Share

Chapter 67

Author: Madam Ursula
last update Huling Na-update: 2024-12-03 17:21:53

"Mag ama nga sila..." Bulong ni Don Alfonso sa sarili habang titig na titig sa magandang manungang na medyo pumayat ata at tila maputla kesa ng nakaraan.

"M-may kinalaman po ba kayo kung bakit hindi ako makabili sa palengke, kaya po ba parang nakapagtatakang biglang mabilis na naubos ang mga hipon sa palengke gayung maaga pa naman kanina?" kung tutuusin ay hinala na iyon ni Kaye dahil nakakagualt na parang napakamalas naman niya at kung pagbabasihan ang kapanyarihan at koneksiyon ng mga ito ay posible nga.

Lalong umiyak sa Kaye sa naisip niyang marahil nga ganun kamuhi sa kanya ang beyanan kaya ginamit pa nito ang kapangyarihan para lamang hindi siya makakuha ng hipon. Pinipigilan ba siya nitong magawa ang kondisyun nito para tuluyan ng mapawalang bisa ang pagiging asawa niya sa anak nitong si Nicolas.Kung sabagay may karapatan naman itong magalit dahil sa hiniling niya ang nakakahiyang bagay na iyon. Hindi siya karapatdapat sa anak nito sa totoo lang.

Masyado siyang naging makasarili
Locked Chapter
Patuloy ang Pagbabasa sa GoodNovel
I-scan ang code upang i-download ang App

Kaugnay na kabanata

  • Chasing The CEO's Peculiar Wife   Chapter 68

    Lumuha si Kaye sa lahat ng katotohanan namalas ng sandaling iyon.Sa kagipitan ay naisanla niya ang kaisa isang alaala ng ina. At sa kabugsuan ng kanyang damdamin at pagiging makasarili heto ngayon tulad ng nagawa niya sa ama ay nakalimutan na rin niya pati ang pangakong babalikan ang kuwintas ng ina."Unang una iha patawarin mo ako, totoong ako ang nagpasara ng palaisdaan, pumakyaw ng hipon at nagsabi sa resto na itago ang frozen prawns para hindi ka makahanap, iyon ay para mahirapan ka para malaman at marealized mo na mahirap ibalik ang mga bagay na mawawala" Sabi ng Don habang nakatitig sa kuwintas niya."Gusto kung maintindihan mo na kapag nawalan ng bisa ang kasal ay mahirap ng ibalik ito pati na ang paghilumin ang mga pusong masasktan dahil sa mga padalos dalos na desisyun mo.Gusto ko sanang sabihin sayo na wala akong balak gawin ang request mo pero sinadya kong umoo at hamunin ka para matauhan ka"dagdag ng matanda."Gawa ko rin ang lahat ng nasa silid mo.Ang batang nakausap mo s

    Huling Na-update : 2024-12-03
  • Chasing The CEO's Peculiar Wife   Chapter 69

    "P-atawad po Don Alfonso hindi na po mauulit at babawi na po ako pangako yan magiging pinaka karapat dapat po akong asawa ni Nicolas.Gagawin ko po ang lahat Patawad po ulit sa pagkakstaon at pangunawa.Maraming salamat po Don Alfonso" Sabi ni Kaye na yukong yuko at maga na ang mata at nguso kaka hagolhol ng iyak. Hindi na niya alam ang tamang sasabihin sa sobrang tuwa."Wala ka namang kasalanan iha nagsabi ka lang ng totoong bigat ng kalooban mo.Hayaan mong tulungan ka naming maghilom.Mas mabilis ang paghilom kung magkatuwang sana kayong parehas na sugatan""Pagibig ang pinakamabisang gamot iha dahil pagibig din ang pinakamalalang sakit""Ayusin mo na ang sarili mo at gutom na ako.Doon tayo mag almusal sa Villa ng ama mo sigurado sarat na ang ilong noon sa gutom. Huwag kang magalala pinainit ko na at ipinahatid ko na doon ang hipon na niluto mo at doon ko na kakainin" Sabi ng Don."Salamat po.. salamat po Don Alfonso""Isa pang Don Alfonso ang marinig ko sa bibig mo, ipakukulong ko ang

    Huling Na-update : 2024-12-03
  • Chasing The CEO's Peculiar Wife   Chapter 70

    Sising sisi talaga siya sa pagpadalos dalos na ugali niya.Noon pa napakarami na niyang sinasayang na panahon."Kung hindi siya lumayo noon. Kung imbes na tumayo sa kama ay sumiksik na lang siya kay Nicolas at ipinaubaya sa tadhana ang bukas mas maayos siguro. Mas masaya siguro. Pero hindi siya mawawalanng pagasa. Kung galit nga sa kanya ang asawa ay pagdudusahan niya iyon.Maghihntay siya sa Mansion at gagampanan ang obligasyun habang hinihintay na uuwi si Nicolas. Paglabas ni Kaye silid ay napalingon siya sa kanyang kaliwa.Tila kase may kausap si Don Alfonso.Kinabahan si Kaye at umakyat sa ulo ang tuwa. Para siyang biglang lumutang sa alapaap. Humakbang palapit ng silid ng beyanan si Kaye.Papalapit na siya sa pintuan ng marinig niya ang malakas ng tawa ni Don Alfonso sa pagitan ng pagkukuwento at ang malakas din na tawa ng lalaking kausap nito at hindi siya makapaniwala... "Nicolas....!?"Lumuha na lamang si Kaye ng marinig ang boses ng lalaki sa loob.Hindi niya malaman kung kakat

    Huling Na-update : 2024-12-11
  • Chasing The CEO's Peculiar Wife   Chapter 71

    Pagod man sa buong maghapon si Kaye dahil sa gawain at mga bagay na ginagawa na hindi naman na niya gawain pero mas pinipilit niyang gawin para malibang. Hanggat maaai ay ayaw niyang umuwi ng mansion dahil ayaw niyang nakikita si Nigel na tisoy version ni Nicolas. Palangiti si Nigel palibhasa may easy go lucky na awra pero kapag seryoso ito ay parang kakambal ni Nicolas at kapag nakikita ito ni Kaye lalo lamang bumibigat ang paki ramdam niya.Matuling lumipas ang dalawang buwan at hindi iyon namalayan ni Kaye dahil sa pagiging abala. Nitong huling linggo kase ay nadadals siyang mahapo at mahilo dahil na rin sa puyat, at pagkawalang ganang kumain. Madalas kakaiwas niyang umuwi ay hind na siyang nakakapag hapunan at nitong mga huling araw ay sunod sunod siyang nagigising ng alanganin dahil sa napapanaginipan niya si Nicolas. Miss na miss na inya ito kaya siguro ganun.Lingid kay Kaye, masid pala siya ni Don Alfonso mula pa noon at nagpapalitan pala ng kuro kuro ang magbalae. “Mukhang

    Huling Na-update : 2024-12-17
  • Chasing The CEO's Peculiar Wife   Chapter 72

    "Papa..!papa!! Sigaw ni Nicolas mula pa lamang sa Veranda. "Papa!Papa!.."patuloy na sigaw ni Nicolas ng makapasok na sa kabahayan.Nadatnan ni Nicolas ang ama na hirap na huminga at kalong ito ni Nigel, samantalang hindi naman magkamayaw ang ama ni Kaye kakapaypay dito.Namumutla na ang ama at tika hindi na makahinga. Umiyak na si Nigel habang kinukumbinsi ang ama na magpadala na sa hospital pero panay ang iling ng kanyang ama. "Papa!!" Malakas na sigaw ni Nicolas damadagondong ito kaya napalingo ang lahat ng naroon. "Anong nangyari?!?" Tanong agad ni Nicolas na agad lumapit sa ama at kay Nigel. "Kanina kuya nahihilo siya at parang nanghihina.Tapos bigla na lang tumirik ang mata kaya tinawagan na kita kahit kabilin bilinan mong wag kang kokontakin.Tapos saglit lang naman ang pagtirik at ganyang na hapos namumutla na at hindi makahigna" Sabi ni Nigel. "Eh bakit hindi mo agad itinakbo sa hospital ha Nigel kahit ayaw niya. matigas ang ulo niyang noon pa dapat binuhat mo na" Sabi ni

    Huling Na-update : 2024-12-17
  • Chasing The CEO's Peculiar Wife   Chapter 73*

    "Nurse nurse..anong room ni Mrs Kaye Buencamino?" Sabi ni Nicolas na agad pumasok ng hospital."Kelan po ba naadmit sir?" Sabi ng nurse."Ah ngayon lang, oo tama ngayon lang nahilo daw ang asawa ko""Ah sir baka po nasa emergency pa po. Nasa out- patient po kayo" sabi ng nurse."Thank you Ah..Okay sige"Napapahiyang paalam ni Nicolas Nagpapanic na kase siya kaya hindi na niya alam kong saan siya nakapasok. Agad nagpunta ng emergency room si Nicolas."Doc..Doc..! yung babaeng hinimatay nasan po?""Sino po sila?kaano ano kayo ng pasyente?" sabi ng doctor na inabutan niyang nasa bungad."I'm her husband. Anong nangyari sa misis ko!?""Ah kayo pala ang asawa ni Mrs Buencamino. She is fine now. Naroon siya Sir, sa dulong bed" turo ng doctor.Hindi na nagawang magpasalamat ni Nicolas agad ng tinalikuran ang doctor at halos inisang hakbang ang dulo ng emergency room. Nadurog ang puso ni Nicolas ng makitang naroon nga ang asawang kinasasabikan. Pero laking pasasalamat niya dahil ayos naman na

    Huling Na-update : 2025-01-04
  • Chasing The CEO's Peculiar Wife   Chapter 74

    "Pero papa please naman wag nyo na itong uulitin ni Tito Fidel. Naku naman mauuna ako sa inyo mamatay eh" Sabi ni Nigel. "Kaya nga ayaw ko magpadala sayo sa doctor diba kase mabubuking ako? Nang makita kung dumating na si Nicolas titigil na sana ako at magkukunwaring okay na kaso diyos ko supot ka lang pala sa pagka OA nung isang yun. Kaya ng binuhat ako ng kuya mo sabi ko na lang bahala na" "Kaso hindi ko akalaing may totoo pala tayo emegency. Kung alam ko lang, dapat sana hindi na ako nagpagod umarte.Sana magign okay na si Kaye" Sabi ng kanyang ama. "Hay, yari tayo kay Kuya nito. Malamang mainit ang ulo niya at nagkasakit si Ate Kaye. Naku talaga Papa pagnagsasama kayo ni Tito Fidel hay, malalang tunay" Sabi ni Nigel. Sabay namang tawa ang mag balae at nag apir pa. "Oh siya ikaw na lamang ang maghintay sa kuya mo. Kami ni Balae ay uuwi na at masakit sa tuhod ang lamig dito at napagod ako kanina kaka acting para akong si Christopher De Leon diba?ano sa palagay mo balae" "Ano ban

    Huling Na-update : 2025-01-05
  • Chasing The CEO's Peculiar Wife   Chapter 75

    "Kiss....kiss...kisss...!!" Sigaw ng mga bisita. Habang kinakalantog ng kutsara ang baso haeak ng nga ito. Para silang nasa totoong reception.Kasabay ng paghawak ni Nicolas ng mukha niya at paghalik sa kanya ng ubod ng tamis isinumpa ni Kaye na pakamamahalin ng buong buhay niya si Nicolas. At si Nicolas naman ay nangakong hinding hindi susukuan ang asawa at mamahalin habang buhay. Tumagal ang halik na halos kapusin na si Kaye ng hininga .Togtog ng isang makalumang kanya ang umalingawngaw na nagpabitaw sa labi nila."Oh kailangan ng magasawa magsayaw bilang unang hanap buhay.Pero bago yan may speech muna ang magasawa" Sabi iyon ng matandang Buencamino na malapad ang ngiti ng oras na yun."Tay huwag na ho nakakahiya, hindi naman na ito totoong kasalan kayo talaga...." nahihiyang saway ni Kaye na pinigilan ang ama na dalhin pa sila sa gitna.Malakas na palakpak ang umalingawngaw sa buong sala na iyon. Napalingon ang lahat sa bisitang pumasok at ngayon ay nasa tarangkahan ng pintuan."W

    Huling Na-update : 2025-01-12

Pinakabagong kabanata

  • Chasing The CEO's Peculiar Wife   Chapter 93

    Dahil sa mga naging suliranin ay nangbihis ang matandnang Don Alfonso At bumaba. Senenyasan nito ang kanyang driver at nagpahatid sa tistisan. Pagdating doon ay umaandar ang makinarya at may dalawang trabahador na nangangasiwa."Magandang Araw Don Alfonso" Bati ng mga ito kay Don Alfonso."Nasaan ang matanda ninyong amo?Paki sabi labasin ako at ayoko ng naghihintay hidi ko siya ililibre" napangiti ang mga tauhan sanay na ang mga ito na grabe magkulitan at magasaran ang dalawang magbalae. Masaya nga naman na ang. naging balae mo ay ang matalik mong kaibigan noon."Kaaalis lamang ho ni Sir.Fidel, Don Alfonso. Pupunta daw po ito sa palaisdaan at magsasaboy ng pataba" sagot ni Lito."Eh bakit siya pa ang gagawa noon. Damuhong iyon eh mahinan na ang tuhod eh lusong pa ng lusong sa lamig""Eh Hindi ho kase nakapasok si Tinding dahil nangla dengue ang apo at sinamaha. ang naak sa bayan paraamgpadoktor.Bale nga ho iyon kay Mang Fidel at ang wari ay mako confine ang apo.""Ah ganun ba, naku ab

  • Chasing The CEO's Peculiar Wife   Chapter 92

    "Papa ang alam ko po ay wala pang pananagutan si Nigel, Binata pa siya"sabi ni Sheryl. Napakunot ang noo nang matandang Don Alfonso, nagtataka kung bakit napasok si Nigel sa usapan."Oo nga binata pa ang bunso kong anak. Pero anong kinalaman ni Nigel sa usapin mo na naman kay Nicolas.? Pwede ba, tama na Sheryl, tama na, huwag mo ng saktan si Nigel. Hindi na niya kailangang malaman ang bagay na ito."Hindi ho maaari Don Alfonso dahil si Nigel ang dapat managot. Siya ang dapat magpakasal sa akin kapalit ni Nicolas.""Ang Ibig mong sabihin ay si Nigel ang nais mong pakasalan kahit anak yan ni Nicolas?Aba Sheryl, maaaring minsang minahal ka ng anak kong bunso at minsan mo siyang nabulag pero ang umabot sa ganito na papanagutin mo ang isa dahil lamang alam mong hindi ka niya matitiis ay hindi ko pahihintulutan Sheryl. Huwag mong gawing miserable ang buhay ni Nigel na walang nagawan kasalanan sayo kundi ang minahal ka lang ng batang puso niya" dismayadong sabi ni Don Alfonso."Hindi ho ito

  • Chasing The CEO's Peculiar Wife   Chapter 91

    Halos lumipas ang mahigit isat kalahating taon,bago muling sumipot si Sheryl sa kanilang Mansion.Ang buong akala ng matanda ay nagiba na ang plano ng babae dahil sa inalalayan ito ni Nigel at sinundan pa nga ng kanyang bunsong anak sa Maynila. Alam ni Don Alfonso kung gaano nahuhumaling ang bunso sa babae. Sa totoo lang wala namang siya sanang kontra kay Sheryl kahit pa nga questionable ang pagkatao nito. Minsan itong natira sa lugar niya at naging kaklase ni Nicolas. Ang ama naman ni Sheryl naging taga angkat ng kanilang mga produkto kaya nakilala at naging kapalagayang loob naman ni Don Alfonso. Bago mag graduate nang 4th year ay nawala ang pamilya nito sa lugar nila at nabalitaan na lang nila na nangibang bansa. Nagkataon naman noon na namatay ang ina ni Nicolas ang ikalawang babaeng sa buhay niya. Ang ina ni Nicolas ay pangalawang babae na sa buhay niya, ang unang babae na kanyang great great love ay ang ina ni Kaye, na inagaw ni Fidel noon. Ayon sa kuwento, nagkita sina Sher

  • Chasing The CEO's Peculiar Wife   Chapter 90

    Hindi muna nagsalita si Sheryl, Tumayo ito at kumuha ng isang putahe ng ulam at nilagyan ang plato ni Nigel.Pagkatapos ay seksing naupo sa harap ng binata ."Well, ung kung ayaw mong guluhin ko ang kapatid mo.Its better kung makikipag cooperate ka Baby." "Stop this sheryl. Stop this bullsh*t kung hindi...." "Kung hindi what?" napatayo na si Nigel sa inis lay Sheryl na para bang may pagbabanta pa ito. Anong gustong mangyari ng babaeng ito sa isip isip ni Sheryl. "Then,humanda ka sa isang malaking pasabog" sabi ni Sheryl at pagkatapos ay humakbang na palayo ng lamesa at umakyat ng hagdan. Hindi malaman ni Nigel kung ano ang gagawin. Kung susundan ba si Sheryl o kung titiisin ito. Naku -curious siya sa mga pinagsasabi ng babae at natatakot din siya na baka guluhin nito ang kapatid at ang ate Kaye niya na kababati pa lamang. Kaya sinilip ni Nigel kung saan pupunta si Sherly. "Saan papunta si Sherly?Sa kaliwang pinto ba?Sa silid ng kapatid niya? Pero nang makita ni Nigel na nilagpasa

  • Chasing The CEO's Peculiar Wife   Chapter 89

    Nang umaga iyon ay maagang gumising si Bernice bagamat mugto ang mata ay magaan ang kanyang dibdib at tila masigla pa nga ang dalaga.Himalang kahit natagalan siyang umiyak at mugto ang mga mata. Nagising ang dalaga ng masigla. Nagmuni muni pa ang dalaga sa higaan at kinapa ang labing kagabi lang ay dalawang ulit na inangkin ng kanyang paboritong amo.Pagkatapos asikasuhin ang almusal nang kanyang ikalawang Amo ay nagligpit naman si Bernice ng silid ng matanda. Kahit anong aga niya gumising ay mas maaga pa rin sa kanya si Mang Fidel, malamang sa malamang ay tumawid na ito sa ma mansion o nagtungo na sa palaisdaan.Kaya ang inihandang pagkain ay inilagay niya sa lamesa at tinakpan dahil alam niyang dakong alas nuebe ay uuwi ang matanda at maliligo at doon pa lamang kakain ng kanyang almusal.Alam ni Bernice na lasing ang kanyang amo kayat sinigurado niyang may sabaw ang nakahain.Tatawid sana siya ng maaga sa mansion para kumuha ng maaalmusal ni Mang Fidel ang kaso ay alam niyang walang

  • Chasing The CEO's Peculiar Wife   Chapter 88

    "Iha umupo ka na at nang makapag almusal na tayo" alok ni Don Alfonso sa manungang. Pero nawala na sa mood si Kaye, pagkakita pa lang niya sa pagmumukha ni Sheryl ay agad ng bumangon sng irita niya. Ewan niya pero sobrang kukukulo ang dugo niyasa babae at hindi na niya halos makontrol. Hindi pa pala umalis ang babae. Kagabi pa gigil si Kaye kay Sheryl sa bigla na bamang pagsulpot nito kung kelan maayos na ang lahat. Ano pa bang kailangan nito sa asawa niya? "Aakyat na laman muna ako Papa, nawalan na akong ng ganang kumain.Pangit na kase ang umaga dahil may pangit nang view" pasaring ni Kaye kay Sheryl at sinulayapan ng matatalim si Nicolas. Napasulyap naman si Don Alfonso at natawa ng bahagya saka yumuko. Naalia ang matanda sa simpleng kamalditahan ng kanyang manugang. Manang mana nga ito kay Keshia ang ina nito, manang mana ba nga sa katarayan manang mana pa sa kamalditahang slight. Pero sa palagay ni Don Alfonso ay tama lamang ang Trato ni Kaye sa bisita at hindi niya masisi

  • Chasing The CEO's Peculiar Wife   Chapter 87

    "Ows,Sigurado ka ba?Wait.Hindi niyo man lang ba ako aalukin mag almusal?Hindi mo ba ako aalukin Papa?" Sabi ni Sheryl. "Papa.!!" gulat na sabi naman ni Don Alfonso."Kailan pa kita naging anak?Tanong pa nito. "That's it! hindi na ito nakaktuwa, You're done here Sheryl..Halika na at ihahatid na kita palabas" Sabi ni Nigel. "No.Let me remind you, Papa na nangako kayo sa akin na kapag nanahimik ako kagabi ay pag uusapan natin ang problemang ito. Baka nakakalimutan niyo na kung naayos ninyo ang lahat tungkol kay Nicolas at Kayecay may isang bagay kayong naipangako at hindi inayos at ako yun." "Shut up Sheryl..! anong pinagsasasabi mo?" sita ni Nigel. "Papa what is she talking about?" naguguluhang tanong ni Nigel sa ama. "Gusto niyo bang?Umabot pa tayo sa korte. Maaaring may pera kayo. Mayaman kayo. Pero hindi ba magiging mantsa sa apelyido niyo ulit kapag nagsalita ako" Sabi ni Sheryl. "What is this again Sheryl? Hindi ka pa ba tapos?" Dumadagungong na salita ni Nicolás ang naring n

  • Chasing The CEO's Peculiar Wife   Chapter 86

    Lingid sa dalawa ay isang anino ang nakarinig at nakakita ng usapan nina Nigel at Bernice. Saktong papunta ang susuray suray na anino sa bahay galing ito sa paginom dahil medyo susuray suray na ay hindi na nagawang kumatok nito at nagtuloy lamang pumasok ngunit nawala ang tila kalasingan ng anino dahil pagbukas nito ng pinto ay nakarinig ito ng malakas na boses ng babae.Natigilan ang anino dahil kilala niya sng boses ng babae. Naisip ng isang anino na baka may kaaway ang babae kayat dahan dahan pumasok ang anino at naghanda. Hanggang pagkatapos ay sinundan ng anino kung saan nanggagaling ang boses na yun. May isang malapad na kahoy na divider sa sala na siyang nakatabing bago marating ang bandang kusina at doon nagkubli ang isang anino. Nawili ang anino na panoorin ang anino ng isang babae na nakikipagtalo sa isang lalaking kilalang kilala ng anino kung kaninong boses.Nagtaka naman ang isang anino kung bakit naroon ito, sa kagustuhan nitong maki usisa ay nanatili ito nakasilip.Ling

  • Chasing The CEO's Peculiar Wife   Chapter 85

    "Itigil mo yan Nigel. Hindi na magandang biro yan sobra ka na" naiiyak ng sabi ni Bernice. "Sinikap ko na ibaling ulit kay Sheryl yung lahat baka sakali iniisip ko naalungkot lang ako, na ikaw kase ang naging sandalan ko. Pero anuman ang gawin ko, hindi ka na mawala sa isip ko. Hindi ko na makalimutan yung halik na yun, Bernice" pagtatapat ni Nigel. "Sinungaling, kakasabi mo lang na may bago ka ng nagugustuhan.Tumigil ka na Nigel, masisipa kita kahit amo kita" nawala ang kilig na kanina lang ay nararamdaman ni Bernice nang mqpagtanto na binobola lamang siya ng amo. "Yung kinukwento ko sayo na babaeng nagugustuhan ko, yung sinasabi kong babaeng laman ng puso ko ngayon. Kaya ako naka move on na kay Sheryl. Ikaw yun Bernice.Ikaw yun" sabi ni Nigel na nakatitig sa kanya. Hindi nakakibo ang dalaga.Napatingin lang siya kay Nigel. Naghahalo ang takot, kaba kilig ng dalaga sa narinig. Masaya siya. Masayang masaya siya sa narinig nya. Katulad ni Nigel hindi rin nakalimutan ni Bernice ang m

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status