"P-atawad po Don Alfonso hindi na po mauulit at babawi na po ako pangako yan magiging pinaka karapat dapat po akong asawa ni Nicolas.Gagawin ko po ang lahat Patawad po ulit sa pagkakstaon at pangunawa.Maraming salamat po Don Alfonso" Sabi ni Kaye na yukong yuko at maga na ang mata at nguso kaka hagolhol ng iyak. Hindi na niya alam ang tamang sasabihin sa sobrang tuwa."Wala ka namang kasalanan iha nagsabi ka lang ng totoong bigat ng kalooban mo.Hayaan mong tulungan ka naming maghilom.Mas mabilis ang paghilom kung magkatuwang sana kayong parehas na sugatan""Pagibig ang pinakamabisang gamot iha dahil pagibig din ang pinakamalalang sakit""Ayusin mo na ang sarili mo at gutom na ako.Doon tayo mag almusal sa Villa ng ama mo sigurado sarat na ang ilong noon sa gutom. Huwag kang magalala pinainit ko na at ipinahatid ko na doon ang hipon na niluto mo at doon ko na kakainin" Sabi ng Don."Salamat po.. salamat po Don Alfonso""Isa pang Don Alfonso ang marinig ko sa bibig mo, ipakukulong ko ang
Sising sisi talaga siya sa pagpadalos dalos na ugali niya.Noon pa napakarami na niyang sinasayang na panahon."Kung hindi siya lumayo noon. Kung imbes na tumayo sa kama ay sumiksik na lang siya kay Nicolas at ipinaubaya sa tadhana ang bukas mas maayos siguro. Mas masaya siguro. Pero hindi siya mawawalanng pagasa. Kung galit nga sa kanya ang asawa ay pagdudusahan niya iyon.Maghihntay siya sa Mansion at gagampanan ang obligasyun habang hinihintay na uuwi si Nicolas. Paglabas ni Kaye silid ay napalingon siya sa kanyang kaliwa.Tila kase may kausap si Don Alfonso.Kinabahan si Kaye at umakyat sa ulo ang tuwa. Para siyang biglang lumutang sa alapaap. Humakbang palapit ng silid ng beyanan si Kaye.Papalapit na siya sa pintuan ng marinig niya ang malakas ng tawa ni Don Alfonso sa pagitan ng pagkukuwento at ang malakas din na tawa ng lalaking kausap nito at hindi siya makapaniwala... "Nicolas....!?"Lumuha na lamang si Kaye ng marinig ang boses ng lalaki sa loob.Hindi niya malaman kung kakat
Pagod man sa buong maghapon si Kaye dahil sa gawain at mga bagay na ginagawa na hindi naman na niya gawain pero mas pinipilit niyang gawin para malibang. Hanggat maaai ay ayaw niyang umuwi ng mansion dahil ayaw niyang nakikita si Nigel na tisoy version ni Nicolas. Palangiti si Nigel palibhasa may easy go lucky na awra pero kapag seryoso ito ay parang kakambal ni Nicolas at kapag nakikita ito ni Kaye lalo lamang bumibigat ang paki ramdam niya.Matuling lumipas ang dalawang buwan at hindi iyon namalayan ni Kaye dahil sa pagiging abala. Nitong huling linggo kase ay nadadals siyang mahapo at mahilo dahil na rin sa puyat, at pagkawalang ganang kumain. Madalas kakaiwas niyang umuwi ay hind na siyang nakakapag hapunan at nitong mga huling araw ay sunod sunod siyang nagigising ng alanganin dahil sa napapanaginipan niya si Nicolas. Miss na miss na inya ito kaya siguro ganun.Lingid kay Kaye, masid pala siya ni Don Alfonso mula pa noon at nagpapalitan pala ng kuro kuro ang magbalae. “Mukhang
"Papa..!papa!! Sigaw ni Nicolas mula pa lamang sa Veranda. "Papa!Papa!.."patuloy na sigaw ni Nicolas ng makapasok na sa kabahayan.Nadatnan ni Nicolas ang ama na hirap na huminga at kalong ito ni Nigel, samantalang hindi naman magkamayaw ang ama ni Kaye kakapaypay dito.Namumutla na ang ama at tika hindi na makahinga. Umiyak na si Nigel habang kinukumbinsi ang ama na magpadala na sa hospital pero panay ang iling ng kanyang ama. "Papa!!" Malakas na sigaw ni Nicolas damadagondong ito kaya napalingo ang lahat ng naroon. "Anong nangyari?!?" Tanong agad ni Nicolas na agad lumapit sa ama at kay Nigel. "Kanina kuya nahihilo siya at parang nanghihina.Tapos bigla na lang tumirik ang mata kaya tinawagan na kita kahit kabilin bilinan mong wag kang kokontakin.Tapos saglit lang naman ang pagtirik at ganyang na hapos namumutla na at hindi makahigna" Sabi ni Nigel. "Eh bakit hindi mo agad itinakbo sa hospital ha Nigel kahit ayaw niya. matigas ang ulo niyang noon pa dapat binuhat mo na" Sabi ni
"Nurse nurse..anong room ni Mrs Kaye Buencamino?" Sabi ni Nicolas na agad pumasok ng hospital."Kelan po ba naadmit sir?" Sabi ng nurse."Ah ngayon lang, oo tama ngayon lang nahilo daw ang asawa ko""Ah sir baka po nasa emergency pa po. Nasa out- patient po kayo" sabi ng nurse."Thank you Ah..Okay sige"Napapahiyang paalam ni Nicolas Nagpapanic na kase siya kaya hindi na niya alam kong saan siya nakapasok. Agad nagpunta ng emergency room si Nicolas."Doc..Doc..! yung babaeng hinimatay nasan po?""Sino po sila?kaano ano kayo ng pasyente?" sabi ng doctor na inabutan niyang nasa bungad."I'm her husband. Anong nangyari sa misis ko!?""Ah kayo pala ang asawa ni Mrs Buencamino. She is fine now. Naroon siya Sir, sa dulong bed" turo ng doctor.Hindi na nagawang magpasalamat ni Nicolas agad ng tinalikuran ang doctor at halos inisang hakbang ang dulo ng emergency room. Nadurog ang puso ni Nicolas ng makitang naroon nga ang asawang kinasasabikan. Pero laking pasasalamat niya dahil ayos naman na
"Pero papa please naman wag nyo na itong uulitin ni Tito Fidel. Naku naman mauuna ako sa inyo mamatay eh" Sabi ni Nigel. "Kaya nga ayaw ko magpadala sayo sa doctor diba kase mabubuking ako? Nang makita kung dumating na si Nicolas titigil na sana ako at magkukunwaring okay na kaso diyos ko supot ka lang pala sa pagka OA nung isang yun. Kaya ng binuhat ako ng kuya mo sabi ko na lang bahala na" "Kaso hindi ko akalaing may totoo pala tayo emegency. Kung alam ko lang, dapat sana hindi na ako nagpagod umarte.Sana magign okay na si Kaye" Sabi ng kanyang ama. "Hay, yari tayo kay Kuya nito. Malamang mainit ang ulo niya at nagkasakit si Ate Kaye. Naku talaga Papa pagnagsasama kayo ni Tito Fidel hay, malalang tunay" Sabi ni Nigel. Sabay namang tawa ang mag balae at nag apir pa. "Oh siya ikaw na lamang ang maghintay sa kuya mo. Kami ni Balae ay uuwi na at masakit sa tuhod ang lamig dito at napagod ako kanina kaka acting para akong si Christopher De Leon diba?ano sa palagay mo balae" "Ano ban
"Kiss....kiss...kisss...!!" Sigaw ng mga bisita. Habang kinakalantog ng kutsara ang baso haeak ng nga ito. Para silang nasa totoong reception.Kasabay ng paghawak ni Nicolas ng mukha niya at paghalik sa kanya ng ubod ng tamis isinumpa ni Kaye na pakamamahalin ng buong buhay niya si Nicolas. At si Nicolas naman ay nangakong hinding hindi susukuan ang asawa at mamahalin habang buhay. Tumagal ang halik na halos kapusin na si Kaye ng hininga .Togtog ng isang makalumang kanya ang umalingawngaw na nagpabitaw sa labi nila."Oh kailangan ng magasawa magsayaw bilang unang hanap buhay.Pero bago yan may speech muna ang magasawa" Sabi iyon ng matandang Buencamino na malapad ang ngiti ng oras na yun."Tay huwag na ho nakakahiya, hindi naman na ito totoong kasalan kayo talaga...." nahihiyang saway ni Kaye na pinigilan ang ama na dalhin pa sila sa gitna.Malakas na palakpak ang umalingawngaw sa buong sala na iyon. Napalingon ang lahat sa bisitang pumasok at ngayon ay nasa tarangkahan ng pintuan."W
"Ang kapal ng mukha" bulong ni Kaye.Naningkit naman sa galit ang mga mata ng Lolo ni Nicolas. "Kaye, I'm so sorry about this, promise aayusin ko to" Biglang hinarap ni Nicolas si Kaye na lam niyang nagulat ng mga sandaling iyon. "Love, Please huwag ka sanang magisip ng kung ano. Sinabi ko na sayo lahat, wala na akong tinatago. Hindi ko alam kung ano ang issue na iyo ni Sheryl pero you know her very well, Alam mo namang may mga kalokohan siya ginawa before" Paliwanag pa ni Nicolas. "Ayusin mo yung babae yon Nicolas. Clear everything to her. Ayoko ng ganito na bigla na lamang may susulpot.Baka mamaya kung ano na naman lang ang pagsasabihin nya tungkol sayo na makakaapekto na naman sa atin. Ayoko ng maulit yung nakaraan. Ayoko ng bumalik at maranasan ulit yung hirap na yun" sabi ni Kaye. "Yes, Love I promise. I'm sorry about this again, pero pakiusap trust me this time please..please.." sabi naman ni Nicolas. Gusto ko nang umakyat sumama ang pakiramdam ko" sabi ni kaye na totoong na
"Ate halika na ihahahtid na kita sa mansion" alok ulit ni Nigel."Ayoko Nigel, saka na lang. Ayoko kung bumalik doon na naroon pa si Sheryl, hindi ko kaya" mangiyal- ngiyak ulit na sabi ni Kaye."Ate Kaye, need to go home walang kasalana nsi Kuya Nicolas, narinig mo mo ba na sinabi ni Sheryl na si Kuya ang ama?" tanogn niya sa hipag."Ano ang ibig mong sabihin, narinig ko silang anguusap ng Papa at........." natigilan si Kaye sa pagsasalita dahil narinig nga niya ang tungkol sa buntis si Sheryl pero hindi naman niya nga pala narinig na tinukoy nito si Nicolas dahil umalis na siya. "Hindi ko man narinig ang pangalan ng kuya mo dahil umalis na ako, ay alam kong si Nicolas ang pakay ni Sheryl at si no pa bang iba" sabi niya."Ate, alam natin lahat yan pero, ate ang sabi sa akin ng Papa, sinabi daw ni Sheryl na ako ang ama ng dinadala niya at kailangan daw kaming makasal bago pa mahalata ang tiyan ng babaeng iyon" amin ni Nigel."Ano Ikaw ang ama ng dinadala niya, as inb ikaw ang nakabu
"Nigel, ano ba 'tong mga pinagsasabi mo? Ano ba kasi ang..." Hindi naituloy ni Bernice ang sasabihin. Bigla siyang hinalikan ni Nigel—madiin, parang puno ng pagmamahal, pero may halong takot at pangamba rin. Hindi man naiintindihan ni Bernice kung ano ang problema at kung bakit nagkakaganito ang binata, sinagot niya ang halik ni Nigel. Ipinaramdam niya kay Nigel na nakahanda siyang makinig at umunawa. Pagkatapos ng halik, mahigpit siyang niyakap ni Nigel. Hanggang sa marinig nila ang isang kalabog mula sa bakanteng silid. "Ano 'yun? May tao ba sa guest room?" tanong ni Nigel. "Kung hindi ako nagkakamali, wala pa naman si Mang Fidel... Pero oo nga, may narinig akong kalabog." Naging curious silang dalawa kaya sabay silang umakyat para tingnan kung sino ang nasa silid. Kinatok nila ang pinto, pero hindi pala ito naka-lock. "Teka... hindi kaya si Ate Kaye yun? Mula kahapon pa siya nawawala!" bulalas ni Bernice. "Bernice, kunin mo 'yung susi!" utos ni Nigel, nag-aalala na. Binu
Kinagabihan, nagkaroon ng masinsinang pag-uusap si Don Alfonso at ang bunsong anak niyang si Nigel. "Ano po, Papa? Pakiulit nga po sinabi niyo?" tanong ni Nigel. "Ang sabi ko, nag-usap na kami ni Sheryl at nalaman ko na ang dahilan kung bakit siya naririto. Hindi mo pa pwedeng takasan ang responsibilidad mo na dyan. Totoo namang hindi tayo naging patas kay Sheryl," sabi ni Don Alfonso. "Anong ibig sabihin niyan, Papa?" nagtatakang tanong ni Nigel. "Buntis si Sheryl kaya may pananagutan ka sa kanya. Sabihin mo sa akin kung hindi kayo nagkaroon man lang ng kahit na anong kontak ni Sheryl. Tatlong buwan ang lumipas bago ngayon. Sabihin mo lang sa akin ang totoo kung pinakialaman mo ba ang babaeng iyon sa loob ng mga panahon na 'yun," sabi ni Don Alfonso. "At hindi... sa palagay ko... oo, may nangyari sa amin. Pero medyo lasing ako noong mga panahon na 'yun, pero alam kong may nangyari sa amin," halos hindi makapagsalitang sagot ni Nigel. "Nakipag-usap na ako kay Sheryl, at kailangan
Nagulat si Mang Fidel nang salubungin siya ng isang tauhan nang magpunta siya sa kiskisan. "Mang Fidel," sabi ng tauhan, "nasa likod po sa kubo si Don Alfonso at hinihintay kayo. Meron daw ho kayong pag-uusapan mahalaga." Tumango lamang si Mang Fidel. Pagkatapos ay nagbilang siya ng ilang mga sako ng bigas sa naroon. Maya-maya ay naglakad na siya patungo sa likurang bahagi ng kiskisan kung saan naroon ang paborito nilang kubo. Nagtataka si Mang Fidel kung ano ang pupwedeng sadya ni Don Alfonso. Sa pagkakaalam niya, wala naman silang usapan ngayon at wala rin namang bagay na nakalimutan o hindi natupad sa usapan nila ni Don Alfonso. Pero alam ni Mang Fidel na kung ano man ang pag-uusapan nila ni Don Alfonso ay mahalaga ito at sikreto. Dahil doon sa tambayan nilang kubol noong sila ay mga binata pa, ay doon ito ninais na siya ay makausap. Dahil kung ang bagay na sasabihin nito ay tungkol lamang sa negosyo o ilang mga bagay-bagay, sa tahanan ng mga ito ay pupwede itong sabihin ni
Agad lumabas sa Nicolas at hinanap sa kapaligiran ang asyenda ang asawa pero nakaipang ikot na siya ay hinsi niya makita Kaye makita. Sinubukan niyang tumawid sa bahay ng ama ni Kaye, nagbakasakali siyang baka napunta roon ng asawa.Ang takot sa nakaraan ay parang nanumbalik kay Nicolas. Ang pagaalala na baka nhisi na naman makinig si Kaye o baoa iba na naman ang iniisip nito ay lalong nagpabigat ng pakiramdam ni Nicolas. Wala pa naman ang kanyang ama para tanungin niya tungkol sa naging usapan ng mga ito. Ayaw naman niyang makita ang pagmumukha ni Sheryl.Sunod,sunod na katok ang ginawa niNicolas at tonatawag si Kaye. Nataranta naman sina Nigel at Bernice na kasalukuyang magkayakap."Si Kuya Nicolas, bakit nandito si Kuya? teka...teka! huwag mo munang buksan" sabi ng binata at agad na nagtago si Nigel sa likod ng kusina. Napailing na lang si Bernice at sumilay ang lungkot sa mga mata. Inayos ang sarili at pinunas ang luha.Saka laylay ang balikat na tinungo ang pinto."Magandang araw p
"Oh nasan yung sagot mo?natahimik ka na?" nangingiti nf sabi ni Nigel. "Ha?alin yun?" "Yung sagot mo.Yung sagot sa i love you too asan na?" "Aaaah" Natatawa ang reaksyon ni Bernice. "Oo na, I love you too naman talaga eh. Alam mo naman na yun. Buking naman na ako matagal na di ba? Magre react ba ako ng ganito kung hindi kita gusto?" sabi ng dalaga. "Masasaktan ba ako ng ganito kung hindi kita mahal? Buong akala ko kasi talaga. magkabalikan kayo eh. "Hindi na mangyayari yun. Hinding hindi na mangyayari ko hahayaan yun.Dahil natagpuan ko na ang forever ko"sabi ni Nigel. "Talaga?" "Hoy Bernice, huwag mo akong hinahamon, may bakanting silid dyan baka gisto mogn hindi makapagtapos mapatunayan ko lang na mahal kita" "Hoy Nigel tumigil ka nga!" sabi niBernice saby tapik sa dibdib ng binata. "Kita mo natakot ka.Huwag ka na kasing magalala. Mahal kita period"sabi ni Nigel na itinuloy ulit ang paghalik sa dalaga.Nawala naman ang hiya at pagaaljnlangan Bernice at tinanggap ng may pana
"Teka...!Teka nga, anong wala kang karapatan. So, ano yung usapan nating kagabi wala lang sayo yun? Yung pagtatapat ko sayo palagay mo ba lokohan lang yun? So when you kiss me back wala lang pala sayo yun? So wala pa din ba akong karapatan sayo ngayon? Hido kita pwedeng yakapin kahit miss na miss na kita ngayon. Bernice naman!!" nanlulumong sabi ni Nigel. "Eh kasi, kitang kita ko siya eh. Kitang kita ko kayong dalawa. Anong gusto mong gawin ko matuwa? Anong gusto mong isipin ko.Eh yun ynug babseng iniiyakan mo diba?" Sabi ni Bernice na medyo nagbaba na ng kanyang tono. "Bernice naman, alam mo naman kung gaano ko halos isuka yung babaeng yun hindi ba?Alam mo naman kung paano niya ako sinaktan, ginawang gago at pinaikot ikot. Hindi ka ba talaga naniniwala na naka get over na ako sa kanya. Iniisip ko ba talaga n lahat ng sinabi ko sayo ay panloloko?" naghihinanakit na sabi ni Nigel. "Bernice naman, Alam mo kung papano ko minahal yung babaeng yun.Sobra akong magmahal. Kaya hindi ko kay
Dahil sa mga naging suliranin ay nangbihis ang matandnang Don Alfonso At bumaba. Senenyasan nito ang kanyang driver at nagpahatid sa tistisan. Pagdating doon ay umaandar ang makinarya at may dalawang trabahador na nangangasiwa."Magandang Araw Don Alfonso" Bati ng mga ito kay Don Alfonso."Nasaan ang matanda ninyong amo?Paki sabi labasin ako at ayoko ng naghihintay hidi ko siya ililibre" napangiti ang mga tauhan sanay na ang mga ito na grabe magkulitan at magasaran ang dalawang magbalae. Masaya nga naman na ang. naging balae mo ay ang matalik mong kaibigan noon."Kaaalis lamang ho ni Sir.Fidel, Don Alfonso. Pupunta daw po ito sa palaisdaan at magsasaboy ng pataba" sagot ni Lito."Eh bakit siya pa ang gagawa noon. Damuhong iyon eh mahinan na ang tuhod eh lusong pa ng lusong sa lamig""Eh Hindi ho kase nakapasok si Tinding dahil nangla dengue ang apo at sinamaha. ang naak sa bayan paraamgpadoktor.Bale nga ho iyon kay Mang Fidel at ang wari ay mako confine ang apo.""Ah ganun ba, naku ab
"Papa ang alam ko po ay wala pang pananagutan si Nigel, Binata pa siya"sabi ni Sheryl. Napakunot ang noo nang matandang Don Alfonso, nagtataka kung bakit napasok si Nigel sa usapan."Oo nga binata pa ang bunso kong anak. Pero anong kinalaman ni Nigel sa usapin mo na naman kay Nicolas.? Pwede ba, tama na Sheryl, tama na, huwag mo ng saktan si Nigel. Hindi na niya kailangang malaman ang bagay na ito."Hindi ho maaari Don Alfonso dahil si Nigel ang dapat managot. Siya ang dapat magpakasal sa akin kapalit ni Nicolas.""Ang Ibig mong sabihin ay si Nigel ang nais mong pakasalan kahit anak yan ni Nicolas?Aba Sheryl, maaaring minsang minahal ka ng anak kong bunso at minsan mo siyang nabulag pero ang umabot sa ganito na papanagutin mo ang isa dahil lamang alam mong hindi ka niya matitiis ay hindi ko pahihintulutan Sheryl. Huwag mong gawing miserable ang buhay ni Nigel na walang nagawan kasalanan sayo kundi ang minahal ka lang ng batang puso niya" dismayadong sabi ni Don Alfonso."Hindi ho ito