Malapad ang ngiti ni Kaye ng bumalik ang among si Dior at magkasabay na nga silang nagtungo sa silid kung saan gaganapin ang pagpupulong.Lingid sa dalawa, dalawang kamao ang gigil na nakakuyom at halos mag apoy an mga mata sa tindi ng selos. Kitang kita kase nito ang mga ngiti ng babae sa CCtv. Mga ngiting dapat ay kanya lang, mga ngiting pagaari niya.Nag igtingan ang mga bagang ni Nicolas, hindi niya kayang makitang makipagngitian at mabutihan sa iba ang asawa. Inaamin ni Nicolas na matindi ang selos na nararamdaman niya.Sa pagkakalayo nila ni Kaye ng halos dalawang taon ay hindj na niya alam ang mga pagbabago sa sawa. Noon ay hindi niya naranasan ang magselos. Kahit kase napakasungit ni Kaye noon sa kanya ay wala itong inentertain na ibang manliligaw.Pero iba na ngayon at hindi niya gusto ang nakikita. Magandang lalaki rin si Dior at mayaman din ang pamilya. Kung baga sa class ay ka level niya. Lalong nanlisik ang mata ni Nicolas sa monitor kahit wala na doon ang binabantayan.H
Nakalabas na ang lahat pero nanatiling nakaupo sa silya si Kaye. Hindi siya makapaniwalang tama ang kutob niya. Hindi siya namamalik mata lamang.Si Nicolas nga… si Nicolas nga ang may ari ng pinapasukan niya. Sa malas naman talaga. Sa dinami dami ng mapapasukan, sa ilang ulit niyang paglipat ng trabaho sa mga kamay din pala ng isang Buencamino siya babagsak. Napakamalas naman niya, kung kailan kakapirma pa lamang niya ng kontrata bilang regular, kung kailan nagkaroon na siya ng liwanag at pagasawa sa kanyang kinabukasan ay saka naman sumulpot si Nicolas."Ano ng gagawin niya? paano na? magreresign na ba siya? Kailangan na ba niyang lisanin ang trabaho?" Agam agam ni Kaye na biglang nabahala sa darating na mga sandali. Naging lamang ng isipan ni kaye ang tapogng iyon ng pagkikita nila ni Nicolas kaa halos tulala siya. Si Nilo pa ang nagpaalala sa kanya na kailangan ng umalis.Tulalang lumabas ng building si Kaye habang abala ap rin ang utak sa hindi halos kapani paniwlang pangyayari.
Kinabukasan ay nagaalangan si Kaye sa pagpasok pinakiramdaman niya ang paligid. Bagamat hindi siya makapaniwala na sa kusina pa rin and distinasyun niya ay ipinagpatuloy lamang ni Kaye ang gawain, ang mahalaga ay may trabaho siya.Pinakamahirap na parte at trabaho ay sa kusina lalo na pagkatapos ng rush hour at lunch time kaya kanda ugaga si Kase sa pagliligpit ng maruruming kitchen items. Kailangan palaging ilabas ang mga basang basura at mga left over para maiwasan ang langaw kaya naman nakailang ulit labas pasok si Kaye sa kusina at naglalabas ng black bag gamit ang exit door.At sa ilang ulit na paglabas pasok niya ay nakikita niya si Nicolas na nagmamando sa ilan staff na naglilinis ng glass na dinding ng restaurant. At nakahinga ng maluwag si Kaye dahil hindi siya nakikilala ni Nicolasat hindi man lang sulyapan. bagamt nakakaramdam ng kirot at sakit sa damdamin ay ipinangkibit balikat na lamang ni Kaye.Naging atease na siya ng sumunod pang sandali. Matrabaho at marumi ang kitch
Sinundan ni Nicolas ang sasakyan ni Dior hanggang sa bahay ni Kaye. Nagpupuyos sa galit si Nicolas ng alalayan ni Dior ang asawa. Nasipa ni Nicolas ang gulong at nasuntok ang side mirror ng makitang ininvite pa ni Kaye ang lalaki para pumasok sa bahay nito ng dis oras ng gabi."D*mn It! Kaye, pagsisisihan mo ang pagtataksil na ito sa akin" Sabi ni Nicolas.Habang nanantili sa labas at nagmamanman ay kung anu-ano ang pumasok sa isipan ni Nicolas. Naisip niyang baka matagal ng nagtatagpo ang dalawa, baka kaya mabilis na nakapasa si Kaye sa promotion, o baka may kapalit ang lahat.Baka bulod kay Dior ay nagkaroon pa ng ibang mga karelasyun si Kaye sa loob ng dalawang taon."Aaah., damn you Kaye!!" Halos sigaw ni Nicolas.Masakit sa damdamin at sa pride niya na masaya at maligaya ang asawa aa iba santalang siya ay nagdurusa ng dalawang taon, samantalang siya sa kabilan ng galit at poot ay nanatiling tapat. Mas lalong tila nabaliw sa galit ni Nicolasdahil sa napagtantong katotohanan, Katot
Halos hind na din namamalayan ni Nicolas kung paano nakakauwi dahi sa kalasingan si Nigel na lamang Ng nagkukuwento sa kanya sa mga nangyari kinabukasan pag gising niya. Kung tutuusin ay pabor kay Nicolas ang umuwing lasing at lango sa alak.Nakakatulog kase siya agad. Dahil ng minsang tangkain niyang matulog ng maaga at hindi nakainom namalayan niyang umaagos ang luha niya habang parang unlimited na bumabalik sa alaala niya ang lahat ng kahihiyan at mga sandaling kailangan niyang magtago at mag ermitanyo para lamang makaiwas sa mga tanong at paguusisa ng karimihan.Dahil sikat ang pamilya nila sa lugar ay naging topic ng buong bayan ang nangyari at halos pitong buwan bago huminahon ang lahat. Buong akala pa nga niya ay laylow na pero bigla niyang nakita ang pangalan at larawan niya sa lokal na diyaryo na lalo namang pinagpyestahan kahit ng kabilang bayan hanggang sa may mga dumating ng mga taga radyo at lokal na medya ng kanilang lunsod para interviewhin siya.Kaya lalong nagkulong a
"What?" Halos hindi makapaniwalang sabi ni Kaye."Nananadya ba ito o ano bang gusto nitong palabasin?" Ngitngit ni Kaye. Pero ni choice siya. Niligpit na muna ni Kaye ang kama at pinalitan ang bed sheet. Inamoy amoy niya ang unan na ginamit nito.Sa totoo lang curious si Kaye sa lahat ng bagay tungkol kay Nicolas.Hindi kase sila nangkaroon ng pagkakataong makasama ang isat isa kahit isang gabi lang.Naranasan niya ang maalagaan nito noong mga panahong inaasikaso nila ang kasal, naranasan niya kung paano ito manligaw yun nga lang hindi niya na enjoy dahil pinairal niya ang galit noon. May sumilip na munting luha sa mata ni Kaye ng maalala ang nakaraan pero agad niya iyong pinunas.Wala ng dapat panghinayangan.Tumayo si Kaye at nagpainit ng tubig sa electrik kettle bago kumuha ng bagong towel at nagabang sa labas ng banyo. Di nagtagal ay bumukas ang pinto. Lumabas ang isang hunk na basa pa ang katawan pero nakatapis ang bahaging ibaba. Biglang napayuko si Kaye dahil baka makilala siya ni
“Kaye…. Kaye..! sandali lang Kaye..bakit mo ako iniwan KAye.. Kaye...." Sigaw ni Nicolas na hindi halos nagawang ibaba ang telepono. Hinabol niya ang papalabs na babae na nakaabresiete sa isang lalaking matangkad. palabas na ito ng pinto. Kasing bulas ito ng katawan ng kanyang asawa at magkasing haba ang buhok. Biglang hinablot ni Nicolas ang braso ng babae at hinatak saka niyakap. Nagulat ang babae at nasampal si Nicolas. Samantalang ang lalaki naman na kasama nito ay nabastusan sa ginawa ni Nicolas kaya biglang umigkas ang kamay at sinuntok si Nicolas kaya sapol ito sa panga. Agad namang inawat ng mga naroroon ang dalawang lalaki partikular na tinulugnan si Nicolas na bumulagta sa sahig dahil sa kalasingan.“Kuya… kuya.. anong nangyayari..kuya..Kuya… Sh*t.. not again..”Sabi in Nigel sa kabilang linya sabay umalis ng bahay at pumara ng taxi. Mukhang lasing nan ga ang kuya niya at may nakita na naman na napagkamalang si Kaye."Kaye..nasan ka ba? bakit mo iniwan si Kuya? Ikaw lang
Nagkukumpolan sa may memo board ang mga empleyado ng pumasok si Kaye. Muntikan pa siyang ma late dahil sa bigla na namang nag spark ang ilaw sa maliit na apartment niya. Luma na kase ang apartment at medyo nagmamal function na ang mga bagay bagay. Napilitan na nga siyang pakiusapan si Dior na e-check ang ilaw niya dahil wala na naman siyang ilaw pagbukas niya ng pinto noon minsang hinatid siya ng among binata.Naiilang man na magpapasok ng lalaki sa bahay niya ay walang choice si Kaye. Nag spark kase anf ilaw at natatakot siya na baka pagsimulan ng sunod kapag nakatulog na siya. Naiilang si Kaye sa binata lalo na kapsg napagsosolo sila dahil sa mga pasundot sundot na biro nito sa kanya. Makulit ito noon pa man pero sinabi na niya dito na may asawa na siya simula pa lang, ayaw nito maniwala dahil wala siyang wedding ring at wala naman daw nakikita. Sinabi na lang niya na nasa ibang bansa ang asawa at ang wedding ring ay nakakuwentas sa kanya dahil masikip na. Pero kalaunan ay nangul
"Ang kapal ng mukha" bulong ni Kaye.Naningkit naman sa galit ang mga mata ng Lolo ni Nicolas. "Kaye, I'm so sorry about this, promise aayusin ko to" Biglang hinarap ni Nicolas si Kaye na lam niyang nagulat ng mga sandaling iyon. "Love, Please huwag ka sanang magisip ng kung ano. Sinabi ko na sayo lahat, wala na akong tinatago. Hindi ko alam kung ano ang issue na iyo ni Sheryl pero you know her very well, Alam mo namang may mga kalokohan siya ginawa before" Paliwanag pa ni Nicolas. "Ayusin mo yung babae yon Nicolas. Clear everything to her. Ayoko ng ganito na bigla na lamang may susulpot.Baka mamaya kung ano na naman lang ang pagsasabihin nya tungkol sayo na makakaapekto na naman sa atin. Ayoko ng maulit yung nakaraan. Ayoko ng bumalik at maranasan ulit yung hirap na yun" sabi ni Kaye. "Yes, Love I promise. I'm sorry about this again, pero pakiusap trust me this time please..please.." sabi naman ni Nicolas. Gusto ko nang umakyat sumama ang pakiramdam ko" sabi ni kaye na totoong na
"Kiss....kiss...kisss...!!" Sigaw ng mga bisita. Habang kinakalantog ng kutsara ang baso haeak ng nga ito. Para silang nasa totoong reception.Kasabay ng paghawak ni Nicolas ng mukha niya at paghalik sa kanya ng ubod ng tamis isinumpa ni Kaye na pakamamahalin ng buong buhay niya si Nicolas. At si Nicolas naman ay nangakong hinding hindi susukuan ang asawa at mamahalin habang buhay. Tumagal ang halik na halos kapusin na si Kaye ng hininga .Togtog ng isang makalumang kanya ang umalingawngaw na nagpabitaw sa labi nila."Oh kailangan ng magasawa magsayaw bilang unang hanap buhay.Pero bago yan may speech muna ang magasawa" Sabi iyon ng matandang Buencamino na malapad ang ngiti ng oras na yun."Tay huwag na ho nakakahiya, hindi naman na ito totoong kasalan kayo talaga...." nahihiyang saway ni Kaye na pinigilan ang ama na dalhin pa sila sa gitna.Malakas na palakpak ang umalingawngaw sa buong sala na iyon. Napalingon ang lahat sa bisitang pumasok at ngayon ay nasa tarangkahan ng pintuan."W
"Pero papa please naman wag nyo na itong uulitin ni Tito Fidel. Naku naman mauuna ako sa inyo mamatay eh" Sabi ni Nigel. "Kaya nga ayaw ko magpadala sayo sa doctor diba kase mabubuking ako? Nang makita kung dumating na si Nicolas titigil na sana ako at magkukunwaring okay na kaso diyos ko supot ka lang pala sa pagka OA nung isang yun. Kaya ng binuhat ako ng kuya mo sabi ko na lang bahala na" "Kaso hindi ko akalaing may totoo pala tayo emegency. Kung alam ko lang, dapat sana hindi na ako nagpagod umarte.Sana magign okay na si Kaye" Sabi ng kanyang ama. "Hay, yari tayo kay Kuya nito. Malamang mainit ang ulo niya at nagkasakit si Ate Kaye. Naku talaga Papa pagnagsasama kayo ni Tito Fidel hay, malalang tunay" Sabi ni Nigel. Sabay namang tawa ang mag balae at nag apir pa. "Oh siya ikaw na lamang ang maghintay sa kuya mo. Kami ni Balae ay uuwi na at masakit sa tuhod ang lamig dito at napagod ako kanina kaka acting para akong si Christopher De Leon diba?ano sa palagay mo balae" "Ano ban
"Nurse nurse..anong room ni Mrs Kaye Buencamino?" Sabi ni Nicolas na agad pumasok ng hospital."Kelan po ba naadmit sir?" Sabi ng nurse."Ah ngayon lang, oo tama ngayon lang nahilo daw ang asawa ko""Ah sir baka po nasa emergency pa po. Nasa out- patient po kayo" sabi ng nurse."Thank you Ah..Okay sige"Napapahiyang paalam ni Nicolas Nagpapanic na kase siya kaya hindi na niya alam kong saan siya nakapasok. Agad nagpunta ng emergency room si Nicolas."Doc..Doc..! yung babaeng hinimatay nasan po?""Sino po sila?kaano ano kayo ng pasyente?" sabi ng doctor na inabutan niyang nasa bungad."I'm her husband. Anong nangyari sa misis ko!?""Ah kayo pala ang asawa ni Mrs Buencamino. She is fine now. Naroon siya Sir, sa dulong bed" turo ng doctor.Hindi na nagawang magpasalamat ni Nicolas agad ng tinalikuran ang doctor at halos inisang hakbang ang dulo ng emergency room. Nadurog ang puso ni Nicolas ng makitang naroon nga ang asawang kinasasabikan. Pero laking pasasalamat niya dahil ayos naman na
"Papa..!papa!! Sigaw ni Nicolas mula pa lamang sa Veranda. "Papa!Papa!.."patuloy na sigaw ni Nicolas ng makapasok na sa kabahayan.Nadatnan ni Nicolas ang ama na hirap na huminga at kalong ito ni Nigel, samantalang hindi naman magkamayaw ang ama ni Kaye kakapaypay dito.Namumutla na ang ama at tika hindi na makahinga. Umiyak na si Nigel habang kinukumbinsi ang ama na magpadala na sa hospital pero panay ang iling ng kanyang ama. "Papa!!" Malakas na sigaw ni Nicolas damadagondong ito kaya napalingo ang lahat ng naroon. "Anong nangyari?!?" Tanong agad ni Nicolas na agad lumapit sa ama at kay Nigel. "Kanina kuya nahihilo siya at parang nanghihina.Tapos bigla na lang tumirik ang mata kaya tinawagan na kita kahit kabilin bilinan mong wag kang kokontakin.Tapos saglit lang naman ang pagtirik at ganyang na hapos namumutla na at hindi makahigna" Sabi ni Nigel. "Eh bakit hindi mo agad itinakbo sa hospital ha Nigel kahit ayaw niya. matigas ang ulo niyang noon pa dapat binuhat mo na" Sabi ni
Pagod man sa buong maghapon si Kaye dahil sa gawain at mga bagay na ginagawa na hindi naman na niya gawain pero mas pinipilit niyang gawin para malibang. Hanggat maaai ay ayaw niyang umuwi ng mansion dahil ayaw niyang nakikita si Nigel na tisoy version ni Nicolas. Palangiti si Nigel palibhasa may easy go lucky na awra pero kapag seryoso ito ay parang kakambal ni Nicolas at kapag nakikita ito ni Kaye lalo lamang bumibigat ang paki ramdam niya.Matuling lumipas ang dalawang buwan at hindi iyon namalayan ni Kaye dahil sa pagiging abala. Nitong huling linggo kase ay nadadals siyang mahapo at mahilo dahil na rin sa puyat, at pagkawalang ganang kumain. Madalas kakaiwas niyang umuwi ay hind na siyang nakakapag hapunan at nitong mga huling araw ay sunod sunod siyang nagigising ng alanganin dahil sa napapanaginipan niya si Nicolas. Miss na miss na inya ito kaya siguro ganun.Lingid kay Kaye, masid pala siya ni Don Alfonso mula pa noon at nagpapalitan pala ng kuro kuro ang magbalae. “Mukhang
Sising sisi talaga siya sa pagpadalos dalos na ugali niya.Noon pa napakarami na niyang sinasayang na panahon."Kung hindi siya lumayo noon. Kung imbes na tumayo sa kama ay sumiksik na lang siya kay Nicolas at ipinaubaya sa tadhana ang bukas mas maayos siguro. Mas masaya siguro. Pero hindi siya mawawalanng pagasa. Kung galit nga sa kanya ang asawa ay pagdudusahan niya iyon.Maghihntay siya sa Mansion at gagampanan ang obligasyun habang hinihintay na uuwi si Nicolas. Paglabas ni Kaye silid ay napalingon siya sa kanyang kaliwa.Tila kase may kausap si Don Alfonso.Kinabahan si Kaye at umakyat sa ulo ang tuwa. Para siyang biglang lumutang sa alapaap. Humakbang palapit ng silid ng beyanan si Kaye.Papalapit na siya sa pintuan ng marinig niya ang malakas ng tawa ni Don Alfonso sa pagitan ng pagkukuwento at ang malakas din na tawa ng lalaking kausap nito at hindi siya makapaniwala... "Nicolas....!?"Lumuha na lamang si Kaye ng marinig ang boses ng lalaki sa loob.Hindi niya malaman kung kakat
"P-atawad po Don Alfonso hindi na po mauulit at babawi na po ako pangako yan magiging pinaka karapat dapat po akong asawa ni Nicolas.Gagawin ko po ang lahat Patawad po ulit sa pagkakstaon at pangunawa.Maraming salamat po Don Alfonso" Sabi ni Kaye na yukong yuko at maga na ang mata at nguso kaka hagolhol ng iyak. Hindi na niya alam ang tamang sasabihin sa sobrang tuwa."Wala ka namang kasalanan iha nagsabi ka lang ng totoong bigat ng kalooban mo.Hayaan mong tulungan ka naming maghilom.Mas mabilis ang paghilom kung magkatuwang sana kayong parehas na sugatan""Pagibig ang pinakamabisang gamot iha dahil pagibig din ang pinakamalalang sakit""Ayusin mo na ang sarili mo at gutom na ako.Doon tayo mag almusal sa Villa ng ama mo sigurado sarat na ang ilong noon sa gutom. Huwag kang magalala pinainit ko na at ipinahatid ko na doon ang hipon na niluto mo at doon ko na kakainin" Sabi ng Don."Salamat po.. salamat po Don Alfonso""Isa pang Don Alfonso ang marinig ko sa bibig mo, ipakukulong ko ang
Lumuha si Kaye sa lahat ng katotohanan namalas ng sandaling iyon.Sa kagipitan ay naisanla niya ang kaisa isang alaala ng ina. At sa kabugsuan ng kanyang damdamin at pagiging makasarili heto ngayon tulad ng nagawa niya sa ama ay nakalimutan na rin niya pati ang pangakong babalikan ang kuwintas ng ina."Unang una iha patawarin mo ako, totoong ako ang nagpasara ng palaisdaan, pumakyaw ng hipon at nagsabi sa resto na itago ang frozen prawns para hindi ka makahanap, iyon ay para mahirapan ka para malaman at marealized mo na mahirap ibalik ang mga bagay na mawawala" Sabi ng Don habang nakatitig sa kuwintas niya."Gusto kung maintindihan mo na kapag nawalan ng bisa ang kasal ay mahirap ng ibalik ito pati na ang paghilumin ang mga pusong masasktan dahil sa mga padalos dalos na desisyun mo.Gusto ko sanang sabihin sayo na wala akong balak gawin ang request mo pero sinadya kong umoo at hamunin ka para matauhan ka"dagdag ng matanda."Gawa ko rin ang lahat ng nasa silid mo.Ang batang nakausap mo s