para magpaalam na aalis sila patungo sa ospital.Paglabas ng kwarto ay inutusan niya ang isang staff na magdala ng tela na pwedeng ipangbalot sa buong katawan ni Katherine. Nabigay naman agad nito ang kailangan saka sila dumiretso sa kotse.Pagsakay sa backseat ay kinandong niya si Katherine na paharap ang upo sa kanya. Ganoon ang ayos ng dalawa dahil hindi ito makakasandal.Habang bumabiyahe ang sasakyan paalis sa lugar ay tinawagan niya ang kaibigan."Hi, baby! Miss me?" biro pa ni Levi mula sa kabilang linya."Sa'n ka ngayon?""Secret~""Hindi ako nakikipagbiruan," seryosong saad ni Cain."Nandito sa ospital namin. Bakit ba, may nangyaring masama sa'yo?""Good, papunta na kami riyan.""Sino?""Si Katherine, may sugat siya."Nagmulat ng mata si Katherine nang marinig ang pangalan. "Sinong kau
SABAY na nilingon ng dalawa ang hospital bed kung saan ay natutulog si Cain, na tila walang natamong pinsala sa katawan.Payapa at napakaamo ng mukha na animo ay hindi marunong magalit."Sige, maiwan na muna kita. Kung may kailangan ka o gustong kainin ay tumawag ka lang," ani Levi.Pag-alis nito ay lumapit si Katherine sa kama at pinagmasdan ang gwapong mukha ng asawa."Mabuti na lang at hindi ka napuruhan sa mukha," aniyang kinakausap ito kahit tulog. "Kung nagkataon, sayang. Pero kahit siguro puro sugat at pasa ang mukha mo'y gwapo ka pa rin sa paningin ko," aniyang malakas ang loob sabihin ang mga ganoong salita dahil wala itong malay.Dahil kung nagkataong gising ito? Nunca'ng magsasalita siya. Ilang sandali pa ay mas lalong lumakas ang loob niya at dahan-dahang nilapit ang kamay sa mukha nito. Marahang hinaplos ang pisngi lalo na ang matangos nitong ilong pababa hanggang sa labi at adam's apple na unang beses niyang nahawakan.Kahit noon pa man kasi ay hindi siya nangahas na haw
KUNG wala pa marahil iniindang sakit sa katawan ay baka nakagawa na sina Cain at Katherine ng milagro sa ospital. Mabuti na lamang at sa kondisyon ng katawan ng dalawa ay hindi na nila kayang gawin iyon.Makailang-beses na hinawakan ni Katherine ang pisngi upang maibsan ang pamumula. Hiyang-hiya siya matapos dahil nabalewala lang ang sinabi niya kaninang kondisyon.Kahit anong pilit ay hindi niya mahindian si Cain. Sobrang rupok niya pagdating sa asawa.Inayos niya ang suot na damit at baka may pumasok na Doctor o hindi kaya ay si Levi, na mahilig manukso.Si Cain naman, matapos ang kanilang pinagsaluhang halik ay gumanda ang mood. Sayang nga lang at hindi niya pa kayang igalaw ang tagiliran. Sa dami ng pwedeng mapuruhan ay iyong malapit pa sa pelvic. Gustuhin niya man gumalaw ay mahihirapan lang siya. Ayaw niya namang madismaya si Katherine kung magkataon dahil hindi lang mukha at katawan ang kaya niyang ipagmalaki.Maging ang nasa ibaba at ang skills niya pagdating sa romansa."Ayos
MARAHAN at walang tunog na sinara ni Katherine ang pinto ng banyo saka napatingin kay Levi."Ano, lalabas muna kami para makapag-usap kayo," aniya saka naglakad patungo sa pinto."Dito ka lang," ani Cain na nasa kama. Yakap man ni Margaret ay hindi niya naman ito hinawakan. Tiningnan niya ang dalaga saka kinausap, "Ang mas mabuti pa ay umuwi ka na. Wala kang dapat ipag-alala sa'kin dahil bumubuti na ang lagay ko." Tapos ay tiningnan ang kaibigan. "Pakihatid siya sa sarili niyang kwarto."Napakamot naman sa likod ng ulo si Levi. Sa lahat ng inutos nito ay ngayon lang siya hindi natuwa. Hindi madadaan sa biro ang nangyayari at ramdam niya ang bigat ng atmosphere. Maaliwalas naman ang panahon pero parang kumukulimlim naman sa kwarto."Ayokong umalis, Cain! Dito lang ako." Pagmamatigas ni Margaret."Bumalik ka na't may naka-schedule kang check-up ngayon," ani Cain."Pero gusto kitang samahan," anito saka tiningnan ng kakaiba si Katherine.Nagpalipat-lipat ang tingin ni Levi sa tatlo hangg
IBINALIK ni Cain si Margaret sa kwarto nito at nagpatawag ng doctor upang matingnan. Dahil panay ang daing ng dalaga na may masakit sa katawan.Umiiyak pa nga ito habang hawak siya sa kamay.Matapos masuri ng Doctor ay hindi pa rin ito tumitigil."Sobrang sakit talaga, Cain.""Alin ba ang masakit? Gusto mo'ng ipatawag ko na si Levi para siya na ang tumingin sa'yo?"Mabilis ang pag-iling ni Margaret sa narinig. Kapag ito ang sumuri ay siguradong mabibisto nitong nagkukunwari lang siya."M-May makirot lang pero okay na 'ko. 'Di mo na siya kailangan pang tawagin at baka makaabala pa ako."Hinaplo-haplos naman ni Cain ang likod nito. "'Wag ka ng umiyak, bubuti rin ang pakiramdam mo mamaya."Sa ganoong tagpo dumating si Lyn. Nang makitang umiiyak ang alaga ay bigla siyang nag-alala. "Sa'n ka ba nagpunta? Kanina pa kita hinahanap, anong nangyari sa'yo?""May masakit lang sa katawan ko," ani Margaret."At bakit? Ano bang nangyari?"Pasimple namang tumingin si Margaret kay Cain. Ayaw niyang m
PALABAS na nang opisina si Joey nang tumunog ang kanyang cellphone. Tumatawag ang imbestigador na nakausap kanina."Hello, napatawag ka?""Sir, napag-alaman kong ang dumukot kay Miss Katherine ay buhay pa. Pinamukha lang nilang patay na upang hindi matunton ng mga awtoridad.""Inalam mo ba kung nasa'n na ang mga kidnaper?" Sabay lingon kay Cain."Sa ngayon ay pinaghahanap na ng mga tauhan ko. Babalitaan ko na lang kayo mamaya," anito saka binaba ang tawag.Matapos ay pinaalam naman ni Joey ang napag-usapan sa tawag.Napatiim-bagang si Cain, hindi malaman kung matutuwa ba o hindi? Dahil gusto niya talagang mawala na sa mundo ang mga taong nanakit kay Katherine.Ngunit napagtanto niya na mabuti na rin na buhay pa ang mga ito para siya na lamang ang magpaparusa, mas gusto niya ang ganoon.Makalipas ang halos apat na oras ay nakatanggap muli sila ng magandang balita na natunton na ang dumukot kay Katherine at kasalukuyang nasa kamay na ng mga tauhan ng imbestigador na h-in-ired ni Joey.H
BAGSAK ang balikat ni Cain matapos marinig ang sinabi ng asawa. Bigla siyang pinanghinaan ng loob. "Gano'n mo ba talaga ako kinamumuhian para sabihin ang salitang 'yan?""Kinasusuklaman kita. Nang makidnap ako, sabi ko pa... Nandiyan si Cain, hindi ako pababayaan ng asawa ko. Pero nagkamali pala ako. Dahil kung hindi mo 'ko iniwan para sa babaeng 'yun, hindi ako makikidnap at malalagay sa ganitong sitwasyon," panunumbat pa ni Katherine."Ikaw na ang pipiliin ko sa susunod--""Hindi, Cain, dahil kung mauulit ang nangyari sa'kin? Nasisiguro kong si Margaret pa rin ang pipiliin mo.""Hindi sa gano'n, nagkataon lang na nasa alanganin siyang sitsawasyon," ani Cain."At ako ba, hindi? Ang sabihin mo kahit nag-aagaw buhay na 'ko, basta isang tawag lang ni Margaret agad mo siyang pupuntahan. Handa mong iwan ang lahat para sa kanya."Muling lumapit si Cain at akmang hahawakan ito nang mabilis na tinabig ang kamay niya. "Hindi 'yun gano'n, Katherine. 'Di ba nga, pinapaalis ko na siya ng bansa.
LIMANG ARAW matapos ang operasyon ay nagkamalay na si Katherine.Matapos masuri ng Doctor ay inilipat na ito sa private room kung saan ay ipagpapatuloy nito ang pagpapagaling.Nasa kompanya si Cain nang mga sandaling iyon nang makatanggap ng tawag mula sa ospital. Agad siyang nagpunta pero nang malapit na sa kwarto ay bigla siyang naduwag.Walang duda na kinamumuhian siya ngayon ng asawa at ayaw niyang mas kaayawan pa nito. Kaya hangga't maaari ay iiwasan niyang magpakita pero nakabantay naman siya sa labas ng kwarto.Umaasang makakalap ng kuwento mula sa caregiver na nagbabantay kay Katherine.Hanggang sa dumating si Levi. "Anong ginagawa mo rito, pumasok ka na ba sa loob?"Nilapat naman ni Cain ang daliri sa bibig, senyales na pinapatahimik ito. "'Wag kang maingay at baka marinig ka sa loob. Ayokong magpakita ngayon kay Katherine. Alam kong galit siya sa'kin."Hindi nagkomento si Levi pero tinapik niya ang balikat ng kaibigan bilang suporta sa kinakaharap nitong problema.Sakto nama
NAGPALIPAT-LIPAT ang tingin ni Jared sa dalawa. Kapag nagsalita pa si Lian ng kung ano-ano tungkol kay Cain ay paniguradong magba-backfire ito sa dalaga kaya bago pa man magkainitan ay hinila na niya ito palayo sa lugar."Ano ba, bitawan mo 'ko!" singhal ni Lian."Tumigil ka kung ayaw mong mapasama kay Cain.""Wala akong pakialam, hindi ako natatakot sa kanya!"Biglang tumigil si Jared sabay lingon. "E, sa'kin ba hindi?"Nagsukatan ng tingin ang dalawa hanggang sa marinig nila ang isang pamilyar na boses."Jared!"Parehong lumingon ang dalawa saka mabilis na binitawan ni Jared ang braso ni Lian.Ilang sandali pa ay tuluyang nakalapit si Sheena na nagpalipat-lipat ang tingin sa dalawa. "Ba't kayo magkasama?" Habang nakataas ang isang kilay."Sumama lang ako kay Levi nang makatanggap ng tawag na isinugod rito si Katherine, natatandaan mo? Asawa siya ni Cain, 'yung kaibigan ko."Tumango naman si Sheena pero naroon pa rin ang matalim na tingin sa dalaga.Pero sa halip na matakot si Lian d
MABILIS ang lakad ni Cain palapit sa dalawang pulis. "Excuse me, kilala ko kasi ang taong pinag-uusapan niyo. Maaari bang malaman kung anong pangalan ng biktima?"Nagkatinginan sa isa't isa ang dalawang pulis saka kinilatis mula ulo hanggang paa si Cain. Nang matiyak na mukha naman matinong tao ay nagsalita ang isa na may kausap kanina sa phone, "Katherine Garcia."Hindi lang kaba kung hindi ay nanlamig din si Cain. Kasama lang niya kanina ang asawa pero ngayon ay may nangyari nang masama?!""Excuse me lang, Sir. Kilala ko ang biktima, kaano-ano niyo ba siya?" tanong ng isang pulis."Asawa," tila wala sa sariling sambit ni Cain saka naglakad palayo."Sandali lang, Sir," habol pa ng pulis. "Alam niyo po bang nakidnap siya at ngayon ay nasa kritikal na kondisyon?"Tila napipi si Cain at umiling na lamang bilang sagot.Magsasalita pa sana ang pulis pero hindi na lamang tinuloy nang makitang tulala na ito.Ang mabagal na paglalakad ni Cain ay biglang bumilis upang lapitan ang kaibigan ng
KUMARIPAS ng takbo ang dalawang lalake at naiwan si Jean na kabado. Pagkatapos ay saka niya sinilip si Katherine na nakahandusay sa sahig."P*ta, matapos bayaran ay bigla na lang akong iiwan!" Dahan-dahan siyang lumapit at nakitang may dugo nga sa sahig na nagmumula sa katawan ni Katherine."P-Pa'no 'to nangyari? Ang simple-simple lang ng inutos ko pero hindi pa nila magawa nang maayos!" iritadong anas ni Jean, saka sinipa-sipa ang paa ni Katherine para malaman kung buhay pa ba ito o hindi na.Ilang sandali pa ay dumaing ito at dahan-dahang gumalaw. Nang matiyak na buhay pa ito ay mas lalo siyang nanggalaiti sa galit. "Walanghiya ka! Buhay ka pa palang babae ka!" Saka ito hinablot sa buhok."A-Aray!" daing ni Katherine. "Tama na, nasasaktan ako!"Pero tila walang narinig si Jean at patuloy pa rin ang pananakit.Pakiramdam ni Katherine ay iyon na nga ang katapusan niya. Sobrang sakit ng natamong sugat mula sa basag na piraso ng baso. Maging ang tiyan niya ay kumikirot kaya kahit hinang
BINUHUSAN ng isang baldeng tubig si Katherine upang magising.Tila ilang segundo siyang nilunod dahil sa ginawa ng hindi kilalang lalake, na may katamtaman na taas at malaking pangangatawan.Bigla siyang nilamig dahil sa tubig at napagtanto na nakagapos siya sa kinauupuan. "A-Anong..." Saka niya muling tiningnan ang lalake at isa pa nitong kasamahan na mas matangkad. "S-Sino kayo, anong kailangan niyo sa'kin?" hindi maiwasang manginig ang boses niya sa takot.Sa itsura pa lang ng dalawang lalake ay alam na niyang nasa alanganin siyang posisyon. Ngunit sa kabila ng takot na nararamdaman ay nilakasan pa rin niya ang loob. Nagpalinga-linga siya sa paligid, naghahanap ng paraan para makaalis sa lugar.Magulo at madumi ang lugar. Tila lumang bodega dahil may mga naiwan na karton at kahoy sa paligid. Bukod roon ay may naaamoy siyang mabaho na hindi niya mapangalanan. "Pakawalan niyo ko kung ayaw niyong mabulok sa kulungan!""Ang lakas naman ng loob mong magbanta!" ang boses ay nagmumula sa
ILANG MINUTO silang ganoon, magkayakap hanggang sa magsalita si Katherine. "B-Bitawan mo na 'ko, ang init-init nahihirapan akong huminga," pagdadahilan niya pa kahit hindi naman. Nang hindi ito kumilos ay muli siyang nagsalita, "Tulog ka na ba?"Saka lang ito gumalaw at nagsalita, "Oo, tulog na 'ko kaya matulog ka na rin," ani Cain na bahagyang niluwagan ang pagkakayakap upang makahinga nang maayos ang asawa.Sinamantala naman ni Katherine ang pagkakataon at nagpumiglas upang tuluyang makawala. Ngunit kahit maluwag na ang pagkakayakap ay hindi pa rin siya makalayo."Matulog ka na," bulong ni Cain saka hinaplos-haplos ang buhok nito. "Bukas nang umaga ay uuwi na tayo sa mansion."Nag-angat ng tingin si Katherine para makita ang mukha nito pero agad ring ibinalik ni Cain saka niyakap. "Sige na, tulog na."At iyon nga ang ginawa ni Katherine. Kahit conscious na conscious siya sa presensya nito ay nagawa niya pa rin makatulog nang maayos. Hindi inaasahang komportable ang tulog niya sa gab
SIMULA kaninang umaga hanggang magtanghali ay walang tigil sa pagbuhos ang ulan sa araw na iyon.Bagot na bagot na si Katherine sa kwarto ngunit hindi naman makalabas dahil bantay-sarado ni Cain."Ba't 'di ka na lang sa opisina mo magtrabaho?"Kanina pa kasi ito tutok sa trabaho. Pakiramdam nga niya ay wala talaga siyang kasama at aparisyon lang nito ang nakikita."Ayokong mabasa ng ulan saka aksaya sa oras ang bumiyahe mula sa opisina patungo rito kaya dinala ko na ang mga dapat kong trabahuhin ngayon," paliwanag naman ni Cain."Bored na 'ko pwede bang--""Hindi," putol agad ni Cain."'Di ko pa sinasabi pero 'hindi' na agad?!""Basta hindi."Inirapan na lamang niya ito. Mayamaya pa ay nilingon ang cellphone nito na nasa side-table. Dahil abala naman si Cain sa trabaho ay lilibangin na lamang niya ang sarili sa cellphone nito. At dahil alam naman niya ang password ay hindi siya nahirapang buksan. Pagkatapos ay nag-scroll na sa soc-med.Hanggang sa may madaanan na post ng mga masasarap