NANG magising si Katherine ay maliwanag na at mataas na ang sikat ng araw. Bigla niyang naalala na may pasok siya sa umaga na iyon kaya dali-dali siyang bumangon sa kama para lang magulantang na katabi niya pala si Cain.Doon lang niya naalala ang naganap sa kanila kagabi. Parang gusto niyang iumpog ang ulo sa pader dahil hindi siya nag-iisip nang mabuti. Kung ano-ano pa ang mga sinabi niya pero sa huli ay bumigay rin naman siya agad.Buti na lang talaga at mahimbing pa itong natutulog. Dala na rin siguro ng alak at pagod sa nangyari kaya hindi pa ito nagigising.Habang siya naman na bagamat hindi na maalala kung nakailang round sila kagabi ay nagawa pang kumilos kahit masakit ang balakang. Wala na siyang panahon pang umaray dahil late na late na siya sa trabaho.Mabilis lang siyang naligo at pagkatapos ay nagbihis na. May pagkakataon pang nababagsak niya ang mga gamit sa pagmamadali pero hindi naman ito nagising na ipinagpapasalamat niya. Mas mainam na lamang sigurong takasan at pans
MARAHIL dahil sa reflexes kaya agad naiwasan ni Sheena ang pagsugod nito at nalingunan na lamang niya si Lian na sumubsob sa sahig.Buong akala niya ay doon na matatapos ang lahat nang bigla itong lumingon, ang tingin ay parang papat*y kaya mabilis siyang tumakbo palabas sa unit bago pa nito maabutan.Pero hindi pa man nakakalapit sa pinto nang mahawakan ang paa niya dahilan kaya siya nadapa. Bago pa man makabangon ay inupuan na siya ni Lian sa tiyan at sinak*l sa leeg.Nahirapan sa paghinga si Sheena na agad namula ang mukha sa kawalan ng hangin. Kahit anong gawin ay hindi niya magawang alisin ang kamay nito. Kaya pilit niyang inaabot ang mukha nito hanggang sa magawa niyang mahila ang buhok.Lumuwag sa pagkakahawak hanggang sa tuluyan nang mabitawan ni Lian ang leeg nito. Umubo-ubo naman si Sheena habang hawak ang leeg. Sa kaunting segundo na iyon ay nag-activate ang survival instinct at mabilis na gumapang palayo habang sumisigaw, "Tulong! Tulungan niyo 'ko!" Takot na takot na umii
ILANG minuto lang ang lumipas nang marating ni Lian ang ospital at mabilis ang lakad patungo sa ward. Pagliko sa pasilyo ay nakita na niyang marami ang nasa tapat ng kwarto ng Ama, kilala niya ang ibang naroon kaya agad na siyang lumapit."Nandito na 'ko," aniya."Ma'am, mabuti at nandito na kayo kasi kanina pa namin sila pinipigilan," saad ng Nurse na nakaharang sa pinto. Apat silang naroon, kasama ang tatlong security staff."Pasensya na kayo sa abala," ani Lian saka hinarap ang mga kamag-anak. "Ano pong ginagawa niyo rito?""Nandito kami para bawiin ang mga in-invest namin sa kompanya niyo!" saad ng Tiyahin niya sa father side. "Ang laki ng ibinigay ko tapos malulugi lang ako?!""S-Sino pong nagsabi sa inyo niyan, Tita?" Akmang hahawakan niya ito sa magkabilang balikat upang mapakalma pero tinabig lang ang kamay niya."Ah, basta. Ibalik niyo ang pera ko!""Ako rin, ibalik niyo ang pera ko!" sabat naman ng pinsan ng Ama. "Palugi na ang negosyo niyo at nauuwi lang sa pampagamot ni Fe
DUMILIM ang aura ni Jared sa narinig. Damang-dama niya ang pagkamuhi ni Lian sa bawat salitang binibitawan nito. At iyon naman ang gusto niya, ang unti-unting nakakamit ang paghihiganting nais mula rito at sa pamilya nito.Pero... bakit hindi niya magawang matuwa?Sa halip ay hindi niya maiwasang ma-guilty sa sinasabi nito.Ang nanlilisik at namumuhi nitong tingin ay nagbibigay sa kanya ng kakaibang emosyon na hindi niya mapangalanan. Basta, hindi siya masaya sa resulta ng nagawa.Nanginginig ang buong katawan ni Lian sa galit sa puntong umiiyak na siya sa harap nito kahit ayaw niyang magmukhang mahina, nakakaawa. "Masaya ka na ba? Kung nakuha mo na ang gusto mong mangyari ngayon, pwede ba, umalis ka na dahil wala ka ng masisira pa. Nagtagumpay ka na."Napatiim-bagang si Jared habang ang kamay ay namumuti na sa mahigpit na pagkakahawak sa baston.Isang matalim na tingin naman ang pinukol ni Lian bago ito talikuran.Akmang bubuksan ang pinto ng kwarto nang sumigaw si Jared, "Tumigil ka
BINIGAY ng Doctor ang hawak na lab test result at binasa naman ni Jared pero wala siyang maintindihan. Para siyang walang muwang na bata na hindi makaintindi.“A-Anong ibig sabihin nito?” nauutal niyang tanong saka nag-angat ng tingin.Bakas ang lungkot sa mukha ng Doctor nang sabihin na, “May gastric cancer siya at sobrang lala na. Kailangan na kailangan na talaga siyang ma-operahan sa lalong madaling panahon bago pa mahuli ang lahat. Kailangan namin ang consent ng pamilya niya dahil delikado ang gagawin naming. Kinakailangan na mamili, ang buhay ba ng pasiyente o ng bata.”Parang tumigil ang lahat para kay Jared ng marinig ang sinabi nito. Gulong-gulo siya at hindi makapag-isip nang maayos. “A-Anong… hindi ko maintindihan ang sinasab mo, Dok. Anong bata?”“Hindi mo ba alam? Buntis siya kaya kailangan na consent ng pamilya niya para masimulan na ang operasyon. Kaya mo ba silang makontak o matawagan ngayon?”Hindi pa rin makapag-isip si Jared pero may isang malinaw na sa kanya. Kailan
ILANG araw ng walang balita si Katherine sa kaibigan. Kahit i-message o tawagan niya ito ay hindi talaga sumasagot si Lian kaya nag-aalala na siya.Sa huli ay pinili na lamang niyang puntahan ito sa ospital kung saan ay sigurado siyang makikita niya ito na binabantayan ang Ama.Pagdating ay pasimple siyang sumilip sa window portion ng pinto. Pero sa halip na makita ang kaibigan ay si Marilyn ang nakita niya roon na nagbabantay sa asawa. Kaya binuksan niya ang pinto na ikinalingon nito. “Tita, kumusta po? Kailan kayo lumuwas?”Bakas sa mukha ni Marilyn ang pagod na umubo-ubo pa. “Mabuti-buti na rin ang pakiramdam ko. Lumuwas ako matapos makatanggap ng tawag.” Matapos ay bigla na lamang naluha.Siyempre, nabahala si Katherine. “Bakit po, anong nangyari kay Tito?” Saka ito binalingan ng tingin na mahimbing ang tulog sa kama.“Maayos lang ang kalagayan ni Fernando pero si Lian….” At tuluyan na ngang humagulgol.Bigla naman kinabahan si Katherine. “A-Ano pong nangyari kay Lian, Tita?”Sina
IILING-ILING na natawa si Cain saka binuhay ang makina ng sasakyan.“May nakakatawa ba sa sinabi ko?!” pagtataray pa ni Katherine.“Mag-seatbelt ka muna. Baka pagpreno ko, mahulog ka sa’kin,” pagbibiro pa ni Cain.“Ha, ha, ha, ha, nakakatawa,” sarkasmong sabi ni Katherine habang kinakabit ang seatbelt.Matapos ay pareho na silang natahimik na dalawa hanggang sa marating nila ang apartment. Pagkababa ni Katherine ay inunahan siya nitong kunin ang pinamili.“Ako nang magdadala nito,” ani Cain.Inis na napabuga ng hangin si Katherine habang nakapamewang. Wala na rin siyang magagawa dahil hawak na nito ang eco-bag. “Bahala ka na nga,” aniya saka nagmartsa patungo sa unit.Pagkabukas ay hinintay niya si Cain sa hamba ng pinto para kunin ang bitbit nito dahil ayaw niya itong papasukin sa loob. “Akin na.”Pero nilampasan lang siya ni Cain na tuloy-tuloy papasok sa unit.“Narinig mo ba ako?” ani Katherine saka ito sinundan nang bigla na lang tumigil si Cain kaya nabunggo siya sa malapad niton
UMIWAS ng tingin si Lian sa tanong ng kaibigan nang bigla siyang nakaramdam ng hiya na tingnan ito sa mga mata.Ang Doctor na naroon ay nagpalipat-lipat ang tingin sa dalawa hanggang sa kinausap si Katherine, “Kaibigan mo ba siya, Miss? Pwede bang kumbinsihin mo siya na magpa-opera?”Nanatili ang tingin ni Katherine sa kaibigan pero tumatango-tango sa sinasabi ng Doctor. “Susubukan ko.”“Okay, salamat. Maiwan ko muna kayo at babalik na lang ako mamaya,” saad pa ng Doctor saka lumabas ng kwarto.Nang ang magkaibigan na lamang ang naiwan ay nagsalita si Lian, “Kahit anong mangyari ay hindi ko bibitiwan ang anak ko.”“Naiintindihan ko pero… pa’no ka?”“Hindi na mahalaga kung anong mangyari sa’kin, basta mabubuhay ang bata na ‘to,” ani Lian.“Dahil ba kay Jared? Alam niyang buntis ka at ayaw na mawala ang fetus sa tiyan mo kaya pinagbabantaan ka niya?”Umiling si Lian. “Walang gano’n, Sissy. Ni wala nga siyang pakialam sa bata ang gusto lang niya ay mabuhay ako.”“At ‘yun din ang gusto ko
NAKAKADIRI man gawin ay nilunok ni Lian ang sinuka niyang dugo. Tutal, hindi naman naniniwala si Jared at pinaparatangan pa siyang nagkukunwari. Ngunit hindi niya kinaya at may lumabas pa rin sa bibig at nakita iyon ni Jared. Kitang-kita niya na wala man lang itong kaemo-emosyon sa mukha. Kaya nagbaba siya ng tingin bago pa maiyak sa harap nito saka pasimpleng pinunasan ang labi. “Peke pa rin ba sa’yo ‘to?”Napatiim-bagang si Jared, hindi niya gusto ang paghahamon nito. “Sige! May sakit ka na pero hindi maikakaila na may ibang lalakeng nakabuntis sa’yo at hindi ako!”“Sinabi ko bang ikaw?” singhal ni Lian, saka napangiwi nang muli na naman maramdaman ang kirot sa likod ngunit wala na siyang pakialam pa roon. Ang mahalaga ay masabi niya ang gustong sabihin, “Lagi mo akong pinaparatangan ng mga bagay na hindi ko naman ginagawa, pati sakit ko’y pinapamukha mong gawa-gawa ko lang? Sa totoo lang, hindi ko na alam kung saan ako lulugar,” matapos ay tuluyan na siyang bumagsak, halos habulin
PASIMPLENG binaba ni Lian ang paa mula sa kama, habang nagbibilang ng isa hanggang sa tatlo—“Anong binabalak mo?” ani Sam sabay ngisi nang malagkit. “Sa tingin mo ba’y hindi ko alam na nagbabalak kang tumakbo papunta sa pinto para takasan ako?”Kumibot ang labi ni Lian sa kaba, hindi niya akalaing mabibisto agad ang binabalak niya. “Labas kung ayaw mong sumigaw ako!” babala niya upang itago ang takot. Oo, natatakot siya para sa kaligtasan dahil sobrang hina niya ng mga sandaling iyon. Walang ibang magpoprotekta sa sarili at anak kundi ang sarili lamang niya.Hanggang sa unti-unti nang humahakbang palapit si Sam. “Sa totoo lang… Gusto ko pa sanang maging mabait sa’yo kasi may pinagsamahan din naman tayo. Hindi ka naging iba sa’kin pero pinapainit mo ang ulo ko.”Nagpalinga-linga sa paligid si Lian, naghahanap ng gamit na pwedeng gamitin sandata kung sakaling sumugod ito. Ngunit ang fountain pen lang sa tabi ang naroon kaya iyon na lamang ang mabilis niyang nakita at itinutok dito. “Si
KABADONG tumango ang Doctor saka hinarap si Jared, ang tingin ay nanunuot at halata ang tinitimping galit kaya kinabahan pang lalo sa puntong nanginig ang kamay nang iabot ang medical record. “Iyan ang totoo niyang sakit, may gastric ulcer lang siya at hindi malubha… Patawad at hindi ko natanggihan ang in-offer niyang pera dahil nakakaawa talaga siya, halos lumuhod na sa harap ko. Nakikiusap akong ‘wag niyo akong i-report sa nakakataas.”Palihim na nangiti si Sheena sa narinig, nagustuhan niya ang kasinungalingang sinabi nito. Matapos nga ay nagkatinginan pa sila ng Doctor at pasimple siyang tumango sa ginawa nito.Ngayon ay oras na para siya naman itong umarte, siya ang magdadagdag ng final blow upang tuluyan na itong kamuhian ni Jared.Napasinghap siya at tinakpan ang labi. “Oh my! Hindi ko akalaing gano’n klase ang tao si Lian! Nagmakaawa pa siya para masalba ang kanilang negosyo, iyon pala’y kasinungalingan lang lahat! Nakakatakot siyang—“ Natigilan siya nang magtagpo ang tingin n
PALAPIT na nang palapit si Luke nang biglang may sumulpot na Nurse sa harap niya mula rin sa direksyon kung saan niya narinig ang ingay kanina. Bahagya pa nga itong yumukod upang ipakita na napansin siya nito saka tuloy-tuloy na naglakad palayo.Sinundan ito ng tingin ni Luke sa pag-aakalang ito ang narinig niya ng mga sandaling iyon. Pagkatapos ay napagpasiyahan ng bumalik sa ward. Pagpasok ay natigilan pa siya nang makita si Katherine.Napalingon ito at mabilis na lumapit. “Sa’n ka galing?”Napakurap si Luke, inobserbahan ang kilos nito hanggang sa tinulungan siyang magtulak ng wheelchair. “Ano… Hinanap ka, kanina pa kasi kita tinatawagan pero hindi ka sumasagot.”“’Wag ka sanang mabibigla at mag-aalala pero bigla kasi akong hinimatay kanina,” pag-amin ni Katherine.Nilingon ito ni Luke, naroon ang pagtataka na nagsasabi ito ng totoo. “Bakit, anong nangyari?” aniyang sinadya niyang magmukhang nag-aalala.Sa halip na sumagot ay ngumiti lang si Katherine. Hindi epektibo kung magsisinu
PINAGMASDAN ng Nurse ang pasiyente nang matulala ito. “Ayos lang po kayo, Ma’am?”Wala sa sariling tumango si Katherine kahit ang lakas ng kabog sa kanyang dibdib. Bigla siyang nablangko at hindi alam ang gagawin ng mga sandaling iyon.Nagugulahan pa siya sa nangyayari nang simulan niyang isipin kung kailan siya huling dinatnan?Sa pagkakaalam niya ay nagkaroon pa siya noong nakaraang buwan kaya napaka-imposible na buntis siya. Bukod roon ay tatlong buwan na silang hiwalay ni Cain, huli silang nagtalik ay iyong bago pa sila mag-divorce.“Sigurado po ba kayong okay lang kayo, Ma’am?” pag-uulit ng Nurse matapos makitang natataranta at tila natatakot ito.Para naman walang narinig si Katherine at tuloy lang sa pag-iisip kung sa papaanong paraan siya nagdadalang-tao.“Nandito na si Dok.”Doon lang nag-angat ng tingin si Katherine at nakita ang paglapit nito. “Dok, totoo po bang buntis ako?”Tumango ito habang binabasa ang hawak na lab result. “Ayon dito ay you’re fourteen weeks pregnant.”
PUMALATAK si Cain nang makita niyang mula sa sasakyan ay nakatanaw sa kanila si Katherine, pinapanuod sila. Kaya kahit gustong-gusto na niyang saktan si Luke ay nakuha niya pang magpigil. “Pino-provoke mo ba ako para mas magmukha akong masama sa paningin ni Katherine?” Saka napailing-iling. “Wala ka na bang maisip at gusto mo nang magmukhang kaawa-awa sa paningin niya?”Natawa si Luke saka nilabas ang phone saka ipinakita rito ang screen. Iba’t ibang larawan ni Katherine habang nagpapalit ito ng damit sa banyo ng ospital. Palihim siyang nag-set ng camera ng hindi nito nalalaman upang magamit niya sa sitwasyon na iyon.Biglang naglaho ang ngiti sa labi ni Cain at sa isang iglap ay bigla na lang binuksan ang pinto ng kotse. Lumabas siya saka hinablot ang phone nito at gigil na gigil na hinampas sa kalsada. Hindi pa nakuntento at tinapaktapakan ito saka sinipa ang wheelchair kaya natumba si Luke. “Walang hiya kang hay*p ka!” hiyaw niya saka ito kinuwelyuhan. Akmang susuntukin sa mukha ng
MABILIS na lumipas ang mga araw. Kasalukuyang nasa kotse sina Katherine at Luke patungo sa airport habang nasa ibang sasakyan naman ang magulang ng binata. Ngayong araw ang alis nila ng bansa patungo sa Canada.Magkatabi ang dalawa, si Luke ay abala sa phone habang si Katherine naman ay nakatanaw sa labas ng kotse. Pinagmamasdan ang paligid na paniguradong matagal niya ring hindi makikita.“Anong iniisip mo?” biglang tanong ni Luke.Napalingon si Katherine saka tipid na ngumiti. “Wala.”“Nagsisisi ka bang sasama sa’min?”Napakunot-noo si Katherine sa tanong nito. “Ano? Hindi. Ba’t mo naman ‘yan nasasabi?”“Kasi marami kang maiiwan. Nandito ang buhay mo pero handa kang iwan dahil sa’kin.”“Kasi mahalaga ka,” ani Katherine saka marahang hinawakan ang braso nito.Tinangka naman ni Luke na hawakan ang kamay nito pero hindi na itinuloy. “Pa’no kung hindi na ‘ko gumaling? Anong gagawin mo?”“Ano ba ‘yang sinasabi mo? ‘Wag kang mag-isip ng negative. Naniniwala akong gagaling ang binti mo, ok
MATAPOS magtungo sa cemetery para makapagpaalam sa Abuela ay sunod naman na pinuntahan ni Katherine ang kaibigan sa ward nito.Pagpasok sa kwarto ay nginitian niya ang isang kasamang pasiyente ng kaibigan saka nagtuloy-tuloy patungo sa bintana dahil doon ito nakapuwesto. Hinawi niya ang kurtina at nakitang may pinagkakaabalahan ito.“Anong ginagawa mo?” Saka ito nilapitan upang silipin ang laptop pero mabilis nitong sinara bago pa siya may makita. Kaya hindi niya maiwasang tingnan ito ng kakaiba. “Nagtatatrabaho ka ba?”“May tinitingnan lang ako,” ani Lian.Nagpakawala ng buntong-hininga si Katherine. Gusto man itong pagsabihan ay ayaw niya naman na mauwi muli sila sa pagtatalo.“Ano palang ginagawa mo rito?”“Kumusta ang operasyon mo?” balik tanong ni Katherine.“Nasabi ko na kay Mommy ang kondisyon ko at gaya mo, tumutol siya na i-keep ko ‘tong bata.”Kinuha naman ni Katherine ang upuan sa tabi saka naupo sa harap nito. “Ayaw mo pa rin magpa-opera?”Matagal bago nakasagot si Lian, l
NANG mapansin ni Grace na natulala ito ay napagtanto niya na isang mabigat na resposibilidad ang ipinasa niya kay Katherine. Ngunit kailangan niya itong gawin para sa kaawa-awa niyang anak.Hanggang sa pinili na lamang niyang magpakababa at lumuhod sa harap nito. “Nakikiusap ako, Katherine. ‘Wag mo sanang iiwan si Luke kahit pa anong mangyari sa kanya.”Nabigla si Katherine sa ginawa nito kaya mabilis niyang inalalayan ang Ginang na tumayo. “’Wag niyo po ‘tong gawin, Tita.”Ang mga taong naroon, pasiyente maging ang mga staff ay napapatingin na sa kanila lalo na kay Grace. Hanggang sa tuluyan ng lumapit si Roberto upang sawayin ang asawa. “Ano bang ginagawa mo? Hindi ka ba nahihiya? Pini-pressure mo si Katherine. Sa tingin mo ba’y ikatutuwa ni Luke kapag nalaman niya ‘tong ginagawa mo?”Tiningnan naman ni Grace ang mukha ng asawa. “Roberto, ginagawa ko lang kung anong makakabuti para sa kanya,” iyak pa niya saka ito niyakap.Bakas man ang lungkot sa mga mata ay nagpakatatag si Roberto