“Mommy, okay lang po ba kayo?” Tanong ni Aaron nang nasa kalagitnaan na kami ng biyahe pauwi sa amin. Hindi ko siya nilingon, nakatingin lang ako sa daan habang iniisip ang sinabi ni sir Zach kanina.“Yes, anak, okay lang naman ako. Bakit mo natanong?” Sagot ko bago siya nilingon.Mukhang kanina pa niya ‘ko pinagmamasdan, naabutan ko kasi siyang nakatingin sa’kin. Sa tingin ko nagtataka na ‘yan sa kinikilos ko magmula pa kanina.No’ng umalis kasi kami sa school, tahimik lang ako at hindi ko nagawang magpaalam kay Amy. Diretso sakay lang ako sa kotse at minaneho ito. Dahil sa pakiusap ni sir Zach, hindi ko na alam kung ano ang gagawin.“Simula po kasi no’ng umalis tayo sa school naging tahimik na po kayo at parang hindi mapakali. May nangyari po ba? May ginawa po ba sa inyo ang tito ni Amy?” Nag-aalala na tanong niya.Hindi ko p’wedeng sabihin sa kan’ya ang tungkol do’n dahil baka mas lalo pa siyang magtaka sa pagkatao ni sir Zach. At ayoko rin na mangyari ‘yon kasi ayoko na mapalapit s
May fiancée na siya? Kailan pa?I mean, wala naman akong pakialam kung meron talaga pero malalaman ko ‘yon kasi halos isang buwan ko na siyang nakasama rito.Pero tama lang ‘yon na may fiancée siya para hindi na ako pag-isipan ng kung anu-ano ng mga ka trabaho ko.After ko magtimpla ng kape, bumalik na ‘ko sa office at nagsimula na sa trabaho. Pero ‘di pa rin mawala sa isip ko ang tungkol do’n at ewan ko ba kung bakit. Wala akong gusto sa kan’ya at kahit kailan hindi mangyayari ‘yon. Pero bakit ko ‘yon na iisip?“Athena, may meeting mamaya para sa team building next month,” anunsyo ni Rica nang lumapit ito sa table ko.“Ah oo .. sinabihan ako kahapon ni Von. A-attend ako mamaya, don’t worry,” sagot ko at umalis na rin siya.Napabuntong hininga na lang ako. Ang dami ko pang kailangang gawin at tapusin pero hindi ko matapos tapos kasi may mga bagay na humahadlang. Hindi naman ako nagrereklamo kaso sana isa-isa lang, tao pa rin naman ako at napapagod.“IT department, good morning,” sabi
Dahan-dahan kong nilingon ang babaeng nakaupo sa sofa. Hindi ako nagkamali, siya nga. Parang bigla akong nanghina. Hindi ko maihakbang ang mga paa ko at nahihirapan akong huminga. Hindi ko alam kung bakit pero sa tingin ko dahil sa trauma na pinaranas niya sa akin noon. Gusto ko ng makalabas dito bago pa niya ‘ko makilala. “Apakasungit mo talagang boss pagdating sa mga empleyado mo, Elli,” sabi nito bago tumayo para lumapit sa direksyon naming dalawa ni sir Zach. “Lauren, I’m getting pissed. Please, leave my office before I call the security guard,” masungit na sambit ni sir Zach na ikinahinto ni Lauren sa paghakbang. “Okay, fine! But I’ll be back tomorrow, okay? Bye,” aniya at nag-flying kiss pa ito pero wala namang epekto kay sir Zach. Pagkatapos niyon lumabas na rin siya ng opisina. Pero hindi pa rin ako kumakalma kasi alam kong makikita ko pa rin siya rito sa kompanya. Bakit siya pa ang naging fiancée ni sir Zach? Ang tahimik na ng buhay ko at ayokong magulo ito dahil s
“Mommy, may problema po ba?” Tanong ni Aaron nang mapansin nito ang biglaang pagtahimik ko. Kaagad ko naman siyang nilingon at umiling bilang sagot sa tanong niya.“Wala naman, anak. Ayos lang si mommy may iniisip lang,” sabi ko para ‘di na siya mag-alala.Nandito kaming dalawa sa kwarto ko, nagpapraktis para sa gagawin naming performance sa darating na family day. Umuwi ako para makapagpahinga pero hindi ako makatulog dahil sa kakaisip ng mga sinabi ni Lauren kanina na nag-iwan ng pangamba sa akin.Natatakot ako sa banta niya kasi anumang oras maaaring malaman ni sir Zach ang tungkol kay Aaron. Hindi ko alam kung bakit nalaman ni Lauren ang tungkol doon. Hindi ko alam kung paano nakarating sa kaniya ang gano’ng balita. Pero sa tingin ko may nakapagsabi sa kaniya. Naguguluhan pa rin ako ngunit mas nangibabaw ang takot at pangamba para sa kapakanan ng anak ko.“Anak, may sasabihin si Mommy .. pero sana ‘wag kang magalit,” sabi ko.“O sige, Mommy. Ano po ‘yon?” sagot niya at umupo siya
Kumunot ang noo niya dahil sa sinabi ko. Nakapagtataka pero hindi ko na lamang ito pinansin. Nag-iwas na lang ako ng tingin sa kaniya at pumunta na ng counter para magbayad. Wala na ‘kong pakialam kung ano man ang gawin niya. Kahit sabihin pa niya kay sir Zach wala na ‘kong pakialam. Malalaman at malalaman pa rin ng lalaking ‘yon ang tungkol sa’kin at sa anak namin. “Let’s talk, Athena.” At bigla na lang ako nitong hinatak paalis ng counter. Ano pa bang kailangan sa’kin ng lalaking ‘to? Ayoko ng magpaliwanag sa kaniya pero gusto pa nito na mag-usap kami. “Ano ba?! Bitawan mo ‘ko. Ano bang kailangan mo sa’kin?” pagpupumiglas ko. Napatingin ang mga tao sa amin dito sa loob ng supermarket pero parang walang pakialam ang lalaking ‘to. Patuloy lang siya sa paglalakad at paghatak sa akin hanggang sa tuluyan na kaming nakalabas ng exit. At doon niya lang ako binitawan. “Ba’t mo ‘ko dinala rito? At ano ba ang pag-uusapan natin?” Naiinis na sambit ko pero seryosong tingin lang ang sin
Hindi ako makapaniwala na may kapatid pala si sir Zach kasi akala ko rin nag-iisang anak lang siya ng pamilya Montero ‘yon pala hindi. Pero sino naman kaya ang tinutukoy nilang kapatid niya? ‘Di kaya nandito ‘yon ngayon kaya nila pinag-uusapan?Na curious tuloy ako kung sino ‘yon. Parang biglang nawala sa isip ko ang mga nalaman ko kahapon. At mas naging interesado akong malaman kung sino ang tinutukoy nilang kapatid niya.After kong magtimpla ng kape, umalis na ‘ko ng pantry at bumalik na ng opisina para magsimula ng magtrabaho. Pero bigla akong napaisip, katapusan na pala ng August ngayon at bukas panibagong buwan na ulit. At malapit na rin ang gaganaping family day.“Athena ..” Nag-angat agad ako ng tingin nang may tumawag sa akin. Si Miss Lena lang pala.“Po, Miss Lena? May kailangan ba kayo sa’kin?” Tanong ko nang makalapit na siya sa direksiyon ko.“Pinapatawag ka ni Sir Zach sa office niya, ASAP,” aniya na ikinagulat ko.Tapos na ang board meeting niya? Ang aga naman para makit
“I’m sorry for what happened earlier,” wika ni sir Zach. Nandito pa rin ako sa opisina niya. Hindi ako umalis kasi may ipapagawa raw siya sa’kin. Hindi ko alam kung ano pero sa tingin ko aayusin na naman ang internet connection niya. Hays, walang katapusang ayusan. “Okay lang po, naintindihan ko,” sagot ko nang makaupo ako sa sofa. Bumalik na siya ng upo sa table niya pero napansin ko na niluwagan niya ang pagkakabit ng necktie niya. Halatang na stress dahil sa nangyari kanina. "You weren't supposed to hear that. I should have called you in once he left. You even witnessed that confrontation between us.” Halatang nagsisi siya kung bakit pinapunta niya pa ‘ko rito kung kailan nandito ang kapatid niya. Pero kapag ‘di ako pumunta rito, hindi ko naman malalaman na si Zander pala ang kapatid niya. “A-Ayos lang po, sir, naintindihan ko naman pero ‘di ko lang ini-expect na gano’n ang pag-uusapan ninyong dalawa. Hindi ko na dapat narinig ‘yon. I’m sorry—” "You don't need to apologize. I
"Now, tell me. Why you're crying earlier?"Hindi ako sumagot sa halip dumistansya ako sa kaniya ng kaunti. Pati ba naman dito sa elevator, kailangan pa niyang itanong 'yan."Miss Sandoval—”"Sir, okay lang ako. Hindi niyo na kailangang mag-worry. Wala namang ginawang masama sa'kin ang kapatid niyo," putol ko sa kaniya pero may bahid ng inis ang boses ko."That was the first time I saw you crying," aniya."And it's not for you to worry about," diretsong sagot ko na ikinatahimik niya.Biglang huminto at bumukas ang elevator pero 'yon pala may sasakay lang. Mga nasa limang katao ang pumasok. Halos silang lahat nag-uusap kaya hindi nila napansin ang presensya ni sir Zach dito sa loob."Nakita niyo 'yong nangyari kanina sa lobby?" Sabi ng isang babae na may kaiklian ang buhok.Dalawang babae at tatlong lalaki ang sumakay. At sa tingin ko empleyado sila ng Finance Department. Minsan ko ng nakasabay sa pagsakay ng elevator ang isang lalaki na kasama nila."Ah, 'yong nangyari between sa kapat