Chapter: CHAPTER 9 HANABIHARTLEY'SPOV"Ano ng Plano mo ngayon?"Inilapag ko ang tasa ng kape sa lamesa, matapos ay bahagyang napatingin sa kausap ko.Hawak ang mainit na tasa ng kape na siyang katitimpla lamang niya ay marahan siyang naupo sa katapat kong upuan. Suot na niya ang kanyang kulay tsokolateng unipormeng pang militar.Siya ang kaibigan kong may mataas na katungkulan sa Departamento ng Dipensa, si Ross. Siya ang tumulong sa amin kahapon ni Lance upang makarating sa tinutuluyan namin ngayon na kanyang pagmamay-ari."SaHanabi,"maikli kong sagot.
Last Updated: 2022-02-15
Chapter: CHAPTER 8 THE ARRIVALLANCE'S POVKatahimikan ang sandaling nangibabaw sa pagitan naming dalawa, hanggang sa marinig kong muli ang boses niya habang kinakausap niya si Harry na halatang hindi nagugustuhan ang mga sinasabi niya."Makinig ka Lance, magtitiwala ka ba sa 'kin?" malamlam ang mga mata niyang tumitig sa akin. "Hindi ko pwedeng itaya ang buhay ko sa isang taong walang tiwala sa akin." bahagya siyang napabuntong hininga. "May mga taong susundo sayo paglapag natin at hindi ko masisiguro ang kaligtasan mo sa mga kamay nila.""Hartley," rinig kong pag-angal ni Harry sa tabi niya. "Tama na," halata sa boses ni Harry ang awtoridad at pag-aalala sa kapatid.Bahagyang tumingin si Hartley sa relo niya at muling tumingin sa akin, hindi alintana ang nakatatandang kapatid."May tiwala ka ba sa 'kin o hahayaan mo nalang ang sarili mo na mapahamak?" muli niyang tanong sa akin."N
Last Updated: 2021-12-15
Chapter: CHAPTER 7 EXPLOSION (PART 2)LANCE'S POVNakasakay na kami sa kotse na sinakyan namin papunta sa Airport, hindi ko alam kung ano itong pakiramdam na kabang nararamdaman ko. Pakiramdam ko ay may hindi magandang mangyayari, mula sa rear-view mirror ay tiningnan ko si Hartley, tahimik lang siyang nakatingin sa labas ng kotse habang pinapanood ang pagpatak ng ulan.Kaba ang bumalot sa akin nang sabay-sabay kaming magkarinig ng isang malakas na pagsabog. Gulat akong napatingin sa isang kulay pulang kotse na naglalagablab at tinutupok na ng apoy.Hindi ako pwedeng magkamali, ilang beses ko nang nakita ang pulang kotseng iyon. Kotse iyon ni Zab!Nag-aalala akong napatingin kay Hartley na ngayon ay may kausap sa kanyang phone, maging ang katabi kong driver ng sinasakyan namin ng kotse ay nakatingin na rin sa kanya. Bahagya kong pinagmasdan ang mukha niya kaya gulat muli ang rumihistro sa akin nang tuluyan ko siyang makilala.
Last Updated: 2021-12-15
Chapter: CHAPTER 6 EXPLOSION (PART 1) HARTLEY’S POV Hila ang aking maleta papalabas ng kwarto ay binuksan ko ang pinto ng hotel room kung saan ako nag-ookupa. Pagbukas ko ng pinto ay saktong pagsarado rin ng kabilang kwarto kung saan naman nag-ookupa si Lance. Ilang segundo siyang natigilan at napatitig sa akin bago niya ibinaba ang kanyang tingin sa hila kong maleta. Nakita ko pa ang pagpamulsa niya sa kanyang seda bago naglakad papalapit sa akin. "Let me help you."Iniabot ko lang sa kanya iyon at nagsimula nang maglakad papunta sa Elevator. Nakita ko ang pagtayo ng mga kaibigan ko na mga naghihintay sa reception area. Tumango lang ako bilang pagtugon sa kanila. Naunang lumabas ng Hotel si Zab sakay ang kotse niya. Huminto ako sa paglalakad at hinarap si Lance na tahimik na nakasunod sa akin. "Sa kulay asul na kotse tayo sasak
Last Updated: 2021-10-29
Chapter: CHAPTER 5 PLEASE REMEMBER ME LANCE'S POVIsang mabigat na buntong hininga ang pinakawalan ko bago ko ibinaba ang phone ko. Kanina ko pa tinatawagan si Mommy pero hindi ko siya ma-contact. Kahit na ang mga maids sa Mansyon ay walang sumasagot.Muli kong di-nial ang numero ni Mommy pero hindi man lang ito nag-riring.What should I do?Naagaw ang atensyon ko nang makarinig ako ng doorbell mula sa labas. Nasa isang hotel room ako ng isang five-star hotel.Tanaw ang pinto ay bigla kong naalala ang mga sinabi ni Hartley."Kailangan na kitang dalhin sa Achad."Inilipat niya ang tingin niya sa akin dahilan para muling magtama ang aming mga mata."Pero bago 'yon, may kailangan ka munang kausapin. Hindi ka namin pwedeng dalhin kaagad sa Achad ng walang pahintulot
Last Updated: 2021-10-29
Chapter: CHAPTER 4 ACHADLANCE'S POV Isang oras din ang itinagal namin sa loob ng sasakyan hanggang sa tuluyan na iyong huminto sa isang Park. Sabay kaming bumaba, sinundan ko lang siyang hanggang sa makarating kami sa isang garden na kakikitaan mo ng maraming iba't ibang klase ng bulaklak.Pagsalubong palang nito sa amin ay kaagad kong nalanghap ang kakaiba nitong mga halimuyak.Ngayon lang ako napunta sa lugar na ito.Sa hindi kalayuan ay may isang tulay na nagdudugtong sa dalawang daan na napagigitnaan ng isang maliit na batis.Marami ring mga puno na nakapaligid at tanging huni ng mga ibon na tila gumagawa ng isang kakaibang ritmo ang maririnig sa paligid. May iba't ibang kulay rin ng mga paru-paro ang lumilipad sa kung saan-saan na siyang mas lalong nagpaganda sa kapaligiran
Last Updated: 2021-10-29