"Welcome home, Mrs.Buencamino" Yun ang narinid niyang sabi ng mga ito.Napatitig siya kay Dior humihingi ng paliwanag."Sorry sa kakulitan ko hindi kita pinaniwalaan, pero ngayon na nagbalik na ang asawa mong nasa Dubai ay titigil na ako.Mahirap ng masisante" Pabirong sabi ni Dior na ang tinutukoy na Dubai ay ang pagsisinungaling niyang nasa Dubai ang asawa niya kaya hindi makita ni Dior noon.Inayos na namin ang magiging opisina mo ayon sa utos ng iyong mahal na asawa.My God sobrang miss ka ni Nicolas aba eh istorbuhin ba naman ako ng alas kuwatro ng madaling araw para dito? Kasama namin yun magkabit nito at disenyo""At dinayo pa niya sa Dangwa ang bulaklak na yan.Buti yung ibang staff malapit dito ang bahay at nakatulong din.Nagpaorder yun ng food para sa lahat big celebration daw ito" Sabi ni Dior."Ah salamat Dior salamat po sa inyong lahat" Sabi na lang ni kaye na hindi alam ang sasabihin.Para na naman siyang kandilang unti unting nauupos sa mainit na apoy dahil sa guilt. "Where
"Bahay ko?" Gulat it na sabi ni Kaye."Hoy insan OA na yang joke mo di nakakatuwa.Yan ba uso sa Maynila.Anyway sige sakyan kita dyan. Kunwari di mo alam"Sabi ni Rosa."Umuwi ka na sa bahay nyo Insan, sa mansion ka nakatira pero nagpagawa ng kanognog na Villa ang mga Buencamino para sa inyo ng ama mo.Nakalimutan mo atang Buencamino ang asawa mo at isa sa lang naman sa pinakamayaman sa lugar na ito.Dapat nga matagal ka ng umuwi eh hirap na ang tiyo at ang inang mamahala sa palaisdaan at sa Miliing House" "Palaisdaan, buhay na ulit ang palaisdaan ni Nanay?" Gulat na sabi ni Kaye. "Ay jusko nagjojoke na naman siya.Oo matagal na dalawang taon na kaya.Oh baka magulat ka pa sa restaurant mo ako nagtatrabaho as chasier""Pansamantala dahil nasa Manila daw kayo ni Nicoy dahil din sa negosyo nag hired ang crush kong si Nigel ng manager. Peros 2x a month bumibisita si Nigel doon kasama ang pangit niyang syota. "Wala na sila..buti na lang" Sabi ni Kaye sa malayong pinsan."Oh siya maiwan na k
Maayos ang suot nitong damit at bago sa kanyang paningin.Mas magaan ang awra ng ama na matagal na panahong dinamdam ang pagkawal ng Ina.Masakit man sa ay gindi maisio ni kaye kung kaya ba niyang alisin sa ama ang nakikita niyang kasayahan nito ngayon."Tay, hindi na ho ako magtatanong dahil mukhang alam ko naman kung paano nangyari ito.Hindi ko alam na ganito karami ang kapalit ng lahat. Sana lang po ay napasaya ko kayo, sana ay hanggang dito na lang ito Itay dahil kung alam nyo lang ang lahat ng pinagdaanan ko , ang lahat ng bigat dito.."Sabi ni Kaye. Habang pigil ang luha."Sana itay hanggang dito na lang. Gusto ko naman lumigaya ng totoo, ng malaya, ng malinis.Yun bang masasabi kong ang kaligayahang nararanasan ko ay walang bahid ng salapi.Hindi po ako galit Tay, dahil nariyan na yan.pero sana po ay hanggang dito na lang" Sabi ni Kaye. "Anak ano bang hanggang dito na lang ang sinasabi mo.Alin ba sng tinutukoy mo? hindi bat napagusapan na ninyong mamgasawa ang mga ito, aba eh sa
"Ho?ano ho?" gulantang si Kaye."Utos ko na din ang matanggap ka sa Trabaho mo dahil alam naming gipit na gipit ka na at nangsanla na ng pamana ng oyong ina.Tauhan ko ang tumawag sayo na nagsasabing tanggap ka sa Hotel dahil amin ang hotel na iyon na sayo na ngayon hindi ba?" Humagolhol na naman ng iyak si Kaye.Lalong bumigat parang lalong masakit.Bakit wala siyang alam?bakit ang bait nila sa kabila ng kanyang mga nagawa?"Tanging si Nicolas lamang ang walang alam noon iha, hindi namin masabi sa kanya dahil puno ng galit noon si Nicolas, napuno ng depression ang anak ko at halos pabayaan ang sarili at walang pinakikinggan""Kinulong ni Nicolas ang sarili sa mundo mo at halos muntikan ng mawala ang anak ko sa amin.Nang kausapin ng ama mo si Nicolas, saka lamang ito parang nagising sa lahat ng panaginip""Anim na buwan mula ng umalis ka, ginawa ni Nicolas ang lahat ng ito, inilagay niya sa lahat ang dapat para sayo pati ang ama mo.Ang naisip ng anak ko ay patunayan sayo na mahal ka niya
Alam ni Nicolas na lumuluha na si Kaye dahil ngongo na itong magsalita, didilat na sana si Nivolas para popogin ng halik ang asawang sa wakas ay naglabas na rin ng totoong damdmain para sa kanya. Yayakapin na sana niya ang asawang sa wakas ay sinabi na rin kung gaano siya kamahal na tulad niya ay walang ibang mamahalin kundi siya lamang.Pero natigilan siya ng muling magsalita si Kaye.Humihingi ang asawa ng pang unawa at panahon. Humihingi ng pagkakataon sa kanya na makabawi at maghilom. Mahal na mahal niya si Kaye sobrang mahal kaya naman muling bumalik sa pagkakapilit si Nicolas at nagkunwaring mahimbing pa ring natutulog. Nang mga sandaling lumabas si Kaye sa sikid at nagkakasayahan sa lobby ng hote at nadiriwang ang empleyadong nakaalam na asawa niya si Kaye at si Kaye ang bagong may ari ng hotel ay nasa silid lamang siya at nakasobsob ang mukha aa unan at magisang lumuha.Matapos nilang magniig ay ni Kaye ay binulabog ni niya si Dion at Nigel saka ipinahanda ang sorpresa niya. Gi
Kinakapitan na lang ni Nicolas ang pagibig na sinabi ni Kaye at ang pag ibig niyapara sa asawa na sana maging sandalan at kapitan ni Kaye para mapaglabanan ang depression at guilt. Bagamat sinabi ni Nicolas na hahayaan si Kaye sa paghilom na nais nito hindi pa rin nagawa ni Nicolas na tuluyang ipaubaya sa tadhana ang paghilom. Kailangan pa ring maramdaman ni Kaye ang pagmamahal niya sa l ihim na paraan. Pagibig ang magiging antibiotic na tutulong magpabilis ng paghilom ng sugat sa puso at pride ni Kaye"Ikaw ang umuwi Nigel, ikaw ang mamgbantay sa asawa ko pero simple ka lang keep your distance. Ayokong isipin ni Kaye na pinababantayan ko siya" Sabi ni Nicolas.Walang kaalam alam si Nicolas na sa nga oras na yun dumiskarte na ng sariling plano ang kanyang ama. Walang kaalam alam si Nicolas na sa mga ikinilos ng kanyang ama ngayong ngayon lamang. Halos mapaluhod sa pintuan si Kaye ng makita ang napakagandang wedding portrait nila ni Nicolas na nasa uluhan ng kanilang king size bed.Sa
"Good...good.. basta kapag nagpunta ang manugang ko bawalan nyo mapunta sa tubig lalo na ang humago ng kahit ano ha? Sabihin nyo may red tide kaya pinabakuran ko maliwanag ba?Basta Hindi dapat makakuha ng hipon si Kaye" bilin nito."Opo...masusunod po Don Alfonso sige po mauuna na po kami" Paalam ng tauhan, siya naman pagdating ng ama ni Kaye."Balae, mabuti at tumawid ka agad agad ng Villa. Natanggap mo ba ang mensahe ko?"Sabi ni Don Alfonso."Oo balae pinangiisipan ko na nga kung paano bang arte ang gagawin ko. Natatawa ako dine sa kalokohan mo eh pero tiwala naman akong para rin ito sa kapakanan ng magasawa" Sabi ng ama ni Kaye."Sa totoo lang balae eh mararamdaman ko na ang panghihina at nalulungkot akong baka matagalan pa bago ko makita ang aking apo sa anak kong yun" dagdag ni Mang Fidel."Ako nga eh nagaalala na rin balae, aba tatlo ang anak kong barako, ang sumunod sa panganay ko ay tila magpapakatandang binata na sa Milan. Eto namang si Nigel ay tatlog beses ng bokya sayang a
"Nicolas.....Nicoy..... I'm so sorry. Patawarin mo ako..." Lumuluha ng sabi ni Kaye."Pangako hinding hindi na ito mauulit. Pangako Nicoy hindi na ito mauulit pa" Bulong pa niya. Tumayo si Kaye iginala slang paningin ng hindi makita ang kailangan ay nagbihis siya at gumayak para bumaba. Nagpolbos si Kaye kahit gabi na para maitago ang pamamga ng mukha at mata sa kakaiyak. Pumanaog si Kaye na may buong at matatag na plano.Pababa siya ng hagdan ng mapatingin sa orasan pero mas umagaw ng pansin niya ang larawan nila ni Nicolas. Mukhang inedit iyon at pinagsama sila. Malaki ang larawan kaya agaw pansin.Pakiramdam ni Kaye, wala na ang guilt sa dibdib niya. Napalitan ng kalungkutan at pagka miss sa lalaking katabi niya sa larawan.Gusto niyang mainis na puro larawan ni Nicolas ang bahay dahil mas lalo tuloy niyang nami miss ito.Mas lalo tuloy niyang narerealized na mali na naman ata ang desisyun niya tulad ng nakaraang dalawang taon. Pagupo niya sa hapag ay ipinaghanda agad siya ng makakai
Dahil sa mga naging suliranin ay nangbihis ang matandnang Don Alfonso At bumaba. Senenyasan nito ang kanyang driver at nagpahatid sa tistisan. Pagdating doon ay umaandar ang makinarya at may dalawang trabahador na nangangasiwa."Magandang Araw Don Alfonso" Bati ng mga ito kay Don Alfonso."Nasaan ang matanda ninyong amo?Paki sabi labasin ako at ayoko ng naghihintay hidi ko siya ililibre" napangiti ang mga tauhan sanay na ang mga ito na grabe magkulitan at magasaran ang dalawang magbalae. Masaya nga naman na ang. naging balae mo ay ang matalik mong kaibigan noon."Kaaalis lamang ho ni Sir.Fidel, Don Alfonso. Pupunta daw po ito sa palaisdaan at magsasaboy ng pataba" sagot ni Lito."Eh bakit siya pa ang gagawa noon. Damuhong iyon eh mahinan na ang tuhod eh lusong pa ng lusong sa lamig""Eh Hindi ho kase nakapasok si Tinding dahil nangla dengue ang apo at sinamaha. ang naak sa bayan paraamgpadoktor.Bale nga ho iyon kay Mang Fidel at ang wari ay mako confine ang apo.""Ah ganun ba, naku ab
"Papa ang alam ko po ay wala pang pananagutan si Nigel, Binata pa siya"sabi ni Sheryl. Napakunot ang noo nang matandang Don Alfonso, nagtataka kung bakit napasok si Nigel sa usapan."Oo nga binata pa ang bunso kong anak. Pero anong kinalaman ni Nigel sa usapin mo na naman kay Nicolas.? Pwede ba, tama na Sheryl, tama na, huwag mo ng saktan si Nigel. Hindi na niya kailangang malaman ang bagay na ito."Hindi ho maaari Don Alfonso dahil si Nigel ang dapat managot. Siya ang dapat magpakasal sa akin kapalit ni Nicolas.""Ang Ibig mong sabihin ay si Nigel ang nais mong pakasalan kahit anak yan ni Nicolas?Aba Sheryl, maaaring minsang minahal ka ng anak kong bunso at minsan mo siyang nabulag pero ang umabot sa ganito na papanagutin mo ang isa dahil lamang alam mong hindi ka niya matitiis ay hindi ko pahihintulutan Sheryl. Huwag mong gawing miserable ang buhay ni Nigel na walang nagawan kasalanan sayo kundi ang minahal ka lang ng batang puso niya" dismayadong sabi ni Don Alfonso."Hindi ho ito
Halos lumipas ang mahigit isat kalahating taon,bago muling sumipot si Sheryl sa kanilang Mansion.Ang buong akala ng matanda ay nagiba na ang plano ng babae dahil sa inalalayan ito ni Nigel at sinundan pa nga ng kanyang bunsong anak sa Maynila. Alam ni Don Alfonso kung gaano nahuhumaling ang bunso sa babae. Sa totoo lang wala namang siya sanang kontra kay Sheryl kahit pa nga questionable ang pagkatao nito. Minsan itong natira sa lugar niya at naging kaklase ni Nicolas. Ang ama naman ni Sheryl naging taga angkat ng kanilang mga produkto kaya nakilala at naging kapalagayang loob naman ni Don Alfonso. Bago mag graduate nang 4th year ay nawala ang pamilya nito sa lugar nila at nabalitaan na lang nila na nangibang bansa. Nagkataon naman noon na namatay ang ina ni Nicolas ang ikalawang babaeng sa buhay niya. Ang ina ni Nicolas ay pangalawang babae na sa buhay niya, ang unang babae na kanyang great great love ay ang ina ni Kaye, na inagaw ni Fidel noon. Ayon sa kuwento, nagkita sina Sher
Hindi muna nagsalita si Sheryl, Tumayo ito at kumuha ng isang putahe ng ulam at nilagyan ang plato ni Nigel.Pagkatapos ay seksing naupo sa harap ng binata ."Well, ung kung ayaw mong guluhin ko ang kapatid mo.Its better kung makikipag cooperate ka Baby." "Stop this sheryl. Stop this bullsh*t kung hindi...." "Kung hindi what?" napatayo na si Nigel sa inis lay Sheryl na para bang may pagbabanta pa ito. Anong gustong mangyari ng babaeng ito sa isip isip ni Sheryl. "Then,humanda ka sa isang malaking pasabog" sabi ni Sheryl at pagkatapos ay humakbang na palayo ng lamesa at umakyat ng hagdan. Hindi malaman ni Nigel kung ano ang gagawin. Kung susundan ba si Sheryl o kung titiisin ito. Naku -curious siya sa mga pinagsasabi ng babae at natatakot din siya na baka guluhin nito ang kapatid at ang ate Kaye niya na kababati pa lamang. Kaya sinilip ni Nigel kung saan pupunta si Sherly. "Saan papunta si Sherly?Sa kaliwang pinto ba?Sa silid ng kapatid niya? Pero nang makita ni Nigel na nilagpasa
Nang umaga iyon ay maagang gumising si Bernice bagamat mugto ang mata ay magaan ang kanyang dibdib at tila masigla pa nga ang dalaga.Himalang kahit natagalan siyang umiyak at mugto ang mga mata. Nagising ang dalaga ng masigla. Nagmuni muni pa ang dalaga sa higaan at kinapa ang labing kagabi lang ay dalawang ulit na inangkin ng kanyang paboritong amo.Pagkatapos asikasuhin ang almusal nang kanyang ikalawang Amo ay nagligpit naman si Bernice ng silid ng matanda. Kahit anong aga niya gumising ay mas maaga pa rin sa kanya si Mang Fidel, malamang sa malamang ay tumawid na ito sa ma mansion o nagtungo na sa palaisdaan.Kaya ang inihandang pagkain ay inilagay niya sa lamesa at tinakpan dahil alam niyang dakong alas nuebe ay uuwi ang matanda at maliligo at doon pa lamang kakain ng kanyang almusal.Alam ni Bernice na lasing ang kanyang amo kayat sinigurado niyang may sabaw ang nakahain.Tatawid sana siya ng maaga sa mansion para kumuha ng maaalmusal ni Mang Fidel ang kaso ay alam niyang walang
"Iha umupo ka na at nang makapag almusal na tayo" alok ni Don Alfonso sa manungang. Pero nawala na sa mood si Kaye, pagkakita pa lang niya sa pagmumukha ni Sheryl ay agad ng bumangon sng irita niya. Ewan niya pero sobrang kukukulo ang dugo niyasa babae at hindi na niya halos makontrol. Hindi pa pala umalis ang babae. Kagabi pa gigil si Kaye kay Sheryl sa bigla na bamang pagsulpot nito kung kelan maayos na ang lahat. Ano pa bang kailangan nito sa asawa niya? "Aakyat na laman muna ako Papa, nawalan na akong ng ganang kumain.Pangit na kase ang umaga dahil may pangit nang view" pasaring ni Kaye kay Sheryl at sinulayapan ng matatalim si Nicolas. Napasulyap naman si Don Alfonso at natawa ng bahagya saka yumuko. Naalia ang matanda sa simpleng kamalditahan ng kanyang manugang. Manang mana nga ito kay Keshia ang ina nito, manang mana ba nga sa katarayan manang mana pa sa kamalditahang slight. Pero sa palagay ni Don Alfonso ay tama lamang ang Trato ni Kaye sa bisita at hindi niya masisi
"Ows,Sigurado ka ba?Wait.Hindi niyo man lang ba ako aalukin mag almusal?Hindi mo ba ako aalukin Papa?" Sabi ni Sheryl. "Papa.!!" gulat na sabi naman ni Don Alfonso."Kailan pa kita naging anak?Tanong pa nito. "That's it! hindi na ito nakaktuwa, You're done here Sheryl..Halika na at ihahatid na kita palabas" Sabi ni Nigel. "No.Let me remind you, Papa na nangako kayo sa akin na kapag nanahimik ako kagabi ay pag uusapan natin ang problemang ito. Baka nakakalimutan niyo na kung naayos ninyo ang lahat tungkol kay Nicolas at Kayecay may isang bagay kayong naipangako at hindi inayos at ako yun." "Shut up Sheryl..! anong pinagsasasabi mo?" sita ni Nigel. "Papa what is she talking about?" naguguluhang tanong ni Nigel sa ama. "Gusto niyo bang?Umabot pa tayo sa korte. Maaaring may pera kayo. Mayaman kayo. Pero hindi ba magiging mantsa sa apelyido niyo ulit kapag nagsalita ako" Sabi ni Sheryl. "What is this again Sheryl? Hindi ka pa ba tapos?" Dumadagungong na salita ni Nicolás ang naring n
Lingid sa dalawa ay isang anino ang nakarinig at nakakita ng usapan nina Nigel at Bernice. Saktong papunta ang susuray suray na anino sa bahay galing ito sa paginom dahil medyo susuray suray na ay hindi na nagawang kumatok nito at nagtuloy lamang pumasok ngunit nawala ang tila kalasingan ng anino dahil pagbukas nito ng pinto ay nakarinig ito ng malakas na boses ng babae.Natigilan ang anino dahil kilala niya sng boses ng babae. Naisip ng isang anino na baka may kaaway ang babae kayat dahan dahan pumasok ang anino at naghanda. Hanggang pagkatapos ay sinundan ng anino kung saan nanggagaling ang boses na yun. May isang malapad na kahoy na divider sa sala na siyang nakatabing bago marating ang bandang kusina at doon nagkubli ang isang anino. Nawili ang anino na panoorin ang anino ng isang babae na nakikipagtalo sa isang lalaking kilalang kilala ng anino kung kaninong boses.Nagtaka naman ang isang anino kung bakit naroon ito, sa kagustuhan nitong maki usisa ay nanatili ito nakasilip.Ling
"Itigil mo yan Nigel. Hindi na magandang biro yan sobra ka na" naiiyak ng sabi ni Bernice. "Sinikap ko na ibaling ulit kay Sheryl yung lahat baka sakali iniisip ko naalungkot lang ako, na ikaw kase ang naging sandalan ko. Pero anuman ang gawin ko, hindi ka na mawala sa isip ko. Hindi ko na makalimutan yung halik na yun, Bernice" pagtatapat ni Nigel. "Sinungaling, kakasabi mo lang na may bago ka ng nagugustuhan.Tumigil ka na Nigel, masisipa kita kahit amo kita" nawala ang kilig na kanina lang ay nararamdaman ni Bernice nang mqpagtanto na binobola lamang siya ng amo. "Yung kinukwento ko sayo na babaeng nagugustuhan ko, yung sinasabi kong babaeng laman ng puso ko ngayon. Kaya ako naka move on na kay Sheryl. Ikaw yun Bernice.Ikaw yun" sabi ni Nigel na nakatitig sa kanya. Hindi nakakibo ang dalaga.Napatingin lang siya kay Nigel. Naghahalo ang takot, kaba kilig ng dalaga sa narinig. Masaya siya. Masayang masaya siya sa narinig nya. Katulad ni Nigel hindi rin nakalimutan ni Bernice ang m