"Imposible," rinig kong sabi ni Mommy.
Kinuha ni Daddy ang remote sa akin at siya na ang pumatay sa TV. Napatingin ako kay Mommy.
"Bakit naman po? Ni hindi pa po natin alam kung nahanap na yung bangkay ni Mama kung sakaling namatay na po siya. Walang sinabi hindi po ba? Baka siya po—" natigil ako sa sinasabi ko nang lumapit sa akin si Mama at hinawakan ang dalawa kong kamay.
Tiningnan niya ako sa mata at nakita ko ang malambot niyang tingin sa akin. "Anak, Mel, hindi ako tumutol sa kung ano man ang pinaplano mo pagdating sa totoong pamilya mo. Suportado ka namin ng daddy mo pero paano kung hindi siya 'yon? Paano kung kamukha lang talaga niya ang Mama mo? Artista 'yon, Mel," sabi sa akin ni Mama.
Napayuko ako sa sinabi ni mommy. May punto siya pero hindi ko maiwasang umasa na sana siya nga 'yon. Si Mama. Kung sakaling siya 'yon ay baka kasama rin niya sa Teedy. How I wish na sana makita ko na talaga sila.
"Naiintindihan ko po, Mommy," sa
Bumalik na lang ulit ako sa room ni daddy. Nang makapasok ako ay wala si mommy, si daddy lang. Nakaupo ito at nakasandal ang likuran niya sa mga unan. Napatingin siya sa akin nang umupo ako sa isang mahabang sofa na narito."Saan ka galing?" tanong ni Papa.Tiningnan ko si Papa, "Nakita ko si Mama yung artistang kamukha niya. Nandito siya, Pa," sabi ko at nakita ko ang pagkunot ng kan'yang noo."Sigurado ka ba? Nakita pa lang natin siya kanina sa TV 'di ba? At ano naman ang ginagawa no'n dito?" tanong niya sa akin. Napaisip din ako sa mga sinabi ni Papa."Hindi ko po alam, Pa..." sabi ko at bigla ko na lang naalala na pinuntahan niya pala yung lalaki na tinulungan ko. "Pero nakita ko pong may pinuntahan siya rito," dagdag ko pang sabi."Sino? Kinausap mo ba siya? Nilapitan?"Napailing ako. "Kinabahan po ako at hindi ko rin po alam ang gagawin ko.""Ayos lang 'yon, Anak. Sasamahan na lang kita kapag maayos na ang lahat," sabi niy
"My, baka nagkakamali lang po si Nurse. Sige po ako na po ang bahala, mauna na po kayo," sabi ko at tinitigan niya muna ako bago umalis.Bumuntonghininga ako at pagkatapos ay humarap sa Nurse na nagpeace sign sa akin."Sorry po, Ma'am. Secret relationship lang po ba ang meron kayo?" panguusisa pa niya."Wala kaming relasyon. Bakit mo ba ako pinuntahan? May problema po ba?" tanong ko."Ano kasi, Ma'am. Si Sir..." sabi niya at hindi matuloy-tuloy ang sasabihin niya."Ano po ba 'yon?""Ayaw niya kasi sa amin gusto niya ikaw lang.""Sorry, Nurse pero hindi ko naman kasi talaga siya kilala at mas lalong hindi ko siya boyfriend. Aalis na po ako," paalam ko at iniwan na siya roon.Habang palabas ako ay nakaramdam ako ng guilt. Hindi ko alam parang gusto kong bumalik doon at tingnan ang kalagayan niya pero hindi ko na ginawa. Tama naman ang sinabi ko kanina e. Hindi ko siya kilala.Sakto naman paglabas ko ay tapos nang bumili ng
Humiwalay ako sa kan'ya at mabilis na lumabas sa Music Room. He is not thinking!Habang mabilis akong naglalakad ay kasing bilis din ito nang pagtibok ng puso ko. I even feel nervous! Nakakabigla ang mga ginagawa niya sa akin.Nakasalubong ko si Viola. Tumigil ako dahil kinausap ako nito."Babalik ka na sa room?" tanong nito sa akin.Tumango lang ako."Puwedeng sumabay na ako sa 'yo?""Yup," sabi ko at naglakad na kami.Habang naglalakad kami ay nakakunot pa rin ang noo ko. Naaalala ko kasi yung nangyari kanina."Melina," sabi ni Viola. Hindi ko siya tiningnan."Hmm?""Kilala mo pala si Jairus Bautista?" tanong iyon."Uh, no. Nakasabay ko lang siya sa Music Room. Why?""Nakakapanibago lang." Napatingin ako sa sinabi niya."What do you mean?" tanong ko at nakita kong napabuntonghininga siya."Hindi nakikihalubilo 'yon. Kahit si Gail ay hindi niya pinapansin. Wala naman din may pake
"What are you doing? Let me go!" Naiinis na sabi ko at itinanggal ko ang pagkakahawak niya sa wrist ko nang makalabas na kami sa bookstore."Ihahatid na kita pauwi," sabi niya."No." Matigas na sabi ko at iniwan siya roon.Hindi pa man ako nakakalayo roon nang mapatigil ako sa paglalakad ko. There is a familiar voice that I've heard. Lumingon ulit ako kung saan ko iniwan si Jairus. Bahagyang nanlaki ang mga mata ko nang makita kong may isang black fortuner na nakatigil sa harapan ng bookstore. May kinakausap si Jairus mula sa loob noon.Hindi kaya si Yenny Peninsula 'yon? Dahan dahan akong lumapit roon at doon ko narinig ang boses niya. Kabadong-kabado ako dahil pati sa boses ay kapareho niya si Mama."Hindi ka pa ba sasabay sa akin?" tanong niya kay Jairus."Hindi na po, Ma. May ihahatid pa kasi ako," sabi ni Jairus na walang pinagbago sa boses niya."Sino? Girlfriend mo?" Bigla siyang napatingin sa akin na kahit nakashad
"Jairus! Sandali!" Binilisan ko ang paglakad ko para lang maabutan siya. Bakit ba ang bilis niyang maglakad?Habol-habol ko ang hininga ko nang maabutan ko siya. Nakatingin lang siya sa akin. Hindi ko tuloy maiwasan na makaramdam ng pagka-ilang sa paraan ng titig niya sa akin.Nang maayos na ang paghinga ko ay umayos ako ng pagkakatayo ko. "Sundan natin si Gail, baka kung anong gawin no'n.""Walang gagawing masama 'yon. Pumasok ka na sa room mo," sabi niya at walang bakas na pag-aalala sa boses niya. Ganyan ka bang klasing lalaki?Akmang tatalikod siya nang tinawag ko ulit ang pangalan niya. Nilingon niya ako at hinintay ang sasabihin ko.Kinuha ko sa bag ang Jacket at ang Notepad niya."Here, thank you again." Ibinigay ko sa kaniya ang gamit niya at kinuha naman niya ito.Pagkatapos kong ibigay sa kaniya ang mga 'yon ay naglakad na ako papunta sa room ko. Habang naglalakad ako ay parang nakaramdam ako ng lungkot. Hindi ko alam
Tama ba yung narinig ko? Girlfriend daw?"Wait, wait!" Pigil ko sa kaniya kung saan man niya ako dadalhin.Binitiwan niya ang pagkakahawak sa akin at mataman akong tiningnan."Ayaw mo? Ayos lang, aalis na ako." Tatalikod na sana siya pero pinigilan ko siya."Sandali lang kasi! Binibigla mo ako e," sabi ko nang humarap ulit siya sa akin.Paano ba 'to? Kailangan talaga ngayon na magdesisyon? Urgh! I'm in between! Sayang naman kasi kung hindi ko matatanong 'yon baka doon ko na talaga makuha ang sagot sa lahat ng tanong sa isipan ko. Pero bakit kasi may kapalit pa?"Nakapag-isip ka na?""Wala na ba talagang ibang option? Tulad ng, ilibre kita sa mamahaling restaurant o kaya ipagsusulat kita ng lecture sa buong sem?""Wala na. Yun lang ang option," sabi niya.Napabuntonghininga ako. "Okay, fine. But can we have a rules?""Kung 'yan ang gusto mo, then we have a rules. Bago 'yan, let's go." Hinawa
Nasa balcony ako ngayon nitong kuwarto niya at nakaupo ako sa upuan na narito. Hindi kaya ako gagabihin nito? Magpa-practice pa raw kami e. Nagpaalam sa akin si Jairus na kukunin niya raw muna yung mga intrument na gagamitin namin.Dumampi ang malakas na hangin sa mukha ko. Ang sarap naman dito. Kitang-kita ko rin ang ang malawak nilang bakuran. May mga naglilinis dito at may hardinero rin. Napatingin siya sa itaas kung nasaan ako at pagkatapos ay ibinalik niya na rin ang tingin niya sa kaniyang ginagawa. Pagkatapos ay may biglang lumapit sa kaniya na isang babae at nag-usap sila. Napatingin din sa akin yung babae. Alam ko na, pinag-uusapan yata nila ako.Tumingin na lang ako ng diretso at ninamnam ang simoy ng hangin. Kapag hindi siya si Mama balak kong hanapin na lang si Teedy, ang kapatid ko.Nakatanaw lang ako sa langit nang may nagsalita. Si Jairus."Here," aniya at umupo sa isa ng upuan na kaharap ko. Nasa gitna namin ang isang round table na
Nakaupo ako rito sa sala namin at nakabihis na rin ako. Nakasuot ako ng plain yellow na long sleeve blouse with my losse pants and ofcourse I have my white sneakers. Ibinuhaghag ko lang ang buhok ko na hanggang balikat ko at naglagay lang ako ng lip gloss sa labi ko. Kung saan ako komportable roon ako. Napatingin ako kay Mommy nang umupo siya sa tabi ko."Nililigawan ka ba ni Jairus, Anak?" Napanguso ako sa sinabi ni Mommy."Mommy naman,"Ngumiti siya sa akin. "Nagpaalam siya kagabi sa amin ng Daddy mo." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Mommy."Ano po? Pumayag po ba kayo?" sunod-sunod na tanong ko.Paanong? I need to talk to you, Jairus!"Ofcourse! Pero nasa sa iyo pa rin naman. Mag-di-date ba kayo?""Hindi po," sabi ko at may bigla na lang bumusina."Nandiyan na siya. Mag-iingat kayo, Anak." Inayos pa ni Mommy ang buhok ko bago ako lumabas ng bahay.Nasa office si Daddy pero nagpaalam rin naman ako sa kaniya.
Hindi ko alam kung paano natapos ang araw na 'yon na narito si Jairus sa condo ko. Iniwan ko lang kasi siya sa sala at nagkulong lang ako sa kuwarto ko. Nagising ako dahil sa sikat ng araw. Napatingin ako sa alarm clock at nakita kong alas-otso na. Nakalimutan kong magset ng alarm pero ayos lang 'yon dahil wala naman akong gagawin ngayon. Bumangon na ako at lumabas na ako sa kuwarto. May parte sa akin na umaasa ako na narito pa rin siya. Bumagsak ang balikat ko nang wala akong makitang Jairus sa sala at sa kahit saang sulok nitong condo ko. Nalulungkot ako pero nung nandito siya para akong naiinis. Maayos pa ba ako? Kailangan ko na bang magpakonsulta? Naglakad na lang ako papunta sa kusina. Napakunot ang noo ko nang may nakahandang breakfast doon. May nakita akong isang note, kinuha ko 'yon at binasa. Good morning! Eat your breakfast before you go to work. Ily. Natigil ang pagbasa ko sa 'Ily' na nakalagay. Anong meaning nito? I love you? I lik
Hindi ako pumasok sa bahay kung saan itinigil ni Jairus ang sasakyan ko. Nag-drive ako pauwi sa condo ko. Ayaw kong makita ako ni Mama o ni Teedy na umiyak ako.Buong gabi ay wala akong ginawa kung hindi ang alalahanin ang mga magandang nangyari sa aming dalawa hanggang sa dalawin ako ng antok.Kinabukasan ay hindi na ako nag-aksaya pa na maagang gumising dahil balak kong huwag na lang lumabas sa condo ko. Gusto kong magpaka-busy sa araw na ito pero napatampal ako sa noo ko nang mapagtanto kong nasa office ko pala yung laptop ko.Nagbihis ako at lumabas ako ng condo. Kukunin ko lang ang laptop, 'yon lang. Babalik din ako sa condo ko. Habang nag-da-drive ako ay nag-ring ang phone ko. Tumatawag si Teedy, sinagot ko ang tawag niya at ni-loud speaker ko ito."Ate! Nandito ngayon si Kuya Jairus, hindi ka ba pupunta rito?" tanong niya.Bahagya akong kinabahan dahil sa narinig ko. Pangalan lang niya ay may epekto na sa akin."Hindi ako pupunt
Napasandal ako sa kinauupuan ko nang umalis na si Mr. Guevarra. Muli kong kinuha ang phone ko at tiningnan ang oras roon. Alas-dose na ng tanghali. Tumayo ako dahil nakaramdam ako ng gutom. Bago ako lumabas ay tiningnan ko kung saan ang address nung kompanya ni Jairus. Balak kong puntahan siya para makipag-usap nang maayos.Nagsearch din ako ng malapit na restaurant sa kompanya nila. Mabuti na lang at meron kahit fast food chain lang. Sumakay ulit ako sa sasakyan ko at pinaandar na ito. Hindi pa rin mawala-wala sa isipin ko ang mga titig ni Jairus, bumalik yung dati. Yung una ko siyang nakita gan'on, ganoon ang paraan ng titig niya kanina. Hindi ko alam kung bakit, wala naman talaga kaming pinag-awayan.Pagkatapos kong kumain ng lunch ay dumiretso na ako sa kompanya niya. Pagkapark ko sa parking lot ay lumabas agad ako. Napakunot ang noo ko dahil ang daming tao sa labas ng building. Anong meron? May audition bang nagaganap?Kahit na ganon ang sitwasyon ay
Pagkapasok ko sa loob ng bahay ay agad na sumalubong sa akin si Teedy."Si Kuya Jairus—" pinatigil ko siya sa sasabihin niya.Pabagsak akong umupo sa sofa. Tumingin ako sa kaniya na nakatingin din sa akin na may pagtatanong."Huwag mong sabihin, nagkita na kayo?""Hindi," sabi ko at tumayo ako. "Pag-iisipan ko muna kung ano ang dapat kong gawin kapag nagkita kami.""Oh, okay."Nagpaalam ako sa kaniya na papasok na ako sa kuwarto ko. May sarili akong condo pero napili kong dito na muna ako matutulog ngayon. Agad akong nagpalit ng damit na pantulog at kinuha ko ang phone ko.Sinubukan kong hanapin sa internet ang pangalan niya at hindi naman ako nabigo. Mayroon itong isang malaking kompanya na kilala sa mundo ng showbiz. Ito siguro ang naiwang kompanya ng kaniyang Daddy. Ang kompanya niya ay isang talent search."Cloud Entertainment," pagkabasa ko sa pangalan ng kompanya.May mga sikat na band
After ten years...Nakaupo ako ngayon sa office ko rito sa shop. Everything went smooth. I have my own business now. My business is any kinds of intruments. Si Teedy naman ay nasa college na ngayon habang si Gail naman ay nasa abroad for her modeling career.Inihiga ko ang ulo ko sa desk ko. Ginamit kong unan ang braso ko. Kumusta na kaya si Jairus? Wala na talaga kaming balita sa kaniya. Namimiss ko na talaga siya.Umayos ako ng pagkakaupo ko nang may kumatok sa pintuan nitong office room ko."Come in!" Sigaw ko at bumukas ang pintuan."Hello, my beautiful, Ate!" Si Teedy.Napataas ang isang kilay ko. "Anong kailangan mo?" tanong ko dahil masyado niyang ginandahan ang Ate niya."Nandito kasi yung friends ko. Tapos bibili raw sila kaya baka naman daw.""Anong baka naman?" Napakamot siya sa kaniyang ulo."Discount." Ngingiting sabi niya."Okay. Hindi na dapat maulit 'to, ngayon lang." Mataray na sabi ko
Habang naglalakad kami palabas ng school ni Gail ay nakikinig lang ako ng music sa earphones ko. Tinanggal ni Gail ang isa kong earphones sa kanang tainga ko. Napatingin ako sa kaniya. Ano na naman ba kaya?"Mel, umuwi na raw sa bahay si Teedy. Sumakit daw yung tiyan niya. Puwede bang makisabay ako sa 'yo?""Oo naman para matingnan ko na rin si Teedy. Maghintay lang muna tayo," sabi ko sa kaniya na sinang-ayunan naman niya.Nagtext din sa akin si Mama na papunta na raw sila sa school. Nasa labas kami ng school ni Gail, sa may gate. Nakikinig ako ng music habang siya ay kilig na kilig sa katext mate niya. Umayos ako nang makita ko ang sasakyan ni Mama. Huminto ito sa harapan namin."Tara na," sabi ko Gail at binuksan ang backseat. Sumunod naman siya sa akin."Kina Teedy na po tayo, Mama?" tanong ko at tumango lang siya. Nakasandal siya ang katawan niya sa backrest ng upuan at nakapikit ang mata. Pagod siguro."Mama mo pala ang k
"Maraming salamat po. Mommy, Daddy hinding-hindi ko po kayo makakalimutan. Bibisita rin po ako sa inyo. Daddy, huwag masyadong magbabad sa trabaho ha? Kayo rin po, Mommy." Nakangiting sabi ko sa kanila."Maraming salamat din dahil naging mabuti kang anak para sa amin. You're always welcome in our home."Niyakap ko sila at nagpaalam na ako sa kanila pati sa bahay na saksi sa lahat ng kalumbayan ko at kasiyahan. Nakita kong nagpunas ng luha si Mommy. I love them, so much."I love you po, Mommy, Daddy!" sabi ko at muli silang niyakap.Pagkatapos ay pumasok na ako sa sasakyan na dala ni Mama. Kasama ko rin si Metee. Nasa backseat ulit kami ni Mama."Ma, may tanong po pala ako." Napatingin siya sa akin."Ano 'yon?""Nasaan po si Jairus? Alam na po niya na anak niyo po ako?" sunod-sunod na tanong ko.Hindi siya kaagad nakasagot. "Huwag kang mag-aalala, Anak. Nasa mabuting kalagayan si Jairus.""What do you mean po?
Isang linggo ang nakalipas at madalang ko na lang din makita si Jairus. Maayos naman siya no'ng huli namin pagkikita. Natapos ang klasi namin sa maghapong ito pero hindi ko pa rin siya nakita. Pupuntahan ko ngayon si Teddy sa school nila, nagpatulong ako kay Gail kaya magkasama kami ngayon na naglalakad.Ilang kilomentro lang naman ang layo ng school nila Teedy kaya naglakad na lang kami."Masaya ako na naging maayos na rin tayo," sabi ko habang naglalakad kami."Ako rin, kumusta kayo ni Jairus?""Maayos lang naman pero madalang na lang kami nagkikita e.""Bakit hindi mo siya tawagan o kaya i-text?"Ginawa ko na ang sinabi ni Gail pero wala, walang reply at hindi siya sumasagot."Ikaw ba? Nakita mo na ba siya sa school?" tanong ko."Hindi, baka busy lang? Malapit na finals natin 'di ba?" Tumango ako sa sinabi niya.Busy? Kahit weekend? Hindi ko talaga alam ang dahilan niya. Nahihiya rin kasi akong magtanong kay Mis
Ipinasok si Miss Yenny sa Emergency Room. Narito ako sa tabi ni Miss Yenny. Hindi ko alam kung ano yung findings ng Doctor. Sasabihin daw kasi 'yon sa relatives niya. Tinawagan ko na rin si Jairus at papunta na raw siya. Napatingin ako kay Miss Yenny na ngayon ay nakapikit pa rin. Napaka-amo ng kaniyang mukha.Tumayo ako nang mag-ring ang phone ko. Tiningnan ko kung sino ang tumatawag si Mommy. Lumalabas mo na ako roon para sagutin ang tawag. Paglabas ko ay nakita kong kausap ni Jairus yung Doctor na tumingin kay Miss Yenny. Lalapit sana ako roon nang tumunog ulit yung phone ko. Si Mommy nga pala!Tumalikod ako at sinagot na ang tawag."Hello, 'My?"Habang kausap ko si Mommy ay naglakad-lakad ako."Nasaan ka na?""May biglaan lang po kasi na nangyari pero uuwi na rin po ako.""Okay, sige. Mag-ingat ka, ha. Pagabi na.""Opo, sige po."Ibinaba ko na ang phone ko at muling bumalik kung nasaan si Miss Yenny. Nakita kon