Nenenerbiyos pero excited si Kaye ng araw na iyon dahil ngayon malalaman kung makakasama siya sa magiging regular employee o tulad ng mga nakaraan na hanggang six months lamang sila parati. Nakakapagod na rin kase halos pang apat na niya itong lipat palaging hadlang ang kanyang educational backround. Dito nga sa restaurant na ito kung hindi pa nangkaroon ng program about out of school part timer hindi pa siya masasama.At mabuti na lang nagkaroon sila ng chance daw na maging regular employee kung maayos ang performance at feed back ng mga may ari. Nagawa ni Kaye ang lahat ng abot ng kanyang makakaya para gandahan ang performance, pumayag siyang mag overtime kapag absesnt ang isa. Mapa dine in at kitchen pinanghusayan niyakaya alam niya wala ng maipipintas sa kanya maliban sa educational backround niya.Sana nga lang eh makita ito ng may ari. Sabi ni Mr. Butch ang kanilang manager ay ang may ari ang mamgdedesisyun kung sino ang mananatili sa programa o sino ang uuwing luhaan.Ang mayar
Napatayo si Nicolas sa kinatatayuan ng maconfirm na si Kaye nga ang nakikita niya.Si Kaye nga ang nasa harap niya .Bagamat ibang iba na ang hitrsura nito sa Kaye noon ay siguraso si Nicolas na ito ang asawa niya lalo na ng marinig niya ang malambing na boses nito kapag hindi nagtataray.Halos dalawang taon plinano ni Nicolas kung paano maghihiganti at kung paano ibabalik sa asawa ang ginawa nito sa kanya. Halos marami siyang binuong plano kung saka sakaling mag krus ang landas nila ni Kaye. Gusto niyang lumuha ito ng dugo katumbas ng lahat ng luha niya gabi gabi dahil sa panguilngulila. Gusto niyang gumapang ito sa hirap katumbas ng hirap ng kalooban niya noon at gusto niyang lumuhod sa harapan niya ang asawa at magma kaawa ng kanyang kapatawaran tulad ng kung paano siya nagmakaawa noon sa ama na huwag ipawalang bisa ang kanilang kasal.Tinatagan ni Nicolas ang sarili at determinado ang plano ng pumasok sa resto pero ng makita si Kaye at mamasdan ang bagong hitsura ng asawa, hindi mal
Matapos ang halos isang oras na pakikipag talastasan sa sarili ay lumabas ng opisina Nicolas at nagsulat ng mahalagang Announcent sa Memo Board. Halos hindi naman magkandaugaga si Kaye sa pagaasikaso sa kusina.Bilang isa sa mga nag apply ng program para maging regular employee isa sa requirements ay dapat nilang maranasan ang lahat ng gawain sa bawat department ng restaurant kabilang pa ang hotel. Ang restaurant kasing pinagtatrabahuhan niya ay may kanugnog na Hotel at Resort sa likod.Kaya pagkatapos mag assist at kabisaduhin ang mga bagay sa restaurant ay Hotel naman ang kasunod.Kanina pa siyang umaga nahihilo at namumutla marahil dahil sa pagod at puyat. Bukod kase sa halos naging sunod sunod ang overtime niya at kung minsan sinasalo pa niya ang mga gustong mag day off.Hindi kase kumukuh ng day Off si Kaye para makadagdag sasahod.Nagaaral ng management si Kaye.Nagenroll siya nitong semester lamang. Kahit paano kase ay nakaipon na siya ng sapat para makapag enroll yun mga lamang k
Magandang babae ang prenteng natutulog ang nakita ni Nicolas.Tulo laway pa ito. Dahan dahang lumapit si Nicolas paharap sa babaeng walang iba kundi si Kaye."Ay sir si ano po yan, gigisingin....."Sumenyas ng Quiet si Nicolas sa empleyadang palapit saka niya tinaboy palayo.Sumenyas ito ng coffee sa babae na naunawaan naman nito. Umupo si Nicolas sa katabing Devan sa tabi ng asawa at doon payapa at malayang pinagmasdan si Kaye.Impis talaga ang pisnge nito nawala na ang tambok na noon ay gustong gusto niyang pisilin at paghahalikan pero taglay pa rin ni Kaye ang maamong mukha na taliwas sa mala tigre nitong karakter at ang labing miss na miss niya pero hindi man lang nagawang pagsawaan.Heto ang babaeng halos dumurog sa pagkatao niya, babaeng nagdulot ngatinding kahihiyan at kalbaryo sa kanya sa loob ng dalawang taon. At isinusumpa ni Nicolas na hindi niya palalagpasin ang isang araw na hindi niya naibabalik ang hirap niya noon sa babaeng ito."Ipalalasap niya ang sakit na dinulot nito
Sa tindi ng hinanakit at galit sa puso ni Nicolas inaamin niyang pumasok sa isipan niyang singilin ito doon mismo kahit nasa ganoong kalagayan.Sumagi sa isip niyang angkinin ang bagay na dapat ay sa kanya noon pa man. Pero ng umumgol at nakita ni Nicolas ang pagpatak ng munting luha sa mata ni Kaye. Natauhan si Nicolas at nagsisi sa mga naiisip. Pero ang pagiging likas na lalaki ay hindi niya na makontrol.Ang pananabik sa asawa ay unti unti ng lumulukob sa pagkatao niya kaya nakita na lamang ni Nicolas ay sariling yakap ang pawisang asawa.Isang masuyong halik sa labi ang ginawa nNicolas pagkatapis ay libo libong kontrol ang gonawa upang awatin ang sariling laliman ang halik na iyon.Saka madalian niyang sinuotan ng hotel robe si Kaye at kinumutan saka ikinulong ng binata ang sarili sa Cr. Nagtagal si Nicolas sa banyo, nanglunoy nga sa shower kung ilang oras ay hindi niya alam.Matapos mahimasmasan ay nagbihis ulit ng dating suot saka patalilis na lumabas ng kanyang silid at muling bu
Hirap si Kaye ng araw na iyon dahil All around siya sa araw na iyon. Pero dahil sa magandang balitang nakita ay ginanahan na lang niya imbes na makaramdam ng pagod. Palabas na si Kaye ng kitchen ng masalubong niya sa labas si Dior ang manager ng Resto. As usual, maganda na naman ang ngiti nito sa kanya. Minsan naiisip niya na nagpapa cute ito sa kanya. Pansin niya kase na siya lamang ang nginingitiian nito na abot hanggang tenga, ang ilang babaeng staff kapag binabati ito ay tango lamang ang sagot pero kapag siya ang bumati ay may sagot na may ngiti pa. Tulad ngayon. "Good afternoon po Sir Dior" Bati ni Kaye. "Hi Kaye, papunta ka na ba sa meeting?"tanong nito. "Ah yes sir natapos ko na po ang lahat ng gawain sa kitchen" Sabi ni Kaye. "Sa kitchen? you mean sa kitchen ka pa din naka assign. Oh my God! let me talk to Merna, para mailipat ka agad sa dapat mong department. Gusto mo ba sa hotel na lang?" Sabi ni Dior. "Okay lang sir sabi naman sa HR ngayong araw lang dahil biglaan
Malapad ang ngiti ni Kaye ng bumalik ang among si Dior at magkasabay na nga silang nagtungo sa silid kung saan gaganapin ang pagpupulong.Lingid sa dalawa, dalawang kamao ang gigil na nakakuyom at halos mag apoy an mga mata sa tindi ng selos. Kitang kita kase nito ang mga ngiti ng babae sa CCtv. Mga ngiting dapat ay kanya lang, mga ngiting pagaari niya.Nag igtingan ang mga bagang ni Nicolas, hindi niya kayang makitang makipagngitian at mabutihan sa iba ang asawa. Inaamin ni Nicolas na matindi ang selos na nararamdaman niya.Sa pagkakalayo nila ni Kaye ng halos dalawang taon ay hindj na niya alam ang mga pagbabago sa sawa. Noon ay hindi niya naranasan ang magselos. Kahit kase napakasungit ni Kaye noon sa kanya ay wala itong inentertain na ibang manliligaw.Pero iba na ngayon at hindi niya gusto ang nakikita. Magandang lalaki rin si Dior at mayaman din ang pamilya. Kung baga sa class ay ka level niya. Lalong nanlisik ang mata ni Nicolas sa monitor kahit wala na doon ang binabantayan.H
Nakalabas na ang lahat pero nanatiling nakaupo sa silya si Kaye. Hindi siya makapaniwalang tama ang kutob niya. Hindi siya namamalik mata lamang.Si Nicolas nga… si Nicolas nga ang may ari ng pinapasukan niya. Sa malas naman talaga. Sa dinami dami ng mapapasukan, sa ilang ulit niyang paglipat ng trabaho sa mga kamay din pala ng isang Buencamino siya babagsak. Napakamalas naman niya, kung kailan kakapirma pa lamang niya ng kontrata bilang regular, kung kailan nagkaroon na siya ng liwanag at pagasawa sa kanyang kinabukasan ay saka naman sumulpot si Nicolas."Ano ng gagawin niya? paano na? magreresign na ba siya? Kailangan na ba niyang lisanin ang trabaho?" Agam agam ni Kaye na biglang nabahala sa darating na mga sandali. Naging lamang ng isipan ni kaye ang tapogng iyon ng pagkikita nila ni Nicolas kaa halos tulala siya. Si Nilo pa ang nagpaalala sa kanya na kailangan ng umalis.Tulalang lumabas ng building si Kaye habang abala ap rin ang utak sa hindi halos kapani paniwlang pangyayari.