Unti-unti kong binuksan ang aking mga mata. Inilibot ko ang tingin at natagpuan ko ang sariling nandito pa rin sa loob ng storage room. Sapo ko ang aking noo nang bumangon ako.
Kaagad ay naibaling ko ang tingin ko nang bumukas ang pinto at iniluwa no'n sila Dwight at Lumi. Kitang-kita ko ang pag-aalala na nakarehistro sa mukha ng huli. Ramdam ko ang sinseridad niya sa lahat ng kanyang sinabi kanina. Alam kong hindi siya magsisinungaling sa bagay na sinambit niya.
"Alam kong naguguluhan ka sa kung sino ang dapat paniwalaan. Kaya pakinggan mo na lang itong plano namin, Lex," panimula ni Dwight at naupo sa tabi ko.
Nakita ko pa ang pag-aalinlangan ni Lumi na maupo rin sa sofa kaya tumayo lang ito sa tabi ni Dwight.
"I-I want to hear it, Dwight. What are your plans?"
Nagkatitigan silang dalawa ni Lumi bago siya magsimulang ipaliwanag sa akin ang lahat ng plano niya.
Sana lang
Suot ang jacket na ipinahiram sa akin ni Dwight kanina ay naglakad na ako papunta sa dalampasigan. Mukhang mas nauna ako sa usapan namin ni Eunnice. Inabala ko na muna ang aking sarili sa pagmasid ko sa kagandahan ng mga bituin sa kalangitan. Habang dinarama ko naman ang malamig na simoy na hangin dito sa dalampasigan. Pilit kong kinakalma ang aking isipan kasabay ng panunuod ko sa paghampas ng alon habang hihintay ko siya.Maya-maya lang ay naramdaman kong may tumabi sa akin. Nang ibaling ko ang tingin ko sa kanya ay matamis niya akong nginitian."May problema ba?""Wala naman. Gusto lang kitang makausap."Naglaho bigla ang kanyang ngiti at napalitan iyon ng pag-aalala. "Tungkol saan?"Napaiwas ako ng tingin saka pinagmasdan muli ang paghampas ng alon. "Nakausap ko na si Lumi, Eunnice."Kahit hind ko siya tingnan ay ramdam ko na bigla siyang hindi mapakali sa pwesto niya.
Masyadong maraming nangyari sa buhay ko na hindi ko akalaing mararanasan ko. Ngunit dahil sa mga bagay na ito, mas pinipili kong magpakatatag at ipagpatuloy ang aking buhay.Walang espasyo para sa mga negatibong bagay sa buhay ko. Dahil kahit ang masasamang bagay na nangyari ay may malaking gampanin sa parte ng pagkatao ko. Sadyang may mga bagay lamang talaga na mararanasan natin para maging malakas at matatag tayo bilang tao.Dahil sa nangyaring rebelasyon kahapon ay mas naramdaman ko ang pagbabantay at pagprotekta sa akin ng mga kaibigan ko. Lalo na sila Josh at Dwight. Kulang na lang ay bantayan nila ako 24/7 sa labas ng kuwarto namin. But our dean and professor assured me na safe ako. They also assured me na hindi na kailanman makakalapit muli sa akin si Eunnice.I really appreciate how Josh cared for me. How he wanted to protect me. Ngunit dahil sa alam na ni Angelie ang bagay na kinatatakutan kong malaman ng iba ang
Nagising ako na walang tao sa tabi ko. Kaagad kong hinanap si Josh sa nurse na nagbabantay sa loob ng clinic ngunit ang sabi neto ay umalis din si Josh pagkadala niya sa akin dito sa clinic.Napabuntong-hininga na lang naman ako saka na lumabas ng clinic. Balak ko na sanang hawakan ang suot-suot kong kwintas na ibinigay pa sa akin ni mommy ngunit hindi iyon natagpuan ng kamay ko sa aking leeg. Kaagad dumaan ang kaba sa aking dibdib dahil mahalaga ang bagay na iyon para sa akin. Iyon kasi ang regalo sa akin ni mommy nang tumuntong ako ng ika-walo kong kaarawan. Matagal na iyon sa akin dahil pinangangalagaan ko iyon tapos ngayon pa nawala.Kaya kaagad akong nagbalik sa dorm namin. Nagbabakasakaling mahanap ko ito roon. Ngunit bago pa ako tuluyang makapasok sa kuwarto namin ay may narinig na akong nag-uusap sa loob."Saan mo itinapon ang kwintas niya, Ange?"Napahigpit ang pagkakahawak ko sa seradura ng pinto
Pareho kaming nagulat ni Jam nang paglabas namin ng kuwarto ay nakaabang na sa amin sila Ethan at Josh. Nagkatinginan kami ni bebs saka parehong napailing na lang. Bahagya pa akong natawa nang biglang hilain ni bebs si Ethan paalis."J-josh, g-gusto ko lang magpasalamat tungkol sa kahapon. S-salamat din sa pagsauli netong kwintas ko," aligaga ko pang ipinakita sa kanya ang suot-suot kong kwintas.Hindi ko maintindihan pero ngayon pa ako nakaramdam ng pagkailang matapos ng ilang buwang paghahabol ko sa kanya.Napasinghap naman ako nang bigla niya akong akbayan saka sabay na kaming naglakad papunta sa bonfire na ginawa nila malapit sa dalampasigan. Hindi ako makapaniwala sa ginawa niya. Tila ibang Josh ang nakaakbay sa akin ngayon.Nang makita kaming sabay na naglalakad na dalawa ni Josh habang papalapit sa puwesto nila at nakaakbay pa siya sa akin ay nandyan na naman ang panunukso nila sa aming dalawa na naging dahilan ng pamumula ng aking pisngi.M
Maya-maya lang ay bumitaw na siya sa pagkakayakap. Parang tanga pa akong pinagmasdan lang siyang maupo sa buhanginan. Ngunit maya-maya rin ay inutusan niya akong maupo sa pagitan ng kanyang dalawang binti na siya ko namang ginawa.Naramdaman ko na lang ang paglapat ng dibdib niya sa likod ko at ang pag-ikot ng kanyang dalawang kamay sa beywang ko para yakapin ako."Sinagip mo ulit ako," bigla ay pahayag ko.Kahit hindi ko siya tingnan ay alam kong naguguluhan siya ngayon sa sinabi ko."Sinagip mo ako mula sa pagkakahulog ko sayo. Akala ko one sided na lang talaga itong nararamdaman ko. Akala ko ako lang ang tuluyang nahuhulog na, mabuti na lang at nagawa mo akong saluhin," dugtong ko.Naramdaman ko naman ang pagbaon niya ng kanyang mukha sa aking leeg."Ganito pala ang kiligin," bulong niya saka napamura pa.Napakagalpak naman ako ng tawa dahil sa sinabi n
"Lex."I immediately wipe away my tears, saka ko na tuluyang hinarap si Dwight."D-dwight.""Mukhang kayo na," aniyang mababakas ang pait sa boses.Sinubukan niya ulit ngumiti ngunit hindi iyon umabot hanggang sa kanyang tenga. Hindi iyon ang totoong ngiting ibinibigay niya sa akin noon.Napatango lang ako saka na napayuko. Naramdaman ko na lang na lumapit siya sa akin saka ginulo-gulo ang buhok ko."Masaya ako para sa inyong dalawa. Huwag mong hayaang masira ang kasiyahan mo ng ibang bagay. Kung iniisip mo si Tamara, sumuko na siya kay Josh. Nagpaubaya na sayo ang pinsan ko."Nanlaki ang mga mata ko at kaagad na napatingin sa kanya. Hindi dahil sa sinabi niyang sumuko na si Tamara."P-pinsan mo si Tamara?"Tipid lang naman siyang ngumiti saka tumango. Lalo lang akong nagu-guilty dahil hindi ko pa rin talaga lubos na kilal
Nagising ako dahil sa pagtapik ng kung sino sa pisngi ko."Nandito na tayo," ani Josh kaya kinusot-kusot ko ang aking mga mata.Tiningala ko siya mula sa pagkakasandal ng aking ulo sa kanyang balikat. Sinalubong naman niya ang mga mata ko. Sa tingin niyang iyon ay pakiramdam ko talagang may mangyayaring kakaiba.Umayos na ako ng upo saka inilibot ang aking paningin sa loob ng bus. Doon ko lang napagtantanto na kami na lang ang natitirang nasa loob. Pagkasilip ko sa bintana ay bumungad sa akin ang arko ng university.Magkahawak-kamay kaming lumabas ng bus. Ngunit binitawan niya rin iyon nang may matanaw akong isang pamilyar na lalaki habang kumakaway siya sa akin."S-sean?" nauutal ko na lang naibigkas ang pangalan ng taong matagal ko na ring hindi nakikita.Malapad ang ngiti ni Sean habang papalapit sa gawi ko ngunit nang mabaling ang tingin niya sa katabi ko ay bigla siyang naging seryoso."Bumalik ka na sa kanya."Sa sinabing
Nagising ako sa aking mahimbing na pagkakatulog nang may kumatok sa pintuan ng kuwarto ko. Hindi ko nga alam kung mahimbing na nga ba iyon. Baka nga ilang oras lang akong nakatulog dahil ramdam ko ang bigat ng aking ulo.Ilang araw na nga ba akong ganito?"Young lady, pinapasabi po ng inyong Lolo na kung ayaw niyo raw pong lumabas ng inyong silid ay mas mainam na kumain kayo kahit kaunti lang."Kahit mabigat ang aking pakiramdam ay mas pinili kong maupo saka sumandal sa headboard ng kama."Then tell him that I don't want to. Pakisabi na rin sa kanya na mas mainam na rin kamong mamatay ako kaysa sundin kung anong gusto niya," naghihinagpis kong sagot."B-but ma'am–""Just go! Huwag mo akong pilitin kung ayaw mong ikaw mismo ang mapagbuntungan ko ng galit."Nayakap ko na lang aking tuhod nang marinig ang yabag niyang papaalis na. Napabuntong-h