Kulang na lang ay mabingi na ako dahil sa pagtatalo nila Ethan at Jam. Mabuti na lang at tapos na kaming kumaing tatlo kaya napagpasyahang na naming bumalik na sa kanya-kanya naming mga room.
Kaagad na nangunot ang noo ko nang nasa labas lang ang mga kaklase ko habang nasa loob ng room si sir. Mukha itong galit na galit. Mas lalo pa atang nagliyab ang tingin niya nang makita ako.
"Miss Avery, come with me to my office. I want to talk to you!"
Wala akong kaalam-alam sa mga nangyayari. Ngunit mas pinili ko pa rin na sumunod kay Mr. Cruz. Pagkaalis namin ay sila namang pagpasok ng mga kaklase ko.
Kaagad dumiretso si sir sa kanyang desk at naupo sa swivel chair habang ako ay nakatayo lamang sa harapan niya nang makarating at makapasok na kami sa opisina niya.
"Do you have an idea why I called you here, Miss Avery?"
"I don't have any idea, sir. Can you explain it to me?" mababa
Pinunasan ko ang tumulong luha ko. Ilang minuto lang ang aking hinintay bago ko makitang humahangos na tumatakbo papunta sa gawi ko si Dwight. Huminto lang siya nang nasa tapat ko na siya."Lex, what happened?"Tumayo ako at hindi ko na napigilan pang yakapin si Dwight. Naramdaman ko naman ang pagyakap niya sa akin pabalik."Ssh. Ilabas mo lang ang lahat ng hinanakit mo, Lex. I'm here for you. I'm always here for you," aniya habang ramdam ko ang kamay niyang humahagod sa likuran ko.Nang maramdaman ko ang pagtapik niya sa balikat ko ay doon na ako lalong naiyak. I guess I'm still lucky to have a friend like him that will be always there for me. I can't tell him but I'm really thankful because he is here with me.Nang mahimasmasan na ako ay sabay kaming naupo ni Dwight sa bench. Nang sa tingin ko ay maayos na talaga ang pakiramdam ko ay nagsimula na akong magkuwento. Habang sinasabi ko sa k
Inilibot ko ang aking tingin sa kabuuan ng apartment na siyang inuokupahan naming dalawa ni Jam. Hindi ko akalaing magagawa naming matagalan ang pagtira sa isang maliit na apartment."Galunggong nanaman ang ulam natin?"Napairap ako sa tanong na iyon ni bebs saka na naupo sa kaharap niyang upuan."Pagtiyagaan mo na lang. Hayaan mo kapag nakaluwag tayo lechon na uulamin natin."Nagawa ko pang tumawa para pagaanin ang pagitan naming dalawa pero nakasimangot pa rin siya. Kaya napangiti ako nang makaisip ng ideyang makakapagpasaya sa kanya."Tingnan mo kapag hinati ko ito sa dalawa, hindi na ito galunggong."Nakapangalumbaba naman niya akong tinitigan saka nangunot ang noo niya. "Gaga ka. Galunggong pa rin 'yan.""Hindi kaya. Kapag hinati ko ito sa dalawa magigi na siyang two na. Means tu-na."Napailing-iling lang naman siya sa biro ko. "Gaga
We will gonna have a retreat today. 5 days and 4 nights. Dapat talaga two days lang ang retreat pero nakiusap ang mga ibang section tutal naman daw ay malapit na ang pagbubukas ng second semester. Kumbaga parang short vacation na rin namin ito para makapag-unwind na pinayagan ng president ng universiy namin.This is a good thing to me especially that this remaining days is my last moment to be with Josh."In the second day of our retreat, we will be having an activity and that is by group, class. It will be a secret for the meantime. I already assigned the groups. The group leaders that I choose please come to me," may kahabaang litanya ng dean namin.Hindi na ako nagtaka nang isa si Jam sa napiling leaders. Seryoso naman kasi ang babaeng iyan pagdating sa pag-aaral. Nawawala lang talaga sa katinuan kapag may kalokohan kaming naiisip na dalawa."Group leaders, take roll call and get your group on the bus,"
Nagising ako mula sa mahimbing na pagkakatulog nang maramdaman kong parang may kumukuha sa amin ng litrato. Idadagdag pa ang parang mabigat na bagay sa ulo ko, na ulo pala ni Josh. Kahit kinikilig ako ay ginising ko na siya nang mag-announce ang dean namin na puwede na kaming bumaba.Hindi ko na tuloy nagawa pang i-appreciate ang ganda ng lugar na ito dahil sa kilig na nararamdaman. Si Josh kasi iyon eh. Tapos nakasandal pa ang ulo niya sa ulo ko kanina.Maya-maya pa ay napahawak ako aking noo nang biglang pitikin iyon ni Josh. "Masakit ha. Bakit ba?""Pumikit ka na.""Ha?" naguguluhan kong tanong ngunit bigla na lang namula ang pisngi ko dahil sa naisip. Is he gonna kiss me?Napasinghap ako nang ilapit niya ang mukha niya sa tenga ko, "Ipikit mo na iyang mga mata mo kasi magdadasal na raw tayo. Kung ano-ano kasing pumapasok sa isip mo."Kaagad umakyat ang init ng
Unti-unti kong binuksan ang aking mga mata. Inilibot ko ang tingin at natagpuan ko ang sariling nandito pa rin sa loob ng storage room. Sapo ko ang aking noo nang bumangon ako.Kaagad ay naibaling ko ang tingin ko nang bumukas ang pinto at iniluwa no'n sila Dwight at Lumi. Kitang-kita ko ang pag-aalala na nakarehistro sa mukha ng huli. Ramdam ko ang sinseridad niya sa lahat ng kanyang sinabi kanina. Alam kong hindi siya magsisinungaling sa bagay na sinambit niya."Alam kong naguguluhan ka sa kung sino ang dapat paniwalaan. Kaya pakinggan mo na lang itong plano namin, Lex," panimula ni Dwight at naupo sa tabi ko.Nakita ko pa ang pag-aalinlangan ni Lumi na maupo rin sa sofa kaya tumayo lang ito sa tabi ni Dwight."I-I want to hear it, Dwight. What are your plans?"Nagkatitigan silang dalawa ni Lumi bago siya magsimulang ipaliwanag sa akin ang lahat ng plano niya.Sana lang
Suot ang jacket na ipinahiram sa akin ni Dwight kanina ay naglakad na ako papunta sa dalampasigan. Mukhang mas nauna ako sa usapan namin ni Eunnice. Inabala ko na muna ang aking sarili sa pagmasid ko sa kagandahan ng mga bituin sa kalangitan. Habang dinarama ko naman ang malamig na simoy na hangin dito sa dalampasigan. Pilit kong kinakalma ang aking isipan kasabay ng panunuod ko sa paghampas ng alon habang hihintay ko siya.Maya-maya lang ay naramdaman kong may tumabi sa akin. Nang ibaling ko ang tingin ko sa kanya ay matamis niya akong nginitian."May problema ba?""Wala naman. Gusto lang kitang makausap."Naglaho bigla ang kanyang ngiti at napalitan iyon ng pag-aalala. "Tungkol saan?"Napaiwas ako ng tingin saka pinagmasdan muli ang paghampas ng alon. "Nakausap ko na si Lumi, Eunnice."Kahit hind ko siya tingnan ay ramdam ko na bigla siyang hindi mapakali sa pwesto niya.
Masyadong maraming nangyari sa buhay ko na hindi ko akalaing mararanasan ko. Ngunit dahil sa mga bagay na ito, mas pinipili kong magpakatatag at ipagpatuloy ang aking buhay.Walang espasyo para sa mga negatibong bagay sa buhay ko. Dahil kahit ang masasamang bagay na nangyari ay may malaking gampanin sa parte ng pagkatao ko. Sadyang may mga bagay lamang talaga na mararanasan natin para maging malakas at matatag tayo bilang tao.Dahil sa nangyaring rebelasyon kahapon ay mas naramdaman ko ang pagbabantay at pagprotekta sa akin ng mga kaibigan ko. Lalo na sila Josh at Dwight. Kulang na lang ay bantayan nila ako 24/7 sa labas ng kuwarto namin. But our dean and professor assured me na safe ako. They also assured me na hindi na kailanman makakalapit muli sa akin si Eunnice.I really appreciate how Josh cared for me. How he wanted to protect me. Ngunit dahil sa alam na ni Angelie ang bagay na kinatatakutan kong malaman ng iba ang
Nagising ako na walang tao sa tabi ko. Kaagad kong hinanap si Josh sa nurse na nagbabantay sa loob ng clinic ngunit ang sabi neto ay umalis din si Josh pagkadala niya sa akin dito sa clinic.Napabuntong-hininga na lang naman ako saka na lumabas ng clinic. Balak ko na sanang hawakan ang suot-suot kong kwintas na ibinigay pa sa akin ni mommy ngunit hindi iyon natagpuan ng kamay ko sa aking leeg. Kaagad dumaan ang kaba sa aking dibdib dahil mahalaga ang bagay na iyon para sa akin. Iyon kasi ang regalo sa akin ni mommy nang tumuntong ako ng ika-walo kong kaarawan. Matagal na iyon sa akin dahil pinangangalagaan ko iyon tapos ngayon pa nawala.Kaya kaagad akong nagbalik sa dorm namin. Nagbabakasakaling mahanap ko ito roon. Ngunit bago pa ako tuluyang makapasok sa kuwarto namin ay may narinig na akong nag-uusap sa loob."Saan mo itinapon ang kwintas niya, Ange?"Napahigpit ang pagkakahawak ko sa seradura ng pinto