Matapos ang halos isang oras na pakikipag talastasan sa sarili ay lumabas ng opisina Nicolas at nagsulat ng mahalagang Announcent sa Memo Board. Halos hindi naman magkandaugaga si Kaye sa pagaasikaso sa kusina.Bilang isa sa mga nag apply ng program para maging regular employee isa sa requirements ay dapat nilang maranasan ang lahat ng gawain sa bawat department ng restaurant kabilang pa ang hotel. Ang restaurant kasing pinagtatrabahuhan niya ay may kanugnog na Hotel at Resort sa likod.Kaya pagkatapos mag assist at kabisaduhin ang mga bagay sa restaurant ay Hotel naman ang kasunod.Kanina pa siyang umaga nahihilo at namumutla marahil dahil sa pagod at puyat. Bukod kase sa halos naging sunod sunod ang overtime niya at kung minsan sinasalo pa niya ang mga gustong mag day off.Hindi kase kumukuh ng day Off si Kaye para makadagdag sasahod.Nagaaral ng management si Kaye.Nagenroll siya nitong semester lamang. Kahit paano kase ay nakaipon na siya ng sapat para makapag enroll yun mga lamang k
Magandang babae ang prenteng natutulog ang nakita ni Nicolas.Tulo laway pa ito. Dahan dahang lumapit si Nicolas paharap sa babaeng walang iba kundi si Kaye."Ay sir si ano po yan, gigisingin....."Sumenyas ng Quiet si Nicolas sa empleyadang palapit saka niya tinaboy palayo.Sumenyas ito ng coffee sa babae na naunawaan naman nito. Umupo si Nicolas sa katabing Devan sa tabi ng asawa at doon payapa at malayang pinagmasdan si Kaye.Impis talaga ang pisnge nito nawala na ang tambok na noon ay gustong gusto niyang pisilin at paghahalikan pero taglay pa rin ni Kaye ang maamong mukha na taliwas sa mala tigre nitong karakter at ang labing miss na miss niya pero hindi man lang nagawang pagsawaan.Heto ang babaeng halos dumurog sa pagkatao niya, babaeng nagdulot ngatinding kahihiyan at kalbaryo sa kanya sa loob ng dalawang taon. At isinusumpa ni Nicolas na hindi niya palalagpasin ang isang araw na hindi niya naibabalik ang hirap niya noon sa babaeng ito."Ipalalasap niya ang sakit na dinulot nito
Sa tindi ng hinanakit at galit sa puso ni Nicolas inaamin niyang pumasok sa isipan niyang singilin ito doon mismo kahit nasa ganoong kalagayan.Sumagi sa isip niyang angkinin ang bagay na dapat ay sa kanya noon pa man. Pero ng umumgol at nakita ni Nicolas ang pagpatak ng munting luha sa mata ni Kaye. Natauhan si Nicolas at nagsisi sa mga naiisip. Pero ang pagiging likas na lalaki ay hindi niya na makontrol.Ang pananabik sa asawa ay unti unti ng lumulukob sa pagkatao niya kaya nakita na lamang ni Nicolas ay sariling yakap ang pawisang asawa.Isang masuyong halik sa labi ang ginawa nNicolas pagkatapis ay libo libong kontrol ang gonawa upang awatin ang sariling laliman ang halik na iyon.Saka madalian niyang sinuotan ng hotel robe si Kaye at kinumutan saka ikinulong ng binata ang sarili sa Cr. Nagtagal si Nicolas sa banyo, nanglunoy nga sa shower kung ilang oras ay hindi niya alam.Matapos mahimasmasan ay nagbihis ulit ng dating suot saka patalilis na lumabas ng kanyang silid at muling bu
Hirap si Kaye ng araw na iyon dahil All around siya sa araw na iyon. Pero dahil sa magandang balitang nakita ay ginanahan na lang niya imbes na makaramdam ng pagod. Palabas na si Kaye ng kitchen ng masalubong niya sa labas si Dior ang manager ng Resto. As usual, maganda na naman ang ngiti nito sa kanya. Minsan naiisip niya na nagpapa cute ito sa kanya. Pansin niya kase na siya lamang ang nginingitiian nito na abot hanggang tenga, ang ilang babaeng staff kapag binabati ito ay tango lamang ang sagot pero kapag siya ang bumati ay may sagot na may ngiti pa. Tulad ngayon. "Good afternoon po Sir Dior" Bati ni Kaye. "Hi Kaye, papunta ka na ba sa meeting?"tanong nito. "Ah yes sir natapos ko na po ang lahat ng gawain sa kitchen" Sabi ni Kaye. "Sa kitchen? you mean sa kitchen ka pa din naka assign. Oh my God! let me talk to Merna, para mailipat ka agad sa dapat mong department. Gusto mo ba sa hotel na lang?" Sabi ni Dior. "Okay lang sir sabi naman sa HR ngayong araw lang dahil biglaan
Malapad ang ngiti ni Kaye ng bumalik ang among si Dior at magkasabay na nga silang nagtungo sa silid kung saan gaganapin ang pagpupulong.Lingid sa dalawa, dalawang kamao ang gigil na nakakuyom at halos mag apoy an mga mata sa tindi ng selos. Kitang kita kase nito ang mga ngiti ng babae sa CCtv. Mga ngiting dapat ay kanya lang, mga ngiting pagaari niya.Nag igtingan ang mga bagang ni Nicolas, hindi niya kayang makitang makipagngitian at mabutihan sa iba ang asawa. Inaamin ni Nicolas na matindi ang selos na nararamdaman niya.Sa pagkakalayo nila ni Kaye ng halos dalawang taon ay hindj na niya alam ang mga pagbabago sa sawa. Noon ay hindi niya naranasan ang magselos. Kahit kase napakasungit ni Kaye noon sa kanya ay wala itong inentertain na ibang manliligaw.Pero iba na ngayon at hindi niya gusto ang nakikita. Magandang lalaki rin si Dior at mayaman din ang pamilya. Kung baga sa class ay ka level niya. Lalong nanlisik ang mata ni Nicolas sa monitor kahit wala na doon ang binabantayan.H
Nakalabas na ang lahat pero nanatiling nakaupo sa silya si Kaye. Hindi siya makapaniwalang tama ang kutob niya. Hindi siya namamalik mata lamang.Si Nicolas nga… si Nicolas nga ang may ari ng pinapasukan niya. Sa malas naman talaga. Sa dinami dami ng mapapasukan, sa ilang ulit niyang paglipat ng trabaho sa mga kamay din pala ng isang Buencamino siya babagsak. Napakamalas naman niya, kung kailan kakapirma pa lamang niya ng kontrata bilang regular, kung kailan nagkaroon na siya ng liwanag at pagasawa sa kanyang kinabukasan ay saka naman sumulpot si Nicolas."Ano ng gagawin niya? paano na? magreresign na ba siya? Kailangan na ba niyang lisanin ang trabaho?" Agam agam ni Kaye na biglang nabahala sa darating na mga sandali. Naging lamang ng isipan ni kaye ang tapogng iyon ng pagkikita nila ni Nicolas kaa halos tulala siya. Si Nilo pa ang nagpaalala sa kanya na kailangan ng umalis.Tulalang lumabas ng building si Kaye habang abala ap rin ang utak sa hindi halos kapani paniwlang pangyayari.
Kinabukasan ay nagaalangan si Kaye sa pagpasok pinakiramdaman niya ang paligid. Bagamat hindi siya makapaniwala na sa kusina pa rin and distinasyun niya ay ipinagpatuloy lamang ni Kaye ang gawain, ang mahalaga ay may trabaho siya.Pinakamahirap na parte at trabaho ay sa kusina lalo na pagkatapos ng rush hour at lunch time kaya kanda ugaga si Kase sa pagliligpit ng maruruming kitchen items. Kailangan palaging ilabas ang mga basang basura at mga left over para maiwasan ang langaw kaya naman nakailang ulit labas pasok si Kaye sa kusina at naglalabas ng black bag gamit ang exit door.At sa ilang ulit na paglabas pasok niya ay nakikita niya si Nicolas na nagmamando sa ilan staff na naglilinis ng glass na dinding ng restaurant. At nakahinga ng maluwag si Kaye dahil hindi siya nakikilala ni Nicolasat hindi man lang sulyapan. bagamt nakakaramdam ng kirot at sakit sa damdamin ay ipinangkibit balikat na lamang ni Kaye.Naging atease na siya ng sumunod pang sandali. Matrabaho at marumi ang kitch
Sinundan ni Nicolas ang sasakyan ni Dior hanggang sa bahay ni Kaye. Nagpupuyos sa galit si Nicolas ng alalayan ni Dior ang asawa. Nasipa ni Nicolas ang gulong at nasuntok ang side mirror ng makitang ininvite pa ni Kaye ang lalaki para pumasok sa bahay nito ng dis oras ng gabi."D*mn It! Kaye, pagsisisihan mo ang pagtataksil na ito sa akin" Sabi ni Nicolas.Habang nanantili sa labas at nagmamanman ay kung anu-ano ang pumasok sa isipan ni Nicolas. Naisip niyang baka matagal ng nagtatagpo ang dalawa, baka kaya mabilis na nakapasa si Kaye sa promotion, o baka may kapalit ang lahat.Baka bulod kay Dior ay nagkaroon pa ng ibang mga karelasyun si Kaye sa loob ng dalawang taon."Aaah., damn you Kaye!!" Halos sigaw ni Nicolas.Masakit sa damdamin at sa pride niya na masaya at maligaya ang asawa aa iba santalang siya ay nagdurusa ng dalawang taon, samantalang siya sa kabilan ng galit at poot ay nanatiling tapat. Mas lalong tila nabaliw sa galit ni Nicolasdahil sa napagtantong katotohanan, Katot
"Ate halika na ihahahtid na kita sa mansion" alok ulit ni Nigel."Ayoko Nigel, saka na lang. Ayoko kung bumalik doon na naroon pa si Sheryl, hindi ko kaya" mangiyal- ngiyak ulit na sabi ni Kaye."Ate Kaye, need to go home walang kasalana nsi Kuya Nicolas, narinig mo mo ba na sinabi ni Sheryl na si Kuya ang ama?" tanogn niya sa hipag."Ano ang ibig mong sabihin, narinig ko silang anguusap ng Papa at........." natigilan si Kaye sa pagsasalita dahil narinig nga niya ang tungkol sa buntis si Sheryl pero hindi naman niya nga pala narinig na tinukoy nito si Nicolas dahil umalis na siya. "Hindi ko man narinig ang pangalan ng kuya mo dahil umalis na ako, ay alam kong si Nicolas ang pakay ni Sheryl at si no pa bang iba" sabi niya."Ate, alam natin lahat yan pero, ate ang sabi sa akin ng Papa, sinabi daw ni Sheryl na ako ang ama ng dinadala niya at kailangan daw kaming makasal bago pa mahalata ang tiyan ng babaeng iyon" amin ni Nigel."Ano Ikaw ang ama ng dinadala niya, as inb ikaw ang nakabu
"Nigel, ano ba 'tong mga pinagsasabi mo? Ano ba kasi ang..." Hindi naituloy ni Bernice ang sasabihin. Bigla siyang hinalikan ni Nigel—madiin, parang puno ng pagmamahal, pero may halong takot at pangamba rin. Hindi man naiintindihan ni Bernice kung ano ang problema at kung bakit nagkakaganito ang binata, sinagot niya ang halik ni Nigel. Ipinaramdam niya kay Nigel na nakahanda siyang makinig at umunawa. Pagkatapos ng halik, mahigpit siyang niyakap ni Nigel. Hanggang sa marinig nila ang isang kalabog mula sa bakanteng silid. "Ano 'yun? May tao ba sa guest room?" tanong ni Nigel. "Kung hindi ako nagkakamali, wala pa naman si Mang Fidel... Pero oo nga, may narinig akong kalabog." Naging curious silang dalawa kaya sabay silang umakyat para tingnan kung sino ang nasa silid. Kinatok nila ang pinto, pero hindi pala ito naka-lock. "Teka... hindi kaya si Ate Kaye yun? Mula kahapon pa siya nawawala!" bulalas ni Bernice. "Bernice, kunin mo 'yung susi!" utos ni Nigel, nag-aalala na. Binu
Kinagabihan, nagkaroon ng masinsinang pag-uusap si Don Alfonso at ang bunsong anak niyang si Nigel. "Ano po, Papa? Pakiulit nga po sinabi niyo?" tanong ni Nigel. "Ang sabi ko, nag-usap na kami ni Sheryl at nalaman ko na ang dahilan kung bakit siya naririto. Hindi mo pa pwedeng takasan ang responsibilidad mo na dyan. Totoo namang hindi tayo naging patas kay Sheryl," sabi ni Don Alfonso. "Anong ibig sabihin niyan, Papa?" nagtatakang tanong ni Nigel. "Buntis si Sheryl kaya may pananagutan ka sa kanya. Sabihin mo sa akin kung hindi kayo nagkaroon man lang ng kahit na anong kontak ni Sheryl. Tatlong buwan ang lumipas bago ngayon. Sabihin mo lang sa akin ang totoo kung pinakialaman mo ba ang babaeng iyon sa loob ng mga panahon na 'yun," sabi ni Don Alfonso. "At hindi... sa palagay ko... oo, may nangyari sa amin. Pero medyo lasing ako noong mga panahon na 'yun, pero alam kong may nangyari sa amin," halos hindi makapagsalitang sagot ni Nigel. "Nakipag-usap na ako kay Sheryl, at kailangan
Nagulat si Mang Fidel nang salubungin siya ng isang tauhan nang magpunta siya sa kiskisan. "Mang Fidel," sabi ng tauhan, "nasa likod po sa kubo si Don Alfonso at hinihintay kayo. Meron daw ho kayong pag-uusapan mahalaga." Tumango lamang si Mang Fidel. Pagkatapos ay nagbilang siya ng ilang mga sako ng bigas sa naroon. Maya-maya ay naglakad na siya patungo sa likurang bahagi ng kiskisan kung saan naroon ang paborito nilang kubo. Nagtataka si Mang Fidel kung ano ang pupwedeng sadya ni Don Alfonso. Sa pagkakaalam niya, wala naman silang usapan ngayon at wala rin namang bagay na nakalimutan o hindi natupad sa usapan nila ni Don Alfonso. Pero alam ni Mang Fidel na kung ano man ang pag-uusapan nila ni Don Alfonso ay mahalaga ito at sikreto. Dahil doon sa tambayan nilang kubol noong sila ay mga binata pa, ay doon ito ninais na siya ay makausap. Dahil kung ang bagay na sasabihin nito ay tungkol lamang sa negosyo o ilang mga bagay-bagay, sa tahanan ng mga ito ay pupwede itong sabihin ni
Agad lumabas sa Nicolas at hinanap sa kapaligiran ang asyenda ang asawa pero nakaipang ikot na siya ay hinsi niya makita Kaye makita. Sinubukan niyang tumawid sa bahay ng ama ni Kaye, nagbakasakali siyang baka napunta roon ng asawa.Ang takot sa nakaraan ay parang nanumbalik kay Nicolas. Ang pagaalala na baka nhisi na naman makinig si Kaye o baoa iba na naman ang iniisip nito ay lalong nagpabigat ng pakiramdam ni Nicolas. Wala pa naman ang kanyang ama para tanungin niya tungkol sa naging usapan ng mga ito. Ayaw naman niyang makita ang pagmumukha ni Sheryl.Sunod,sunod na katok ang ginawa niNicolas at tonatawag si Kaye. Nataranta naman sina Nigel at Bernice na kasalukuyang magkayakap."Si Kuya Nicolas, bakit nandito si Kuya? teka...teka! huwag mo munang buksan" sabi ng binata at agad na nagtago si Nigel sa likod ng kusina. Napailing na lang si Bernice at sumilay ang lungkot sa mga mata. Inayos ang sarili at pinunas ang luha.Saka laylay ang balikat na tinungo ang pinto."Magandang araw p
"Oh nasan yung sagot mo?natahimik ka na?" nangingiti nf sabi ni Nigel. "Ha?alin yun?" "Yung sagot mo.Yung sagot sa i love you too asan na?" "Aaaah" Natatawa ang reaksyon ni Bernice. "Oo na, I love you too naman talaga eh. Alam mo naman na yun. Buking naman na ako matagal na di ba? Magre react ba ako ng ganito kung hindi kita gusto?" sabi ng dalaga. "Masasaktan ba ako ng ganito kung hindi kita mahal? Buong akala ko kasi talaga. magkabalikan kayo eh. "Hindi na mangyayari yun. Hinding hindi na mangyayari ko hahayaan yun.Dahil natagpuan ko na ang forever ko"sabi ni Nigel. "Talaga?" "Hoy Bernice, huwag mo akong hinahamon, may bakanting silid dyan baka gisto mogn hindi makapagtapos mapatunayan ko lang na mahal kita" "Hoy Nigel tumigil ka nga!" sabi niBernice saby tapik sa dibdib ng binata. "Kita mo natakot ka.Huwag ka na kasing magalala. Mahal kita period"sabi ni Nigel na itinuloy ulit ang paghalik sa dalaga.Nawala naman ang hiya at pagaaljnlangan Bernice at tinanggap ng may pana
"Teka...!Teka nga, anong wala kang karapatan. So, ano yung usapan nating kagabi wala lang sayo yun? Yung pagtatapat ko sayo palagay mo ba lokohan lang yun? So when you kiss me back wala lang pala sayo yun? So wala pa din ba akong karapatan sayo ngayon? Hido kita pwedeng yakapin kahit miss na miss na kita ngayon. Bernice naman!!" nanlulumong sabi ni Nigel. "Eh kasi, kitang kita ko siya eh. Kitang kita ko kayong dalawa. Anong gusto mong gawin ko matuwa? Anong gusto mong isipin ko.Eh yun ynug babseng iniiyakan mo diba?" Sabi ni Bernice na medyo nagbaba na ng kanyang tono. "Bernice naman, alam mo naman kung gaano ko halos isuka yung babaeng yun hindi ba?Alam mo naman kung paano niya ako sinaktan, ginawang gago at pinaikot ikot. Hindi ka ba talaga naniniwala na naka get over na ako sa kanya. Iniisip ko ba talaga n lahat ng sinabi ko sayo ay panloloko?" naghihinanakit na sabi ni Nigel. "Bernice naman, Alam mo kung papano ko minahal yung babaeng yun.Sobra akong magmahal. Kaya hindi ko kay
Dahil sa mga naging suliranin ay nangbihis ang matandnang Don Alfonso At bumaba. Senenyasan nito ang kanyang driver at nagpahatid sa tistisan. Pagdating doon ay umaandar ang makinarya at may dalawang trabahador na nangangasiwa."Magandang Araw Don Alfonso" Bati ng mga ito kay Don Alfonso."Nasaan ang matanda ninyong amo?Paki sabi labasin ako at ayoko ng naghihintay hidi ko siya ililibre" napangiti ang mga tauhan sanay na ang mga ito na grabe magkulitan at magasaran ang dalawang magbalae. Masaya nga naman na ang. naging balae mo ay ang matalik mong kaibigan noon."Kaaalis lamang ho ni Sir.Fidel, Don Alfonso. Pupunta daw po ito sa palaisdaan at magsasaboy ng pataba" sagot ni Lito."Eh bakit siya pa ang gagawa noon. Damuhong iyon eh mahinan na ang tuhod eh lusong pa ng lusong sa lamig""Eh Hindi ho kase nakapasok si Tinding dahil nangla dengue ang apo at sinamaha. ang naak sa bayan paraamgpadoktor.Bale nga ho iyon kay Mang Fidel at ang wari ay mako confine ang apo.""Ah ganun ba, naku ab
"Papa ang alam ko po ay wala pang pananagutan si Nigel, Binata pa siya"sabi ni Sheryl. Napakunot ang noo nang matandang Don Alfonso, nagtataka kung bakit napasok si Nigel sa usapan."Oo nga binata pa ang bunso kong anak. Pero anong kinalaman ni Nigel sa usapin mo na naman kay Nicolas.? Pwede ba, tama na Sheryl, tama na, huwag mo ng saktan si Nigel. Hindi na niya kailangang malaman ang bagay na ito."Hindi ho maaari Don Alfonso dahil si Nigel ang dapat managot. Siya ang dapat magpakasal sa akin kapalit ni Nicolas.""Ang Ibig mong sabihin ay si Nigel ang nais mong pakasalan kahit anak yan ni Nicolas?Aba Sheryl, maaaring minsang minahal ka ng anak kong bunso at minsan mo siyang nabulag pero ang umabot sa ganito na papanagutin mo ang isa dahil lamang alam mong hindi ka niya matitiis ay hindi ko pahihintulutan Sheryl. Huwag mong gawing miserable ang buhay ni Nigel na walang nagawan kasalanan sayo kundi ang minahal ka lang ng batang puso niya" dismayadong sabi ni Don Alfonso."Hindi ho ito