"Good...good.. basta kapag nagpunta ang manugang ko bawalan nyo mapunta sa tubig lalo na ang humago ng kahit ano ha? Sabihin nyo may red tide kaya pinabakuran ko maliwanag ba?Basta Hindi dapat makakuha ng hipon si Kaye" bilin nito."Opo...masusunod po Don Alfonso sige po mauuna na po kami" Paalam ng tauhan, siya naman pagdating ng ama ni Kaye."Balae, mabuti at tumawid ka agad agad ng Villa. Natanggap mo ba ang mensahe ko?"Sabi ni Don Alfonso."Oo balae pinangiisipan ko na nga kung paano bang arte ang gagawin ko. Natatawa ako dine sa kalokohan mo eh pero tiwala naman akong para rin ito sa kapakanan ng magasawa" Sabi ng ama ni Kaye."Sa totoo lang balae eh mararamdaman ko na ang panghihina at nalulungkot akong baka matagalan pa bago ko makita ang aking apo sa anak kong yun" dagdag ni Mang Fidel."Ako nga eh nagaalala na rin balae, aba tatlo ang anak kong barako, ang sumunod sa panganay ko ay tila magpapakatandang binata na sa Milan. Eto namang si Nigel ay tatlog beses ng bokya sayang a
"Nicolas.....Nicoy..... I'm so sorry. Patawarin mo ako..." Lumuluha ng sabi ni Kaye."Pangako hinding hindi na ito mauulit. Pangako Nicoy hindi na ito mauulit pa" Bulong pa niya. Tumayo si Kaye iginala slang paningin ng hindi makita ang kailangan ay nagbihis siya at gumayak para bumaba. Nagpolbos si Kaye kahit gabi na para maitago ang pamamga ng mukha at mata sa kakaiyak. Pumanaog si Kaye na may buong at matatag na plano.Pababa siya ng hagdan ng mapatingin sa orasan pero mas umagaw ng pansin niya ang larawan nila ni Nicolas. Mukhang inedit iyon at pinagsama sila. Malaki ang larawan kaya agaw pansin.Pakiramdam ni Kaye, wala na ang guilt sa dibdib niya. Napalitan ng kalungkutan at pagka miss sa lalaking katabi niya sa larawan.Gusto niyang mainis na puro larawan ni Nicolas ang bahay dahil mas lalo tuloy niyang nami miss ito.Mas lalo tuloy niyang narerealized na mali na naman ata ang desisyun niya tulad ng nakaraang dalawang taon. Pagupo niya sa hapag ay ipinaghanda agad siya ng makakai
Sa papglalakad lakad ni Kaye sa lugar na kinalakihan ay napansin niyang maraming nagbago. Nalungkot nigla si Kaye ng maalala na naman ang nakaraan nila ni Nicolas. Marami ngnang nangbago at sa totoo lang hindi ala ni Kaye kung matapos ang papgbabayad niyang kasalana ay saan siya tutungo ulit. naging mahirap ang pakikipagsapalaran niya sa Maynila noon.Pababa na si Kaye sa kanilang palaisdaan ay nagulat siya ng makita niyang nakabakod ng kulay itim na fish net ang palaisdaan ang bumungad at may karatulang itong,"Bawal muna mangisda may redtide" isa palang babala ang karatula."Ano!? Teka hindi pwede sandali lang kahit isang piraso lang" Sabi ni Kaye na magpipilit sanang lumusong sa tubig pero pinigilan siya ng ilang mga tauhan."Naku senyorita bawal po bawal na bawal po at makakasama po sa kalusugan nyo. Delilado po kahit isang piraso lang" Awat sa kanya ng mga naroroon."Pero kailangan ko po ng hipon ngayon""Subukan nyo ho sa palengke senyorita o kaya baka may frozen sa restaura
"Mga anong oras ba ang dating ng iyong itang?""Mamaya pa ho iyon pakahapunan wag lamang masabit sa inuman" sabi ng binatilyo.Nang marinig ni Kaye na alas otso pa ang datin ay agad na nagtanggal ng tsinelas si Kaye at nililis ang kanyang suot na pantalon."Kunin mo ang basket bilis .Hapon na wala na akong time na hintayin ang iyong itang" Sabi ni Kaye na lumusong na nga sa putikan. Dahil self made lamang ang palahian na parang pinalaking luluban lamang ng kalabaw ay maputik ito at malalim na rin. Sa mga natural breading ng hipon ay sa putik ang mga ito naglilimlim hindi tulad ng mga makabagong palaisdaan na sa fish net na naka baon sa ilaim ng tubig ang breeding.Kinailangan ni Kaye na umupo at sumalampak sa putikan para makita ang galaw ng hipon at dahil dalawang hipon lamang ang naroon at nahirapan ang dalagang makita ito sa naghalong tubig at putik. Mag aalas sais ng gabi ng mahuli ni Kaye ang hipon na sing liit ng daliri niyang hinliliit. Ang kaso dahil sa ilang beses na pag biyah
Hindi naman nakaidlip ng matagal si Kaye, pagdilat niya ay muling napabalikwas ito at agad na bumaba para alamin kung nakauwi na ang biyenan. Nasa dulo na ng baitang si Kaye ng masulyapan niya ang lamesa sa dinning area at kitang kita niyang naroon pa rin ang ulam na hipon at hindi pa nagagalaw. Isa lamang ang kahulugan niyon, hindi pa nakakauwi ang kanyang biyenan.Tumingala si Kaye sa mga silid sa itaas sat sarado naman ang silid ng matanda. Hindi malaman ni Kaye kung naroon na ba ang matanda at sinadyang inabin ang luto niya at ipahiwatig sa kanya na hinid nito tinatanggap ang suhol niya. "Pero iyon ang kondisyun niya? bakit niya iisnabin?" bulong ni Kaye.Humugot na lamang ng malalim na hingina si Kaye at muling naging positibo. Itinanim sa isip na maaaring wala pa ang matanda.At hindi pa naman natatapos ang araw ngayon na taning niya. Bagamat napapansin ni Kaye na tila may kakaiba ngayun dahil halos madilim na sa labas ay wala pa ang matanda.Pagbaba ni kaye sa sala ay wala siy
"Hoy, Ano iha convincing ba acting ko? tingin mo nakahalata ba ang anak ko?" tanogn ni mang Felix sa batang maid na inilaan sa kanya ng mga Buencamino na palaging bibisita sa kanya para maghatid ng pagkain at umalalay sa kanya."Pwede na rin medyo kulang lang sa luha" sabi ng lalaking biglang lumabas ng kabilang silid."Don Alfonso nariyan po kayo?kanina pa po?" gulat na tanong ng katulong. Hindi niya alam na nakabalik pala ang Don agad."Pero bakit hindi ito nagpakita kay senyorita Kaye? " Naguguluhang tanong ni Lovely pero hindi naisatinig."Oo, bumalik ako kanina lang bago ka maghatid ng hapunan" Sabi ng Don."Ipagtimpla mo muna kami ng kape at may laro pa kaming tatapusin" Sabi ng Don."P-pero sir..kase si Senyorita po ay hinihintay kayo sa mansion kase yung ano po kase.." Nauutal na sabi ng katulong."Ako ng bahala doon.Wag kang magsasalita. Sige linisin mo ung kalat ni Tandang Fidel at baka matuluyang atakihin yan" sabi ng Don."Aatake na talaga ako balae, atat na akong ma che
Aaminin ni Nicolas na naiintindihan niya si Kaye pero hindi maiwasan ng puso niya ang magdamdam sa asawa. Pakiramdam niya kase sarili lamang ni Kaye ang iniisip nito.Ang sariling sugat, ang sariling guilt Paano siya? may guilt din naman siya dahil hindi niya sinabi ang mga nangyari kay Kaye.Sa takot niyang magbago ang isip ni Kaye noon balak niyang sabihin sana pagkasal na sila"Siya rin naman ay nilalamon ng guilt dahil hindi niya nahanap si Kaye aa loob ng dalawang taon at hindi naging sapat ang pagpapakita niya ng pagmamahal dito noon kaya nag doubt ito sa kanya. Napabayaan niyang naghirap ang asawa sa loob ng dalawang taon.Yyn mabigat din sa konsensya yun. Pero mas lamang ang pagmamahal at pagkamiss ni Nicolas sa asawa at tulad ng payo niya kay Nigel mas dapat lamang ang pagmamahal sa lahat ng bagay"At tulad ni Kaye habang inuunawa niya ang asawa ay paghihilumin din niya ang sarili sa lahat ng sakit at takot na meron siya. Gustuhin man niyang sumugod sa mansion at daanin na lang
"Mag ama nga sila..." Bulong ni Don Alfonso sa sarili habang titig na titig sa magandang manungang na medyo pumayat ata at tila maputla kesa ng nakaraan."M-may kinalaman po ba kayo kung bakit hindi ako makabili sa palengke, kaya po ba parang nakapagtatakang biglang mabilis na naubos ang mga hipon sa palengke gayung maaga pa naman kanina?" kung tutuusin ay hinala na iyon ni Kaye dahil nakakagualt na parang napakamalas naman niya at kung pagbabasihan ang kapanyarihan at koneksiyon ng mga ito ay posible nga.Lalong umiyak sa Kaye sa naisip niyang marahil nga ganun kamuhi sa kanya ang beyanan kaya ginamit pa nito ang kapangyarihan para lamang hindi siya makakuha ng hipon. Pinipigilan ba siya nitong magawa ang kondisyun nito para tuluyan ng mapawalang bisa ang pagiging asawa niya sa anak nitong si Nicolas.Kung sabagay may karapatan naman itong magalit dahil sa hiniling niya ang nakakahiyang bagay na iyon. Hindi siya karapatdapat sa anak nito sa totoo lang.Masyado siyang naging makasarili
Naiwang tulala si Nigel. May ilang tao na ang nakakaalis. Si Mang Fidel, dahil medyo nakainom na nga, laging malakas ang loob, ay agad na lumapit kay Bernice. Lumakad ang binata patungo sa tapat ng pinto ng dalaga. Nang mga sandaling iyon, medyo pumayapa na ang kalooban ni Bernice. Napag-isip-isip na niya na bago pa man mangyari ang lahat, at bago pa man niya marinig ang mga sinabi ni Nigel kay Kaye, ay nagbabala na ang binata at pinangakuan na siya na kahit na anong mangyari, siya ang mahal nito. Dahil sa mga alaalang iyon ng mga pangako ni Nigel, ay nagkaroon ng lakas ng loob si Bernice na muling umasa at paniwalaan si Nigel. Saka sakali man nga na anak ni Nigel ang bata, hindi naman ibig sabihin nun na hindi na siya mahal nito. Hindi naman lingid sa kanyang kaalaman ang nakaraan ni Nigel at ni Sheryn, at alam niyang ilang beses na pinaasa at ginamit ni Sheryl ang binata.Dahil sa mga isipin niyang iyon, parang biglang tumapang si Bernice. Bigla niyang naisip na hindi niya dapat
Nakailang katok siya pero talagang ayaw magbukas ni Bernice. Alam niyang hidi ito tulog dahil naririnig nya ang mahinang hikbi nito.Alam niyang nasasaktan si Bernice at natatakot oto na baka maipakasal nga siya kay Sheryl at pwede pang naniniwala itong anak niya ang dinadala ng nababaeng iyon. Kahit nalulungkot at nag-aalala, sinunod niya ang payo ni Kaye. Binigyan muna niya ng panahon si Bernice para makapag-isip. Kaya matapos ang ilang katok na hindi siya pinagbuksan ng dalaga, lumayo muna sina Nigel sa pintuan.Balak sana ni Nigel na manatili doon at hintayin na lumabas si Bernice, pero alam niyang magtataka si Mang Fidel kapag dumating ito. Kaya kahit ayaw niya at mabigat sa kalooban niya, kailangan niyang umalis. Kailangan niyang umalis sandali sa bahay na iyon.Nasa kalagitnaan na ng pagtawid mula sa bahay ni Mang Fidel at sa kanilang mansyon si Nigel nang makasalubong niya ang matandang si Mang Fidel. Hindi alam ng matanda na nagpunta si Nigel sa kanila. Pero nagkunwari si Ma
Nang oras na iyon ay tinawagan ni Nigel ang kapatid na si Nicoals at sinabing nasa bahay ito ng ama. ang ate Kaye niya. Ihahatid sana ni Nigle ang hipag sa mansion pero hindi niya magawang iwan si Bernice. Alam niyang nagdaramdam ito, sa ngayon ay wala siyang kalayahang tumulong sa siliranin ng iba dahil sarili niya mismo ay nasa komplikadong sitwasyun. Kung pwede lang sana na matulog siya at bukas ay tapos na ang problema ay ginawa na niya.Wala pang kalahating oras, dumating na ang kuya ni Clash. Halos hingal na hingal ito nang dumating at halos masira pa ang pinto sa pagbukas. Nagmamadali itong pumasok sa bahay at agad na tinawag ang pangalan ng kanyang asawa. "Kaye, Love, nasaan ka? Nasaan ka, please? Nandito ka ba, Nigel? Nasaan ang ate Kaye mo?" Bungad agad sa kanya ng kapatid niya, at halatang natataranta ito.Huminga nang malalim si Nigel. Kung totoo ang sinabi ng kanyang ina, idol niya ang kanyang kuya. Ngayon lang niya naunawaan ang kanyang kuya. Na kapag may babaeng minah
"Ate halika na ihahahtid na kita sa mansion" alok ulit ni Nigel."Ayoko Nigel, saka na lang. Ayoko kung bumalik doon na naroon pa si Sheryl, hindi ko kaya" mangiyal- ngiyak ulit na sabi ni Kaye."Ate Kaye, need to go home walang kasalana nsi Kuya Nicolas, narinig mo mo ba na sinabi ni Sheryl na si Kuya ang ama?" tanogn niya sa hipag."Ano ang ibig mong sabihin, narinig ko silang anguusap ng Papa at........." natigilan si Kaye sa pagsasalita dahil narinig nga niya ang tungkol sa buntis si Sheryl pero hindi naman niya nga pala narinig na tinukoy nito si Nicolas dahil umalis na siya. "Hindi ko man narinig ang pangalan ng kuya mo dahil umalis na ako, ay alam kong si Nicolas ang pakay ni Sheryl at si no pa bang iba" sabi niya."Ate, alam natin lahat yan pero, ate ang sabi sa akin ng Papa, sinabi daw ni Sheryl na ako ang ama ng dinadala niya at kailangan daw kaming makasal bago pa mahalata ang tiyan ng babaeng iyon" amin ni Nigel."Ano Ikaw ang ama ng dinadala niya, as inb ikaw ang nakabu
"Nigel, ano ba 'tong mga pinagsasabi mo? Ano ba kasi ang..." Hindi naituloy ni Bernice ang sasabihin. Bigla siyang hinalikan ni Nigel—madiin, parang puno ng pagmamahal, pero may halong takot at pangamba rin. Hindi man naiintindihan ni Bernice kung ano ang problema at kung bakit nagkakaganito ang binata, sinagot niya ang halik ni Nigel. Ipinaramdam niya kay Nigel na nakahanda siyang makinig at umunawa. Pagkatapos ng halik, mahigpit siyang niyakap ni Nigel. Hanggang sa marinig nila ang isang kalabog mula sa bakanteng silid. "Ano 'yun? May tao ba sa guest room?" tanong ni Nigel. "Kung hindi ako nagkakamali, wala pa naman si Mang Fidel... Pero oo nga, may narinig akong kalabog." Naging curious silang dalawa kaya sabay silang umakyat para tingnan kung sino ang nasa silid. Kinatok nila ang pinto, pero hindi pala ito naka-lock. "Teka... hindi kaya si Ate Kaye yun? Mula kahapon pa siya nawawala!" bulalas ni Bernice. "Bernice, kunin mo 'yung susi!" utos ni Nigel, nag-aalala na. Binu
Kinagabihan, nagkaroon ng masinsinang pag-uusap si Don Alfonso at ang bunsong anak niyang si Nigel. "Ano po, Papa? Pakiulit nga po sinabi niyo?" tanong ni Nigel. "Ang sabi ko, nag-usap na kami ni Sheryl at nalaman ko na ang dahilan kung bakit siya naririto. Hindi mo pa pwedeng takasan ang responsibilidad mo na dyan. Totoo namang hindi tayo naging patas kay Sheryl," sabi ni Don Alfonso. "Anong ibig sabihin niyan, Papa?" nagtatakang tanong ni Nigel. "Buntis si Sheryl kaya may pananagutan ka sa kanya. Sabihin mo sa akin kung hindi kayo nagkaroon man lang ng kahit na anong kontak ni Sheryl. Tatlong buwan ang lumipas bago ngayon. Sabihin mo lang sa akin ang totoo kung pinakialaman mo ba ang babaeng iyon sa loob ng mga panahon na 'yun," sabi ni Don Alfonso. "At hindi... sa palagay ko... oo, may nangyari sa amin. Pero medyo lasing ako noong mga panahon na 'yun, pero alam kong may nangyari sa amin," halos hindi makapagsalitang sagot ni Nigel. "Nakipag-usap na ako kay Sheryl, at kailangan
Nagulat si Mang Fidel nang salubungin siya ng isang tauhan nang magpunta siya sa kiskisan. "Mang Fidel," sabi ng tauhan, "nasa likod po sa kubo si Don Alfonso at hinihintay kayo. Meron daw ho kayong pag-uusapan mahalaga." Tumango lamang si Mang Fidel. Pagkatapos ay nagbilang siya ng ilang mga sako ng bigas sa naroon. Maya-maya ay naglakad na siya patungo sa likurang bahagi ng kiskisan kung saan naroon ang paborito nilang kubo. Nagtataka si Mang Fidel kung ano ang pupwedeng sadya ni Don Alfonso. Sa pagkakaalam niya, wala naman silang usapan ngayon at wala rin namang bagay na nakalimutan o hindi natupad sa usapan nila ni Don Alfonso. Pero alam ni Mang Fidel na kung ano man ang pag-uusapan nila ni Don Alfonso ay mahalaga ito at sikreto. Dahil doon sa tambayan nilang kubol noong sila ay mga binata pa, ay doon ito ninais na siya ay makausap. Dahil kung ang bagay na sasabihin nito ay tungkol lamang sa negosyo o ilang mga bagay-bagay, sa tahanan ng mga ito ay pupwede itong sabihin ni
Agad lumabas sa Nicolas at hinanap sa kapaligiran ang asyenda ang asawa pero nakaipang ikot na siya ay hinsi niya makita Kaye makita. Sinubukan niyang tumawid sa bahay ng ama ni Kaye, nagbakasakali siyang baka napunta roon ng asawa.Ang takot sa nakaraan ay parang nanumbalik kay Nicolas. Ang pagaalala na baka nhisi na naman makinig si Kaye o baoa iba na naman ang iniisip nito ay lalong nagpabigat ng pakiramdam ni Nicolas. Wala pa naman ang kanyang ama para tanungin niya tungkol sa naging usapan ng mga ito. Ayaw naman niyang makita ang pagmumukha ni Sheryl.Sunod,sunod na katok ang ginawa niNicolas at tonatawag si Kaye. Nataranta naman sina Nigel at Bernice na kasalukuyang magkayakap."Si Kuya Nicolas, bakit nandito si Kuya? teka...teka! huwag mo munang buksan" sabi ng binata at agad na nagtago si Nigel sa likod ng kusina. Napailing na lang si Bernice at sumilay ang lungkot sa mga mata. Inayos ang sarili at pinunas ang luha.Saka laylay ang balikat na tinungo ang pinto."Magandang araw p
"Oh nasan yung sagot mo?natahimik ka na?" nangingiti nf sabi ni Nigel. "Ha?alin yun?" "Yung sagot mo.Yung sagot sa i love you too asan na?" "Aaaah" Natatawa ang reaksyon ni Bernice. "Oo na, I love you too naman talaga eh. Alam mo naman na yun. Buking naman na ako matagal na di ba? Magre react ba ako ng ganito kung hindi kita gusto?" sabi ng dalaga. "Masasaktan ba ako ng ganito kung hindi kita mahal? Buong akala ko kasi talaga. magkabalikan kayo eh. "Hindi na mangyayari yun. Hinding hindi na mangyayari ko hahayaan yun.Dahil natagpuan ko na ang forever ko"sabi ni Nigel. "Talaga?" "Hoy Bernice, huwag mo akong hinahamon, may bakanting silid dyan baka gisto mogn hindi makapagtapos mapatunayan ko lang na mahal kita" "Hoy Nigel tumigil ka nga!" sabi niBernice saby tapik sa dibdib ng binata. "Kita mo natakot ka.Huwag ka na kasing magalala. Mahal kita period"sabi ni Nigel na itinuloy ulit ang paghalik sa dalaga.Nawala naman ang hiya at pagaaljnlangan Bernice at tinanggap ng may pana