Home / All / Coalesced Hearts / CHAPTER 4 ACHAD

Share

CHAPTER 4 ACHAD

last update Last Updated: 2021-10-29 19:45:28

LANCE'S POV             

 Isang oras din ang itinagal namin sa loob ng sasakyan hanggang sa tuluyan na iyong huminto sa isang Park. Sabay kaming bumaba, sinundan ko lang siyang hanggang sa makarating kami sa isang garden na kakikitaan mo ng maraming iba't ibang klase ng bulaklak.

 Pagsalubong palang nito sa amin ay kaagad kong nalanghap ang kakaiba nitong mga halimuyak.

 Ngayon lang ako napunta sa lugar na ito.

 Sa hindi kalayuan ay may isang tulay na nagdudugtong sa dalawang daan na napagigitnaan ng isang maliit na batis.

 Marami ring mga puno na nakapaligid at tanging huni ng mga ibon na tila gumagawa ng isang kakaibang ritmo ang maririnig sa paligid. May iba't ibang kulay rin ng mga paru-paro ang lumilipad sa kung saan-saan na siyang mas lalong nagpaganda sa kapaligiran.

 Wala ring mga tao sa lugar na ito kun 'di kaming dalawa lang.

 Nakatalikod siya sa gawi ko habang may kinakausap sa phone niya kaya mas itinuon ko nalang ang pagmamasid sa kapaligiran at dinama ang babahagyang simoy ng hangin na dumadampi sa aking balat.

 Bahagya akong napapikit dahil sa sariwang hangin, sobrang presko sa pakiramdam.

 Muli kong tiningnan ang kinatatayuan niya, ngayon naman ay tahimik lang niyang pinagmamasdan ang bawat pag-agos ng tubig na dumadaan sa ilalim ng tulay.

 "Gusto mong makita ang ama mo?" muli akong napatingin sa kanya, ngunit nananatili pa rin ang titig niya sa batis.

 "Kilala mo siya?" mahina kong tanong saka ako humarap sa kanya habang nakapamulsa ang pareho kong kamay sa aking seda.

 Humarap siya sa akin suot ang isang nag-aalangang ngiti na mabilis din niyang pinalitan ng isang sinserong ngiti at bahagyang tumango.

 "How did you know him?" narinig ko ang mahina niyang buntong hininga bago muling nagsalita.

 "Paano ko nga ba ipapaliwanag?" Muli siyang humarap sa batis. Ilang segundo ang lumipas hanggang sa muli siyang nagsalita "Pinapunta niya ako rito para sunduin ka."

 "Sino ka para sunduin ako?" nagtataka kong tanong muli sa kanya.

 "Sabihin nalang natin na isa sa tapat na tauhan at estudyante niya," mabilis niyang sagot.

 Tauhan? Estudyante?

 "Tatapatin na kita," hindi ko na napansin ang malapit naming distansya sa isa't-isa. Diretso siyang nakatingin sa mga mata ko at wala kang mababakas na kahit anong reaksyon doon.

 "Wait!" pagpipigil ko sa kanya. "Naguguluhan ako…"

Hindi ko talaga makuha ang pinupunto niya.

 "Pinapunta niya ako rito hindi lang basta sunduin ka, naaalala mo 'yong nangyari 8 months ago?" nang marinig ko ang sinabi niya ay muling nagtama ang mga titig namin sa isa't-isa.

 Naalala ko noon matapos niyang maaksidente ay tumawag si Mommy dahil nandoon daw ang ama ko, pero tanging mga nakaitim na mga suit lang ang mga naabutan ko roon.

 "Sinadya ko 'yon."

 Ano? Sino naman ang nasa matinong pag-iisip ang itataya ang sariling buhay? Anong trip niya?

 "Pinapunta niya ako rito para bantayan kita," muli niyang dagdag.

 Muling napakunot ang noo ko sa sinasabi niya. Noong una ay sabi niya pinapunta siya rito ng aking ama, sumunod naman sinadya niya ang nangyari noong niligtas ko siya, ngayon naman ay babantayan niya ako?

 Ano ba talaga ang nangyayari?

 "Ang dami mong sinasabi pero hindi mo nililinaw ang mga paliwanag mo, mapagkakatiwalaan ba talaga kita?" seryoso kong tanong sa kanya. "Sino ka ba talaga?" dagdag ko pa. Kaagad na bumakas ang pagkagulat sa mga mata niya hanggang sa marinig ko siyang bahagyang natawa.

 "Hindi nga ako nagkamali ng nilapitan," makahulugan niyang sabi habang tatango-tango at nananatiling nakangiti. "You still don't know where you really came from?" naglakad siya ng ilang hakbang papalapit sa akin.

 Hinawakan niya ang necktie ko at iniayos iyon habang nakangiti. Pinagpag din niya ang coat kong suot na babahagyang nalukot saka ko muling narinig ang mabigat niyang buntong hininga.

 "Where I really came from?" naguguluhan kong tanong.

 "Hindi ko akalain na nasa tamang edad ka na pero wala ka pa ring alam tungkol sa Achad."

 Achad?

 "Achad?"

 "Achad, ang bansang sekreto sa mata ng mga ordinaryong tao, isang bansang hinding-hindi mo makikita sa globo at hanggang ngayon ay nananatiling misteryo." Nang bitawan niya ang mga salitang iyon ay hindi kaagad ako nakapagsalita sa halip ay bigla akong natawa ng sarkastiko habang si Hartley naman ay nanatiling seryoso at taas-kilay na nakatingin sa akin.

 "Hindi ako nakikipagbiruan," seryoso niyang sabi. "Hindi mo ba alam na pagnalaman ng mga Konseho na pinagtatawanan mo ang sariling bansang pinagmulan mo, pupugutan ka ng ulo?" hindi ko alam pero napalunok ako sa sinabi niya.

 Totoo ba talaga ang sinasabi niya?

 "Totoo ang mga sinasabi ko kung nagdududa ka," nakita ko ang pag-ikot ng mga mata niya dahil mukhang nawawalan na siya ng pasensya. "Kung gusto mong malaman ang mga gusto mong malaman pwede bang wag ka munang magsalita?" iritado niyang sabi.

 "Go ahead," tipid pa akong ngumiti sa kanya at hinayaan na siyang magsalita.

 "Kailangan kitang dalhin sa Achad, 'wag kang mag-alala dahil ayos na ang mga dapat ayusin at ikaw nalang ang hinihintay. Tandaan mo, ang Achad ay isang tagong bansa, kaya wala kang dapat pagsabihin tungkol sa mga napag-usapan natin."

 Nakahilig ako sa upuan habang pinag-iisipan ang mga napag-usapan naming dalawa ni Hartley kahapon. Katatapos lang ng klase at hanggang ngayon ay nakaupo pa rin ako habang pinapaikot ang ballpen ko.

 "Achad?" wala sa sarili kong tanong.

 Narinig ko ang paggalaw ng mga upuan sa paligid ko at doon ko nakita ang mga nakangisi kong mga kaibigan.

 "Saan ka nagpunta kahapon?" Nakangising tanong sa akin ni Austin, nakatayo siya sa harapan ko. Tumingala lang ako sa kanya at muling bumalik sa pag-iisip.

 "Ano bang iniisip mo?" narinig ko naman ang bahagyang bulong ni Dylan sa kanan ko.

 "Achad," wala sa sarili kong sagot hanggang sa marinig ko ang magkakasunod na singhap nina Dylan, Austin at Ashton na nasa tabi ko na ngayon. Nagtataka kong ibinaling ang tingin ko sa kanila.

 "Hindi ka ba nagugutom?" rinig kong reklamo ni Ashton na nasa kaliwa ko.

 Napailing at tumayo nalang ako para pumunta sa Cafeteria.

 Akala ko pa naman ay may alam sila sa Achad. Ano bang iniisip ko?

 Mabilis lumipas ang oras at uwian na, hindi na rin ako nakapagpaalam sa mga kaibigan ko. Gusto kong umuwi kaagad para tanungin si Mommy kung ano ang alam niya tungkol sa Achad, kahit na hindi ko alam kung nasa bahay na ba siya.

 Kahapon kasi ay wala siya sa bahay at wala ring alam ang mga maids na kasama ko sa bahay. Nitong mga lumipas na buwan ay napapansin ko rin ang madalas na pag-alis ni Mommy sa hindi ko malaman na kadahilanan.

 Kaagad kong ipinarada ang kotse ko sa garahe nagtataka akong pumasok sa loob ng Mansyon dahil walang sumalubong na maid sa akin.

 "Manang Marites?" tawag ko. 

"Manang Julia?" muli kong tawag pero wala akong nakuhang tugon.

 Dahan dahan at maingat akong naglakad papasok sa Mansyon hanggang sa tuluyan akong makapasok at makaakyat sa hagdanan.

 Pinagmamasdan ko ang bawat madaanan ko at ramdam ko ang mga titig ng mga ito. Sobrang tahimik kaya hindi ko malaman kung ano ang nangyari.

 Habang nasa pasilyo ay maingat akong naglalakad hanggang sa maramdaman ko nalang ang isang kamay na humatak sa akin papasok sa isang kwarto. Kaagad nitong tinakpan ang bibig ko at isinandal ako sa pader para patahimikin ako pero kaagad kong tinanggal ang kamay niya nang makilala ko siya.

 Nagtataka akong napatingin sa kanya, "What are you doing here?"

 Medyo may kadiliman sa loob ng kwarto dahil nakapatay ang ilaw pero tamang-tama lang para makilala ko si Hartley. Pareho kaming napatingin sa gawing pintuan nang makarinig kami ng papalapit na mga yabag.

 "Anong nangyayari?" nagtataka kong tanong sa kanya. Muli siyang tumingin sa akin at napatingin sa gawing pintuan, nandoon pa rin ang mga papalapit na yabag. "Nasaan 'yong mga maids?" muli kong tanong pero hindi niya ako pinapansin. "Hartley, sagutin mo ako."

 Hindi ako muling nakarinig ng tinig sa kanya sa halip ay sinenyasan niya akong manahimik.

 Pareho kaming naalarma ng marinig namin ang pagtunog ng doorknob, senyales na nabuksan ito.

 Matindi ang pagtibok ng puso ko habang pinagmamasdan naming pareho ang unti-unting pagbukas ng pintuan hanggang sa nakarinig kami ng magkakasunod na putok ng baril, kung hindi ako nagkakamali ay mula iyon sa kabilang bahagi ng Mansyon.

 "Bilisan mo baka makatakas 'yon!" sigaw ng isang lalaki mula sa labas.

 Kaagad akong nakahinga ng maluwag nang unti unting nawala ang mga yabag papalayo.

 "Kailangan na nating umalis dito," rinig kong sabi ni Hartley.

 "Paano 'yong mga kasama ko?"

 "Ligtas sila, kailangan nalang natin na makaalis dito." Tumango nalang ako bilang sagot.

 Lumabas na kami ng kwarto hanggang sa maingat kaming nakalabas ng Mansyon.

 Tumakbo lang kami papalayo hanggang sa isang kotse ang tumigil sa tapat namin. Kaagad akong nabuhayan ng loob nang makilala ko ang kulay pulang kotse na siyang ginamit din namin kahapon ni Hartley.

 Binuksan nito ang bintanang nagkukubli sa driver ng kotse hanggang sa nakilala ko ito.

 "Wanna join me?" Nakangiting bungad sa amin ni Zab.

 Nakasakay na kami sa kotse ni Zab at pareho kaming nasa backseat ni Hartley at nananatili kaming tahimik at mukhang walang balak magsalita.

 Napatingin ako kay Hartley na tahimik habang nakatingin sa labas ng kotse. Seryoso ang mukha niya habang malalim ang iniisip. Narinig ko siyang nagpakawala ng isang mabigat na buntong hininga bago nagsalita.

 "Kailangan na kitang dalhin sa Achad,"

Related chapters

  • Coalesced Hearts   CHAPTER 5 PLEASE REMEMBER ME  

    LANCE'S POVIsang mabigat na buntong hininga ang pinakawalan ko bago ko ibinaba ang phone ko. Kanina ko pa tinatawagan si Mommy pero hindi ko siya ma-contact. Kahit na ang mga maids sa Mansyon ay walang sumasagot.Muli kong di-nial ang numero ni Mommy pero hindi man lang ito nag-riring.What should I do?Naagaw ang atensyon ko nang makarinig ako ng doorbell mula sa labas. Nasa isang hotel room ako ng isang five-star hotel.Tanaw ang pinto ay bigla kong naalala ang mga sinabi ni Hartley."Kailangan na kitang dalhin sa Achad."Inilipat niya ang tingin niya sa akin dahilan para muling magtama ang aming mga mata."Pero bago 'yon, may kailangan ka munang kausapin. Hindi ka namin pwedeng dalhin kaagad sa Achad ng walang pahintulot

    Last Updated : 2021-10-29
  • Coalesced Hearts   CHAPTER 6 EXPLOSION (PART 1)

    HARTLEY’S POV Hila ang aking maleta papalabas ng kwarto ay binuksan ko ang pinto ng hotel room kung saan ako nag-ookupa. Pagbukas ko ng pinto ay saktong pagsarado rin ng kabilang kwarto kung saan naman nag-ookupa si Lance. Ilang segundo siyang natigilan at napatitig sa akin bago niya ibinaba ang kanyang tingin sa hila kong maleta. Nakita ko pa ang pagpamulsa niya sa kanyang seda bago naglakad papalapit sa akin. "Let me help you."Iniabot ko lang sa kanya iyon at nagsimula nang maglakad papunta sa Elevator. Nakita ko ang pagtayo ng mga kaibigan ko na mga naghihintay sa reception area. Tumango lang ako bilang pagtugon sa kanila. Naunang lumabas ng Hotel si Zab sakay ang kotse niya. Huminto ako sa paglalakad at hinarap si Lance na tahimik na nakasunod sa akin. "Sa kulay asul na kotse tayo sasak

    Last Updated : 2021-10-29
  • Coalesced Hearts   CHAPTER 7 EXPLOSION (PART 2)

    LANCE'S POVNakasakay na kami sa kotse na sinakyan namin papunta sa Airport, hindi ko alam kung ano itong pakiramdam na kabang nararamdaman ko. Pakiramdam ko ay may hindi magandang mangyayari, mula sa rear-view mirror ay tiningnan ko si Hartley, tahimik lang siyang nakatingin sa labas ng kotse habang pinapanood ang pagpatak ng ulan.Kaba ang bumalot sa akin nang sabay-sabay kaming magkarinig ng isang malakas na pagsabog. Gulat akong napatingin sa isang kulay pulang kotse na naglalagablab at tinutupok na ng apoy.Hindi ako pwedeng magkamali, ilang beses ko nang nakita ang pulang kotseng iyon. Kotse iyon ni Zab!Nag-aalala akong napatingin kay Hartley na ngayon ay may kausap sa kanyang phone, maging ang katabi kong driver ng sinasakyan namin ng kotse ay nakatingin na rin sa kanya. Bahagya kong pinagmasdan ang mukha niya kaya gulat muli ang rumihistro sa akin nang tuluyan ko siyang makilala.

    Last Updated : 2021-12-15
  • Coalesced Hearts   CHAPTER 8 THE ARRIVAL

    LANCE'S POVKatahimikan ang sandaling nangibabaw sa pagitan naming dalawa, hanggang sa marinig kong muli ang boses niya habang kinakausap niya si Harry na halatang hindi nagugustuhan ang mga sinasabi niya."Makinig ka Lance, magtitiwala ka ba sa 'kin?" malamlam ang mga mata niyang tumitig sa akin. "Hindi ko pwedeng itaya ang buhay ko sa isang taong walang tiwala sa akin." bahagya siyang napabuntong hininga. "May mga taong susundo sayo paglapag natin at hindi ko masisiguro ang kaligtasan mo sa mga kamay nila.""Hartley," rinig kong pag-angal ni Harry sa tabi niya. "Tama na," halata sa boses ni Harry ang awtoridad at pag-aalala sa kapatid.Bahagyang tumingin si Hartley sa relo niya at muling tumingin sa akin, hindi alintana ang nakatatandang kapatid."May tiwala ka ba sa 'kin o hahayaan mo nalang ang sarili mo na mapahamak?" muli niyang tanong sa akin."N

    Last Updated : 2021-12-15
  • Coalesced Hearts   CHAPTER 9 HANABI

    HARTLEY'SPOV"Ano ng Plano mo ngayon?"Inilapag ko ang tasa ng kape sa lamesa, matapos ay bahagyang napatingin sa kausap ko.Hawak ang mainit na tasa ng kape na siyang katitimpla lamang niya ay marahan siyang naupo sa katapat kong upuan. Suot na niya ang kanyang kulay tsokolateng unipormeng pang militar.Siya ang kaibigan kong may mataas na katungkulan sa Departamento ng Dipensa, si Ross. Siya ang tumulong sa amin kahapon ni Lance upang makarating sa tinutuluyan namin ngayon na kanyang pagmamay-ari."SaHanabi,"maikli kong sagot.

    Last Updated : 2022-02-15
  • Coalesced Hearts   CHAPTER 1 THE ACCIDENT

    "Are you sure you can drive?"Austin asked me uneasily.I could see at his side where Ashton, staggering, fainted from drinking too much. Dylan, on the other hand, was sound asleep in Austin's car.We are now outside of the Bar and it's already late at night, we are also planning to go home. I think Austin was the only one who wasn't even hit by alcohol."Me?"I asked while pointing at myself.I saw Austin's unconvinced face. He wanted him to take me home and return my car the next day, which I quickly refused. He was about to speak when I turned my back on him and opened my car."Wait a minute, Lance!"I heard Austin uprising against me before I could close the car door completely. I even turned on the player and turned up the volume, which was kind of deafening to the excessive volum

    Last Updated : 2021-10-29
  • Coalesced Hearts    CHAPTER 2 UNDER HIS UMBRELLA

    HARTLEY’S POVWatching the heavy rain from the waiting shed where I took shelter to cover myself I let out a deep sigh.Wala pa naman akong dalang payong,Mag-iisang oras na rin akong naghihintay na tumila ito, ngunit mukhang nakikipagbiro sa akin ang panahon dahil hanggang ngayon ay mas lalo lang itong papalakas nang papalakas kasabay nang paghampas ng hangin na siyang nagpapatayo ng mga balahibo ko.Dumagdag pa ang init ng ulo ko dahil hindi ko alam kung saan napunta ang cellphone ko na kanina lang ay nasa bulsa ko, mabuti nalang at may mga nagdadaan na Bus sa labasan ng University, pero kakailanganin ko pa ring tumawid ng pedestrian lane para makasakay ako.Ngayon na ang last day para sa mga nakapasa sa entrance exam ng University kaya marami pa rin talaga ang sumadya ngayong araw. Tanaw ko rito ang mga t

    Last Updated : 2021-10-29
  • Coalesced Hearts   CHAPTER 3 HER     

    LANCE'S POVNakahilig ako sa pintuan ng kotse ko sa parking lot ng University, habang nakikipaglabanan ng tingin sa private investigator na hinire ko. First day ng class ko ngayon pero nandito ako sa parking lot para kausapin siya."8 months have passed, until now you still know nothing about her?"hindi makapaniwala kong tanong sa kanya. Bahagya siyang napayuko dahil sa kahihiyan.Napahawak nalang ako sa sintido ko nang wala akong narinig na kahit anong salita mula sa kanya.Walong buwan na akong naghahanap sa kanya pero kahit katiting na impormasyon tungkol sa kanya ay wala akong makuha."What about my father?"muli kong tanong.Ilang buwan ko na rin ginagastusan at pinagpapasensyahan ang private investigator na 'to maging sa ama k

    Last Updated : 2021-10-29

Latest chapter

  • Coalesced Hearts   CHAPTER 4 ACHAD

    LANCE'S POV Isang oras din ang itinagal namin sa loob ng sasakyan hanggang sa tuluyan na iyong huminto sa isang Park. Sabay kaming bumaba, sinundan ko lang siyang hanggang sa makarating kami sa isang garden na kakikitaan mo ng maraming iba't ibang klase ng bulaklak.Pagsalubong palang nito sa amin ay kaagad kong nalanghap ang kakaiba nitong mga halimuyak.Ngayon lang ako napunta sa lugar na ito.Sa hindi kalayuan ay may isang tulay na nagdudugtong sa dalawang daan na napagigitnaan ng isang maliit na batis.Marami ring mga puno na nakapaligid at tanging huni ng mga ibon na tila gumagawa ng isang kakaibang ritmo ang maririnig sa paligid. May iba't ibang kulay rin ng mga paru-paro ang lumilipad sa kung saan-saan na siyang mas lalong nagpaganda sa kapaligiran

  • Coalesced Hearts   CHAPTER 3 HER     

    LANCE'S POVNakahilig ako sa pintuan ng kotse ko sa parking lot ng University, habang nakikipaglabanan ng tingin sa private investigator na hinire ko. First day ng class ko ngayon pero nandito ako sa parking lot para kausapin siya."8 months have passed, until now you still know nothing about her?"hindi makapaniwala kong tanong sa kanya. Bahagya siyang napayuko dahil sa kahihiyan.Napahawak nalang ako sa sintido ko nang wala akong narinig na kahit anong salita mula sa kanya.Walong buwan na akong naghahanap sa kanya pero kahit katiting na impormasyon tungkol sa kanya ay wala akong makuha."What about my father?"muli kong tanong.Ilang buwan ko na rin ginagastusan at pinagpapasensyahan ang private investigator na 'to maging sa ama k

  • Coalesced Hearts    CHAPTER 2 UNDER HIS UMBRELLA

    HARTLEY’S POVWatching the heavy rain from the waiting shed where I took shelter to cover myself I let out a deep sigh.Wala pa naman akong dalang payong,Mag-iisang oras na rin akong naghihintay na tumila ito, ngunit mukhang nakikipagbiro sa akin ang panahon dahil hanggang ngayon ay mas lalo lang itong papalakas nang papalakas kasabay nang paghampas ng hangin na siyang nagpapatayo ng mga balahibo ko.Dumagdag pa ang init ng ulo ko dahil hindi ko alam kung saan napunta ang cellphone ko na kanina lang ay nasa bulsa ko, mabuti nalang at may mga nagdadaan na Bus sa labasan ng University, pero kakailanganin ko pa ring tumawid ng pedestrian lane para makasakay ako.Ngayon na ang last day para sa mga nakapasa sa entrance exam ng University kaya marami pa rin talaga ang sumadya ngayong araw. Tanaw ko rito ang mga t

  • Coalesced Hearts   CHAPTER 1 THE ACCIDENT

    "Are you sure you can drive?"Austin asked me uneasily.I could see at his side where Ashton, staggering, fainted from drinking too much. Dylan, on the other hand, was sound asleep in Austin's car.We are now outside of the Bar and it's already late at night, we are also planning to go home. I think Austin was the only one who wasn't even hit by alcohol."Me?"I asked while pointing at myself.I saw Austin's unconvinced face. He wanted him to take me home and return my car the next day, which I quickly refused. He was about to speak when I turned my back on him and opened my car."Wait a minute, Lance!"I heard Austin uprising against me before I could close the car door completely. I even turned on the player and turned up the volume, which was kind of deafening to the excessive volum

DMCA.com Protection Status