Share

CHAPTER 36.5

Author: Marie Orson
last update Huling Na-update: 2023-05-06 18:10:40

CHAPTER 36.5

CLEMENTINE DESCHAMPS

"'Yan ba ang susuotin mo para sa kasiyahan mamaya?" Tanong ni Francis habang pinagmamasdan ang suot kong berdeng bestida.

Pinagmasdan ko ang suot ko. "Oo. May problema ba?"

"Walang problema," tugon niya at niyakap ako mula sa likod. "Ang ganda mo nga, e."

Napangiti ako. "Salamat."

"Marunong ka na palang sumagot ngayon, ha?"

"Tinuruan ako ni Duchesse Celine na tumanggap ng papuri. Mas maganda raw 'yon."

"Paumahin sa abala," wika ni Alphonse pagkapasok niya ng silid. "Mag-uumpisa na ang kasiyahan."

Bumitaw na siya sa pagkakayakap sa'kin ngunit ang kamay ko naman ang hinawakan niya.

"Magtungo na tayo sa kasiyahan," nakangiti niyang wika.

Napatingin ako sa mga kamay namin at sa nakangiti niyang mukha. Napakagat ako sa ibaba kong labi. Naramdaman ko na naman ang pag-init ng pisngi ko. Dagdag pa na napakagwapo niyang tignan sa asul niyang kasuota

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

  • Clementine: The Mistress   CHAPTER 37

    CHAPTER 37CLEMENTINE DESCHAMPS"Papasok na tayo, Madame."Tumango ako upang ipakita na handa na 'ko. Lalong humigpit ang pagkakahawak ko sa sandatang nakatago sa manggas ko. Kailangan kong maging handa sa mga maaaring mangyari."Duc Felix?" Gulat kong wika nang makitang siya ang kausap ni Francis. "Anong ibig sabihin nito?""'Yan din ang tanong ko sa aking pinakamamahal na pamangkin, Madame," tugon niya at bumaling kay Francis. "Anong ibig sabihin nito?""'Wag ka nang magsinungaling pa," asik ni Francis. "Mahirap man para sa'kin na tanggapin, alam kong ikaw ang traydor na nais pumatay kay Clementine at magrebelde laban sa'kin.""Madame," rinig kong bulong ni Alphonse sa'kin bago ako marahang hilahin palapit kay Francis. "Hayaan n'yong kami ang umayos nito.""Ano namang motibo ko para gawin ang bagay na 'yan?""'Yan din ang 'di namin alam," tugon ni Francis. "Ngunit sapat na ang mga ebid

    Huling Na-update : 2023-05-08
  • Clementine: The Mistress   CHAPTER 37.5

    CHAPTER 37.5CELINE OF FRANCE"Nasa loob siya, Duchesse Celine," wika ni Alphonse. "'Di niya sinabi kung ba't gusto ka niyang makausap ngunit nais ka niyang makita agad.""Sige. Salamat," sagot ko bago pumasok ng silid.Sumalubong sa'kin si Francis na nakaupo sa gilid ng kama habang umiinom. Napailing na lang ako. Alam kong nahihirapan siya sa sitwasyon pero 'di pa rin tama na lunurin niya ang sarili niya sa alak."Pinatawag mo raw ako.""Pupuntahan ko ang sinasabing tahanan ni tiyo," wika niya. "Sumama ka.""Sasama ako kahit 'di mo sabihin."Napangisi siya bago lagukin ang baso ng alak na iniinom niya. "'Di ko inaasahan na buhay pa si Ayer...""Ako rin. Mas matutuwa pa sana ako kung si Razo na lang sana ang nabuhay.""Anong gagawin natin sa kaniya? Papatayin natin siya uli?""May iba pa ba tayong pagpipilian?""Paano? Babarilin ko ba siya uli?"Tumabi ako sa

    Huling Na-update : 2023-05-08
  • Clementine: The Mistress   CHAPTER 38

    CHAPTER 38CLEMENTINE DESCHAMPS"Madame, may naghahanap po sa inyo," wika ni Fantine."Sino raw?""Si Duc Clovis, Madame. Ang asawa ni Duchesse Celine.""Papasukin n'yo siya.""Masusunod," tugon niya bago senyasan sina Julie at Isabelle na buksan ang pinto.Isang lalaki na may katamtamang taas ang pumasok sa silid. Nakababa ang kulay itim niyang buhok na bagay sa maputla niyang balat. Ginala niya ang kulay berde niyang mga mata sa silid bago huminto sa'kin. Dahil sa bata niyang itsura, napakunot ang noo ko nang makita ko siya."Maaari ba 'kong maupo, Marquise de Bijou?""Walang problema, Duc Clovis.""Maraming salamat," nakangiti niyang tugon bago maupo sa harap ko. "Ako nga pala si Albert Grant Clovis, ang duc ng Berry at ang asawa ni Duchesse Celine.""Masaya akong makilala ka, Duc

    Huling Na-update : 2023-05-10
  • Clementine: The Mistress   CHAPTER 39

    CHAPTER 39CLEMENTINE DESCHAMPS"Madame," wika ni Fantine. "Nandito na po si Corbeau.""Talaga?" Napangiti ako. "Papasukin mo siya."Binaba ko ang binabasa kong libro at hinintay na makapasok si Corbeau. Nakasuot siya ng pormal na damit habang dala ang kaniyang biyulin. Mukhang galing siya sa isang kasiyahan."Kailan ka nakabalik?" Tanong ko."Ngayon lang, ate. Dumiretso agad ako sa'yo.""Maupo ka," usal ko."Kumusta ka, ate?" Saad niya bago maupo sa harap ko."Medyo marami lang akong ginagawa dahil umalis muna si Duchesse Celine pero maayos naman ako.""Nabalitaan ko ang nangyari," wika niya. "Bukas na pupugutan si Duc Felix, tama?"Napatango ako. "Tama.""Tumugtog ako sa kasiyahan ng isang maharlika. Hati ang pananaw nila tungkol sa pagpugot kay Duc Felix. Ngunit, sa tin

    Huling Na-update : 2023-05-11
  • Clementine: The Mistress   CHAPTER 40

    CHAPTER 40CLEMENTINE DESCHAMPS"Anong tingin mo sa Mercure?" Tanong ni Francis sa'kin habang nag-i-ikot kami sa may loob ng barko. "Maganda ba?"Napatingin ako sa paligid. Kahit saan ko ibaling ang tingin ko, alam kong mga matataas na kaledad lang ng materyales ang ginamit upang gawin ang barkong 'to. Gawa pa nga sa ginto at mamahaling bato ang ilang parte nito, gaya na lang ng aranya sa may tanggapang parte ng barko."Napakaganda," tugon ko. "Ang balita ko ay ang ama mo raw ang nagpagawa ng barkong 'to."Ngumiti siya nang mapait. "Tama ka. Mahilig siya sa mga barko."Napansin ko ang paglungkot ng mga mata niya. Kaya naman inabot ko ang kamay niya at hinawakan 'to. Halatang nagulat siya sa ginawa ko pero ngumiti na lang ako sa kaniya. Napangiti na lang din siya sa kinilos ko."Gusto mo bang lumabas?" Malambing niyang tanong.

    Huling Na-update : 2023-05-12
  • Clementine: The Mistress   CHAPTER 41

    CHAPTER 41CLEMENTINE DESCHAMPS"May problema po ba?" Tanong ni Fantine sa'kin nang mapansing 'di ko masyadong ginalaw ang mga pagkain na nasa mesa."Wala naman," sagot ko bago uminom ng tubig. "Wala lang siguro akong ganang kumain.""Gusto n'yo po bang maglakad-lakad sa may hardin, Madame?"Tumango ako. "Sige. Maglakad-lakad tayo."Agad namang niligpit ni Fantine ang mga pinagkainan ko. Nang matapos siyang magligpit ay tinulungan niya naman akong mag-ayos para makalabas na kami sa may hardin. Pagkalabas namin ng silid ay sakto namang nakasalubong namin si Francis."Saan ka pupunta?" Tanong niya."Maglalakad-lakad sa may hardin," simple kong sagot. "Ikaw? Saan ang punta mo?""Mag-uusap uli kami ng hari," tugon niya. "Dahil papunta ka naman sa may hardin, maaari ba 'kong humingi ng pabor?""Anon

    Huling Na-update : 2023-05-14
  • Clementine: The Mistress   CHAPTER 42

    CHAPTER 42CLEMENTINE DESCHAMPS"Ayos na po ba?" Tanong sa'kin ni Fantine pagkatapos niyang ayusin ang buhok ko. Nakatirintas ito na parang korona.Ngumiti ako. "Ayos na. Salamat."Tinulungan akong tumayo ni Fantine para tignan ang sarili ko sa salamin. Kasalukuyan akong nakapulang damit na nabuburduhan ng mga komplikadong disenyo. May suot akong maliit na gintong korona na pinalalamutian ng mga batong ruby."Bagay sa inyo, Madame," wika ni Fantine. "Minsan ko lang kayo makitang nakapula.""Dahil mas gusto kong nakaberde.""Pupuntahan n'yo na po ba ang prinsesa?"Tumango ako. "Puntahan na natin siya bago mag-umpisa ang koronasyon."Pagkalabas namin ng kwarto ay agad na sumalubong sa'kin si Francis. Nakapula rin siya at nakasuot ng gintong korona. Madalas siyang magsuot ng asul kaya naninibago a

    Huling Na-update : 2023-05-15
  • Clementine: The Mistress   CHAPTER 43

    CHAPTER 43CLEMENTINE DESCHAMPS"Buntis si Clementine.""Talaga ba?!" Gulat ngunit masayang tugon ni Lorraine kay Francis. "Binabati ko kayo!""Binabati ko kayo," wika naman ng asawa ni Lorraine."Maraming salamat," tugon ni Francis. "Ngunit dahil nga nagdadalang-tao si Clementine, mas kailangan naming makauwing maaga ngayon. Mas mapagtutuunan ng pansin ang kalusugan ni Clementine sa France.""Kung gan'on ay kung may kailangan pa tayong pag-usapan, pag-usapan na natin ngayon," tugon ng hari.Ngumiti si Francis. "Mabuti at nabanggit mo 'yan."Humarap sa'min si Francis. "Mag-uusap lamang kami ng hari ng England. Ingatan n'yo ang duchesse."Sabay-sabay na yumuko at tumungo ang mga tagapaglingkod. "Masusunod po."Masayang hinawakan ni Lorraine ang kamay ko. "Binabati kita, ate! Masaya akong malaman

    Huling Na-update : 2023-05-16

Pinakabagong kabanata

  • Clementine: The Mistress   EPILOGUE

    CLEMENTINE DESCHAMPS"Magandang umaga, Madame," masayang bati sa'kin ni Fantine.Ngunit imbes na tumugon ako ay minasahe ko ang magkabila kong sintido. Medyo nahihilo ako."May problema ba, Madame?""Nahihilo ako.""Madame, mukhang napapadalas ang pagkahilo n'yo," sagot niya. "At pansin ko rin ang pagtaba n'yo.""Pagtaba?" Tanong ko. "'Di kaya...?"Mukhang nakuha rin ni Fantine ang sinasabi ko. "Julie, tawagin mo si Oriel.""Sige po," tugon niya bago madaling umalis."Ibig mong sabihin, Madame," usal naman ni Isabelle. "Buntis kayo?""Hindi pa tayo sigurado ngunit ganito rin ako noon kay Maëlle. Mabuti na magpatingin na 'ko agad kay Oriel."Ilang sandali lamang ay dumating na si Oriel at tinignan ang pulso ko."Totoo, Madame. Buntis ka nga.""Binabati ka namin, Madame!" Bati ng tatlo."Ang emperador ng France!"Agad kaming napatayo nang pumasok sa silid si Francis."Anong problema?" Tanong niya. "Bakit nagpatawag ng doktor si Clementine?""Walang problema, Francis," sagot ko."Binabat

  • Clementine: The Mistress   CHAPTER 56

    CHAPTER 56CLEMENTINE DESCHAMPS"Madame, oras na," paggising sa'kin ni Fantine.Kahit na gusto ko pang matulog ay bumangon na rin ako. Kailangan kong mag-ayos ngayon dahil ngayon ang araw na gugulong ang ulo ni Charlotte mula sa guillotine.Lumusong ako sa banyera na may lamang maligamgam na tubig at naligo. Pagkatapos maligo ay pinili ko ang isang kulay pulang bestida upang isuot. Pagkatapos kong magbihis ay inayusan na nila ako at pinasuot ng mga alahas na bagay sa suot kong damit, kasama na r'on ang ginto kong korona na may mga pulang bato."Bagay na bagay sa inyo, Madame," wika ni Julie."Totoo," tugon naman ni Isabelle. "Talagang kuhang-kuha ni Madame ang presensya ng isang emperatris."Napabungisngis na lang ako sa mga papuri nila."Kailangan na nating umalis, Madame," usal naman ni Fantine.Lumakad na kami at nagtungo sa labas ng palasyo. Agad naming nakita sina Francis at ang iba pa. Mukhang kami na lang pala ang hinihintay."Clementine," pagtawag sa'kin ni Francis bago niya k

  • Clementine: The Mistress   CHAPTER 55

    CHAPTER 55CLEMENTINE DESCHAMPS"Madame," usal ni Fantine. "Nandito si Duchesse Celine.""Papasukin n'yo siya."Nang binigay ko ang permiso ko ay dali-dali nilang binuksan ang pinto ng aking silid upang makapasok ang duchesse. 'Di ko napigilang mapangiti nang makita siya. Nakasuot siya ng kulay pulang damit na binagayan niya ng mga kulay itim na mga alahas na may kulay pulang mga bato. Bagay na bagay sa kaniya ang ayos niya."Clementine," wika niya bago ako yakapin nang mahigpit."Duchesse Celine, dahan-dahan lang po," usal naman ni Fantine. "Kakaayos lang po namin kay Madame. Malapit na po ang oras ng kasal. Baka mamaya po ay mahuli siya nagulo ang ayos niya."Dahil sa sinabi ni Fantine ay binitawan ako ng duchesse. "Sabi ko nga," tugon pa niya.Tinignan kong muli ang itsura ko sa salamin. Nakasuot ako ng kulay berdeng damit na binagayan nila ng mga gintong alahas. Kung ako ang tatanungin ay sobra 'tong mga pinasuot nila sa'kin, ngunit dahil espesyal ang araw ngayon ay pumayag din ak

  • Clementine: The Mistress   CHAPTER 54

    CHAPTER 54CLEMENTINE DESCHAMPS"Mama!" Masayang bulalas ni Maëlle nang makita niya 'ko.Lalapit sana siya sa'kin upang yumakap ngunit pinigilan siya ng mga babaeng nag-aayos sa kaniya. "Sandali lamang, mahal na prinsesa! Inaayusan ka pa namin! At baka magulo ang damit mo!"Natawa na lang ako bago umupo sa isang malapit na upuan. "Sundin mo sila, Maëlle.""Opo," sagot nito bago muling maupo sa upuan upang ituloy ang pag-ayos sa kaniya.'Di ko mapigilang mapangiti habang pinapanuod silang ayusan ang anak ko. Nakasuot siya ng kulay bughaw na damit na kakulay ng kaniyang mga mata. Kumikinang naman sa liwanag ang kulay ginto niyang buhok. Pareho niyang namana ang kulay ng mga ito sa kaniyang ama. Ang tanging namana lamang niya sa'kin ay ang hugis ng kaniyang mukha.Kaya siya binibihisan ngayon ay dahil ngayon na ang araw kung kailan siya kikilalanin bilang Madame Royale. Masaya akong makitang naibibigay sa kaniya ni Francis ang mga bagay na nararapat para sa kaniya. Ngayon ay pinaghahanda

  • Clementine: The Mistress   CHAPTER 53

    CHAPTER 53CLEMENTINE DESCHAMPS"Francis, Madame, gising..."Sabay kaming nagising ni Francis nang marinig ang boses ni Oriel."Anong problema?" Tanong ni Francis. "May problema ba kay Maëlle?""Walang problema kay Maëlle. 'Wag kayong mag-alala sa kaniya," tugon ni Oriel ngunit halata ang pagkabahala sa mukha. "Ngunit magbihis na kayo.""Kung gan'on bakit ganiyan ang itsura mo?" Tanong ko. "Anong nangyayari?""Si Duchesse Celine..."___"Nasaan sila?" Tanong ni Francis kay Oriel habang nagmamadali kaming maglakad sa pasilyo ng palasyo."Sa may simbahan, Francis," hinihingal na tugon ni Oriel. "Madali kayo.""Anong nangyari?" Muling tanong ni Francis. "Sinabihan ko siya na 'wag munang gumawa ng kahit na ano. Makakapaghintay pa ang parusa para kay Charlotte. Bakit niya tinututukan ngayon ng baril si Charlotte?""'Di rin namin alam, Francis. Basta't naroon ngayon si Alphonse para pakalmahin ang duchesse at pigilan siyang iputok ang baril."Nang makarating kami sa simbahan ng palasyo ay n

  • Clementine: The Mistress   CHAPTER 52

    CHAPTER 52CLEMENTINE DESCHAMPS"Pinatawag mo raw ako," wika ko nang makapasok ako sa kwarto ni Francis at huminto sa harap niya.Nagbabasa siya ng mga dokumento habang nakaupo sa dulo ng kama nang inangat niya ang tingin niya upang tumingin sa'kin. "Kumusta si Maëlle?""Ayun," usal ko. "Maaga siyang natulog ngayon dahil sa pagod. Ngunit napakasaya niya kanina, salamat sa'yo."Hinagis niya sa sahig ang mga hawak niyang dokumento bago ako hilahin paupo sa mga hita niya. "Kumusta ka naman?" Bulong niya habang gumagala ang kamay niya sa batok ko pababa sa likod ko."Masaya rin. Nandito na 'ko uli kasama ka," mahinahon kong tugon kahit nararamdaman ko na ang pag-init ng katawan ko sa mga hawak niya."Masaya rin ako," wika niya. "Alam mo ba kung gaano ako nangulila sa'yo? Kapag nahiwalay ka pa uli sa'kin, 'di ko na kakayanin."'Di na 'ko nakasagot pa dahil sa biglaan niyang pagbuhat sa'kin upang ihiga sa kama. Agad niya 'kong pinaibabawan at tinanggal ang pangtaas niyang damit. Napalunok a

  • Clementine: The Mistress   CHAPTER 51

    CHAPTER 51CLEMENTINE DESCHAMPS"Mama, tignan mo! Ang laki!" Masayang wika ni Maëlle habang nakaturo sa cake na nasa gitna ng kasiyahan.Lumapit ako sa kaniyang upang bumulong. "Para sa'yo 'yan. Gusto mo bang kumuha ng isang hiwa?"Nang tumango siya ay agad siyang kinuha ni Fantine ng isang hiwa ng cake. Iniwan ko na muna siya kay Fantine upang kumain. Naglakad-lakad muna ako at nakipag-usap sa mga taong nandito sa kasiyahan. Halata sa mga ngiti nila ang saya na makita akong muli. Habang kinakausap ko sila ay 'di nila mapigilang magbato ng mga masasamang salita kay Charlotte. 'Di ko na lang pinapansin dahil inasahan ko na na ganito ang mangyayari. Kasalanan na ni Charlotte kung bakit nangyayari ang mga ganitong bagay sa kaniya ngayon. Inaani niya lang ang mga tinanim niya.Napangiti ako nang makitang kausap ni Francis si Maëlle. Masaya ak

  • Clementine: The Mistress   CHAPTER 50

    CHAPTER 50FRANCIS DE FRANCE"Ngayon na ang pagbabalik nila," wika ni Alphonse habang tinutulungan niya 'kong magbihis. "Makikita mo na ang prinsesa, Francis. Makakasama mo na uli si Clementine."Napangiti ako. Isipin ko pa lang na makikita ko na uli si Clementine, 'di na mapakali ang puso ko. Ilang taon na ang nagdaan. 'Di ko alam kung paano ko kinaya na wala siya sa tabi ko. Dahil sa bawat araw na 'di ko siya nakikita, nanghihina ako. Nais ko na siyang makita, mayakap, at mahalikan uli.At ang anak namin...Nais ko nang makita si Maëlle. 'Di ko man lang siyan nahawakan nang pinanganak siya. Ngunit ngayong dito na sila sa Versailles mananatili, uubusin ko ang oras kasama siya. Gusto ko na siyang makita, mayakap, at makausap. Kung gusto niya, maglalaro kami hangga't gusto niya. Ipapaluto ko ang mga paborito niyang pagkain hanggang sa magsawa s

  • Clementine: The Mistress   CHAPTER 49

    CHAPTER 49DUCHESSE CELINE DE BERRYApat na taon na ang nakalilipas nang manganak si Clementine. Sa apat na taon na 'yon, nagawang paliitin ng France ang malawak na imperyo ng Alemanya. Nagawang sakupin ni Francis ang Alemanya nang 'di direktang nag-aanunsyo ng digmaan. Dahil sa mga magaganda niyang pangako, nagawa niyang kumbinsihin ang mga mamamayan at mga maharlika ng Alemanya na magpasakop sa France. At dahil nagawa ni Francis na tuparin ang plano niya nang ganito kabilis, pinaghihinalaan ng Alemanya si Charlotte. Iniisip nila na tinraydor niya sila. Wala nang dahilan pa ang Alemanya para protektahan siya. 'Di nagawa ni Charlotte na pigilan si Francis sa pagsakop sa Alemanya. Wala rin siyang anak. Wala na siyang kwenta pa.Kaarawan ngayon ni Maëlle. Apat na taon na siya. Kasalukuyan akong nasa loob ng karwahe kasama si Maëlle, at ang kaniyang ina. Babalik na kami sa Versailles kung saan may naghihintay na kasiyahan upang ipagdiwang ang kaarawan ni Maëlle.Tiyak 'kong nasasabik na

DMCA.com Protection Status