Share

Chapter 22

Author: CuteLazyPig
last update Last Updated: 2022-01-25 23:31:13

What's the matter?

Mira's POV

"Ngayon na alam na natin ang tungkol dito, may magagawa na tayong plano para sa kaniya." Sabi ko.

Naghihintay ako ng sagot mula kay Nate ngunit wala akong natanggap mula sakaniya. Nilingon ko s'ya at nakita na nakakunot ang noo n'ya habang nakatingin sa kawalan.

"I'm not quite sure, Mira. I think there's something missing and I don't know what it is" makahulugan n'yang sabi.

Uhuh? Something missing? Ano naman kaya iyon? Bukod sa nakuha naming impormasyon tungkol sa kasabwat ni Philip ay nakakuha din kami ng impormasyon tungkol sa nangyayaring illegal na pagbebenta ng mga properties.

They are selling some properties that they got from killing the owner. It's really unacceptable! They are more worst than I think they are.

"Are you up for another mission?" I asked him while I lazily tossing my keys in the air.

Tumingin s'ya saakin bago bumuntong hininga. Napairap ako dahil sa inaasta n'ya.

"What's the matter, Agent Nate?" Tukso ko sakaniya.

He throw a bored look to my direction. I shrugged.

"May misyon pa tayo dito, Agent Carper. Hindi tayo uusad kung paiba-iba tayo ng plano" He said, dead serious.

Umirap naman ako bago pumunta sa ref at kumuha ng gatas. Nagsalin ako sa baso at diretsong nilagok iyon.

Tinitignan ko lamang si Nate na malalim ang iniisip habang nakatayo malapit sa table. Nag-lakad ako papunta sa sink at nilagay ang baso doon.

Kinuha ko na din ang mga gamit na pakalat-kalat sa sofa at ipinasok sa kwarto ko. Hinawakan ko ang pinto bago tinignan si Nate.

"Go to sleep, Agent. Madami pa tayong gagawin bukas" sabi ko bago sinara ang pinto.

I walked towards my bed. Umupo ako at tinignan ang paligid. Wala gaanong gamit sa kwarto na ito.

Nakasabit sa ding-ding ang mga litrato ko habang suot ang nga medalyang natatanggap ko bilang agent. Nandoon din ang mga costumize na gamit na regalo saakin katulad nalang ng bulletproof vest na may mukha ko sa unahan.

May mga nakasabit din na baril, it's fake and not a real gun. Ang kwarto ko ay may color green at black. dark pareho at mayroong clear white na floor.

I have TV but I often use it. I also have guitar but I already forgot how to play it. There's a mini walk in closet with my outfits and cool uniforms.

I also love to ride motor bikes before. Mas gusto ko nga lang ang kotse dahil mas kumportable ako.

Ang kwarto na ginagamit ni Nate ngayon ay dati kong gym room. Dahil sa naging partner ko s'ya ay agad na inayos iyon para sa kaniya.

Ngayon nga ay naisip ko kung gaano kabilis mag-bago ang lahat. Hindi ko na namalayan na ilang linggo na kaming mag kasama.

I cannot say that we really get along together but I can say that we don't fight that much na. Unlike before na lagi akong galit sakaniya.

Kahit naman ngayon ay naiinis ako sakaniya. Katulad nalang kanina sa race. I fired because of anger.

Pero parang wala lang sakaniya at alam na n'ya na gagawin ko iyon. Hindi nga n'ya naisipan na umilag, eh.

Mukhang nasasanay na s'ya sa ugali ko. It's good to know dahil bilang partner n'ya ay kailangan talaga namin buo ng bond.

Totoo na hindi ko s'ya sobrang pinagkakatiwalaan. Pero sa dami ng nangyari ay mahirap na sabihin kung ano ang mararamdaman ko.

Nakikita ko ang sinseridad n'ya sa trabaho ngunit tila may kulang. Hindi s'ya showy at hindi n'ya din sinasabi minsan kung ano ang iniisip n'ya.

Kagaya ngayon. Gumagalaw s'ya ng hindi ko alam. May tauhan s'ya at may alam na s'ya na hindi ko pa alam.

I know naman na dapat ay advance din ako sa pag iimbestiga pero kasi ngayon ay iniisip ko din na kung gagalaw ako sa paraan na sanay ako ay baka masira n'on ang pagiging partner namin.

Ayoko naman na sabihin n'ya na porket ayaw ko na may partner ay gagalaw ako mag-isa. Then, malalaman ko na ginawa na n'ya.

He's really...interesting.

Hindi din s'ya nag oopen kagaya ko kaya ang mga nalalaman namin sa isa't- isa ay ang mga bagay na nainvolve sa misyon na ito.

Mayroon pa kaya akong malalaman tungkol sakaniya?

Nate Velasquez...

Ginulo ko ang buhok ko bago padapa na humiga sa kama. Dahil sa madaming iniisip at pagod ay hindi ko namalayan na nakatulog ako sa ganong pwesto.

Nagising ako nang makarinig ng isang kakaibang tunog. Tila may nalag-lag na kung ano.

Tinignan ko ang orasan at nakita ko na 2 am na. Sinuot ko ang tsinelas ko at binuksan ang pintuan nang dahan-dahan.

Nakita ko si Nate na nakaupo pa rin sa sofa at hawak ang kaniyang baril na may drawing.

Sabi n'ya ay binigay iyon sakaniya...

Nililinis n'ya iyon at ang narinig kong ingay ay galing sa nalaglag na parts. Pinagmasdan ko lang s'ya mula sa maliit na awang sa pinto.

Tinitignan n'ya ang baril na para bang may inaalala. May hinugot s'ya na isang bagay sa kaniyang bulsa.

Nakita ko ang maliit na kumikinang na kung ano. I think it's a chain. Necklace?

Tinignan n'ya iyon at ang baril bago binalik sa kaniyang bulsa. Naramdaman ko naman na titingin s'ya sa direksyon ko kaya sinara ko na ang pinto.

Walang ingay itong nasarado. Bumalik ako sa aking higaan at inisip ang nakita. Napatingin ako sa walk in closet ko.

Dahan-dahan akong pumasok doon at dumiretso sa dulo. May isang painting doon na nakasabit.

Dalawang bata na nakatalikod at nakaharap sa isang bahaghari. Pinindot ko ang dulo ng bahaghari at mabilis na gumalaw ang painting para umusog.

Napalunok ako matapos makita ulit ang bagay na ito.

'We saw you laying on the ground, unconscious. But you didn't let go of that thing, Mira'

Naalala ko ang gabi na iyon. Binigay n'ya ang bagay na ito saakin bilang regalo. Ngayon ay mahirap saakin na titigan ito dahil ito din ang kasama ko sa gabing hindi ko makakalimutan.

Unti-unti kong inilapit ang aking kamay doon. Pigil ang hininga at ang luha sa mata. Sa huli ay sinara ko ulit ito at lumabas sa walk in closet para tahimik na umiyak.

Bullshit! I really can't forget it! Damn...

Ilang minuto ang inilaan ko sa pag-iyak. Mag 3:30 am na. Maga na ang mata ko at may sugat din ang kamay ko dahil sa pagpisil.

Ganoon ako lagi kapag natatakot o umiiyak. Kaya iniiwasan ko din lalo na kapag alam kong hindi ako pwede magkaroon ng malalanh sugat.

Tinignan ko ang may kalmot at namumula at dugo kong kamay. Pumunta ako sa bathroom para mag hilamos at hugasan iyon.

Tumingin ako saaking sarili at bahagyang natawa. Look at you, witch. You're ugly duckling.

Pagkatapos ay bumalik ako sa kama at natulog.

Nagising ako dahil sa pag ring ng device sa gilid ng pinto ko. Nakita ko ang mukha ni Nate na nasa harapan ng camera sa may sala.

Naka connect ang device na ito sa mga camera sa buong room. Pwede din mag connect ng iba pa kung gugustuhin ko.

"It's already 11 am, Agent! Get up!" sabi n'ya bago umalis sa camera.

Uminat naman ako at nag-ayos ng sarili. Inayos ko din ang aking higaan at mga gamit ko. Tinago ko ang mga dapat itago at nilagay sa labahan ang mga damit.

Lumabas ako ng kwarto ko saktong 12. Nakita kong wala si Nate sa kwarto kaya dumiretso nalang ako sa table para kumain.

Mayroon doon na fish fillet and salad. Sinimulan ko kumain at chineck ang aking phone. Nakita ko na nag text si Kia kaya binuksan ko agad.

Kia: We have a meeting. Go to my room after you eat. Agent Velasquez is already here.

Hindi ko na s'ya nireplyan at nagpatuloy na sa pagkain. Tumayo ako at pumunta sa ref para kumuha ng soda.

Nang kukuhanin ko na ay napansin ko ang aking kamay. Gusto ko mag-mura dahil doon. Mabilis akong nag-lakad papunta sa room ko at kinuha ang gloves.

It's a cool gloves actually. Kaya n'yang tandaan lahat ng bagay na hahawakan ko. It's black and made of cotton.

It looks nice naman kaya siguro naman ay hindi na nila ito pansinin. Well, I hope Kianna will not talk about it.

Lumabas na ako at pumunta na sa room n'ya. Naabutan ko nga silang dalawa na nag-uusap dalawa.

Nakatingin sila sa monitor ng pc ni Kia. Nang pumasok ako ay parehas nila akong nilingon.

Agad na dumapo ang mata ni Kia saaking kamay. Pinaningkitan ko s'ya dahilan para magpakawala s'ya ng malalim na buntong hininga.

I saw Nate glance but I don't care and just continue walking. Huminto ako sa tabi ni Nate.

"Okay, what's up?" kasyual kong sabi.

Tinignan ko ang screen at nakita na isa itong picture ng Invitation at isang lugar.

Iyon ang invitation na nakuha namin ni Nate sa lalaki na sinundan namin. Habang ang isa ay mukhang bahay.

"This is Montero's house. Today magkakaroon ng auction and big party at dito gaganapin."

Tumango naman ako bago nag-hintay sa kasunod nilang sasabihin.

"The theme is masquerade. It is a great time to move." si Nate.

"So we're planning to gate crash?" tanong ko.

Kianna nodded as a response. May pinindot s'ya na button sa pc n'ya at napunta na ang view sa loob ng bahay, particularly sa isang kwarto.

"You have to enter this room because I think this is the room where he hides the files." si Kia.

Mangha naman akong tumingin kay Kianna. "You learned how to hack systems, Huh? So proud of you" sabi ko.

Umirap naman s'ya saakin bago nagpatuloy sa sinasabi. "After that, call us so that we can arrest him" sabi ni Kia.

Gulat naman ako dahil doon. Arrest him? Agad?

"Why arrest him? We can't use him if he's in jail!" sabi ko.

"I already know you would disagree. I told you, Kia." sabi ni Nate.

Napangiwi naman ako dahil sa sinabi n'ya.

Pumunta ako sa sofa at doon umupo. "If that's a really huge party, I think Philip will not be there. Kung magkasabwat silang dalawa ay paniguradong hindi basta-basta pagpapakita si Philip at Montero na magkasama."

"I think, Philip is not in Luzon right now" si Kia.

"What? I thought he's here! Where is he right now?"

"Somewhere in mindanao. Maybe in CDO or bukidnon" si Kia.

"Then, let's just get the files and escape." sabi ko.

"I agree. Kung ikukulong natin agad si Montero ay hindi tayo magkakaroon ng lead sa iba pa nilang kasamahan" si Nate.

"Then, that's it! We'll go to the party" sabi ko.

Pupunta kami sa party today. We'll go there and search for a file na makakatulong saaming misyon. Maybe some evidence?

Kung tama ang hula ko ay madami ding business man ang nandoon. Kung ganoon nga ay madaming body guard sa paligid. We need some equipment and devices para hindi mahuli.

Sana lamang ay walang mangyaring kahit ano na magdadala saamin sa kapahamakan. Mas maganda din na hindi muna n'ya kami kilala. Katulad ni Philip. He don't know me. Paniguradong ang alam n'ya lamang ay ang corp ang naghahabol sakanila.

We can't lose this chance right now. Kung ano man ang pagkakataon na ito ay dapat na naming magawa ng maayos ang kailangang gawin.

"Let's get ready, shall we?"

"Ako na ang kukuha ng mga devices sa storage room. Wait for me on your room" si Kia bago lumabas.

Tinignan ko naman si Nate na sumulyap ulit sa gloves ko. "What?" tanong ko sakaniya.

"Nothing. Let's go" sabi n'ya bago nagpauna na lumabas.

Bumuntong hininga naman ako at muling tinignan ang lugar mula sa screen ni Kia. Tinignan ko iyon bago pinatay at umalis sa loob.

Related chapters

  • City lights   Chapter 23

    Gate crasher Mira's POV Lumabas ako ng office ni Kia pagkatapos. Pumunta ako sa kwarto namin ni Nate. Binato ko ang phone ko sa higaan sa loob ng kwarto ko bago ako pumunta sa balcony kung saan kita ang baba ng HQ. Kita mula dito ang mga Agents na nag-lalakad at may ginagawa sa baba. Pinasadya ko ito sa kwarto na ito dahil sa gusto ko na nakikita silang gumagalaw. Kapag nakita ako ng ibang Agents na nakadungaw at pinagmamasdan sila ay lalo silang nagiging aligaga. I'm the one who's promoting them. The heads don't have a say about that. As long as I do well, wala silang nasasabi saakin. I know. Isa lamang akong tauhan nila but I make things possible for them. They owe me a lot. "Why are you here? We need to get ready" suddenly, I heard another voice behind me. I didn't bother to look because I already know who it is. &nbs

    Last Updated : 2022-01-26
  • City lights   Chapter 24

    Clown Mira's POV I was standing straight when a guy wearing a clown costume hit me. I glared at him before walking away. Hindi tumitingin sa daanan! Pumunta ako sa bathroom para mag-ayos ng sarili. Iniwan ko si Nate sa hall kung nasaan ang salo-salo. Tinignan ko ang paligid ng bathroom kung may kakaiba. Nag-hilamos ako ng aking mukha. Paglapit ko sa sink ay tila may kakaiba akong naririnig. Binaba ko ang sarili ko para tignan nang maigi ang lababo. I saw red light near the hole. Nangunot ang noo ko at unti-unting tinignan ang ilalim ng sink. I was about to look when suddenly, I heard two women walking towards the door so I quickly locked myself in one of the cubicles. Nagtatawanan sila at tila may pinag-uusapan. "I heard that Mr. Montero will have a private party later. Ang mga kasali ay malalaking tao sa

    Last Updated : 2022-01-27
  • City lights   Chapter 25

    The culpritMira's POVMabilis ang hininga ko. Hawak ko ang aking tiyan habang buhat ako ni Nate. He's cursing under his breath.Hawak n'ya ako sa dalawang kamay ngunit ang baril n'ya ay hindi n'ya pa rin mabitawan. Ilang putok ng baril pa ang narinig namin sa paligid.Dumating kami sa kotse at dahan-dahan akong sinakay doon ni Nate. Nahihilo na ako!Narinig ko pa ang pagpapaputok ni Nate sa kung saan bago s'ya sumakay sa kotse at paandarin ito nang mabilis.Kinuha n'ya ang phone n'ya at agad na inilagay sa tenga. "We need back up as soon as possible! I'm heading back to the HQ. Agent Carper was shot! Prepare the room for her!" Sigaw n'ya.Hindi ko maiwasang matawa sa inasal n'ya. Ngayon ko lang s'ya narinig na sumigaw ng ganiyan.I must say, He really cared for his partner, huh? Should I be glad? Oh, shit! Nahihilo na ako!

    Last Updated : 2022-01-28
  • City lights   Chapter 26

    Warm Mira's POV Mabilis kong tinanggal ang swero na nakakabit sa kamay ko. Dahan-dahan akong tumayo at pumunta sa bathroom. It's been 2 days since the encounter between us and Montero. Hindi ako umaalis dito at lagi pa rin akong nahuhuli ni Nate na tinatanggal ang mga nakakabit saakin. Binuksan ko ang sink at naghilamos. Tinignan ko mukha ko at napangiwi. Ang dami kong galos at pasa na medyo visible pa. Ang sama ng loob ko sa tauhan ni Montero. Kailangan ko pa tuloy bumalik sa derma! Tsk. Nang matapos sa bathroom ay lumabas na ako. Umupo ako sa higaan ko at binuksan ang tv gamit ang remote. Humalukipkip ako dahil sa ka boringan dito.

    Last Updated : 2022-01-29
  • City lights   Chapter 27

    DischargedMira's POVMatapos ang ilang araw at nakalabas na ako sa kwarto kung saan ako ginamot. Kanina pa talaga ako naka-alis at nagpapahinga na ngayon sa kwarto ko.Hindi ko nga alam kung nasaan ba si Nate. Kanina ko pa s'ya hinihintay para gulatin pero wala s'ya sa kwarto. I suddenly wonder, ano kaya ang ginagawa n'ya habang nagpapagaling ako?Siguro naman ay hindi s'ya mag-isa na gumalaw hindi ba? Kung gagawin n'ya iyon ay alam kong alam n'ya ang magiging reaksyon ko. Hindi ko iyon papalampasin.Minsan kasi ay naiisip ko kung tama ba na mag bigay ako ng tiwala sa iba. Mahirap mag tiwala sa mga tao sa paligid mo lalo na kapag na traydor kana noon.It hurts so much and will give you fear. It's traumatizing and ou can't just help but ended up trusting no one around you.Hindi ko din naman gusto na hindi ako nag-bibigay ng tiwala. Pero paano kung par

    Last Updated : 2022-02-01
  • City lights   Chapter 28

    FireMira's POVDahil sa nakuha naming impormasyon ay mabilis kaming sumakay ni Nate sa kotse.Kinuha ko ang laptop ko at binuksan uto. Mabilis kong hinanap ang mga cameras na pwede kong ma hack.Nakita kong pinapanood ako ni Nate sa ginagawa ko ngunit nagpatuloy s'ya sa pagmamaneho.Mabilis kong tinignan ang lugar kung saan natagpuan ang mga kotse ni Montero.Nahirapan pa ako dahil hindi ko sila mahanap hanggang sa makakita ako ng kakaiba sa camera."May dinaanan silang tunnel" sabi ko kay Nate at pinakita iyon sa mapa.Tumango s'ya at mabilis na pinaandar ang kotse habang tumatawag ako ng back up

    Last Updated : 2022-02-03
  • City lights   Chapter 29

    Dark sideMira's POVNgayon ay napakatahimik ng kwarto. Tanging ang tunog ng aircon at mga devices and naririnig namin. Walang gustong mag-salita.Nilingon ko si Nate na malalim ang iniisip. Hindi n'ya ako liningon kaya pinilit kong kunin ang atensyon n'ya na agad ko namang ginawa. Tinuro ko ang kaniyang bulsa at agad n'ya naman itong nakuha.Tinignan namin si Tom na nakapikit at tila hindi na alam ang gagawin. Hawak nila ang sampu naming agents. Hindi namin pwedeng pabayaan iyon. Kailangan kaming kumilos.Tumayo si Nate at ipinatong ang nakuha naming tape record sa lamesa. Napatingin doon si Tom bago ibinaling saamin ang tingin. Tumayo s'ya at kinuha iyon bago inilagay sa device na nakakabasa ng mga ganon.

    Last Updated : 2022-02-05
  • City lights   Chapter 30

    The OrganizationMira's POV"Slow down" sabi ko sa ear devices.Nakuta ko si Kia na biglang bumagal ang kilos. Papasok na s'ya sa isang kwarto. Tumingin s'ya sa paligid n'ya.Sinigurado ko muna na walang tao sa paligid bago ko s'ya pagalawin. Tinignan ko din si Nate na nagbabantay sa kabilang pasilyo."02386" sabi ko at nakita ko naman s'ya na tumango sa camera na pinapanood ko.Binuksan n'ya ang kwarto at pumasok. Sinabihan ko naman si Nate na pumunta na malapit sa dadaanan ni Kia para mabilis n'yang makuha ang flash drive mula kay Kia."On your left, Agent Nate" bulong ko.Pinanood ko ang isang tauhan na paparating. Naghanda si Nate para doon at nag-tago sa isang malaking halaman.Dumaan ang isang tauhan at agad n'ya itong pinatulog. Kinaladad n'ya ang katawan papunta sa isang sulok at inenjctionan aa leeg ng

    Last Updated : 2022-02-06

Latest chapter

  • City lights   Chapter 47

    CornerMira's POVHinigpitan ko ang tali sa bibig n'ya. Rinig ko ang daing mula sakaniya. Umirap ako sa hangin bago s'ya iniwan sa loob.Hinagisan ako ni Denver ng bottled water na agad kong sinalo. Tinignan ko naman si Nate na mag-isa sa sulok habang naka-tingin sa laptop.Hindi n'ya pa rin ako kinakausap. I tried to say sorry but he just ignored me. Bahala s'ya d'yan.Hindi ba s'ya natutuwa? Dahil sa pag-aaway namin ay may nakuha kaming tao. Hindi lamang basta makakatulong sa misyon namin kun'di makakapagpabago ng larong ito.That jerk think that he can easily fool me. Those sweet words and stuff? I'm not that stupid to not know who he is.

  • City lights   Chapter 46

    NumberMira's POVPagkatapos ng pag-uusap namin ni Nate ay hindi ko na s'ya mulin kinibo pa. Bahala s'ya diyan!Hindi dapat ako ang kumausap sakaniya! I can handle this all even without him. I'm used to it, anyway.Padabog akong humiga sa kama ko. Iniisip ko kung bakit ba kami humantong sa ganitong sitwasyon. He's being too bossy these past few days. He didn't even give me a choice and I fucking hate it.He used to obey my rules. He used to always say yes whenever I want to go to somewhere. He knows that I just want the best way to finish this mission.Was I being too selfish?Kasalanan ko ba na sanay akong namumuno? Kasalanan ko ba kung sanay ako na ako lagi ang nasusunod? Ginagawa ko naman lahat ng kaya ko para sa misyon na ito.Sumobra ba ang pagiging leader ko? O pag act as if ako lang ang nasa misyon?Ngay

  • City lights   Chapter 45

    SweetMira's POVI was so angry that I walked out the room and head towards the elevator. No one was there so I took the chance to burst my anger inside.Nakakainis si Nate! Anong akala n'ya ay wala akong plano? Alam ko naman ang kailangan naming gawin dito, eh!Mali din naman kasi ang gusto n'ya! We need to find Philip but to trigger them this early? Kapag ginawa namin iyon ay mawawalan kami agad ng galaw! Katulad nalang nang nangyari kay Sebastian at Montero!Padabog akong bumaba sa elevator. Nahihiya pa ako dahil sa mga taong nakakita sa pagdadabog ko. Pinilit kong huminahon at nag-tawag ng taxi."Au bar le plus proche, s'il vous plaît" sabi ko. (At the nearest bar, please)"Sur notre chemin" sagot n'ya naman. (On our way)Dahil sa sinabi ko ay ilang minuto pa lang ay binaba n'ya na ako sa tapat ng isang bar. Nag-bayad ako sakaniy

  • City lights   Chapter 44

    ParisMira's POV"We're going to france!?" gulat kong sigaw sa loob ng opisina ni Tom.Tumango s'ya at tinignan si Nate. "He knows what to do" sabi n'ya pa.Tinignan ko naman si Nate bago ngumiwi. Whatever!"So, kailan tayo aalis?" tanong ko bago umupo sa upuan na nasa harap ng table ni Tom."Tomorrow along with Agent Denver and the others" sagot n'ya.Napa-palakpak naman ako dahil sa tuwa. Halata naman ang kabadong mukha ng dalawa. Tumingin ako kay Tom para sana mag-paalam na ngunit inunahan na n'ya ako."Okay, you may go shopping" sabi n'ya.Masaya naman akong tumayo at kumaway pa kay Nate bago mabilis na lumakad papunta sa office ni Kia. Kumatok ako at binuksan ang pinto.Nasa loob s'ya at tila nag-type. Tumingin s'ya sa direksyon ko at nang makita ako ay napangiti agad s'ya. "Shopping?"

  • City lights   Chapter 43

    Never expectMira's POVHindi lang sila Montero! Ayun ang siguradong sagot sa mga katanungan naming lahat. Hindi lamang si Montero, Philip at Sebastian ang sangkot dito."Agent Denver, Check the background of the elite people here in manila. We'll check the other data. Baka may nakatago sa data center na file tungkol sa ilan pang kilalang tao na nalagpasan natin" sabi ko.Agent Denver nodded as a response. He looked at me at Nate before walking out the room. Maybe calling the others.I turned my gaze to Nate who was sitting in the table. Lumapit ako sa tabi n'ya para tignan ang nakuha naming data sa flash drive na nakuha namin kay Sofia.

  • City lights   Chapter 42

    The protectorMira's POVNgayon na kaharap ko na si Sofia ay hindi ako makapaniwala. I used to look up to her but right now, I can't even look at her straight in the eyes!Now, I feel sorry for myself. Ngayon ay alam ko na kung bakit gan'on ang nangyari dati."What does it feel, Agent?" she suddenly said.Tinignan ko lamang s'ya at hindi inabala ang sarili na sumagot. Natawa s'ya ng harahan bago lumapit. Umatras naman ako dahilan para lumaki ang ngiti n'ya.Laugh, bitch. 'Cause you can't even move after this. Enjoy the moment where I can control myself."What does it feel to be the top agent? Na tinitingala pero hindi sigurado na nirerespeto?" sabi n'ya.Hindi pa rin ako sumasagot. "You think it's cool? No, right? Alam ko na alam mo na ang pakiramdam na madaming nakatingin"Binunot n'ya ang baril n'ya dahilan p

  • City lights   Chapter 41

    Unbreakable duoMIRA'S POVI was too happy that I didn't even realize that Nate was staring at me for how many minutes now."What!? Do you have a problem, agent?" I said, giving him a death glare.I saw the others hiding their laughs. Tinarayan ko sila at tinignan ang scene sa office ni Montero.Ngayon na may nawawalang pera sakanila ay alam kong mag-kakagulo. We carry out our plans today.We can't let this opportunity go to waste. Marami kaming ginawa para ma trap dilang dalawa ni Philip."Called the back up once you hear them shoot" I said.Ang balak namin ay pabagsakin si Philip. We need Montero kaya hindi namin s'ya hahayaan na makawala.

  • City lights   Chapter 40

    SeenMira's POVI was too stunned to move. Namamalik-mata lang ba ako? Totoo ba ang nakita kong babae kanina?Hindi ako makagalaw dahil sa pinagsamang gulat at kaunting takot. Bakit s'ya nandito? H-hindi kaya totoo ang mga sinabi nila sa HQ?"What are you doing? They are on the 4th floor" Nate whispered behind me dahilan para magkaroon ako ng lakas na gumalaw at lingunin s'ya.Nang makita ang itsura ko ay nangunot ang kaniyang noo. "Are you okay? What's wrong?" tanong n'ya pa.Hindi ako kaagad nakasagot dahil sa nararamdaman ngunit nang maisip ang pakay namin sa lugar na ito ay doon lamang ako tuluyang natauhan."I'm sorry. I was about- I-am..Sorry"Hindi ako makatingin dahil hindi ko matanggap na nagkakaganito ako ngayon! On our mission!Huminga ako nang malalim. Pinanood n'ya akong gawin iyon. Tinignan

  • City lights   Chapter 39

    Making move Mira's POV Hindi ako maka-ayos ng tayo dahil sa kalasingan kagabi. Naramdaman ko na si Nate ang nag buhat saakin pabalik sa kwarto ko. Masakit ang ulo kong bbumangon kinaumagahan. Binalot ko ang sarili ko sa kumot habang kinukundesyon ang sarili. Ilang minuto ang lumipas bago ko naisipan na buksan na ang mga bintana kahit na ilaw lamang halos ng HQ ang napasok sa kwarto. Pumasok ako sa bathroom na pikit pa ang isang mata. Nag-hilamos ako at inalala ang mga nangyari kagabi. I knew it! Hindi dapat ako nagpakalasing nang ganon! Pinunasan ko ang mukha ko gamit ang white towel bago pumunta sa device na naka-dikit sa pader malapit sa pintuan palabas. Lumabas doon ang mukha nila Nate na nag-aayos. "Are you guys ready?" I asked. I saw how Nate looked at me and my back

DMCA.com Protection Status