"Palagay ko naman dahil masigasig ka at matalino ay makakapasa ka at maturupad mo ang mga pangarap mo. Isang taon na lang pala at posible mo na akong iwan" sabi ng binata at tumitig naman si Bernice sa amo. Pakiramdam niya kasi ay parang nalungkot ang boses nito nang sabihin nito ang salitang iiwan. Katatapos lang magtimpla si Bernice ng kape at inilapag iyon sa harap ng amo. Pero nagulat si Bernice nang biglang hawakan ni Nigel ang kamay niya. "Pwede ka bang maupo muna?Makipagkwentuhan sa akin.Pwede bang huwag mo muna akong iwan" Pakiusap nito.Alam ni Bermice na hindi niya layang tanggihan ang bunsong amo.Noon pa hindi na niya ito kayang tanggihan. "Pwede naman senyorito kung kaya nyo pa ang sarili nyo" sagot ni Bernice. "Nigel Bernice, Nigel diba? saka oo naman kaya ko pa. Gusto ko lang ngay kausap , gusto ko langay mapaglabasan ng bogat ng dibdib. Sumimangot si Bernice sa narinig mula sa bunsong amo. Hindi na naman niya gusto ang magiging takbo ng usapan nila. "Mukhang alam
Napansin ni Nigel ang tila biglang.Pag lungkot ng awra ni Bernice.Sinundan niya ito ng tingin ng maglakad ito patungo sa likuran ng bahay. Napapangiti si Nigel dahil walang kaalam alam ang dalaga na ang tinutukoy niyang babaeng palagay niya ay nagugustuhan. a niya ay walang iba kundi ang dalaga. Malaki ang naging parte ni Bernice para maka move pn bukod pa sa ang dalaga rin ang naging sandalan niya sa ahat ng sandaling halos gusto na niyang sumuko. Inain niya na kung hodi dahil kay Bernice ay hindi siya maglalakas ng loob na subukang makawala sa kahibangan niya ng mga panahong iyon. Napangiti ang binata nang maalala yung mga panahon ng mga katangahan niya. Malalakas na katok.Ang nagpagising.Kay bilis.Pupungas pungas ang dalaga na bumaba ng hagdan.At tinungo ang pinto sa kusina. Pagbukas ng dalaga ay laking gulat niya ng makita ang kanyang bunsong amo.Lasing ang binata. Saktong pagbukas ni Bernice ng pinto ay siya namang pag amba nito na tila kakatulok ulit At dahil nga sa bi
Pagkatapos sabihin iyon Ay umakyat ang babae matapos siyang kumutan. Doon nakaramdam ng matinding lungkot si Nigel. Pakiramdam niya parang nang umalis si Bernice sa tabi niya. Parang nawalan siya ng buto, parang nawalan siya ng lakas ng loob ng gabay at ilaw sa daan. Babangon na sana si Nigel nang gabing yun nang madaling araw para sana sundan ang dalaga at pigilan itong umalis pero nakita niyang nagpunta lamang pala ito sa lamesa at kinuha ang notebook nito. Pagkatapos ay muli itong tumabi sa kanya At doon nagulat si Nigel sa sinabi ni Berrnice. Magrereview ako senyorito, Hindi ko kasi kayang matulog na ganyan kayo. Alam niyo bang sa ilang ulit na pagpunta niyo rito, Akala nyo tulog ako sa taas. Hindi po!"sabi nito. "Inaantabayanan ko kayo, baka sumuka kayo eh. Binabantayan ko kayo kase baka managinigp na naman layo at umiyak. kaso Senyorito kailangan ko mag review ngayong gabi dahil may exam ako bukas" sabi ni Bernice. "Hindi man kayo natutuwa o matutuwa man kayo pero gusto ko
Paglipas ng halos dalawang linggo ay muling kumatok si Nigel ng madaling araw sa villa ni mang Fidel. Yun nga lamang ay hindi nakainom si Nigel pero dahil ayaw niya na kausapin siya ni Bernice ng casual lang, nagpanggap si Nigel na nakainom. Gusto niya kasi na marinig ng matino sa kanyang isipan ang mga sasabihin ng dalaga.Gusto niyang maramdaman ng may matinong katawan ang pagaalaga ni Bernice .At pinangako niya na tatandaan ng kanyang isipan nang mas may malinaw na pag iisip ang bawat hagod ng kamay ng dalaga. Naging laman kase ng bawat pagpikit ng mga mga ni Nigel ang mga sandaling sinusuklay ni Bernice ang kanyang buhok. gamit ang mga daliri nito. Gusto niyang malinaw na matandaan sa kanyang pag iisip at itanim sa kanyang puso ang mga papuri nito. Kaya muling kumatok si Nigel ng madaling araw na yan. "Oh, Senyorito Nigel, Kayo po pala" Sabi sa kanya ni Bernice. Pero ipinagtataka ni Nigel dahil matamlay ang dalaga. Nagkunwari ang binata na halos hindi na makadilat at lasi
Nanlaki pa ang mata ni Bernice ng mapagtantong hinahalikan siya ni Nigel. Si Nigel naman ngga sandaling yon ay parang nasa ulap at parang maraming mga fireworks sa paligid niya Ng nasindihan. Nanigas man si Bernice nang halikan niya ay hindi naman siya itinulak ng dalaga. Kaya't dahan dahang umangat ang kamay ni Nigel at hinawakan na nang tuluyan ang mukha ng dalaga.Ang damping halik na sinimulan ng binata ay lumalim hanggang sa maramdaman ni Nigel na hinahayaan siya ni Bernice sa ginagawa. Hindi man tumugon ang dalaga sa halik niya.Naramdaman naman ni Nigel na kumapit sa bewang nya ang mga kamay na iyon ni Bernice. Dahil sa nararamdamang emosyon at magaan na pakiramdam ang mga kamay ni Nigel ay tuluyan nang sumakop sa bato ni Bernice hanggang sa ang isang kamay ay bumaba na at humapit na sa bewang ng dalaga. Unti unting lumalim nang lumalim ang halik hanggang sa naramdaman na lamang ni Nigel na gumalaw na ang labi ni Bernice. Malalim na ang halik na namamagitan sa kanilang dalaw
"Bernice, Galit ka ba? Please naman oh. Huwag ka naman magalit. Ayokong magalit ka"Sabi ni Nigel. "Bakit ho naman ako magagalit?May dapat ba akong ikagalit Senyorito? May kagalit galit ka bang nagawa ha?" medyo naiirita ng sagot ni Bernice."Bernie, yung tungkol sa halik...yung ano kase..yung tungkol doon...Kung bakit kita hinalikan?Pwede ba natin pag usapan?" Sabi ni Nigel. "Ano ba ang dapat pag usapan doon senyorito?Lasing kayo, nakainom kayo, may alak ang utak niyo ,Broken hearted kayo at Namimiss mo yung isang tao na iniiyakan nyo nga diba?" "Alam ko na po yan kaya hindi na dapat pag usapan" "Hindi...hindi yun ganun...hindi ganun yun Bernice"giit ni Nigel."Lasing pa kayo sa ngayon Senyorito, kaya may pagkamakulit din kayo ngayon eh. Anong hindi ganun?So, anong ibig ninyong palabasin? Bakit? Bakit nga ba senyorito?Bakit nguo nga ba ako hinalikan? May iba pa bang kahulugan ang halik na yan?" Sa tanong na yun ni Bernice ay saglit na napipi si Nigel.Nanahimik ang binata kaya lal
Isang umaga ay nagulat na lamang si Nigel ng makitang umiiyak si Sherly at pagkatapos ay nagwawala, sinasabing nitong pupuntahan daw nito ang kapatid nya dahil nabalitaan daw nito na naroon si Kaye sa hotel ni Nicolas. Nagulat di si Nigel sa nabalitaan pero mas nagulat siya sa reaksiyon ni Sherly.Ang buong akala kase niya ay okay na sila ng babae. Ang buong akala noon ni Nigel ay may malinaw ng pag asa sa kanila ni Sheryl at handa na ang dalagang suklian sng pagmamahal niya. Handa naman sana niyang panagutan ang mga nangyari sa kanila ni Sheryl kung saka sakali dahil maraming beses ng may nangyari sa kanila. Pero sa nakitsng realsiyon niSheryl ng sandaling iyon, tila nakarating na si Nigel sa kanyang sukdulan. Dahil sa kabila ng lahat ng ginawa niya at sakripisyo niya ay heto na naman ang babae at ang kapatid na naman niyang si Nicolas ang bukambibig. Isang araw umuwi si Nigel at hindi dinatnan si Sheryl sa kanilang apartment. Nabalitaan niya na lamang na nagtungo pala si Sheryl sa
Muling bumalik si Nigle sa kasalukuyang at sinundan ng tingin si Bernice.Tumayo si Nigel At lumapit sa kinaroroonan ng dalaga na noon ay abala ar tila nagmamadali sa paghuhugas ng pinggan. "B-Bernice...." tawag niya sa dalaga sabay hinawakan sa siko ang dalaga. "Ay kabayong duling" Nagulat na sabi ni Bernice. "Huh? Senyorito bakit ho ba kayo nanggugulat ? saka bakit kayo tumayo?Baka mahilo kayo. Bumalik na ho kayo sa sofa. Babalik po ako doon para punasan kayo ngaloggam ulit"sabi nito. "Hindi ako nahihilo Bernice. Tsaka please pwede ba Nigel lang okay, Nigel lang ang itawag mo sa akin" "Bernice, mag usap tayo pwede?" "Nag uusap naman tayo senyorito"sabo ng dalaga. "Bernice please" "Eh ano ho ba ang gustong ninyong pagusapan....si ano na naman" medyo wala sa mood si Bernice na makinig sa paulit ulit na katangahan ni Nigel naiinis na siya. "Hindi siya....yung tungkol sana sa babaeng gusto ko" sabi ni Nigel. Ewan ni Bernice paro parang tinusok ng libo libong karayom ang puso
Naiwang tulala si Nigel. May ilang tao na ang nakakaalis. Si Mang Fidel, dahil medyo nakainom na nga, laging malakas ang loob, ay agad na lumapit kay Bernice. Lumakad ang binata patungo sa tapat ng pinto ng dalaga. Nang mga sandaling iyon, medyo pumayapa na ang kalooban ni Bernice. Napag-isip-isip na niya na bago pa man mangyari ang lahat, at bago pa man niya marinig ang mga sinabi ni Nigel kay Kaye, ay nagbabala na ang binata at pinangakuan na siya na kahit na anong mangyari, siya ang mahal nito. Dahil sa mga alaalang iyon ng mga pangako ni Nigel, ay nagkaroon ng lakas ng loob si Bernice na muling umasa at paniwalaan si Nigel. Saka sakali man nga na anak ni Nigel ang bata, hindi naman ibig sabihin nun na hindi na siya mahal nito. Hindi naman lingid sa kanyang kaalaman ang nakaraan ni Nigel at ni Sheryn, at alam niyang ilang beses na pinaasa at ginamit ni Sheryl ang binata.Dahil sa mga isipin niyang iyon, parang biglang tumapang si Bernice. Bigla niyang naisip na hindi niya dapat
Nakailang katok siya pero talagang ayaw magbukas ni Bernice. Alam niyang hidi ito tulog dahil naririnig nya ang mahinang hikbi nito.Alam niyang nasasaktan si Bernice at natatakot oto na baka maipakasal nga siya kay Sheryl at pwede pang naniniwala itong anak niya ang dinadala ng nababaeng iyon. Kahit nalulungkot at nag-aalala, sinunod niya ang payo ni Kaye. Binigyan muna niya ng panahon si Bernice para makapag-isip. Kaya matapos ang ilang katok na hindi siya pinagbuksan ng dalaga, lumayo muna sina Nigel sa pintuan.Balak sana ni Nigel na manatili doon at hintayin na lumabas si Bernice, pero alam niyang magtataka si Mang Fidel kapag dumating ito. Kaya kahit ayaw niya at mabigat sa kalooban niya, kailangan niyang umalis. Kailangan niyang umalis sandali sa bahay na iyon.Nasa kalagitnaan na ng pagtawid mula sa bahay ni Mang Fidel at sa kanilang mansyon si Nigel nang makasalubong niya ang matandang si Mang Fidel. Hindi alam ng matanda na nagpunta si Nigel sa kanila. Pero nagkunwari si Ma
Nang oras na iyon ay tinawagan ni Nigel ang kapatid na si Nicoals at sinabing nasa bahay ito ng ama. ang ate Kaye niya. Ihahatid sana ni Nigle ang hipag sa mansion pero hindi niya magawang iwan si Bernice. Alam niyang nagdaramdam ito, sa ngayon ay wala siyang kalayahang tumulong sa siliranin ng iba dahil sarili niya mismo ay nasa komplikadong sitwasyun. Kung pwede lang sana na matulog siya at bukas ay tapos na ang problema ay ginawa na niya.Wala pang kalahating oras, dumating na ang kuya ni Clash. Halos hingal na hingal ito nang dumating at halos masira pa ang pinto sa pagbukas. Nagmamadali itong pumasok sa bahay at agad na tinawag ang pangalan ng kanyang asawa. "Kaye, Love, nasaan ka? Nasaan ka, please? Nandito ka ba, Nigel? Nasaan ang ate Kaye mo?" Bungad agad sa kanya ng kapatid niya, at halatang natataranta ito.Huminga nang malalim si Nigel. Kung totoo ang sinabi ng kanyang ina, idol niya ang kanyang kuya. Ngayon lang niya naunawaan ang kanyang kuya. Na kapag may babaeng minah
"Ate halika na ihahahtid na kita sa mansion" alok ulit ni Nigel."Ayoko Nigel, saka na lang. Ayoko kung bumalik doon na naroon pa si Sheryl, hindi ko kaya" mangiyal- ngiyak ulit na sabi ni Kaye."Ate Kaye, need to go home walang kasalana nsi Kuya Nicolas, narinig mo mo ba na sinabi ni Sheryl na si Kuya ang ama?" tanogn niya sa hipag."Ano ang ibig mong sabihin, narinig ko silang anguusap ng Papa at........." natigilan si Kaye sa pagsasalita dahil narinig nga niya ang tungkol sa buntis si Sheryl pero hindi naman niya nga pala narinig na tinukoy nito si Nicolas dahil umalis na siya. "Hindi ko man narinig ang pangalan ng kuya mo dahil umalis na ako, ay alam kong si Nicolas ang pakay ni Sheryl at si no pa bang iba" sabi niya."Ate, alam natin lahat yan pero, ate ang sabi sa akin ng Papa, sinabi daw ni Sheryl na ako ang ama ng dinadala niya at kailangan daw kaming makasal bago pa mahalata ang tiyan ng babaeng iyon" amin ni Nigel."Ano Ikaw ang ama ng dinadala niya, as inb ikaw ang nakabu
"Nigel, ano ba 'tong mga pinagsasabi mo? Ano ba kasi ang..." Hindi naituloy ni Bernice ang sasabihin. Bigla siyang hinalikan ni Nigel—madiin, parang puno ng pagmamahal, pero may halong takot at pangamba rin. Hindi man naiintindihan ni Bernice kung ano ang problema at kung bakit nagkakaganito ang binata, sinagot niya ang halik ni Nigel. Ipinaramdam niya kay Nigel na nakahanda siyang makinig at umunawa. Pagkatapos ng halik, mahigpit siyang niyakap ni Nigel. Hanggang sa marinig nila ang isang kalabog mula sa bakanteng silid. "Ano 'yun? May tao ba sa guest room?" tanong ni Nigel. "Kung hindi ako nagkakamali, wala pa naman si Mang Fidel... Pero oo nga, may narinig akong kalabog." Naging curious silang dalawa kaya sabay silang umakyat para tingnan kung sino ang nasa silid. Kinatok nila ang pinto, pero hindi pala ito naka-lock. "Teka... hindi kaya si Ate Kaye yun? Mula kahapon pa siya nawawala!" bulalas ni Bernice. "Bernice, kunin mo 'yung susi!" utos ni Nigel, nag-aalala na. Binu
Kinagabihan, nagkaroon ng masinsinang pag-uusap si Don Alfonso at ang bunsong anak niyang si Nigel. "Ano po, Papa? Pakiulit nga po sinabi niyo?" tanong ni Nigel. "Ang sabi ko, nag-usap na kami ni Sheryl at nalaman ko na ang dahilan kung bakit siya naririto. Hindi mo pa pwedeng takasan ang responsibilidad mo na dyan. Totoo namang hindi tayo naging patas kay Sheryl," sabi ni Don Alfonso. "Anong ibig sabihin niyan, Papa?" nagtatakang tanong ni Nigel. "Buntis si Sheryl kaya may pananagutan ka sa kanya. Sabihin mo sa akin kung hindi kayo nagkaroon man lang ng kahit na anong kontak ni Sheryl. Tatlong buwan ang lumipas bago ngayon. Sabihin mo lang sa akin ang totoo kung pinakialaman mo ba ang babaeng iyon sa loob ng mga panahon na 'yun," sabi ni Don Alfonso. "At hindi... sa palagay ko... oo, may nangyari sa amin. Pero medyo lasing ako noong mga panahon na 'yun, pero alam kong may nangyari sa amin," halos hindi makapagsalitang sagot ni Nigel. "Nakipag-usap na ako kay Sheryl, at kailangan
Nagulat si Mang Fidel nang salubungin siya ng isang tauhan nang magpunta siya sa kiskisan. "Mang Fidel," sabi ng tauhan, "nasa likod po sa kubo si Don Alfonso at hinihintay kayo. Meron daw ho kayong pag-uusapan mahalaga." Tumango lamang si Mang Fidel. Pagkatapos ay nagbilang siya ng ilang mga sako ng bigas sa naroon. Maya-maya ay naglakad na siya patungo sa likurang bahagi ng kiskisan kung saan naroon ang paborito nilang kubo. Nagtataka si Mang Fidel kung ano ang pupwedeng sadya ni Don Alfonso. Sa pagkakaalam niya, wala naman silang usapan ngayon at wala rin namang bagay na nakalimutan o hindi natupad sa usapan nila ni Don Alfonso. Pero alam ni Mang Fidel na kung ano man ang pag-uusapan nila ni Don Alfonso ay mahalaga ito at sikreto. Dahil doon sa tambayan nilang kubol noong sila ay mga binata pa, ay doon ito ninais na siya ay makausap. Dahil kung ang bagay na sasabihin nito ay tungkol lamang sa negosyo o ilang mga bagay-bagay, sa tahanan ng mga ito ay pupwede itong sabihin ni
Agad lumabas sa Nicolas at hinanap sa kapaligiran ang asyenda ang asawa pero nakaipang ikot na siya ay hinsi niya makita Kaye makita. Sinubukan niyang tumawid sa bahay ng ama ni Kaye, nagbakasakali siyang baka napunta roon ng asawa.Ang takot sa nakaraan ay parang nanumbalik kay Nicolas. Ang pagaalala na baka nhisi na naman makinig si Kaye o baoa iba na naman ang iniisip nito ay lalong nagpabigat ng pakiramdam ni Nicolas. Wala pa naman ang kanyang ama para tanungin niya tungkol sa naging usapan ng mga ito. Ayaw naman niyang makita ang pagmumukha ni Sheryl.Sunod,sunod na katok ang ginawa niNicolas at tonatawag si Kaye. Nataranta naman sina Nigel at Bernice na kasalukuyang magkayakap."Si Kuya Nicolas, bakit nandito si Kuya? teka...teka! huwag mo munang buksan" sabi ng binata at agad na nagtago si Nigel sa likod ng kusina. Napailing na lang si Bernice at sumilay ang lungkot sa mga mata. Inayos ang sarili at pinunas ang luha.Saka laylay ang balikat na tinungo ang pinto."Magandang araw p
"Oh nasan yung sagot mo?natahimik ka na?" nangingiti nf sabi ni Nigel. "Ha?alin yun?" "Yung sagot mo.Yung sagot sa i love you too asan na?" "Aaaah" Natatawa ang reaksyon ni Bernice. "Oo na, I love you too naman talaga eh. Alam mo naman na yun. Buking naman na ako matagal na di ba? Magre react ba ako ng ganito kung hindi kita gusto?" sabi ng dalaga. "Masasaktan ba ako ng ganito kung hindi kita mahal? Buong akala ko kasi talaga. magkabalikan kayo eh. "Hindi na mangyayari yun. Hinding hindi na mangyayari ko hahayaan yun.Dahil natagpuan ko na ang forever ko"sabi ni Nigel. "Talaga?" "Hoy Bernice, huwag mo akong hinahamon, may bakanting silid dyan baka gisto mogn hindi makapagtapos mapatunayan ko lang na mahal kita" "Hoy Nigel tumigil ka nga!" sabi niBernice saby tapik sa dibdib ng binata. "Kita mo natakot ka.Huwag ka na kasing magalala. Mahal kita period"sabi ni Nigel na itinuloy ulit ang paghalik sa dalaga.Nawala naman ang hiya at pagaaljnlangan Bernice at tinanggap ng may pana