Share

Chapter 19

Author: CuteLazyPig
last update Last Updated: 2022-01-22 23:33:09

In black

Mira's POV

"What's happening?" Sigaw ko sa mga agent na nagkakagulo sa loob ng HQ.

Walang pumansin saakin dahilan para lalo akong mainis. Nakita ko ang pasimpleng tawa ni Nate bago mag seryoso at tumingin sa mga taong nag-kakagulo.

Nagulat ako nang hilahin ni Nate ang isang agent at iharap saakin. Tumingin ang agent kay Nate. "Answer her before she gets really mad" may halong banta n'yang sabi.

"A-agent Carper! Ano kasi, eh. An-"

"What!?" Sigaw ko.

Halata ang pagkagulat sakaniya dahilan para yumuko s'ya. Tinignan ko si Nate na seryosong nakatingin saamin.

Pinilit kong huminahon dahil masyado ko na ata s'yang natatakot. I know that they're scared of me but I need an immediate response right now!

"I'm sorry. Just tell me what's happening" mas mahinahon kong sabi.

"May pumasok na isang tao sa headquarters natin, nakuha nila ang files about sa case ni Philip Solomon." Pahina nang pahina n'yang sabi.

Agad s'yang pinaalis ni Nate. "Can anyone get Agent Carper a water? Or a punching bag? Mukhang may masisira sa HQ ngayon!" Sigaw n'ya.

Galit akong nagsimula humakbang paalis. Nakasunod lamang si Nate saakin at hindi ako pinipigilan sa aking gagawin.

"Move!" Sigaw ko dahilan para ang mga agents ay tumabi para hindi ko sila mabunggo.

The files! Really!? Paano iyon nakuha! Paano? Napakarami naming Agents and to know na sa HQ nakuha ang files is isang malaking kabobohan!

Anong ginagawa ng mga agents!? Ang naiisip ko na ngayon ay sinamantala nila na wala kami ni Nate! Huh!

Humanda talaga ang kumuha n'on! Mahuhuli kita at sisiguraduhin ko na hindi mo mabibigay kay Philip ang files kung sakali!

"Tom!!" Sinipa ko ang pinto ng office ni Tom bago padabog na pumasok.

"You made her really mad, Tom. Tsk" si Nate bago umiiling na umupo.

Napasinghap si Tom nang makita ako. Kausap n'ya si Officer George na hindi din maipinta ang mukha. Tumingin ako sa kanila at naghihintay ng agarang sagot sa kung ano ang narinig kong nangyayari

"What the fuck happened? Nawala lang kami ni Agent Velasquez ay may kabobohan ng naganap dito" medyo inis kong sabi.

"Watch your words, Agent. Hindi ito basta-bastang nakuha" si Tom habang nakatingin saakin ng diretso.

Tinungkod ko ang braso ko sa lamesa n'ya nang makaramdam ng hilo. Nakita ko ang isang agent na pumasok at inabot kay Nate ang isang bottled water. Tumayo si Nate sa upuan n'ya at binigay iyon saakin.

Tinanggap ko ito at ininom. Hinayaan nila akong tahimik at maginng mahinahon. Nang okay na ay hinarap ko ulit sila. "What happened? What do you mean na hindi basta-basta?"

"Alam ng pumasok ang codes and daan papunta sa chamber sa basement. Hindi iyon madali mapasok, alam mo iyon. And no one knows about that place maliban nalang sa mga agents na nakakapunta doon."

"Which is agents that has a higher rank than others" dugtong ni George.

Napa-isip naman ako sa sinabi nila. Sino naman kaya ang possible na pumasok doon ng hindi namin alam? Pwede ba na ibang agents iyon? Pero sa dami namin ay matatagalan ang gagawing imbestigasyon kung sakali, that means, maibibigay na n'on ang files sa kung kanino n'ya man iyon balak ibigay.

"Paano s'ya hindi nakita? Wala bang guards sa basement gates?" tanong ni Nate.

Napatingin ako sakaniya at unti-unting umiling.

"We didn't put one. Hindi naman kasi iyon madali mapasok ng kung sino-sino dahil matitibay ang security."

"Hindi na din kailangan dahil ang mga files doon ay hindi basta-basta pwedeng ipagkatiwala sa iba." si Tom

Natigil ang pag-uusap namin nang biglang pumasok si Kia sa loob. May hinatid s'yang files kay Tom bago ako tinignan nang kakaiba at lumabas. Napatingin din ako kay Nate na tila may iniisip at animo natatawa pa.

Tumayo ako at humarap sa dalawang officer. "We need to fix this. Hindi pwede malaman ng heads ang nangyari. Leave this case to us, we'll solve this within this day" sabi ko.

"Okay, agents. I'll give you a power to do what you have to do" sabi ni Tom.

Sinenyasan ko si Nate na sumama na agad n'yang tinanguan. Sabay kaming lumabas ng office ni Tom. 

"I have a thought about this"

"I know. Now, we have to go Kia's room" sabi ko.

Mabilis kaming lumakad papasok sa office/room ni Kia. Ni lock ni Nate ang pinto at sabay kaming pumasok sa loob kung saan naghihintay si Kia.

"Alam kong pupunta kayo. May alam na kayo kung sino, right?" sabi n'ya pa.

"Yeah, alam ko na kung sino pero hindi ko alam kung paano mo nalaman?" napatingin ako kay Nate ng tanungin ko iyon.

He looked at me before plastering a very annoying smirk. "Mas nauna ko pa nalaman saiyo, agent. Unang tapak ko palang dito ay alam ko na kung ano ang mali. Narinig mo ako di'ba?"

Sandali akong natigilan nang bigla n'yang sabihin iyon. Napatingin ako kay Kia na diretso ang tingin saakin.

"Ang alin?" tanong ko kahit may hinuha na sa kung ano ang tinutukoy n'ya.

"You heard me talking with someone over the phone when we're in the province" sabi n'ya pa.

H-how?

Hindi ako naka-imik dahil sa bigla n'yang sinabi. Ngayon lang ako naliwanagan sa kung ano ang tinutukoy n'ya. "You're talking about her!? And not...me?"

Natawa s'ya at inayos ang suot n'yang relo. "Yeah, bakit naman kita sasabihan ng ganon-wait! You think na ikaw ang tinutukoy ko? That's why you're so distant that day, Huh? Don't you trust me?" sunod-sunod n'yang sabi.

Gusto kong umilag sa mga sinabi n'ya pero lahat ng iyon ay tumama saakin. I'm guilty! Shit.

Hindi ako makasagot kaya natawa s'ya lalo. "It's okay. I'm your NEW partner, right? And YOU don't really want to have one" medyo dismayado n'yang sabi.

"Hindi naman sa ganon, Agent Nate. I just misunderstood you" sabi ko.

Wala akong natanggap na sagot mula sakaniya. Sumasakit na ang ulo ko dahil sa tama ng alak. Hindi lang pala kalahati ang nainom ko kanina!

Hindi kami pwede magkaaway ngayon. May kailangan pa kaming tapusin na misyon! Gosh! I really hate apologizing but I think I need to.

"Okay, okay! I'm sorry, Nate." sabi ko pa.

Nakatingin lamang si Kia saamin na tila aliw na aliw s'ya sa pinapanood n'ya. "What?" tanong ko sakaniya.

"I told you. Nothings wrong with him" sabi n'ya pa.

"Okay, I'll accept your apology because Kia already told me about that" ngayon ay nakangisi na s'ya.

Napatayo ako nang hindi ko inaasahan at dumampot ng babasagin na bagay sa table ni Kia. Dali-dali silang dalawa sumugod saakin para pigilan ako sa gagawin ko.

"What the fuck!" sigaw ko habang nag-pupumiglas.

"I'm sorry, Mira! I didn't mean it, I swear!" si Kia.

"Kaya pala ganon ang mga sinasabi mo saakin dahil alam mo na! My gosh, Kia! Sakaniya ka na ata kampi, eh!" sigaw ko pa.

"Stop it, Mira. I'm just kidding, okay? I'm not mad so calm down!"

"I don't fucking care if you're mad or not! Gusto ko lang kayo hampasin nito!" sigaw ko pa.

"Gods, beer really made her like this" si Nate.

Ilang sandali pa ang lumipas bago ko ibinaba ang hawak ko at sinamaan sila ng tingin. Pagod silang tumingin saakin.

Nate's POV

"I have to talk to Agent Pretny. Baka makakuha tayo ng information sakaniya para mahuli s'ya" si Mira.

Seryosong-seryoso s'yang nagsasalita. Halata sakaniya na madami na s'yang iniisip na mga posibilidad ngayon pa lamang. Isa na din iyon sa dahilan kung bakit hinahayaan ko lang s'ya sa ginagawa namin.

I can disagree anytime. Hindi ko lang gusto dahil ang mga desisyon n'ya ay tama naman. I can really see her hardwork and the way she handle things.

"Hindi na tayo pwede mag-tagal pa. Let's go" sabi ko.

Tumayo s'ya at ilag na umuna mag-lakad. Napangiwi naman ako dahil sa pagka-m*****a n'ya.

Lumabas kami ng office ni Kianna at pumunta sa kwarto kung saan nag stay sila Agent pretney at kleos.

Pinapanood ko lang s'yang mag-lakad ng agresibo. Nang nakadating na kami ay walang-katok n'yang sinipa ang pintuan ng room nila. Tinignan ko ang paligid at nakita ang ibang agents doon.

Hinila ni Mira si Pretney sa kwelyo at tumingin saakin. Tinignan n'ya ako at sinenyas saakin si Kleos na gulat din sa nangyayari.

Dahan-dahan akong pumunta kay Agent Kleos at hinawakan s'ya sa braso. Hindi ako nag-salita at sinenyasan nalang s'yang sumunod saamin na agad n'yang ginawa.

Good. Huwag na natin galitin pa si Agent Carper. Tsk.

Pinasok namin sila sa interrogation room at pinaupo sa magka-ibang silya.

"Speak. Anong alam n'yo tungkol sa nawawalang files?" sabi ko.

Nakita ko si Mira na naka-talikod saamin at naka-pikit. Tila pinapahinahon ang sarili.

Sa baba lamang nakatingin si Kleos habang si Pretny naman ay hindi maipinta ang mukha."Speak or mawawalan kayo ng rango?" sabi ko pa.

Inangat nilang dalawa ang tingin saamin bago lumunok. Alam nila ang mangyayari kapag hindi sila sumunod sa gusto namin.

"I let her do that"

"For what fucking reason!?" sabat agad ni Mira.

Napatingin ako kay Pretny na nag-salita. Natahimik s'ya at hindi na makatingin saamin ng diretso.

Lumipat ang atensyon ko kay Kleos. "Bakit hindi mo chineck? That's one of your duties, right?" sabi ko pa.

"I didn't know. All the records seems real to me" sabi n'ya pa.

"Saan mo nakita ang records n'ya?" tanong ko ulit.

Sandali s'yang nag-isip bago nag-salita. "Pretney gave it to me" sabi n'ya at tinignan si Pretny.

"Where is she right now?" tanong ni Mira habang nakakunot ang noo. Nakay Pretney pa rin ang kaniyang atensyon.

"I don't know. Ang alam ko lamang ay kailangan n'ya iyon para gawing kapalit para sa pamilya n'ya" sabi nito.

Nagkatinginan kami ni Mira nang sabihin n'ya iyon. "Saan s'ya nakatira bago mo s'ya ipasok dito?"

"She lives in my apartment in Quezon city" sagot n'ya.

Agad naman kaming kumilos ni Mira nang makuha namin ang sagot na hinihingi namin. Tinipa n'ya ang number ni Officer George at narinig ko s'ya na tawagan iyon.

"Interrogation room 3. Detained those two, we're not done yet" matapang n'yang sabi at binaba ang tawag.

Mabilis kaming sumakay sa kotse at mabilis na pinaandar ito. S'ya ang nagmamaneho dahilan para kumapit ako nang mahigpit sa loob. She's fucking fast!

"I'm sure hindi agad s'ya makikipagkita sa sinasabi n'yang tao. Kailangan n'ya pa makasiguro sa pamilya n'ya" sabi n'ya.

Naalala ko naman ang dahilan kung bakit ko s'ya nakilala. Unang araw ko iyon sa HQ. Umaga palang ay nasa loob na ako at kausap si Tom sa office n'ya. Sinabi n'ya saakin ang tungkol kay Mira at sa ugali n'ya.

Lumabas ako sa office ni Tom para mag-libot at napadpad ako sa kwarto nila Kleos. Nakita ko siya na may inaayos sa bag n'ya na damit. All black and she's talking with someone over the phone. She's begging for something.

Tinignan ko ang mga pangalan nila sa labas ng room at doon ko nalaman ang pangalan n'ya at rank. Nang pumasok ako sa files center para mag check ng kung ano at ilagay ang files na inutos saakin sa kabilang HQ, nakita ko ang mga files ng agents na nag-quit o namatay during missions and there I saw what's wrong.

"Wala na dapat ang rank n'ya dahil namatay ito hindi pa katagalan. Mabilis lang nilang natakpan dahil hindi sinabi ni Pretny ang nangyari sa partner n'ya" sabi ko pa.

"Seriously? Akala ko ay wala kang alam" may halong insulto n'yang sabi.

Hindi na lamang ako umimik nang bumaba na kami sa bahay na sinabi ni Pretny saamin.

"I'll wait here. I know you can do it alone." sabi ko pa.

Tumango s'ya at nilabas ang baril n'ya bago dahan-dahan umakyat sa hagdan ng apartment. Tinignan ko ang paligid at nakita na may kalumaan na ang building. Ang camera na naka install sa labas ay mukha pang hindi nagana.

Tinignan ko lamang ang paligid kung sakaling may pumunta na ibang tao. Ilang minuto pa akong nag-hintay nang magulat ako sa mga basag na piraso ng salamin na galing sa isang bintana.

Agad akong umakyat sa taas hawak ang aking baril. Nang nakaakyat ako sa tamang floor ay dahan-dahan akong lumakad papunta sa kwarto na iyon.

Pinasok ko ito at nakita ang saktong pag-sipa ni Mira sa batok ng babae dahilan para bumulagta ito sa lupa na walang malay.

"Thats...awesome" sabi ko habang tinitignan ang katawan ng babae sa sahig.

Related chapters

  • City lights   Chapter 20

    Her secrets Mira's POV "Can I punch her?" I asked Nate who's sitting in a small chair. "Nope. You can't" he said. Inirapan ko s'ya at ibinalik ang aking tingin sa babaeng nakagapos sa isang upuan. Wala pa rin itong malay. Kanina pa namin s'ya hinihintay na gumising pero hindi pa rin s'ya nagising. Masyado atang malakas ang sipa ko sa batok n'ya kanina. "I'm starving" I said before turning my gaze to Nate. He's using his phone at nang marinig ako ay bigla n'ya akong tinignan. "Want me to order food?" tanong n'ya habang pinapakita ang phone. "Yes, please" sabi ko bago tumayo at lumakad papalapit sa table kung nasaan ang laptop. I need to do something to keep me sane right now! Maybe browsing will do? Naiinip na talaga ako! Argh! Ilang sanda

    Last Updated : 2022-01-23
  • City lights   Chapter 21

    Mr. Montero Mira's POV Nag-lakad ako palabas ng building kung saan namin kinita si Drei. Nasa likod ko si Nate na diretso ang tingin sa harapan. Sumakay ako sa kotse ko at ganon din s'ya. "Let's race, loser will buy food" sabi ko sa ear device. "Sure" sagot n'ya. Mabilis kong pinaharurot ang sasakyan ko sa kalsada. Malayo-layo ang byahe papunta sa HQ kaya magandang laban ito. Malayo ang pagitan namin ni Nate sa isa't-isa. Nasa likudan ko s'ya habang pinipilit kong panatilihin ang bilis ko nang sa ganon ay hindi n'ya ako maabutan. "Easyhan mo lang" bulong n'ya na may halong asar. Nanlaki ang mata ko nang makita ko s'ya saaking gilid. How!? Paano n'ya ang naabutan sa bilis ko? Nandadaya ata ito, ah. A small smirked are visible to my lips. Sinusubukan n'ya ako. "S

    Last Updated : 2022-01-24
  • City lights   Chapter 22

    What's the matter? Mira's POV "Ngayon na alam na natin ang tungkol dito, may magagawa na tayong plano para sa kaniya." Sabi ko. Naghihintay ako ng sagot mula kay Nate ngunit wala akong natanggap mula sakaniya. Nilingon ko s'ya at nakita na nakakunot ang noo n'ya habang nakatingin sa kawalan. "I'm not quite sure, Mira. I think there's something missing and I don't know what it is" makahulugan n'yang sabi. Uhuh? Something missing? Ano naman kaya iyon? Bukod sa nakuha naming impormasyon tungkol sa kasabwat ni Philip ay nakakuha din kami ng impormasyon tungkol sa nangyayaring illegal na pagbebenta ng mga properties. They are selling some properties that they got from killing the owner. It's really unacceptable! They are more worst than I think they are. "Are you up for another mission?" I asked him while I lazily tossing my keys

    Last Updated : 2022-01-25
  • City lights   Chapter 23

    Gate crasher Mira's POV Lumabas ako ng office ni Kia pagkatapos. Pumunta ako sa kwarto namin ni Nate. Binato ko ang phone ko sa higaan sa loob ng kwarto ko bago ako pumunta sa balcony kung saan kita ang baba ng HQ. Kita mula dito ang mga Agents na nag-lalakad at may ginagawa sa baba. Pinasadya ko ito sa kwarto na ito dahil sa gusto ko na nakikita silang gumagalaw. Kapag nakita ako ng ibang Agents na nakadungaw at pinagmamasdan sila ay lalo silang nagiging aligaga. I'm the one who's promoting them. The heads don't have a say about that. As long as I do well, wala silang nasasabi saakin. I know. Isa lamang akong tauhan nila but I make things possible for them. They owe me a lot. "Why are you here? We need to get ready" suddenly, I heard another voice behind me. I didn't bother to look because I already know who it is. &nbs

    Last Updated : 2022-01-26
  • City lights   Chapter 24

    Clown Mira's POV I was standing straight when a guy wearing a clown costume hit me. I glared at him before walking away. Hindi tumitingin sa daanan! Pumunta ako sa bathroom para mag-ayos ng sarili. Iniwan ko si Nate sa hall kung nasaan ang salo-salo. Tinignan ko ang paligid ng bathroom kung may kakaiba. Nag-hilamos ako ng aking mukha. Paglapit ko sa sink ay tila may kakaiba akong naririnig. Binaba ko ang sarili ko para tignan nang maigi ang lababo. I saw red light near the hole. Nangunot ang noo ko at unti-unting tinignan ang ilalim ng sink. I was about to look when suddenly, I heard two women walking towards the door so I quickly locked myself in one of the cubicles. Nagtatawanan sila at tila may pinag-uusapan. "I heard that Mr. Montero will have a private party later. Ang mga kasali ay malalaking tao sa

    Last Updated : 2022-01-27
  • City lights   Chapter 25

    The culpritMira's POVMabilis ang hininga ko. Hawak ko ang aking tiyan habang buhat ako ni Nate. He's cursing under his breath.Hawak n'ya ako sa dalawang kamay ngunit ang baril n'ya ay hindi n'ya pa rin mabitawan. Ilang putok ng baril pa ang narinig namin sa paligid.Dumating kami sa kotse at dahan-dahan akong sinakay doon ni Nate. Nahihilo na ako!Narinig ko pa ang pagpapaputok ni Nate sa kung saan bago s'ya sumakay sa kotse at paandarin ito nang mabilis.Kinuha n'ya ang phone n'ya at agad na inilagay sa tenga. "We need back up as soon as possible! I'm heading back to the HQ. Agent Carper was shot! Prepare the room for her!" Sigaw n'ya.Hindi ko maiwasang matawa sa inasal n'ya. Ngayon ko lang s'ya narinig na sumigaw ng ganiyan.I must say, He really cared for his partner, huh? Should I be glad? Oh, shit! Nahihilo na ako!

    Last Updated : 2022-01-28
  • City lights   Chapter 26

    Warm Mira's POV Mabilis kong tinanggal ang swero na nakakabit sa kamay ko. Dahan-dahan akong tumayo at pumunta sa bathroom. It's been 2 days since the encounter between us and Montero. Hindi ako umaalis dito at lagi pa rin akong nahuhuli ni Nate na tinatanggal ang mga nakakabit saakin. Binuksan ko ang sink at naghilamos. Tinignan ko mukha ko at napangiwi. Ang dami kong galos at pasa na medyo visible pa. Ang sama ng loob ko sa tauhan ni Montero. Kailangan ko pa tuloy bumalik sa derma! Tsk. Nang matapos sa bathroom ay lumabas na ako. Umupo ako sa higaan ko at binuksan ang tv gamit ang remote. Humalukipkip ako dahil sa ka boringan dito.

    Last Updated : 2022-01-29
  • City lights   Chapter 27

    DischargedMira's POVMatapos ang ilang araw at nakalabas na ako sa kwarto kung saan ako ginamot. Kanina pa talaga ako naka-alis at nagpapahinga na ngayon sa kwarto ko.Hindi ko nga alam kung nasaan ba si Nate. Kanina ko pa s'ya hinihintay para gulatin pero wala s'ya sa kwarto. I suddenly wonder, ano kaya ang ginagawa n'ya habang nagpapagaling ako?Siguro naman ay hindi s'ya mag-isa na gumalaw hindi ba? Kung gagawin n'ya iyon ay alam kong alam n'ya ang magiging reaksyon ko. Hindi ko iyon papalampasin.Minsan kasi ay naiisip ko kung tama ba na mag bigay ako ng tiwala sa iba. Mahirap mag tiwala sa mga tao sa paligid mo lalo na kapag na traydor kana noon.It hurts so much and will give you fear. It's traumatizing and ou can't just help but ended up trusting no one around you.Hindi ko din naman gusto na hindi ako nag-bibigay ng tiwala. Pero paano kung par

    Last Updated : 2022-02-01

Latest chapter

  • City lights   Chapter 47

    CornerMira's POVHinigpitan ko ang tali sa bibig n'ya. Rinig ko ang daing mula sakaniya. Umirap ako sa hangin bago s'ya iniwan sa loob.Hinagisan ako ni Denver ng bottled water na agad kong sinalo. Tinignan ko naman si Nate na mag-isa sa sulok habang naka-tingin sa laptop.Hindi n'ya pa rin ako kinakausap. I tried to say sorry but he just ignored me. Bahala s'ya d'yan.Hindi ba s'ya natutuwa? Dahil sa pag-aaway namin ay may nakuha kaming tao. Hindi lamang basta makakatulong sa misyon namin kun'di makakapagpabago ng larong ito.That jerk think that he can easily fool me. Those sweet words and stuff? I'm not that stupid to not know who he is.

  • City lights   Chapter 46

    NumberMira's POVPagkatapos ng pag-uusap namin ni Nate ay hindi ko na s'ya mulin kinibo pa. Bahala s'ya diyan!Hindi dapat ako ang kumausap sakaniya! I can handle this all even without him. I'm used to it, anyway.Padabog akong humiga sa kama ko. Iniisip ko kung bakit ba kami humantong sa ganitong sitwasyon. He's being too bossy these past few days. He didn't even give me a choice and I fucking hate it.He used to obey my rules. He used to always say yes whenever I want to go to somewhere. He knows that I just want the best way to finish this mission.Was I being too selfish?Kasalanan ko ba na sanay akong namumuno? Kasalanan ko ba kung sanay ako na ako lagi ang nasusunod? Ginagawa ko naman lahat ng kaya ko para sa misyon na ito.Sumobra ba ang pagiging leader ko? O pag act as if ako lang ang nasa misyon?Ngay

  • City lights   Chapter 45

    SweetMira's POVI was so angry that I walked out the room and head towards the elevator. No one was there so I took the chance to burst my anger inside.Nakakainis si Nate! Anong akala n'ya ay wala akong plano? Alam ko naman ang kailangan naming gawin dito, eh!Mali din naman kasi ang gusto n'ya! We need to find Philip but to trigger them this early? Kapag ginawa namin iyon ay mawawalan kami agad ng galaw! Katulad nalang nang nangyari kay Sebastian at Montero!Padabog akong bumaba sa elevator. Nahihiya pa ako dahil sa mga taong nakakita sa pagdadabog ko. Pinilit kong huminahon at nag-tawag ng taxi."Au bar le plus proche, s'il vous plaît" sabi ko. (At the nearest bar, please)"Sur notre chemin" sagot n'ya naman. (On our way)Dahil sa sinabi ko ay ilang minuto pa lang ay binaba n'ya na ako sa tapat ng isang bar. Nag-bayad ako sakaniy

  • City lights   Chapter 44

    ParisMira's POV"We're going to france!?" gulat kong sigaw sa loob ng opisina ni Tom.Tumango s'ya at tinignan si Nate. "He knows what to do" sabi n'ya pa.Tinignan ko naman si Nate bago ngumiwi. Whatever!"So, kailan tayo aalis?" tanong ko bago umupo sa upuan na nasa harap ng table ni Tom."Tomorrow along with Agent Denver and the others" sagot n'ya.Napa-palakpak naman ako dahil sa tuwa. Halata naman ang kabadong mukha ng dalawa. Tumingin ako kay Tom para sana mag-paalam na ngunit inunahan na n'ya ako."Okay, you may go shopping" sabi n'ya.Masaya naman akong tumayo at kumaway pa kay Nate bago mabilis na lumakad papunta sa office ni Kia. Kumatok ako at binuksan ang pinto.Nasa loob s'ya at tila nag-type. Tumingin s'ya sa direksyon ko at nang makita ako ay napangiti agad s'ya. "Shopping?"

  • City lights   Chapter 43

    Never expectMira's POVHindi lang sila Montero! Ayun ang siguradong sagot sa mga katanungan naming lahat. Hindi lamang si Montero, Philip at Sebastian ang sangkot dito."Agent Denver, Check the background of the elite people here in manila. We'll check the other data. Baka may nakatago sa data center na file tungkol sa ilan pang kilalang tao na nalagpasan natin" sabi ko.Agent Denver nodded as a response. He looked at me at Nate before walking out the room. Maybe calling the others.I turned my gaze to Nate who was sitting in the table. Lumapit ako sa tabi n'ya para tignan ang nakuha naming data sa flash drive na nakuha namin kay Sofia.

  • City lights   Chapter 42

    The protectorMira's POVNgayon na kaharap ko na si Sofia ay hindi ako makapaniwala. I used to look up to her but right now, I can't even look at her straight in the eyes!Now, I feel sorry for myself. Ngayon ay alam ko na kung bakit gan'on ang nangyari dati."What does it feel, Agent?" she suddenly said.Tinignan ko lamang s'ya at hindi inabala ang sarili na sumagot. Natawa s'ya ng harahan bago lumapit. Umatras naman ako dahilan para lumaki ang ngiti n'ya.Laugh, bitch. 'Cause you can't even move after this. Enjoy the moment where I can control myself."What does it feel to be the top agent? Na tinitingala pero hindi sigurado na nirerespeto?" sabi n'ya.Hindi pa rin ako sumasagot. "You think it's cool? No, right? Alam ko na alam mo na ang pakiramdam na madaming nakatingin"Binunot n'ya ang baril n'ya dahilan p

  • City lights   Chapter 41

    Unbreakable duoMIRA'S POVI was too happy that I didn't even realize that Nate was staring at me for how many minutes now."What!? Do you have a problem, agent?" I said, giving him a death glare.I saw the others hiding their laughs. Tinarayan ko sila at tinignan ang scene sa office ni Montero.Ngayon na may nawawalang pera sakanila ay alam kong mag-kakagulo. We carry out our plans today.We can't let this opportunity go to waste. Marami kaming ginawa para ma trap dilang dalawa ni Philip."Called the back up once you hear them shoot" I said.Ang balak namin ay pabagsakin si Philip. We need Montero kaya hindi namin s'ya hahayaan na makawala.

  • City lights   Chapter 40

    SeenMira's POVI was too stunned to move. Namamalik-mata lang ba ako? Totoo ba ang nakita kong babae kanina?Hindi ako makagalaw dahil sa pinagsamang gulat at kaunting takot. Bakit s'ya nandito? H-hindi kaya totoo ang mga sinabi nila sa HQ?"What are you doing? They are on the 4th floor" Nate whispered behind me dahilan para magkaroon ako ng lakas na gumalaw at lingunin s'ya.Nang makita ang itsura ko ay nangunot ang kaniyang noo. "Are you okay? What's wrong?" tanong n'ya pa.Hindi ako kaagad nakasagot dahil sa nararamdaman ngunit nang maisip ang pakay namin sa lugar na ito ay doon lamang ako tuluyang natauhan."I'm sorry. I was about- I-am..Sorry"Hindi ako makatingin dahil hindi ko matanggap na nagkakaganito ako ngayon! On our mission!Huminga ako nang malalim. Pinanood n'ya akong gawin iyon. Tinignan

  • City lights   Chapter 39

    Making move Mira's POV Hindi ako maka-ayos ng tayo dahil sa kalasingan kagabi. Naramdaman ko na si Nate ang nag buhat saakin pabalik sa kwarto ko. Masakit ang ulo kong bbumangon kinaumagahan. Binalot ko ang sarili ko sa kumot habang kinukundesyon ang sarili. Ilang minuto ang lumipas bago ko naisipan na buksan na ang mga bintana kahit na ilaw lamang halos ng HQ ang napasok sa kwarto. Pumasok ako sa bathroom na pikit pa ang isang mata. Nag-hilamos ako at inalala ang mga nangyari kagabi. I knew it! Hindi dapat ako nagpakalasing nang ganon! Pinunasan ko ang mukha ko gamit ang white towel bago pumunta sa device na naka-dikit sa pader malapit sa pintuan palabas. Lumabas doon ang mukha nila Nate na nag-aayos. "Are you guys ready?" I asked. I saw how Nate looked at me and my back

DMCA.com Protection Status