"Ouch...! aray ko ha sumusobra ka na.Hoy Nicolas ano ba?pipigilan mo ba ang babaeng ito? O makakarating ito sa Papa. Bakit nyo ba kase kinaawaan ang babaeng ito at tinanggap pa dito""Nicolas, please help me take her off me"Sigaw ni Sheryl na nagpiilt na hawakan si Nicolas. Nahihirapan siyang hablotin si Kaye dahil nasa likod niya ito bukod pa sa fitted ang suot niya at naka stileto shoes pa siya.Ang plano nga kase sana niya at magpapa cute siya kay Nicolas. Hindi niya akalaing naroon si Kaye. Matagal na niya itong hindi nakita at pinagpapasalamat niya na nawala ito sa buhay ni Nicolas. Pero bakit narito ulit ito ngayon."Why would i help you. I wont do that, mas takot ako sa asawa ko kesa sa ama mo Sheryl, beside you deserve that for all the lies you said to her. Were over halos limang taon na. Hindi rin kita pintira sa bahay ko dahil may relasyun pa tayo. Ikaw ang sumiksik sa bahay as guest ng kapatid ko. Wala akong feelings for you kahit noong naging tayo noong college alam mon
"Babe..Babe, please listen to me,pagusapan natin ito hey look at me.Hindi mo na ba ako gusto, hindi mo na ba ako mahal.Babe..babe pangako magtitino na ako ikaw na lang ang mamahalin ko.Sayo na lang ako titngin pangako" "Ano limos? latak? tira tira?matagal na akong nagtitiyaga dyan gusto ko ng makahanap ng babaing simula pa lang ako na ang mahal.Akin na umpisa pa lang" Sabi ni Nigel na puno ng hinanakit. Pero mapilit si Sheryl at halos yakapin na si Nigel sa paanan. "Nakakaawa ka Sheryl. You lose two bird on one shot" sabi ni Nicolas. Habang nagkakaroon naman ng moment ang dalawa ay unti unting pumupuslit si Kaye palabas ng pinto.Nanginginig ang tuhod niya sa lahat ng narinig.Hindi pa siya nakakaget over sa galit pero matapos marinig ang lahat lalo na ang mga sinabi ni Nigel ay parang gustong lumubog ni Kaye sa kinatatayuan. Ang hiya at pagsisi sa lahat ng mga ibinintang sa asawa ay hindi niya kayang harapin. Nahihiya siya at baka lalo pa siyang sumbat sumbatan ni Nicolas. Hanggan
Samantala..Nang makalabas naman si Kaye sa silid ni Nicolas ay nagmamadali itong tumakbo sa takot ni Kaye na susumbatan siya ni Nicolas. Kailangan niyang makalayo dahil hindi siya makahinga sa mga nangyayari. Hindi niya alam ang gagawin at kung paano babawi at babayaran ang lahat lalo na ngayon na wala palang katotohanan ang lahat ng ibinintang niya kay Nicolas.Kaya pala ganun na lang ito kagalit sa kanya .Kaya pala gusto siya nitong parusahan habang buhay. Napaka laki pala ng kasalanan niya dito."Nakaka tang'na buwisit na Sheryl ito sinayang at ginago sng buhay niya. Bigyan lang talaga siya ng pagkakataon pa ulit ay ilalampaso ko naman sa etchas ng kalabaw ang bibig ng babaeng iyon.One day.. one day... gagawin ko yan" Sabi ni Kaye na muling umagos ang mga luha.Sa sobrang hiya ay pumasok si Kaye sa isang bakanting room at nag tago sa Cr doon. Doon niya inilabas ang lahat ng sakit , hinanakit at takot sa maaring ganti ni Nicolas.Matapang siya noon dahil buong akala niya niloko siya
Nakita ni Nicolas na parang lumapit sa kanya ang bulto ni Kaye. Matindi na ba ang depression niya at grabe na ang hallucination niya. Oo lasing siya pero ang alam niya hindi pa naman siya nasisiraan ng bait. Pero heto si Kaye sa harap niya at binabaliw siya sa lungkot."Tama na Kaye... please naman, dalawang taon na akong nahihirapan.Noon ang tindi ng guilt ko dahil baka nga nagkamali ako o nagkasala.Buong panahong iyon wala akong ipinagdasal kundi makita ka, mayakap at maikulong ulit sa bisig ko ang babaeng halos isang oras ko lang naging asawa""Tama na.. masakit na..sige na tanggap ko na na kahit nalaman mo na ang totoo na wala akong kasalanan ay mas gusto mo pa rin lumayo""Pakatandaan mo eto Kaye kung nasan ka man.Wala kang kasalanan dahil parehas tayong pinanglaruan ng kapalaran. Nasaan ka man Kaye pakatandaan mo lang, mahal na mahal kita wala akong minahal kundi ikaw lang simula ng halikan mo ako noon sa prom" Sabi ni Nicolas."Gusto mo pa ring lumayoat iwan ako.Kaye ikaw na an
"Sit down Ms. Delfin or would I rather say Mrs. Buencamino" Sabi ni Nico.Tiim ang bagang at halos pigil ang lahat ng emosyon. Samantalang nanlaki naman ang mata ni Kaye. Kung gayun ay kikilala siya nito. All this time kilala siya nito? Nataranta si Kaye at hindi napakali. Halos mapudpud niya ang dulo ng kanyang uniporme kakalapirot dahil sa tense at naglalagkit na ang noo at batok niya sa nerbiyos kahit pa nga aircon ang opisina ng amo.“What? nabigla ka ba? talaga ba? Wow Iba ka rina Kaye" sabi in Nico in a sarcastic way."Iniisip mo ba na hindi ko matatandaan ang pagmumukahang iyan ha Kaye? Hindi ka man lang ba kilabutan? Ganun ka ba kakapal? Araw araw mo akong nakikita at aeraw araw mo rin bang iniisip na gaguhin ako pretinding you dont know me too ha?” Naaamazed na sabi ni Nico.“Hindi naman sa ganun. Kase di mo naman ako pinapansin noong mga nakaraang araw at saka ni hindi mo naman ako tinatapunan ng pansin kaya akala ko hindi mo ako nakilala?” Katwiran ni Kaye.Kita niya ang p
"Tay....Tay....ayoko po maawa napo kayo sa akin tay...." Umiiyak na sabi ni Kate habang panay ang palag sa pagkakahawak ng ama. Hila hila siya nito pababa ng hagdan para lamang labasin si Nicolas. Ang lalaking nagugustuhan ng kanyang ama para daw sa kanya. Matagal na niyang tinututulan ang usaping iyon pero nauuwi lamang sa pambubugbog sa kanya ang usapan.Halos isang taon ng ganito ang kalbaryo ni Kate. Nagkakataon lamang na naging abala siya sa gawiang bukid kaya parang lumipas ng ganun kabilis ang panahon pero ang poot at inis niya sa ama at sa lalaking ay tumitindi. Palagi na lamang tuwing may papgtitipun at siya ay sinasama ng ama ay ganit na lamang ang usapan. Minsan nahihiyan a siya dahil para bang wala pa man ay ipinangangalandakan na ng ama na yayaman ito. "Ano bang nakakatuwa doon? akala ba nila kapag ipinakasal ka kung kani-kanino lamang basta mapera ay masaya na?" Hah! sila kaya ang lumugar sa lugar ko. Bakit ba itong mga tinamaan na lintek na mga matatandang ito ay paus
Napilitan na lamang si Kate noon na nagbihis dahil hindi naman siya tinatantannan ng ama. Ilang ulit na ba niang sinubukang suwayin ito kulang na nga lang tumalos siya sa bintana matakasan lamang ito eh.At ang lalong ikinabuwisit niKaye, bagamat sinusungitan niya palagi ang kumag na yun ay palagi pa ring magandang ngiti ang sinasalubong ni Nicolas sa kanya.Alam ni Kaye na pinipilit lamang ng lalaking maging mahinahon at mapagpasensya. Hindi naman sa sinasadya ay naririnig niya ang mga usapan ng mga kababaryo tungkol sa anak na panganay ng nga Buencamino si Nicolas iyon walang iba. Ayon pa sa mga usap usapan ay masungit, strikto at matapobre ito."Ahh.. hindi.! yung matapobre dagdag na lang niya yun, feeling niya kase ganun ito dahil kung bilhin sila nito ay ganun ganun lamang" Hindi naman ito madalas dumalaw. Hindi naman OA na gabi gabi dahil sabi ng ama ay busy ito sa pag aasikaso ng negosyo."Hmp! Balit kase hindi na lang asikasuhin ang negosyo nila Bakit kase kailsngan pang magp
Ang akala ni Kate ay napikon na niya ang lalaki kaya masigla ang dalaga kinabukasan. Ang kaso inutusan siya ng kanyang ama na magtungo sa kiskisan at dalhan siya roon ng pananghalian. Bagamat tinatamad ay kumilos naman si Kaye.Buong akala ni Kaye ay magiging tahimik ang mundo niya ng araw na iyon pero nagkamali ang dalaga dahil pagdating na pagdating niya sa kiskisan ay naroon pala si Nicolas at ang ipinahanda pala ng ama niyang pagkain ay para dito.Buwisit na buwisit si Kaye dahil malapad ang ngiti ng hinayupak pero ang mas ikinangitngit ng dalaga ay ang katotohanang hindi niya sinarapan ang luto dahil sa buwisit niya sa ama. Malamang ay pipintasan siya ng lalaki at doon nainiinis si Kaye. Ayaw niyang magkaroon ng kahit isang butas o dahilan para makalamang ng pangaasar sa kanya ang lalaki.Pero halos maubos na ng lalaki ang pagkain ay wala pa itong sinasabi.Tahimik lamang itong kumakain at paminsan minsan ay ngumingiti sa kanya."Ano bang trip ng lalaking eto. Halata namang pinipil