UMIWAS ng tingin si Lian sa tanong ng kaibigan nang bigla siyang nakaramdam ng hiya na tingnan ito sa mga mata.Ang Doctor na naroon ay nagpalipat-lipat ang tingin sa dalawa hanggang sa kinausap si Katherine, “Kaibigan mo ba siya, Miss? Pwede bang kumbinsihin mo siya na magpa-opera?”Nanatili ang tingin ni Katherine sa kaibigan pero tumatango-tango sa sinasabi ng Doctor. “Susubukan ko.”“Okay, salamat. Maiwan ko muna kayo at babalik na lang ako mamaya,” saad pa ng Doctor saka lumabas ng kwarto.Nang ang magkaibigan na lamang ang naiwan ay nagsalita si Lian, “Kahit anong mangyari ay hindi ko bibitiwan ang anak ko.”“Naiintindihan ko pero… pa’no ka?”“Hindi na mahalaga kung anong mangyari sa’kin, basta mabubuhay ang bata na ‘to,” ani Lian.“Dahil ba kay Jared? Alam niyang buntis ka at ayaw na mawala ang fetus sa tiyan mo kaya pinagbabantaan ka niya?”Umiling si Lian. “Walang gano’n, Sissy. Ni wala nga siyang pakialam sa bata ang gusto lang niya ay mabuhay ako.”“At ‘yun din ang gusto ko
NAPAKURAP sabay ngisi si Adrian sa tanong nito. “What? Hindi ko maintindihan ang sinasabi mo.”“Kanina ko pa kasi napapansin na iniinis mo si Luke. So, may problema ka ba sa kanya?”“Of course, wala. Wala akong problema sa kanya, it’s just that… Hindi ko lang maintindihan kung ba’t ka nakikipagrelasyon sa gano’ng klaseng tao? Alam mo ba kung anong ginawa niya sa dati? Natanggal lang naman siya sa pinagtatrabahuhan—““Pake ‘ko kung anong ginawa niya noon. Kilala ko si Luke kaya hindi magbabago ang nakikita ko sa kanya sa simpleng paninira mo.”Sa halip na ma-offend ay mas lalong natuwa si Adrian. “Wow, I like you. Gusto ko ang babaeng palaban, gaya mo. Kaya kung ako sa’yo ay iwan mo na siya’t sumama sa’kin. Sigurado—““Yuck~! Ba’t naman ako sasama sa lalakeng sa’yo?”Doon tuluyang nainis si Adrian at hinarap ito. “At anong nakita mo sa lalakeng ‘yun? Pera? Marami ako no’n—““No, thanks dahil may pera ako. Saka aanhin ko ang pera kung hindi naman nakakain ang ugali?”Nanggalaiti si Adri
NATULALA si Luke ng marinig iyon mula kay Katherine. Hindi siya makapaniwala, kumurap at akmang hahawakan niya pa ang tenga, gusto lang makasiguro na tama ang nadinig habang nakatitig dito.“T-Tama ba ‘yung narinig ko?” Parang gusto niyang matawa, magtatalon at magwala… Ang daming gumugulo sa isip sa puntong hindi na niya alam kung ano ang dapat na maramdaman ng mga oras na iyon. “H-Hindi naman ako nabibingi, ‘di ba? Um-oo ka, tama?”Tumango si Katherine habang napapatingin sa mga taong naroon.Nakagat ni Luke ang ibabang labi, naluluha na siya ng mga sandali iyon pero ayaw niyang magmukhang mahina sa harap ni Katherine kaya niyakap niya na lang ito. “Thank you, thank you! Pinasaya mo ‘ko nang husto.”Nahigit naman ni Katherine ang sariling hininga dahil ang totoo ay… napilitan lang siyang um-oo kanina. Ayaw niyang mapahiya si Luke sa harap ng ibang tao kay iyon ang sinabi niya.Kaya habang nakayakap ito ay sinamantala niya ang pagkakataon at binulungan ito, “Luke, ang totoo ay nasabi
KUNG wala lang marahil tao sa paligid ay baka kanina pa sila nagkagulo roon. Nanggigigil na sa galit si Luke at kanina pa nagpipigil na sugurin si Cain.“Umalis na lang tayo rito,” aniya kay Katherine saka ito marahang hinaplos sa bewang matapos na pulutin ang nabitawan nitong bulaklak.At iyon naman ang ginawa ni Katherine. Nilampasan niya si Cain at naglakad palabas ng hotel. Kahit pa naluluha na sa galit ng mga sandaling iyon ay nagpatuloy siya sa paglayo bago pa tuluyang mag-break down sa harap ng dating asawa.Saglit naman na nagpaiwan si Luke dahil may gusto pa siyang sabihin kay Cain, “Kung ano man ang nakaraan niyong dalawa ni Katherine ay hindi na mahalaga sa’kin. Girlfriend ko na siya ngayon kaya tigilan mo na siya. Dahil ‘pag nanggulo ka pa’y ako ang makakaharap mo.”Umismid si Cain. “Sa tingin mo matatakot ako sa banta mo?”“Hindi ako nagbabanta. Gusto ko lang ipagyabang na akin na siya ngayon at dahil ‘yun sa’yo kaya salamat dahil gag* ka.” Matapos ay saka ito nilampasan,
BUMUNTONG-HININGA si Cain saka pinunasan ang luha sa pisngi nito. “’Wag ka ng umiyak, okay? Kasalanan ko kaya tahan na.”Isang matalim na tingin naman ang pinukol ni Katherine saka tinabig ang kamay nito palayo. “Gusto ko ng umuwi,” aniya sabay sandal sa upuan at tumingin sa labas ng kotse.Umayos naman ng upo si Cain saka muling kinabit ang seatbelt. Mayamaya pa ay nasa highway na ulit sila patungo sa apartment. Ilang minuto silang tahimik sa loob ng sasakyan hanggang sa magsalita siya, “Kung tama ako, gaya ng sinasabi mo… Hiwalayan mo na agad si Luke, ‘wag mong patagalin dahil mas lalo ka lang mahihirapan.”Nanahimik lang si Katherine hanggang sa marating nila ang apartment. Pag-unlock ng pinto ay mabilis pa sa alas-kwatrong inalis niya ang seatbelt saka lumabas sa sasakyan.Mabilis naman humabol si Cain bago pa ito makalayo at makapasok sa gate. Nahawakan niya ang kamay nito at nang matitigan ang bracelet ay parang gusto niyang mapamura.“Bitaw!” singhal ni Katherine.Ngunit bago i
MAG-IISANG oras na ang lumipas pero wala pa rin silang balita kung nasaan si Katherine ng mga oras na iyon. Hindi pa rin tumatawag ang security department ng kompanya na tinawagan kanina para i-hack ang lahat ng CCTV camera sa paligid ng lugar para alamin kung sino ang dumukot kay Katherine.Si Joey na nasa driver seat ay panaka-nakang tinitingnan sa rearview mirror si Cain na tahimik lang sa backseat.“Wala pa rin ba?”Napaigtad si Joey dahil kanina pa siya kinakabahan. Mukha man itong kalmadong tingnan pero alam niyang kanina pa galit ang amo. “W-Wala pa rin po, Sir,” maingat niyang sagot.Napatiim-bagang si Cain at walang ano-ano ay sinuntok ang bintana ng sasakyan. Sa lakas ng impact ay nag-crack ang salamin. “Ba’t ang tagal?! Ginagawa ba nila nang maayos ang trabaho nila?!”“Pasensiya na po, Sir,” hinging paumanhin ni Joey saka ito nilingon. “A-Ayos lang ba ang kamay niyo?”Isang matalim na tingin ang pinukol ni Cain at pagkatapos ay sumandal sa kinauupuan. Kanina pa siya nagtiti
NGINGISI-NGISI pa si Jean habang nanlilisik ang mga matang nakatitig kay Katherine. “Dahil sa inyo kaya nagkanda-lets*-lets* ang buhay ko!” kulang na lang ay maputol ang litid sa kanyang leeg sa kakasigaw.Narindi naman si Katherine sa sigaw nito. Gusto man takpan ang tenga ay hindi niya magawa kaya mariin na lamang siyang napapikit. “W-Wala akong ginagawang masama sa’yo, karma ‘yan sa lahat ng mga ginawa mo sa’kin! Siningil ka na ng langit!”Muling tumili si Jean saka ito sinabunutan. “Ulitin mong sinabi mo, ulitin mo!”Dumaing lang sa sakit si Katherine pero hindi siya nagpatinag. “Mamam*tay tao, pin*tay mo ang anak ko kaya nararapat lang ‘yan sa’yo!”“Wala akong ginawa! Kayo ang masama, ayaw niyo ‘kong tigilan na dalawa ni Cain!” Pagod na siyang magtago para lang hindi matikman ang galit ng pinsan. Ngayon ay oras na para kumilos, kung mamam*tay man siya, sisiguraduhin niyang may maisasama siya sa hukay. “Kung hindi ikaw, si Cain ang isasama ko sa impiyerno!” Matapos ay tumawa na pa
HINDI natatapos doon ang plano ni Jean. Hindi siya makukontento sa ganoon lang kaya dinukot niya mula sa likod ang isinuksok na patalim saka idinikit sa mukha ni Katherine.Kailangan na makagawa muna siya ng pinsala kay Cain dahil kapag nagkaharap-harap na sila ay paniguradong dehado siya.“Nakikita mo ba ‘tong nasa mukha niya, pinsan?”“Jean!” tila dumagundong ang boses ni Cain sa linya.Kinabahan man ay hindi ipinahalata ni Jean. “I-Itatarak ko ‘to sa katawan at susugatan ko ang mukha niya ‘pag hindi mo ginawa ang gusto ko.”“’Wag mo siyang sasaktan!”“Ipangako mo munang gagawin mo ang gusto ko?”“Nababaliw ka na!” sigaw ni Cain.Tumawa lang si Jean saka sinabunutan si Katherine. “Kung sa leeg na lang kaya niya? Ano sa tingin mo?” Saka inilapit doon ang patalim.“Gagawin ko na!” Bakas ang pagkataranta at takot sa mukha ni Cain. “Anong gusto mo?”Napangisi naman si Jean saka sinabi ang nais nitong gawin, “Sa halip na si Katherine ang masugatan, ba’t hindi kaya ikaw na lang?”Nang mar
NATULALA ng ilang segundo si Katherine saka nagalit. "Anong klaseng biro 'yan?! Hindi nakakatuwa.""Hindi ako nagbibiro. Mismong assistant ni Jared ang kumontak sa'kin para ipaalam na naaksidente ito at si Lian."Habang nagpapaliwanag si Cain ay tumulo ang luha sa mga mata ni Katherine, na maging siya ay nabigla. Hinawakan ang pisnging nabasa ng luha.Nag-alala naman si Cain, lumapit at hinawakan ang magkabila nitong pisngi, pasimpleng pinupunasan ang luha. "Baby, kalma lang. Nandito lang ako." Nang hawakan niya kasi ay naramdaman niya ang panginginig ng katawan at panlalamig ng balat nito."H-Hindi naman totoo, 'di ba?" umaasang tanong ni Katherine. Naniniwala siyang hindi siya iiwan ng kaibigan. "Sabihin mo sa'king hindi totoo."Nahirapan sumagot si Cain hanggang sa hawiin ng asawa ang kamay niya at mabilis na lumabas sa sasakyan. "S-Sandali lang!" pigil niya pa nang tumakbo ito papasok sa ospital. Hinabol niya ito hanggang sa huminto sa isang makitid na pasilyo. "Katherine..." samb
HALOS isang metro na lang ang layo at mabubundol na si Lian ng sasakyan na paparating. Natapakan man ng driver ang preno pero nagtuloy-tuloy pa rin ang kotse.Si Jared naman na tumatakbo ay nagawang mayakap ang dalaga saka ito prinotektahan. Ang katawan niya mismo ang ipinangharang kung sakaling mabunggo nga silang dalawa.At hindi nga siya nagkamali dahil naramdaman niya ang impact at ang paggulong-gulong nila sa kalsada. Si Ulysses na naghihintay sa kotse ay napalingon matapos makarinig ng pagkabunggo.Nang makita niyang nakahandusay sa sahig ang amo at si Lian ay dali-dali siyang lumabas, tinakbo ang mga ito. "A-Anong nangyari, Sir Jared!" Bahagya siyang nataranta, hindi malaman ang gagawin dahil parehong walang-malay ang dalawa.Ang driver naman ay bumaba at tiningnan din ang nabunggo. "H-Hindi ko sinasadya, bigla siyang sumulpot!"Tumawag naman agad si Ulysses ng ambulansiya saka ito binalingan. "'Wag kang aalis, diyan ka lang!" babala niya rito nang akma itong babalik sa sasakya
PABALIK na si Jared sa loob ng funeral homes ng mapansin ang paglabas ni Lian. Mabilis ang lakad nito patungo sa kalsada, pumapara ng masasakyan kaya nilapitan niya ito. "Sa'n ka papunta?"Hindi ito pinansin ni Lian hanggang sa harapin siya nito."Sa'n ka nga pupunta at sasamahan na kita," tanong muli ni Jared.Nakulitan si Lian kaya sinabi niyang pupuntahan niya ang Ina sa ospital."Kung gano'n ay ihahatid na kita," alok pa ni Jared.Napabuga ng hangin si Lian, saka ito tiningnan nang masama. "Alin ba sa mga sinabi ko ang hindi mo maintindihan? Ilang beses ko bang uulit-uliting layuan mo 'ko?"Inangat ni Jared ang dalawang kamay sa ere saka ibinagsak, nagpapahiwatig na suko na ito at ayaw ng makipagtalo. "Okay, fine. Pero wala kang masasakyan sa ganitong dis-oras ng gabi."Alam naman iyon ni Lian pero nagbabaka-sakali siya dahil ayaw niya itong makasama.Pride.Tama, umiiral ang pride niya ng mga sandaling iyon kaya ayaw niyang tanggapin ang tulong nito.Hanggang sa naglakad na palay
ANG NAKAMASID na si Jared sa malapit ay bigla na lang napatakbo patungo sa dalawang babae. Hinawi si Sheena saka dinaluhan si Lian na nakasalampak sa sahig. "Ayos ka lang?" Pagkatapos ay tiningnan nang masama si Sheena. "Anong ginawa mo sa kanya?"Hawak ng dalaga ang balikat na natamaan nito. Nasasaktan siya na mas matimbang si Lian kaysa sa kanya. "Wala akong ginawa sa kanya, sinabi ko lang ang totoo.""Ang alin?" naguguluhang tanong ni Jared hanggang sa maramdaman ang paghawak ni Lian sa kanyang braso.Nagtagpo ang tingin nilang dalawa pero ang dalaga ay maluha-luha na."S-Sabihin mo sa'kin ang totoo, anong nangyari kay Mommy?" ani Lian.Napatiim-bagang si Jared saka tiningnan nang masama si Sheena."O, ba't ganyan ka makatingin sa'kin? Tinatanong ka niya kaya sagutin mo," hamon ng dalaga. "O, baka gusto mong ako na ang magsalita?""Anong nangyari kay Mommy!" biglang sumigaw si Lian. Hindi na napigilan ang frustration. Bumabalik sa alaala niya ang scenario kung saan nasaksihan niya
PAGDATING sa ospital ay dumiretso ang mag-asawa sa opisina ni Levi, nag-usap ang magkaibigan habang si Katherine naman ay gusto ng puntahan si Lian."Hindi ko siya makontak," aniya na nasi-stress na rin sa paulit-ulit na pagtawag."Marahil ay nando'n siya sa morgue," ani Levi.Tumango naman si Katherine at naglakad na palabas. Akmang susunod si Cain nang pigilan ng kaibigan."May pag-uusapan pa tayo," ani Levi."Importante ba?" tanong ni Cain, tingin ay nasa asawa. Hindi niya gustong malayo at may sakit pa naman ito.Napapailing na lang si Levi saka tumayo sa kinauupuan. "Tara, sundan na natin."Naabutan ng dalawang lalake si Katherine na naghihintay ng elevator."Sabay-sabay na tayong pumunta ro'n," ani Levi.Saktong bumukas ang elevator at bumungad sa harap nilang tatlo si Jared.Sa halip na humakbang papasok ay natigilan si Katherine. "Umamin ka nga, may kinalaman ka ba sa nangyari kay Tito?"Napatingin lang si Jared at hindi na nagkomento. "May importante akong sasabihin," aniya s
ILANG BUWAN itong hindi nakita ni Katherine, walang balita tapos bigla na lamang susulpot at malaki na ang tiyan?!Ang sabi ay nasa mental hospital ito, nagpapagaling pero ano itong nangyayari?Gulong-gulo siya pero si Margaret, mukhang natutuwa pa sa nakikitang reaksyon. Ang lakas ng loob na lumapit at makipag-beso."Kamusta ka na? Hindi ko alam na nandito ka pala."Hindi nakasagot si Katherine dahil ang mga mata ay nanatili sa tiyan nito. "A-Anong ginagawa mo rito?" tanong niya saka napatingin kay Cain na papalapit na sa kanila."Nandito ako para humingi sa'yo ng sorry," ani Margaret.'Sorry?!' sigaw ng isip ni Katherine. Gustong isumbat na hanggang sorry lang pala ang buhay ng anak?!Muling nabuhay ang galit na matagal na niyang kinikimkim at hindi na nga napigilan ang sariling saktan ito. Dumapo ang palad niya sa pisngi ni Margaret."Katherine!" react ni Cain sa ginawa ng asawa saka ito nilapitan, pinapalayo sa dalaga."Iyan lang ang sasabihin mo sa lahat ng kasalanang ginawa mo s
NATIGILAN si Jared matapos iyong marinig sa kabilang linya. "Hello, Tita? Naririnig niyo ba ako?" Ngunit wala ng sumasagot at masiyadong magulo, samo't saring boses ang kanyang naririnig. May sumisigaw at meron humihingi ng saklolo."Hello?!" sigaw niya pa hanggang sa binilisan na niya ang pagmamaneho. Kailangan niyang makarating sa ospital, nagbabaka-sakaling nasa malapit lang si Marilyn.Hindi nagtagal ay nakarinig siya ng hindi pamilyar na boses sa kabilang linya."Hello, sino 'to?" boses ng isang babae."Hello, ako si Jared. Kakilala ko ang may-ari ng phone, anong nangyari sa kanya?""Gano'n ba? Ito kasing babae, nahulog sa hagdan dito sa overpass malapit sa Dominguez Hospital.""Tumawag na ba kayo ng ambulansiya?" ani Jared."Oo, may tumawag na.""Okay, salamat." Pagkatapos ay iniliko na niya ang kotse patungo sa sinasabi nitong overpass bridge.Ilang minuto lang din ay nakarating na siya pero wala ng naabutan kaya dumiretso na siya sa ospital. Ngunit hindi siya pinayagan na puma
NAPABUGA NG HANGIN si Jared, hindi malaman kung paano pakakalmahin ang dalaga. "Wala rin kaming ideya, ispekulasyon lang 'tong pinag-uusapan namin," paliwanag niya saka humakbang palapit."'Wag kang..." Nakataas ang kamay ni Lian at malikot ang mga mata, halatang naguguluhan. Hanggang sa may mapagtanto. "Kung gano'n... Ikaw na naman ang dahilan kaya nangyayari 'to?"Bumukas-sara ang bibig ni Jared habang nag-iisip ng paliwanag pero naunahan siya ng kaibigan."Kumalma ka muna. Hindi pa naman natin alam ang totoo," ani Levi."Makinig ka, Lian," segunda pa ni Jared. "Gagawin ko ang lahat para pagbayarin ang kahit na sinong--""Pa'no kung totoo nga? Na nagpakam*tay si Daddy dahil sa'yo?"Napatiim-bagang si Jared, pagkatapos ay inutusan ang assistant, "Alamin mo ang nangyayari. Kung posible, gusto ko ng kasagutan ngayong araw na mismo."Nagpalipat-lipat muna ang tingin ni Ulysses sa dalawa saka tumango. "Masusunod po, Sir." Saka naglakad palabas ng opisina.Ang naiwan na si Lian ay tiningn
NAKAAKAP ang dalaga sa bewang ni Jared habang hinahaplos niya ang likod nito. Masakit marinig ang hikbi ni Lian, hindi niya rin mapigilan na maapektuhan.Hindi niya alam kung anong dapat maramdaman ng sandaling iyon. Malulungkot ba siya?Pero hindi...Sa hindi malaman na dahilan ay napanatag siya at gumaan ang pakiramdam.Tila nakamit niya ang matagal ng inaasam. Ang makapaghiganti... Iyon nga lang ay hindi sa ganoong paraan niya gustong mawala si Fernando.Ang nais niya ay mahirapan pa ito pero kung--"Ba't ganyan ang ekspresyon mo?" tanong ni Lian matapos mag-angat ng tingin. Kitang-kita niya ang tuwa sa mga mata nito. Parang natutuwa ito na patay na ang kanyang Ama?Napakurap si Jared, naging normal ang ekspresyon saka tiningnan ang dalaga. "Ano?"Sa isang iglap ay tinulak ito ni Lian. "Natutuwa kang namatay si Daddy?" akusa niya pa matapos mabasa ang ekspresyon nito.Umiling si Jared. "Hindi 'yun, gano'n. Nagkakamali--""Ako pa ngayon ang mali? E, kitang-kita ko na masaya ka!"An