Share

Chapter 18

Author: CuteLazyPig
last update Last Updated: 2022-01-19 23:58:59

The one who holds the case

Mira's POV

Inubos ko ang kape ko at ibinaba iyon sa table. Nasa mall kami ngayon ni Nate at sinusundan ang isa sa tauhan ni Philip.

Alam kong may inutos si Philip dito. Sa tagal ng pag-sunod namin kay Philip dati ay medyo alam na namin ang takbo ng isip n'ya.

Before I agreed to this mission, tinignan ko muna ang profile ng kakailanganin kong mahuli.

Philip Solomon. Hindi ko alam kung s'ya lang ba ang kailangan pero dahil may nahuli kami na kasabwat n'ya ay baka hindi lang din s'ya ang pinaka boss ng mga illegal na gawain sa bansa.

Dahil sa nakita namin sa cctv kahapon ay nakakuha kami ng lead sa possibleng nag-utos kay Allan.

Tumayo na kami ni Nate at pasimpleng nag-lakad papunta sa gilid ng daan na papunta sa parking lot.

"You know the plan" Nate said.

Tumango ako at inalala ang napag-usapan namin kagabi sa kwarto.

Nakaupo ako sa upuan ko habang nagbabasa sa mga files na sinend saakin ni Kia. Tinignan ko ang flash drive na naglalaman ng mga footage galing sa palibot ng HQ.

I was about to grab it when the door opened, revealing Nate with his cold expression. I could see his eyes bore to the flash drive, and then he walked towards me and sat beside me.

"What's going on?" tanong n'ya bago tumingin sa mga files na nasa aking harapan. I only give him a bored look before inserting the flash drive in my laptop.

"We're going to find out" I said and scanned the footages.

Ilang minuto kaming nakaupo at pinapanood ng pauit-ulit ang files. Nireview ko ulit ang ibang files habang si Nate ang nanonood sa laptop.

Minutes passed by and we are both tired but we manage to write something on a piece of paper.

"Walang mali sa profile ng agent na pinag-lagyan ng papel, I'm trying to investigate the guards and areas around the HQ" sabi ko.

Ang HQ kasi ay located far from the main road and houses. We have to enter three gates before entering the main gate heading to the parking lot.

Ang nakita naming kuha ay galing sa gate 1 na pinakalabas. Doon galing ang kuha ng lalaking naka-itim na hoodie.

"Mira.." tawag n'ya saakin.

Tumingin ako sa tinuro n'ya sa screen. Plinay n'ya ulit ang video at pinanood ko iyon. Tinuro n'ya ang bandang kanan kaya maigi ko itong pinanood.

"There!"

Makikita sa kuha ang side ng cctv kung saan kita ang pag-daan ng lalaki sa kanan kung saan kalahati o medyo hindi s'ya kita na dumaan. Maya-maya ay nag-bago ang anggulo ng kuha dahilan para mapatingin ako kay Nate.

Tumango s'ya bago iplay ulit at pinause nang nasa bandang dulo na kung saan tapos na ilagay ang sulat sa agent namin. Trinack namin ang dinaanan n'ya at nakita na galing ulit s'ya sa side kung saan naiba ang pwesto ng camera.

Kung ganon ay ibig sabihin ay nandoon banda ang sasakyan n'ya!

"I know what to do" sabi ko bago kinuha ang laptop.

Nag-tipa ako nang mabilis at ramdam ko ang panonood ni Nate sa ginagawa ko. Huminto ako at zinoom at pinakita sakaniya. Nahuli ko s'yang nakatingin saakin bago inilipat sa laptop ko. Bahagya pa na naka bukas ang kaniyang labi na tila may hindi s'ya maintindihan na bagay.

"Na hacked ko ang mga possible street na dinaanan nila. It's between Lapuz and Quezon street. Nakita ang motor na sinasakyan n'ya." sabi ko.

Pinanood namin ang footage kung saan kita namin ang lalaki na bumaba sa motor n'ya at tinignan ang paligid bago pumasok sa loob ng bar. Hanggang doon lamang ang footage ng lalaki dahil hindi na namin s'ya nakitang lumabas ng bar.

"May posibilidad na pinatay na s'ya pagkatapos n'yang gawin iyon. Hindi na sila madaling naniniwala sa mga inuutusan nila dahil baka magaya kay Allan." sabi ni Nate.

"I agree. Hindi na sila basta-basta magpapakawala ng tao na hindi nila sigurado kung loyal ba sakanila. They can't risk anything" sabi ko.

Kinuha ni Nate ang ballpen ko na nasa lamesa bago nag-sulat sa maliit na papel. Tinignan ko ito at nakita na sinusulat n'ya pala ang mga time na may kakaiba sa kuha.

"Look" bigla n'yang sabi.

Inilipat ko ang paningin ko sa screen at nakita na may isang lalaki na lumabas ng bar at sumakay sa motor kung saan nakasakay ang lalaking naka hoodie. Tinignan n'ya muna ang bar bago umalis.

"There you go!" sabi ko bago napangiti.

I know, makakakuha kami kahit paano ng magiging lead.

"We need that man. Tomorrow, we'll go there and wait for him. Sigurado ako ay makikipag-kita iyan sa boss n'ya." sabi ko.

Tumango naman s'ya, agreeing to my decision and plan.

Tumayo si Nate at nag-inat bago yumuko nang bahagya. "Well, I'll go to sleep. See you tomorrow, Agent" paalam n'ya bago nawala sa harapan ko.

I spend another hour in my room, looking for some information. Nang hindi ko na kinayanan pa ang antok ay natulog na din ako.

Dahan-dahan akong lumakad sa kabilang side ng kotse. Nakatago ako sa kabilang kotse kung saan sasakay ang sinusundan namin. Ang lalaking lumabas sa bar at sumakay sa motor ng lalaking nagdala ng sulat sa HQ ay nakipag-kita sa lalaking ito.

Kaya namin s'ya sinundan. He's a very young looking guy who I don't know. Based on his apperance and the way he moves and talks, I think he's a business man.

Tumayo s'ya sa gilid ng kotse n'ya at tumingin pa sa paligid. I saw Nate behind him, getting ready to knock him off. Nang nakakuha ng magandang tyempo ay bigla n'yang tinusok sa leeg nito ang isang sleeping liquid na naka syringe.

Nang bumagsak ang lalaki ay nilagay namin s'ya sa kotse n'ya at kinuha ang case na hawak n'ya kanina. Binuksan namin 'to sa loob ng sasakyan n'ya. We make sure that no one will see us and there's no camera around us.

Pagbukas namin ay nakakita kami ng isang invitation, kasama ng iba pa n'yang gamit. Kinuha ko ang aking mini camera at pinicturan ang invitation at sinend kay Kia. Binalik namin nang maayos ang mga gamit n'ya sa case bago bumaba ng sasakyan n'ya.

"I think, we got what we want for now" sabi ko.

Seryoso s'yang tumingin sa paligid bago tumango. "Yeah. That's enough for now" sabi n'ya bago kami pumasok sa kotse na dala namin.

Tinignan ko sinend ko kay Kia at sinabi na din sakaniya kung ano ang gagawin n'ya doon. Pagkatapos namin ay huminto kami ni Nate sa isang shop para kumain.

We ordered food. I ordered a chicken wings while he ordered a burger. Nag crave ako sa chicken kaya dito ko s'ya niyaya. Ang lugar na ito ay hindi kalayuan sa HQ at hindi gaano maingay ang paigid.

"Dito ka madalas kumain?" tanong ni Nate.

Tumango ako at pinag-salikop ang aking mga braso. "Dito ako kumakain kapag galing ako sa condo at papunta sa HQ" sabi ko.

"Where's your condo?" tanong n'ya.

Tinaas ko ang kilay ko. I was about to say something pero inunahan n'ya ako. "I'm just curious. You know my place, right?" sabi n'ya.

Inalala ko ang lugar na pinuntahan namin nung una kaming magkakilala. It's his condo. Naalala ko pa ang punong-puno n'yang ref.

"Somewhere in makati, why? wanna go there?" asar ko sakaniya.

Ngumuwi naman s'ya na akala mo ay ayaw talaga at hindi interesado. Tsk. Parang hindi n'ya naman ako pinilit na pumunta sa condo n'ya dati.

Well, binaril ko nga pala s'ya kaya hindi s'ya makapag drive that time. But it's worth it.

"Kailan mo balak mag take ng break? Not really a break, you know?" tanong n'ya.

Napa-isip din ako sa tanong n'ya. It's been months since I left my condo unit. Simula noong naging bago at naging partner ko na si Nate ay doon na ako sa HQ natulog.

Bigla kong na-miss ang higaan ko. Damn..

"Maybe when we're in half of our mission" sagot ko.

Mukha namang nakuha n'ya ang sinabi ko dahil nakita ko ang pag-tango n'ya.

"You're really determined to end this, Huh?" sabi n'ya.

Naibuga ko ang hangin na nilanghap ko bago umayos ng upo. "I'ts tiring.." sagot ko.

"Don't tell me.."

"I don't know yet" putol ko sakaniya.

I don't know yet. Ngayon na nasa isang napakahirap na misyon kami ay nakapag-isip na din ako tungkol sa buhay ko. Ilang taon na akong nagtatrabaho at tumatapos ng mga misyon.

Minahal ko na ang pagiging Agent ko at ang HQ. Mahirap man ang nangyayari at madaming masasakit na naramdaman ay hindi ko alam kung kaya ko umalis sa buhay na nakasanayan ko.

Hindi ko pa alam kung kaya ko umalis sa HQ. Hindi ko alam kung kaya ko mabuhay ng walang inaatupag na imbestigasyon at paghuli sa iba't-ibang tao.

There's a part of me that want to quit after this, but there's also a part that wants to stay no matter what happens. But in the end, it's all about the reasons.

The reasons why I can't let go and let myself be free. Choosing freedom over a responsibility.

"What about you, Nate? What's your plan after this?" I asked him while the waiter are serving our food.

Hinintay n'ya muna na matapos ang ginagawa ng waiter bago n'ya kinuha ang utensils at tumingin sa plato n'ya. Kinuha ko din ang utensils ko habang hinihintay s'yang sumagot.

"Actually..I don't know" sagot n'ya.

Medyo natawa ako dahil doon. Seriously? Akala ko ay may plano na s'ya. Feeling ko kasi ay s'ya yung tipong laging may plano. Lahat ng oras ay may ginagawa at alam na ang gagawin.

And now, I know I'm wrong about that.

"Let's eat" sabi ko at sinimulan kumain.

Tahimik kaming kumain ni Nate. Natawa pa ako dahil sa bilis n'yang kumain na halos mabulunan na s'ya dahil doon.

Binigyan ko s'ya ng beer dahilan para simangutan n'ya ako. Lalo akong tumawa bago ibigay sakaniya ang tubig.

"Beer? Really? It's too early for that" saway n'ya saakin.

"I know. Kaunti lang naman" sabi ko bago ininom ang kalahati at inusog na pagilid.

Natapos kaming kumain at magbayad. Lumabas kami sa kainan at tumingin sa paligid. Tumayo lamang kami doon at tinignan ang paligid.

"Nabusog ako" sabi ko habang hinahaplos ang aking t'yan.

"Ang dami mo kasing kinain" sabi n'ya pa habang tinitignan ang kaniyang phone.

Umirap ako at balak sana s'yang suntukin ngunit tinamad ako dahil sa kabusugan. Umikot nalang ako ng pwesto at sumakay sa kotse namin habang hinihintay si Nate na nakatutok sa kaniyang phone.

Kinuha ko din ang phone ko at nagulat na may missed call iyon galing kay Kianna at Officer George. Sinubukan kong tawagan si Kianna pero hindi n'ya sinasagot at gan'on din si George.

Binuksan ko ang driver seat para tawagin si Nate na nagulat sa ginawa ko. Tinignan n'ya ako dahilan para ipakita ko ang phone ko sakaniya. Dali-dali s'yang sumakay sa kotse at inistart iyon.

"Ano nanaman kaya ang nanguari!?" sigaw ko.

"Calm down! Sabi na, eh. Hindi ka dapat uminom. Tsk"

"Ako pa ang sinisi mo!?" irita kong sabi habang sinusubukan parin na tawagan si Kia o George.

Gosh! Nag-sisimula na talaga ako mainis sakanilang lahat. Ano nanaman kayanng problema nila sa head quarters at bakit ganito kadaming beses akong tinawagan ni Kia at Officer George.

Hindi ako tinawagan ni Tom, which means na may ginagawa s'ya! Tsk

Sana lang talaga ay maganda ang bumugad saakin sa HQ! Kung hindi ay hindi ko na alam ang gagawin ko! Hindi pa nga kami nakakapagpahinga pagkatapos kumain!

"God, she's drunk" bulong ni Nate.

Sinamaan ko s'ya ng tingin. "I'm not! Now hurry the fuck up!"

"Okay, okay! Calm down, woman!" sabi n'ya bago inapakan ang gas.

Related chapters

  • City lights   Chapter 19

    In black Mira's POV "What's happening?" Sigaw ko sa mga agent na nagkakagulo sa loob ng HQ. Walang pumansin saakin dahilan para lalo akong mainis. Nakita ko ang pasimpleng tawa ni Nate bago mag seryoso at tumingin sa mga taong nag-kakagulo. Nagulat ako nang hilahin ni Nate ang isang agent at iharap saakin. Tumingin ang agent kay Nate. "Answer her before she gets really mad" may halong banta n'yang sabi. "A-agent Carper! Ano kasi, eh. An-" "What!?" Sigaw ko. Halata ang pagkagulat sakaniya dahilan para yumuko s'ya. Tinignan ko si Nate na seryosong nakatingin saamin. Pinilit kong huminahon dahil masyado ko na ata s'yang natatakot. I know that they're scared of me but I need an immediate response right now! "I'm sorry. Just tell me what's happening" mas mahinahon k

    Last Updated : 2022-01-22
  • City lights   Chapter 20

    Her secrets Mira's POV "Can I punch her?" I asked Nate who's sitting in a small chair. "Nope. You can't" he said. Inirapan ko s'ya at ibinalik ang aking tingin sa babaeng nakagapos sa isang upuan. Wala pa rin itong malay. Kanina pa namin s'ya hinihintay na gumising pero hindi pa rin s'ya nagising. Masyado atang malakas ang sipa ko sa batok n'ya kanina. "I'm starving" I said before turning my gaze to Nate. He's using his phone at nang marinig ako ay bigla n'ya akong tinignan. "Want me to order food?" tanong n'ya habang pinapakita ang phone. "Yes, please" sabi ko bago tumayo at lumakad papalapit sa table kung nasaan ang laptop. I need to do something to keep me sane right now! Maybe browsing will do? Naiinip na talaga ako! Argh! Ilang sanda

    Last Updated : 2022-01-23
  • City lights   Chapter 21

    Mr. Montero Mira's POV Nag-lakad ako palabas ng building kung saan namin kinita si Drei. Nasa likod ko si Nate na diretso ang tingin sa harapan. Sumakay ako sa kotse ko at ganon din s'ya. "Let's race, loser will buy food" sabi ko sa ear device. "Sure" sagot n'ya. Mabilis kong pinaharurot ang sasakyan ko sa kalsada. Malayo-layo ang byahe papunta sa HQ kaya magandang laban ito. Malayo ang pagitan namin ni Nate sa isa't-isa. Nasa likudan ko s'ya habang pinipilit kong panatilihin ang bilis ko nang sa ganon ay hindi n'ya ako maabutan. "Easyhan mo lang" bulong n'ya na may halong asar. Nanlaki ang mata ko nang makita ko s'ya saaking gilid. How!? Paano n'ya ang naabutan sa bilis ko? Nandadaya ata ito, ah. A small smirked are visible to my lips. Sinusubukan n'ya ako. "S

    Last Updated : 2022-01-24
  • City lights   Chapter 22

    What's the matter? Mira's POV "Ngayon na alam na natin ang tungkol dito, may magagawa na tayong plano para sa kaniya." Sabi ko. Naghihintay ako ng sagot mula kay Nate ngunit wala akong natanggap mula sakaniya. Nilingon ko s'ya at nakita na nakakunot ang noo n'ya habang nakatingin sa kawalan. "I'm not quite sure, Mira. I think there's something missing and I don't know what it is" makahulugan n'yang sabi. Uhuh? Something missing? Ano naman kaya iyon? Bukod sa nakuha naming impormasyon tungkol sa kasabwat ni Philip ay nakakuha din kami ng impormasyon tungkol sa nangyayaring illegal na pagbebenta ng mga properties. They are selling some properties that they got from killing the owner. It's really unacceptable! They are more worst than I think they are. "Are you up for another mission?" I asked him while I lazily tossing my keys

    Last Updated : 2022-01-25
  • City lights   Chapter 23

    Gate crasher Mira's POV Lumabas ako ng office ni Kia pagkatapos. Pumunta ako sa kwarto namin ni Nate. Binato ko ang phone ko sa higaan sa loob ng kwarto ko bago ako pumunta sa balcony kung saan kita ang baba ng HQ. Kita mula dito ang mga Agents na nag-lalakad at may ginagawa sa baba. Pinasadya ko ito sa kwarto na ito dahil sa gusto ko na nakikita silang gumagalaw. Kapag nakita ako ng ibang Agents na nakadungaw at pinagmamasdan sila ay lalo silang nagiging aligaga. I'm the one who's promoting them. The heads don't have a say about that. As long as I do well, wala silang nasasabi saakin. I know. Isa lamang akong tauhan nila but I make things possible for them. They owe me a lot. "Why are you here? We need to get ready" suddenly, I heard another voice behind me. I didn't bother to look because I already know who it is. &nbs

    Last Updated : 2022-01-26
  • City lights   Chapter 24

    Clown Mira's POV I was standing straight when a guy wearing a clown costume hit me. I glared at him before walking away. Hindi tumitingin sa daanan! Pumunta ako sa bathroom para mag-ayos ng sarili. Iniwan ko si Nate sa hall kung nasaan ang salo-salo. Tinignan ko ang paligid ng bathroom kung may kakaiba. Nag-hilamos ako ng aking mukha. Paglapit ko sa sink ay tila may kakaiba akong naririnig. Binaba ko ang sarili ko para tignan nang maigi ang lababo. I saw red light near the hole. Nangunot ang noo ko at unti-unting tinignan ang ilalim ng sink. I was about to look when suddenly, I heard two women walking towards the door so I quickly locked myself in one of the cubicles. Nagtatawanan sila at tila may pinag-uusapan. "I heard that Mr. Montero will have a private party later. Ang mga kasali ay malalaking tao sa

    Last Updated : 2022-01-27
  • City lights   Chapter 25

    The culpritMira's POVMabilis ang hininga ko. Hawak ko ang aking tiyan habang buhat ako ni Nate. He's cursing under his breath.Hawak n'ya ako sa dalawang kamay ngunit ang baril n'ya ay hindi n'ya pa rin mabitawan. Ilang putok ng baril pa ang narinig namin sa paligid.Dumating kami sa kotse at dahan-dahan akong sinakay doon ni Nate. Nahihilo na ako!Narinig ko pa ang pagpapaputok ni Nate sa kung saan bago s'ya sumakay sa kotse at paandarin ito nang mabilis.Kinuha n'ya ang phone n'ya at agad na inilagay sa tenga. "We need back up as soon as possible! I'm heading back to the HQ. Agent Carper was shot! Prepare the room for her!" Sigaw n'ya.Hindi ko maiwasang matawa sa inasal n'ya. Ngayon ko lang s'ya narinig na sumigaw ng ganiyan.I must say, He really cared for his partner, huh? Should I be glad? Oh, shit! Nahihilo na ako!

    Last Updated : 2022-01-28
  • City lights   Chapter 26

    Warm Mira's POV Mabilis kong tinanggal ang swero na nakakabit sa kamay ko. Dahan-dahan akong tumayo at pumunta sa bathroom. It's been 2 days since the encounter between us and Montero. Hindi ako umaalis dito at lagi pa rin akong nahuhuli ni Nate na tinatanggal ang mga nakakabit saakin. Binuksan ko ang sink at naghilamos. Tinignan ko mukha ko at napangiwi. Ang dami kong galos at pasa na medyo visible pa. Ang sama ng loob ko sa tauhan ni Montero. Kailangan ko pa tuloy bumalik sa derma! Tsk. Nang matapos sa bathroom ay lumabas na ako. Umupo ako sa higaan ko at binuksan ang tv gamit ang remote. Humalukipkip ako dahil sa ka boringan dito.

    Last Updated : 2022-01-29

Latest chapter

  • City lights   Chapter 47

    CornerMira's POVHinigpitan ko ang tali sa bibig n'ya. Rinig ko ang daing mula sakaniya. Umirap ako sa hangin bago s'ya iniwan sa loob.Hinagisan ako ni Denver ng bottled water na agad kong sinalo. Tinignan ko naman si Nate na mag-isa sa sulok habang naka-tingin sa laptop.Hindi n'ya pa rin ako kinakausap. I tried to say sorry but he just ignored me. Bahala s'ya d'yan.Hindi ba s'ya natutuwa? Dahil sa pag-aaway namin ay may nakuha kaming tao. Hindi lamang basta makakatulong sa misyon namin kun'di makakapagpabago ng larong ito.That jerk think that he can easily fool me. Those sweet words and stuff? I'm not that stupid to not know who he is.

  • City lights   Chapter 46

    NumberMira's POVPagkatapos ng pag-uusap namin ni Nate ay hindi ko na s'ya mulin kinibo pa. Bahala s'ya diyan!Hindi dapat ako ang kumausap sakaniya! I can handle this all even without him. I'm used to it, anyway.Padabog akong humiga sa kama ko. Iniisip ko kung bakit ba kami humantong sa ganitong sitwasyon. He's being too bossy these past few days. He didn't even give me a choice and I fucking hate it.He used to obey my rules. He used to always say yes whenever I want to go to somewhere. He knows that I just want the best way to finish this mission.Was I being too selfish?Kasalanan ko ba na sanay akong namumuno? Kasalanan ko ba kung sanay ako na ako lagi ang nasusunod? Ginagawa ko naman lahat ng kaya ko para sa misyon na ito.Sumobra ba ang pagiging leader ko? O pag act as if ako lang ang nasa misyon?Ngay

  • City lights   Chapter 45

    SweetMira's POVI was so angry that I walked out the room and head towards the elevator. No one was there so I took the chance to burst my anger inside.Nakakainis si Nate! Anong akala n'ya ay wala akong plano? Alam ko naman ang kailangan naming gawin dito, eh!Mali din naman kasi ang gusto n'ya! We need to find Philip but to trigger them this early? Kapag ginawa namin iyon ay mawawalan kami agad ng galaw! Katulad nalang nang nangyari kay Sebastian at Montero!Padabog akong bumaba sa elevator. Nahihiya pa ako dahil sa mga taong nakakita sa pagdadabog ko. Pinilit kong huminahon at nag-tawag ng taxi."Au bar le plus proche, s'il vous plaît" sabi ko. (At the nearest bar, please)"Sur notre chemin" sagot n'ya naman. (On our way)Dahil sa sinabi ko ay ilang minuto pa lang ay binaba n'ya na ako sa tapat ng isang bar. Nag-bayad ako sakaniy

  • City lights   Chapter 44

    ParisMira's POV"We're going to france!?" gulat kong sigaw sa loob ng opisina ni Tom.Tumango s'ya at tinignan si Nate. "He knows what to do" sabi n'ya pa.Tinignan ko naman si Nate bago ngumiwi. Whatever!"So, kailan tayo aalis?" tanong ko bago umupo sa upuan na nasa harap ng table ni Tom."Tomorrow along with Agent Denver and the others" sagot n'ya.Napa-palakpak naman ako dahil sa tuwa. Halata naman ang kabadong mukha ng dalawa. Tumingin ako kay Tom para sana mag-paalam na ngunit inunahan na n'ya ako."Okay, you may go shopping" sabi n'ya.Masaya naman akong tumayo at kumaway pa kay Nate bago mabilis na lumakad papunta sa office ni Kia. Kumatok ako at binuksan ang pinto.Nasa loob s'ya at tila nag-type. Tumingin s'ya sa direksyon ko at nang makita ako ay napangiti agad s'ya. "Shopping?"

  • City lights   Chapter 43

    Never expectMira's POVHindi lang sila Montero! Ayun ang siguradong sagot sa mga katanungan naming lahat. Hindi lamang si Montero, Philip at Sebastian ang sangkot dito."Agent Denver, Check the background of the elite people here in manila. We'll check the other data. Baka may nakatago sa data center na file tungkol sa ilan pang kilalang tao na nalagpasan natin" sabi ko.Agent Denver nodded as a response. He looked at me at Nate before walking out the room. Maybe calling the others.I turned my gaze to Nate who was sitting in the table. Lumapit ako sa tabi n'ya para tignan ang nakuha naming data sa flash drive na nakuha namin kay Sofia.

  • City lights   Chapter 42

    The protectorMira's POVNgayon na kaharap ko na si Sofia ay hindi ako makapaniwala. I used to look up to her but right now, I can't even look at her straight in the eyes!Now, I feel sorry for myself. Ngayon ay alam ko na kung bakit gan'on ang nangyari dati."What does it feel, Agent?" she suddenly said.Tinignan ko lamang s'ya at hindi inabala ang sarili na sumagot. Natawa s'ya ng harahan bago lumapit. Umatras naman ako dahilan para lumaki ang ngiti n'ya.Laugh, bitch. 'Cause you can't even move after this. Enjoy the moment where I can control myself."What does it feel to be the top agent? Na tinitingala pero hindi sigurado na nirerespeto?" sabi n'ya.Hindi pa rin ako sumasagot. "You think it's cool? No, right? Alam ko na alam mo na ang pakiramdam na madaming nakatingin"Binunot n'ya ang baril n'ya dahilan p

  • City lights   Chapter 41

    Unbreakable duoMIRA'S POVI was too happy that I didn't even realize that Nate was staring at me for how many minutes now."What!? Do you have a problem, agent?" I said, giving him a death glare.I saw the others hiding their laughs. Tinarayan ko sila at tinignan ang scene sa office ni Montero.Ngayon na may nawawalang pera sakanila ay alam kong mag-kakagulo. We carry out our plans today.We can't let this opportunity go to waste. Marami kaming ginawa para ma trap dilang dalawa ni Philip."Called the back up once you hear them shoot" I said.Ang balak namin ay pabagsakin si Philip. We need Montero kaya hindi namin s'ya hahayaan na makawala.

  • City lights   Chapter 40

    SeenMira's POVI was too stunned to move. Namamalik-mata lang ba ako? Totoo ba ang nakita kong babae kanina?Hindi ako makagalaw dahil sa pinagsamang gulat at kaunting takot. Bakit s'ya nandito? H-hindi kaya totoo ang mga sinabi nila sa HQ?"What are you doing? They are on the 4th floor" Nate whispered behind me dahilan para magkaroon ako ng lakas na gumalaw at lingunin s'ya.Nang makita ang itsura ko ay nangunot ang kaniyang noo. "Are you okay? What's wrong?" tanong n'ya pa.Hindi ako kaagad nakasagot dahil sa nararamdaman ngunit nang maisip ang pakay namin sa lugar na ito ay doon lamang ako tuluyang natauhan."I'm sorry. I was about- I-am..Sorry"Hindi ako makatingin dahil hindi ko matanggap na nagkakaganito ako ngayon! On our mission!Huminga ako nang malalim. Pinanood n'ya akong gawin iyon. Tinignan

  • City lights   Chapter 39

    Making move Mira's POV Hindi ako maka-ayos ng tayo dahil sa kalasingan kagabi. Naramdaman ko na si Nate ang nag buhat saakin pabalik sa kwarto ko. Masakit ang ulo kong bbumangon kinaumagahan. Binalot ko ang sarili ko sa kumot habang kinukundesyon ang sarili. Ilang minuto ang lumipas bago ko naisipan na buksan na ang mga bintana kahit na ilaw lamang halos ng HQ ang napasok sa kwarto. Pumasok ako sa bathroom na pikit pa ang isang mata. Nag-hilamos ako at inalala ang mga nangyari kagabi. I knew it! Hindi dapat ako nagpakalasing nang ganon! Pinunasan ko ang mukha ko gamit ang white towel bago pumunta sa device na naka-dikit sa pader malapit sa pintuan palabas. Lumabas doon ang mukha nila Nate na nag-aayos. "Are you guys ready?" I asked. I saw how Nate looked at me and my back

DMCA.com Protection Status