PARANG biglang nawala ang antok ni Ariel nang matitigan si Cain. "K-Kilala mo ba siya, Katherine? Boyfriend mo ba?" aniya na bumaba ang kumpiyansa sa sarili habang kinukumpara ang sarili.Hindi naman agad sumagot si Katherine dahil nahihirapan siyang ipaliwanag kung ano na nga ba ang relasyon nilang dalawa ng dating asawa. Magkaibigan ba o hindi?Tinaas ni Cain ang kilay sa tagal nitong magpaliwanag. Sa huli ay hinawakan niya ang isa nitong kamay. "Tara na, ihahatid na kita pauwi." Pagkatapos ay nagpaalam sa mga katrabaho nito. "Pasensiya na kayo pero mauuna na kami." At walang ano-ano ay binuhat si Katherine, ala-bridal style.Napasinghap ang mga kababaihan at hindi maiwasang mainggit."Grabe, ang swerte naman ni Katherine. Hindi ko alam na may boyfriend pala siyang sobrang pogi," saad pa ng isa sa mga babaeng naroon.Naglakad na si Cain palabas sa resto habang buhat si Katherine na wala ng panahon mahiya sa sitwasyon, marahil dahil sa alak kaya sa halip na itago ang mukha ay kumaway
KINAUMAGAHAN, paggising ni Katherine ay mabigat ang kanyang pakiramdam at makirot ang ulo, marahil sa alak na ininom kagabi. Magkaganoon man ay naghanda na siya para sa trabaho. Kahit biyernes ay ayaw niyang tatamad-tamad dahil maaapektuhan ang performance niya bilang guro.Habang nasa banyo naliligo ay natulala na lamang siya nang muling maalala ang naganap kagabi. Kulang na lamang ay iumpog niya ang ulo sa pader sa sobrang hiya. Para siyang dalagitang una pa lang nakaranas ng kilig. "'Wag mo na nga 'yung isipin!" saway niya pa sa sarili. "Epekto lang iyon ng alak."Pagdating sa school ay pansin niya ang pananamlay ng mga co-teacher. May mga nagrereklamo na masakit ang ulo at nasusuka.Kahit obvious naman ang dinaramdam ng mga ito ay nagtanong pa rin si Katherine, "Ayos lang kayo?""Hindi!" halos magkakasabay na sagot ng mga ito."Buti pa si Monica, absent."Ngayong araw ang birthday nito at matagal ng nakapagpaalam na liliban sa trabaho sa araw na iyon.Natawa si Katherine sa itsura
NAPALINGON si Katherine sa sinabi nito. Hindi man siya nagkomento pero makikita sa mukha niyang masaya siya sa sinabi ni Cain. Sa totoo lang kasi ay kanina pa siya nagugutom pero maagang nagsara ang kainan na nadadaanan niya pauwi kaya napagpasiyahan na lamang niyang itulog ang gutom.Matapos maupo ay pinagmasdan niya itong nagtungo sa kitchen area habang ang phone ay nasa tenga saka pinagbubukas ang mga drawer maging ang cupboard sa taas ng lababo. May cup noodles siyang stocks saka delata."Kailan ka huling nag-groceries?" ani Cain."Two weeks ago.""Hello, Marc. Ibili mo nga ako ng pagkain ngayon dalhin mo rito sa apartment ni Katherine," utos niya sa assistant ng sagutin nito ang tawag at matapos ay binaba rin ang tawag. Sunod niyang tiningnan ang refrigerator. "Kaunti na lang ang laman dito.""Sapat na 'yan sa'kin dahil ako lang naman ang mag-isa rito," ani Katherine.Hindi na nagkumento si Cain saka naupo sa tabi nito. "Ilang minuto pa bago makarating dito si Marc kaya magpalit
SUMIMANGOT si Katherine sabay tingin nang masama kay Cain. "Pauso 'to," aniya upang itago ang kilig. "Sa'n mo naman nakuha ang mga salitang 'yan, tinuruan ka ni Levi?" Saka ito nilagpasan dahil dama na niya ang pag-iinit ng pisngi. Baka hindi niya napapansin na namumula na pala siya sa harap nito.Dumiretso siya sa table saka naupo upang kumain na. "Salamat dito. Ikaw, kumain na ba? Marami 'to, mahihirapan akong ubusin."Kaya kumuha ng plato si Cain at sinaluhan ito sa pagkain. Nagkukwentuhan na animo ay magkaibigan na matagal ng hindi nagkita. Pagkatapos ay hindi rin naman siya nagtagal dahil kailangan na nitong magpahinga.Kinabukasan ay late ng nagising si Katherine pero hindi siya nag-alala dahil wala siyang early work sa araw na iyon. Pag-check niya sa phone ay may message sa kanya ang dating manugang.Helen: May time ka ba mamaya after lunch?Nag-reply naman siya na meron. Kaya bago pumasok sa trabaho ay nakipagkita muna siya rito.Sa coffee shop na malapit sa school ang meeting
NATIGILAN si Katherine dahil sa ginawang pagsigaw ni Cain. Nakuha niya pang lingunin ang faculty room kung saan ay makikita ang co-worker niyang halata naman na narinig ang sigaw."Anong nanyayari, Katherine, sinong sumisigaw?" may nagtanog.Pero hindi na niya iyon pinansin at mabilis nang naglakad palayo. Gusto nga niyang tumakbo pero bawal sa kanila at may kataasan din ang suot niyang heels.Si Cain naman ay mabilis na humabol at pinigilan ito sa braso. "Sa'n ka pupunta?!""Pwede ba, bitawan mo nga ako! Ano bang ginagawa mo rito? Hindi ka pwedeng mag-eskandalo sa lugar na ito," ani Katherine."Kailangan nating mag-usap."Pilit naman binabawi ni Katherine ang braso pero sa huli ay hindi niya magawa kaya napagpasiyahan nang pagbigyan ito sa nais para matapos na."'Wag dito, humanap--" Hindi na niya natapos ang sasabihin nang hinawakan nito ang kamay niya at may kung anong isinuot. Nang mapagmasdan ay suot na niya ang wedding ring na ibinalik noon kay Cain. "A-Anong ginagawa mo?" nauut
NANG magising si Katherine ay maliwanag na at mataas na ang sikat ng araw. Bigla niyang naalala na may pasok siya sa umaga na iyon kaya dali-dali siyang bumangon sa kama para lang magulantang na katabi niya pala si Cain.Doon lang niya naalala ang naganap sa kanila kagabi. Parang gusto niyang iumpog ang ulo sa pader dahil hindi siya nag-iisip nang mabuti. Kung ano-ano pa ang mga sinabi niya pero sa huli ay bumigay rin naman siya agad.Buti na lang talaga at mahimbing pa itong natutulog. Dala na rin siguro ng alak at pagod sa nangyari kaya hindi pa ito nagigising.Habang siya naman na bagamat hindi na maalala kung nakailang round sila kagabi ay nagawa pang kumilos kahit masakit ang balakang. Wala na siyang panahon pang umaray dahil late na late na siya sa trabaho.Mabilis lang siyang naligo at pagkatapos ay nagbihis na. May pagkakataon pang nababagsak niya ang mga gamit sa pagmamadali pero hindi naman ito nagising na ipinagpapasalamat niya. Mas mainam na lamang sigurong takasan at pans
MARAHIL dahil sa reflexes kaya agad naiwasan ni Sheena ang pagsugod nito at nalingunan na lamang niya si Lian na sumubsob sa sahig.Buong akala niya ay doon na matatapos ang lahat nang bigla itong lumingon, ang tingin ay parang papat*y kaya mabilis siyang tumakbo palabas sa unit bago pa nito maabutan.Pero hindi pa man nakakalapit sa pinto nang mahawakan ang paa niya dahilan kaya siya nadapa. Bago pa man makabangon ay inupuan na siya ni Lian sa tiyan at sinak*l sa leeg.Nahirapan sa paghinga si Sheena na agad namula ang mukha sa kawalan ng hangin. Kahit anong gawin ay hindi niya magawang alisin ang kamay nito. Kaya pilit niyang inaabot ang mukha nito hanggang sa magawa niyang mahila ang buhok.Lumuwag sa pagkakahawak hanggang sa tuluyan nang mabitawan ni Lian ang leeg nito. Umubo-ubo naman si Sheena habang hawak ang leeg. Sa kaunting segundo na iyon ay nag-activate ang survival instinct at mabilis na gumapang palayo habang sumisigaw, "Tulong! Tulungan niyo 'ko!" Takot na takot na umii
ILANG minuto lang ang lumipas nang marating ni Lian ang ospital at mabilis ang lakad patungo sa ward. Pagliko sa pasilyo ay nakita na niyang marami ang nasa tapat ng kwarto ng Ama, kilala niya ang ibang naroon kaya agad na siyang lumapit."Nandito na 'ko," aniya."Ma'am, mabuti at nandito na kayo kasi kanina pa namin sila pinipigilan," saad ng Nurse na nakaharang sa pinto. Apat silang naroon, kasama ang tatlong security staff."Pasensya na kayo sa abala," ani Lian saka hinarap ang mga kamag-anak. "Ano pong ginagawa niyo rito?""Nandito kami para bawiin ang mga in-invest namin sa kompanya niyo!" saad ng Tiyahin niya sa father side. "Ang laki ng ibinigay ko tapos malulugi lang ako?!""S-Sino pong nagsabi sa inyo niyan, Tita?" Akmang hahawakan niya ito sa magkabilang balikat upang mapakalma pero tinabig lang ang kamay niya."Ah, basta. Ibalik niyo ang pera ko!""Ako rin, ibalik niyo ang pera ko!" sabat naman ng pinsan ng Ama. "Palugi na ang negosyo niyo at nauuwi lang sa pampagamot ni Fe
HINDI naman agad nakapagsalita si Jared. Bigla siyang nakaramdam ng hiya. Dahil sa kabila ng mga nangyari sa kanila noon ay nanatili ang respeto niya sa Ginang kahit na makailang-beses niya itong ginamit upang mapasunod si Lian.Samantalang hindi na naghintay ng sagot si Marilyn at nagtungo na sa kwarto ng anak, nang makitang wala na roon si Lian ay agad niyang sinundan ang dumaan na dalawang Nurse na may tulak-tulak na hospital bed.“S-Sandali lang po.” Pigil naman ni Jared dahil natatakot siyang baka mag-collapse ito sa oras na malaman kung anong ginawa ni Lian sa sarili.“A-Anong nangyayari, ba’t may dugo sa katawan ng anak ko?” naiiyak na tanong ni Marilyn habang sapo-sapo ang dibdib, nahihirapan huminga.Nabahala naman si Jared dahil hindi niya gustong maapektuhan ang kondisyon nito. “’Wag na po kayong masiyadong mag-alala. Aalamin ko kung anong nangyari.” Saka hinaplos-haplos ang balikat nito.Tumango si Marilyn saka hinawakan ang kamay nito. “Maraming salamat.”Nagbaba ng tingi
KULANG na lang ay mapapikit si Jared, damhin ang tuwang nararamdaman nang marinig niya ang salita iyon mula kay Lian. Noon pa man ay nangarap siyang bumuo ng pamilya kasama ito. Gusto niya ng anak na kamukha ni Lian o kung hindi naman ay kaugali nito.Ngunit nagbago iyon nang bumagsak ang negosyo ng pamilya. Ang inaasahan niyang tutulong sa kanila, si Fernando ang ama nito ay tinalikuran sila. Gumawa pa ito ng paraan para magkahiwalay sila ni Lian, pero kaya niya naman iyong tiisin. Ipinaglaban niya ngunit sa huli ay ito rin pala ang magpapap*tay sa kanya… iyon nga lang ay hindi ito nagtagumpay, nakaligtas siya sa pambubugbog noon. At ngayon ay umaarte na parang walang ng nangyari, mapagkunwari.Napakasinungaling ni Lian at mapagpanggap gaya ngayon. Kaya sa halip na maging masaya ay may napagtanto siya na mas lalong nagdulot ng pagkamuhi sa dating nobya. Sa inis niya ang mahigpit niyang hinawakan ang pisngi nito. “Wow, muntik na ‘kong maniwala.”“N-Nagsasabi ako ng totoo,” ani Lian.“
NAKAKADIRI man gawin ay nilunok ni Lian ang sinuka niyang dugo. Tutal, hindi naman naniniwala si Jared at pinaparatangan pa siyang nagkukunwari. Ngunit hindi niya kinaya at may lumabas pa rin sa bibig at nakita iyon ni Jared. Kitang-kita niya na wala man lang itong kaemo-emosyon sa mukha. Kaya nagbaba siya ng tingin bago pa maiyak sa harap nito saka pasimpleng pinunasan ang labi. “Peke pa rin ba sa’yo ‘to?”Napatiim-bagang si Jared, hindi niya gusto ang paghahamon nito. “Sige! May sakit ka na pero hindi maikakaila na may ibang lalakeng nakabuntis sa’yo at hindi ako!”“Sinabi ko bang ikaw?” singhal ni Lian, saka napangiwi nang muli na naman maramdaman ang kirot sa likod ngunit wala na siyang pakialam pa roon. Ang mahalaga ay masabi niya ang gustong sabihin, “Lagi mo akong pinaparatangan ng mga bagay na hindi ko naman ginagawa, pati sakit ko’y pinapamukha mong gawa-gawa ko lang? Sa totoo lang, hindi ko na alam kung saan ako lulugar,” matapos ay tuluyan na siyang bumagsak, halos habulin
PASIMPLENG binaba ni Lian ang paa mula sa kama, habang nagbibilang ng isa hanggang sa tatlo—“Anong binabalak mo?” ani Sam sabay ngisi nang malagkit. “Sa tingin mo ba’y hindi ko alam na nagbabalak kang tumakbo papunta sa pinto para takasan ako?”Kumibot ang labi ni Lian sa kaba, hindi niya akalaing mabibisto agad ang binabalak niya. “Labas kung ayaw mong sumigaw ako!” babala niya upang itago ang takot. Oo, natatakot siya para sa kaligtasan dahil sobrang hina niya ng mga sandaling iyon. Walang ibang magpoprotekta sa sarili at anak kundi ang sarili lamang niya.Hanggang sa unti-unti nang humahakbang palapit si Sam. “Sa totoo lang… Gusto ko pa sanang maging mabait sa’yo kasi may pinagsamahan din naman tayo. Hindi ka naging iba sa’kin pero pinapainit mo ang ulo ko.”Nagpalinga-linga sa paligid si Lian, naghahanap ng gamit na pwedeng gamitin sandata kung sakaling sumugod ito. Ngunit ang fountain pen lang sa tabi ang naroon kaya iyon na lamang ang mabilis niyang nakita at itinutok dito. “Si
KABADONG tumango ang Doctor saka hinarap si Jared, ang tingin ay nanunuot at halata ang tinitimping galit kaya kinabahan pang lalo sa puntong nanginig ang kamay nang iabot ang medical record. “Iyan ang totoo niyang sakit, may gastric ulcer lang siya at hindi malubha… Patawad at hindi ko natanggihan ang in-offer niyang pera dahil nakakaawa talaga siya, halos lumuhod na sa harap ko. Nakikiusap akong ‘wag niyo akong i-report sa nakakataas.”Palihim na nangiti si Sheena sa narinig, nagustuhan niya ang kasinungalingang sinabi nito. Matapos nga ay nagkatinginan pa sila ng Doctor at pasimple siyang tumango sa ginawa nito.Ngayon ay oras na para siya naman itong umarte, siya ang magdadagdag ng final blow upang tuluyan na itong kamuhian ni Jared.Napasinghap siya at tinakpan ang labi. “Oh my! Hindi ko akalaing gano’n klase ang tao si Lian! Nagmakaawa pa siya para masalba ang kanilang negosyo, iyon pala’y kasinungalingan lang lahat! Nakakatakot siyang—“ Natigilan siya nang magtagpo ang tingin n
PALAPIT na nang palapit si Luke nang biglang may sumulpot na Nurse sa harap niya mula rin sa direksyon kung saan niya narinig ang ingay kanina. Bahagya pa nga itong yumukod upang ipakita na napansin siya nito saka tuloy-tuloy na naglakad palayo.Sinundan ito ng tingin ni Luke sa pag-aakalang ito ang narinig niya ng mga sandaling iyon. Pagkatapos ay napagpasiyahan ng bumalik sa ward. Pagpasok ay natigilan pa siya nang makita si Katherine.Napalingon ito at mabilis na lumapit. “Sa’n ka galing?”Napakurap si Luke, inobserbahan ang kilos nito hanggang sa tinulungan siyang magtulak ng wheelchair. “Ano… Hinanap ka, kanina pa kasi kita tinatawagan pero hindi ka sumasagot.”“’Wag ka sanang mabibigla at mag-aalala pero bigla kasi akong hinimatay kanina,” pag-amin ni Katherine.Nilingon ito ni Luke, naroon ang pagtataka na nagsasabi ito ng totoo. “Bakit, anong nangyari?” aniyang sinadya niyang magmukhang nag-aalala.Sa halip na sumagot ay ngumiti lang si Katherine. Hindi epektibo kung magsisinu
PINAGMASDAN ng Nurse ang pasiyente nang matulala ito. “Ayos lang po kayo, Ma’am?”Wala sa sariling tumango si Katherine kahit ang lakas ng kabog sa kanyang dibdib. Bigla siyang nablangko at hindi alam ang gagawin ng mga sandaling iyon.Nagugulahan pa siya sa nangyayari nang simulan niyang isipin kung kailan siya huling dinatnan?Sa pagkakaalam niya ay nagkaroon pa siya noong nakaraang buwan kaya napaka-imposible na buntis siya. Bukod roon ay tatlong buwan na silang hiwalay ni Cain, huli silang nagtalik ay iyong bago pa sila mag-divorce.“Sigurado po ba kayong okay lang kayo, Ma’am?” pag-uulit ng Nurse matapos makitang natataranta at tila natatakot ito.Para naman walang narinig si Katherine at tuloy lang sa pag-iisip kung sa papaanong paraan siya nagdadalang-tao.“Nandito na si Dok.”Doon lang nag-angat ng tingin si Katherine at nakita ang paglapit nito. “Dok, totoo po bang buntis ako?”Tumango ito habang binabasa ang hawak na lab result. “Ayon dito ay you’re fourteen weeks pregnant.”
PUMALATAK si Cain nang makita niyang mula sa sasakyan ay nakatanaw sa kanila si Katherine, pinapanuod sila. Kaya kahit gustong-gusto na niyang saktan si Luke ay nakuha niya pang magpigil. “Pino-provoke mo ba ako para mas magmukha akong masama sa paningin ni Katherine?” Saka napailing-iling. “Wala ka na bang maisip at gusto mo nang magmukhang kaawa-awa sa paningin niya?”Natawa si Luke saka nilabas ang phone saka ipinakita rito ang screen. Iba’t ibang larawan ni Katherine habang nagpapalit ito ng damit sa banyo ng ospital. Palihim siyang nag-set ng camera ng hindi nito nalalaman upang magamit niya sa sitwasyon na iyon.Biglang naglaho ang ngiti sa labi ni Cain at sa isang iglap ay bigla na lang binuksan ang pinto ng kotse. Lumabas siya saka hinablot ang phone nito at gigil na gigil na hinampas sa kalsada. Hindi pa nakuntento at tinapaktapakan ito saka sinipa ang wheelchair kaya natumba si Luke. “Walang hiya kang hay*p ka!” hiyaw niya saka ito kinuwelyuhan. Akmang susuntukin sa mukha ng
MABILIS na lumipas ang mga araw. Kasalukuyang nasa kotse sina Katherine at Luke patungo sa airport habang nasa ibang sasakyan naman ang magulang ng binata. Ngayong araw ang alis nila ng bansa patungo sa Canada.Magkatabi ang dalawa, si Luke ay abala sa phone habang si Katherine naman ay nakatanaw sa labas ng kotse. Pinagmamasdan ang paligid na paniguradong matagal niya ring hindi makikita.“Anong iniisip mo?” biglang tanong ni Luke.Napalingon si Katherine saka tipid na ngumiti. “Wala.”“Nagsisisi ka bang sasama sa’min?”Napakunot-noo si Katherine sa tanong nito. “Ano? Hindi. Ba’t mo naman ‘yan nasasabi?”“Kasi marami kang maiiwan. Nandito ang buhay mo pero handa kang iwan dahil sa’kin.”“Kasi mahalaga ka,” ani Katherine saka marahang hinawakan ang braso nito.Tinangka naman ni Luke na hawakan ang kamay nito pero hindi na itinuloy. “Pa’no kung hindi na ‘ko gumaling? Anong gagawin mo?”“Ano ba ‘yang sinasabi mo? ‘Wag kang mag-isip ng negative. Naniniwala akong gagaling ang binti mo, ok